Kailangan ka ni Madma

Dear fans and followers,

Minsan lang ako lalapit sa inyo. At ang minsan na ito ay sabihin na nating ngayon! Wow. Agad-agad din ha.

Wala namang masyadong gagawin. Kayo naman, nguyngoy agad oh. Papanuodin n’yo lang ang mga videos sa baba, i-enjoy tapos i-LIKE. Ganun lang! Mage-enjoy kayo for sure! Bakit? Kasi andun ako eh. ‘Yun na ‘yun.

Simulan na natin!

Ang video na ito ay ang group performance namin sa “12-Hour, Non-Stop, Videoke Challenge ng Bactidol.” Yes, you read it right, 12 hours na non-stop na pag-kanta! O ha! Pero kita n’yo naman, ang energetic pa din namin! Bigay na bigay. Grabe ‘yung 12 hours na pagkanta sa videoke. UMAY na UMAY kame at nakatulala na lang after.  Kasama ko dito ang mga pasabog na alumni ng The UP Repertory Company. Kame ang “Team Balutin Mo Ako 2.0.” Lakas maka-Matrix no? Energy!!! Ngayon na ang deadline nito, kaya click agad. Ang ora-orada ko no? May tiwala ako sa inyo! Kaya n’yo ‘yan-Karylle.

Ito naman ang Diva Friend ko na si Carla Jill Masalonga. Not just Salonga but MASalonga. Tinaasan pa n’ya si Lea, aminin n’yo! Solo performance n’ya ‘yan bilang hayok sa kasikatan na parang ako. Avail n’yo naman ‘yung biglang shift ng boses n’ya from mababa na parang demonyo to matinis na parang Sto. Nino. Ang energetic n’ya no? Parang tanga. Hiyang-hiya sa kanya si Pops Fernandez!

Click this:  Summer Station ID

And lastly, kung akala n’yo ay tapos na ang summer, MALI kayo! Patunay nito ay ang bonggang bongga naming Summer Station ID! Summer na summer di ba! Oh la la! Medyo nag-breast exposure ako dito kasi plano ko buhayin ang bomba films sa Pilipinas. Paging Seiko Films!

O di ba puro pasabog! Tamang tama weekend, marami kayong time panuodin ang mga videos na ito. At least, hindi n’yo ako mami-miss! Atchara.

At kung wala kayong gagawin sa May 31, 2012 (Thursday), punta kayo sa B Side sa Makati! Magho-host ako sa isang pasabog event! Bonding tayo! Madaming performers doon galing sa music, arts, theater, tv, film, travel and everything in between. Tara na!!!

Salamat sa inyo! Mahal ko kayo! Kapag sumikat ako, magpapakain ako! Wow. Fiestang bayan ang peg. Happy weekend!

Yours truly,

Madma

P.S. Patuloy lang ipadala ang inyong mga nguyngoy/ngasngas/comment/feedback sa yourstrulymadma@yahoo.com. Mababasa ko ‘yan, kaya umayos kayo! GAME!

5 thoughts on “Kailangan ka ni Madma

  1. hahah hindi ko kinaya ang summer station ID, although medyo nakulangan ako sa choreography ha. btw, hindi ka sobrang bida sa video na to Madma ha.

  2. Pingback: SALAMAT sa Boto ninyo! Kame ang Nanalo! « Yours Truly, Madma

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s