Bawal Clingy!

Dear Madma,

Di kame magkatext ng gf ko. Hindi kame textmates lagi. Tpos di ren kame madalas magkita dahel busy. Okey naman kame walang away or ano pa man. Pero di niya lang talaga ako tinetext tapos ako rin tuloy parang hi, good morning, goodnight na lang. Okey lang ba yon? Wat do you think?

Sincerely,

Lonelyboy

Dear Lonelyboy,

Baka naman kasi may ka-text kang lalaki? Hindi ka ba bading? SURE? Uy…bading siya…char! Medyo madami na din akong friends na may “gf” daw pero may kalandiang poging lalaki ha. Dali mag-out ka na din! Sabay kayo ni Dark Knight! (Wow sikat na din talaga si Dark Knight ha!) In fairness, ang hot nung name na “Lonelyboy.” Lakas maka-gwapo!  Feeling ko  gwapo ka, tipong Spanish-mestizo ang peg! Pa-kiss naman! Yung may tongue ha. CHAR! Horny si Ma’am.🙂

Seriously, OK lang yan! Gamitin mo ang alone time sa ibang productive na bagay para next time na magkita kayo, may mga bago kang pasabog na pwede n’yong pag-kwentuhan. Time away with each other is an opportunity to grow as an individual. WOW. Hayaan mo muna yung gf mo sa kung anumang pinagkaka-abalahan n’ya. Ang daming pwedeng gawin sa mundo, tol! Huwag kang clingy!  Chura mo. Instead na ubusin mo yung energy mo sa kaka-arte at kaka-isip sa mga whereabouts ng gf mo, why not  read novels, go to the gym (daming pogi dito please!) o kaya mag-yoga or mag-gardening ka. Learn something new. Explore the world. Meet your friends and new people. Travel! Ganyan! Basta sumabay ka lang sa hinihingi ng pagkatataon. Kung madami siyang time next month for instance, e di maglaan ka din. Kung busy pa din siya, e di magpaka-busy ka din. Sabay lang sa agos, pare!

Alam mo Lonelyboy, natatapos din kasi talaga yung tinatawag na “honeymoon stage” ng lahat ng mag-jowa. So once it’s done, move on na! Marami din talagang nakukulong sa honeymoon stage na tipong kahit 3 years na eh sweet sweetan pa din na akala mo sina Kim and Gerald! Relationship is dynamic. Kelangan mong sumabay. Otherwise, maiiwan ka. Masasaktan. Pang-hawakan mo lang yung pangako n’yong pag-iibigan at magtiwala sa gf mo. Ngayon, kung magloko siya at any point na magka-hiwalay kayo, e-mail mo ko at kalbuhin natin yang jowa mo! Busy pala ha! Nyeta!

Yun lang naman. Iwasan ang stress. Nakaka-payat yan. Nakaka-wala din ng sex drive din. WOW.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Salamat sa walang sawang pagsubaybay sa Yours truly, Madma! TAAS ng ratings!!! Hiyang-hiya ang TV Patrol! Baka nga magsara na sila eh. Miss ko na kayo! Group hug naman! (wow, bawal pala clingy ha.) Abangan n’yo mamaya ang UNANG pasabog ni Madma para sa mga fans! ABANGAN n’yo! Please!

Follow me on tumblr: www.supermadma.tumblr.com. O kaya sa twitter, username: Marvin_Salazar. O kaya sa FB: Marvin Salazar. O kaya mag-rent na din tayo ng apartment together kasi ang close na natin eh. Ki-clingy, please!

E-mail n’yo lang lahat ng story n’yo, problema, feedback, arte, ngasngas sa yourstrulymadma@yahoo.com. In all fairness, may mga nagpapadala talaga ng e-mail! ANSABE?!

18 thoughts on “Bawal Clingy!

  1. Ay parang kilala ko na si Dark Knight or Dark Shadow! Nagkaroon ako ng lightbulb-slush-Eureka moment.

    Anyway, alam mo, Madma, totoo yung nakakawala ng sex drive yung stress, buti na lang talaga nilisan ko na ang stressful na mundo ko na talaga namang halos ikabaliw ko during the past year. Kaya eto, chill-chill lang, abang-abang, tingin-tingin, amoy-amoy…hahaha! Alamnato.

    Kay lonelyboy naman, alam mo, mahilig ka sa letter “e” na ipinapalit mo sa mga letter “i.” Baka naman yan ang dahilan kaya hindi masugid mag-text si GF? Chart! Hahaha! Joke lang brad/dude/pare! Anyway, tama si Madma, (wow, tama na naman, baka perfect na siya hahaha!) baka tapos na kayo or si GF at the very least, sa honeymoon stage. Pero pwede mo naman i-rekindle yan di ba? Baka naman nagtitipid lang siya sa load or ayaw niya mag-exceed sa plan ng phone niya. Char.

    Basta, ako, naniniwala na may oras para sa lahat ng bagay. Kung gusto niyo talaga magtagal at kung talagang mahal niyo ang isa’t-isa, magagawan yan ng paraan.

    I wish nothing but the best for you, lonelyboy. Malay mo naman, si GF eh feeling lonelygirl na rin at this moment. Check mo dali, and do something about it!

    Kung hindi naman mag-work yan, andito lang kami ni Madma. Punta ka sa Hathienda. We’ll take it from there. Hahahaha!

    • *Clap clap clap! WOW! Pasabog! Kitang-kita ko din talaga yung “ORAS’ mo ngayon ha. At kung inaakala mong kilala mo si Dark Shadow slash Dark Kngiht, baka nga. wahaha Thanks, B to God!❤

  2. @therobensons hahaha. Naaaliw ako sayo. Sing haba ng entry ni madmanoche ang comment mo! WINNER ~
    @madmanoche Ano itong nababalitaan kong may nagooffer na ng Ads sa blog site mo?! CONGRATS Madma!

  3. Pwede maki-comment? kung pwede lang ha?

    Una, Madma super aliw ako sa pasabog na endeavor na ito ha? I am so proud of you, hindi ka nawawalan ng pasabog at magagaling na adhikain sa buhay. At talagang malayo ang nararating ha? Sadyang nakatutuwa! dapat tularan ka ni lonelyboy, kasi siya parang ano eh…haha wala lang.

    therobenson, ang haba mo rin talaga magcomment at magbigay ng payo ha? Kumbaga, quasi-blog mo na rin ang comment box ng yours truly, madma eh🙂 congrats to you too!

    Lonelyboy, alam mo tama si therobenson eh. mahilig ka sa letter “e” na ipinapalit mo sa mga letter “i”. importante kasE yun! haha try mo ayusEn, baka mas madalas ka itext ni GF. or try mo din sya load-an. Pero alam mo, yung tanong mo na kung “okay lang ba yun?”, i think, ultimately kau lang ni GF makakasagot nyan. kasi baka yun ang style ng relationship nyo. hindi kasi pwedeng pare-pareho ng style kasi iba-iba rin tayong klase ng tao. Yung iba nga jan maya’t maya magkatext pero unstable pa rin ang relationship. Kung may issue ka o kung may negative effect sayo ang hindi madalas na komunikasyon with GF, dapat pag-usapan nyo ni GF. Kayo talaga as a couple ang makakasagot nyan. Okay lang din na humingi ng payo o opinyon sa iba pero ang final answer ay nasa sa inyo.

    So what’s your final answer? Sana i-update mo kami, napamahal na kasi kami sayo eh, at sa story mo. Wow, talk about being clingy.

    Okay lang?

    Ikaw ba Madma, clingy ka ba magmahal? Wow! haha

  4. alamoyan. na-challenge ako kay B eh. haha… grabe yung hindi mo sinagot kung clingy ka magmahal! haha

    • Tama si FBNMF, sagutin mo naman yung tanong ng bayan (or more on NYA lang) “Ikaw ba Madma, clingy ka ba magmahal?”
      Congrats sa 1st blog entry mo @jayrestacio dito sa Yours truly, Madma! pibirthday!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s