Tiis lang para Gumanda

Dear Madma,

Hello po. Congrats sa super fun na blog n’yo. Regular readers po kami ng mga barkada ko at super aliw talaga dito.

Gusto ko lang po humingi ng payo. Medyo mataba po kasi ako at gusto ko na talaga pumayat. As in. Nai-insecure na nga ako sa mga payat at sexy eh. Payat naman po ako dati pero ngayon kasi…never mind na lang.

Anyway, excited na po ako sa payo n’yo. Congrats po talaga sa napaka-gandang blog n’yo! Sana po ay makita din namin kayo in person.

Your avid fan,

Super Boink

_________________________________________________

Dear Super Boink,

Hello naman sa’yo at sa mga barkada mo! Super thanks sa pagbabasa ng Yours truly, Madma. Nakaka-TABA naman ng puso ang comment mo.🙂

Speaking of taba, gaano ka na nga pala kataba? Baboy-damo level ba? Yung tipong di na makita ang mga paa dahil sa laki ng tiyan at sa taba sa leeg? OMG!!! Taba nga! Bakit mo pinaabot sa ganyan! Na-curious naman ako bigla. Or baka naman hindi ka talaga mataba after all ha.  Baka arte-arte lang ‘to. Dami din kasing pa-cute na mataba na daw sila pero payat pa din naman ka-level ng may-TB. Send ka naman ng picture oh! For me kasi, lahat ng lagpas sa size ko ay mataba. WOW. Ako na talaga ang standard sa lipunang ito. At take note ha, lahat ng sobra sa akin ay tinatawag ko na agad na MATABA. Walang chubby, cute-chubby, huggable-chubby or ano pa mang category. Mataba agad. Period. Judgemental ako eh. WOW. Parang tingin ko lang ito sa mga bading. Walang BI, effem, BI-curious etc. CHE! Bakla lahat ‘yan! Arte-arte pa! Tigilan ako ha.

Alam mo, Super Boink, dalawang bagay lang ang sagot dito: disiplina at consistency. Whether nagpapa-payat ka or nagpapa-taba or ano pa mang gusto mong maachib sa buhay, kailangan talagang magtiis, disiplinahin ang sarili at sabayan ng consistency. Tiis ganda lang, ‘te! Para sa ikagaganda mo din naman ‘yan. Mahirap ito sa simula, yes. Pero dapat kayanin! Ako nga nagpapa-taba ngayon eh. Ang hirap din kasi magpa-taba ha. Halos maubos ko na nga ang kanin sa kaldero kasama pa ‘yung mga natirang bigas, pero wala pa din! Pota. Ang petite ko talaga. Kainis.

Tandaan mo, hindi ka dapat tumigil sa pagsasabi na gusto mo pumayat. GAWIN mo! Nega din kasi ‘yung mga taong sabi nang sabi na gusto na pumayat pero kung lumamon eh singlakas ng kargador. No more excuses dapat! Set a goal and achieve it! ‘Yun na! Disiplinahin mo ang sarili mo. Kontrol lang. Kapag gusto mo kumain ng bongga, igapos mo kamay mo. Itali mo paa mo. Ipiring mo ang mga mata mo! Lakas maka-masaker nito. FOCUS lang, ‘te! Kaya ‘yan!

At naku ha, huwag mo ding kakalimutan na maging consistent ha! Equally important to. Dumadami na din kasi ngayon ‘yung mga taong ok na tapos biglang maliligaw ulit ng landas. Ito ‘yung mga taong gym ngayon, buffet bukas. Or gym ngayon, buffet na forever. Naku po, common ‘to! Madaming biglang mage-enrol sa gym tapos biglang mawawala na lang na parang bula. Sa una active na active, pawis na pawis sa gym, very energetic ganyan. Tapos after 2-3 weeks, mawawala na lang. Biglang mabu-busy ganyan, may imi-meet na deadline, may lakad, masakit paa, nawalan ng wallet, nagkasakit ang kapatid etc. Ang dami ng nahulog sa trap na ito, please. Basta, be consistent.

‘Yun lang naman. Kaya mo ‘to! Andito kame para sa’yo. Magtiwala ka lang. At the very least, nare-recognize mo na ‘yung need na pumayat. Nasa first step ka na. 1,000 more steps to go! Dami din ha. Tuloy mo lang! At kapag pumayat ka na, send ka naman ng picture, ife-feature kita sa Yours truly, Madma. Pangako.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Patuloy lang sa pagpapadala ng mga nguynguy sa yourstrulymadma@yahoo.com. Bilisan n’yo at humahaba na ang pila! Salamat sa suporta sa blog na ito. Grabe ang close na din ng mga tao dito ha. Marami pang pasabog sa mga susunod na araw!

At talaga namang 17 days to go na lang bago ang “The Big Event.” Malapit na ang monthsary ng Yours truly, Madma. Wooh! Mark the date: June 15, 2012. Hindi mo kakayanin ang mga pasabog sa araw na ito!

(The photo above was lfited from this link: http://www.dreamstime.com/royalty-free-stock-photos-royalty-free-stock-photos-fat-lady-image13593878)

37 thoughts on “Tiis lang para Gumanda

  1. Hi Super Boink! Grabe nakakarelate ako sa issue na ito pero from the other side.

    Alam mo, unang-una, ‘wag kang mainsecure sa mga mas payat sa’yo, kasi for sure, may bonggang kapintasan yan. Pwedeng 24 ang waistline niya pero may putok pala siya sa right kili-kili or may kulugo sa kaliwang singit or tatlo ang nipples niya, ganyan.

    Tama si Madma (lagi na lang?), mag-set ka ng goal kung ano gusto mong ma-achieve. Take for instance, me. Wuw hahaha! Soperrr tingting ako dati, like bangkay level. 115 lbs tapos ang height ko eh 5’9 1/2. Oh di ba, lalaban din sa mga malnourished sa Africa. Pero simula nung nagkatrabaho ako, naging isa sa mga main concerns ko na talaga ang magkalaman. Medyo matagal at tedious ang process, pero as of the moment eh 146 lbs na ako. Medyo 30 lbs na rin yung na-gain ko after almost 5 years. O di ba ang tagal talaga? Ilang years na rin akong nag-iinvest sa protein pwder, whey protein at kung anu-anong supplements plus dumbbells at one year na gym membership dati. Magastos din ha.

    This is not meant to make you feel bad ha, I’m just showing you the other side of the spectrum. Wuw, may spectrum involved.

    Ako kasi gusto kong maging model, seryoso. Kasi may shortage ng pure Pinoy male models sa bansa. Aminin niyo, karamihan ay mga AFAM ang mga models dito. Hindi pwede yan! Di ako papayag! Pinas kasi to, wag niyo kaming ululin! Hahaha! So ayun, ‘wag mong gawing motivation ang insecurity kasi mali yun. Gawa ka ng goal for yourself and reach for it. Again, mahirap pero masarap ang feeling pag naabot for sure. Tulad nga ng title ng post na ito, tiis-ganda yan ma’am!

    Makinig ka kay Xtina nang sinabi niyang “You are beautiful, no matter what they say. Words can’t bring us down!” Bumirit ka, aminin mo.

    Atchaka may sinabi din pala ang Backstreet Boys na talaga namang mahal na mahal ko simula pa nung Grade 5 ako, “what makes you different, makes you beautiful. What’s there inside you, shines through to me.” Well, not necessarily me, ano, lasonan kasi yun kasi babae ka hahaha!

    At eto pa, ang Sugababes din, sabi nila “People are all the same, and we only get judged by what we do. Personality reflects name. And if I’m ugly then so are you, so are you!” Self-explanatory na ‘to, wag na mag-expect ng paliwanag.

    So ayun, bottomline is, just do what you think will make you happy. Kung sa tingin mo eh mas magiging masaya ka with less flabs, go! Pero if you can live and be happy with what you have right now, eh di go din! After all, ang ultimate goal naman siguro ng karamihan sa atin ay maging masaya sa buhay di ba? Ang lalim ng hugot ko ples. Naluluha na ako.

    All the best, Super Boink! Mahal ka ng community!

    • OMG!!! Talaga namang napaka-inspiring ng COMMENT mo! Take note ha, COMMENT ito. haha BEST!

      Alam n’yo, isa ako sa mga saksi sa pag-bloom ni Benson. Nasaksihan ko ‘yung chararat bumba stage n’ya nung college kame tapos ‘yung kakaibang alindog n’ya now. I must say, malaki talaga ang inimprove n’ya lalo na sa weight. Pinagsikapan talaga ito ni B kaya naman nagbunga talaga. Until now, may mag pakulo pa din si B para sa health na talaga namang nakakatuwa. Nagsimula lamang siya sa isang goal at ito, unti-unti na n’yang nakukuha. Though ‘yung tiyan mo eh medyo masakit pa din sa mata kaya paki-gawan ng paraan. Gusto ko ‘yung mga motivating songs mo ha. Very applicable sa post na ito. Salamat B. Nawa ay maachib n’yo ni Super Boink ang inyong mga mithiin. All the best!🙂

    • Nakakarelate din ako dito. Tulad ni Benson (Yes close na kami kaya first name basis na haha) dati din akong super payat. Bangkay/poste/palito-ng-posporo payat din. As in. Pero nung nagtrabaho din ako tulad ni Benson nagstart na ko maggain ng weight. Pero di na ko nagprotein shake o kung anopaman, kanin lang maam! Haha. Kaya ayun, tyan din ang problema ko ngayon. Hahaha.
      Kaya tiyaga lang, papayat ka din. Maniwala ka. Diba nga, what the mind perceives, the body achieves.ü

  2. Wow! Success story!🙂 Winner naman si robenson!

    Super Boink, above pagpapayat, parang ang sayang motivation ng health, balance at strength. Nakaka-derive rin kasi ang mga tao ng confidence sa pagiging fit at healthy. Dagdagan mo lang lalo ng positive attitude, at for sure mage-exude ka lalo ng ganda!

    Sabi nga ng isang post na nakita ko FB (nung may FB pa ako, naisingit ko rin talaga), girls who are skinny may look good with clothes on, but girls who are fit look good naked. OHA!

  3. pareho tayo superboink. super ampayatot ko lang talaga nung high school as in parang olive oil na betty spaghetti na anorexia nerbyosa (yes tanga pa!) ang peg ko. tapos nung pumasok ako sa UP… ayun na chumabelita na ako. kung ikukumpara mo yung first year college pics ko sa hs pics, parang kinain ko yung dati kong sarili. literal! haha.

    so syempre naging super conscious ako lalo na’t may mga umaligid-aligid na chur-churs. (talagang nagkwento na ako!?) at consciously ako lagi nagpapayat. inom2 ng fit n right, skip2 ng meals, puro skyflakes na lang, ganyan. at nag diet pills pa ko. desperada much. pero alam mo? walang nangyare. ewan ko lang ha.

    nung gumiveup ako at sinimulan kong isipin na ang acads ko naman ang massuffer pag nagpaka-hunger games ako, yun. dun talaga nagsimula ang pagbabago. nagbbreakfast ako parati. hindi ko dineprive ang sarili ko sa snacks. kumakain ako ng gulay at prutas (as in parang chichirya ko papakin!) and you know what? dun nagsimula yung pagpayat ko. as in.

    hindi naman ako bumalik sa hs payat, pero alamo yun, healthy lang. sakto lang. siguro maattribute mo na yan sa proper diet rin. hindi naman ako health nut, pero hindi ko dineprive ang sarili ko sa dapat kong kainin. wag kang magpapagutom ever!!

    pero ang punto ko talaga is (yes ang dami ng sinabi wala pa pala sa punto! hahaha!): wag mong ipressure sarili mo. pag conscious ka parati masyado sa lahat ng ginagawa/knakain mo, parang hindi ka lalo magiging masaya. tingnan mo ko, nung niletgo ko na insecurities ko, dun nagsimula yung pag-sexy ko. hahaha! pero totoo. dapat lang talaga wag mo ideprive sarili mo. ok lang naman magice cream pa minsan minsan, ganyan. basta just be kind to yourself, the rest will follow.

    also: the boys will follow. trulaloo yan! nahook ko ang boylets (PLURAL) matapos ang aking matinding confidence boost na kasexyhan nung second year.

    o di baaa ang taray nagblog na rin ako! hahahaha! sorry madma! nafeel ko lang talaga humugot para dito kay superboink dahil mega relate ako! hahaha! alabyu madma! \:D/ at we labyu too super boink. update mo kami sa pagpapasexy mo!🙂

    • WOW. Muntik mo ng maging blog ‘to! haha BEST! Pasabog ng sharing mo! Natawa ako sa anorexia nerbyosa!!! wahaha Pak! Gusto ko ‘yung point na ‘wag i-pressure ang sarili. Tama din naman talaga. Minsan kasi ‘pag sobrang concious, mas nakakaloka eh. Natutuwa naman ako marinig ang pag-bloom mo into a very fine woman. WOW. Happy ako na na-gain mo ang tamang confidence. Kasi naman, at the end of the day, it’s all about CONFIDENCE.🙂

  4. Alam mo Super Boink, nakakarelate din ako dito. WOW, sobrang relatable naman kasi ng suliranin mo. Galing na din ako sa sobrang taba, tapos payat, tapos tataba ulit. SO tama si Madma, consistency ang kailangan. Ikaw na talaga ang bukal ng katotohanan madma. hahaha! At bawasan ang kanin! Or kung di kaya, brown rice. After ilang months, nasanay na ako.

    Isa pang gawin mong motivation ay ang health. Malakas ang hugot ko sa topic na ito kasi my mom has diabetes and underwent angioplasty last year. Dad ko naman high blood. So may possibility na lahat ng sakit nila mapasa sakin. hahaha! So try your best to be healthy so that you can live longer. Sniff.

    Alam mo bang may project ako, ang #BalikAlindog2012. Oo, may sarili siyang hashtag. HAHAHAHA! Gawin mo ding motivation ang fashion, bumili ka ng damit na 1 size smaller tapos pag nagkasya na, baba ka ulit ng size. After some time, madami ka nang damit. Pamigay mo na lang sa charity. HAHAHA! From 199 lbs (ang taba ples), I’m now 177 lbs in 5 months and I’m planning to lose more. Mga 50lbs more. HAHAHA! OA ha. So kaya mo yan teh!

    • Ang lalim nga din ng hugot! wahaha. Masasabing malapit sa puso mo ang topic na ito! Tawang tawa ako sa #BalikAlindog2012! hahaha Ang taba nung 199 lbs! Shet! MATABA ka pala! Ako nga, ang pinaka-mataba ko na eh 130 lbs. Lagi lang akong 125-128. hahaha Ang rich ng experience mo sa topic na ito ha. APIR!

      • Kung maka all caps ng MATABA. HAHAHA! Hindi halata sa pic no? Matangkad kasi ako, mga 5’10”. Tapos naguumapaw ang khampidensz. HAHAHA! Isa pa yan, dapat confident ka palagi kahit mataba. And everything else will follow.

      • Eh MATABA ka naman talaga. Gaya nga ng sabi ko, lahat ng sobra sa akin ay tinatawag ko ng MATABA. haha Tangkad mo din pala ha. Lakas maka-model! APIR tayo sa CONFINDENCE. Malayo ang nararating ng taong confident kaysa sa taong may putok. WTF?!

    • Hi Spiderman. I’m still thinking kung ilalagay ko pa ‘yan sa page kasi ang laking space ang kinukuha kapag ipapakita ang Flags per country. Pero definitely, lalabas ko ang pasabog blog hits sa June 15. haha🙂

  5. Eto lang ata ang blog na pati pagkahaba-habang comments e binabasa ko! Haha, aliw din kasi. =] so marvin payat ako sa mata mo bilang mas MATABA ka sa akin?;p i agree sa mga nagsabing mahirap din magpataba (or at least mag-gain ng weight). Kung yung iba tumaba nung nagkatrabaho, ako naman yung pumayat ng sobra. Sana nakakain ang stress, ang taba ko na for sure! Haha. Umabot sa 98lbs na lang ako (5’5 height) so sobrang underweight ko na. Nagpacheck up pa ako at baka may something na, good thing wala naman. Ngayon basta huwag bumaba ng 105lbs keri na. Pero in fairness pala kaa kong makipagsabayan sa unli rice kay marvin sa mang inasal!!;p miss you mare!

  6. Super Boink,

    Wag ka na mainsecure sa mga sexy (tulad nila solenn, anne curtis at madma). Isipin mo nalang na u’re doing this to live a healthy lifestyle.

    Kung medyo super size ka na talaga, I think kailangan mo ng professional advise….. aminin natin pagsinasabing Diet iniisip natin totally iwas ng carbs…. syempre may process yan… wag biglain ang katawan… with the help of the professionals (Gym Instructor, Dietitian, or Nutritionist) pwede cla mag suggest sayo ng amount of food intake per day… then per week then per month based sa body system mo……

    Btw, kung nagdidiet ka na ngayon…. sabayan mo ng exercise… Jog really helps a lot…. kasi kung iwas carbs ka all the time tapos wala kang exercise manghihina ka pag ganun…

    Nakakatamad at nakakapagod…… eh ganun tlaga.. walang madali sa mundo… kahit paghahanap ng jowa nakakatamad at nakakapagod din (konek konek?)

    Kung exercise naman: find something na nakakainterest sayo. kung mahilig ka sumayaw….. belly dancing, tae bo, etc. If decided ka talaga na pumayat ng bonggang bongang bougainvillea medyo mageeffort ka talaga sa umpisa…..

    Masarap ang pakiramdam pagnaachive mo ang 24 na waistline pag galing ka sa 35…..

    iqoute ko lang si Madma
    “Tandaan mo, hindi ka dapat tumigil sa pagsasabi na gusto mo pumayat. GAWIN mo!” …………….. therefore, WALK THE TALK!

    Yun lang naman ang aking masusuggest

    P.S.

    To Madma,

    Galing ng blogsite mo…. nakakaalis talaga ng stress. Kakaaliw, kakabuhay ng bangkay ang mga banat mo. Thank you for this wonderful blogsite.

    • Hello naman, Iniel! And welcome sa Yours truly, Madma. Grabe nag-share ka din talaga ha. Bongga! Agree ako sa walang madali sa mundo. Lahat maghihirapan talaga. Marami din kasi silang hindi. haha SILA talaga. Grabe naman yung na-hilera ako kina Solenn! haha Maraming salamat sa comment mo.😉

  7. Hi po! Kagagraduate ko lang po ng high school ,,,, 4 years ko na pong hindi naalis sa icip ang magpapayat...some reasons are because of my crush, its hard to choose a dress for me and they are annoying me....Nagawa ko na po ang lahat....before graduation says:

    Hi po! Kagagraduate ko lang po ng high school ,,,, 4 years ko na pong hindi naalis sa icip ang magpapayat…some reasons are because of my crush, its hard to choose a dress for me and they are annoying me….Nagawa ko na po ang lahat….before graduation 1 month po akong nagdiet at nag exercise pero walang effect…hindi nmn po aq karamihan kumain compared to others …advice nmn po …i feel so helpless na eh…please… I just want to change myself…thanks po sa magagawa nio!!!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s