Basta Shokoy, Sweet Lover

Dear Madma,

Magandang araw po! Lagi ko pong sinusubaybayan ang mga programa nyu sa internet, wahahaha Itago nyu na lang po ako sa pangalang Kisa, 26 na po ako, may isasangguni lang po ako tungkol sa kasintahan ko at sa mga kaibigan ko na araw araw ko na kasama. Mabait po ang kasintahan ko, naipakilala ko na po sya sa magulang ko at umayon naman po sila at ganun din po ako sa pamilya nila, sa totoo lang po e magkikita kami sa darating na sabado. ang ikinalulungkot ko lang po e, ang aking mga kaibigan ay lagi nilang sinasabi ng paulit ulit saken na di daw po kami bagay ng kasintahan ko sa kadahilanang, maganda daw po ako at sya ay sabihin na lang nating “wako-wako”.

Anu pong aking gagawin? Mahal ko po ang kasintahan ko ngunit diko rin talaga na maitatanggi na, anu po sya – panget.

Salamat po ng marami sa payong inyong ipagkakaloob.

Lubos na tumatangkilik,

Kisa

Dear Kisa,

Salamat naman sa pagliham at pagsubaybay sa “mga” program ko sa internet. Ang dami ko palang programa ha. Anu nga ulit yung iba?

First question, naku-curious lang ako. Gaano ba ka-panget si Kuya? As in Shokoy level ganyan? Yung tipong halimaw-ish na pag-nakita ng mga bata ay aatungal agad sila nang bongga at magkaka-phobia lumabas ng bahay? Iba-iba din kasi yung level ng panget, alam mo yan. Mayroong tipong very light lang na naman at uma-anggulo lang at pwede pang-pagtyagaan. Pero meron din talagang sakdal-bagsik sa ka-chakahan ‘yung tipong mafi-feel mo na mabait sa’yo ang Diyos kasi ang ganda ganda mo pa din pala after all. Nakakatuwa naman ‘yung mga friends mo. Ang judgemental. I love them! Gaganda nila! Sarap ding saktan.

Alam mo, Kisa. Go lang kay Kuya kahit panget siya. Mahal mo siya eh. Nagmamahalan kayo. Sikmura mo naman yan, so go lang. Char. Deadma na sa mga comments ng friends. Masasanay din yang mga ‘yan. Siguro, ipakita mo pa nang madalas si Kuya sa kanila para masanay sa itsura n’ya at makilala pa nila nang lubusan. GO LANG, ‘te! Wala namang masama magmahal ng panget. (Ang sarap ulit-ulitin ng word na panget lakas maka-ganda sa part ko.) Biktima lang tayong lahat ng mapang-husgang mundo. Tao din naman sila na may karapatang magmahal ng kagaya mong “maganda” at may karapatang mahalin.

Judgemental ang mundo. Totoo ‘yan. Alam natin lahat ‘yan. At aaminin ko, judgemental din ako. Madalas ko din husgahan agad ang mga tao based sa itsura. Ganda ko din eh. Anu magagawa mo! Pero in fairness to me, nage-effort ako makilala sila lalo na kung jowa ng friend ko or friend ng friend ko. Mabangis din talaga akong kritiko ng mga chaka. Pero sa umpisa lang naman ‘yun. Pag nakilala ko na, nakukuha na din nila loob ko. Mababait ang mga panget, usually. Kasi ‘yun na lang talaga ‘yung meron sila eh. Aarte pa ba sila? WOW.

Ito lang ang akin. Ang true love ay minsan lang dumating sa buhay. Hindi natin ito araw-araw nararamdaman sa lahat ng taong nakakasalamuha natin. Kaya naman, kapag ito ay dumating, i-grab mo! Ipaglaban mo! Regardless sa itsura at katayuan sa buhay! Deadma sa mga kumento ng iba! Inggit lang yang mga ‘yan. Sa totoo lang, napaka-swerte mo kasi nakita mo na ang taong magmamahal sa iyo. Marami pang tao sa mundo na single pa din until now at patuloy pa ding naghahanap ng pag-ibig na para sa kanila. Kagaya ko. WOW. Na-singit din ha. Magmahal ka lang nang wagas. Masarap ‘yan.

GO lang ‘te! Basta walang naa-apakang ibang tao, go! At good luck sa date n’yo sa Sabado. Paki-kamusta kami sa kanya.

Yours truly,

Madma

P.S. At talaga namang ito na nga entry para sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma!

Mahulaan mo kaya ang title ng blog entry na ito? Again, ang title ay pwedeng bagay, tao, lugar, pangyayari or phrase na talaga namang related sa blog entry! Kapag nakapag-decide na kayo ng sagot, i-post agad agad as comment yung hula n’yo para makita ko. Ganun lang! Kung maraming makahula ng tamang title, ang naunang nag-post ang siyang mananalo!

Ang mananalo ay ife-feature ko sa talaga namang hit na hit na Yours truly, Madma! ‘Yan muna ang prize! Next time, nanakawin ko ‘yung ref at chandelier ng kapit-bahay namin para ipam-premyo. Ang bibigat din ha! Ang mananalo ay ia-announce ko sa Monday! Walang limit ang paghula! Go lang ng go! Pwede kayong humula hanggang Monday ng 9:00 a.m.

Tip ko: Basahing mabuti ang blog entry ko. GO!!!

Follow me on tumblr as well: www.supermadma.tumblr.com or sa Twitter. My username is Marvin_Salazar

72 thoughts on “Basta Shokoy, Sweet Lover

  1. One word lang ba? Phrase/sentence? Ang hirap rin ah.. to mga hula ko, may one word may isang buong sentence haha
    1. Shokoy
    2. Gaano ba ka-panget si Kuya?

  2. Hi Madma! Grabe, ang harsh mo sa mga panget. Buti na lang mababait sila. Emphasis on “sila.” Hahaha! Ganda ko din kasi.

    Anyway. eto ang mga hula ko. Wala namang limit di ba? ‘Wag kang umarte:

    1. Asohan
    2. A Wacky Wako-Wako Love Affair (walang sense hahaha!)
    3. You and Me Against the World (wuw)
    4. Judgmental (bilang b’rang daming beses nabanggit sa blog entry na ‘to)
    5. Kapag may pag-ibig, Ipaglaban Mo! (Lakas maka-Atty. Sison)

    Yan lang muna. Post ko na lang pag may naisip pa ako.

  3. Kilala ko kung sino si Kisa. Ako ang nagkumbinsi sa kanya na idulog sayo ang problema nya. Natutuwa sya kasi ang bilis ng aksyon mo! WUW! And in behalf of her friends, WE LOVE YOU TOO! And yes, judgmental kami! In our defense, You can’t blame us. I’m telling you. hahaha Pero salamat sa mga payo mo sa kanya, sana di sya makinig sayo. MORE POWERS MADMA!!!

  4. Wow eto na ang pinakahihintay na guessing game (na tatalunin sa ratings ang AI finale sa results show) Haha. Eto mga hula ko Madma:
    1. Go lang, te!
    2. Wako-wako at Ako
    3. Pikit mata sa kama (rated SPG)

    Yan muna. Bukas na yung iba. :p

  5. Eto hula ko:

    1. Chaka na lang Kita Mamahalin
    2. Ang syota kong chaka, dear Madma
    3. Wako-Wako ang syota ko
    4. Tawag sa akin Kissa Ganda, pero syota ko Wako-Wako

  6. Aliw na aliw ako kay Kisa. Kasi, best sya eh. Nakita nya ang need na i-inform ka Madma at ang iyong mga readers na magkikita sila ni Wako-wako sa Sabado. Importante kasi yun eh! To quote, “sa totoo lang po e magkikita kami sa darating na sabado.” hahaha best! sa totoo lang talaga, mahalagang malaman natin ang plano nila sa Sabado!🙂

    Mga hula ko Madma, sana may chance manalo:

    1) Ang Papaya ni Kisa
    2) Magkikita Kami sa Sabado! Yey!
    3) Tsamina mina eh eh, Wako-Wako eh eh
    4) Walang masama magmahal ng panget.
    5) Kisa (wow! best to, ka-level ng Ploning o Telma)

    Madma, gusto mo (at ng mga readers mo) rin ba malaman ang gagawin ko Sabado?😀

    • hahaha parang naulol ka sa part na sinabi n’ya yung lakad nila sa Sabado! haha Kairita yung Kisa. wahaha lang gana! Sige inform mo din kame ng lakad mo sa Sabado ples!

      • for your info (and for Kisa na rin), magkikita kami ng jowa ko sa Sabado after a long while. pero hindi siya wako-wako ha?! alam mo namn cguro yan! hahaha chura!!!!!!!! grabe Sabado na bukas! magkikita na sina Kisa at wako-wako, parang naeexcite ako for them! haha😀

      • Hahaha. Bakit ba ang init ng ulo sa fact na na-share n’ya na may date sila sa Sabado? haha natatawa ako sa’yo sa aspect na to IPF! hahaha Baka magka-pareho pa kayo ng restaurant ha. Picturan mo si Kuya. Tapos share mo dito. hahaha

  7. Hi Marvz! Naaliw ako sa ala-MMK mong pakulo kaya sasali rin ako! Pampadagdag sa ganda ng araw ko basahin ang blog mo. As in napapatawa mo ko ng malakas kahit mag-isa lang ako dito. Kebs na kung akalain akong baliw ng kapitbahay! Anyway, here’s my entries:
    1. Mababait ang mga panget, usually.
    2. Biktima lang tayong lahat ng mapang-husgang mundo.
    3. Chakang BF
    4. Peer pressure

    Excited ako malaman ang result on Monday! I’m so happy ang dami mong followers dito at isa na ko don alamoyan! Miss you! :*

  8. eto ang entries ko (hindi kasama yung mga nasa parenthesis)

    1. loving a shokoy is the greatest love of all (HAHAHA! ang haba amp)
    2. go lang kay kuya shokoy
    3. basta shokoy, sweet lover (lakas maka jeep)

  9. Madma! Am such a fan, alamuyan =)
    My shot to fame is:

    “Panget Ako Mahihiya?”

    Chaka please. Or more of ang panget please, in line with the topic. =)

    Borrowing Kim Chiu’s words, more power to you, Madma! =)

  10. Sobrang natatawa ako habang nagbabasa.:)) at naisipan ko rin mag-isip ng title..so eto ang unang pumasok sa isip ko:
    1) Hindi Kasalanan ang Magmahal ng Panget..
    2) Mahal Kita, Maging Sino Ka Man..

  11. Grabe andame ng nasabeng title parang naubusan na rin ako ng sagot… at since nde tlaga ko magaling sa ganito sabihin ko na lang opinyon ko sa mga nasagot… bet ko ang mga sumusunod:
    * friends vs zombie
    * basta shokoy, sweet lover
    * Pikit mata sa kama (rated SPG)
    * A Wacky Wako-Wako Love Affair (ni Benson)

    Nakakainis kase medyo nde ko inexpect na mhirap din pala mag-isip ng title ah.. pero meron mga nasuggest si Rom..
    >> “Kung shokoy ka man, edi mermaid ako”
    >> “Panget”
    >> “Wako-wako”
    >> “TL ang tawag dyan.”

    Pede na ba yan Madam? hehehe

  12. Madma! Grabe ang dami kong tawa sa mga nabasa ko! Wahaha! Ang entry ko ay… Be kind to animals especially to my boyfriend… Haha! Sabaw lang.. Sana may chance!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s