Nagpapakupot si Pota or (Pakupota)

Dear Madma,

With the advent of social media, online dating and cybersex, sa tingin mo ba okay lang na may mabuong totoong relasyon over Facebook? Yung tipong wala pang aksyon pero may relasyon na? Wala pang date, pero kayo na?

I asked because I’ve been “seeing” this guy from Europe on FB for four months now and it’s becoming hard for me to entertain other people. It feels real kasi, regardless of the distance. I’m also somewhat drawn to the thought that “This cyber thing could work.”

Nagpapa-kupot ba ako?

Many Thanks,

E-sabel

Dear E-sabel,

Ang saya saya naman ng name na “E-sabel.” Lakas maka-E-burol or E-libing! Pasabog! Salamat sa pagliham at pag-sangguni ng iyong “cute” na suliranin. Kairita yung “cute.” Mukhang malakas ang internet connection mo sa bahay at nakabuo ka ng relationship ha. Grabe pa-download naman ng mga series! Punta ko sa inyo! Grabe parang ang damot mo pala.🙂

Well, ito naman ang sabihin na nating “E-payo” ko. Taray! Sa panahon talaga ngayon, totoong napakaraming nabubuong relasyon sa internet lalo na through social media. Ok lang naman na may “mabuo” kayong relasyon sa internet. Inevitable din kasi na ma-fall kayo sa isa’t isa lalo na kung super frequent ang pag-uusap n’yo at nagpapakitaan na kayo ng mga “private parts” sa webcam gaya ng butt o di kaya eh ‘yung tinatawag na “pisngi ng langit.” WOW. Lalandi din ha. Pero as to the question na dapat seryosohin ito to the point na hindi ka na nage-entertain ng ibang mga lalaki, eh I think hindi tama.  Medyo masasabi nating “nagpapa-kupot” ka na sa kanya. Huwag kang maging “pakupota!”Tamang landi lang, E-sabel! Huwag bigay todo na tipong kayo na agad without even seeing him in person! Kaloka. Tandaan mo, mas masarap pa din kainin ang French fries in person kaysa sa tingnan-tingnan lamang ito sa internet. Iba pa din ‘yung naa-amoy mo ‘yung product, nakikita mo ‘yung tunay na texture, nahahawakan, nalalasahan at nakikilatis nang lubusan. Ako personally, hindi ko bibilhin ang isang bagay over the internet lalo na kung super importante nito gaya ng love life. Mabuti na ‘yung nakakasigurado. Mabuti na ‘yung nag-iingat. Mahirap nang maloko. Mamaya may ketong pala ‘yan, sige ka! Check for defects naman bago mo bilhin slash sagutin.

Landiin mo lang ‘te, pero huwag mo munang sagutin! Grabe ka naman! Makipag-date ka pa din sa ibang mga guys. Hang out with other prospects at mag-enjoy. Madami pang ibang tao at mga “tangible” na tao for that matter. Paputol ko yang internet n’yo, makita mo! Huwag mong paikutin ang mundo mo sa kanya. Tuloy lang ang pag-aura. Kung bumalik siya dito from Europe at single ka pa din, e di mag-date kayo at kilalanin n’yo ang isa’t isa. Kung sakali namang may jowa ka na pag balik n’ya, eh sorry na lang siya. Nangati ka eh. WOW. Basta tamang landi lang sa lahat ng prospects. Huwag ka muna magpakahon at magpatali lalo sa isang bagay na risky at walang strong foundation. Ingatan mo ang puso mo. Piliin mo kung kanino mo ito ipagkakatiwala. Mahirap masaktan. Nakakapagod umiyak. Sniff. Parang may malalim akong hugot sa part na ito.

Iyan lang naman ang saganang akin. Sana nakatulong ako sa issue mo. Mahal ka namin.

Yours truly,

Madma

P.S. At talaga namang may nanalo na din sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! O ha o ha! Ang title ng blog entry ko last Friday ay… “Basta Shokoy, Sweet Lover.” Congratulations kay Renzyd! Ikaw ang nanalo! Woooh! Bongga ka! Talaga namang maife-feature ka na sa Yours truly, Madma this week! Congratulations! Magpakilala ka sa akin at mag-email sa yourstrulymadma@yahoo.com. Usap tayo! Dali!

Salamat sa lahat ng sumali sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Ang daming entries! Nakakaloka! Salamat, salamat! Huwag malungkot kung hindi nanalo, sa Friday, meron ulit!!! Nguynguy agad oh! Sali lang ng sali at baka ikaw na manalo sa susunod!

Salamat sa super taas na ratings over the weekend! Grabeeee! Kaloka! Sorry kung di ako maka-reply agad kasi nasa outing ako sa Bataan with UP Repertory Company. Ang saya talaga lumangoy at ngumuynguy (Languyngoy) sa dagat! Ang witty ‘nung languyngoy, aminin n’yo! At naku, abangan ang bago kong pasabog! Kumapit kayo!!! Kung inaakala n’yong tapos na ang summer, NAGKAKAMALI KAYO! MALING-MALI KAYO! ABANGAN…

28 thoughts on “Nagpapakupot si Pota or (Pakupota)

  1. Ang saya naman ng payo ni Madma right here. PAKUPOTA! Haha! Congrats talaga! Madma, mag-shout out lang ako to Teacher Rachel who sent me a message over FB na nagustuhan n’ya ang blog mo!🙂 And hello rin to Ate My, who’s loving your blog kahit office hours namin! Hihihi.

  2. i think para sa pangit lang ang nagpapakupot sa nakilala sa internet. wuw. ganda ko din a. mas masaya pa din makilala ang tao ng personal, ng nakakausap mo sya ng harapan at nararamdaman mo sya. kung pupunta sya dito at makakasama mo ng kahit 1-12 months (laki din ng interval ha) e siguro bigyan mo sya ng chance. naniniwala naman akong magwowork ang LDR. malay mo ipadala ka nyang europe.

  3. Dami kong tawa sa “pakupota” nyahaha. :p
    Tama si Madma, E-sabel. Mag-E-ngat ka sa ganyan, kasi di mo naman alam kung totoo yung pinagsasabi nya sayo. Madali kasing mag-E-mbento at magsinungaling sa cyberworld. E-ba pa din talaga yung sa totoong buhay (yes lakas maka-celebrity haha). Ako tinigilan ko na yan (yes biglang ngumuynguy haha :p).
    E-ntay ka lang. Darating din ang destiny mo (eeww destiny lol)

    PS – Ka-E-nis di ako nanalo sa hulaan ng title. Haha. Pinag-E-sipan ko kaya yung Pikit mata sa Kama (Rated SPG) Haha lol.
    Nga pala, sikat na sikat ka na sa office namin Madma! E-kaw na talaga! Haha. More power!🙂

    • waahahaha. Aliw na aliw ako sa E-comment mo ha! at in fairness, pasabog din ang entries mo last friday! Hayaan mo, bawi na lang ulit this Friday! Salamat sa pagbabasa. Hayaan mo, dadalawin ko kayo d’yan. Wow. Sikat din ha. hahaha

      • Haha. Excited na ko sa pasabog sa Friday. At sabi ng friend ko ngunguynguy din daw sya–kaabang-abang!😄

        Sige sige, pag pumunta ka dito mag milktea party tayo! Haha. :DDD
        We love you!❤

      • Aaay gusto ko ‘yang mga milk tea party na ganyan!!! Sige, sige! Hello naman sa mga offciemates mo.🙂 Sige isulat na kamo nya ang nguynguy nya para ma-judge na siya! hahaha

  4. sikat na sikat (NOT JUST SIKAT HA) ka na din sa planet nemo Madma! Gusto nila ng Grand EB / Grand “Funs” day mo! Pag dinalaw mo mga TFC subscribers mo, sama ko ha… Excited na kami sa hula-hulaan sa Friday! Dapat pasabog ha. WUW pressure din!!! MORE POWERS TO YOU MADMA – KIM CHU

    • hahaha hello naman NGA!!! Grabe hindi ko na kayo nadadalaw! Sana naman eh nakaka-kain kayo nang maayos at sapat. Magpapadala ulit ako ng pera sa susunod na buwan. WOW. haha Hello Cherrie at Nessa!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s