Humula at Manalo sa Yours truly, Madma

Dear fans and followers,

Kumapit ka na sa UNANG pasabog sa Yours truly, Madma!

Every Friday, may chance kayong hulaan ang title ng blog entry ko! O diba! Lakas maka-MMK! Ang interactive! Madali lang ang gagawin. Huwag kayong maloka, Diyos ko naman! Nguynguy agad! Tuwing Friday, yung blog entry ko ay walang title, so may chance kayong ibigay ang best guess n’yo kung anu sa palagay n’yo ang title ng blog entry na ito. Kelangang basahing mabuti ang blog entry kasi madami kayong clue na makukuha along the way! Ang title ay pwedeng bagay, tao, lugar, pangyayari or phrase na talaga namang highly related sa blog entry! Kapag nakapag-decide na kayo ng sagot, kailangan i-post agad agad as comment yung hula n’yo para makita ko. Ganun lang!

Ang winning title ay pre-determined na kaya walang dayaan! Chura n’yo! Kung maraming makahula ng tamang title, ang naunang nag-post ang siyang mananalo!

Sa ngayon, since nagsisimula pa lang ang ating programa, ang mananalo ay ife-feature sa talaga namang hit na hit na Yours truly, Madma! Hiyang-hiya nga ang mga hit songs ni Pops Fernandez na talaga namang wala rin to begin with. Pero in the future, abangan ang mga additional pasabog prizes! Ang mananalo ay magkakaroon ng chance na makita ng libu-libo nating online viewers worldwide through Yours truly, Madma blog. And when I say madami, I mean it!!! Malay n’yo magka-lovelife pa kayo sa blog na ito!

Ang announcement of winner ay magaganap agad the following Monday at 11:00 a.m. Bakit 11:00 a.m? Kasi break time ko yan! Medyo maluwag ako sa oras na yan.

Ang pasabog na game na ito ay until June 1, 2012 lamang kasi nasa Palawan ako sa second week of June. Wow! Pasyal pasyal naman grabe!

Sa Friday, May 18, 2012 na tayo magsisimula! Exciting di ba?!  Lahat ng fans and followers pwede sumali! Galingan n’yo ha!

I love you all!

Yours truly,

Madma

P.S. Salamat talaga sa umaapaw na suporta! Saksi ang Diyos kung gaano kalaki ang suportang tinutukoy ko! Kapit lang kayo mga fans, simula pa lang ng mga pasabog! Madami pang magaganap! Bata pa tayo!

Abangan din ang unang pasabog ng very first sponsor ng show na ito! Yes, may sponsor na! Very soon! TARAY!

Per DTI-NCR Permit No. 3, Series of Unfortunate Events. (WOW. Taray pa.)

18 thoughts on “Humula at Manalo sa Yours truly, Madma

  1. Alam na alamna rin nila ang schedule at mga pupuntahan mo. Pwedeng pwede ka na ipaligpit, tsef. :)))

    Uyyyy! Andami mo nang fans sa lab ko! Grabe rin yung pag-ariba mo a.
    At least yung extra energy mo, nalalagay mo na somewhere. Hindi lang sa pagkant…a and pagkantot na rin. CHEKA! :)))

    i-Podcast na rin natin ‘to! Ako na team leader dun! HAHA!

    • hahaha grabe naman yung sikat sa lab mo! Ang layo na din ng reach ha! Sige noted yung leader ka sa podcast team! Thanks, Tsef! Pa-grand fans day na ako sa College mo!

  2. madam bago lang ako sa blog, pero hinarabas ko ang posts mo in three hours (syet ambagal magbasa) nasa office kasi ako kaya covert operation pag dumadaan ang boss. more power at no pressure na araw arawin mo na ang pag post ng entry plez.

    avid reader mula sa burol ng mckinley

  3. madma! naexcite naman ako sa pakulo mo! sasali ako dyan tiyak.

    at sana naman po araw-araw, meron kayong 2 updates. wow, demanding din ha. masisisi mo ba kami. we just can’t get enough of madma. ever since maging mukha at boses ka ng engg week ng UPD, alam kong you will succeed. wow!

    cheers sa success ng blog niyo all the way from torono, canara!

    • Hello naman, Renzyd! Salamat! Grabe medyo malakas nga ang show dyan sa Canara! haha At naku magbabalik ako sa Engg week this year! Nawala ako last year kasi nag-out of the country ako. Alam mo na, nakakaluwag din. haha Ingat ka dyan!

  4. Daaaang! Mahirap rin talaga magpigil ng tawa ano? Ansakit sa cheeks! Yang bunganga mo rin talaga eh no? Pa-rating! Chiz good. I applaud this new endeavor of yours and I support! Anu kayang next na pasabog mo ano? I will make visiting your blog part of my everyday habit. Tangena nung Jessica Sanchez – Jessica Soho part! Actually the whole American Idol post I have to say is my favorite entry so far. More! More! Ples! Haha🙂

    • Cayette! Welcome naman sa Yours truly, Madma! haha Kung makatawa ka naman parang di tayo madalas magkita! Pa-ratings to, yes. And mataas ang ratings for that matter.🙂

  5. anu naman ang premyo? buti wala na si madam GCG kundi mahuhuli ka.. haha… maki tie up ka kay ellen kasi sya ang malaki network sa blogging. malaki na nga rin kinikita nun sa ads…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s