Si Madma, si Corona, si Jessica at si Lady Gaga

Dear Madma,

Maiba po ako, ano pong masasabi n’yo sa mga sumusunod na issues:

  1. CJ Corona Trial
  2. Jessica Sanchez and AI Finale
  3. Lady Gaga Protesters

Gusto ko pong malaman ang inyong mga saloobin sa mga napapanahong issue. Fan po ako ng show n’yo at lagi po akong nagbabasa ng mga posts n’yo. More power!

Sincerely,

Pasta Lover

_________________________________________

Dear Pasta Lover,

Ang taray naman ng letter mo! Lakas maka-Ms. Universe Q & A portion. Kalokaaa!

Ito naman ang mabilisan kong sagot.

CJ Corona Trial: Disappointed ako sa mga gimik n’ya. I expected more from him being the Chief Justice of the Philippines. Ang cheap ni Chief Justice kahapon. Kaloka ang walkout scene! Hindi ko kinaya ang ka-cheapan. Grabe ‘yung nag-walkout at exactly 5:00 p.m. Very government employee talaga. Ayaw mag-OT ni Kuya. Madaya s’ya. Ayaw pabutbot at pa-cross examine sa fans. Nega.

And ‘yung naka-wheel-chair siya pagbalik ha. PLEASE! Tantanan ako! Nagawa na ‘yang eksenang ‘yan! At nag-flop! Inulit pa talaga. Sana mas naging creative s’ya like gumamit siya ng harness tapos  unti-unti s’yang binaba galing sa ceiling ng Senate! ‘Yung parang ginawa ni Regine Velasquez sa R2k concert n’ya sa Araneta. Naku, for sure, maloloka si Enrile at si Mirriam! Or maiinggit!

Well, sana matapos na ‘tong paglilitis na ito! Nakakapagod na. Daming oras at perang nasasayang. Sana itigil na ni Corona ‘yung mga delaying tactics n’ya. Itigil na sana n’ya ang pagtatago sa medical conditions n’ya. Kahapon bumaba ang sugar level. Tapos ngayon may heart and kidney complications na. Eh bukas ano naman? Ketong? Cancer? Leptospirosis? Diyos ko. Tama na. Tapusin na ‘to! Nalilihis na naman ang tunay na issue. Tigil na ang drama. Ang dami-dami ng teleserye sa TV. Ipaubaya mo na ang drama sa kanila.

Para kay Jessica Sanchez: Hindi ko pa napapanuod ang performance niya as of now pero sana naman eh ibinirit nang todo ni ‘te! Magaling si ‘te Jessica kaysa kay Phillip vocally. No questions about it. Pero kasi ang pogi ni Phil, aminin natin! Sarap i-kama, please!  Ang daming nahuhumaling na mga babae at mga bading. At alam naman natin, malakas ang pwersa ng mga babae at bading kapag pinagsama. For me, mahihirapan si Jessica manalo dahil sa votes. Basta, GO JESSICA! Ibirit mo lang! Ilabas mo ‘yung mga growl sa boses mo, yung mga natutunan mo kay Simba. Panalo ka na kahit anung mangyari. Andito ang ABS-CBN o kaya GMA 7 na sasalo sa career mo! Malay mo magka-teleserye pa kayo ni David Archuleta dito. Ang title “Mag-Kumare.” Wow.

Para sa mga Protesters ni Lady Gaga: Anu baaa!!! Seriously, pati ‘to pinatulan n’yo? Sige na nga. Well, ang akin lang, kung gusto manuod, go! Kung ayaw, huwag! Gawin nating mas simple ang mundo. Hindi naman kayo ni-require na manuod di ba? Hindi din naman ni-require ng DepEd na manuod ang mga students na manuod ng concert n’ya di ba? So, anyare? Moral issue bale? Eeeehhh. Ang bongga kaya ni Lady Gaga bilang artist. Taas ng artistry ni Ma’am! Aminin natin! Next time daw sa Pampanga ang venue ng concert n’ya. Ang title: ‘Lady Guagua Live in Pampanga.” Nuod tayo!

Yours truly,

Madma

P.S. Ang saya pala magbigay ng opinion sa mga issues ha! Hmmm. Sige paminsan-minsan nga gagawin ko to. Salamat naman kay Pasta Lover sa pagbibigay ng ideya.

Anyway, avail n’yo naman itong Summer Station ID namin!!! O di ba lakas maka-ABS-CBN! Summer na summer ang peg! Go! Watch n’yo!  Andito ako sa video kasama ang UP Repertory Company at ang Frep or Friends of UP Rep. GO!!!

20 thoughts on “Si Madma, si Corona, si Jessica at si Lady Gaga

  1. Kung naspeechless ako sa unang vid, dito NGANGA na lang. Pati utak ko di gumana for 10 seconds. Hahaha. Iba ka talaga Madma. E-kaw na! :p (Di pa din makagetover kay E-sabel lol) Ganito dapat ang tinitelevise eh, di yung impeachment-slash-teleserye. More vids please! Hehe.

  2. shoutout naman sa zabrayusiwa photography who took ur photo madma! avid fan din sya ng blog mo!🙂

  3. Dear Madma,

    Proud po akong aminin na isa na rin po akong avid fan ng show niyo… haha… nalaglag ako sa upuan sa part na “ilabas mo lang ang natutunan mo kay simba..” hahahahaha.. lagi ko pong aabangan ang mga bago niyong posts…

    Arbino

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s