Kung Pogi ka, ‘Wag Kang Pakupota

Dear Madma,

First of all, thank you for the very entertaining yet insightful posts. It’s amazing paano niyo nababalance magkaroon ng sense at maging funny at the same time. KUDOS!

Here’s the thing, currently ay single ako at may someone very special to me. Currently may KR (ka-relasyon) siya at mukhang on the verge sila of breaking up. Ako ay isang mabuting friend, kahit matagal na ‘kong nagkakagusto sa kanya ay talagang tinutulungan ko pa rin silang magka-ayos. Walang malisya at walang ulterior motives. I just really want him to be happy. Pero for about 2 months now lagi kaming magkausap at ako lagi takbuhan niya when he’s down. And I’m very willing to entertain and help him of course. Ganun din naman siya sa low points ko, give and take. At sa 2 months na yun hindi maiwasan ang mga subtle na pahiwatig na nilalandi niya ako and minsan nilalandi ko rin sya syempre. GIVE AND TAKE pa rin ang peg. HAHA! Minsan nga hindi na subtle eh, talagang landian. At sobrang caring niya sa’kin. Pero minsan naman may moments na para bang ang lamig niya sa akin.

Hindi ko alam gagawin ko baka mali rin basa ko sa treatment niya sa akin. Matagal ko na siyang gustong diretsuhin kung ano ba talaga meron pero baka ma-misinterpret niya lahat ng tulong at care na binigay ko sa kanya. Lalo na’t ngayon sinabihan niya akong makikipagbreak na siya sa KR niya.

Please help!

And yes, pareho kaming hindi pa out pero getting ready. “Sayang” daw kami sabi nila kasi pareho daw kameng gwapo. And truth be told, kung nagkakaanak lang ang mga tulad natin ang ganda na ng mundo!

Thanks and looking forward sa advice mo. MORE POWER!

Kantonlover

___________________________________________

Dear Kantonlover,

Uy, salamat sa pagtangkilik sa Yours truly, Madma.  Salamat at you find this blogsite “insightful.” Talaga namang super happy si Madma re: this comment. Guys, gamitin pala natin natin yung “re:” kapag magku-comment. Lakas maka-office eh! Halimbawa, “Grabe tawa ako nang tawa re: this post!” Ganun ha.🙂

Teka lang, naku-curious ako kung pogi ka talaga. Sure ba ‘to? Mala-Derek Ramsey ba ang peg mo?! ‘Yan kasi mga type ko eh. OMG!!! Kantonin mo naman kame. KAME?! Lakas maka-orgy, pota. Send ka naman ng picture sa akin para ma-sight kita for real. Baka mamaya chararat bumba  ka ha, naku!  Shet, dumadami na talaga ang mga poging gusto din ang kapwa pogi. Magugunaw na nga talaga ang mundo! :) I-share n’yo naman yung mga katawan n’yo sa iba. Grabe! Girls, naku mag-panic na kayo! Puro “latak” na lang matitira sa inyo. And if maubos na ang mga pogi, I suggest magtayo na lang kayo ng sari-sari store. Extra-income pa sa part n’yo. WOW.🙂

Anyway, alam mo, medyo delikado ‘tong pinapasok mo. Ang dami pang unfinished business ni Kuya sa buhay at magulo pa ang life n’ya. I don’t think this is the best time para magtapat ka ng feelings mo or mag-commit siya sa isang bagong relationship. Pwede kasing “rebound” ka lang as of the moment. At alam naman nating mababa ang success rate ng mga rebound relationships. Pwede kasi talagang isa ka lamang distraction or panakip-butas para hindi n’ya ma-feel ang full extent ng sakit na nararamdaman n’ya now. Ano ba kasing goal mo, Kantonlover? Kung goal mo lang ay maka-sex siya at matikman lang ang alindog n’ya, aba eh, i-go mo na ngayon kasi super taas ang chance na magtagumpay ka. Weak siya ngayon tapos malandi ka, so aura na! Pero kung ang goal mo naman ay isang “totoong” relationship with him, sorry to say this but this is not the best time for that. Para ka na ding bumili ng isang bahay na walang titulo kung ipu-push mo na jowain si Kuya ngayon. Makukuha mo siya, pero hindi buong-buo. WOW. Profound! Saan nanggaling ‘yun?! Mag-intay ka naman nang konti! Grabe din yung “pagka-hayok “ mo na mapasakamay si Kuya agad-agad ha. Chaka naman kung lumabas na nagte-take advantage ka lang sa sitwasyon di ba? At the end of the day naman, kung gusto ka din n’ya at kayo ang para sa isa’t isa, magiging kayo talaga. No rush!

It’s best na maghanap ka pa din ng ibang prospect. Makipag-date ka pa din sa iba o kaya eh makipag-bonding ka sa iba mo pang mga friends. Enjoy life! Chill lang! Tuloy mo lang ang pagiging isang mabuting friend sa kanya pero huwag mong ubusin ang energy mo dito. Pogi ka naman at single di ba, so huwag kang pakupota! Nasa iyo na ang lahat ng element para makakuha agad ng isang partner so aura lang nang aura. Yung mga pangit nga kung maka-aura eh ganun ganun na lang. Papakabog ka ba?!

So there. ‘Yan naman ang take ko sa issue mo. Sana nakatulong ako. Mag-out na din kayo soon. Masaya siya promise! Kung magkakaroon kayo ng coming out party, invite n’yo naman ako. Promise, pupunta ako.

Yours truly,

Madma

P.S. At talaga namang ito na nga ang HULING entry para sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Yes, huli na ito kasi may iba tayong mga bagong pasabog soon! Huwag kayong umarte.

Kung feeling mo alam mo ang title ng blog entry na ito, sumali ka na! Again, ang title ay pwedeng bagay, tao, lugar, pangyayari or phrase na talaga namang related sa blog entry! Kapag nakapag-decide ka na ng sagot, i-post agad agad as comment para makita ko. Ganun lang! Kung maraming makahula ng tamang title, ang naunang nag-post ang siyang mananalo!

Ang mananalo ay ife-feature ko sa talaga namang hit na hit na Yours truly, Madma! Baka ikaw na ang sumunod kina Renzyd at Deathbymilktea. Sa Monday ko ia-aanounce ang nanalo. Walang limit ang paghula. Go lang nang go! Pwede humula hanggang Monday ng 9:00 a.m.

At dahil sa last entry na ito para sa Humula at Manalo, magbibigay ako ng clue! OMG! O di ba ang bait ko?!

CLUE: May word na “POGI” sa title. Basahing mabuti ang blog entry ko. Maging creative and always think out of the box.🙂

108 thoughts on “Kung Pogi ka, ‘Wag Kang Pakupota

  1. Wow. Buti na lang may hint, di ko naisip lagyan ng pogi sa title nung binabasa ko.

    Eto ang mga hula ko, Madma:

    1. Kaibigang pogi, aking kinakalantari.
    2. Pogi man at hindi pa lantad, pagnanasa ko’y ilalahad. (Ang haba ata nito, saka anlakas ko maka-rhyme)
    3. Pogi ka, pogi ako, maglandian tayo.

  2. Hahaha. Gusto kong hulaan kung sino to and not just the title. Chart.

    Oo nga, wag sa mga ganyang time. Hayaan mong mahalin ka nya pag tapos na ung mga previous issues nya sa life. Pero posible pa ring mamahalin ka nya kasi nangyari sa akin to. Magulo yung life ko sa ex ko tapos may dumating na friend na talaga namang tinutulungan nya ko sa problems ko. Tapos nung nakipagbreak na talaga ko tsaka sya nanligaw. So hintayin mo munang mawalan talaga sya ng karelasyon. Malabo talaga yung mga pinapakita nya sayo kasi nga hindi pwede, committed pa sya. Anyway, nung sinagot ko naman si kuya hindi nya inisip na rebound sya kasi hindi naman talaga sya rebound dahil nakamoveon na rin talaga ko sa ex ko. So dun lang tayo sa legal at sa walang nasasaktan na iba. Hayaan mong maayos nya muna or maoofficialize ang break up with his karelasyon. Pero tama si madma wag ka din pakupota sa kanya lang. Mamaya e hindi ka rin nya ipursue kahit wala na sila so tuloy mo buhay mo.🙂

    Ok, so ang title nito.

    1.Poging Rebound?!
    2. Dalawang Itlog ng Pogi
    3. Kung Talagang Pogi Ka, Wag kang Pakupota!

  3. Hi Kantonlover! Mahilig ka ba talaga sa kanton? Inom ka ng maraming tubig ha kasi nagka-UTI na ako dati dahil sa kakakain ng kanton. Wuw, off topic din ha.

    Anyway, naniniwala akong pogi kayo. Sana ma-meet namin kayo nila Madma and combo. Landi rin ha.

    Alam mo, for some weird reason eh nakakarelate din ako sa sitwasyon na ito kasi nangyari na sa akin yung posibleng mangyari sa iyo kung ipupush mo yang whammy mo kay kuyang pogi. PANAKIP BUTAS PLES!

    Nakakahiyang ikwento pero yes, naging panakip butas ako once, worse, babae siya! Hahaha! Eto yung mga panahon na medyo naguguluhan pa rin talaga ako. Pero na-finalize ko na naman ngayon kung ano gusto ko so ok na. Pibertday. So ayun na nga, kakabreak lang nila noon at bigla niya akong hinagilap para maging boyfriend. Eh ako naman si “go, sige, fight!” parang jumping off a cliff without thinking. SO ayun, after a month, plakda. Nagkabalikan sila ng boyfriend niya at may anak na sila ngayon. Ako naman eh…KEBS! Hahaha!

    So ang point lang is, tama na naman si Madma. Madma, magkamali ka naman minsan, ples. Kantonlover, nafefeel namin yung pangangati mo na makuha si kuyang pogi, pero kung ngayon mo ipupush yan, ay naku! Wala ka na rin pinagkaiba sa cork ng wine na itatapon lang din habang nagkakasiyahan ang lahat. Chill lang, patience is a virtue, or a talent, in some cases. Tingin -tingin ka ng iba, wag pakupota. May 2 branches ang O Bar at Palawan 1 and 2 atchaka may planetromeo.com at grindr din. Hahaha!

    Isa pa, baka naman mali din ang basa mo. If I were in your shoes (ano bang size ng paa mo, by the way? hihi!), I think it’s better to ask derechahan (later part ha, wag ngayon) kaysa naman mag-assume assume ka like an assumptionista tapos ikaw talo in the end. Kung hindi mo naman kaya, eh di makinig ka na lang kay mareng Leona Lewis, “it will all get better in time.” Kaso medyo di yan sure ha.

    At sa pagiging out naman, grabe kahit sa friends hindi pa out? Malamang may idea na yang mga yan. ‘Wag nga silang umarte! Hahaha! Mag-out na kahit sa friends, baka maging way yun para mapadali ang sitwasyon.

    Basta, Kantonlover, we wish nothing but the best for you and kuyang pogi dahil pogi kayo. Hahaha!

    Yun lang, pibertday ulit sa akin.

    At muntik ko rin talaga makalimutan na humula, ranggay part yung nasa parentheses:

    1. Ang Pogi ay Para sa Pogi
    2. Ang Pogi Mo, Jojowain Kita! (kairita to hahaha!)
    3. Panakip Butas…na Pogi (maisingit lang hahaha!)
    4. Pogi Kami, Eh Kayo? (wuw, yabang din ha!)
    5. Favorite Ko, Itlog ng Pogi, I mean Pugo (ambabastos nito)

    Nahirapan ako ha.

  4. Hi Madma! Im a friend of @jayrestacio! I’m your new fan! I love your blog, its so witty!

    Re: this story, I think Pogi should wait for the other pogi to be single. I don’t want them to break up because of redundancy!!!

    My title answers are:

    1. What pogi gives, pogi takes or
    2. Pogi power!

    Hahaha kinuha ko lang yung mga naka allcaps. :))

    • OMG deq-deq (nikkita) nakikicomment ka na rin dito! hahaha in fairness madma ha, alam mong dami mong fans na talaga namang friends ko originally! hahaha😀 at avail mo naman ang paggamit niya ng re: hahaha

    • Hello naman, Nikkita! Welcome sa Yours truly, Madma! Salamat at napadpad ka dito.🙂 Noted ang mga entries mo re: this contest. haha Lakas talaga maka-office nung re: hahaha Sana makita kita soon!🙂

  5. makikihula na din ako kasi last na ito: Pogi sa Pogi. or Poging gusto ng pogi. hahaha kudos Madma. hahaha🙂

    re: kantonlover. good luck sa iyo. ang masasabi ko lang, sundin mo ang iyong puso at hindi ang iyong libido. all the best!

  6. ANG MGA HULA NI KAYTIEST FTW!!!

    1. THE POGI TAKES IT ALL
    2. KAPWA POGI KO, MAHAL KO
    3. BASTA POGI, SWEET LOVER (DI PA NAKAMOVE ON RE: KISA???)
    3. ANG POGI KO, LOVE IT
    5. SI POGI 1 AT SI POGI 2
    6. ANG POPOGI PLES (KUNG ANO ANO NA LANG AMPOTA)

    SANA AKO ANG MANALO RE : HULING BIRA NG “MAHULAAN MO KAYA ANG TITLE NG BLOG ENTRY NA ITO”

  7. Hola! Late ko nabasa ang blog na ito! As if kailangan ako ang laging mauna ano. Haha!

    Hello, Kantonlover! Ang hirap nga n’yan, may pinagdadaanan pa kasi si kuya! Sa kabila ng confusion na ito, nakakahanap pa rin tayo ng glimmer of hope dahil sa common denominator ninyo na hindi pa kayo pareho nag-out. Malalim na connection ito ah. Ang sarap tuloy mag-daydream na nag-in a relationship kayo sa FB tapos sabay na rin ng paga-out nya/nyo.

    Pero sa sitwasyong ito, paki-consider rin naman ang rebound time ni kuya. Meron pa rin silang pinagsamahan ng KR or magiging ex nya. Hindi pa rin nya maiiwasang maisip yun kapag naging kayo. Medyo mapait maging part ng rebound time ng ibang tao. Merong computation dyan eh.🙂

    Madma, pwede ko ba ipost yung link ng na-blog ko dito re: computing the Rebound Time? Anyhoo, ito ang mga hula ko:

    1. Pogi-ta
    2. Mahirap maging pogi
    3. Poging Rebound
    4. PBFFs

    Good luck sa iyo, Kantonlover! Ang pogi mo naman, I’m sure magiging mabenta ka kahit hindi kay Bestfriend.🙂 Happy weekend to all!

  8. Hi madma! Ang short-lived lang din ng pakulong ito. I’m sure mamimiss ng fans. Sana yung susunod na pakulo ay mas interactive o mas higit pa! Pataubin na ang lahat ng shows in all media.🙂 Re: title very simple lang ulit dahil baka naman di manalo e sayang sa effort. Chos.

    Mag-out ka kung ika’y pogi
    Patience is a virtue… pogi
    Pogi man sa iyong paningin, pogi rin ang kakaririn

    Ayon naman! SANA manalo… hahaha! Lakas-makabanta ng all caps.

    Re: Kantonlover I’m just wishing for your happiness. Very true na risky ang rebound relationship (assuming na nagbreak ng tuluyan) pero if you have a strong heart, go for it! Meron din namang nagtatagumpay na ganyang relasyon. Yon nga lang dapat talagang malakas ang loob at nakahanda ka rin sa anumang mangyayari. Paka-cliche ka-level ng “Kaya mo yan” ni Ms, Karylle pero sabi nga nila you have to take chances on love (and life.) Good luck!

    Happy weekend!

    • Hello naman. Hayaan mo, mas pasabog ang papalit sa pakulong ito. hahaha Huwag ka mag-alala, malay mo bumalik din ang pakulong ito soon. Ang best din talaga nito masasabi! Ang into it ng mga fans! Very supportive! At talaga namang konti na lang eh tataob na din ang mga shows in all media form. WOW. Super lakas ng blog na ito, I must say. NAKAKAGULAT! haha Tawa ako nang tawa re: entry No. 3 mo! Lakas maka-slogan! Ka-level ng “Huwag tumawid, may namatay na diyan!” Thanks sa entries at sa sharing mo.🙂

  9. SANA naman may pag-asang MANALO. And I’m recommending your blog na rin mam sa ibang friends alam mo na, TRUE friends. hahaha! Love you teh! BONGGA!

  10. Since @kaytiest is expecting a rather long and insightful comment from me, might as well give it to her. WUW talaga! haha

    Hi Kantonlover,

    Anong flavor ba kasi ng kanton ang favorite mo? Marami kasing variant yan. And your favorite variant reflects your personality. Wuw. Ako kasi gusto ko yung original. And true enough, I am so original, hindi ako nanggagaya tulad ng iba jan (wow may pinaparinggan? Hahaha joke lang wala naman ako pinapatamaan, unless…)

    So much about the canton variants. Alam mo kantonlover, medyo familiar din pala sa akin ang experience mo after all. Normal yan, na magkaroon kayo talaga ni pogi ng ganyang moments kasi close kayo, likey nyo ang isa’t isa at medyo on the rocks sila ni KR (is this Korea? North or South? Grabe ang gulo gulo sa North?!!!). Still, tama si Madma, now is not the best time para guluhin pa lalo ang isip niya at at ilagay ang sarili mo sa picture ng romatic relationships niya. That doesn’t mean that you will stop being a great friend to him. Ang hamon sayo sa panahong ito ay mapanindigan ang pagiging great friend as of the moment. Applicable dito yung suggestion ni Madma na haharap sa salamin at sasabihin: Great Friend Ka Lang.

    Basta ang point dito ay hindi ka dapat maging unfair. Kung convinced ka na sa sarili na gusto mong i-pursue si Pogi as the true love of your life, you should learn to wait na maayos o matapos ang kung anomang namamagitan sa kanila ni KR. Waiting is all worth it if you are doing it for the right person, or for the person that you genuinely love. After all, ok lang naman maghintay kasi you still have eternity ahead of you (or! Baka end of the world na pala bukas. Or…shet ano tong kaguluhan sa labas? Ngayon na pala!! Waaaahhhhh!!! Wow din sa acting ha).

    Lastly, kung may mamunga man na totoong relasyon sa pagitan nyo ni pogi, pakiwari ko’y magiging maganda ito kasi nagsimula kayo sa pagiging tunay na kaibigan. That’s the best foundation of a relationship. I can vouch to that. So masira na ang lahat wag lang ang wagas na pagkakaibigan.

    Good Luck sayo kantonlover. Lagi mong tandaan, mabuhul-buhol man ang kanton, may tubig na papawi sa pagkabilaok.

    Teynks.

    Mga hula ko:

    • Ang kanton ni Pogi
    • Ampogi ampota!!!
    • Re: Pogi
    • Lakas maka-rebound ni Pogi
    • Pogi na nga, pakupota pa!
    • Pogi-pogian sa kangkungan
    • Pogi (ka-level to ng Kisa)

    • APRUBADO ANG BLOG ENTRY MO FBNMF! VERY INSIGHTFUL INDEED. YAN ANG GUSTO KO KONTING COMPETITION SA PAGITAN NYO NI @THEROBENSON THANKS FOR GIVING IT TO ME!

      • Haha thanks sa support fbnmf!🙂 nakalimutan ko, blog nga pala namin ito Nina madma at @therobenson so required ang entry! Haha
        Sana subaybayan nyo pa ang mga entries namin. Wow! Hehe

        onga pala, tawang-tawa ako sa entry na: ANG POPOGI PLES! Hahaha

    • *Clap, clap, clap (slow clap with standing O). PASABOG! Gusto ko yung analysis re: canton variants ha. Very insightful indeed! At nakakairita yung acting piece mo ha!!! Tang ina!!! Lakas maka-theater! hahaha Check lahat ng mga sinabi mo re: this issue. Konting-konti na lang talaga at magiging admin na din kayo ni @therobenson ng blog ko. hahaha Bibigay ko na yung password. Kaya n’yo na eh. haha

      I’m sure, matutuwa si Kantonlover dito.🙂 Thanks, IPF. Love it. Madma loves your BLOG ENTRY. haha

      • I did appreciate your thoughts. Wow. Pakalakas talaga ng influence ng blog na ‘to! Mala-Oprah. Pero seryoso big help ang magagaling niyong pag-iisip at mga related experiences. Thank you. Sana ma-update ko kayo re: this issue in the future. Nakiki-close? haha.

        Thanks!!😀

      • Opo naman more than anything! Pagfeature pa lang sa problema ko eh regalo na! Pwede na mag-end ang mundo. Joke. Lakas maka-connect sa next post mo. Haha.

        Salamat, Madma!

  11. Whutttt? O sige. Challenge to ha, Here’s my last straw:

    Magtimpi ka, pogi (hahaha!)
    Nang maglandi ang mga pogi (very cause and effect)

    Hahahaha! Yan na teh! Tama na. Nakaka-obsess na.

  12. Eto hula ko! Pahabol din bilang last na paghuhulahan na pala to.

    1. Ang aking poging kaibigan- gusto kong tikman!
    2. Pogi ka, pogi ako bat di na lang tayo?
    3. Isang bawal na POGI-IIBIGAN (pinilit talaga?)
    Or simpleng bawal na POGIBIG hahahaha

  13. Waaah. Ngayon lang uli ako nakabalik mula sa paghihibernate. Dami na agad comments at hula.

    At dahil famewhore din ako tulad ni Renzyd, huhula ulit ako re: this topic :p

    1. Pogi kami, pota kami.
    2. Ang poging rebound.
    3. Poging best friend ko, jinojowa ko. (di makamove on)
    4. Poging tuhugan.

    Wala na ko maisip shet.

  14. 1. Pogi gives and takes
    2. Basta Pogi, Kantonlover
    3. Mag-out na kayo, mga Pogi
    4. Kantonin mo naman kame, pogi

  15. 5. Pogi ka, pogi ako, mag-KR na tayo (ples)
    6. Mga malalanding pogi
    7. Chill lang, pogi
    8. Ayokong Maging Rebound, Ang Pogi Ko Kasi

  16. WOW. masasabing ang dami ding poging baklang tumatangkilik sa blog na ito. Ang dami na din natin, please! (WOW. sumali din!)

    heto nga pala ang entries ko re: THE contest:

    1. Walang KR-KR sa poging bessie.
    2. Pa kanton naman, poging bessie.
    3. Love ko ang canton, pero mas love kita, pogi.
    4. pogi sa pogi (inspired by the movie “puso sa puso” WOW Sherylian naman pala!)

  17. To give chance to others, hindi ko masyado gagalingan ang paghula. WOW.

    – Walang Poging Rebound Kung Walang Magpaparebound
    – Kapwa Pogi Ko, Mahal Ko
    – Pogi sa Labas ng Kahon (think out of the box daw eh)
    – Pakupota si Pogi or Pakupogita (nyahahaha)

    • Pansin mo din na di ko masyado binonggahan yuns saken? Kawawa naman sila eh, para iba naman manalo re: this contest. lol

      Pero pasabog pa din yung Pogi sa Labas ng Kahon. Haha.😀

      • Grabe na talaga ang tambalang SAELSON! Pati si Renzyd, (hi Renzyd!) pinu-push na rin to! Yiheee🙂

      • Hello naman dolledupbyjccantos! Haba din ah. Can i call you dol? Lol. Actually yun talaga ang premyo dun sa pacontest ni Madma, lovelife. Hahahaha! Pinaconvert to cash ko na lang yung akin bilang i’m exclusively dating someone right now. At yung inooffer kasi niya eh nasa Pinas at ayoko ng LDR.🙂 HAHAHAHA

  18. Kahapon ko pa binasa to pero ngayon lang ako nakaisip ng possible na title na may pogi..=]
    Poging beki, kalandian ni bestie
    Haha, ipilit na magrhyme!!;p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s