YTM’s Next Top Model: 7th Elimination Night

The fans have voted.

The judges have spoken.

Sa ating 6 na finalists, sino ang uuwi na?

Welcome sa 7th Elimination Night ng sikat na sikat at kinababaliwang Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito po ang nakakalokang modeling search sa blogging world na handog sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos. Tanggalan na naman! GRABE! A sad night indeed. :(

Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 6 finalists ang tuluyang magpapaalam. Bonggang-bongga rin ang SEXIEST SHOT round ha! Salamat muli sa lahat ng mga bomoto at sumuporta sa YTMNTM.

Anyway, alam kong nauulol na kayong malaman ang matatanggal na modelo sa gabing ito. Nakakalungkot man subalit kailangan nating magtanggal ng 1 model tonight sa YTMNTM. Hindi ko na ito pagtatagalin pa. Mga fans, sama-sama tayong magpasalamat at magpaalam kay:

________________________

Angelica, 24, Laguna

“This comes out to me as a teeny bopper, pretty-cutesy patoosie feel, and we want to move this to cutesy feel to sexiness, a more mature look. Kung baga nasa candy magazine ka, yung hinahanap ay FHM.  First remove the shades or pwede din just slightly tilt it up na parang sumisilip ka to a guy you are checking out. Lessen naman the smile, to give a sexy feel, you want to have that sense of mystery.

The pose makes you very wide, try to tilt your body to a more angular shape so that you can highlight your curves. I would suggest to crop the picture from your head to just above your dress and use the tan lines to your advantage, let the guys imaginations roll. It felt too conservative for me for a sexy shoot.  Seduce the camera.”Direk Mayk Juat, Creative Director, Keyframe Video.

“Oo maganda ka at seksi naturally. Pero mukhang hindi pang-laban ang larawan mo. Napapakwestyon ako sa ‘mindset’ mo sa patimpalak na ito. May mga round na talagang palaban at may mga round na parang makapagpasa lang talaga. Hindi consistent  pero malaking tulong na maganda ka naturally. Sapat ba iyon? Sa tingin ko’y hindi. Delikado ka this week dear.” – Mr. Rogelio Estacio Jr., General Manager, Adbokasya.

“I wonder what you’ve been busy with lately. This is very weak entry. Yes your tan line is sexy, also your shoulders and collar bones but your smile is too sweet. Good thing your write-up supports your photo for I can see confidence and your smile makes me think you have a good personality.” – Ms. J.C. Cantos, Dolled up by J.C. Cantos.

_____________________

Hindi po ginamit ng ating mga judges ang kanilang SAVE POWER. Actually, hati ang naging desisyon ng mga judges. May ilang gutong gamitin ang save power. Mayrron din hindi. Since hindi unanimous ang naging pasya, si Angelica ay tuluyan nang magpapaalam. :( NAKAKALOKA!!! I’m saaaad. ;(

MARAMING salamat sa iyong pagsali at pagiging bahagi ng makasaysayang YTMNTM. Salamat sa pinakita mong tapang, husay at galing, Angelica. Hangad namin ang inyong tagumpay sa anumang landas na inyong tatahakin. Ipagpatuloy mo mo ang napakagandang adbokasya mo. Mabuhay ka!

Mahal ka namin. Mahal ka ni Madma. :)

_____________________

At ngayon, nais kong ipakilala ang tatlong nangungunang finalists na umngat ang alindog sa round na ito. Sila ang tatlong naging pinaka-makinang among the 6 finalists! Shout ouch naman sa members ng “Powerful 3!”

CONGRATULATIONS and let’s give it up for (in order):

______________________

Jeff,22, Malabon

______________________

Jetti, 28, Quezon City

_________________________

Flip, 27, Mandaluyong

_______________________

Hail to The Powerful 3!!! LAKAS! Sila ang tatlong models na naging pinaka-sexy sa mata ng fans at ng judges! Woooh!

Super congrats kay Jeff! First time n’ya makuha ang top spot!!! NAKAKALOKA! Ikaw ba naman ang maglabas ng abs, ewan ko na lang! Shout ouch, Jeff! Ang sexy mo, pare! Pa-kiss. WOW.

Congrats din sa THE Jetti! Grabe, beterana na siya sa Powerful 3! Pasok na pasok ang reyna!

And of course, ang nagbabalik, Flip!!! Ratchada ang boto sa fans at scores sa judges! LAKAS MO!!! Nakabalik ka rin talaga sa top spot. Good job!

Palakpakan din natin ang dalawa pang models na kukumpleto sa Top 5! Shout ouch naman sa kanila!!!

Congratulations kina (in no particular order):

___________________

Coco, 24, Quezon City

_______________________

Paris, 24, Quezon City

_____________________

And there you have it fans! Sila ang bumubuo ng ating pasabog na Top 5!!! Each of them is still in the running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model! Malapit na tayo sa Grand Finale! Tang inaaaaa! :)

Sa Friday (August 17) ang formal presentation ng Top 5! Ang theme sa Friday ay SHADOW! Kailangan magamit/incorporate nila ang shadow sa kanilang entry. O, ha! Aura aura na ito! Good luck sa inyo sa Friday. ;)

At syempre, may WRITE-UP ulit! Q & A portion another ang peg para sa mga models. Ang tanong para sa Top 5 finalists: “What is your Dark Side?” Aaay. Pasabog na naman ‘to!

Send your entry and write-up to yourstrulymadma@yahoo.com. Deadline is on Thursday (August 16).

Isang malugod na pagbati sa ating Top 5! Galingan n’yo sa next round! :)

Yours truly,

Madma

P.S. Marami pang nakaabang na pasabog sa YTMNTM! Hindi n’yo kakayanin ang mga susunod na kabanata sa nakakalokang online modelling search na ito. KAPIT LANG! ;)

Maraming maraming salamat sa ating Celebrity Judge for this week na si Direk Mayk! ;) Salamat sa pagpapaunlak sa YTMNTM. We love you, Direk Mayk. ;) See you soon. :)

About these ads

9 thoughts on “YTM’s Next Top Model: 7th Elimination Night

  1. Tunay na oras na ni Angelica upang lumisan sa kompetisyon. Naging mahina ang atake nya nitong nakaraang round. Congratulations sa mga nakapasok, lalo na kay Jeff. Ikaw hijo ay may potensyal maging bituin.

  2. Ay ang lungkot, gusto pa naman to ni Angel. Bye Angel.

    Congrats sa 5 remaining models… TATAG din ha!

    Sana mas galingan nyo pa. Mag aabang kaming mga fans nyo.

    Good luck guys ~

  3. sayang naman si Keempee, panalo na sana sya sa Next round! SHADOW ba naman! hello? hahaha! :p
    maraming salamat Angelica sa naipamahagi mong kagandahan at ka-sweet-an dito sa kumpetisyon. wag ka sana langgamin in real life. cheers! :)

  4. at gusto ko i-shout-ouch ang article photo ni Madma! ang best lang plehz! at least for me! talaga namang Modelling-H-to-T! Hands-to-Tsinelas! (kala nyo head-to-toe? ibang level si Madma!)

    • hahaha sa Malaysia yang photo na ‘yan. Sa Batu Caves. Umaura ako ng ganyang pose sa gitna ng mga Hindu!!! hahaha I think yung tsinelas talaga clincher sa photo na ‘yan! haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s