Ganda ni Te

Dear Madma,

Gusto ko lang po humingi ng payo about sa problem ko. May boyfriend po ako now. Happy po kame. Pero may isa pa pong nagkaka-gusto sken na close friend ko din. I think nagugustuhan ko na din siya. I’m torn. What shall I do? L

Salamat in advance. Btw, aliw na aliw po ako sa blog nyo. Kakawala ng stress. Galing. I’m a fan.

-JasmineTea

Dear JasmineTea,

*Clap, clap, clap (slow clapping). Ganda ganda mo naman, Ma’am. Sarap mo din saktan. Landi mo din ha. Masasabi. :) Kulang na nga ang mga tunay na lalaki sa mundo eh hino-hoard mo pa! :) Dala-dalawa talaga??? Sige subo mo lahat ha! Nyeta ka.🙂

Mamili lang tayo, te! Grabe naman tong “problema mo.” Ang fun. Pang-maganda. I’m sure yung mga panget eh iba ang problema. :) Mamili ka lang ng isa na tunay mong mahal. Kapag pumasok ka ba sa isang reastaurant at tinanong ka ng waiter kung anu ang order, mo, sagot mo ba LAHAT? Wow ha. Pili lang tayo ha? Lagi tayong may options sa buhay. Given yan. Ang task natin eh mamili kung anu ang gusto naten. Kung gusto mo mag-stay sa current jowa mo, go! Kung gusto mo naman yung isang guy na uma-aura sa’yo, go! But never play around with their feelings. Unfair yun. Hindi mo naman kasalanan na saksakan ka ng ganda, pero masama ang maglaro ng damdamin ng iba.

Mabuti sigurong timbangan mo ang mga bagay bagay. I-assess mo. Tapos maging strong enough ka to choose whoever you love. Wag ka matakot sa fact na masasaktan ang isa sa kanila kasi definitely eh may masasaktan kasi nga sobrang ganda mo at baliw na baliw sila sa kakaibang alindog mo. Saktan mo na ang dapat saktan sa kanila. Hayaan mo, life will still go on para dun sa guy na hindi mo mapipili. Hindi yan mamatay kung i-dispatsya mo siya. Tatanda pa yan, bibili ng kotse at the age of 30, papa-BJ sa bading at the age of 45 at magkaka-cancer at the age of 56. Kung magpakamatay siya agad after hindi siya mapili, sabihan mo ako. Dalawin natin siya.

Pili lang. Yan ang akin.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Padala ka ng ng picture. Siguraduhin mo na sobrang ganda mo ha. Pag yang ganda mo eh jam-jam lang naman after all, makakatikim ka talaga sa akin!🙂

Follow me on tumblr as well: http://supermadma.tumblr.com/

17 thoughts on “Ganda ni Te

  1. “Tatanda pa yan, bibili ng kotse at the age of 30, papa-BJ sa bading at the age of 45 at magkaka-cancer at the age of 56.” — diba nga! maka-assume naman tong si jasminetea na sya na ang rurok ng lovelife ng boys.

  2. grabe din yung itinawa ko promise!!! super kulet. ill be an avid reader na from this day on!🙂

    thank you kay jill for sharing this!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s