Si Kuya gusto na mag-out!

Dear Madma,

Congrats po sa bago nyong blog.🙂 Ako po si Dark Knight, 28, taga-Marikina. Gusto ko lang po humingi ng payo. Closet gay po ako at gusto ko na po talaga mag-out. Help.😦

-Dark Knight

_____________________________________________________

Dear followers and fans,

SALAMAT naman sa mataas at pasabog na ratings para sa pilot episode nitong Yours Truly, Madma! ha ha Grabe! (Lakas maka-TV show!) Salamat sa mga nag-follow, nag-comment, bumati at nagalak sa ka-cheapang ito. ha ha I think natalo natin ang ratings ng WilTime Bigtime at TV Patrol kagabi! Say wut! ha ha Sa mga di pa nagpa-follow, ANYARE? Pasapak ko kayo kay Claudine makita nyo!

Tuloy tuloy lang ang chikahan! Sa show na ito, KAYO ang bida! Bakas bakas lang ako. Shout out naman naman kay Dark Knight bilang kauna-unahang nguynguyera sa Yours Truly, Madma! woot woot! ha ha Grabe yung inavail mo din agad yung blog ko ha. SALAMAT naman!

Tara mga fans, payuhan natin sya!

Dear Dark Knight,

Derechang payo: GO na!!! ha ha ha. Huwag ka nang magpatumpik-tumpik! Mag-out na! Simulan mo sa O-bar bukas. ha ha Alam mo, sa sooobrang dami ng bading sa mundo, hindi ka na din mapapansin so huwag ka ma-pressure! (I-timing mo lang siguro sa rush hour yung pag-out mo para swabe.) ha ha Sa katunayan, sa sooobrang dami ng bading, kayang kaya ng labanan ang China pag nagsama-sama! I-gow mo na yan! Hindi naman makakasikip na may dadagdag na isa pang bading. The more, the merrier! ha ha Mas masarap kung totoo ka sa sarili mo at nagagawa mo at NATITIKMAN yung mga bagay na gusto mo. ha ha Maiksi lang ang buhay. In fact, as per Mayan calendar, until December 2012 na lang tayo. So that’s a few months from now. Aura na!!!

Dark Knight, huwag ka matakot maging bading lalo na kung ito talaga ang kibot ng puso at vagina mo. Hindi naman salot sa pananim ang mga bading nor nakakasira ng coral reef sa Palawan. Mas masaya at masarap ang maging malaya kaysa sa mabuhay sa pagpapanggap! After all, ikaw din naman ang mahihirapan diyan.

Naalala ko bigla yung church song that goes a little something like this: “Ang mga isda na lumalangoy, ay mahal ng Diyos, di kumukupas. Ang mga puno na lumalaki, ay mahal ng Diyos, di kumukupas…” So ibig bang sabihin nito ay mas ok pang maging isda at puno kesa maging bading? (I need your help Mirriam Quimbao! Di ba HAWAK mo yung katotohanan? Labas mo na yan…) Sa tingin ko, mahal naman ni Lord yung mga bading. (Lord, please… Say yes. Hi Madma, si Lord to, YES!) ha ha o ayan nag-YES na si Lord! Bilis! Ka-taxi. ha ha Seriously,  ang paniniwala ko dito eh, bahala na. Basta wala kang inaapakang tao, mabuti kang mamamayan, mapagmahal kang nilalang, i think ubra na yan. Just in case kasalanan talaga ang maging bading, e di magsasama na lang sa impyerno! Nyeta! Yan naman ang gusto nyo di ba??? ha ha Hay naku, ewan. Ayoko na i-tackle yung religion part. Inaantok ako. ha ha ha.

I think, simulan mo nang paunti-unti ang paga-out. Sabihin mo muna siguro sa bestfriend mo, which I’m sure bading din. Charoth. Tapos sunod mo na yung PE teacher mo nung Elementary, then yung tricyle driver sa paradahan sa may inyo. Basta ganyan. Pag-praktisan mo sila. Pero syempre, dapat sasabihin mo din ito sa family mo ha. Ang unfair naman kung hindi nila malalaman. Kahit ihuli mo na sila. Basta ipaalam mo. Ang lungkot naman kung let say mamatay yung Mama or Papa mo bigla tapos hindi nila alam. Medyo unfair ata. Basta gawan mo ng paraan to. Kaya mo yan-Karylle

Lastly, it will still boil down sa tinatawag na “kahandaan.” Mag-isip-isip ka. Magmuni-muni sa Kamuning. ha ha ha (lakas nang tawa ko dito!) Maghanda ka. Para lang yang thesis. Hindi mo naman isu-submit yung thesis mo kung hindi pa ready di ba? Or isu-submit din kasi deadline na. ha ha ha. Hindi, basta. Mag-ipon ka ng sapat na lakas para sa major change na ito sa buhay mo. Pag handa ka na, sabihin mo ako, sasamahan kita.🙂 (awww ang sweet ko sa part na to! Kaloka) O party, party na!

Basta, huwag kang matakot na ipakita ang tunay na ikaw! Mahirap yan sa umpisa, pero ultimately, ikaliligaya mo yan.🙂

Yun lang naman. Sana natulungan kita, Dark Knight.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Pogi ka ba? If yes, chat chat naman tayo! Grabe! ha ha malay mo di ba… (wow, asa pa oh)

11 thoughts on “Si Kuya gusto na mag-out!

  1. Isang Pasabog na naman to Madam. Gusto yung pagmumuni-muni sa Kamuning…Pwede rin to mai-apply sa Peace Process. hahah Muni-muni sa Kamuning para sa Kapayapaan =D

  2. I saw friends blogging this on FB. Marami itong nari-reach na bakla and GO, mag-out na kayo! Congrats sa mga nag-out na.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s