Si Madma sa gitna ng CJ Corona Verdict

Dear fans and followers,

Hello naman! Hindi na tayo nagbo-bonding!  Kamusta na kayo?! Ang taray ng picture ko dito, aminin n’yo. Lakas maka-R2K album cover ni Regine Velasquez! 🙂

Anyway, talaga namang makasaysayan ang naganap na pagtatapos ng CJ Corona Impeachment Trial kahapon.  Lahat nakatutok, lahat nakaabang sa naging hatol. At syempre, hindi din nagpahuli si Madma sa panunuod sa super habang verdict ng mga senator-judges kay Corona.  Pakahaba din talaga, please! Pero in fairness, taas ng entertainment value. Parang teleserye. Ang daming nagaganap!

Well, since close na nga tayo dito, gusto ko lang i-share sa inyo ang mga thoughts na tumatakbo sa isipan ko habang nanunuod sa paghahatol kahapon.

  1. Lahat ng government officials ay corrupt. Alam ng lahat ‘yan. Nahihirapan humusga ang mga senator-judges kasi sila mismo ay corrupt.
  2. Russian si Juan Ponce-Enrile. Very evident ito sa accent n’ya lalo na sa pag-pronounce n’ya ng letter “R.”
  3. Nangampaya si Manny Villar at hindi nagpaliwanag ng boto n’ya. Irita s’ya.
  4. Hindi nagbago si Lito Lapid. Naka-2 terms na sa Senado pero di pa din nagbago. Nakampante na lang s’ya sa peg n’ya na High School graduate at hindi marunong mag-English. Move on naman, Kuya!
  5. Mainitin talaga ang ulo ni Mirriam Defensor-Santiago. Dapat kinabitan siya ng Blood Pressure Meter sa braso at dinirekta sa TV screen para kitang-kita ang pagakyat at pagbaba ng BP n’ya. Taas ng ratings nito, if ever na-push. Aminin n’yo.
  6. Ang hot ni Chiz Escudero. Oh la la. Sarap n’ya!
  7. Imbyerna ang beauty ni Mirriam. Nalampaso kasi ni JPE ang ratings n’ya in terms of exposure. Hindi nakuha ni Mirriam ang tinatawag na “UNLI” status.
  8. Ang tanda na ni Cuevas pero pasabog pa din s’ya.
  9. Hindi perfect si JPE after all. Mahina s’ya sa pagbabasa ng Roman Numerals. Lagi siyang napapatigil kapag may Roman digits.
  10. Ang daming nag-speech in total. Nakakapagod. Para akong umattend ng 23 graduation rights at nakinig sa 23 commencement speakers.
  11. Nakakaantok magsalita si Drilon. Lang gana. Kamukha n’ya pa si Garfield.
  12. Ang daming natenggang ibang issues dahil sa CJ trial. Kailangan ng harapin ulit sila.

Ayon naman! Just wanna share with you. Buti naman at tapos na din talaga ang trial na ito. At least, makaka-move on na tayo sa mga buhay natin. Isara na natin ang pahinang ito ng ating history!

God Bless the Philippines or these Philippines. And God Bless America. Alam nating pa-involve tayo lagi sa ganap ng America! Lalo na sa American Idol. 🙂

Ikaw may thoughts ka ba? Share mo naman! Hindi mo ika-yayaman ‘yan! 🙂

Yours truly,

Madma

P.S. At bilang pasabog sa araw na ito, gusto kong ipapanuod sa inyo ang bonggang video na ito na ginawa ng mga pasabog friends ko from The UP Repertory Company! I-avail naman natin ang parody ng “Jennifer-Jessica AI moment!”

Presenting Dax Carnay as Jennifer Holiday and Melanie Libatique as Jessica Sanchez. Andito din si Ms. JLo na ginampanan ni Jorgette Aguirre at si Randy Jackson na ginampanan ni Albert Cruz. BONGGA! Enjoy!

I-click ang link na ito para makita ang PASABOG video: http://www.cge.tv/watch/27c46295-d6cf-49d9-bf3b-3573e6e55b0e

Advertisements

Tiis lang para Gumanda

Dear Madma,

Hello po. Congrats sa super fun na blog n’yo. Regular readers po kami ng mga barkada ko at super aliw talaga dito.

Gusto ko lang po humingi ng payo. Medyo mataba po kasi ako at gusto ko na talaga pumayat. As in. Nai-insecure na nga ako sa mga payat at sexy eh. Payat naman po ako dati pero ngayon kasi…never mind na lang.

Anyway, excited na po ako sa payo n’yo. Congrats po talaga sa napaka-gandang blog n’yo! Sana po ay makita din namin kayo in person.

Your avid fan,

Super Boink

_________________________________________________

Dear Super Boink,

Hello naman sa’yo at sa mga barkada mo! Super thanks sa pagbabasa ng Yours truly, Madma. Nakaka-TABA naman ng puso ang comment mo. 🙂

Speaking of taba, gaano ka na nga pala kataba? Baboy-damo level ba? Yung tipong di na makita ang mga paa dahil sa laki ng tiyan at sa taba sa leeg? OMG!!! Taba nga! Bakit mo pinaabot sa ganyan! Na-curious naman ako bigla. Or baka naman hindi ka talaga mataba after all ha.  Baka arte-arte lang ‘to. Dami din kasing pa-cute na mataba na daw sila pero payat pa din naman ka-level ng may-TB. Send ka naman ng picture oh! For me kasi, lahat ng lagpas sa size ko ay mataba. WOW. Ako na talaga ang standard sa lipunang ito. At take note ha, lahat ng sobra sa akin ay tinatawag ko na agad na MATABA. Walang chubby, cute-chubby, huggable-chubby or ano pa mang category. Mataba agad. Period. Judgemental ako eh. WOW. Parang tingin ko lang ito sa mga bading. Walang BI, effem, BI-curious etc. CHE! Bakla lahat ‘yan! Arte-arte pa! Tigilan ako ha.

Alam mo, Super Boink, dalawang bagay lang ang sagot dito: disiplina at consistency. Whether nagpapa-payat ka or nagpapa-taba or ano pa mang gusto mong maachib sa buhay, kailangan talagang magtiis, disiplinahin ang sarili at sabayan ng consistency. Tiis ganda lang, ‘te! Para sa ikagaganda mo din naman ‘yan. Mahirap ito sa simula, yes. Pero dapat kayanin! Ako nga nagpapa-taba ngayon eh. Ang hirap din kasi magpa-taba ha. Halos maubos ko na nga ang kanin sa kaldero kasama pa ‘yung mga natirang bigas, pero wala pa din! Pota. Ang petite ko talaga. Kainis.

Tandaan mo, hindi ka dapat tumigil sa pagsasabi na gusto mo pumayat. GAWIN mo! Nega din kasi ‘yung mga taong sabi nang sabi na gusto na pumayat pero kung lumamon eh singlakas ng kargador. No more excuses dapat! Set a goal and achieve it! ‘Yun na! Disiplinahin mo ang sarili mo. Kontrol lang. Kapag gusto mo kumain ng bongga, igapos mo kamay mo. Itali mo paa mo. Ipiring mo ang mga mata mo! Lakas maka-masaker nito. FOCUS lang, ‘te! Kaya ‘yan!

At naku ha, huwag mo ding kakalimutan na maging consistent ha! Equally important to. Dumadami na din kasi ngayon ‘yung mga taong ok na tapos biglang maliligaw ulit ng landas. Ito ‘yung mga taong gym ngayon, buffet bukas. Or gym ngayon, buffet na forever. Naku po, common ‘to! Madaming biglang mage-enrol sa gym tapos biglang mawawala na lang na parang bula. Sa una active na active, pawis na pawis sa gym, very energetic ganyan. Tapos after 2-3 weeks, mawawala na lang. Biglang mabu-busy ganyan, may imi-meet na deadline, may lakad, masakit paa, nawalan ng wallet, nagkasakit ang kapatid etc. Ang dami ng nahulog sa trap na ito, please. Basta, be consistent.

‘Yun lang naman. Kaya mo ‘to! Andito kame para sa’yo. Magtiwala ka lang. At the very least, nare-recognize mo na ‘yung need na pumayat. Nasa first step ka na. 1,000 more steps to go! Dami din ha. Tuloy mo lang! At kapag pumayat ka na, send ka naman ng picture, ife-feature kita sa Yours truly, Madma. Pangako. 🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Patuloy lang sa pagpapadala ng mga nguynguy sa yourstrulymadma@yahoo.com. Bilisan n’yo at humahaba na ang pila! Salamat sa suporta sa blog na ito. Grabe ang close na din ng mga tao dito ha. Marami pang pasabog sa mga susunod na araw!

At talaga namang 17 days to go na lang bago ang “The Big Event.” Malapit na ang monthsary ng Yours truly, Madma. Wooh! Mark the date: June 15, 2012. Hindi mo kakayanin ang mga pasabog sa araw na ito!

(The photo above was lfited from this link: http://www.dreamstime.com/royalty-free-stock-photos-royalty-free-stock-photos-fat-lady-image13593878)

Congrats, Deathbymilktea! Ikaw ang 2nd winner sa Yours truly, Madma!

Dear Deathbymilktea,

CONGRATS naman sa’yo bilang pangalawang winner ng Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Woooh!!! Pa-milk tea party ka naman! Salamat sa pagpapamalas ng iyong husay at galing sa panghuhula!

Renzyd, ipasa mo na ang korona!

Yours truly,

Madma

P.S. Mga fans! I-congratulate naman natin si Deathbymilktea! Huwag naman tayong bitter! Ang nega oh.  Sa Friday may contest ulit! Sali ulit kayo.  May twist ang Humula at Manalo this Friday! Abangan n’yo ‘to. Sali lang nang sali para mas malaki ang chance na ma-feature sa talaga namang pasabog na Yours truly, Madma!

Again, ang title ng blog entry ko last Friday ay “Best friend ko, Jino-jowa ko.”

Kilalanin na natin si Deathbymilktea!

______________________________

Bio: My real name is Israel, but most people call me Sael (pakifollow na lang sa @saeIxix sa twitter biglang naghihikahos pa ako sa followers. WOW.) Im 22 years old and isa po akong callboy sa gabi. HAHA. Oh diba pasabog agad!

Kidding aside, isa po akong call cen-ner agent sa Alabang. Im a BS Bio undergrad pero di ko pa siya natatapos. Hehe. (Long story. I-ngunguynguy ko yan in the future, pramis. :p)

Una eh gusto kong batiin ang aking katandem sa pagiging kaladkarin na si Rian Bernal (@ar_ay_ey_en sa twitter, YES naghahanap din ‘yan ng jowa, este followers pala! Haha. Dahil kasi sa kanya kaya ko natuklasan itong Madmaworld. Ito na talaga ang simula ng pagsikat ng #TheKaladkarinTandem WOW. Kami na ang may sariling hashtag. Hahaha.

Hello din kina Mich, Dano, sa Team Handraiser, kay Boss Sha, Boss Eka at Boss Ice (yes ako na ang sumisipsip sa mga powers-that-be).

Hobbies: Uminom ng milk tea (na hindi masyadong obvious sa username ko – favorite ko ang Wintermelon at Oolong Milktea ng Moonleaf, Passionfruit Yakult ng Serenitea, Taro Milk Tea ng Gong Cha and Black Sato at Pumpkin Spice Milktea ng  Tea Talk. WOW. Ako na yung milktea na ang dumadaloy sa katawan. Hahaha.)

Mahilig din akong magbasa ng libro, lalo na yung mga pang-young adult. Obsessed ako kay JK Rowling. As in. Sobra talaga. Grabe. Hahaha.

Huli kong nabasa ang Amapola sa 65 na kabanata ni Ricky Lee. Inaabangan ko naman ang Kikomachine Komix Blg. 8 ni Manix Abrera (Para namang interested kayo sa buhay ko diba.)

Pano ko naisip yung title: Eh naisip ko eh. Haha. Naka-competitive mode kasi ako ng mga oras na iniisip ko yan. Di rin naman ako maka-relate kasi di ko naman jinowa ang bestfriend ko. Though crush ko siya nung elementary kami, nandiri na kami sa isa’t isa nung highschool. Hahaha. Kasi pag bestfriend parang kakambal mo, kaya pag naging kayo, parang incest. Di tama.  (Opinyon ko lang yan ha, peace tayo Black Widow.) :p

Message to Madma: I wanna see you in person! Favorite ka namin ng TM (Team Manager) ko na si Boss Shatio Dela Cruz (na pag nabasa to eh siguradong magsisisigaw. Haha.) ‘Pag binabasa namin ang mga entries mo, nawawala ang aming antok at stress sa trabaho. 🙂 ‘Pag nagawi ka sa South, sabihan mo kami. Itutuloy natin ‘yang milk party na ‘yan. Kaya lang baka mamulubi na ako after ng party bilang libu-libo na kaming supporters mo. KKB na lang. Haha.

Salamat dahil nakilala ka namin (Clingy din agad). More power sa blog mo at sana magka-TV show ka na talaga!

*hugs*

SALAMAT sa Boto ninyo! Kame ang Nanalo!

Dears fans and followers,

Grabe napa-special posting ako on a Tuesday!!!

Eh kasi naman hinakot namin ang award sa Bactidol Challenge! Salamat sa lahat ng mga nag-LIKE sa videos na pinost ko last Friday!!! Iba talaga ang suporta n’yo! Kame ang nanalo sa individual at group category! Eh dalawang categories lang kasi lahat. In short, sa amin lahat. 🙂

“It’s not official until it’s “Facebook-official.” So now we announce the winners of the very first Bactidol Idol Online Competition! Congratulations to Jill Masalonga for sweeping the solo category and to Team Balutin Mo Ako 2.0 for dominat…ing the group category! Jill wins P10,000 and Team Balutin Mo Ako 2.0 wins P15,000 in cash. Congratulations again to the winners! You may now scream for joy but not before gargling with Bactidol first to protect your throat ;)”

Click here: http://www.facebook.com/#!/Bactidol

Hindi n’yo talaga pinabayaan si Madma! Grabe!

Kung gusto n’yo makita ang mga naturang videos, check may Friday post  (May 25, 2012) titled “Kailangan ka ni Madma.

Ito ang link: https://madmacarta.wordpress.com/2012/05/25/kailangan-ka-ni-madma/

Salamat at hindi n’yo pinabayaan si Madma sa oras na kailangan n’ya kayo. 🙂 Grabe ‘yung third person ang ginagamit ko. Ako kasi si Madma. 🙂 At salamat sa lahat ng fans ng The UP Repertory Company!

Congratulations to the first Bactidol Idol Carla Jill Masalonga. And of course congratulations to all the members of Team Balutin Mo ako 2.0.

Yours truly,

Madma

P.S. Congrats din sa lahat ng mga hindi nanalo. Ang mahalaga naman eh na-enjoy nating lahat ang expereince na ito. 🙂

(The photo above was lifted from this link: http://workingmymuse.blogspot.com/2011/01/quick-celebration-on-friday.html)

Bonding time with Madma

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyo. Grabe na-miss ko kayo. CLINGY! O di ba may post ulit ako tonight. Sipag din ha. Walang love life eh. 🙂 Actually, ginanahan lang ako now kasi umuulan at malamig. 🙂 At tsaka gusto ko lang maka-bonding pa kayo. Nakukulangan ako sa bonding natin! 🙂

Alam n’yo, madaming nagre-request na mag-share naman daw ako ng life ko. Puro na lang daw ako payo at pasabog. Kaya naman ito na! Ito na! Since super close na natin, I will share something naman about myself. Chikahan naman. GAME!

Dalawang Bagay na Ayaw ni Madma

1. Ayoko sa taong may putok! PLEASE! Whether kaliwa or kanang kili-kili ‘yan, lampake. Putok is putok! Lakas maka-nega sa akin ng taong may putok. Kayo ba gusto n’yo ‘yung putok? WOW ha. Tibay ng ilong. Gawa sa bakal?!

Aaminin ko, madali ako makalimot ng ibang bagay gaya ng mga Math formulas at birthdays pero kapag naamoy ko na may putok ka, never ko na ito makakalimutan. Kahit sa hukay ko, madadala ko na ito. Grabe kasi ‘yung putok eh. I mean, kung may putok ang isang tao, ano na lang ang amoy ng panty or brief n’ya di ba? Diyos ko! Maging ma-ingat tayo sa aspect na ito. Maraming ibang taong “naaabala.”

2. Ayoko sa palaka!!! Diyos ko! Ang pa-pangit nila!!! Paano ba nila na-achib ang ganyang itsura? Ewan ko ba. Hindi ko talaga bet ang mga palaka. Hindi ko sila kayang tingnan lalo na ang hawakan. Ikamamatay ko ang mga palaka. Nung second year ako, umabsent ako sa Bio class namin nung magda-dissect na ng palaka. Nangopya na lang ako ng mga sagot sa kaklase ko para masagutan ‘yung Science workbook ko. Mas kaya ko pa humawak ng ahas o kaya ipis pero NEVER ang palaka. Eeeeeh, I’m getting goosies! WOW. Arte nung goosies! Lakas maka-yaman.

Dalawang Bagay na Likey ni Madma

1. Gusto ko chumika at dumaldal. Obvious ba? Grabe huwag mo akong hamunin sa kwentuhan dahil hindi kita uurungan. Kung si Manny Pacquiao ay hindi umuurong sa boxing, ako hindi uurong sa chikahan! Kahit mag-damag tayo, go lang! Hindi tayo mauubusan ng topic, promise! Kahit tae mapapag-usapan natin. Ang sarap kasi chumika eh. Kaya nga ako laging nagho-host sa mga events. Sa totoo lang, parang may sarili na atang buhay ang bunganga ko. Galaw lang siya nang galaw kahit minsan antok na talaga ako. Promise! Parang kanal lang ang pagdaloy ng mga salita sa bunganga ko. Ganung level.

Comfort zone ko ang chikahan. Gustung-guto kong kinakausap ‘yung mga tao lalo na ‘yung mga bagong taong nakikilala ko. Interested kasi ako lagi sa mga buhay nila. Gusto ko malaman ‘yung karakas nila sa buhay. ‘Yung mga experiences nila, mga problems etc. Ang sarap dumaldal. Minsan nga natatakot na ang mga kaibigan ko kasi tingin nila sakit na ito. Papa-rehab na nila ako.

Pero don’t get me wrong. Marunong din akong tumahimik. At pag tahimik ako, dalawang bagay lang ‘yan. Either gutom na ako or inaantok na ako nang bongga!

2. Gusto ko ng mga kakanin! Aaaay, I sooo love them! Comfort food ko ang mga ito. Kapag may nakikita akong kakanin sa kalsada, nangangati ang kamay ko dahil gusto ko bumili. Sakit din ata ‘to eh. Parang adik. Gusto ko ng mga kutsinta, champorado, palitaw, Banana Q,  biko, ginataan, in short gusto ko ng diabetes. 🙂 Magkakasundo tayo sa mga kakanin. Aprubado ka sa akin kapag likey mo din ang mga ito. Shet nagke-crave ako sa kakanin. Makagawa nga ng biko. WOW!

So ‘yun lang naman. Gusto ko lang talagang chumika tonight. Ayan ha. Nag-share na ako ng sarili ko! Kayo naman. Game! Share din kayo ng mga ayaw at gusto n’yo. Huwag na kayong mahiya. Sundan n’yo lang ang format na ito:

1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang…

2. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang…

O ayan ha. Binigyan ko na kayo ng guide. Sundan lang ang format na ‘yan. Dali! chikahan naman tayo! Let’s get to know each other. Parang fans day na din ito nang very light. Huwag kayong matakot mag-share. Close na tayo di ba?!

GAME! Aantayin ko ang mga sagot n’yo ha!

Yours truly,

Madma

P.S. Ang saya din pala ng chikahan portion na ito ha. Na-enjoy ko ang pagsusulat ng entry na ito. 🙂 Game. Share naman kayo! Magco-comment ako, promise! 🙂

The Big Day, MALAPIT NA!

Dear fans and follower,

Handa na ba kayo sa mas malalaking pasabog?

Sa June 15, 2012, talaga namang isang buwan na din ang Yours truly, Madma!!! Ang bilis! Patuloy pa din sa pamamayagpag ang ratings ng blog na ito. Palakas nang palakas sa bawat araw at padami nang padami ang mga viewers all over the world! In fact, more than 11,000 views na ang blog na ito in just two weeks! O, ansabe?! Grabe!!! Hindi ko inasahan ang mga bagay na ito. Nagsimula lamang ito na isang simpleng blog at ngayon ay full-blown show na siya. Kaloka.

Salamat talaga sa pagtutok sa mga blog entries ko. Salamat sa pakikinig sa mga payo at announcements ko. Salamat sa paga-antay ng mga pasabog ko. Salamat talaga. Wow. May cancer?  Mamamatay? Ang best din talaga ng suporta n’yo kaya naman ganado talaga ako sa pag-post dito. Ang dami ko na ding naging kaibigan at mga bagong nakilala through this blog. Salamat talaga. Salamat.

Kita n’yo naman, unti-unti na ding nagta-transform ang blog na ito sa mas pasabog na anyo! Avail n’yo naman ang mga bagong install na pakulo sa right side! At syempre, salamat sa aking Diva Friend na si Carla Jill Masalonga para sa wordpress tutorial last weekend! Pak!

Kaya naman, asahan n’yo lang ang mga mas bonggang pasabog sa darating na araw. Sa ating monthsary sa June 15, 2012, may malaking pakulong magaganap! Taray no? Hiyang-hiya ang Eat Bulaga. Humanda kayo dito! Please! Gaya ng sinabi ko nung una pa lang, mababago ang blogging experience n’yo sa Yours truly, Madma! WOW. Kapit lang! Walang bibitaw!

Sama-sama nating intayin ang June 15, 2012! Kita n’yo naman sa right side ng blog ko, may countdown na din talaga sa “The Big Day!” Ayan, hindi na kayo malilito ha.

Muli, maraming salamat! Mabuhay kayo!

Yours truly,

Madma

P.S.  Patuloy lang kayong magpadala ng inyong mga nguynguy at mga ngasngas sa yourstrulymadma@yahoo.com. Magpadala din kayo ng feedback, mga suggestions, mga input para mas maging best pa ‘tong show na ito. Show na talaga ha! Padala lang kayo, makikinig ako.

Your comments are highly encouraged. Mag-comment lang kayo sa mga posts ko. Go lang nang go! Ituring n’yo na itong tahanan n’yo. Friends tayo lahat dito. Aalagaan natin ang isa’t isa. WOW.  Sabihin n’yo lang ang inyong saloobin sa mga posts ko para mas matulungan natin ang mga letter sender. Salamat sa mga masipag mag-comment! Naa-appreciate ko ito.

Madma meets Mad Mama

Dear Madma,

Hi! Guso ko lang malaman ang reaksyon mo at kung may maipapayo ka sa situation ko.

Married na ako at may baby na kami. Ang problema ko eh ‘yung husband ko na maka-pamilya. Kasama namin sa bahay ang mga kapatid n’ya at byenan ko na kaming mag-asawa ang nagbabayad ng bahay at iba pang expenses tulad ng kuryente, tubig, allowance at panggamot ng byenan ko etc. Nakausap ko na s’ya several times kasi hindi kami makapag-save sa dami ng gastos. Nabibigatan na ako eh. Halos laging napagdi-diskusyunan at napaga-awayan na tuloy madalas lumalabas na madamot ako. Pero kasi naman, hindi ko ma-feel na willing tumulong ang family niya sa mga gastusin. Di ba pag mag-asawa dapat nakabukod na? Hay.

Sige, thank you at more power sa’yo. Nage-enjoy ako sa blog mo.

Thanks at nakakabawas ng stress hehe.

Mad Mama

_______________________________________________

Dear Mad Mama,

Hello naman sa’yo, Mad Mama. Chill ka lang. Don’t be Mad. Just be Mama! Ang witty din nung screen name mo ha.  Pasabog! At talaga namang ikaw ang unang Mommy or Mummy na sumulat sa blog ko! Lakas maka-bangkay nung Mummy. Belated Happy Mother’s Day sa iyo at hello kay baby. Ang laki-laki na ng baby mo. Grabe! Pa-karga nga. WOW. Ninang ang peg? Salamat talaga sa pagsulat at welcome sa Yours truly, Madma.

Alam mo, Mad Mama, I think kailangan n’yo lang ulit mag-usap ni Mister about this. Maayos na usap lang ‘to, promise. Ang dami dami n’yo na din talaga sa bahay n’yo ha. At alam naman natin na one is enough, two is a crowd, three is a company and four is party people!  Come on! Party naman, Mad Mama! Ang KJ oh. Char. Ano ba ‘yan ang energetic ko today. Alam mo na, medyo “nadiligan.” WOW.

Ito suggestion ko:  Lumabas kayo one weekend. Nood ng sine, videoke kayo, kain sa restaurant ganyan. I-set mo ‘yung magandang mood kumbaga. Tapos, slowly mo ipasok ang issue na ito at pag-usapan n’yo ulit nang puso sa puso. Ilatag mo lahat ng saloobin mo nang maayos. Huwag naman ‘yung sigawan na parang “Pota! Ang gulu-gulo na sa bahay! ‘Yang mga kapatid mo ang kakapal ng mukha! Pati ‘yung gatas ni Baby inutas.” Huwag naman ganito. Si Claudine at Raymart lang ang gumagawa ng mga ganitong ka-cheapan. Mahinahon lang. Siguro, mabuting simulan mo sa paglalatag ng  tinatawag na “Cash Flow” ng family n’yo. Ipakita mo ang income versus expenses sa isang buwan para objective ang labanan. After this, mag-present ka ng mga options or alternatives na pwede n’yong gawin para mag-work effectively ang present situation n’yo like mag-work at mag-contribute ang mga kapatid, maghanap si Mister ng ibang work na mas mataas ang sweldo, mag-work ka para additional kita, mag-open ng business, ibenta ‘yung isang kapatid etc. Huwag naman ‘yung tipong “Palayasin na sila! Leche! Wala ng tayong makain, Honey! Lagi akong gutom, alam mo ba?! Si Baby, daliri na lang ang sinusubo! O Diyos ko!” Huwag naman ulit ganito. Chill lang kumbaga. Present your financial status then offer and try other alternatives. I-set aside mo muna ang damdamin at maging objective. Sa mga ganitong issue kasi, mas mabuting objective ang labanan. Ayaw naman nating lumabas na kontrabida ka at masaktan ang damdamin ni Mister di ba? Mas bongga ‘yung magkasama n’yong nire-resolve ang issue na ito as a couple kaysa sa naglalabanan kayo at nagi-iringan. Kaya n’yo ‘yan! Energy lang!

Ngayon, if after 6 months or so at hindi talaga naging effective ang mga alternatives and the only way na lang eh bumukod kayo, so be it. Sa puntong ito, I don’t think na magagalit pa si Mister kasi sinubukan n’yo namang mag-work ang present situation n’yo eh. ‘Yun nga lang, hindi na talaga kaya. I think, mas magiging katanggap-tanggap sa Mister mo ang mga bagay bagay kapag ganitong atake ang gagawin mo. Go lang! Kaya ‘to! Si Karylle nga kaya lahat eh. So kaya din ‘yan.

‘Yun lang naman ang akin. Sana may napulot ka sa mga sinabi ko. Hangad ko na makalampas kayo sa yugtong ito ng buhay n’yo bilang mag-asawa. Matatapos din ito, promise. Hello kay Baby at sa mga tao d’yan sa bahay n’yo. Enjoy lang. Huwag pairalin ang galit at init ng ulo. At the end of the day, isang pamilya pa din kayo.

Mahal ka namin. Update mo na lang kame.

Yours truly,

Madma

P.S. At talaga namang may nanalo na din sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! BONGGA!

Ang title ng blog entry ko last Friday ay… “Best friend ko, Jino-jowa ko.” Congratulations kay Deathbymilktea! Ikaw ang nanalo! Bongga ka! Talaga namang maife-feature ka na sa hit na hit na Yours truly, Madma! Sisikat ka na! Si Renzyd nga ang sikat na eh. Congratulations ulit! Magpakilala ka sa akin at mag-email sa yourstrulymadma@yahoo.com. Usap tayo! Dali!

Salamat sa lahat ng sumali sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Ang daming entries last Friday! At ang pasabog  nung sumasagot mismo ang letter sender na si Black Widow! Nakakaloka! Salamat, salamat!

Huwag malungkot kung hindi nanalo, sa Friday, meron ulit!!! Last chance n’yo na sa Friday kasi matatapos na ang pakulong ito!

Salamat sa super taas na ratings over the weekend! Grabeeee! Nakakatuwa talaga ang support n’yo. Salamat at mahal ko kayo.

Follow me on tumblr as well: www.supermadma.tumblr.com

(The photo above was lifted from this link: http://www.salon.com/2010/11/18/problem_with_mothers_these_days/)