Si Madma sa gitna ng CJ Corona Verdict

Dear fans and followers,

Hello naman! Hindi na tayo nagbo-bonding!  Kamusta na kayo?! Ang taray ng picture ko dito, aminin n’yo. Lakas maka-R2K album cover ni Regine Velasquez!🙂

Anyway, talaga namang makasaysayan ang naganap na pagtatapos ng CJ Corona Impeachment Trial kahapon.  Lahat nakatutok, lahat nakaabang sa naging hatol. At syempre, hindi din nagpahuli si Madma sa panunuod sa super habang verdict ng mga senator-judges kay Corona.  Pakahaba din talaga, please! Pero in fairness, taas ng entertainment value. Parang teleserye. Ang daming nagaganap!

Well, since close na nga tayo dito, gusto ko lang i-share sa inyo ang mga thoughts na tumatakbo sa isipan ko habang nanunuod sa paghahatol kahapon.

  1. Lahat ng government officials ay corrupt. Alam ng lahat ‘yan. Nahihirapan humusga ang mga senator-judges kasi sila mismo ay corrupt.
  2. Russian si Juan Ponce-Enrile. Very evident ito sa accent n’ya lalo na sa pag-pronounce n’ya ng letter “R.”
  3. Nangampaya si Manny Villar at hindi nagpaliwanag ng boto n’ya. Irita s’ya.
  4. Hindi nagbago si Lito Lapid. Naka-2 terms na sa Senado pero di pa din nagbago. Nakampante na lang s’ya sa peg n’ya na High School graduate at hindi marunong mag-English. Move on naman, Kuya!
  5. Mainitin talaga ang ulo ni Mirriam Defensor-Santiago. Dapat kinabitan siya ng Blood Pressure Meter sa braso at dinirekta sa TV screen para kitang-kita ang pagakyat at pagbaba ng BP n’ya. Taas ng ratings nito, if ever na-push. Aminin n’yo.
  6. Ang hot ni Chiz Escudero. Oh la la. Sarap n’ya!
  7. Imbyerna ang beauty ni Mirriam. Nalampaso kasi ni JPE ang ratings n’ya in terms of exposure. Hindi nakuha ni Mirriam ang tinatawag na “UNLI” status.
  8. Ang tanda na ni Cuevas pero pasabog pa din s’ya.
  9. Hindi perfect si JPE after all. Mahina s’ya sa pagbabasa ng Roman Numerals. Lagi siyang napapatigil kapag may Roman digits.
  10. Ang daming nag-speech in total. Nakakapagod. Para akong umattend ng 23 graduation rights at nakinig sa 23 commencement speakers.
  11. Nakakaantok magsalita si Drilon. Lang gana. Kamukha n’ya pa si Garfield.
  12. Ang daming natenggang ibang issues dahil sa CJ trial. Kailangan ng harapin ulit sila.

Ayon naman! Just wanna share with you. Buti naman at tapos na din talaga ang trial na ito. At least, makaka-move on na tayo sa mga buhay natin. Isara na natin ang pahinang ito ng ating history!

God Bless the Philippines or these Philippines. And God Bless America. Alam nating pa-involve tayo lagi sa ganap ng America! Lalo na sa American Idol.🙂

Ikaw may thoughts ka ba? Share mo naman! Hindi mo ika-yayaman ‘yan!🙂

Yours truly,

Madma

P.S. At bilang pasabog sa araw na ito, gusto kong ipapanuod sa inyo ang bonggang video na ito na ginawa ng mga pasabog friends ko from The UP Repertory Company! I-avail naman natin ang parody ng “Jennifer-Jessica AI moment!”

Presenting Dax Carnay as Jennifer Holiday and Melanie Libatique as Jessica Sanchez. Andito din si Ms. JLo na ginampanan ni Jorgette Aguirre at si Randy Jackson na ginampanan ni Albert Cruz. BONGGA! Enjoy!

I-click ang link na ito para makita ang PASABOG video: http://www.cge.tv/watch/27c46295-d6cf-49d9-bf3b-3573e6e55b0e

10 thoughts on “Si Madma sa gitna ng CJ Corona Verdict

  1. pwede kong gawing quotation tong “garfield?” nayanig din ang bislig sa lakas ng tawa ko. im still reading your entries every day, ang taas na rin talaga ng ratings nitong blog mo. pati mga HS friends ko at mga kapatid ko sa US ligayang ligaya din sa blog mo! i think ito may potential talagang “ikayaman” mo. hahaha

    as for the trial, miriam santiago had me at “Lord, bigyan mo pa ako ng pangalawang buhay.” tsaka na notice mo yung lisp ni recto? ang chaka. amisshooo madang! i’ll go watch melai’s video.🙂 (P.S. naiinis ako kasi pag binabasa ko yung entries mo talaga naiimagine ko panu mo sya sinasabi. nagrereverberate ang aura mo.) haha and i must say ang galing mo magbalance ng funny at reasonable advise. grabe baka ligawan na kita any moment. o sya haba na nito. bye! =D

    • wahaha hello naman, Aeta! Live na live ka pala from Bislig ha. Hello naman sa mga taga-Bislig or Bisliguenos! wahaha Grabe nakaabot na din talaga ‘to dyan ha. Kamusta kayo d’yan? Natatanggap n’yo ba ‘yung mga padala ko? WOW. haha Miss na kita! Si Mirriam talaga ang pinaka-pasabog sa lahat! May nalalaman ‘pang “tamaan siya ng kidlat shit.” Taray ni Mirriam! Si Recto, lang dating. Chaka. haha Mag-bonding tayo pagbalik mo ha! Love you!

  2. Hi aika!!🙂 natatawa ko sa liligawan mo na si madma🙂 best ng blog nya db? Dito talaga sya sisikat i swur!! Miss ka na namin🙂

  3. Hi Madma, my name is lesli… ilang araw na rin ako nagbabasa ng blog mo at nakakaaliw ka. Gusto ko lang sana sabihin sa iyo na yung 3 paragraphs ng article mo about friendship ay ipinost ko sa wall (FB) ko. Kasi akmang-akma siya sa kaibigan ko for 28 years na FO (friendship over as you’ve said) ko na rin. I hope you dont mind, although at the end naman i wrote (article from my favorite writer Madma). Please let me know if its ok, otherwise I will delete the shout. Thank you so very much.

    • Hello, Lesli! Nakaka-touch naman ‘tong message mo.🙂 Sorry naman at late reply! Go, share and post it. Walang kaso.🙂 Maraming mga pasabog na nakahanda si Madma sa Season 2 ng YTM! Sana ay ‘wag kang bibitaw.🙂 SALAMAT, Lesli!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s