Best friend ko, Jino-jowa ko

Dear Madma,

Ano po ba ang gagawin ko, umaarte ang shota ng bestfriend ko, nume-nega ‘pag kasama ako. Kaya lagi tuloy kami palihim na tumatakas ni best friend, at dahil utu-uto din naman s’ya, sumusunod s’ya sa insekyorang bakla n’yang kasintahan na talaga namang kinagagalit ko. Tuloy nine-nega ko na din si best friend.

Sana po maghiwalay na sila, ano ba pwede kong gawin?

Sincerely,

Black Widow

__________________________________________________

Dear Black Widow,

So much negativities among the three of you! Negahan much. Not likey ‘to.

Una sa lahat, Black Widow, kailangan mong lumugar. BEST FRIEND ka lang at hindi ka JOWA. Ulit-ulitin mo nga ‘yang line na ‘yan sa harap ng salamin. Lakasan mo! Can’t hear you! Kailangan kumilos ka nang naa-ayon sa ganda. Hindi ka dapat nanggugulo sa love affair ng best friend mo. Pigilan mo ‘yang mga atake mo. Or rather itigil mo ‘yan. WOW. Powerful statement on a Friday! Mainit ulo? Kulang sa tulog?🙂

Minsan talaga or madalas, simple lang ang mga bagay bagay. Hindi kailangang maging profound. Tayo lang ‘yung nagpapagulo. Balik lang tayo sa super basic rule: RESPECT. Show some respect naman sa jowa ng best friend mo. Wala naman s’yang kasalanan sa’yo, ‘te. Ang tanging “kasalanan” lang n’ya eh minahal n’ya ang best friend mo.  Bigyan mo ng chance ang pagmamahalan nila. Moment nila eh. Bigay mo sa kanila ‘yan. Deserve din ni jowa na mahalin accordingly bilang isang  taong nangangarap lang naman na makamit ang tunay na pag-ibig just like the rest of us. Sniff. Hindi mo s’ya kaaway, please! On the other hand, respect mo din ‘yung sarili mo. Alagaan mo at huwag mong ilagay ang sarili mo sa mga bagay na alanganin at makakasakit sa’yo. You deserve better than this. Marami pang ibang lalaki at mga bagong taong darating sa buhay mo na magbibigay ng pagmamahal na deserve mo. Pakupota ka din kay best friend eh. Kaloka ka.

Ito ha, isipin mo ‘to: ikaw ba ‘pag nagka-jowa, gusto mo din bang may “nanggugulo” at pumapapel sa relationship n’yo na ibang tao? Di ba ayaw mo din naman? Or gusto mo? GRABE ‘yung gusto mo. Kaloka ha.  Ganun lang, ‘te. Basic lang. Hanap ka ng ibang prospect. Madami pa d’yan. Huwag tayong maging isang “anay.”Pinapatay ang mga anay.

Alam mo, naiintindihan ko naman ang point mo eh. Nanggaling din ako sa ka-cheapang ‘to. Until I realized that I deserve much better. Ang ganda ko kasi para makipag-agawan lang!  Excuse me. WOW. Happy birthday sa akin. Gets na gets ko ‘to, promise. Alam kong masaya at masarap ‘yung mga nakaw na sandali with your best friend away from his jowa. For sure, wet na wet ang vagina mo every time na pinipili ka n’yang makasama over his jowa sa panunood ng sine, sa mga out-of-town trips etc. Lakas maka-ganda n’yang mga moments na ‘yan! Pero at the end of the day, MALI. Maling kasiyahan, kumbaga. Para lang ‘yang droga, nakaka-adik. Nakaka-ulol.  Kailangan mo na i-rehab ang sarili mo sa lalong madaling panahon. Nalulong ka sa masamang bisyo. Gising, ‘te. Gising! At tsaka di ba babae ka, Black Widow? O bakit ka nakikisawsaw sa affairs ng mga bakla? Para ka na ding pusa na sumasali sa affairs ng mga giraffe. “Pahabaan” ang labanan, ‘te! Talo ka!

So ‘yun lang naman. Ayan na-sermonan ka pa tuloy. Kasi naman sumulat ka pa eh. Pasensya na at prangka ako ha, kasi kailangan mo ‘to eh. Kailangan mo marinig ang mga bagay na ito para magising ka sa katotohanan. Sana kinaya mo ‘yung mga pinagsasabi ko. Sakit ‘no? Tiisin mo lang, huwag kang maarte! Lagyan mo ng asin o kaya kamalansi ‘yang puso mo para gumaling agad.

Mahal kita. Mahal ka namin. Hug.

Yours truly,

Madma

P.S. At talaga namang ito na nga ang entry para sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Kung feeling mo alam mo ang title ng blog entry na ito, sumali ka na! lakas maka-MMK nito!

Again, ang title ay pwedeng bagay, tao, lugar, pangyayari or phrase na talaga namang related sa blog entry! Kapag nakapag-decide ka na ng sagot, i-post agad agad as comment para makita ko. Ganun lang! Kung maraming makahula ng tamang title, ang naunang nag-post ang siyang mananalo!

Ang mananalo ay ife-feature ko sa talaga namang hit na hit na Yours truly, Madma! Baka ikaw na ang sumunod kay Renzyd! Wow, sikat na din si Renzyd ha. Sa Monday ko ia-aanounce ang nanalo! Walang limit ang paghula! Go lang nang go! Pwede humula hanggang Monday ng 9:00 a.m.

Tip ko: Basahing mabuti ang blog entry ko. Maging creative. Think out of the box. Ang mga bituin ay gabay lamang. Mayroon tayong tinatawag na creativity, gamitin natin ito. SALI NA!!!

Follow me on tumblr as well: www.supermadma.tumblr.com or sa Twitter. My username is Marvin_Salazar

88 thoughts on “Best friend ko, Jino-jowa ko

  1. Ako iba advice ko. Tuloy lang sa pagtatago. Wag lang papahuli. At lalong wag ka maiinlove sa best friend mo. Tandaan. Bakla sia at hindi vajeyjey ang gusto nia. Hahaha!

    • hahaha. gusto ko ‘yung vajeyjey. haha Alam nating “jun jun” ang gusto ni best friend. haha Salamat sa comment. I’m sure nababasa ‘to ni Black Widow.🙂

  2. Agree ako jan sa advise mo Madang. Di man sinabi na me “more” than friendship ang nararamdaman ni Black Widow mejo me masangsang na amoy din para itago pa ang kanilang ginagawa as friends or ika mo nga sa ingles “something is fishiness”. Di kailangan itago ang friendship. #kielemera2012

    TITLE: Masangsang Pagkakaibigan

    More power to you Madang. Mabuhay ka!

  3. 1. Anay
    2. Anay Can’t Stop Loving You
    3. Pinapatay ang Anay

    Haha! Nakakatuwa! Congrats for another sabaaag blog!🙂

  4. ang stand ko naman dito madma, bestfriend ang nauna. wag aarte ang jowa– kalabanin ba ang bestfriend? first hindi sila magkalevel.. so wag syang aarte. and by hnd magkalevel, i mean ang best– best friend. umarte sya din ayon sa ganda nya. wag syang insekyora. bakit takot ba syang maagawan?? HAHAHAHAH

  5. Grabe lang yung entry ha. Controversial. Eto ang mga hula ko.

    1. Mega Nega Ayan Nabengga ka ni Madma!
    2. Bestfriend ko, jinojowa ko.
    3. Anay! Anay! Anaaaay Akooo oh wohooo!
    4. Eto na si Kaka, bubuka-bukaka, nang-aagaw ng jowa.

    Yan muna. Isip pa ako ng iba. :p

  6. Black WINDOW, laging talo ang BEST FRIEND lalo na kung mahal talaga ng BFF mo ang Jowa nya. Jowa kasi yun. Pwera na lang kung may pagmamahal palang nadarama for you si BFF (WAGI ANG BYUTI MO IF EVER) Pero sana pag-isipan mo din mga payo ni Madma, may point sya, medyo harsh nga lang! hahahaha

    Eto naman ang hula ko:
    1. Kisale si BFF
    2. Maging Anay ay Di Biro
    3. Jowa o Ako?
    4. Wag kang lumaban sa pahabaan kung isa kang Merlat!

    SANA MANALO KO! GUSTO KONG MA-FEATURE. #famewhore

  7. “Respect the Anay”

    -kamusta nmn mare,nahook n ako sa blog mo. xmpre me kasamang bola yan kse friend kita, kaya pag kailangan ko ng pambobola cge lng utuin mo ko. hehehe amishu te,lunch tyo sa patio!

  8. Parang may idea ako kung sino si Black Widow or Window base sa sitwasyon.

    Hi Black Widow! Take it from the very Madma, for he/she/it (encircle the best answer) knows best. Malalim ang pinaghuhugutan niya dyan. Hahaha!

    Anyway, Madma, heto ang mga hula ko. Medyo sabaw kasi ayoko talaga ng negativities. Wuw, ako na ang ray of sunshine sa sobrang positive. (Ranggay part yung nasa parenthesis)

    1. Wag Kang Sawsawera
    2. Ang Negatibang Bestfriend (paka-chaka nito)
    3. Friends, Lovers or Nothing (thanks, John Mayer!)
    4. Defying Boundaries (bilang dinedefy ni bestfriend and friend zone)
    5. Walang Lihim na Hindi Nabubunyag (Calvento files level)
    6. Trio Negatibo (pinilit mag-rhyme)
    7. Three…is not a Tango (kakaeerithe hahaha!)

  9. 1.Bestfriend ko Mahal ko
    2.Negastar
    3.The Avengers: Negaman and Black Widow.

    Hello! sana po may chance yung mga entries ko. Pampagulong talaga mga entries dito. saya lang magbasa. Tnx Madma for your WITTY ANTICS.

  10. Hi Madma,

    Kamusta ka na? wow may kamustahan portion din ha?

    May I just react? And when i say react, i mean REACT! Mejo lilihis or fi-friction ako sa payo mo kay Black Widow, or window Madma. For me kasi, napaka-importante ng role ng friend, lalo pa ng BEST friend. BEST kasi yun! kumbaga sa dinami-dami ng friends mo sya ang BEST! And that would mean na marami na kayong pinagsamahan at pinagdaaanan as friends (that is, if we have the same idea/definition ng bestfriend, hindi mag-aapply ang statement ko kung chararat na best friend lang kayo). Going back, super halaga ng Best Friend. Kasi kung wala ito, paramg tinanggal mo na rin ang mga roles nina Dimples Romana, Nikki Valdez and the very Eugene Domingo sa mga movies. And that’s a big NO-NO! Malaki ang role ni best friend sa buhay ng mga bida. Hence, I bet masakit for Black Widow, or window nung ipaulit-ipaulit mo sa kanya ang statement na “BEST FRIEND ka lang”.

    For me, walang karapatan si jowa na i-nega ang best friend. As I’ve said BEST friend kasi yun! Wala ka pa sa picture, friends na sila at best ang friendship nila! Tapos bigla kang papasok and then si best friend santabi na lang? No no no no way (by Jessica Sanchez and Jennifer Holliday). Hindi ko rin gets kung bakit patakas na lang ang paglabas ng mag-best friend. Bakit kailangan mag-adjust ni best friend sa jowa? Kung may kailangang makisama dito, ang jowa yun. Kasi dapat handa kang tanggapin ang mga kaibigan ng minamahal mo, lalo kung wala silang ginagawang masama. To be clear, hindi ito applicable kung wala sa lugar ang pagiging Best Friend ni Black Widow, or window. I mean, baka naman bad influence siya or super clingy at sagabal to the max na wala nang quality time yung magjowa. Because if that’s the case, you are not the BEST friend that you are claiming to be, and applicable sayo ang sermon ni Madma.

    Haha ayun lang naman, wow naging blog ko rin talaga ha? Sana Madma kapag nagka-jowa ka hindi kami i-nega. Baka mamaya tutol ang jowa mo sa mga fans mo so patakas ka na lang makipagbonding samin. Grabe yun ba ang gusto mo? Kasi ako kung ganon ang jowa ko, ay ekis agad! Hindi pwede ang nakikipagkumpetensya sa friends, dahil hindi ito iyon ang tamang kumpetisyon. Sabi nga ng famous na song, If I have only one friend left I want it to be TWO (grabe ang lungkot ng one lang)!

    P.S. Tutol at ginugulo ba ni Black Widow, or window ang relasyon ni Best friend at jowa? Kasi parang hindi naman nabanggit sa letter pero yun ang assumption mo Madma. Kung hindi, grabe yung nasermonan mo siya nang bongga . Kung oo, please disregard my comment (grabe pinaghirapan ko to tas ididisregard lang after all! Hahaha)

    Entries ko:

    1) Negang Bestfriend
    2) Best Friend is not the best after all

      • troh, parang same yung oras na ni-spend ko reading your blog sa payo ni madma. hahaha but don’t get me wrong! I love your proactiveness or proactivity. I miss you!

        Balik sayo Black Widow or Window!!! ^O^

    • *Clap, clap, clap (slow clap). PASABOG! haha gusto ko ‘tong input mo. Ang dami! haha Well, gets ko naman kung point mo no. Pero parang “madi-disregard” ‘to. haha Sana mag-reply si Black Window or Widow para mas pasabog. Nababasa n’ya kasi ‘to eh. Sigurado ako. haha PAGING Black Widow! hahaha

  11. Here’s my entry madma. Late na run ha! Maigabol lang. Sole or soul entry lang ito: lakas din umaspire na mananalo. Hahaha.

    “Kaibigan Mo Lang Ako!”
    (I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend…)

    Haba rin. Happy weekend!

  12. Hindi ko pa nabasa yung ibang entries so sana wala akong kapareho.🙂

    – R-E-S-P-E-C-Teh! (inspired by Aretha Franklin)
    – Huwag Makipagkumpitensiya kay Best Friend’s Jowa

    Ang famewhore ko din ah. Gusto ulit mafeature?😀

  13. Hi Df! Hindi ako makarelate ng todo sa blog na to. For the first time. Wuw. Sarili na naman? Haha. Uhm, i think dapat kasi maging ok na lang kayong 3. Like me, flip and red. Like me, jeff and mark. Like me, you and pons (as in dating dati pa to). WUW. Uy luluha sya, naalala. Hahaha. Kasi aksaya oras yung negativities. (hahaha, parang di pikon kung magsalita?) Kung talagang BEST FRIEND ka nga, hindi yung status mo sa friendship ang mahalaga at iniisip mo, kundi yung function mo as a best friend. Intindihin mong yun ang mahal nya. Never kang magwiwish na magkahiwalay ang dalawang tao kasi hindi mo naman naramdaman (maaring alam mo) ang mga pinagdaanan nila as a couple. Best friend ka. Anjan ka para umintindi at mahalin mo rin ang jowa nya. Learn. Unless masama talaga ugali at kailangan mauntog ng best friend mo. Pwede mo namang ielaborate pa. Give Madma/us more background. Like bakit kaya sya nega sayo? Wala ba tong back story? As in nega lang sya ganyan.

    Anyway, mejo para kang may regla ngayon si df/madma. Antaray ng mga wordings mo na sobrang nakakatawa Hahaha🙂 Ang black ng comedy mo! parang yung sender lang. Pero dapat talaga magising si Black Widow. Or dapat aminin nya muna sa sarili nya yung nararamdaman nya sa ‘best friend’ nya. From there, mahuhugot mo at mailalagay mo ang sarili mo sa tama.

    Eto nga pala yung entries,

    1. MY BESTFRIEND!!! (hahaha Bataan Joke to!)

    2. Dark Secrets of Black Widow: Irereveal, Ngayon NA!

    3. Maitim na Balak ng isang Biyuda

    More power sa blog mo DF!😀

    • WOW. Bongga! talaga namang di ka din nagpahuli! Love it! Gusto ko ‘yung point mo ha. I’m sure magugustuhan ‘to ni Black Widow! Grabe ‘yung dapat LAGI kang nakaka-relate! hahaha Noted ‘yung mga entries mo! Love it, DF!🙂

  14. DearMadma Readers,

    black widow here. natutuwa naman ako sa mga komento nyo rin talaga na masasabing into-it din kayo sa aking buhay. pasabog!

    just to give you all a backgrounder. diva talaga ako. para sakin negahin mo na lahat, wag lang ang bestfriend ng jowa mo. kasi bestfriend knows best. kaya nga sya best diba. at at the end of d day kanino ba bumabalik??

    just to give u all a brief backgrounder— may dahilan naman magselos si jowa, kasi kumbaga may mga ganap din tlaga kami ni bestfriend na masasabing SPG- striktong patnubay at gabay in the past. pero past is past. nagsuccumb.. (wow parang cancer??) nagsuccumb na si bestfriend after all these years sa other end of spectrum which is i think to be fully gay. OHA PASABOG!!! which is ofcourse very sad for me– kaya nga blackwidow na ako at fulltime bestfriend nalang ang arte ko (OR NOT) WOW LAKAS!! pero seriously, hindi nako umaarte (or not) kaya yung crumbs/ tira tirang oras na binibigay sakin sana naman wag nang negahin. katiting nalang aagaw pa??? sa kanya na nga 24/6, ako na ung 7th pwede ba yun?

    ikaw naman Madma, salamat sa payo! pero ang nega agad?? ako na agad ang masama, I thank @jayrestacio for being on my side. may award ka sakin.

    yun lang naman. parang blog ko na din to ah. sa haba ng nginuynguy ko.

    Loveyou madma! avid reader moko forever. morepower!

    P.S.
    as of 3 minutes ago, break na si jowa at si bestfriend. *SELENA (MULA SA PUSO) LAUGH* HA HA HA HA

  15. In fairview, pasabog ung develpment na “break na sila!!!”… ang lakas lang maka-real-time ni Black widow!… Ang lakas lang niya makapagpatawas/makapag-pakulan, at ang epekto… agad-agad!

  16. WOW. Nag break din pala. so balewala lang din tong blog entry na ito after all?

    Dahil sa recent development na yan, mag-iiba rin ang hula ko for this blog entry. Ito na sha : “The Widow (or Window) is now a Winner.

  17. BEt ko yung THE WIDOW (or WINDOW) is now a winner… :)) sabi ko naman kasi wag nenegahin ang bestfriend ayan na-ekis tuloy si jowa. hindi naman ako ang dahilan ng hiwalayan. pero ha ha ha ako na naman ang bida.. until i guess… may bagong jowa. abangan.

  18. MOther ang haba na masyado ng thread…parang quilting lang hahaha. Dear Black Widow, galeng ng kamandag mo…napag hiwalay mo sila kahit sa isip lang? pwede ko ba kunin sebisyo mo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s