Happy Valentine’s Day, bitches!

HVD

Dear fans and followers,

Happy Valentine’s Day sa inyong lahat! Shet. Araw na naman ng mga puso. Parang kailan lang ‘eh araw ng mga patay ha. Grabe! 🙂

Ang saya-saya ng ambiance today. Nakaka-GV! Ang festive! Nagkalat ang mga flowers, chocolates at mga cards sa kalsada. Nakakakilig po talaga!!! 🙂 Pero ang malungkot na part kung wala kang jowa is yung fact na hanggang tingin ka na lang sa kanila kasi wala namang magbibigay sa’yo ng mga ito. Wahahaha Nega! 🙂 Well, pwede ka namang bumili for yourself. Kaya lang ang loser ng dating, ‘di ba? Medyo chaka din ‘yung makikita ka ng friends mo na may hawak na flowers at chocolates tapos kapag tinanong nila kung saan galing, ang sasagot mo is “binili ko.” MEDYO OFF. Parang anticlimactic! Pero go lang! Bili ka lang. Hindi ka namin iju-judge. 🙂

Sa mga fans na may jowa ngayong Valentine’s Day, ‘EH DI KAYO NA! SAKSAK N’YO SA BAGA N’YO ‘YANG JOWA N’YO! Charoth lang! 🙂 Seriously, I’m happy for you, guys. Imagine, sa laki ng mundo, nahanap n’yo pa rin ang isa’t isa. EEEEH. Soooo kiliiiig po! Tangena po. 😉 Stay happy and enjoy your relationship. Alagaan n’yo ‘yan at huwag hayaang masira kasi mahirap humanap ng true love. Mas madali pang tumakbo from SM North to SM MOA kaysa sa makakita ng love. 🙂 Ingatan n’yo ‘yang mga jowa n’yo lalo na kung pogi at ka-level ni David Beckham. Diyos ko! Alam n’yo namang madaming girls na kagaya ni Ms. Deniece Milet Cornejo na mahilig mag-invite sa condo at magpadala ng foods. 🙂 Huwag din nating kalimutan na madaming mga pamintang nagkalat sa kalsada na hayok sa so-called titi. Naku, ingat talaga. It’s a dangerous world out there.

Sa mga fans naman na this year lang nagkaroon ng jowa, SOOO HAPPY FOR YOU! 🙂 Aminan na tayo. Pinagdasal n’yo ‘yan nang todo! Aminin n’yo na sumayaw pa kayo sa Obando at nag-alay ng itlog kay Santa Clara para makuha ‘yan. Board exam?! wahaha Congrats ha! Sana magtagal kayo. 🙂 At sana hindi bakla ‘yang nakuha n’yo. Just in case naman na bakla nga, ‘wag kayong matakot. Andito kame!

Sa mga nasa ligawan stage pa din until now, PETSA NA?! Puro landian lang? Puro paandaran lang? Tama na ‘yan! Aksyon na! Tandaan n’yo, napapanis ang buko kapag hindi ginalaw. Bilis-bilisan n’yo na kasi baka dumating na si Lord at mag-second coming. Sayang ang time. Galaw!

Sa mga naka-long distance relationship mode ngayon, OK LANG ‘YAN! Cybersex na lang muna kayo. 🙂 Konting greetings at kamustahan then cybersex na. 🙂 Alam kong hindi madali ang malayo sa minamahal kaya tiis lang. Makakaraos din kayo.

Sa mga nasa rocky stage ng relationship ngayon, BITAW NA!!! Hindi kapit lang. 😉 Or bitaw na din. Parang dun ako sa bitaw na lang kayo kasi nakakapagod mag-drama. ‘Wag kayong matakot na mawalan ng jowa. Mas matakot kayong mawalan ng tubig. After all, ang tubig ay BUHAY!

And lastly, sa mga single naman na nauupod na ang dila kakadasal na sana ay magka-jowa na, PUSH LANG! Busy lang si Lord lately kaya hindi n’ya kayo masyadong maatupag. Kayo kaya maging Diyos! Tingnan ko lang kung makakain pa kayo sa kabusyhan! Don’t worry, nakapila na sa listahan ni Lord ang dasal n’yong ito. ‘Yung nga lang pang-1,378,987 pa kayo. WOW. Ang layo rin ha. 🙂 Basta ‘wag kayong mag-give up ha. Konting patience lang. Isipin ‘yo na lang ‘to: kung ang mga pangit ay nagka-jowa, paano pa ang magandang nilalang na kagaya n’yo?!” Yeeeeessss nomoooon! Gondoooo ni Mum. That’s the spirit! Cheers, bitch!

So, since Valentine’s Day nga ngayon, tiyak kong madaming magse-sex tonight. Punuan na naman sa mga motel or mas kilala sa discrete name na “motmot.” Double-time na naman ang mga staff ng Sogo Hotel for sure. Double-time din ang mga giant washing machine nila para labhan ang mga bedsheets para matanggal ang mga “ebidensya.” 🙂 At dahil sa madaming magse-sex later, madaming mabubuntis at madaming manganganak sa November. Ang lamig pa naman ngayon. Shet. PERFECT WEATHER! Ito ‘yung best weather na pang-sex ‘eh. Alam n’yo ‘yan. 🙂 Daming nagiging clingy kapag malamig. ‘Yung tipong “Babe, yakapin mo naman ako. Nilalamig me eh.” ‘YAN TAYO! 🙂

Anyway, enough of my nguyngoy. May konting reminders lang pala ako sa mga makikipag-sex sa motel mamaya. Paki-take note lang para happy tayo:
__________________________________________
Kama sutra

1. Mag-aral ng mga bagong sex moves. Manood muna ng Kama Sutra bago i-meet ang jowa. Magpasiklab kayo! ‘Yung tipong magugulat siya na bigla ka na lang tatalon tapos kakapit sa chandelier tapos dahan-dahan kang baba papunta sa lips n’ya! AAAY! ANG HOT! Hiyang-hiya ang chimpanzee. Kabog! Tama na ang mga pa-tweetums na sex moves. It’s time to step up the game.
__________________________________________
ungol

2. Iwasan umungol nang malakas. Konting finesse ha. Alam n’yong punuan sa lahat ng rooms sa motel ngayon kaya rinig na rinig kung ano man ang ungol n’yo. Baka magulat kayo at bigla na lang pumasok ang SOCO team sa room n’yo kasi akalain nilang may krimen ng nagaganap sa loob. Konting pagpipigil din para di maistorbo ‘yung ibang “clients” sa tabing room. Kung soper lakas n’yo talagang umungol ka-level ng mga pusa, lakasan n’yo na lang ‘yung TV para ma-balance. Or di kaya kagatin n’yo ‘yung unan para di mapalag ang bunganga n’yo.
_________________________________________
queueu

3. Huwag masyadong magtagal sa motel. Kawawa ang mga nakapila. Maawa kayo sa kanila. May pangangailangan din sila. Hindi n’yo alam kung anong hirap ang pinagdaanan nila para makatakas lang sa mga jowa nila. WOW KABIT PALA! 🙂 Maximum of two rounds lang sana ha. ‘Wag na kayong magpatumpik-tumpik. Pagpasok sa motel, go na agad!
________________________________________
regla

4. Push n’yo pa rin ang sex kahit may regla kayo tonight. ‘Wag matakot! Mas “dramatic” ‘yan. Mas intense. Hugas na lang after. 😉
________________________________________
condom

5. MAG-CONDOM! Safe sex lang tayo. Mahirap nang mabuntis ng wala sa oras. Kung lesbian naman ang partner n’yo, ipasuot n’yo pa din ang condom sa daliri n’ya. Mahirap ng magkaanak ng kuko. CHAR!

‘Yan lang naman! Enjoy the day! Happy Valentine’s Day again everyone. Group date lang ang peg ko later. Attack kame sa concert ni idol Regine Velasquez sa SM MOA ARENA! Andun ba kayo?! See you there then!

Love you all. ❤

Yours Truly,

Madma

(Photo sources: http://nationalharbor.com/event/happy-valentines-day/, http://akisswithcyanide.blogspot.com/2009/06/kamasutra-ayer-y-hoy.html, http://www.magicforest22.com/WerewolfAttraction.html, http://jezebel.com/5891185/your-period-is-a-time-for-deep-lady+bonding, http://jezebel.com/5891185/your-period-is-a-time-for-deep-lady+bonding)

P.S. Gusto ko palang i-share ang bagong song ni Ms. Mariah Carey titled “You’re Mine.” Yes, the Diva is back! 🙂 Tamang-tama ang song n’ya para sa araw ng mga puso. I dedictae this song to all lovers out there! Yikeeee. Enjoy!
_________________________________

Advertisements

#BalikAlindog versus #BalikPagkatao

Pinyuyir

 

Dear fans and followers,

Happy New Year naman to all of you!!! 2014 na! Shet. Nakaka-pressure ang bilis ng panahon. Hindi ko siya kinakaya. Parang kelan lang single ako. Tapos ngayon…single pa rin. Bwahaha Chaka! 😉 Sana naman mas maging maganda ang taon na ito for my lovelife. LORD! SANA MAKINIG KA NA!!! Parang ang selective mo sa mga pinakikinggan mo ‘eh. Parang nabibingi ka bigla kapag lovelife na ang hiling ko. Parang bigla kang nagiging busy. Char! 😉  Joke lang, Lord ha. ‘Wag ka namang sensitive. Dyosko. 😉

Kamusta naman kayo?! Kamusta ang figure n’yo? I’m sure nagtabaan kayo. Ang siba n’yo ‘eh. Ano expect n’yo? Ano ba. GV lang tayo! 🙂 This is my first post for this year so I think kailangan positive tayo para naman maganda ang pasok ng taon. Hindi natin dapat ina-attract ang mga negative vibes kasi hindi sila nakakayaman. Dapat positive lang! Apir! 😉

So, pumasok na naman ang bagong taon kaya ito na naman at naglipana ang mga taong nahuhumaling sa tinawag na #BalikAlindog program. Alam n’yo ‘yan! Very rampant na naman ang programang ito ngayon sa social media at maging sa mga simpleng usap-usapan. Nagkalat na naman sa Facebook at Twitter ang mga taong nagpo-post ng mga specific details kung paano papabalikin ang alindog nila na wala naman talaga sila nito to begin with. ‘Te, hindi mo talaga maibabalik ang NEVER na naging iyo. ‘Wag kang mag-ilusyon! CHAROTH! Lakas maka-linya sa teleserye! Love it! 😉

Anyway, puro #BalikAlindog ang fans ngayon na kesyo magjojogging na raw at tatakbo ng 90 miles a day (wow), kakain na ng healthy food at magbabawas ng rice from 6 cups to half rice (wow), maggi-gym na raw lagi at susulitin na ang membership na never namang nagamit talaga etc. etc. ‘YAN NA NAMAN TAYO ‘EH.  Pustahan paandar lang yan. Next month makikita mo na naman sila sa mga buffet restaurant tapos aamagin na naman ng gym card nila. Naku! I don’t want to sound nega ha. May mga success stories din naman akong alam. ‘Yung tipong biglang naging balingkitan talaga from a whale-sharkish size. Congrats naman sa inyo! 😉 Pero sadly,  mga 2 lang sila out of 20. Bwahaha. Ang dami ko rin kasing friends na matataba na nagbalak na ibalik ang alindog nila to no avail. Gusto ko ‘yung “to no avail.” 😉 Ang ending, mas tumaba pa sila huli. ‘Yung tipong nawala na ang leeg nila nang tuluyan dahil sa katabaan. Parang after ng ulo, balikat agad. Tapos after balikat, paa agad. Ganun level! Saklap no?

Hay naku. Tantanan na nga lang natin sila. Baka magulat ako at paulanan ng bala ang bahay ko mamaya. Walang na lang basagan ng trip. Ibigay na lang natin sa kanila ang benefit of the daw. I mean of the doubt. 😉 GV lang! After all, ang gusto ko naman talagang pag-usapan ay ang aking paandar program na #BalikPagkatao program! Ay, gusto ko ‘to! Ito na! Ito na!!! 🙂

Ang pagbabago ay dapat laging holistic. Hindi lang pagbabagong piskal dapat. Higit sa lahat, mas importante ang pagbabago ng ugali tungo sa mas mabuting pagkatao. O, ha! Hiyang-hiya si Dra. Margie Holmes sa entrada ko. Wahaha. 😉 Pero seriously, walang point na magandang katawan pero BASURA naman ang pag-uugali. Ekis din ‘yan sa fans. Tandaan natin, maraming bagay ang hindi kayang takpan ng magandang mukha at makinang na ngiti. Kaya inaanyayahan ko kayong mag-#BalikPagkatao program kasabay ng #BalikAlindog n’yo. ‘Wag puro pag-build ng muscle ang atupagin! Dapat may mga babaguhin din tayong pag-uugali para mas maging busilak na tao tayo ka-level ni Mama Mary. At isa ngang maganda at simpleng pagbabagong pwede nating gawin sa buhay ay ang PAGTUPAD SA COMMITMENT!

___________________________________________________
com

Sabi ko nga sa Facebook status ko kagabi, mataas ang respeto ko sa mga taong pumupunta talaga sa isang event kapag sinabi nilang pupunta sila. Truly commendable ‘yung mga taong reliable at may pagpapahalaga sa commitment. ‘Yung hindi ka bibitinin at iiwan sa ere. Ang dami kasi talagang mahilig magpa-andar. Halimbawa  sa Facebook event page, ang bilis mag-click ng “GOING!” Kakapost mo pa lang tapos naka-“GOING” na agad si Ate. Pero pagdating naman ng actual event, HINDI MO NA MAKITA! Biglang hindi magpaparamdam. Tangena. Kairita no? Dapat sa sinisilaban ng buhay ang mga taong ganito ‘eh. Dapat pinagtutulak ng MRT ang mga hinayupak na ‘yan para putukin. Dapat dinidispatsya na sila ‘eh. Leche! Ang simple-simple lang ng buhay. Kung hindi ka pwedeng umattend, ‘E ‘DI ‘WAG! Shut your fucking mouth na lang!!! Nyeta. Sorry for the outburst, judges. 🙂 Medyo natodo ko sa part na ‘yun ha! Wahaha 🙂 Pero aminin n’yo ha, ang simple-simple ng bagay na ito pero marami ang bumabagsak dito. Kaasar.

Hindi naman ako nagmamalinis. Hindi ako sing-buti ni  Mama Mary. May mga times din na nag-confirm ako pero hindi ako nakapunta for some reason. BUT I RARELY DO THIS. I rarely backout from a commitment. Life and death situation na talaga kapag hindi ako sumipot. Almost always, sumisipot ako sa lahat commitment na nag-confirm ako. Kahit 8 na events pa ‘yan sa isang araw, lahat ‘yan sisiputin ko kahit ikamatay ko. Ganun kasi dapat, ‘di ba? Nag-commit ka, so magpakita ka. Basic! ‘Yung iba kasi sa atin ang bilis mag-confirm. Pero kapag sa actual lakad na, biglang malo-lowbatt, biglang nadukutan, biglang nabangga ng truck ‘yung taxi na sinasakyan, biglang namatay ang lola, biglang nanakawan ang bahay, biglang inapoy ng lagnat. INAPOY TALAGA? Hindi pwedeng sininat lang muna?! Dyosko ha. Please!

__________________________________________________
so

Sabi nga ni Ate Sharon Cuneta na recently ay nagpaandar na naman sa Twitter, “I remember when life was simpler… When people had some degree of respect for one another because it was just a natural thing…” Korek ka d’yan, Ate Shawie! Nakakamiss din talaga ‘yang mga moments na ganyan. Ang laki din kasi talaga ng pinagbago ng buhay natin with the technological advancements. May negative side din talaga ang mga paglipana ng gadgets and all. Dati nung hindi pa uso ang cellphone at landline pa lang ang meron tayo, mataas ang pagpapahalaga ng mga tao sa COMMITMENT. Halimbawa may ime-meet tayong isang tao sa particular na lugar at oras, talagang sisipot tayo dun kasi otherwise aamagin ‘yung kausap natin kakahintay. Wala tayong cellphone or FB/ Twitter na pwedeng gamitin para magsabi sa kausap natin na hindi na tayo bigla makakapunta dahil nga “inapoy ka ng lagnat.” So, sisipot tayo kahit anong mangyari dati. Ngayon, DYOSKO. Ang daming mahilig mag-confirm pero never nagpapakita. At ang nakakairita pa is ‘yung nagba-backout MINUTES away from the event! AY, NAKU! GRABE!!! Dapat sa mga taong ‘yan pinapakain ng racumin. Kingina. Sobrang bastos ‘no? Pet peeve ko talaga ‘yang mga backout-era! SOPER! Usually, dinidispatsya ko na ‘yan sa friends list ko. After all, afford ko namang mag-delete ng friends kasi soper dami na rin talaga nila.  Wahaha. #Bitch

Haaaay. Tama na nga. I think I made my point already. Sana gumawa din kayo ng #BalikPagkatao program n’yo. Marami namang simpleng mga bagay at pag-uugali ang pwede nating i-improve para mas maging maganda ang pagkatao natin. Kumbaga sa sex, dahan-dahan lang para hindi duguin. WOW. 🙂 Pwedeng ang laman ng #BalikPagkatao n’yo is mga simpleng changes lang like magiging on-time na sa mga lakad, magiging mas palangiti na, matutulog na nang maaga, maghuhugas na ng kamay bago kumain etc. Mga light levels lang. Or kung paandar kayo, pwede rin namang mas pasabog like hindi na magnanakaw, hindi na makikipag-sex sa lalaking may jowa, hindi sisilipan ang mga naliligo sa banyo etc. Mga ganyan ba. ‘Wag masyadong mag-focus sa panlabas na pagbabago. Marami d’yan maganda nga ang katawan pero single din naman. Wala rin! Hindi n’yo rin kinaangat ‘yang muscle n’yo sa mga single na pangit. Char.

So there. ‘Yan na lang muna. Tandaan natin na hindi kayang takpan ng magandang katawan ang bulok na ugali. Napakaraming hindi kayang itago ng kagandahan. Kaya payo ko sa inyo, patuloy na pagandahin ang inyong pagkatao. Kasi kung ang pagkatao mo ay  busilak, sa huli, ikaw pa rin ang magiging makinang! (Balutin mo ako ng liwanag ng iyong pagmamahal…)

Yours Truly,

Madma

(Photo source: http://www.aiche.org/ifs/resources/sustainable-meeting-initiative/environmental-commitment-statement, http://www.ekaterinawalter.com/2013/09/to-get-reluctant-employees-on-board-with-social-media-put-em-through-boot-camp/, http://www.techblogstop.com/35-plus-most-beautiful-happy-new-year-2014-hd-wallpapers/)

P.S. Sorry at hindi ko masyadong napanindigan na GV ang post ko. hahaha Medyo nadala ako ng emotion ko. Happy New Year ulit sa inyo! At cheers tayo para sa mas pinalakas na pagkatao nating lahat! ❤

 

 

 

 

7 Bagay na DI-DAPAT I-donate

Dear fans and followers,

Kamusta na ang ulo n’yo, mga bitches?! Mainit pa rin ba dahil sa palpak na aksyon ng gobyerno sa trahedyang dala ni Mareng Yolanda? Well, hindi ko kayo masisisi sa part na ‘yan. Ako rin ay ilang beses na tumaas ang BP sa magkahalong kahihiyan, inis, asar at galit sa turn of events lately. Day 7 na lagim ni Super Typhoon Yolanda pero parang kahapon lang nangyari ang pananalasa. Same-same pa rin ang kalagayan! Pota. In fact, parang mas lumala pa nga. Hindi pa rin nabibigyan ng tulong ‘yung ibang areas until now. Magulo pa rin. Mas lalo pang gumulo. ‘Yung mga bangkay ay nakakalat pa rin sa kalsada hanggang ngayon. Dyosko. Ano ‘yan? Palay?! Nakakaloka!

Anyway, ayaw ko na munang ma-nega. Friday ngayon so dapat GV lang tayo! 🙂 Nakakasira ng beauty ang issue na ito. Grabe! I think we’ve said enough. We’ve heard enough. We’ve seen enough. Mag-focus na lang muna tayo sa rehabilitation at patuloy na pagtulong sa mga biktima para matapos na ang bangungot na ito. Bweltahan na lang natin lahat ng mga inutil sa gobyerno pagkatapos nito. After all, sa likod ng galit, sisihan, awayan at bangayan, ang main task at hand is maibalik sa kaayusan ang mga affected areas at matulungan ang mga biktimang makabangon ulit. OMG ang positive ko today ha! Aminin n’yo ‘yan. 🙂

With that, gusto ko na lang i-discuss ‘yung mga bagay na HINDI DAPAT i-donate sa mga ganitong pagkakataon. Based ito sa karanasan ko sa pagbo-volunteer sa “Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH.” Medyo naloka lang ako sa ilang items na dinonate ng ilan nating mga mabubuting kababayan. I appreciate the kindness ha. Don’t get me wrong. Nakaka-shock lang talaga! Super fun siya though kaya naalis din somehow ang pagod while nagre-repack ng mga relief goods. 🙂

Without further ado, I now give you the 7 things na HINDI DAPAT i-donate sa mga biktima! Paki-note po. Lalo na dun sa mga nagbabalak mag-donate.
__________________________________
Panties

Gamit na panty at brief and other undergarments

PLEASE NAMAN! Hindi ko kinaya ‘yung mga nagdo-donate ng mga used underwear ha. GAMIT TALAGA?! Hindi pwedeng bago?! Shocking! Konting respeto naman d’yan. Huwag naman magbigay ng mga manilaw-nilaw na brief o kaya ay may dugo-dugong panty. Hindi naman contestant sa “Extra Challenge” or sa “Fear Factor” ‘yung mga victims para i-subject sa pagsusuot ng ganyang mga gamit. Baka naman nakaligtas nga sila sa bagyo, mamatay naman sila sa infection sa genitals. AY! Ayaw natin ‘yan. I-avoid natin ‘to ha. Kung gamit na lahat ng briefs or panties n’yo, KEEP THEM na lang for future references. Marami namang ibang items na pwedeng i-donate. ‘Wag n’yo na lang i-push. Ok? BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_______________________________________
Fairy

Costume-like na mga damit (Fairy costume, Vampire costume, mermaid costume etc.)

Dyosko ha. Biktima na sila. Tingin n’yo ba may time pa silang mag-costume party?! Ewan ko ha. Hindi ko kinaya ‘yung mga fairy costume-like na nakita ko sa donation. I’m wondering kung ano kayang iniisip nung nag-donate. Siguro sa isip-isip n’ya, kailangan ng mga biktima na magmukhang fairies para makamove on. Ganun? Di ako sure sa motive ha. Medyo dehado ako dito. Sana i-avoid din natin ang pagdo-donate ng ganitong items. Kung hindi na kasya sa inyo ‘yung mga costume n’yo sa bahay, keep them na lang din. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_________________________________________
Apples

Mansanas at iba pang mga prutas

Unless turukan n’yo ng formalin ‘yan, sige papalusutin ko ‘yan. Guys, ‘wag naman perishable items kasi sure na masisira ‘yan so sobrang tagal at haba ng lalakbayin ng mga relief goods. Baka ‘yung mansanas n’yo ay maging apple juice na pagdating sa Leyte. Gosh. Kung pushy talaga kayo at sobrang mapilit at tingin n’yo ay importante talagang makakain ng prutas ang mga biktima, siguro mabuti pang mag-donate na lang kayo ng buto ng mansanas para at least kapag dumating na siya sa mga biktima, prutas na siya. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_______________________________________
Knorr

Knorr Sinigang Mix/ Sinigang sa Miso

Magsisigang talaga?! Sana sinamahan n’yo naman rin ng isang kilong baboy, sitaw, labanos at talbos. Ang haggard naman na sinigang mix lang ‘yung matatanggap ng biktima. Ano kayang gagawin nila sa sinigang mix? Lalaklakin kapag nareceive? ‘E ‘di kidney naman nila ang nadale. Nakaligtas nga sa bagyo pero nagkasakit naman sa kidney?! Talo rin. Tsaka dagdag problema pa yan sa mga biktima. Poproblemahin pa nila tuloy kung paano magiging totoong sinigang ‘yung Knorr mix. Mapu-push pa sila magnakaw ng baboy at iba pang sahog. Tsk tsk.. Guys, huwag na natin sanang dagdagan ng stress yung stressful na nilang buhay. Konting diskarte naman. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
________________________________________
Biscuits

Expired na biscuits

Ewan ko kung tatawagin kong “mabait” ‘yung nag-donate o mas appropriate na tawagin siyang “demonyo.” Ano ba! May galit ka ba sa mga biktima?! Sabihin mo lang para mapag-usapan natin dito. Huwag naman tayong magbigay ng expired na o di kaya ay mage-expire na na mga biscuits. Check-check din ng expiration date! Huwag masyadong agit sa pagdo-donate. Siguraduhin namang makakain ‘yung bigay n’yo. Gusto n’yo ba talagang mag-donate? Parang ayaw n’yo eh. Sa pakiwari ko ha. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
________________________________________
Halls

Mga candies gaya ng Stork, Halls etc.

Trick or treat ang peg?! Or pwede ring trick or THREAT. Char. 🙂 Ano baaa! Kalako ha. Itago n’yo na lang ang mga candies n’yo kung marami kayo. Gets namin. Marami kayong candies. Duly noted po. Pero sana totoong mga pagkain na lang ibigya n’yo gaya ng noodles, bigas etc. Hindi naman babyahe ‘yung mga biktima at kailangan nila ng candy. Hindi na nga makaalis eh, di ba? Please ha. No more candies! BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_______________________________________
Tea

Slimming teas/ Mga pampapayat na tsaa

Wala na ngang nakakain ‘yung mga biktima ng ilang araw tapos gusto n’yo pa silang pumayat?! Gosh. Baka naman magsuka na sila ng dugo kapag pinainom pa natin sila ng mga pampapayat na tea. Ang sadista din ha! Huwag naman kayong maging bitter kung hindi umepekto sa inyo yung mga slimming teas na binili n’yo at ibibigay na lang sa iba. Eh ang taba nyo talaga eh. Ang siba n’yo kumain eh. Anong gagawin natin? Puro kayo ‘Balik Alindog Program” pero kain naman nang kain! Charot. 🙂 Please ha. I-avoid natin ang item na ito. Kape, gatas at milo na lang ang ibigay n’yo instead of this. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
__________________________________

There you have it! Paki-note ‘yang mga ‘yan ha. Pinapaalalahanan ko na kayo. Kung magdo-donate kayo, siguraduhin n’yo rin na makakatulong talaga ang ibibigay n’yo. Otherwise, kalat lang yan. Sayang lang. 🙂

BUT AGAIN, I appreciate the kindness.;)

Yours Truly,

Madma

(Photo sources: http://yoy50.wordpress.com/2010/03/03/major-retail-stores-selling-used-underwear-wtf/, http://www.halloweencostumes.com/womens-fairy-costume.html, http://www.fanpop.com/clubs/fruit/images/1201901/title/apples-wallpaper, http://filipino-store.com/index.php?act=viewProd&productId=164, http://www.continentalbakeries.com/en/products/cookies-biscuits/, http://azraelsmerryland.blogspot.com/2011/07/toys-and-halls-mentholyptus-candy.html, http://closemyer.co.za/theteas.html)

P.S. Tuluy-tuloy lang sa pagtulong sa ating mga kababayan! Every help counts! Kailangan talaga nating magtulungan ngayon kasi hindi na kaya ng chaka nating gobyerno ang ang pagrespond. Maraming namang paraan para tumulong. Kung wala kayong pera, pwedeng mag-volunteer. Kung wala kayong time, pwedeng mag-donate ng items. Basta madami! Go lang nang go!

Para sa mga gustong tumulong, just visit the Facebook account of Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH: https://www.facebook.com/#!/events/191377047714707/
______________________________________
TK
______________________________________
P.P.S. MARAMING SALAMAT sa inyong suporta! Madma loves you! ❤

Si Madma at ang Bagyong Yolanda

Image

Dear fans and followers,

First of all, I just want to say I MISS YOU ALL, BITCHES!!! 🙂 Na-miss ko mag-post dito sa YTM! Shet. Sorry naman at medyo matagal rin talaga akong nawala sa blogging industry. I’m sure miss na miss n’yo na ang mga paandar ni Madma. Group hug naman for my comeback!!! 🙂 Pero next time na natin pag-usapan ang drama sa likod ng aking matagal na pananahimik. Sa susunod na post ko na sasagutin ang lahat ng mga maiinit na intriga at chismis tungkol sa matagal kong pagkawala na kesyo nabuntis daw ako at nagpalaglag sa States, nagka-jowa na raw ako na pogi at nagpakasal sa India, nagpunta raw ako sa Thailand para magpa-sex change, tinanan daw ako ng isang negosyante at dinala sa Germany etc. Nakakaloka ha! Next time, sasagutin ko ‘yan isa-isa! 🙂

For now, gusto ko lang magsalita hinggil sa naganap sinapit ng Leyte lalo na sa Tacloban at ilan pang probinsya dahil kay Super Typhoon Yolanda. Kung may statement si PNoy, meron din ako. Ansabe?!  🙂 Seriously, I would like to dedicate this special post to them. SOOOBRANG nakakadurog kasi ng puso ang sinapit ng ating mga kababayan dahil sa pesteng bagyong ‘yan. Tangena. 😦 ‘Yung ilang taong pinundar ng ating mga taga-Leyte ay  sinira lang ni Mareng Yolanda ng ilang oras. Just like that! NAKAKALOKA!  Tagos sa puso at kaluwawa na makita ang kalagim-lagim na kalagayan ng ilang Pilipino ngayon. Nakakaiyak talaga ‘yung mga news reports and mga social media accounts. ‘Yung mga namatayan ng asawa, kapatid, anak at magulang. OMG. I JUST CAN’TAKE THEM! 😦  Grabe ‘yung tila nabura sa mapa ang mga bahay, ari-arian at kabuhayan nila in an instant. Para tuloy isang panaginip lang ‘yung fact na minsan ay natira sila dun kasi ibang-iba na ang itsura nito ngayon. Totally wiped-out. Hay. 😦 Kaya naman sa puntong ito, gusto kong ipaabot ang aking taus-pusong pakikiramay sa lahat ng mga naging biktima, namatayan at nawalan ng ari-arian sa mga apektadong lugar. Kapit lang kayo! Magpakatatag kayo! Parating na ang mga tulong. Malalampasan din natin ito. 😉

May gusto lang din akong i-point out na ilang mga bagay kaugnay sa mainit na isyu na ito. Particularly, I have 3 main points na gusto sabihin. Ang specific ha! 🙂 Nakakarindi kasi sa tenga ‘yung ibang mga comments na nababasa ko sa social media eh. Hindi ko maatim na palampasin. Hindi ko matake na manahimik. So, ibigay n’yo ‘muna tong moment na ito sa akin!

__________________________________________________

Image

UNA, parang-awa n’yo na! Huwag n’yo naman agad i-judge ang mga biktima at tawaging MAGNANAKAW dahil lang sa pag-ransack nila ng ilang establishments. PLEASE!!! Kahit sa panaginip, hindi sila qualified as thieves! Pwede ba!  Magdahan-dahan nga ‘yang mga bunganga n’yo. Kaloka kayo! Kung may dapat may tawaging magnanakaw, mamdarumbong, hayop at demonyo, ‘yan ay walang iba kundi ang mga kupal sa gobyerno at mga kampon ni Janet Lim-Napoles na nagbubulsa ng bilyun-bilyong pera ng mga Pillipino! Kung may dapat mang i-judge, ikulong, sunugin at bitayin, SILA YUN at hindi ang mga typhoon survivors na sinisikap lamang mabuhay, lumaban at ituloy ang kanilang sirang-sira ng buhay. Lawakan naman natin ang mga utak natin. Intindihin natin ang buong context ng situation bago magsalita. Tandaan natin, issue na ito ng SURVIVAL! Dyosko! Gutom at uhaw na ang kalaban dito! Tangena. GETS N’YO BA ‘YUN?! Kayo kaya gutumin at uhawin ko. Ano kayang gagawin n’yo?! Ako nga isang oras lang na gutom, nagbabago na agad ang ugali ko, paano na kaya ‘yung ilang araw?! Ako ngang nakapag-aral at Diva ay nagta-tranform into a certified bitch kapag inaatake ng gutom eh, paano na lang ‘yung mga typhoon victims na until now ay nakanganga at naghihintay pa rin tulong na forty eight years bago dumating?! Human nature ‘yan eh. Sa bingit ng gutom at uhaw PLUS stress, pagod, trauma, heartache dahil namatayan ka ng kamag-anak, nasira ang bahay mo at kabuhayan, EWAN KO NA LANG! Kung ako ‘yan, siguro naulol na ako sa isang tabi.  Nagbaliw-baliwan mode na lang ako. KAYO KAYA HA?! Kaya please, instead na manghusga, lawakan n’yo ang inyong pang-unawa! Sorry for the outburst. 

Sa tingin n’yo ba magnanakaw sila kung wala sa ganyang situation? Nilooban ba nila ang mga malls on a daily basis? Tingin n’yo hobby nila ang nakawan ang groceries and malls? Mag-isip kayo.  May mga matinong trabaho ang mga survivors na ito bago sila nasalanta ng bagyo. May disente at marangal silang pamumuhay bago ang lahat ng ito. Nagsisikap silang mabuhay ng tama at marangal araw-araw sa kabila ng hirap ng buhay bago ang trahedyang ito. Sana maisip natin ‘yan! Huwag n’yo namang lalo pang apakan ang pagkatao at dangal nila. Please lang! Sa kabilang banda, ‘yung mga magnanakaw sa gobyerno, NAGNANAKAW SILA SA LAHAT NG PANAHON! ‘Yan ang buhay nila eh. Umulan, bumagyo, tuloy ang ligaya nila. Tuloy ang pagkulimbat nila! Nandarambong sila regardless of the circumstances! Ngayon, tanong ko sa inyo, sino ang tunay na magnanakaw? Sino ang dapat tugisin?  Sino ang tunay na baliw? Pasok Kuh Ledesma. Ito na ang cue mo! Grabe nakatengga ka! Char. 🙂

Don’t get me wrong ha. Hindi ko sinasabing tama ang ginagawa nila. Hindi ko jinu-justify ang pagnanakaw ng mga survivors sa mga malls. Ang akin lang is huwag silang husgahan kasi hindi naman natin talaga naiintindihan ang kanilang buong pinagdadaanan. THEY ARE IN A REALLY DESPERATE SITUATION. 😦 Hindi tayo ‘yung namatayan, nagutom, nauhaw, nawalan ng ari-arian at kabuhayan.  We can only feel so much as outsiders. Kaya tingnan sana natin ang context ng buong pangyayari bago magsalita. Umunawa muna sana bago manghusga ha? Dyosko. Rereglahin ako sa inyo! 

______________________________________________

Image

PANGALAWA, kumukulo ang dugo ko  sa kinikilos ng government sa case na ito. Kapag ang mayayaman ang ninanakawan, umaaksyon agad ang pamahalaan. Bothered na bothered agad ang mga gago. Parang tanga, right?! In fact, na-consider na nga ni PNoy na mag-declare ng Martial Law dahil daw sa talamak na “nakawan” sa mga probinsyang nasalanta. O, di ba? SHOCKING!!! Bullshit. Huwag n’yo kameng simulan sa usapin ng “NAKAWAN!” Huwag mo nga akong paandaran, PNoy! Ang taong-bayan, ninakawan ng bilyun-bilyung piso, pero anong ginawa mo? BINGI-BINGIHAN! BUSY-BUSYHAN! Pero ‘nung mayayaman ang naagrabyado, aksyon agad! Kilos agad para protektahan ang kanilang properties! Padala agad ng military at kung anu-anong pwersa para matigil ang nakawan! PWE! Isang malakas na PWE!

Again, don’t get me wrong ha. Hindi ko sinasabing si PNoy ang dahilan ng lahat ng ito. Hindi ko sinasabing siya ang dahilan kung bakit may bagyo. ANO BA! Ang sa akin lang is nakukulangan ako sa kanya as a leader. BIG TIME! Alam ko hindi madali maging president, PNoy. Tao ka lang. Diva ako. Char. Alam kong marami ka ring hinaharap na issues sa personal na buhay at sa pagiging pangulo. Pero sana kapag hinarap mo ang isang bagay, harapin mo nang maayos. Harapin mo nang totoo! Simply put, gusto namin ng maayos na leader! ‘Yun lang naman ‘yun. After all, ‘yan ang dahilan kung bakit and’yan ka sa pwesto. Binabayaran ka to be OUR LEADER! 

Sorry, PNoy pero sirang-sira ka na talaga sa akin. Binoto pa naman kita. Haaaay. 😦 Sana pala bumili na lang ako ng pagkain. Nabusog pa ako. CHAR! 🙂 Ang dami mong mga kasinungalingan. Kung kasali ka lang sa teleseryeng “Honesto” tiyak ko, super haba na ng ilong mo. Sabi mo last week bago dumating ‘yung bagyo, handa-handa ang Pilipinas kay Yolanda. HANDA PALA HA! Galeng. Tapos kagabi sa speech mo sabi mo naman kaunti lang ang nasalanta na biktima. KAUNTI PALA HA! Hindi man ako magaling sa Math pero alam kong mas kaunti ang 2 kaysa sa 10,000! Please ha. Ano naman kaya ang sasabihin mong lies bukas? Na nakakakain na ulit ang mga survivors at busog na busog na ulit sila? Na masaya na ulit sila? Ewan ko sa’yo. Parang lutang lagi ang mga reports mo. Parang ibang mundo ‘yung ginagalawan mo. May TV ka ba sa bahay? Let me know kung wala ha. Willing akong gamitin ang 13th month pay ko para regaluhan kita ng TV set para lang magkaintindihan tayo .Parang hindi kasi pareho ‘yung mundong ginagalawan natin eh.  Parang lost ka , Kuya. 

_________________________________________

Image

Lastly, sana naman bumawi na lang ang government sa pagiging systematic sa pagbibigay ng mga mga relief goods and donations sa mga nasalanta. Utang na loob, kahit dito man lang ay maging maayos ang trabaho n’yo. Nasa mahigit 23 countries na ang nag-pledge na magbigay ng financial and logistic aid. Malinaw po na pera yan, Mr. President. Kaya lang gaya ng iba, kinakabahan ako na baka hindi umabot sa sa tamang tao ang mga tulong na ito. Baka 10% lang ang actual help na dumating ha! Pota. Dami kasing officials na mahilig sa KICKBACKS!  I think mag-aagree sa akin si Sen. Estrada, Sen. Revilla at Sen. Enrile. Tama ba Seksi, Pogi at Tanda?! PLEASE LANG! Huwag na sanang pagnakawan ang mga biktima kasi wala ng mas masahol pa sa act na ‘yan. Dami din kasing buwaya at mapagsamantala sa gobyerno kaya sana paki-ensure na may tamang accounting at auditing sa paglabas at pagpasok ng local and international donations of any kind. Pakibilisan din po sana ang pagdidistribute ng tulong. Hindi po nakakapaghintay ang gutom at uhaw! Basic needs po ang tawag sa kanila. Hindi sila ka-level ng kama na pwedeng tsaka na ibigay. Sadly, marami pa palang mga biktima ang wala pa ring nakukuhang tulong UNTIL NOW. GRABE NAMAN! Four days na po ang ang nakakalipas! My God. Hindi sila camel na may reserbang tubig at pagkain sa likuran!!! Galaw-galaw. Huwag naman gutumin at uhawin nang todo ang mga typhoon victims. Huwag naman nating isagad ang kanilang desperation at paabutin sa point na kakain na sila ng laman ng tao. PLEASE!

Sa malaking pagtanaw, maliwanag na kailangang-kailangan na nating mag-upgrade bilang bansa. YES, DATI PA! Ibang-iba na ang panahon ngayon. Ang mga ulan ay mas malalakas na at bumubutas na ng bubong. Ang mga dating hindi binabaha ay sinasalanta na. Ang mga lugar na hindi nililindol ay niyayanig na. Ang mga lalaking pogi ay nahihilig na rin sa kapwa pogi. Char. OR! 🙂 Kaya ang mas malaking tanong, ANONG GAGAWIN PARA HINDI NA MAULIT ANG TRAHEDYANG ITO?! Actually, natanong na ito ng ilang beses pero parang walang sumasagot. Sana pinagiisipan na ito ng mga nasa gobyerno. Hindi po pwedeng laging may “bayanihan” kapag may calamity. Hindi pwedeng laging nakaasa sa donation at tulong. Hindi tamang hayaang may 10,000 na Pinoy na naman ang magbuwis ng buhay sa susunod na typhoon! Every year na lang may ganitong eksena. Kung jowa ko ‘to, nakipag-break na ako. Kakapagod eh. Ulit-ulit. Alam naman nating LAGING may bagyong dumadating sa Pinas, di ba? So, MAGHANDA na tayo ng TOTOO! Gumawa tayo ng mga matatalinong policies, scientific for that matter, para hindi na maulit ito. Ayusin natin ang infrastructure. Kung magpapagawa ng tulay at kalsada, huwag substandard! Reflection talaga ito ng talamak corruption sa bansa eh! It will all boil down to corruption. May pera sa gobyerno. Ang problema is ilan lang ang nakikinabang dito. Paano kasi’ yung mga pondong pam-projects ay nakukulimbat. Naibubulsa. Kung gagawa man ng projects, chaka! It’s either substandard, hindi matatapos ang project or walang project na gagawin AT ALL! Dyosko! Nakakapanghina.

Haaaaay. Isang malaking haaaay. Ewan ko. Nakaka-depress talaga. 😦 Basta huwag tayong magsawang tumulong muna sa ngayon. Tumulong tayo sa kahit anong paraan para makabangon muli ang ating mga kababayan.

God bless the Philippines.

Yours truly,

Madma

(Photo sources: http://www.abc.net.au/news/2013-11-08/an-worlds-most-powerful-typhoon-makes-landfall-in-philippines/5078216http://www.frugal-cafe.com/public_html/frugal-blog/frugal-cafe-blogzone/2013/11/10/destruction-death-super-typhoon-haiyan-decimates-philippines-death-toll-rises-into-thousands-more-missing-looters-hampering-rescues-video/http://globalnation.inquirer.net/90077/world-vision-abs-cbn-foundation-seek-relief-for-super-typhoon-victimshttp://www.rappler.com/nation/43347-yolanda-death-toll-nov-10-amhttp://www.ibtimes.com/super-typhoon-haiyan-aftermath-photos-typhoon-yolanda-devastates-philippines-leaves-trail-1463632)

 P.S. Maraming salamat sa mga kasama kong nag-volunteer sa Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH sa Vinzon’s Hall sa UP Diliman. Super enjoy kahit sumakit ang katawan ko nang todo! Ang saya kasama ng mga taga-UP. At ang popogi pa. Char. 🙂 Salamat sa mga magagaling kong staff kanina. STAFF?! 🙂 Thank you at inako n’yo ang pagbubuhat ng mga sako-sakong bigas. Sorry at hindi ko talaga kaya ang mga buhatan. Alam n’yo na, DIVA. 🙂  Special mention to my co-volunteer and the birthday girl herself, Ms. Szusza Velasco! Ang galing nating leaders kanina ha. Masasabi! Good job tayo, bitch! 🙂

Image

 

__________________________________ 

 Ito pala ‘yung mga na-pack namin kanina. Almost 500 na relief goods! GOOD JOB!!! 🙂

Image

Maraming salamat lahat ng bumubuo ng “Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH.” Kailangan pa nila ng mas maraming volunteers!!! Attack lang kayo sa UP Diliman sa Vinzon’s Hall. Andun ang kanilanfor more detailsg headquarter! GO NA! Check their website for more details: https://www.facebook.com/events/191377047714707/

______________________________________

P.P.S. Gusto ko din palang i-promote ang super nice na campaign ng friend ko na si Raine Mateo Calucag! Suportahan natin ang “The Butterfly Project” sa kanilang super catchy na project titled “You Lenda Hand.” BONGGA! Witty! 🙂 Layunin nilang tugunan ang mga pangangailangan ng mga typhoon victims na babae at mga bata! Panalo talaga ‘to. So, kailangan nila ng mga napkins, undergarments ang diapers!

For more information, visit them at facebook.com/thebutterflyproject.ph or email them at butterflyproject.ph@gmail.com! ‘Yun na!

Image

 

__________________________________________________

Madma is sooo back, bitches!!! Magbo-bonding na tayo nang mas madalas dito! 🙂 I LOVE YOU ALL!

Walang Sisihan!!!

283757_10151475741218791_1930644166_n

Dear fans and followers,

Isang malagim na araw sa inyong lahat. 😦

Alam kong kasalukuyan kayong nagluluksa sa very disappointing partial result ng 2013 elections. Alam kong ngayon ay panay ang pahid n’yo ng calming lotion sa katawan para ma-kalma ang inyong nanggagalatiing emosyon sa mga nangungunang Senators so far. Alam kong marami sa inyo ang nagpunta sa salon or spa para mag-relax at makalimutan ang horrors ng eleksyon. Naiintindihan ko ang inyong sentimyemto. Kasi NALOLOKA RIN AKO!!! 😦

Anong nangyari?! Bakit ganito ang resulta? Bakit SILA-SILA NA NAMAN?! Bakit hinayaan na naman nating MAULIT ang lahat?! Bakit sila na naman ang ating hinalal?! Bakit hinayaan nating masayang ang ating magandang nasimulan?! ‘Di ba gusto natin ng PAGBABAGO?! ‘Eh bakit ito na naman tayo?!

Haaaay… Diyos ko! Kahapon pa sumasakit ang bangs ko sa mga pangalang nakikita ko sa mga partial/unofficial result ng eleksyon. Ayoko na ngang tumingin sa TV kasi naiirita ako lalo. Nakakainis! Nakakagalit! Nakakapikon! 😦 Pare-parehong mga pangalan na naman ang mananalo. Sila-sila na naman. ‘Yun at ‘yun na naman. Nasilaw na naman tayo sa mga paulit-ulit na pangalan sa pulitika. Nagpauto na naman tayo sa kanila. GRABE.

Gusto ko manapak sa inis. Gusto ko magbasag ng mga plato para ma-release ‘tong inis na nararamdaman ko. Kaso konti lang ang plato namin sa bahay ‘eh so sa blog ko na lang ilalabas ang lahat. 😉

Magpapakatotoo na ako. Galit ako! Galit ako sa mga Pilipino! Gusto kong layasan ang punyetang bansang ‘to! Masama ang loob ko ngayon kasi hindi tayo natututo sa kasaysayan. Naiinis ako kasi ang bilis-bilis nating makalimot! Galit ako kasi ang bilis nating mauto! Galit ako kasi hinalal na naman natin ang mga mismong taong naging sanhi ng ating mga pagdudurusa noong mga nakaraang taon. Imbyerna ako kasi hinayaan na naman nating maghari ang mga taong minsan nang nanamantala at nang-abuso sa mga Pilipino. Naiirita kasi ang hilig-hilig nating MAGTIIS where in fact kayang-kaya naman nating baguhin ang lahat! Hobby talaga nating magdusa ‘no?! Nae-enjoy talaga natin ang suffering ‘no?! NAKAKALOKA!!!

Ang sad kasi ang lapit na natin sa PAGBABAGONG gusto nating makamit pero pinakawalan na naman natin ulit ang chance na ito. Haaay… Wala na akong masabi kundi puro buntong-hininga na lang. 😦 Sa totoo lang, ayoko na sana itong isipan pa. Ayoko na sana itong problemahin pa kasi marami din akong mga iniisip sa personal kong buhay gaya ng kawalan ng lovelife. Pinipilit kong deadmahin na lang ang bagay na ito at mag-move on na lang sa buhay ko. But I JUST CAN’T! Naiinis ako na patuloy akong binabagabag ng isipan ko sa bagay na ito. Shet.

Akala ko may magbabago na. Akala ko matatalino na tayo. Akala ko ay mga wais na tayo. Sadly, HINDI PA PALA. 😦 Ang taas-taas ng hope ko sa mga kapwa ko voters. Sobrang taas ng faith ko na hindi na tayo magpapaloko at iboboto na natin ang mga TAMANG TAO. Ang taas ng pananalig ko na makakamit na natin sa wakas ang tunay na PAGBABAGO. Na hindi na natin iboboto ang mga trapo at mga walang-kwentang pinuno. Apparently, nabigo ako. 😦

Emotions aside, ang resulta ng naganap na eleksyon ay may malaking sinasabi sa ating mga Pilipino– marami pa rin talagang sa atin ang nabubuhay sa dilim at kawalan ng tamang impormasyon. Isang malaking wake-up call ito para sa mga kagaya kong nagnanais ng TUNAY NA PAGBABAGO. Sadly, sa kabila ng kaliwa’t kanan nating mga paandar sa social media, kulang pa pala ang effort natin para abutin ang puso at isip ng mas marami nating kababayan. Magkaiba pa rin pala ang mundong ginagawalan natin sa mundong ginagalawan ng mga ordinaryong masang Pilipino na nakatira sa mga probinsya at malalayong lugar. May ibang mundo pa palang nage-exist sa mga far flung areas na walang access sa internet. Nakalimutan nating may ibang reality pa pala sa bansang ito.

Nakakalungkot. Hindi ko talaga mapigilang malungkot. Dismayado ako sa mga kapwa ko Pilipino. 😦

Pagbigyan n’yo na ako sa emotional breakdown na aking nararanasan ngayon. Ibigay n’yo na sa akin ang moment na ito. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang lahat. Pero makaka-move on rin ako. Gaya ng dati, magmo-move rin ako. Wala namang akong choice, ‘di ba?! Ano ba naman ang isang boses ko laban sa boses ng milyung-milyong Pilipinong nagpauto sa mga trapong pulitiko. Sino ba naman ako.

Anyway, sa puntong ito, gusto ko na lang magbigay ng mensahe sa mga mananalong Senador ng bansang ito. Ang fierce ‘nung may message no? Lakas maka-show biz. 😉 Ito na lang ang magagawa ko for now. Wala na ‘eh. Andy’an na ‘yan. Hindi na ako makakapalag.
_______________________________________________
946549_10152801750355596_709563182_n
_______________________________________________
Grace Poe

Pasalamat ka sa apelyido ng tatay mo. Pasalamat kay kay Fernando Poe Jr. kasi siya ang nagpanalo sa’yo. YOU OWE HIM THIS VICTORY! Kung “Santos” o kaya “Ocampo” ang apelydio mo, wala ka sa pwesto mo ngayon. Alam mo ‘yan! Ang convenient din talaga ng may powerful na surname no?! Nagiging madali rin talaga ang lahat para sa’yo. Sa totoo lang, hindi kita binoto kasi lagi kang nagtatago sa apelyido ng tatay mo. Hindi ako bilib sa ganyang atake kaya hindi mo nakuha ang boto ko. Oh well, sana na lang ay “makipagbakbakan” ka talaga para sa tunay na pagbabago kapag nasa Senado ka na. Kasi kung ako ang masusunod, sa show biz kita ilalagay para mabuhay mo ang action films sa Pilipinas since gusto mong sundan ang yapak ng tatay mo. I think exciting din na makitang babae ang gumanap sa role na “Panday” for once.

Loren Legarda

At tibay mo rin talaga, girl. Lagi’t lagi kang pasok sa eksena kahit anong mangyari. Pero ang shocking ‘nung na-upstage ka sa number 1 spot ha. How does it feel na hindi na ikaw ang reyna? Basta ang message ko lang sa’yo is ayusin mo ang pag-file mo ng SALN next time. Declare-declare rin ng mga properties ‘pag may time ha? Ang tagal-tagal mo ng public servant tapos mali-mali pa rin ang SALN mo?! Wow ha. Sana ay maisama mo naman kame minsan sa posh na condo mo sa New York. Kahit overnight stay lang, ok na ako.

Edgardo Angara, Bam Aquino, Koko Pimentel, Cynthia Villar, JV Ejercito

Pasalamat rin kayo sa mga kamag-anak n’yo. Pasalamat kayo sa mabangong apelyido n’yo. Nawa’y patunayan n’yo na IBA kayo sa mga kamag-anak n’yo. Na may taglay rin kayong sariling husay at galing sa pamumuno. Hindi ko rin kayo binoto kasi umay na umay na ako sa mga angkan n’yo. Personally, hindi ko na kailangan ng isa pang Angara, Aquino, Pimentel, Villar at Ejercito sa buhay ko. Tama na ang perwisyong ginawa ng mga ninuno n’yo. Buti na lang at marami kayong nauto para bumoto para sa inyo. And congrats for that.

Alan Peter Cayetano and Antonio Trillanez IV

Sana mas maging pursigido kayo sa tunay na pagbabago. Sana ay mas maging maigting pa ang inyong pagsisikap para mas mapabuti ang buhay ng mga Pilipino. Kayo na lang siguro ang pinaka-ok sa mga mananalong Senador kaya sa inyo na lang ako kakapit. Sana naman ay hindi n’yo ako biguin. Sana naman ay paninidigan n’yo ang mga pangakong binitiwan n’yo during the campaign period. Again, please do not disappoint me. I had enough!

Chiz Escudero

Wala akong masyadong mensahe sa’yo kasi in love ka gaya ng sabi mo. At usually, mahirap kausap ang mga taong in love so hindi na ako magsasayang ng oras. Gusto ko lang sabihin ng bumaba ang tingin ko sa’yo dahil sa ka-cheapang kinasangkutan mo with Heart Evangelista’s parents. Galingan mo na lang. Sana gamitin mo ang inspiration and love na nararamdaman mo ngayon para mas higit na magsilbi sa bayan. Remind lang kita, 43 years old ka na so sana ay kumilos ka nang naaayon sa edad mo. Ibigay mo na kina Daniel Padilla at Kathryn Bernado ang pa-tweetums role. Hindi na kasi bagay sa’yo. Please lang.

Nancy Binay

At syempre, papahuli ba naman ang message ko sa paborito kong si Nancy Binay?! Save the best for last!

Hello Nancy. Taray mo, girl. Pasok na pasok sa banga! Hindi ka rin talaga natinag! Iba talaga kapag maitim na damo. Mahirap mapabagsak.

Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ang sapat na lakas ng loob na tanggapin ka bilang Senador ng bansang ito. Hanggang ngayon ay kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko para matanggap ka. Ang hirap din kasi talaga ng task na ito. Hindi ito madali for me so ‘wag mo akong masyadong i-pressure! Pero hayaan mo, aabot rin ako sa acceptance part. Kung kailangang mangutang ako ng lakas ng loob sa bangko, gagawin ko para mapayapa na ang kalooban ko at maka-move on na ako sa buhay. Deretsahan na tayo, hindi ako masayang nanalo ka. Pero sino ba naman ako kumpara sa milyung-milyong nauto mo. Pasalamat ka rin sa tatay mo at Binay ang apelyido mo. Kasi kung naging “Bingas” o kaya “Binat” ang surname mo, sa kangkungan ang bagsak mo, girl! Sure ako!

Oh, well. Panalo ka na. Natalo ako. Araw mo ito. Pero tandaan mo, bilog ang mundo. I will be closely watching you, bitch! Babantayan ko ang lahat ng kilos at galaw mo sa Senado. Kahit hindi na ako magka-lovelife kakabantay sa’yo, keri lang! Simula pa lang ng totoong laban so umayos ka.

At bilang unang paandar ni Senator Nancy Binay, gusto ko ipapanood ang nakakalokang interview na ito. Ang best n’ya kasi sumagot sa mga tanong ‘eh. Watch this!
_____________________________________

_____________________________________
Waaaah. DELUBYO!!! Grabe. Hindi ko kinaya!!! Say hello to our new Senator. 😦

At the end of day, kailangan nating mag-move on at tanggapin ang hatol ng bayan. Kailangan pa rin nating kumilos bilang isang bansa. Sana na lang mali ang mga iniisip ko. Sana na lang mali ako. Basta ang wish ko na lang is sana mahanap na natin ang sapat na lakas ng loob para matanggap ang resulta ng 2013 elections. Basta maging mapagmatyag lang tayo. Huwag tayong tumigil na magbantay sa mga kinikilos ng ating mga pinuno.

God Bless this country!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.facebook.com/ANCalerts, http://www.rappler.com)

(Video source: GMA News http://www.youtube.com/watch?v=4vmcNB1oTwg)

P.S. Isang pagpupugay sa mahigit 3 million na bomoto kay Mr. Teddy Casiño. Proud ako na at least may 3 million na Pinoy na sumuporta sa TUNAY NA PAGBABAGO. Masaya akong malaman na may mga tao pa rin sa Pilipinas na nag-iisip. Mabuhay kayong lahat! 🙂

To Mr. Teddy Casiño: Nawa ay hindi po kayo matinag sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino. Sana hindi ito ang maging dahilan para tumigil kayo sa iyong maganda at kahanga-hangang gawain. Kailangan namin ng isang kagaya mo kaya sana ay patuloy ka pa ring maging aktibo sa pagsulong ng mga mahahalagang pagbabago.Nakasuporta po kame sa inyo.

Basta para sa akin, hindi ka man nanalo, ikaw pa rin ang Senador ko!

P.P.S. Happy Anniversary sa Your Truly, Madma!!! Grabe. One year na akong blogger!!! Nakakaloka. Ang bilis rin talaga ha. 🙂

Salamat sa mas pinalakas n’yong suporta!!! Asahan n’yo ang mga bagong pasabog ni Madma very soon. 🙂 One year na tayo. Shet. 😉

Muli, MARAMING SALAMAT!!! ❤

Ang Sampung Pananaw ni Madma on Religion and Homosexuality

homosexuality_God
____________________________________
Dear fans and followers,

Hello naman!

Gusto ko lang pala mag-follow up sa controversial status ko sa FB last April 30. I just want to clear things up for the record. O, ‘di ba nakaka-artista ‘yung nagki-clear pa ng mga bagay-bagay? Char. 😉 Pinili kong maglabas na lang ng isang full-blown blog entry para mas maipaliwanag ko nang maayos ang aking saloobin. Mabuti na ‘yung may official statement si Madma para mas klaro. 🙂

Una sa lahat, gusto ko munang sabihin na na-appreciate ko ang lahat na nag-comment sa status ko na ito. Bet na bet ko talaga ‘yung palitan ng kuru-kuro at pananaw. Nakaka-talino ‘yan. Gawain ‘yan ng mga taong nag-iisip. And I’m happy na nag-iisip tayo! 🙂 Bilib ako sa mga taong matapang na nilalabas ang kanilang saloobin. After all, iba-iba naman talaga ang pananaw ng mga tao. Iba-iba ang paniniwala. Iba-iba ang saloobin. Everyone believes in something. Ang importante naman lagi is kaya mong ipahayag at panindigan ang iyong paniniwala at marunong kang rumespeto ng side ng iba. Bongga!

Sa mga hindi nakakaalam particularly sa mga hindi ko friends ko sa Facebook, ito ang FB status na tinutukoy ko:

“You can’t live an openly homosexual lifestyle and be a Christian.” -AGREE! Para mong sinabing vegetarian ka tapos kumakain ka naman ng pork. haha Check, check rin ng consistency ‘pag may time. K?!”

Shocking ba? Hahaha
_________________________________________________
chris-broussard-espn-1
_________________________________________________
Background of the Issue

Actually, si Chris Broussard, ESPN Reporter, ang nagsabi ng statament na “you can’t live an openly homosexual lifestyle and be a Christian.” Sumang-ayon lang ako gaya ng nakita n’yo sa taas. This was Chris’ reaction regarding the coming out of NBA player Jason Collins. I’m sure nabalitaan n’yo naman siguro ang shocking na pagladlad ni Jason earlier this week. Si Jason na ngayon ang first openly gay active player sa NBA! SHOCKING kung SHOCKING! 🙂

Personally, hindi ko kilala si Jason kasi hindi naman ako nanonood ng NBA. HELLO! Anong expect n’yo sa akin? Nakaka-amaze lang na inulan ng positibong suporta si Jason mula sa buong mundo. Nakakatuwa na maraming nagbigay suporta sa kanya kasama na ang no less than President Barack Obama himself. BONGGA! Ang saya-saya na ang dami ng naga-out lately. Deadma na kung mas nagiging stiff ang competition para magkaroon ng jowa sa gay community.;)

On the other hand, medyo inulan naman ng batikos si Kuya Chris dahil statement n’yang ito. Discriminatory daw si Chris sabi ng ilang individuals kaya may mga panawagang patalsikin siya o kaya i-suspend sa ESPN. Nakakaloka! Nagpahayag lang naman ng opinion si Sir Chris and gaya ng inaasahan, ganito ang naging comment n’ya kasi isa pala siyang born-again, Bible-believing Christian before pa. O, eto ang full statement ni Chris Broussard para mas maliwanag tayo:

“Personally, I don’t believe that you can live an openly homosexual lifestyle or an openly premarital sex between heterosexuals, if you’re openly living that type of lifestyle, then the Bible says you know them by their fruits, it says that’s a sin. If you’re openly living in unrepentant sin, whatever it may be, not just homosexuality, adultery, fornication, premarital sex between heterosexuals, whatever it may be, I believe that’s walking in open rebellion to God and to Jesus Christ. I would not characterize that person as a Christian because I do not think the Bible would characterize them as a Christian.”
____________________________________________________
homosexuality-and-the-bible
____________________________________________________
Ang Sampung Pananaw ni Madma on Religion and Homosexuality

(Paalala: Ang mga pananaw sa ibaba ay pananaw lamang ni Madma at hindi ng buong Yours Truly, Madma management. MANAGEMENT?! Wow naman ha! )

1. Naniniwala ako sa sinabi ni Chris Broussard at hindi ko nakikitang discrimatory ang pahayag n’ya. Legit ang comment n’ya at valid. Don’t get me wrong ha, hindi ko sinasabing masama ang mga homosexuals. Hello, ang bait-bait ko kaya! Excuse me! 🙂 Ang akin lang is, you can’t serve two Gods at the same time. You can’t embrace two lifestyles at the same time. Otherwise, lalabas kang hypocrite. At ayaw natin sa mga hypocrite! Ang weird naman na sinasabi mong Christian ka pero sa labas ay may same-sex relationship ka. Ang strange naman na kini-claim mong Christian ka yet panay ang pakikipag-sex mo sa kapwa mo lalaki or babae outside the church. It doesn’t make sense, right? Nakakaloka! Ang daming ganyan lately! Naku po. Dapat maging consistent tayo kasi baka malito si Lord. ‘Yung totoo lang, ok?

2. The teachings of God are very clear. And the bible is also clear about homosexuality. So, if you accept God and believe in him but you don’t follow his teachings, then there is some level of inconsistencies. Again, mahalagang maging consistent! Ayaw nating pinapasakit ang ulo ni Lord.

3. May mga nagsasabi na magkaiba ang take ng Old Testament sa New Testament when it comes to homosexuality. May mga nag-comment na magkaiba ang teaching ng dalawa sa aspect na ito. Seriously, hindi ko alam kung iba nga kasi hindi naman ako nagbabasa ng bible. Hindi ako bihasa sa mga teachings ni Lord. Paano ko naman nalaman na masama ang homosexual lifestyle? Well, ito ang itinuro ng simbahang kinalakihan ko. So, pakisabihan na lang ako kung may changes man sa bagay na ito. Let me know kung may portion sa New Testament na nagsasabing go na si Lord sa homosexual relationship. Timbrehan n’yo ako kung may bagong memo si Lord na ok na sa kanya ang homosexuality. Because apparently, I missed that memo.

4. May mga nagsabi rin na hindi naman clear ang Bible on homosexuality. Na hindi naman talaga tahasang sinasabi ng Bible na kasalanan ang homosexuality. Ok. Kung ‘yan ang paniniwala n’yo, go lang. Kung ang idea na ‘yan ang makakapagpayapa ng buhay n’yo, go. Kung ang thought na ‘yan ang magbibigay buhay sa inyo para magpatuloy sa mundo, why not. Pero para sa akin, ang statement na ito ay sinasabi lamang ng mga taong nagpapalusot. Ito ang kadalasang sinasabi ng mga taong pilit niyayakap at pinagsasama ang dalawang magkaibang mundo.

5. Para sa akin, ang pagsunod kay Lord is ALL or NOTHING. Hindi pwedeng mamimili ka lang ng mga bagay na susundin mo sa teachings n’ya kasi ‘yun lang ang convenient sa’yo. Anu ‘yun? Value Meal? Mamimili ka lang ng combination? You don’t fully believe in him kung hindi mo sinusunod LAHAT ng mga sinabi n’ya. You may believe in his existence pero not necessarily naniniwala ka sa kanya because believing is also FOLLOWING! Clear naman si God sa mga likes and dislikes n’ya, ‘di ba? So, kung hindi mo kayang sundin lahat, ekis na ‘yan. Walang partial effort. Walang partial points.
_____________________________________________________
Prasing-Almighty-God-our-Father-3-god-the-creator-19486614-842-595
______________________________________________________
6. Dati nagsisimba ako every Sunday sa Catholic church. Pero ngayon hindi na kasi may isang instance na sinabi ng pari na immoral ang pagiging homosexual. Naloka naman daw ako after hearing it so syempre labas naman ako agad sa Church! Na-judge na ako ‘eh. Bakit pa ako tatagal sa isang simbahang hinuhusgahan ako, ‘di ba?! Kulang na lang hulihin nila ako sa moment na ‘yun at silaban. SHOCKING! Kaya from then on, hindi na ako nagsisimba. Ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko sa isang lugar na ayaw sa akin. Hello, ang ganda ko kaya! It’s their loss not mine. WOW. Kaya kung may alam kayong relihiyon na yumayakap sa kabadingan, sabihan n’yo ako at bibistahin ko. I’m up for grab. WOW. 🙂

7. Hindi ako naniniwala sa Bible kasi tao lang din ang gumawa n’yan at hindi si Lord ang mismong nagsulat n’yan. Kung ating babalikan, ang mga laman ng Bible ay sinulat ng mga disciples ni Lord based sa kanilang experience with God. So, essentially, subjective na rin ang laman ng n’yan. Ang dami na ring revisions ng Bible through the years so ang dami na ring mga teachings na nawala at naidagdag. And the fact na may mga nawala at naidagdag, that for me is already a form of subjectivity.

8. Naniniwala ako sa Diyos pero hindi ako naniniwala sa Diyos na sinasabi ng Bible. Naniniwala akong may higher being up there na nakatingin sa ating bawat kilos. Naniniwala akong may Diyos sa itaas na pwedeng kausapin ng kahit sino anytime, anywhere. At naniniwala akong mabait ang Diyos at hindi siya judgmental gaya ng portrayal sa Bible na parang ang hirap sumunod sa gusto n’ya kasi ang daming BAWAL! Naniniwala akong pwedeng magkaroon ng personal relationship with God without the help of priests or any religious leaders. After all, TAO RIN ANG MGA RELIGIOUS LEADERS! So, kung kaya nila kausapin si Lord, kaya rin natin. And since kaya rin natin, tayo na lang ang gumawa. Tayo na lang ang direktang makipag-usap sa Diyos. Kung kayo mo naman, huwag mo ng ipagawa sa iba.

9. Kung tatanungin mo ako kung mapupunta ako sa langit, ang sagot ko ay hindi ko alam kasi hindi naman ako ‘yung Diyos! Hello! 🙂 Pero kung tatanungin mo ako kung mabuti akong tao, ang sagot ko ay oo kasi naniniwala akong nakakasunod ako sa Diyos na pinaniniwalaan ko.

10. So anong point ko, simple lang, maging consistent sa mga bagay-bagay. Kung sinabi mong Christian ka, pakita mo sa LAHAT ng pagkakataon. Kung naniniwala ka sa Bible, sundin mo ang sinasabi nito sa LAHAT ng pagkakataon. Kung susunod ka sa aral ng Diyos, sundin mo LAHAT at huwag kang choosy. Ganun lang ‘yun. Nakakainis kasi ‘yung mga taong inconsistent. Sakit sa mata. Sakit sa bangs.

Ultimately, wala naman talagang personal nakita at nakausap ang Diyos so hindi natin alam ang real score ng mga bagay-bagay. Bible lang ang connection ng tao sa Diyos. And the shocking part is, iba-iba ang interpretations ng mga tao sa Bible. So, magulo talaga. 🙂 Walang may hawak ng katotohan! Ang tanging magagawa na lamang natin ay umasa na sana ang mga ginagawa natin sa mundo ay naayon sa tunay na kaloob ng Diyos. Mahaba at malawak ang usaping ng religion at homosexuality. At maraming bagay ang pwedeng masabi ng iba’t ibang tao hinggil dito.

Uulitin ko, ang lahat ng mga pananaw sa itaas ay sarili kong opinion. Kung hindi n’yo bet, go lang! Kung magalit kayo, go lang rin. Basta ito ang mga pinaniniwalaan ko. Everyone believes in something at ito ang mga bagay na kinakapitan ko bilang tao para magpatuloy sa mundong ito. Ngayon, kung iba ang paniniwala n’yo, sabihin n’yo lang at makikinig ako.

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.gurusfeet.com/blog/homosexuality-attempt-laugh-god, http://www.revolutionmyspace.com, http://www.businessinsider.com, http://www.fanpop.com)

P.S. Today is Teddy Casiño day! Just in case hindi n’yo pa alam, siya lang ang tanging kandidatong deserving ng boto ko! Hindi na ako aarte pa, kay Teddy lang ako! #TeddyDay

Iboto natin ang nararapat! Iboto natin ang kandidatong tunay na maglilingkod sa mamamayan. 🙂
____________________________________________
183081_10151564265808750_2119361710_n