Nanlalamig na Pag-ibig

Dear Madma,

How will you know if you already fallen out of love? I am currently in a 4-year relationship but everything doesn’t feel the same as before. We are living together for almost 2 years pero sabi nga nila mababago na lahat pag mgkasama na kayo. Mate-take for granted ka na and that’s what I’m feeling right now. Minsan ayoko na talaga kasi pagod na ko. I’m not happy but I don’t have a choice. Everything is set. Nag-invest na din kami together. Feeling ko there’s no way out.

I just want to be happy and I need your advice, Madma.

With all my heart,

Me

___________________________________________

Dear Me,

Lakas naman maka-kambing ng “Me.” Meee-meeee-meeeee. O di ba, pwede! WOW. Natawa ako nang very light sa screen name mo, sorry naman! Akala ko pati mga kambing nagbabasa na din ng Yours truly, Madma. Taray! Anyway, nakakalungkot naman ‘to. Diyos ko. Sayang kayo! Ang sweet sweet n’yo pa naman dati! WOW.

First of all, lagi tayong may choice. Laging may way-out sa lahat ng mga bagay bagay. Tayo ang nagpapasaya sa buhay natin. Tayo ang pumipili ng ikaliligaya natin. Kung ang bagay na lang na nagtutulak sa’yo para mag-stay sa relationship n’yo ay ‘“panghihinayang” sa ilang taon n’yong pagsasama at sa mga nai-pundar n’yo together, eh I think, hindi tama. Relationship should be bounded by love. Dapat pagmamahal ang nasa gitna ng relasyon n’yo at hindi “panghihinayang.” Kung wala na talaga at sagad na, ayawan na. Mas malaki ang panghihinayang mo sa huli kung patuloy ka pa ding kakapit sa isang relasyong umiikot lamang sa panghihinayang. Mas mabuting tapusin na lang nang maaga kaysa magsayangan pa kayo ng mas marami pang oras. Wooh! Bigat! Shet.

Alam mo, Me, pwede din kasing dumadaan lang kayo sa tinatawag na “pagsubok.” Pwedeng sinusubukan lang kayo nang mapanuksong-panahon. Wow, parang tao din ‘yung panahon ha, nanunukso! Lahat naman ng relationship, whether romantic or friendship level, eh dadaan talaga sa mga matitinding dagok. Siguro, i-work out mo muna sa best na kaya mo. Magmahal ka lang nang todo at ibigay ang lahat para malabanan ang lahat ng negativities na humaharang sa pag-iibigan n’yo. Para sa ganoon, kung dumating ang punto na hindi na talaga kayang ayusin at kailangan ng maghiwalay, hindi ka manghihinayang kasi nagawa mo na ‘yung part mo. Ikaw lang ang makakapag-sabi kung na-fall out of love ka na. Ikaw lang ang makakapag-sabi kung may pagmamahal pang natitira sa puso mo. Ikaw lang talaga. Ang mga bituin ay gabay lamang.🙂

Always remember na nagbabago talaga ang dynamic ng relationship, any relationship for that matter. Sa una, aaay shet, tamis-tamisan ‘yan, cling-cligyhan! Pero habang tumatagal, nagbabago talaga. Biglang nabu-busy at nate-take for granted n’yo ang isa’t isa, andyan ‘yung biglang may bagong opportunities sa career out of nowhere, biglang nagkaka-issue sa family kasi nagkasakit all of a sudden ang tatay tapos wala ng time para mag-kyemehan etc. Nagbabago talaga. At ang challenge lagi ay kung paano sasabay sa mga pagbabagong dumadating. Importanteng maka-sabay at maka-adjust sa mga changes kasi ito ‘yung make or break ng relationship. Kailangan eh pareho kayong sumasabay sa mga changes na ito kasi kung maiwan ang isa sa inyo, magkakasakitan kayo. Wow. Ang dami kong alam! Ako na talaga ‘yung nagka-love life!

‘Yun lang naman. Hangad ko pa din na makalampas kayo ng jowa mo sa phase na ito. At kung makalampas kayo dito, maging handa ka lang lagi kasi tiyak na mas madami pang pagbabago ang dadating sa inyo.

Salamat sa pagliham. Mahal ka namin at hangad namin ang iyong kaligayahan.

Yours truly,

Madma

P.S. Salamat sa walang sawang pagsuporta sa Yours truly, Madma! Taas taas lagi ng ratings! Salamat sa mga lumiliham at nagbibigay ng mga suggestions and feedback. Naa-aapreciate ko lahat ito. Go lang nang go! Sa Friday ha, meron ulit Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Sumali na at baka ikaw na ang ma-feature next week!

Again, ipadala n’yo lang ang inyong mga nguyngoy sa yourstrulymadma@yahoo.com. Bilisan n’yo kasi humahaba na ang pila! Gusto ko din ipaalam na hindi lahat ng liham ay ife-feature ko kasi ang dami and ‘yung iba ay same lang naman. Syempre ina-achieve ko din yung variety ng issues para mas madami tayong mapag-usapan. Padala lang kayo, basta sasagot ako.

Follow me on tumblr: www.supermadma.tumblr.com or sa twitter: Username: Marvin_Salazar.

11 thoughts on “Nanlalamig na Pag-ibig

  1. Hiwalayan mo na yan! Agad agad! Haha. (Yes bitter much)
    Pero seriously, kailangan nyo muna siguro ng time alone. Magkaron ka ng “Me” time. (Kaloka yung me time redundant sya sayo. Haha) Pwede ka pumunta ka sa farm, magbonding kayo ng mga kambing dun. Haha. That way makakapagisip-isip ka. Minsan kasi kailangan mo lang mamiss ang isang tao para malaman mo kung gano sya kahalaga sayo. Baka kasi nate-take for granted mo din sya. Alam na alam yan ni Madma (ako na ang feeling close sayo Madma haha) Kaya mo yan – Karylle. (Yes nakigaya)

  2. Bakit lagi akong nakakarelaaaate? wuw. happy birthday!!🙂 galing mo madma. bubutbutin ko to bukas, mejo nagnanakaw lang ako ng time dami kasing ginagawa. dumadami na din followers mo here.

  3. @ me – Remember that you are partners. Appreciate each one’s contribution in strengthening the relationship, respect each other as equal, look out for the well-being of the other as you would for yourself. With love, affection, laughter, faith, limitless patience and mutual respect, your relationship can deepen and you can look forward to living happily EVEN after….Yun Oh….at syempre…- sundin mo lahat ng payo ni Madma (galing mo talaga Madma..🙂 )

  4. hahaha…based on personal experience…pero mas the best ang payo mo…Ikaw na! salamat sa blog mo, pampaganda ng umaga ko ang pagbabasa ng mga payo mo…:)

  5. Hi, Me!

    I think best na magplan kayo ng activities na labas sa inyong comfort zone? I think convenience breeds complacency — yung tipong hindi na ninyo kailangang umeffort for each other. Magplan kaya kayo ng travel abroad o di kaya sa Batanes para magkaroon kayo ng refresher? Just saying. Kasi ang hirap naman i-let go kung hindi mo pa na-try lahat di ba.

    Love ka namin!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s