YTM’s Next Top Model: 5th Elimination Night

Dear fans and followers,

The fans have voted.

The judges have spoken.

Sa ating 8 na finalists, sino ang uuwi na?

Welcome sa fifth Elimination Night ng sikat na sikat at kinababaliwang Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito po ang nakakalokang modeling search sa blogging world na handog sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 8 finalists ang tuluyang magpapaalam. Almost 1,000 votes na naman nationwide ang pumasok para sa round na ito! Salamat sa lahat ng mga bomoto at sumuporta sa YTMNTM.

Alam kong sabik na sabik na kayong malaman ang matatanggal na modelo sa gabing ito. Sorry naman at medyo late. Umaura pa kasi ako. Pero bago ang announcement, gusto kong sabihing naging napakainit at napakatindi ng laban sa round na ito! UNPREDICTABLE! Nakakaloka.

Nakakalungkot man subalit kailangan nating magtanggal ng 1 model tonight. Sigurado akong maraming malulungkot kasi napamahal na rin ang lahat ng mga finalists sa ating lahat. Napakahirap ng mag-eliminate ngayon. Ang best na kasi nilang lahat. Ramdam na ramdam ko yung passion at dedication nila para sa online show na ito. Lahat sila magagaling! Lahat sila may kanya-kanyang unique character and strength.

Enough of the arte. Ito na! Tanggalan na. Mga fans, sama-sama tayong magpasalamat at magpaalam kay:

_______________________

“Ang senswal ng feel ng photo. Hilig mo sa red-red ha? Not your strongest photo either. Pero safe enough. Gusto ko yung may mga times na nag-me-mellow ka. Sure akong aatake ka nanaman sa susunod, when it really matters.” -Mr. Rogelio Estacio Jr., General Manager, Adbokasya.

“Mukhang favorite ni Ms. Nessa and kimono-type tops. Love this photo as well, sana mas relax lang when you’re reading a book, when I look at this photo it seems medyo hirap therefore unnatural ang pagkaupo/sandal to read the book. Don’t be afraid to make use of clashing colors, para mas mag-standout ka rin from your environment/setting.” -Ms. Sonia Pascual, Senior Copywriter, LOWE Philippines.

“Sexy-sexyhan lagi ang arrive mo! Umo-off shoulder ang pambahay. Don’t get me wrong, i love it! Ganda ng room mo. Pa-tambay naman. Sa modeling side, hmm… mas gusto ko yung ginawa ni Jeff and Paris (sorry for the comparison kasi pareho kayo ng favorite hobby pag asa bahay) but you are definitely safe in this round with your entry.” -Ms. J.C. Cantos, Dolled up by J.C. Cantos.

___________________________

Hindi po ginamit ng ating mga judges ang kanilang SAVE POWER kaya si Nessa ay tuluyan nang magpapaalam. :( NAKAKALOKA! :(

MARAMING salamat sa iyong pagsali at pagiging bahagi ng makasaysayang YTMNTM. Salamat sa pinakita mong tapang, husay at galing. Hangad namin ang inyong tagumpay sa anumang landas na inyong tatahakin. Ipagpatuloy mo mo ang napakagandang adbokasya mo, Nessa. Mabuhay ka!

Mahal ka namin. Mahal ka ni Madma. :)

____________________________

At ngayon, nais kong ipakilala ang tatlong nangungunang finalists sa round na ito. Sila ang tatlong naging pinaka-makinang among the 8 finalists! Shout ouch naman sa members ng “Powerful 3!” Ibang-iba na naman members ng Powerful 3 ngayon compared to last week!  Ang pasabog talaga!!! KALOKA!!!

CONGRATULATIONS and let’s give it up for (in order):

____________________________

Paris, 24, Quezon City

_____________________________

Jetti, 28, Quezon City

________________________

Jeff,22, Malabon

___________________________

Sila ang ating Powerful 3 for this week! Grabe, ayaw paawat ni Paris! Hindi nagpatinag si Ma’am up to the very end! First time n’ya mapunta sa Powerful 3 at top 1 agad! WOW! You are soooo back, Paris. Sana tuluy-tuloy na ito! Congrats!

Napakusay din ng entry ni Jetti. As always, pasabog si Ma’am. Very consistent si Jetti sa Powerful 3! Beterana na rin talaga sa pagiging Powerful 3! We love you, Jetti. Isa kang PASABOG! :) Every week, hindi mo kame binibigo sa mga entries mo. BEST! <3

And of course, congrats kay Jeff! First time n’yang makapasok sa Powerful 3 as well! Grabe yung powerful na si Jeff! Ang best din kasi ng entry ni Kuya. Napaka-pogi pa! Tingin pa lang, climax na! Congrats, Jeff! LAKAS!

Palakpakan din natin ang iba pang models na pasok sa Top 7! Sila ang kukumpleto sa ating pasabog at nakakalokang Top 7 na maglalaban-laban muli sa Friday!

Congratulations kina (in no particular order):

__________________________

Keempee, 20, Tarlac

____________________

Flip, 27, Mandaluyong

______________________

At gusto ko ring ipakilala ang ating BOTTOM 2 for this round. Sila yung naghingalo at medyo muntik muntik na matsugi. Naging crucial ang kanilang standing para sa round na ito both sa fans and sa judges pero lusot pa rin. Pasok na pasok pa rin naman sila sa Top 7 natin at lalaban sa Friday. Laban lang!

Congratulations kina (in order):

______________________

Coco, 24, Quezon City

_______________________

Angelica, 24, Laguna

_______________________

And there you have it fans! Sila ang bumubuo ng ating pasabog na Top 7!!! Each of them is still in the running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model!

Sa Friday (August 3) ang formal presentation ng Top 7! Ang theme sa Friday ay HIGH FASHION!!! Ito na ang pinakaaabangan n’yong round! PASABOG ‘to. Patalbugan talaga! :)

At syempre, may WRITE-UP ulit! Q & A portion ang peg sa mga models. Ang tanong para sa Top 7 finalists: “Kung ikaw ang magiging presidente ng Pilipinas, ano sa sandamakmak na problema ng bansa ang una mong lulutasin at bakit?” Lakas maka-beauty pageant!  Ayan ha, aasahan namin ang pasabog n’yong sagot sa tanong na ito.

PASABOG ang labanan sa next round, for sure!

Send your entry and write-up to yourstrulymadma@yahoo.com. Deadline is tomorrow (August 2). Please send your entry ON TIME. Nasa Singapore ako bukas. Baka mahirapan ako sa internet. Send n’yo agad ha! Please cooperate. I love you all. :)

Isang malugod na pagbati sa ating Top 7!

Yours truly,

Madma

P.S. Marami pang nakaabang na pasabog sa YTMNTM! Abangan ang pasabog nating Celebrity Judge sa Friday! Hindi n’yo na naman ito kakayanin.

Maraming salamat sa ating pasabog na Celebrity Judge for this week na si Ms. Sonia Pascual.  Ang best ng comment mo! Salamat sa pagpapaunlak sa YTMNTM. We love you, Ms. Ona. <3

Salamat din sa ating resident judges na si Mr. Rogelio Estacio Jr. at Ms. J.C. Cantos.

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

P.P.S. Shout ouch din sa pasabog bonding ko tonight with my beautiful best friend na si Ms. Gertrude Hernandez! I love you, ganda! <3 Shout ouch din sa mga kasama kong mag-videoke kanina na sina Mr. Erwin Lacsa and Mr. Glenn Perez. Super galing n’yo kumanta! Pero alam natin kung sino yung pinakamagaling. ;) Nagkasubukan talaga tayo kanina ha. Ulitin natin ‘to ulit. :)

Nice to see you again, Mr. Mark Joseph Ubalde and Mr. Mark Meruenas. Bonding tayo ulit soon. Love you! <3

About these ads

64 thoughts on “YTM’s Next Top Model: 5th Elimination Night

  1. Hooray makakatulog na ko, di ako mapakali hanggang di ko makita yung results ah! Kebs kung may pasok bukas. Go go go flip!! Excited na ko makita mga high fashion pictures :) good luck to all!

  2. Hi Fans, and stuff,

    Nako maraming salamat at hindi na ako mapepressure bumongga next week – lol – pero tuloy tuloy pa din ang suporta kay Madma, sa Adbokasya, at kay Ms. JC! Inaabangan ko pa din ang time na sana makapag shoot sa aking munting pamamahay. :)

    Thank you everyone – thank you to all the judges and pseudo-judges like Joe King, Tyra Bangs, Yung foreigner na tinranslatean ko… um sino pa ba.

    Salamat sa mga pumuri, sa mga di ko kilala pero dahil sa palarong eto eh gusto akong makilala- at gusto ko ding makilala – salamat sa mga nag bigay ng suhestyon, sa mga nanghusga, nag rekumenda, sa mga nagbigay ng puna at ng palakpak.

    Muli, salamat kay JILL MASALONGA, sa pagpapakilala sakin sa mundo ni MADMA, salamat kay MADMA mismo – alam mo yan – binago mo ang outlook ko sa buhay. Paradigm shift ang atake.

    Wala akong ibang masabi kundi ang pagpapasalamat. Nabuhayan ako for the past few weeks, nakipag kulitan, nakipag nguynguyan, nakipag kung ano-anohan – it was fun! And it was a great ride.

    Ano pa ba.

    Ay, salamat pala… kay Daniel (yikee!) napunong puno ng suporta. Alam mo yan. At kay Franz (yikee!) sa pagiging masugid na taga vote at moral support. Hehe.

    Aabangan ko kung sino ang magwawaki – at kung may maitutulong man, tutulong talaga – pero during office hours kasi wala na akong internet sa bahay. Harhar.

    Mahal ko kayong lahat.

    (Wait, I’d translate this if you tell me but for now I feel like expressing my heart and gratitude in my native tongue because it’s more sincere that way).

    Salamat, at paalam. :)

    *Bow*

    • Dami pa ding sinasabi? Yan naman ang Nessang minahal ng fans. I feel bad natanggal ka. Gusto ko pa naman makita high fashion mo. Hmmph Dapat ung mga judge pag sablay ung entry wala ng points parang yung entry ni ****

    • Nessa! :( Nalulungkot ako sa pagkatanggal mo. :( Haaay…

      I just want ot say THANK YOU for joining this competition. Salamat sa wagas mong suporta kay Madma. Salamat sa passion and dedication na pinakita mo sa YTMNTM every week! Mahal ka namin kahit anong mangyari. Hindi dito magtatapos ang ating friendship! Nagsisimula pa lang tayo. :)

      We love you, Nessa!!! You are a winner! :)

  3. Ka-level nito yung pagka-tanggal ni Jennifer Hudson sa AI! Or ng pagka-panalo ni Jerome Sala sa Search For A Star In A Million!
    Grabe. Nung sinabi ni Madma na pasabog, PASABOG talaga. Nung sinabing shocking, SHOCKING talaga.

    Iba din siguro talaga kung strong ang fanbase.
    Patuloy po tayong bumoto para sa mga manok natin… blogtraffic at hits na rin yan sa blog na ‘to. :D

    Nessa, pag umunlad pa ng husto ang pa-contest na ito ni Madma, siguro, mga 9 more seasons, sali ka sa YTMNTM-All Stars! K? K! All the best to you! :)

    • I have to say na PASABOG at SHOCKING talaga ito. Kahit ako man ay nagulat. Napaka-unpredictable ng YTMNTM! Btw, Si Nessa ay nasa powerful 3 last week! KALOKA! Medyo dumaan pa ako sa denial stage nang very light sa pagkatanggal ni Ma’am. Nessa is lurve. :)

      And you are right, dapat talaga TODO ang suporta sa favorite models n’yo kasi iba ang hatak ng fan votes! Congrats at pasok ang manok n’yo na si Keempee!

      High fashion ang labanan bukas! Matindi ito! Sana naman pasabog si Keempee! :)

      • Hindi rin naman po lihim na may pinagdadaanan din ang TarlaKenyang si Keempee ngayon. Mayroon naman na pong mga nakapilang entry si Keempee para sa High Fashion round, pero hindi po natin alam kung tuluyan syang bibigay at lilisan sa kumpetisyong ito. Ako man ay di rin tiyak sa kahihinatnan ng karera ni Keempee. Sya na po ang bahalang magdesisyon.

        (gusto natin ang mga ganitong drama. #ratings)

  4. Si nessa talaga?
    Siya pa natanggal?

    She deserves to stay sa kompetisyon kesa sa MGA IBA dyan. Kailangan pa ba mag name drop??

    I was looking forward sa entry ni nessa for next round alongside top contenders like Jetti, Angelica, Paris, and sige na nga, Jeff.

    Paano ba mechanics ng save? Yung guest judge ba kasama sa unanimity? (may word ba na ganun?)

    NEXT ROUND ANG POLL NAMAN KUNG SINO GUSTO MATANGGAL! Tapos DOUBLE ELIMINATION!

    • Pasabog ang suggestion mo sa double elimination. :) Salamat pala sa pagsubaybay sa entries ko. Masaya na ako na kahit hindi ko kayo kilala, at kahit hindi niyo ako kilala eh sinusuportahan niyo pala ako — at yung causes ko. :)

      Kilig na ako dun.

    • Hello naman, HUWATT! hahaha Ang save power ay discretion talaga ng Resident Judges and the Celebrity Judge for that round. Basic lang ang rule n’yan, dapat lahat sila ay agree to save the model. Yun lang. ;) Unfortunately, hindi lahat ng judges ay unanimous sa pag-save kay Nessa. Sad talaga ang pagkawala n’ya. :(

  5. Sana nga ginamit na ng judges ang judges save! At hanggang kelan lang ba ito pwede gamitin? at nessa, i’m sure kahit natanggal ka na mas bobongga pa ang career mo kesa sa ibang natira! Maraming sumusuporta sayo!

    Sana may malupit na twist, tulad ng wild card pagdating ng top 5! :)

    • Hello, Erielle. Ang save power ay pwede gamitin ng mga judges anytime. Unfortunately, hindi nila ginamit this time. :( Twist ba ang gusto mo? ABANG ka lang! Ibigay mo tio kay Madma. :)

  6. Pa-ratings and contest na to. Hahaha. Pasabog ang mga kaganapan. Di lang twist, it’s more of itinuwist ng todo ng 365 degrees. Go lang sa mga natirang models. Best pa rin kayo lahat sa tapang, Enjoy lang kayo.Ride the twist, and don’t get fallen. Welcome to the rollercoaster of YTMNTM!!! Go top 7.!!!

    • Natatagalan ako sa contest. Pwede tapyasin na kalahati next week para top 3 na agad. Inep plesss. Or pwede ring top 1 na agad. Awardan na. dali!!! ibang contest naman, like photography, or sulat ng mga essay, or palayuan ng ihi. Mga ganyan. Bagot and inip much

      • True! ang tagal masyado for an online chuva. what if tanggal ng dalawa na! i love the vote to evict. negahan na!!! hahaha :p and ibang contest nga naman: mga tao naman sa likod ng litrato like photographers, ika nga ni Abstractminded. :)

  7. Ang lungkot naman. Sana makabalik ulit si Nessa sa competition. Susupurtahan kita eriellepineda sa panukalang wild card twist =) Anyway Nessa, you did a great job. Sayang isa ka pa naman sa mga nag-eeffort talaga sa mga Photos mo, hindi yung makapagsubmit lang tulad ng iba jan. hahah Photoshoot tayo minsan =)

  8. Tunay na nakakalungkot at nakakabagabag ang pagkawala ni Nessa sa kompetisyong ito. Isa siya sa nagpakita ng tunay na dedikasyon. Nawa’y magka-wildcard upang mag pagkakataong muli si Nessa magpasiklab pa. Kapit lang mga kapatid.

    Para sa iyo Madma, isang matinding pagpupugay sa napakamatagumpay mong “blog”. Mabuhay ka!

    • Hello naman, Nay Cristy. ;) Nakakatuwa namang pati po kayo ay nakatutok sa YTMNTM. :) Ako rin po ay nakikiisa sa pagluluksa sa pagkakatanggal ni Nessa sa modelling contest na ito. Abangan na lang natin ang mga nakaabang na “twist.” hahaha Salamat. :)

      • Walang anuman Madma. Lubusang ako’y nagagalak sa kung paano ka nakikipagkomunika sa iyong mga taga-basa. Tunay mong dinirinig ang kanilang saloobin.

        Ngayon pa lamang, akin ng aabangan per minute ang ilalahad mong twist sa patimpalak na ito. Muli, mabuhay ka!

  9. Sana next time mapakita yung points na binigay ng judges. Transparency :) you’re not a loser nessa tama yan. Winner ka na agad! :-)

  10. i can see that nessa is really passionate about winning. i am so sad she had to say goodbye. is it true nessa, that you are not really reading madmacarta until this contest is put up?
    anyway, good luck to your advocacies. i hope you can be able to make changes in our current gov’t system. are you working in the govt?

    • I’d answer this. :)

      I’ve been following Madmacarta since I sent an entry regarding — ay wait. I don’t want to get discovered. But rest assured, my man’s “jun jun” smells good. :D

      Eversince then, I’ve been subscribing – been laughing, crying, commenting… it was a great journey. I am a very stoic person and I always wear a poker face – like Bella – seriously. But somehow, JILL and MADMA changed this. I discovered I could also be… hmmm… “colorful”. So yeah. My heart really goes all out for supporting Madma – all the way na to. :)

      Sobrang naappreciate ko din kasi ang advices. Maala-ala mo kaya ang atake? Haha. And yes… a part of me was just unlocked. And I am loving it more. :P

      And no I’m in an NGO. :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s