Congrats, Deathbymilktea! Ikaw ang 2nd winner sa Yours truly, Madma!

Dear Deathbymilktea,

CONGRATS naman sa’yo bilang pangalawang winner ng Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Woooh!!! Pa-milk tea party ka naman! Salamat sa pagpapamalas ng iyong husay at galing sa panghuhula!

Renzyd, ipasa mo na ang korona!

Yours truly,

Madma

P.S. Mga fans! I-congratulate naman natin si Deathbymilktea! Huwag naman tayong bitter! Ang nega oh.  Sa Friday may contest ulit! Sali ulit kayo.  May twist ang Humula at Manalo this Friday! Abangan n’yo ‘to. Sali lang nang sali para mas malaki ang chance na ma-feature sa talaga namang pasabog na Yours truly, Madma!

Again, ang title ng blog entry ko last Friday ay “Best friend ko, Jino-jowa ko.”

Kilalanin na natin si Deathbymilktea!

______________________________

Bio: My real name is Israel, but most people call me Sael (pakifollow na lang sa @saeIxix sa twitter biglang naghihikahos pa ako sa followers. WOW.) Im 22 years old and isa po akong callboy sa gabi. HAHA. Oh diba pasabog agad!

Kidding aside, isa po akong call cen-ner agent sa Alabang. Im a BS Bio undergrad pero di ko pa siya natatapos. Hehe. (Long story. I-ngunguynguy ko yan in the future, pramis. :p)

Una eh gusto kong batiin ang aking katandem sa pagiging kaladkarin na si Rian Bernal (@ar_ay_ey_en sa twitter, YES naghahanap din ‘yan ng jowa, este followers pala! Haha. Dahil kasi sa kanya kaya ko natuklasan itong Madmaworld. Ito na talaga ang simula ng pagsikat ng #TheKaladkarinTandem WOW. Kami na ang may sariling hashtag. Hahaha.

Hello din kina Mich, Dano, sa Team Handraiser, kay Boss Sha, Boss Eka at Boss Ice (yes ako na ang sumisipsip sa mga powers-that-be).

Hobbies: Uminom ng milk tea (na hindi masyadong obvious sa username ko – favorite ko ang Wintermelon at Oolong Milktea ng Moonleaf, Passionfruit Yakult ng Serenitea, Taro Milk Tea ng Gong Cha and Black Sato at Pumpkin Spice Milktea ng  Tea Talk. WOW. Ako na yung milktea na ang dumadaloy sa katawan. Hahaha.)

Mahilig din akong magbasa ng libro, lalo na yung mga pang-young adult. Obsessed ako kay JK Rowling. As in. Sobra talaga. Grabe. Hahaha.

Huli kong nabasa ang Amapola sa 65 na kabanata ni Ricky Lee. Inaabangan ko naman ang Kikomachine Komix Blg. 8 ni Manix Abrera (Para namang interested kayo sa buhay ko diba.)

Pano ko naisip yung title: Eh naisip ko eh. Haha. Naka-competitive mode kasi ako ng mga oras na iniisip ko yan. Di rin naman ako maka-relate kasi di ko naman jinowa ang bestfriend ko. Though crush ko siya nung elementary kami, nandiri na kami sa isa’t isa nung highschool. Hahaha. Kasi pag bestfriend parang kakambal mo, kaya pag naging kayo, parang incest. Di tama.  (Opinyon ko lang yan ha, peace tayo Black Widow.) :p

Message to Madma: I wanna see you in person! Favorite ka namin ng TM (Team Manager) ko na si Boss Shatio Dela Cruz (na pag nabasa to eh siguradong magsisisigaw. Haha.) ‘Pag binabasa namin ang mga entries mo, nawawala ang aming antok at stress sa trabaho.🙂 ‘Pag nagawi ka sa South, sabihan mo kami. Itutuloy natin ‘yang milk party na ‘yan. Kaya lang baka mamulubi na ako after ng party bilang libu-libo na kaming supporters mo. KKB na lang. Haha.

Salamat dahil nakilala ka namin (Clingy din agad). More power sa blog mo at sana magka-TV show ka na talaga!

*hugs*

76 thoughts on “Congrats, Deathbymilktea! Ikaw ang 2nd winner sa Yours truly, Madma!

  1. Hi, deathbymilktea! Congrats! Try mo yung Brown Rice Tea (less sugar, less ice) sa Chatime! I think, masasama mo yun sa favorite mo.

    Mabilis na sharing lang ano, nung nag-punta ako ng Binondo, bumili ako ng Oolong Tea box, 35 pesos lang sya. So ginagawa namin sa bahay ng housemate ko (shout out to Asianbabe Lemanie), magpe-prep kami ng Oolong tea, plus brown sugar, tapos Milk Magic! Tapos parang good as Moonleaf na.🙂

    Friend mo pala si Rian! Hello Riri!🙂 Mag-followhan naman tayo sa twitter! Kthnx!

  2. Hi deathbymilktea! Congratulations sa’yo. Ang ikli naman ng entry mo. We would like to know you more eh. Hahaha! Landi lang. I’m following you on Twitter na, I hope you don’t mind. Grabe yung iboblock mo ako. ‘Wag ganun.

    Anyway, bet ko rin ang Passionfruit Yakult ng Serenitea dahil gusto ko yung mga maasim-asim, bordering to panis. Charaught lang. Ang default ko talaga ay wintermelon milk tea with panna cotta. Pibertday sa akin.

    Madma, kamown mag-mall tour ka naman sa southern metro. Ang saya kaya ng life dun, very homey ang ambiance, laid back at talaga namang mapaparecline ka kahit sa kalsada hahaha!

  3. Congrats deathbymilktea! Alam ko namang hindi ka nandaya so masaya kami para sa’yo. Anyway, may friend ako na ang unang basa sa Oolong Tea ay Oh-oh-long hahaha nakakaulol lang. Wow, wag naman natin siya husgahan.🙂

    Madma, grabe rin yung nagko-crosspost ka pa rin sa Tumblr ha! Parang di naman totoo pag binabasa dun na mataas ang ratings mo. Wow, SINUNGALING? hahaha. Grabe nilalangaw ka kaya dun! Mas masaya rito sa WordPress. Ka-wordpress! Pauso rin ha🙂

  4. Hello deathbymilktea, congrats!!!🙂
    -may Cha Time sa Alabang Town Center (ATC), sa border ng Glorietta and Landmark, sa food court ng Landmark, sa Tomas Morato (yung iba pang branches di ko na alam kung saan. Hindi rin kase talaga ako yung Cha Time Franchise manager)
    -try mo din yung Matcha Milk Tea ng Gong Cha🙂 May Gonga Cha din sa ATC🙂
    -taga-South din ako, share ko lang kahit di mo/nyo tinatanong haha long-time friend kasi ako ni Madma kaya naman may pagka-pa-bida din ako haha uy grabe, i-like nyo naman yung Dolled up by J.C. Cantos Facebook page!!!
    -madalas ako sa ATC kaya sana dun na lang maganap yung MADMA meets her FANS down South, pa-sama plez.
    Hi ate Jet!🙂 (alala mo pa ba ako?)
    Hi Robby B! Sana maging kayo ni Sael❤
    Hi Madma!🙂 talaga namang napa-comment ako ha. Mahal kita! I miss you and I'm so proud of you! Anong ganap mo sa Saturday? Bukod sa Badminton?

  5. Congrats deathbymilktea! While I’m doing my farewell walk as the reigning Humula at Manalo sa Yours Truly Madma winner, I would like to thank my friends, new and old. The other silver, and the other gold. Most especially to Madma for this opportunity. To be featured and to share my life across the bloggerverse. I hope deathbymilktea will continue to be a good example. Keep it up! Wala na akong masabi. HAHAHAHA!

    Nainggit naman ako sa paguusap niyo tungkol sa milk tea! Merong chatime dito sa Toronno so baka itry ko yang brown rice tea na yan.😀

  6. Alam nyo, itong MADMA MEETS HER FANS down south edition ay mukhang magiging, EYEBALL ni Robby B and Sael! OMG! Dahil sa pasabog na blogsite na ito, may mabubuong pagtitinginan at pag-iibigan!!! Lakas maka-F.L.A.M.E.S. nito kung saan nagsimula ang pag-iibigang Regine Tolentino and Lander Vera Perez!

    Robby B, yes. PAKI lang ano, yung task na nai-atas sayo hehehehe

  7. NGUMITI LANG SI DEATHBYMILKTEA SA TANONG NI MADMA ABOUT B!!! OMGEEEEEEEEEEEE!!!

    ANO NG DEV’T RE: THIS LOVE TEAM ALA YOURSTRULYMADMA???

    UPDATE PLES!!!

    NAKAKATUWA😄

  8. THANKS FOR THE UPDATE MADMA!!!

    SHET YUNG SAELSON!!! ATIN ATIN NA LANG PERO SUPER LIKEY!!!
    SANA NAMAN MAGFLOURISH ITO.

    MADMA, ANO NAMAN ANG MASASABI MO SA MGA NGAS-NGAS NA “MADMACARTA IS THE NEW PLANET ROMEO.”?

    ANG SAYA SAYA NG BLOG MO MADMA, SANA AKO NAMAN ANG MAY SUMUNOD NA KALOVETEAM!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s