Makinig ka kay Whitney Houston

Dear fans and followers,

Kamusta na? Kamusta na ang weekend ninyo? Na-miss ko kayo!!! Wow, clingy na din ha. Monday na naman! Trabaho na ulit mga alipin! Watash!!! Kakatamad pumasok kapag Monday, aminin nyo yan! Sarap din talagang tumengga lang, nuod TV, kain nang bongga, chika chika sa Japan etc. Pero kailangan nating lumaban!

Anyway, Happy Mother’s Day sa inyong lahat! Isang pagpupugay sa inyong mga Ina na talaga namang nag-alaga sa inyo nang wagas. Kasi kung wala kayong mga fans, eh wala din ako dito sa tinatawag na pedestal. WOW. Taas ko na din ha. Salamat sa lahat ng support. Taas ng ratings natin! Kakalokaaa!!! I love you all.

Sa mga nanghihingi ng blog entry pag weekend, naku sorry talaga. Hindi ko kaya. Dami kong events. Alam nyo na, kelangan din nating makipag-bonding sa mga friends, family members and other constituents. Ok na yung weekdays, para naman ma-miss natin ang isa’t isa. Grabe yung clingy natin!

Moving forward, shout out naman sa pangatlong nguynguyera sa Yours truly, Madma! Alamin na na natin ang story niya!

Yours truly,

Madma

________________________________________

Dear Madma,

Super congrats po sa bonggang blog nyo! Lagi na po namin tong binabasa ng mga friends and officemates ko. Congrats again!

I just want to get some advice regarding my current issue. Kaka-break lang po namin ng boyfriend ko 2 months ago dahil nag-cheat siya. Actually, sa 3 years namin as a couple, twice na siya nag-cheat sa akin. And this recent one is his third one. Ngayon po, nakikipagbalikan na naman siya sa akin. Nangako siyang magbabago na siya at hindi na niya uulitin ang lahat. Nag-sisisi na siya sa mga kasalanan niya.

I just want to get some advice. Don’t know what to do.

Your avid fan,

Shattered Glass

____________________

Dear Shattered Glass,

TAMA NA!!! No to balikan! Kakaloka naman yang cheater mong jowa! Cheaters go to hell!!! Sorry for the outburst. Pinag-iinit niya ang ulo! Magkita kamo kami sa NAIA Terminal 3 at dun ko siya bibigyan ng sapak! (Ms. Claudine Barreto-Santiago sana ay free kayo by then para mas malakas ang pwersa natin! Ang lakas nyo kasi tsaka laki ng braso nyo. Kakainggit.) Gumising ka, Shattered Glass. Kapag tinanggap mo pa siya ulit for the third time, eh para ka na ding kumain ng tae. It’s a tie. Seryoso, walang siyang kaibahan.

Sabi nga sa kanta ng idol ko na si Ms. Whitney Houston, “loving yourself is the greatest love of all.” Malinaw yan db? Bakit ka nagse-settle sa great at greater lang??? Dun ka na sa GREATEST! Naku, huwag mong intayin na bumangon pa si Ms. Whitney sa hukay para personal niyang ibulong or ibirit sa iyo ang mga katagang ito. Tandaan mo, walang manloloko kung walang magpapaloko. Walang pagkain, kung walang magluluto. Walang drayber, kung walang sasakayan. Ganyan lang yan. Tayo ang gumagawa ng kondisyon sa lipunang ito.

Respetuhin mo ang sarili mo. Pahalagahan mo. Walang ibang mag-aalaga sa’yo kundi ikaw. Oo, ikaw! (lakas maka-sabayang pagbigkas nung Oo, ikaw na part.) Walang karapatan ang sinuman na yurakan ang iyong dangal. Kung hindi ka kayang igalang ng jowa mo, dispatsya mo! Huwag kang umarte arteng hindi mo kaya at hindi ka mabuhuhay ng wala siya! KAYA mo! Kame nga nabubuhay ng wala siya eh. O ha! So kaya siya talaga! Maraming pang pwedeng gawin sa mundo other than umiyak, masaktan at umarte. Go, girl!  Hugs.

Yun lang naman. Iwan mo na yan. Chura nya. Makakahanap ka din ng taong magbibigay at magpapakita ng pagmahahal na nararapat sa’yo.

Mahal ka ni Madma. Mahal ka ng mga fans ni Madma. Enjoy life. Masarap mabuhay. Piliin mong mabuhay.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. gaya nga ng suggestions ng maraming fans, nag-open na din talaga ako ng separate email para sa show na ito. Medyo naabala na din yung personal e-mail ko ha.🙂

Sa lahat ng mga gustong ipadala ang kanilang mga problema at nais mabigyan ng “kakaibang” payo ni Madma, email nyo lang sa yourstrulymadma@yahoo.com WOW lakas maka-show nito! Kabog! Feel na feel ko talaga!🙂 Ipadala nyo na din dyan yung mga comments, suggestions and violent reactions niyo! Sasagutin ko lahat yan! Punto per punto.🙂 Halika, usap na tayo!

30 thoughts on “Makinig ka kay Whitney Houston

  1. #Kisale lang ako Madma ha.

    Grabe naman Shattered Glass, pangatlong beses na pala yan eh. Alam mo ako, nagsinungaling yung ex ko sa akin once (kailangan masabi na nagka BF na ako hahaha!), dispatcha agad! He didn’t cheat, though, like your douchebag BF. Pero, paano mo pa masasabing totoo yung mga susunod niyang sasabihin sa’yo? Mahirap yan, girl! Makinig ka kay Madma, sarili muna ang mahalin this time around. Nakakapangit yung konsumisyon a.k.a. your BF.

    Kaya mo yan-Karylle.

  2. Hahaha love the separate e-mail ad! :)))
    Though sana bumangon nga talaga si Whitney, no? Ng makaduet ni jessica sanchez or mo? Wow. Haha

  3. Ang adik ng blog mo! Haha. Naririnig ko boses mo while reading your entry, kung saang part ka sumisigaw ng bongga at saan yung bigla ka na lang papunchline. Ikaw na di busy sa weekdays at may time pang may blog. Haha. Miss you mare! Kitakits na tayo minsan, lintek matatapos na ang taon! Hehe.

      • I love reading blogs ang suki na ako nitong blog mo! Haha. Di man tayo magkita e dito ko na lang aabangan kaadikan mo sa buhay..;p iniisip ko din kung nagsesend na ba ako ng email, haha!

  4. Shattered Glass, eepal lang rin ako kay Madma ha, ngayon kasi nasa denial stage ka pa kaya iniisip mo na pwede pa. Wag mong panghinayangan ang 3 years kasi 3 years ito nang futile na pagtatyaga. OA na 3 times ka na nya ginago! Full support kami sa’yo nina Madma, makakaya mo yan. What does not kill you will make a good MMK story. So pagkakitaan mo na lang yang storya mo. Tapos magpaganda ka nambongga. xoxo

  5. HAHAHAHA you are the best madma! this issue is close to my heart. madma couldn’t be more correct. masyadong maiksi ang buhay para makonsumisyon sa mga cheaters. iwan na yan! and let me just say, sobrang naaliw ako sa show mo! =D more power madma! (napaka groupie nung comment ko! lawl)

    • Alam mo, Wena tama ka eh. Max na talaga yung second chance dapat! Sa ganda nating ito, walang panahon sa mga manlolokong mga tao, mapa-pag-ibig man o kabigan. haha Ultimatum din ha. Thanks, Wena!

      • I couldn’t agree more with Wenna! (Lakas maka-alta sociedad nung “I couldn’t agree more!” haha!) Sabi nga ni LeAnn Rimes, “shame on you if you fool me once, shame on me if you fool me twice!” Tandaan life goes on (na, na, na, na it made me strong!)

        Wuw, dami ko na rin talagang pinagdaan ha. LOL

  6. “Huwag kang umarte arteng hindi mo kaya at hindi ka mabuhuhay ng wala siya! KAYA mo! Kame nga nabubuhay ng wala siya eh.”

    SOBRANG TAAS NG SENSE NG SINABING ITO NI MADMA. SHATTERED GLASS, MAG-ISIP KA. TAMA SI MADMA, KAYA NAMING MABUHAY NA WALA ANG BOYFRIEND MO SO KAYA MO DIN! MABUHAY KA GURL ~

  7. makikialam na rin ako ha. Hi Shattered Glass. Alamong been there… at kahit anu pang sabihin nila, wala namang ibang makakaweigh ng sitwasyon kundi ikaw. Maaaring sabihin kong last chance na. Maaari ring may magsasabi na go pa rin… pero IKAW.. ang huling hatol. Kase hindi naman kame present sa sitwasyon mo. So goodluck sa pagdedesisyon. (I’ve been there… and on the fourth time, we then realized that we are really the haven for each other and love is our rendezvous. Though it happened a long time ago na) but still chances are chances, you can never be wrong or right. Give him a chance if you feel like and learn move on na lang if you don’t feel like. Hehe

    P.S madma. Bombshell ang ideyang to. Misshew

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s