Bonding Time with Madma Part 2

Dear fans and followers,

Kamusta na?! Grabe Friday na naman! Ang bilis din talaga ng araw. Bonding naman with Madma. Hindi na tayo nagbo-bonding! In fairness, wala akong gimik tonight. So, magchikahan na lang tayo.🙂

Una sa lahat, hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo sa super taas na ratings ng blog na ito. GRABE! Nagugulat ako. Salamat talaga sa bonggang suporta. Sa maikling panahon, 3 weeks to be exact, ay naging super close na natin. In fact, may nabuo na ngang love team dito recently. Kaloka! Hello naman sa tambalang “SAELSON.” Yikee. Sana maging kayo na.🙂 Basta, salamat sa lahat ng mga nagbabahagi ng sarili at sa mga fans na kung mag-comment ay wagas. Go lang nang go. Hindi ko lang naman blog ito eh. Blog NATEN ‘to. Yes. Lakas maka-family ties.

Anyway, narinig n’yo ba yung scary na news na parang may mga zombie na sa America?! As in mga totoong tao ito na kumakain ng tao ha! Uso na daw s’ya sa North America particularly sa Washington at sa Florida! Search n’yo sa google dali! Grabe yung may mga ganito na! Ang scary yet exciting. WOW. Malapit na nga siguro talagang magunaw ang mundo ‘no? Shet, hindi pa ako nagkaka-jowa, huwag naman muna! Si Lord naman nagmamadali oh. Grabe! Ligawan mo na kasi ako, Kantonlover. WOW!!!🙂

Parang na-excite ako pag-usapan ang end of the world bigla! Ito na nga lang pag-usapan natin tonight! Grabe biglang may topic na oh. Ang spontaneous talaga ng blog na ito.

Kung ako ang masusunod at ipapahintulot ni Lord, gusto ko i-end n’ya ang mundo through a worldwide zombie plague! Aaayy!!! Lakas maka-The Walking Dead nito. Kingina! Favortie show ko ‘to oh!!! Gusto ko yung zombie na lahat ng mga kapitbahay namin, lalo na yung mga nakatira sa tapat namin kasi maiingay sila at wala sa tono kumanta, tapos kame na lang yung tao dito sa area namin. Ang saya nung taguan portion tapos habulan nang bongga ganyan! Pak na pak! Tapos may isang instance na hahabulin ako ng isang batalyong zombie then biglang madadapa ako kasi mahina na ako tapos may magliligtas sa akin ng super poging guy out of nowhere then iuuwi n’ya ako sa hideout place n ‘ya. ANG SAYA! Sana zombie na lang ang gamitin ni Lord para tapusin ang mundo. Ayoko ko kasi nung biglang uulan nang todo todo tapos malulunod lahat ng tao! NOT LIKEY! Nagawa na ‘to nung time ni Noah eh. Konting creativity naman, Lord. Grabe yung ang personal ng relationship ko kay Lord ha. Parang kaibigan lang. Love you, Lord.🙂

Pero syempre, para fair naman, lahat magiging zombie din in the end, including me ha. Pero hindi muna ako yung mauunang maging zombie, sa latter part na ako syempre. Eh bida ako eh. Ganun naman dapat di ba?! WOW. Mauna na sigurong maging zombie yung mga pangit tutal naman sanay na sila katakutan. Next na magiging zombie yung mga may putok, anghit at baktol. Then yung mga sinungaling at manloloko. Basta huli dapat si Madma at lahat ng mga fans n’ya. YUN OH! Ako na talaga nag-assign.🙂

Grabe tumaas yung energy ko bigla! Mag-share naman kayo re: this topic! I-share n’yo naman kung paano n’yo ba gusto mag-end and world. I’m sure may mga creative juices kayo. Dali mag-suggest kayo para magka-idea si Lord! I’m sure nagbabasa s’ya nito!

O ito ang format natin ngayon ha! Sundan n’yo lang:

“Lord, alam ko pong nakikinig kayo. Gusto ko po sanang magbigay ng suggestion kung paano mage-end ang mundo. Sana po ay…”

AYAN! GAME! Let’s start the sharing portion. Magre-reply ako, promise. Halika na, usap na tayo!

Yours truly,

Madma

P.S.  Patuloy lang na i-email ang inyong mga nguyngoy at ngasngas sa yourstrulymadma@yahoo.com. Mag-email lang kayo para mabigyan ng pasabog na payo ni Madma. Mag-email ka na. Humahaba na ang pila.

And of course, 14 days na lang bago ang “The Big Day.” OMG! Avail n’yo naman yung countdown sa lower right side ng homepage ko. Malapit na talaga ang ating monthsary! Huwag kakalimutang tumutok sa Yours truly, Madma sa June 15, 2012! May kakaibang mangyayari. Hindi mo kakayanin. ABANGAN!

P.P.S.

Avail n’yo naman yung picture ko ngayon. Lakas maka-model ‘no?! Shout out naman kay Zabra Yu Siwa at sa Adbokasya para sa napakagandang photo na ito. Magpa-picture kayo sa kanya, gaganda kayo!

 

 

 

38 thoughts on “Bonding Time with Madma Part 2

  1. Lord, alam ko pong nakikinig kayo. Gusto ko po sanang magbigay ng suggestion kung paano mage-end ang mundo. Sana po ay…

    KAHIT ANO BASTA MAGHUHUBAD LAHAT. huling hirit naman na😀

      • Hi deathbymilktea, sana naman maghingian na kayo ng number ni Robby B or nagkahingian na? Ano, magkausap ba kayo ngayon? OMG!!! Nakakakilig naman to! Gusto ko kayo para sa isa’t-isa!🙂 Huy ah, wag mong sasaktang yung friend ko ha. Love ko kasi sya at love ka naman nya🙂

      • Alam mo, gusto ko din sila sa isa’t isa eh. Ramdam ko yung chemistry nila. I think mabait naman si Deathbymilktea at bagay sila ni Benson. Sana talaga bigyan nila ng chance itong mga nararamdaman nila.🙂

      • Alam nyo SAELSON, ito na yun eh. Ginamit na instrumento itong madmacarta.wordpress.com para pagtagpuin kayong 2. Give it a shot! Take a chance! Wala namang mawawala di ba. Suportado namin kayo ni madma, at ng mga followers ng blogsite na ito so wala kayong dapat ipangamba🙂 bagkus, mapapalaya pa ninyo ang inyong nararamdaman para sa isa’t-isa🙂

      • Kunwari pa silang hindi nila nababasa mga comments natin, oh! Pretend no more! Hahaha ay kasi nga they’re busy talking to each other yiheee!🙂 Eyeball na yan bukas! Wala namang work si deathbymilktea tomorrow eh, si Robby B din, walang pasok so why not!

      • OMG!!! See! You two are really meant to be! Wala kayo parehong pasok bukas oh! Grabe, eye ball naman dyan! SAELSON, go!!!!!

  2. bubukas ang lupa at kakainin tayong lahat. hindi pwede yung zombi zombie na end of the world kasi may possibility na may makakaligtas napagusapan na natin to di ba?

      • aahhhh okay. buti naman magiging zombie ka din. eh pano mag-e-end of the world kung lahat zombie na. magiging new world na imbes na end of the world. tsk tsk tsk dun na lang tayo sa end of the world bukake-style ;p

      • Kapag naging zombie na lahat, tsaka palang bubukake este bubuka yung lupa para kainin lahat. Ayan pinagsama ko na yung preferences natin. SANA NAMAN ok ka na dito. haha

  3. Hello magma! Oo magma talaga kasi mainit lagi ang mga pasabog mo! Kumukulo! Galing bulkan! Anyway, gusto ko lang sabihin na fan mo ako (WOW, laki na rin ng ulo ha) at naeenjoy ko basahin ang iyong mga entries. Keep it up!🙂

    Syempre, para me relevance na rin ang comment na ‘to, sali na rin ako sa fun.

    Lord, alam ko pong nakikinig kayo. Gusto ko po sanang magbigay ng suggestion kung paano mage-end ang mundo. Sana po ay magkaroon ng party para sa lahat! Sayaw sayaw! Inom-inom! Tuwad-tuwad! Lahat na ng seven deadly sins! Ahahaha. Oh well. Kailangan masaya e. At saka wala na namang menor de edad sa atin🙂

    • Hello naman, Richard! Grabe nagbabasa ka pala! haha at FAN ha! Na-touch naman ako. Parang nag pasabog nung Magma. Yours truly, Magma. wahahaha Grabe yung tuwad-tuwad!!! Ang sarap! WOW. Grabe yung sexual ang gusto mong end of the world. ALAM na! haha Welcome naman sa Yours truly, Magma. haha

  4. Kisale na rin, try ko lang ang creative juice ko haha.
    “Lord, alam ko pong nakikinig kayo. Gusto ko po sanang magbigay ng suggestion kung paano mage-end ang mundo. Sana po ay…”
    “magpadala ka ng mga giant creatures sa mundo, yung tipong joined forces ni Godzilla, Boa, Anaconda, Dinosaurs, real barney at Basilisk. Giant creatures vs. Tao alone.Yun bang aararuhin tayo ng mga naturang giants to death kasama na ang mga puno at halaman. Tapos habulan galore, iyakan mode, helicopter everywhere, taguan chuchu, destruction here and there. Just like in movies. At tayo ang bida. Para may thrill naman ang apocalypse. Yun lang. Watchathink madma?

    P.S hooked na rin ang mga kadepartment ko sa blog mo dito sa NCO. Malay mo in time (pati si soltera mapahook mo rito) Sana. Batiin mo raw sila, sina Jeno, Mike and cyrus, hehehe more power.

    • Nakaka-loca naman ‘tong suggestion mo, Cocoloco! hahaha Ang harsh!!! If ever man na ito ang mapili ni LOrd, sana si Barney na lang yung pumatay sa akin! Ayoko kainin ng Godzilla or Anaconda! haha

      AT HELLO NAMAN SA MGA TAGA NCO! Grabe yung may support pala from NCO ha. OMG! Salamat nang bongga! Hello sa inyo Jeno, Mike at Cyrus. May pogi ba sa inyong tatlo?! haha Sana magkita din tayo soon. Salamat!

  5. Kisale na rin. di ko sure kung narecognize yung unang comment ko. parang di successfully nasend (sa ganap na mabagal ang inernet). Ok so sana bigyan ni Lord ng chance ang creative juice ko. hahaha.
    Lord, alam ko pong nakikinig kayo. Gusto ko po sanang magbigay ng suggestion kung paano mage-end ang mundo. Sana po ay…

    “Magpadala ka ng mga giant creatures sa earth para araruhin (or kantonin) kaming mga tao, puno halaman at iba pa. Halimbawa, joined forces nila Godzilla, Boa (or jowa), Anaconda, Real Barney, Dinosaurs at Basilisk (salamat sa Greek mythology) VS TAO alone.. yung tipong habulan galore, iyakan mode, taguan portion, helicopter here and there, destruction of cities and all you can terribly think of. Alamoyon.. Just like in movies. Tapos walang kalaban laban ang mga tao. Tapos somewhere in the sky, may dumadagundong na boses ni Lord. ganyan… hahaha..Watchathink? I’ll go for ito and pinakacreative. hahaha

    PS. hooked na rin ang mga kadepartment ko dito sa office, mula sa 7th floor wing A ng NCO. Live na live from ABS CBN building… bet na bet nila ang blog na to. So pakibati daw sila Jeno, Cyrus and Myko.

    More power

  6. Deathbycoffee tsaka Deathbymilktea……may LoveTeam na dito may family tree pa………..Nice!!!

    @Topic:

    Lord, alam ko pong nakikinig kayo. Gusto ko po sanang magbigay ng suggestion kung paano mage-end ang mundo. Sana po ay… mababalot ang mundo ng yelo…… para killing me softy ang dating.

    (nawiwierdohan ako habang sinasagotan ko to… kakakilabot)

    • Hello naman Iniel. Grabe yung ka-level mo si Deathbymilktea. Related ba kayo sa isa’t isa?! At bongga suggestion mo end of the world ha. Shet ang lakas maka-Ice Age! Parang bet ko din ‘tong atakeng ito!

  7. I am a fan of SAELSON LOVETEAM! And parang may Madma and Kantonlover? Grabe so first gentleman na si KantonLover, sayo na din tong blog na to ganyan. Lakas maka lady president ni Madam.

    Anyway, Lord, alam ko pong nakikinig kayo. Gusto ko po sanang magbigay ng suggestion kung paano mage-end ang mundo. Sana po ay makakatulog lahat ng tao tapos paggising ng mga “mabubuti” na sa Neverland na kami, Fairy Land kumbaga.🙂 Tapos yung masasama sa Dark Forest mapupunta, madaming ipis at daga ganyan. LOL.

    Haha. Snow White and the Huntsman naman.😀

    • Ang cute nama ng suggestion mo sa pag-end ng world. See you na lang sa Neverland. WOW. Sure din talaga akong makakapasok ha! haha Fan din ako ng SAELSON. Sana nga maging sila na eh. Ito namang si Kantonlover ang bagal. Ayaw pa ako ligawan. WOW!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s