Madma meets Mad Mama

Dear Madma,

Hi! Guso ko lang malaman ang reaksyon mo at kung may maipapayo ka sa situation ko.

Married na ako at may baby na kami. Ang problema ko eh ‘yung husband ko na maka-pamilya. Kasama namin sa bahay ang mga kapatid n’ya at byenan ko na kaming mag-asawa ang nagbabayad ng bahay at iba pang expenses tulad ng kuryente, tubig, allowance at panggamot ng byenan ko etc. Nakausap ko na s’ya several times kasi hindi kami makapag-save sa dami ng gastos. Nabibigatan na ako eh. Halos laging napagdi-diskusyunan at napaga-awayan na tuloy madalas lumalabas na madamot ako. Pero kasi naman, hindi ko ma-feel na willing tumulong ang family niya sa mga gastusin. Di ba pag mag-asawa dapat nakabukod na? Hay.

Sige, thank you at more power sa’yo. Nage-enjoy ako sa blog mo.

Thanks at nakakabawas ng stress hehe.

Mad Mama

_______________________________________________

Dear Mad Mama,

Hello naman sa’yo, Mad Mama. Chill ka lang. Don’t be Mad. Just be Mama! Ang witty din nung screen name mo ha.  Pasabog! At talaga namang ikaw ang unang Mommy or Mummy na sumulat sa blog ko! Lakas maka-bangkay nung Mummy. Belated Happy Mother’s Day sa iyo at hello kay baby. Ang laki-laki na ng baby mo. Grabe! Pa-karga nga. WOW. Ninang ang peg? Salamat talaga sa pagsulat at welcome sa Yours truly, Madma.

Alam mo, Mad Mama, I think kailangan n’yo lang ulit mag-usap ni Mister about this. Maayos na usap lang ‘to, promise. Ang dami dami n’yo na din talaga sa bahay n’yo ha. At alam naman natin na one is enough, two is a crowd, three is a company and four is party people!  Come on! Party naman, Mad Mama! Ang KJ oh. Char. Ano ba ‘yan ang energetic ko today. Alam mo na, medyo “nadiligan.” WOW.

Ito suggestion ko:  Lumabas kayo one weekend. Nood ng sine, videoke kayo, kain sa restaurant ganyan. I-set mo ‘yung magandang mood kumbaga. Tapos, slowly mo ipasok ang issue na ito at pag-usapan n’yo ulit nang puso sa puso. Ilatag mo lahat ng saloobin mo nang maayos. Huwag naman ‘yung sigawan na parang “Pota! Ang gulu-gulo na sa bahay! ‘Yang mga kapatid mo ang kakapal ng mukha! Pati ‘yung gatas ni Baby inutas.” Huwag naman ganito. Si Claudine at Raymart lang ang gumagawa ng mga ganitong ka-cheapan. Mahinahon lang. Siguro, mabuting simulan mo sa paglalatag ng  tinatawag na “Cash Flow” ng family n’yo. Ipakita mo ang income versus expenses sa isang buwan para objective ang labanan. After this, mag-present ka ng mga options or alternatives na pwede n’yong gawin para mag-work effectively ang present situation n’yo like mag-work at mag-contribute ang mga kapatid, maghanap si Mister ng ibang work na mas mataas ang sweldo, mag-work ka para additional kita, mag-open ng business, ibenta ‘yung isang kapatid etc. Huwag naman ‘yung tipong “Palayasin na sila! Leche! Wala ng tayong makain, Honey! Lagi akong gutom, alam mo ba?! Si Baby, daliri na lang ang sinusubo! O Diyos ko!” Huwag naman ulit ganito. Chill lang kumbaga. Present your financial status then offer and try other alternatives. I-set aside mo muna ang damdamin at maging objective. Sa mga ganitong issue kasi, mas mabuting objective ang labanan. Ayaw naman nating lumabas na kontrabida ka at masaktan ang damdamin ni Mister di ba? Mas bongga ‘yung magkasama n’yong nire-resolve ang issue na ito as a couple kaysa sa naglalabanan kayo at nagi-iringan. Kaya n’yo ‘yan! Energy lang!

Ngayon, if after 6 months or so at hindi talaga naging effective ang mga alternatives and the only way na lang eh bumukod kayo, so be it. Sa puntong ito, I don’t think na magagalit pa si Mister kasi sinubukan n’yo namang mag-work ang present situation n’yo eh. ‘Yun nga lang, hindi na talaga kaya. I think, mas magiging katanggap-tanggap sa Mister mo ang mga bagay bagay kapag ganitong atake ang gagawin mo. Go lang! Kaya ‘to! Si Karylle nga kaya lahat eh. So kaya din ‘yan.

‘Yun lang naman ang akin. Sana may napulot ka sa mga sinabi ko. Hangad ko na makalampas kayo sa yugtong ito ng buhay n’yo bilang mag-asawa. Matatapos din ito, promise. Hello kay Baby at sa mga tao d’yan sa bahay n’yo. Enjoy lang. Huwag pairalin ang galit at init ng ulo. At the end of the day, isang pamilya pa din kayo.

Mahal ka namin. Update mo na lang kame.

Yours truly,

Madma

P.S. At talaga namang may nanalo na din sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! BONGGA!

Ang title ng blog entry ko last Friday ay… “Best friend ko, Jino-jowa ko.” Congratulations kay Deathbymilktea! Ikaw ang nanalo! Bongga ka! Talaga namang maife-feature ka na sa hit na hit na Yours truly, Madma! Sisikat ka na! Si Renzyd nga ang sikat na eh. Congratulations ulit! Magpakilala ka sa akin at mag-email sa yourstrulymadma@yahoo.com. Usap tayo! Dali!

Salamat sa lahat ng sumali sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Ang daming entries last Friday! At ang pasabog  nung sumasagot mismo ang letter sender na si Black Widow! Nakakaloka! Salamat, salamat!

Huwag malungkot kung hindi nanalo, sa Friday, meron ulit!!! Last chance n’yo na sa Friday kasi matatapos na ang pakulong ito!

Salamat sa super taas na ratings over the weekend! Grabeeee! Nakakatuwa talaga ang support n’yo. Salamat at mahal ko kayo.

Follow me on tumblr as well: www.supermadma.tumblr.com

(The photo above was lifted from this link: http://www.salon.com/2010/11/18/problem_with_mothers_these_days/)

24 thoughts on “Madma meets Mad Mama

  1. Congrats deathbymilktea! Pa-wintermelon oolong tea with pearls and coco jelly less sugar and less ice ka naman!🙂 Haha!

    Congrats Mama! Mad Mama, ganda ng name mo!🙂 Good luck, kayang kaya n’yo yang mag-asawa!

  2. Dear Madma,

    Gusto ko na nakakatawa ang mga blog mo, but at the same time very level-headed and logical. WOW NAMAN. Good luck kay Mad Mama; medyo mabigat nga ang problema niya, pero hindi siya nag-iisa I think. Very common ang set-up na yan among Filipino families.

    -Eliza

    • haha at talagang napa-comment ka na din dito ha! Salamat naman, Eliza! Ang supportive mo! Love it! I’m sure mababasa ni Mad Mama ang comment mo. Paging Mad Mama.🙂

  3. ang sarap din tlga ng buhay ng byenan mo at mga kapatid ng asawa mo, Mad Mama. Ano yun, ganun na lang? antay-antay nlng ng grasya mula kay Mister? hay nako.

  4. Medyo seryoso nga ang nguynguy ni Mad Mama, pero ito lang…walang hindi nadadaan sa maayos na pag-uusap…good luck sa inyo ng hubby mo, hikayatin mo sya na……magbasa ng blogs ni Madma..Madma…IKAW NA TALAGA!🙂

  5. Madma, you lost me at “Cash Flow” hahaha!

    Ang bigat naman nito, finance at pamilya levels na. Di ako masyado makarelate kasi aso nga di ko pa kayang buhayin as of today (baka bukas kaya na), pamilya pa kaya. Pibertday sa akin.

    Anyway, Mad Mama, in a way eh na-feel ko rin yung sitwasyon mo. Nung nagpakasal at nanganak ang ate ko eh tumira din sila sa amin, at sabihin na nating dagdag pakain, ganyan. Pero tama si Madma, at the end of the day (even just for today, char!) eh isang pamilya pa rin kayo. Kaya naman bumukod din talaga ang pamilya ng ate ko after a few ngawngaw ang nguynguys from mom, hahaha!

    So chill lang, usap lang talaga ng maayos. Alam mong very strong ang family ties ng mga Pinoy, at Pinoy ka (or Pinay) kaya ‘wag kang mag-deviate sa norm kasi isa ito sa pinakamagandang aspeto ng Filipino society. Wuw, Soc Sci class na ito. I still believe na walang problemang hindi nadadaan sa mabuting usapan. Maliban na lang kung kapamilya mo si Claudine, ay gulo yan ma’am!

    Pero teka, grabe naman yung iniinom nila yung gatas ng baby mo. Di ba dapat Ensure or Sustagen Premium na yung iniinom nila? Char.

    At ikaw naman Madma, grabe, ang bitter ko na talaga sa Humula at Manalo. Anyway, excited na rin naman ako na makilala si deathbymilktea through this or theeese blog. Sana magpa-milk tea naman siya sa lahat ng readers sa grand fans day. Wuw, baka mamumulubi din siya dahil medyo thousands na rin ang figures natin, di ba Madma? Taas! Haha!

    • *Clap, clap, clap (slow clap) at talaga namang “na-todo” mo din ang comment mo ha! PASABOG ka! hahaha for sure, matutuwa si Mad Mama sa personal input mo. Kaya naman piberthday din talaga sa iyo. Sa Wednesday na natin makikilala si deathbymilktea! I think hindi n’ya kakayanin ang milk-tea party sa lahat ng fans. Medyo “libu-libo” na din kasi talaga. haha Thanks, B! Naku ano naman kaya ang masasabi ni @jayrestacio dito. hahaha

      • Gusto ko talaga yung pagiging interactive ng blog na ito. Para tayong pamilya na nagsusuportahan! Wag kayong bubukod ples. Clingy rin. Haha! Kthnx.

    • Congrats naman sayo Renzyd ay sorry deathbymilktea pala. May balita akong isa lang mayari ng Renzyd at deathbymilktea. Effort din ha. JOKE lang🙂 tinamad lang talaga ko burahin yung Renzyd or pauso ako.

      Nga pala yung winning entry mo yan naman talaga ang concept ng mga napanood ko ng weekend. Yang Love me if you dare, and One day ples. Dami ngang kaartehan ng mga tao, kung besfren besfren lang. wag ng jowain ples.

  6. Hello sa inyong lahat. Ang saya na patuloy ang suport nyo sa blog namin nina Madma at @therobenson. hahaha WOW! sakay din sa blog ha?

    ang sa ‘kin lang…WAW. grabe bat parang expected na kailangan namin magcomment nang mahaba dito?! haha

    Madma, grabe tawang-tawa ako sa fact na nag-party ka within ur blog sa advice mo kay Mad Mama.😀

    Mad Mama! Grabe yung name mo, confusing with Madma ha? at yung problema mo, sensitive yet common! ewan ko ba, malaking porsyento talaga ng mga kapamilyang Pilipino ang sabihin na nating, pala-asa. Yung tipong wow ha, pabahay, pakuryente, patubig at pakain mo na, pero parang ikaw pa dapat ang mahihiya sa kanila. Naka-relate din ako ha. haha sorry naman, mejo may personal experience din ako about dito. Pero eto ha, pasalamat tayo (including you, yes YOU Mad Mama!) na powerful tayo, at hindi tayo ang umaasa kundi tayo ang inaasahan. and yes, as Madma said, isang pamilya pa rin kayo, or TAYO. Tumira na lang kaya tayo nang sama-sama guys? tas mag-asahan tayo, ok ba yun?

    Gusto ko yung advice ni Madma dito. Tama siya. Dapat factual ang atake sa usaping ito. Ilatag ang figures, at mag-present ng options. Super clap ako kay Madma dito. Kung may family planning sa pag-aanak, dapat may financial planning din. At dapat magkatuwang kayo ni Husband dito. Dapat aligned ang goals nyo, baka kasi top priority niya ay tumulong sa family tapos ang sayo ay mag-ipon para sa future. Still, be open sa fact na baka kahit gumawa ka pa ng powerpoint presentation sa findings at proposed solutions mo ay hindi pa rin masakyan ng asawa mo. Hence, dapat mag-isip ka rin ng creative ways para gumaan ang burden mo at ma-realize ng family ng asawa mo na dapat tumulong din sila. Some suggestions:

    – Patirahin mo yung parents at mga kapatid mo sa inyo para pantay. Kung hindi pwede basta kamag-anak like pinsan. Kung ‘di pumayag ang asawa mo sabihin mo ang damot niya at unfair sya.

    – Kumuha ka ng money sa budget nyo at sabhin mo na ito’y para sa parents mo na maysakit (dapat katulong mo ang mga magulang mo sa option na ito ha? galingan nyo!). Then yung money na yun, i-save mo.

    – Mag-post ka ng quotations sa bahay ninyo like “The family that helps one another in paying expenses, stays together” or “Ang magkakapamilya ay nagtutulungan, hindi nag-aasahan”.

    – Ipatext mo sa friends mo yung mga kapatid ng asawa mo. Messages like “Grabe yung kapatid ng asawa ko puro sa amin umaasa at hindi man lang naisipan tumulong. Sana ikaw hindi ka ganon!”. Unknown numbers naman kaya hindi ka mabibisto, baka magising sila sa katotohanan.

    – Ipakita mo kung gaano ka nahihirapan. Mejo i-exag mo. suot ka duster lang, tapos mangayayat ka. stressed gulu-gulo buhok malaki eyebags, madungis. kapag tinanong ka bat ganyan histura mo, maglitanya ka sa kanila ng “Kasi hirap na hirap na ako sa sitwasyon natin..blah blah blah”

    Ayon, i think marami ka pa maiisip. Good Luck sayo Mad Mama. At sana nakatulong kami kahit papano. hahaha

      • Haha ginawa ko naman ang blog na ito after ng deliverables ko sa client…pantanggal stress din🙂 graabeeeee work like balance naman😉

    • WOW! As in WOW! haha bongga! Kontin na lang blog mo na ‘to! haha Sige pa! haha Ang best din talaga ng comment mo ha. Take note “comment” lang ito. Tawang-tawa ako sa last suggestion mo na ipakita n’ya kung paano siya nahihirapan! wahahaha! Lagyan n’ya dapat ng grasa ‘yung damit n’ya para mas pasabog! Alam mo magka-wavelength talaga tayo when it comes to family! Bongga ‘yan, IPF! Ang saya saya talaga ng blog natin nila @therobensons no? haha Salamat sa comment at I’m sure makakatulong ito kay Mad Mama.🙂

  7. Congrats naman kay deathbymilktea!

    – from renzyd, the very first winner of Humula at Manalo sa Yours truly, Madma.

    May ganun talagang distinction. HAHAHA! Anyway, agree din ako sa payo ni madma. Maayos na usapan lang dapat. Huwag siyang gumaya sa bayaw ko nung nakitira ako sa kanila dahil malapit lang yung bahay nila sa school. Pinalapa ba naman ako sa aso! Joke lang yung pinalapa. Pero nakagat talaga ako nung aso nila.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s