Bonding time with Madma

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyo. Grabe na-miss ko kayo. CLINGY! O di ba may post ulit ako tonight. Sipag din ha. Walang love life eh.🙂 Actually, ginanahan lang ako now kasi umuulan at malamig.🙂 At tsaka gusto ko lang maka-bonding pa kayo. Nakukulangan ako sa bonding natin!🙂

Alam n’yo, madaming nagre-request na mag-share naman daw ako ng life ko. Puro na lang daw ako payo at pasabog. Kaya naman ito na! Ito na! Since super close na natin, I will share something naman about myself. Chikahan naman. GAME!

Dalawang Bagay na Ayaw ni Madma

1. Ayoko sa taong may putok! PLEASE! Whether kaliwa or kanang kili-kili ‘yan, lampake. Putok is putok! Lakas maka-nega sa akin ng taong may putok. Kayo ba gusto n’yo ‘yung putok? WOW ha. Tibay ng ilong. Gawa sa bakal?!

Aaminin ko, madali ako makalimot ng ibang bagay gaya ng mga Math formulas at birthdays pero kapag naamoy ko na may putok ka, never ko na ito makakalimutan. Kahit sa hukay ko, madadala ko na ito. Grabe kasi ‘yung putok eh. I mean, kung may putok ang isang tao, ano na lang ang amoy ng panty or brief n’ya di ba? Diyos ko! Maging ma-ingat tayo sa aspect na ito. Maraming ibang taong “naaabala.”

2. Ayoko sa palaka!!! Diyos ko! Ang pa-pangit nila!!! Paano ba nila na-achib ang ganyang itsura? Ewan ko ba. Hindi ko talaga bet ang mga palaka. Hindi ko sila kayang tingnan lalo na ang hawakan. Ikamamatay ko ang mga palaka. Nung second year ako, umabsent ako sa Bio class namin nung magda-dissect na ng palaka. Nangopya na lang ako ng mga sagot sa kaklase ko para masagutan ‘yung Science workbook ko. Mas kaya ko pa humawak ng ahas o kaya ipis pero NEVER ang palaka. Eeeeeh, I’m getting goosies! WOW. Arte nung goosies! Lakas maka-yaman.

Dalawang Bagay na Likey ni Madma

1. Gusto ko chumika at dumaldal. Obvious ba? Grabe huwag mo akong hamunin sa kwentuhan dahil hindi kita uurungan. Kung si Manny Pacquiao ay hindi umuurong sa boxing, ako hindi uurong sa chikahan! Kahit mag-damag tayo, go lang! Hindi tayo mauubusan ng topic, promise! Kahit tae mapapag-usapan natin. Ang sarap kasi chumika eh. Kaya nga ako laging nagho-host sa mga events. Sa totoo lang, parang may sarili na atang buhay ang bunganga ko. Galaw lang siya nang galaw kahit minsan antok na talaga ako. Promise! Parang kanal lang ang pagdaloy ng mga salita sa bunganga ko. Ganung level.

Comfort zone ko ang chikahan. Gustung-guto kong kinakausap ‘yung mga tao lalo na ‘yung mga bagong taong nakikilala ko. Interested kasi ako lagi sa mga buhay nila. Gusto ko malaman ‘yung karakas nila sa buhay. ‘Yung mga experiences nila, mga problems etc. Ang sarap dumaldal. Minsan nga natatakot na ang mga kaibigan ko kasi tingin nila sakit na ito. Papa-rehab na nila ako.

Pero don’t get me wrong. Marunong din akong tumahimik. At pag tahimik ako, dalawang bagay lang ‘yan. Either gutom na ako or inaantok na ako nang bongga!

2. Gusto ko ng mga kakanin! Aaaay, I sooo love them! Comfort food ko ang mga ito. Kapag may nakikita akong kakanin sa kalsada, nangangati ang kamay ko dahil gusto ko bumili. Sakit din ata ‘to eh. Parang adik. Gusto ko ng mga kutsinta, champorado, palitaw, Banana Q,  biko, ginataan, in short gusto ko ng diabetes.🙂 Magkakasundo tayo sa mga kakanin. Aprubado ka sa akin kapag likey mo din ang mga ito. Shet nagke-crave ako sa kakanin. Makagawa nga ng biko. WOW!

So ‘yun lang naman. Gusto ko lang talagang chumika tonight. Ayan ha. Nag-share na ako ng sarili ko! Kayo naman. Game! Share din kayo ng mga ayaw at gusto n’yo. Huwag na kayong mahiya. Sundan n’yo lang ang format na ito:

1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang…

2. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang…

O ayan ha. Binigyan ko na kayo ng guide. Sundan lang ang format na ‘yan. Dali! chikahan naman tayo! Let’s get to know each other. Parang fans day na din ito nang very light. Huwag kayong matakot mag-share. Close na tayo di ba?!

GAME! Aantayin ko ang mga sagot n’yo ha!

Yours truly,

Madma

P.S. Ang saya din pala ng chikahan portion na ito ha. Na-enjoy ko ang pagsusulat ng entry na ito.🙂 Game. Share naman kayo! Magco-comment ako, promise!🙂

57 thoughts on “Bonding time with Madma

  1. 1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang…
    mga taong nanghahamak ng iba para magmukhang matuwid o righteous. ‘Yung tipong puna nang puna sa mali ng iba para lang magmukha syang nakakaangat.

    2. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang…
    mga bagay na nakakatalino. Hindi po kasi ako kagwapuhan. Kaya todo po ang pagpapaigting ko sa aking talino sa pamamagitan po ng pagbabasa ng mga science journals, pag-ubos ng oras kakapindot ng Stumbleupon, at kakakain ng mani at kamote. Kung hindi ko po madaan sa kagwapuhan e dadainin ko na lang po sa dunong.

    • OMG! Ayoko din ng mga righteous! Mamatay na sila! Kingina! At ang bongga nung gusto mo ‘yung mga nakakatalino! Diyos ko, hiyang-hiya ang mga bobo. Alam mo dapat talaga kino-compensate natin ang mga bagay na wala tayo. Isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit tayo nabubuhay. WOW. Alam ko lahat oh. Gusto ko talaga ‘yan. Ako nga hindi ako matalino sa Math pero super galing ko naman sa singing. WOW. haha salamat naman, Gen! Ang pasabog mo!

  2. 1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang…
    – mga clingy. eto ha, napansin kong nauso na ang malambing na “clingy” lalo na sa magkakaibigan o magjojowa. pero seryoso, inis na inis ako sa taong hindi marunong magbigay ng space. yung tipong, grabe pati hangin na hinihinga ko gusto mo share tayo? ayoko sa hindi rumerespeto sa oras at panahon ko. kung gusto kita, ako mismo ang lalapit sayo. wag mo ipagpilitan ang sarili mo… lalo na kung alas dos na ng umaga tapos gusto mo ako pa tatawag sayo dahil wala kang load para mag good night?? lakas rin makahugot hahaha! pero seryoso. saka yang mga clingy na yan ung usually hindi nakakaintindi ng mga pangarap/ambisyon, kasi gusto nila sila yung pipiliin. dba? pero, kung malambing na clingy like sa friends, ung gaya mo, madma, go na go ka sakin! kahit wag ka bumitaw ok lang. kasi alam kong lambing lang talaga yon.

    2. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang…
    – mga engg students. hindi ko talaga alam pero parang may magnet ata na talagang nag-aattract sa akin papunta sa kanila. bukod sa (aminin na natin) karamihan naman talaga sa kanila ay gwapo, ang mas nakakalakas talaga sa appeal nila e yung talino. seryosong turn on yun para sa kin grabe! talk nerdy to me ang drama! haha! saka i find them very masipag. talagang lalaban sila kung lalaban pagdating sa subjects. not that hindi ganun ang ibang course. sa karanasan ko lang ay mas attached ang engg people sa kanilang field. at syempre kung magaling sila sa puyatan sa pag-aaral, sure ng magaling rin sa puyatan sa… maraming ibang mga bagay. hahaha!
    – dirty ice cream! obyus ba! mahilig ako sa dilaan. hahaha!

    • haha ang bongga mo naman, Dirtyicecream! haha Agree ako sa ‘No To Clingy Policy!’ haha Well, I admit, nung kabataan ko eh clingy ako. haha Which is ewww! Dapat tamng bonding lang talaga, na natutunan ko na. Grabe parang ang lalim ng hugot mo sa clingy ha. Parang may ishe-share ka pa! hahaha

      And of course, agree ako sa likey mo ang Eng’g students! Likey ko din sila please! Naa-amaze ako sa kanila. Sumama ka sa akin pag nag-host ako sa UP Eng’g event. Dali! Mag-sight see ka! haha

  3. Ito madma deretsahan na to ha. Super likey ko un malalaki bunga ng puno ng avocado sa dating bahay namin!🙂

  4. 1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang…
    Sinisira ang shedule ko. Alamoyan. Yun tipong iseset mo ang araw ko, tas bigla mong babaguhin ang plano kasi la lang nagbago isip mo. Hindi talaga ako nakakamove-on sa mga ganyan. Nagiging dragon talaga ako. Kasi i make time for all my fans, tas guguluhin mo lang just like that. e.g. manonood tayo ng sine, tas i won’t watch it with other fans, tas bigla mong papanoorin with other people. NEGA!

    2. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang…
    dark chocolates. grabe nauulol ako sa chocolates at sa ruffles at sa cheetos na din. graaaaabe. ang sad lang diko na sila makain alang alang sa alindog. i guess hindi tlaga natin makukuha OR makakin lahat ng gusto natin lalot pag masama ito para sa atin. sniff. may pinaghuhugutan?? hahah

    loveyoupless!

    • Hello, PF! First of all, I love you.🙂

      1. Alam na alam ko ‘tong ngasngas mo dito. haha consistent! At nasaksihan ko na din ang pagiging dragon nang minsang may sumira ng schedule mo. wahaha. Ang sweet mo din talaga with friends. Bibigay ko ‘yan.🙂 Miss ko na ang tinapay moments natin. Sana maulit ito soon. Stay happy, PF! Alam mong ang SM Manila ay isang kembot lamang!

      2. ANG DIET!! Gustung-gusto ko na ang figure mo last time na nagkita tayo. Huwag mo na sirain. Ang alindog, ples! You’re on the right track now. No more distractions or destructions. wahaha

  5. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang paghohost mo ng engg week! Never akong nagsawa sa mga banat at hirit mo kaya nalungkot ako na hindi kita nasilayan nung nakaraang Engg Week.

    P.s. awesome blog! :))

    • Aaaay, SALAMAT naman! Pinasaya mo ko! Grabe ang tagal ko na nagho-host sa Eng’g! Kaloka. 7 years na ata! Diyos ko. Ang dami ko nang napa-graduate na Engineers! haha Sorry wala ako last Eng’g Week! Hayaan mo sa December, babalik ang reyna! WOW. SALAMAT!

  6. 1.Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang…
    AHAS…. may Ophidiophobia kasi ako…kahit picture lang or kahit ung stuff toy na ahas…kinikilabutan na ako.. Naalala ko one time nung hinagisan ako ng kapatid ko ng laruang ahas (yung gawa sa rubber ),..as in umiyak ako sa sobrang takot at hindi na ako nakagalaw (parang na-stroke lang), kala nga niya mamatay na ko that time…pero nung nahismamasan ako (salamat at nandun ang nanay ko)…muntik ko na syang patayin…hahaha….mas kakayanin ko ang humawak ng palaka wag lang ahas…

    2.Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko …
    si LEE MIN HO (city hunter)…korean actor sya …super as in super like ko siya…feeling ko nga addicted na ako sa kanya…mas tinitignan ko pa nga ung pictures nya kesa sa pictures ng hubby ko eh….hehehhe…paulit ulit ko na pinanood ung series nya di pa rin ako nagsasawa…🙂🙂🙂

    • wahaha. tawa ako nang tawa sa ahas chika mo with your kapatid! Panalo ‘yung na-stroke ka! wahahaha! No to ahas! Lalo na sa mga taong ahas! WOW. May hugot oh! Naku di ko kilala si Lee Min Ho! Check ko sa net later!

  7. 1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang…mga SINUNGALING, lalo na yung mga maliliit na bagay eh hindi pa maamin tulad ng age, trabaho at other personal details. Hahaha! May hugot si ma’am! Super hate ko rin yung pag magmemeet kayo tapos late siya at kapag tinanong mo kung nasaan na, magsisinungaling pa. Tipong magmemeet kayo sa MOA, galing siyang North EDSA, tapos pag sinabi kung nasaan na, “Magallanes na!” pero maririnig mo sa train announcement habang kausap mo siya sa phone na “Quezon Avenue station, Quezon Avenue station.” Bwiset! Pwede naman kasing i-manage ang expectations ng tao without lying.

    Dami ko rin talagang hugot.

    2. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko … PETS or animals in general, especially dogs. Lumaki ako sa bahay na maraming pets. Kahit nung bago pa ako ipinanganak, para na daw zoo ang bahay namin dahil meron kaming pagong, mga aso, bayawak, unggoy, ibon, manok, rabbit at kung anu-ano pa. I think may ahas din yata. Pero umaura ang mapamahiin kong lola (birthday niya ngayon, 92 na dapat siya 92) eh ni-let go yung ibang pets. So, ayun nga, pinalaki ako ng pamilya ko na maging mapagmahal sa mga hayop kasi may buhay din sila. Dami ko na rin inalagaan na pets as a kid tulad ng ibon, daga, manok, mga aso at maraming isda. Gusto ko rin pala ng frogs as in. Cute kaya nila. Mag-alaga naman tayo sa Hathie, grabe yung ayaw mo.

    • WOW. Lakas maka-sharing nung comment mo din ha! haha love it!

      1. Ang lakas ng hugot mo sa part na ito. Share naman kung sino ‘yung nagsinungaling sa’yo dati! Grabe! Gusto namin malaman kung sin ‘yung “nanloko” sa’yo! haha Ay medyo nasapul ako sa meet-up tapos late. Pero super laki na ng improvement ko re: this matter! haha Gamitin natin ‘yung re: haha Konti na lang perfect ko na ‘tong part na ito.

      2. Happy Birthday sa Lola mo! Pero, no to frogs!!! Ewww!!! Lumaki ka pala talaga kasama ang mga hayop. Kaya pala ganyan ang ugali mo. Char. Sige go na nga ako na magka-pet sa hathie! I think it’s about time to bond with them! Game! Magdala ka na. Huwag lang talaga palaka. haha

  8. 1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang:

    Beef… any luto ng beef.. Kumakain lang ako ng beef pag processed na sya like meat loaf/ corned beef, etc. Any flavor na beef. Pero yung beef alone na iluluto mo is eekkkksss… Superr.. I don’t know why. Weird.

    Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko
    Westlife Boyband. Talaga namang hindi ako magbabayad ng meralco makabili lang ng ticket nila. Wala akong pinalagpas. Kumpleto ako ng album nila from old cassette tape to CDS (original take note) haha.. Memorize ko halos lahat ng songs nila. At talaga namang pag nakita ko sila ay bumubuka ang Puerto rico. One of them is gay and I have a huge crush on him: Mark Feehily. (kilig mode) =)

    • 1. hahaha ang weird nung ayaw mo ng beef! Haggard! Eh ang best pa naman ng beef! Lalo na ‘yung Bulalo! Ang sad. Malulugi sa’yo ang New Zealand! haha
      2. Grabe ‘yung pagka-ulol mo sa Westlife ha. Well, type ko din naman sila lalo na nung HS ako. Pero mas type ko ang may kuryente sa bahay kaysa sa kanila. wahaha Pero magaling ang Westlife. I agree. Favorite song ko: When You’re Looking Like That. That. That.🙂

  9. 1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang… MANOK at IBON. Mamamatay ako kapag nilagay mo ako sa isang room with a chicken. Ayoko rin ng mga late, pa-fall at pubic hair sa sabon.

    2. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang… SURPRISES, chocolates, cheese at momowl. Super likey ko rin ang blog mo.🙂 Love you!

    • 1. OMG! Oo nga, naalala ko bigla. Ikaw pala ‘yung may ayaw sa manok! wahahaha. Ang weird din nito! Saan ito nanggagaling?
      2. Ang pa-virgin nung mahilig sa “SURPRISES.” haha Lakas maka-parinig sa boys! haha Thanks naman sa pag-promote ng blog ko sa LTO people. Alam mong ikaw ang inspiration nitong blog ko. I love you, Miga.🙂

      • Nanggaling yan siguro nung sinabong ako sa ulo ng isang panget na rooster. I don’t wanna remember, it’s too morbid. Dugu-dugo level.

        Eh bakit ba eh virgin nga ako. Madalang rin ma-deflower. Ahaha! I love you!🙂

  10. 1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang… BULLY. In any ways na bullying ayaw ko talaga kaya nga super supportive ako sa Anti Bullying Act. Although minsan ang mga bully naman ang naglalabas ng best natin pero madalas sila sumisira ng buhay ng karamihan.

    2.Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang… mga CHUBBY. ewan ko ba pero i find it cute pag huggable at chubby ang isang tao. Masasabi ko ring fetish ko sila lalo na pag maputi at singkit. =)

    • 1. Ang bongga nung ayaw mo sa bully! Natawa ako. Naku bully ako eh. wahaha. Pero lambing lang.🙂 Hindi talaga ka-level ng mananapak kapag di naibigay sa akin ang tinapay sa baunan! haha Ang bait mo siguro.🙂
      2. WOW. Nagulat naman ako na likey mo ang chubby. So ibig sabihin likey mo si Ms. Jessica Soho? haha At tsaka how do you define “chubby” versus “mataba” versus “baboy?” Help me naman on this. Kasi ako, lahat ng hindi ko ka-figure, MATABA. haha Perfect ako eh. Ako ‘yung batayan.🙂

  11. Ang saya. And can I just say, ayaw rin ng boyfriend ko sa palaka! Pareho kayo ng experience te, with the pag-iwas sa dissection and the goosies. Grabe yung goosies!

  12. Ay leche, may format pala! SORRY! Makikichika ako:

    1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang…
    – mga impokrito, lalung-lalo na yung mga anti-kunganoman dahil sa relihiyon. Halimbawa, rabid Christian kuno na ayaw sa mga bading pero may boypren pala on the side. Tambling ako te. Pwede bang maging masaya na lang tayo at wag mangialam sa buhay ng iba?
    – mga taong makikitid ang utak. See example above.
    2. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang…
    – Magsulat at magbasa. Alam mo yan.😉 Yan lang yata laman ng blog ko e haha.
    – boyfriend ko, na ayaw sa palaka.

    • Ang bongga ng sharing mo! Likey!

      1. AGREE!!! Super laking check nung kairita ‘yung mga impokrito! Sarap sunugin! Apir tayo dito!!!
      2. Alam na alam ko ‘tong hilig mo sa pagbabasa at pagsusulat. And magaling ka magsulat for that matter. Hello kay boyfriend.🙂 Sabihin mo hindi siya nagi-isa sa pag-hate sa mga palaka!

      • At talaga namang shinare ko na nga agad sa kanya yung post mo dahil nahihiya siya sa kanyang fear of frogs. Pero kadire naman talaga sila te!

  13. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang makakita ng mga lalaking nangingintab at nag-pipink ang daliri sa kamay at lalo sa paa dahil bagong manicure o pedicure. Ewan ko ba, bat ba nila yun ginagawa, hindi ba sila nasasagwaan? Wala namang masama sa malinis na kuko pero kailangan pink at may makintab/clear cutix?

    Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang LIBRE! Parang sumasaya talaga ang buong pagkatao ko kapag may nanlilibre. Libre kasi yun! and the best things in life are FREE. donchutheenk?

    • 1. OMG! Hindi ko ito alam, IPF! Kaloka. Sabag lakas di talaga maka-cheap nung lalaking makintab ang mga daliri. Ka-level ‘to ng mga nagsusuot ng bonggang kintab at kapal na necklace tapos ang itim-itim. wahaha NEGA!

      2. I agree sa libre! Apir! Sana ma-libre mo naman ako minsan, IPF. Sana lang ha.🙂

  14. Alam mo madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga yung mga di nagbabayad ng utang tsaka yung papending sa task. Basta
    dapat sabihan man lang ako kung bakit di makakabayad.

    Ito Madma, deretsehan na, super likey ko ang mga bakla. I want to be a homosexual actually. And feeling ko bakla talaga ang kaluluwa ko :))

    • 1. Lakas maka-lending company nung nagpapa-utang! I go for i-business mo na ‘to, DF!
      2. Bakla ka, ‘te! At MALAKAS na bakla. Alam mo na ang ibig sahihin nito. haha

  15. Waaah ngayon lang ulit akey nakabisita andami ng ganap…

    1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang…
    any type of public transpo (jeep, bus, fx) na napakalakas ng audio!!! Mygad pagmagbabayad ka tuloy minsan pahirapan kasi hindi marinig nung magaabot or nung drayber! Atsaka syempre minsan gusto ng mga pasahero matulog genyen or ako I would like to listen to songs I like di ba? Palagi ako nakaheadset pagbumabyahe eh so ayun parang wala lang choice pag ganun which is sad and annoying!

    2. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko…

    si Beyonce! Queen Bee! Oh my mula panahon pa ng Destiny’s Child, uso pa ata cassette tape nun hanggang sa career ni ate ngayon hindi natitinag si Ma’am eh. I consider her the best female performer ever.. like ever talaga! She’s my all time favorite. I question her taste in men though.. pero I forgive her baka sooobrang bait lang talaga ni kuya Jay-Z! Talent ba kamo? Wag niyo ring simulan si Beyonche dahil marami niyan si ateng!!!

    and oh… I second emotion sa mga taong may putok.. ples! Ekis yan! Btw, I haba suggestion watchuthink kung lalagyan ng chatbox ba yun sa gilid? Although yeah it looks like andami na rin ganap sa gilid ng blog mo pero yun kasi pag mga general thingies lang, like mga papuri sa blog mo, requests, hi, hello genyen para hindi lang sa mga entries pwede magcomment pero yun nga anything under the sun.. sige and moon na rin.

    Yang big event mo ah make sure it’s big!🙂

    • Welcome back naman, Cayeth! Na-miss ka namin! Ang clingy na ng mga fans dito. haha

      1. wahaha apir tayo dito! Annoying talaga ito. Isama na natin ang mga babaeng super mahaba ang hair tapos nakalugay lang tapos sasakay sa loob ng tricycle. Kamusta naman kung katabi mo si ‘te. Yung lahat ng buhok n’ya nasa mukha mo na din. haha Pa-blower sa tricycle. Irita.
      2. Aay, alam na alam ko itong pagkahumaling mo kay Beyonce! Wala ding iwanan sa idol ha. Aminin ko, nung HS tayo ay di ko siya masyadong bet. Kasi Spcie Girls at Regine ako eh. Pero now, WTF! Beyonce is sooo bongga!!!

      Noted ‘yang suggestions mo na chatbox. Madaming pagbabago sa mga darating na araw. At syempre, ang BIG EVENT! Kumapit ka lang! hahaha

  16. Grabe meron pala neto! Ako rin meron!
    1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang…

    Plastic! As in Orocan level! Pag nakaharap ka ambait bait sayo pero pag nakatalikod ka na, iba na ang sinasabi. Sarap sunugin sa plaza ng mga taong ganito! Ambilis maginit ng ulo ko sa mga taong to. Peste. Ayoko rin sa mga tanga at mahina ang kokote (wow amperfect ko eh!) tipong pag tinaong mo ng 12×5 eh kelangan pa magisip ng five seconds bago sumagot. My gad! Sino ba mga teacher ng mga to nung grade 1?! Iritado rin ako sa mga taong um-eenglish eh mali mali naman ang grammar! Tipong ‘I don’t care to you’ translation: wala akong pakialam sayo. Ang cheap please! Tapos ung napagbabaliktad ang P at F at B and V! Lakas makabawas ng appeal neto lalo na pag lalaki! Haha. Antaas ko rin! dyosa ako eh haha.

    2. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko si REGINE VELASQUEZ! OA!! As in super galing nya for me! Kahit anong kantahin nya feeling ko ang ganda ganda! Haha. At syempre bet na bet ko rin ang pagbirit nya na pakiramdam ko eh sya lang kayang gumawa! Ubos ang isang araw ko sa panunuod ng kung anik anik na RV videos! Haha kahit 20 times ko na napanood eh go pa rin! Bet ko rin lahat ng Diva singers, lalo na si Mariah at Whitney. Kahit di abot ang kanta gow pa rin sa pag endeavour ng kanta nila haha.

    • Hello naman, Carluloy! Welcome sa Yours truly, Madma!

      1. wahahaha grabe ang hirap mo naman maging friend. Parang “perfect” ‘yung gusto mo! haha Apir tayo sa nega ang mga plastic na tao! Dapat d’yan binabawian ng buhay! Naku, mahina ako sa Math.😦 Paano ba ‘to? Nega na ako sa’yo? wahaha Di bale, talented naman ako, kaya ng i-compensate. wahaha

      2. OMG. LIKEY KO DIN SI REGINE!!! Pasabog kaaa!!! At sorry, abot ko mga kanta n’ya! Paano ba ‘to? So like mo na ko? haha APIR sa mga DIva songs! Magkakasundo tayo!!!

  17. VF! iba rin talaga ang abot ng blog na to. Anlakas ng network coverage ples! Abot hanggang ibayong bansa (wuw, OFW ampeg). Magshshare din ako, paagaw naman ng spotlight from you. Grabe parang ayaw mo, andamot mo naman! haha

    Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang…AMPALAYA! kahit pano mo sya lutuin, ie igisa, isama sa kung anu pa mang ibang luto! NOOOO! ayoko ng mapait in general. haha. ewan ko ba kung bakit natitiis ng mga tao ang kainin ang gulay na yan. Di rin naman ako gulay person pero may nakakain naman akong iba kahit except ampalaya!

    Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang YAKULT. Pwede ko na gawing tubig to araw araw!😀 Lakas din maka diabetes neto. Mahilig din ako sa kakanin like you, champorado, banana cue, halo halo, turon lahat lahat na! Mahilig din ako sa KANIN, pakiramdam ko di kumpleto ang araw ko pag di ako nakakakain ng kanin. May time nga na naka six servings of rice ako! Parang kargador lang kung makalamon! haha. And yes, mahilig din akong mag videoke/ karaoke! kahit wala sa tono, lampake basta naikanta ko, tama na yun! haha. And lately eh nahihilig ako sa anything Korean. Korean song, movie, tv series and kung anu ano pa basta Korean. Super likey ko rin pala ang amoy ng bagong photocopy na papel, amoy ng tambutso at pinta (wuw adik, paki rehab na ko) hahaha.

    Wuw, andami ko na rin nasabi. Ayan na nga, ibabalik ko na ang spotlight sayo, pakiramdam ko magngangasngas ka na eh. hahah😀

    • VF!!! Welcome naman sa Yours truly, Madma! Grabe oarang ngayon ka lang nagbasa! Ang lakas ng blog ko sa SG! Daming views. Sana kasama ka dito!

      1. OMG! Seryoso ba ‘yung ayaw mo ng ampalaya? Sarap kasi nun lalo na ‘yung may egg. NAGULAT ako sa revelation na ito. Bigyan mo ulit ng chnace, VF! Grabe na-judge mo na ‘yung ampalaya. Pag-uwi mo dito, ako magluluto ng ampalaya for you. Try mo naman grabe, resistant!
      2. BONGGA ang Yakult at VIDEOKE! Wooh! Kaso ang baba ng boses mo, VF! haha Ang weird nung gusto mo ;yung amoy ng bagong photocopy! Pa-rehab na kita! Parang naa-adik na na! haha

      Thanks naman sa comment, VF! Muntik ng maging blog entry mo. haha Basta ikaw, laging may-limelight for you here. MISS YOU! Super.🙂

  18. Sabi nga nila better late than later..haha

    1. Alam mo Madma, atin-atin lang ito ha. Pero super hate ko talaga ang mga sinungaling at manloloko, based ito sa personal experience (family at sa nakaraang pag-ibig).. lakas makasakit sa puso at maka-hit sa ego.
    2. Ito Madma, deretsahan na. Super likey ko ang Music/Pagkanta, lakas maka-positive vibes eh

    • Welcome naman sa’yo, Mr. Brightside! Welcome naman sa Yours truly, Madma!

      1. May hugot yung bitaw mo sa “manloloko” ha. Parang gusto mo pang mag-share further! haha Share naman!!!
      2. OMG!!! Apir sa music at pagkanta! Biritan tayo soon! Huwag mo akong simulan. haha

      Salamat sa pag-drop by here, Carl! Miss you!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s