Wish Upon a Nega Star

Dear Madma,

Fan po ako ng blog n’yo! Grabe adik na kame sa pagbabasa araw-araw. Kahit paulit-ulit namin na binabasa ang mga posts n’yo ay tumatawa pa din kame. Ang witty n’yo! Congrats.

Gusto ko lang humingi ng advice. May kinakaasaran po kasi akong officemate ngayon eh. Ang epal kasi at masyadong pabida. Hindi naman magaling pero kung umasta eh akala mo sa kanya ang kumpanya. Hindi ko na ma-take ang fez n’ya. Nasisira ang araw ko sa kanya. Baka nga mapa-resign ako sa work dahil sa kanya. Super hate ko talaga ‘tong officemate ko na ‘to. Ang nega!

Ano kayang magandang gawin?

Salamat sa payo. More power sa blog n’yo!

Sincerely,

Angry Bird

_____________________________________________________

Dear Angry Bird,

Ang taray naman nitong problema mo. Tumaas ang energy ko bigla! WOOOH!!! Ang taas kasi ng tarayan at iringan level sa mga ganitong eksena eh. Aminin mo ‘yan! Siguro, mabilisang solusyon: dispatsya mo! Sakay mo sa van at itumba mo! Daming n’yang alam eh. Basta siguraduhin mong malinis ang trabaho ha. Charoth! Ano ba! Lakas maka-krimen ng payo ko, pota.🙂 Pero  kasi irita talaga ang mga officemates na bida-bida pero wala namang kwenta! Bibigay ko sa iyo ‘yan!  Sarap nilang pulbusin nang pino tapos ibudbod sa kanal. Pampakapal lang sila sa populasyon. Wala namang dulot! Eeeeh. Kumukulo na ang dugo ko bigla. WOW. Pa-involve much.  :)

Ano bang position n’ya sa office n’yo? Bigay mo nga sa akin yung complete name para mapa-dampot ko sa mga tauhan ko! TARAY! May tauhan!  O kaya naman, hamunin mo na lang ng suntukan sa labas ng opisina n’yo after ng office hours para matapos na ‘to! OMG! Lakas maka-public elementary school nung aantayin sa labas ang kaaway para makipag-suntukan! Ginawa ko ‘to nung bata ako eh. At babae ang kalaban ko ha, mind you. Nagsabunutan kame. Ang cheap nito, please! :) O kaya naman, habang naglu-lunch siya sa pantry n’yo, lumapit ka bigla at sabuyan mo ng asin habang sinasabi ang dialogue na “Masamang demonyo, lumayas ka sa katawan ng pabidang taong ito!” WOW. Exorcist ang peg!  Ang sarap mag-isip ng masama sa kapwa . Ano ba ‘to! Stop me! Bless me father! Go away, BV!🙂

O ito, seryoso na nga. Masyado na akong nagiging emotional re: this topic. Alam mo, Angry Bird, kailangan mo pa ding magpakita ng professionalism sa mga ganitong pagkakataon. ‘Yan ang challenge sa’yo! Iba-iba din kasi talaga ang personality ng mga tao sa mundo. Hindi talaga lahat ng tao eh makakasundo natin. Otherwise, langit na ‘to. Masyado nang perfect di ba? Swerte na lang siguro natin at masasabing “pleasing” ang mga personality natin. WOW. Kasali na naman si Madma.🙂 Basta, ibigay mo lang ang best mo sa trabaho mo. Gawin mo ang mga tasks mo nang maayos . Sumama ka sa mga taong bet mo sa office pero dapat pakitunguhan mo pa din s’ya nang maayos. Kapag naman sumusobra na talaga s’ya at wala na sa lugar ang mga atake n’ya, ilagay mo din sa tamang venue ang reklamo mo. Mag-email ka sa boss mo and sa other proper authorities para ma-solve ang issue mo sa kanya. Or kung hindi mo na talaga ma-take ang pagiging nega n’ya, siguro mag-email ka sa kanya ng saloobin mo o kaya kausapin na lang ng personal para maiparating ang concerns mo sa kanya. Baka kasi after all, hindi siya aware sa mga negativities n’ya di ba?

Basta tandaan mo, professionalism ang labanan sa isang professional set-up. Chill lang! Hindi lang naman s’ya ang tao sa mundo ‘no!  Hindi din solusyon ang pagre-resign kasi napakaraming negang tao sa mundo. Sa bawat opisina ay may nega talaga so hindi ka rin makakatakas sa kanila.🙂

So there. Hangad ko na makuha mo ang tamang timpla para matutunan na pakisamahan si nega officemate. Huwag mo na siya masyado pansinin. Every time na maiirita ka sa kanya, magbasa ka lang ng blog ko, tiyak mahihimasmasan ka! Ansabe?!

Mahal ka namin sa blog na ito.

Yours truly,

Madma

P.S. At talaga namang may nanalo na din sa huling edition ng Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! BONGGA!

Ang title ng blog entry ko last Friday ay… “Kung Pogi ka, ‘Wag kang Pakupota” Congratulations kay Jill Masalonga! Ikaw ang nanalo! Bongga ka! Maife-feature ka na sa hit na hit na Yours truly, Madma! Ikaw na ang susunod sa bonggang yapak nila Renzyd at Deathbymilktea. Congratulations ulit!

At since last edition na ito, mayroon tayong most creative entry! Aminin n’yo may twist! Dahil sa blog na ito, panalo ang creative!  Kaya naman, ang most creative entry award goes to or through, Pogi ka, Pogi ako, Maglandian tayo.”Congrats din naman sa’yo Carl Dayandante! Bongga ka din!

Dalawa kayong mafe-feature sa Yours truly, Madma sa Wednesday! Back to back pasabog!  Magpakilala kayo sa akin at mag-email sa yourstrulymadma@yahoo.com. Usap tayo! Dali!

Salamat sa lahat ng sumali sa Humula at Manalo sa Yours truly, Madma! Ang daming entries last Friday! NAKAKALOKA! May mga bago tayong pasabog na mas kakabaliwan n’yo! ABANGAN!!!

P.P.S

Maghanda na kayo next week para sa “The Big Event.” Sa June 15, 2012, mababago ang mundo n’yo sa pasabog ng Yours truly, Madma! Tapos na kame mag-shoot kahapon para sa monthsary special at masasabing PASABOG! 12 days na lang, isang buwan na Yours truly, Madma! Kumapit kayo sa malaking pagbabago sa June 15!

(The photo above was lifted from this site: http://www.ehow.com/how_2046782_deal-stubborn-coworkers.html)

43 thoughts on “Wish Upon a Nega Star

    • I theeenk may luto/scam involved sa selection ng winning entries. Kasi imagine nyo ha? nataon sa birthday nung nanalo?! wow! haha eh ang expected ko talagang mananalo ay “Ang Popogi Ples!” hahaha

      Hi Madma, can you explain further re: this contest? hahaha

      • Hello, IPF! Ang lakas din talagang contender ng “Ang Popogi Ples.” haha LAKAS! Re: sa nanalo, hayaan mo papa-move ko ang birthday n’ya next time para di mukhang “luto.” Ikaw ba, willing ka ba i-move ang birthday mo? haha Please reply re: this inquiry.

      • Hi IPF, re: this inquiry, parang ayoko naman ipamove ang bday ko. pero kung yun ang ikapapanatag ng loob ng mga kumukwestyon sa contest mo..ayoko pa rin. Hindi naman lahat ng bagay o event sa buhay nagkakaroon ng closure. haha😀

  1. Congratulations, ABF Jill Ma-Salonga! At happy birthday, in advance! FInally, makikilala na kita ng buo. Wuw, di pa kilala? Hahaha! Congratulations din, Carl!

    Hi Madma! I don’t know why pero hindi ako bitter this time. SIguro kasi ang pasabog ng mga entries. Happy na ako bilang isang finalist. Salamat sa opportunity. Wuw.

    At kay Angry Bird naman, te/kuya (ano ka nga ba?), tama na naman si Madma, kahit saang workplace eh may nega talagang tao. Iba-iba lang ang levels nila pero pare-parehong mapapait ang ugali. Take it from someone who’s been to seven jobs in five years, nakita ko na ang variations nila.

    After my third job, naisip ko na totoong may nega kahit saan, so ang solusyon ay, KEBS! Kausapin lang siya kapag kailangan at huwag na huwag, I repeat, huwag na huwag mo siyang papatulan. Ikaw ang talo pag pinatulan mo siya. Maniwala ka kay Gotye, “no you didn’t have to stoop so low…” Wuw, maipasok lang yung song. Isipin mo na lang, most people like them eh may problema nung pagkabata, either abused sila, neglected or na-bully nang bongga, tapos, pumapatay sila ng maliliit na hayop. Di na pala ako writer, psychologist na pala ako. Baka mas dapat maawa ka kaysa mainis sa officemate mong chaka, I mean, nega.

    Kung may nega, dapat may positiba or positibo, at sana ikaw yun. Di ba like poles repel and unlike poles attract each other? Teka, teka, baka naman may pagnanasa sa’yo si officemate? Yiheeeeee! Love life naman pala dapat ang idinulog mo kay Madma. Kwento naman! Charaught!

    Yun lang. We labya!

    • OMG! Ang pasabog nung nag-share ka ng employment record mo! haha 7 jobs in 5 years, BEST! haha Ang lalim na naman ng hugot mo dito ha. In fairness! Parang na-experience mo na din talaga lahat! Love it! I’m sure happy si Angry Bird sa pasabog mo na ito. Hope hindi na Angry si Bird!

  2. Dear letter sender,

    First of all, thanks sa pagtangkilik at pagsuporta sa blog NAMIN nina Madma at @therobenson. Thank you rin sa pagsulat at pagdulog mo sa amin. For sure, makakatulong kami, we are helpful like that eh. WOW, Madma, avail mo yung ownership ko ng blog at confidence ko na super makakatulong tayo! Haha

    Second of all, on a scale of Jacklyn Jose to Incredible Hulk, how angry are you? Very angry ba talaga or chill chill na angry lang? meron bang ganon, tipong angry na pero cool/relax lang? (well kaya yun ni Jacklyn Jose). Atsaka pala bat Angry Bird ang nickname mo, not “Angry Birds”? Kasi di ba “Angry Birds” dapat? i.e. Gusto ko maglaro ng “Angry Birds”, Magkano tong bag na “Angry Birds”?, paborito ko ang larong “Angry Birds”, ganon! So in that case, I will call you “Angry Birds”, tigilan mo ako sa singular ha, let’s be faithful sa pop culture, that is, “Angry Birds”.

    So Angry Birds, re: your problem, may tanong ako sa’yo, ngayon ka lang ba naka-meet ng ganyang personality tulad ng sa officemate mo? Kasi ang common nyan. Parang kahit saan nga meron nyan, sa school, sa dorm, sa gym, sa MRT, kahit sa church! Dito nga sa blog ni Madma meron eh. Ouch! Grabe hindi naman ako pabida rito. May permiso naman ni Madma ang mahaba naming comments tsaka choice nyo naman kung babasahin nyo or hindi. Waw, nag-explain talaga ako! Haha So yun nga, marami talagang mga pabida at mapapel na tao. Ngayon, nasa sa ‘yo na kung paano ka mag-respond o magpaapekto sa kanila.

    Agree ako kina Madma at@therobenson, wag mo siyang tatapatan o papatulan in a negative manner. Wag kang bababa sa level niya. Dapat positibo ang atake natin dito. Sa kanya na lang ang negative enegy, dun tayo sa positive, kasi mas healthy un eh🙂

    Ang conflict ay normal sa society naten. Kasi iba-iba tayo ng paniniwala at iba-iba tayo ng pinanggagalingan. If you can’t deal with conflict, ayyy..talo ka. On top of that, dapat positive ang views natin sa conflict. Ang ugali at gawi ng officemate mo ay isang malakng conflict sa pang-araw-araw na buhay mo. So I suggest na gawin mong positive ang pagtingin sa officemate at sitwason mo. Specifically, please ponder on the following points:

    1. Role niya yun. Ang buhay ay parang teleserye. May bida at may kontrabida. Otherwise, walang istorya, boring! Na-assign sa officemate mo ang kontrabida role. Sa’yo ang bida role. So please, act according to your role. Be strong and positive.
    2. Nati-train ka to deal with different kinds of people. Isa sa mga important skills sa anumang profession ang pagiging magaling makisalamuha sa kapwa, anumang klase ng kapwa. ‘Di ba sabi mo during your job innerview that you have excellent people skills and you can deal with different kinds of people? Grabe, pangatawanan mo naman yun!
    3. Professionalism. Tama si Madma, professionalism ang labanan sa setup nyo. Kung super papa-apekto ka sa officemate mo, magsa-suffer ang pagiging professional mo. Isipin mo,pano na lang yung pangarap mong maging professor someday?
    4. Topic ng kwentuhan. Ito best ‘to. Umamin ka, hindi lang ikaw ang asar sa kanya. So napagkkwentuhan nyo tong officemate na ‘to. Tapos may code name pa kayo sa kanya ‘di ba. Grabe kung wala siya, sino pa magiging hot topic ng bonding nyong office barkada? Di ko alam sa’yo pero nae-enjoy namin to sa office eh.
    5. Mabait ka. Kung hindi ka-butihan ang ugali ng officemate mo that means ‘pleasing’ ang personality mo ika nga ni Madma. At ang swerte mo for that matter, ‘di ba? Or baka naman…nahkoh may kasabihan tayo, ang ____ galit sa kapwa _____. Please fill in the blanks, erasures not allowed.

    Grabe napahaba na naman pala ang comment ko. And yes Madma, na-take note ko na comment lang ito! hahaha, Goodluck sayo Angry Birds ha? Sana bukas pagpasok mo mag-epal ulit ang officemate mo para ma-test kung maisasabuhay mo ang mga payo namin! Galingan mo! Wow! Hahaha🙂

    • I LOVE THE OWNERSHIP! Talaga namang pasabog ang comment mo! Naulol ako for a while sa length!!! Hahaha kakalunod! Pero pasabog ha! Isang MALAKING CHECK sa lahat!!! Grabe lagi tayong tama nila @therobenson! Baka palitan na natin ang mga judges! hahaha Parang gusto kong gawing isang segment ang mga comments n’yo ni B! Hmmm. Ka-level ng TRIO Taga-payo!!! Hmmm… Let me ponder more re: this idea of mine. Gusto n’yo ba ‘to?!

      Re: your fill in the blank shit, I think ang tamang sagot ay “Ang ibon ay galit sa kapwa maya?” WAHAHAHA Naaaliw ako sa fill in the blanks! Lakas maka-exam!!!

      Basta Angry Bird, tandaan mo din ang mga punto ng IPF ko. Lalo na yung No. 1 thought to ponder. Gampanan mo ang role mo bilang bida. Ako nga, talaga namang wagas ang pagganap ko eh. Turuan kita minsan. Workshop ba, ganyan! Kaya mo ‘yan. Hindi naman permanent ang mga officemates. Magre-resign din sila or ikaw soon! Change is inevitable. Change is constant. Change is…ME. WOW!!!

      • IPF gusto ko yung trio tagapayo idea! ang fun! haha i swear, pasabog yung lagi tayong TAMA, nakakapagod na minsan. tipong gusto ko na rin magkamali! waaaw. di ko kinaya yung Change is…ME! Lakas maka-commercial! hahaha baka sabihin ni Angry Birds ang pabida mo Madma. eh galit sya sa pabida eh!

      • WAHAHA ay oo nga galit s’ya sa pabida. OMG! Huy, Angry Birds, hindi talaga ako pabida sa totoong buhay. Kimi lang ako, yung tipong napapanisan ng laway sa katahimikan. May pasa nga ako ngayon sa hita eh kasi sinasaktan din ako ng asawa ko. WOW!!! Ang saya nga ng ‘Change is…ME” eh! ka-level ‘to ng ‘I Care for Peace” tagline natin sa Peacetech! Re: Trio-tagapayo idea, sige let me think about it some more! wahaha Puro changes at pasabog! love it!!!

      • Ay! Gusto ko rin yang trio taga-payo. Basta ako di Doktora, yung naka-wig. Hahaha!

        Naku teka, ayaw nga pala ni Angry Bird ng pabida. Baka ipatumba niya tayo? Grabe wag mo naman kaming isakay sa van dahil marami kaming alam. Pero kung ibibigay mo sa amin yung van afterwards, eh keri na rin. Sana Kia Carnival or Starex yung gamit mo ha. Choosy din. Hahaha!

  3. Hi abf, sya lang talaga yung sumuporta sa akin.🙂 Salamat sa tiwala mo. Grabe sa friday pa kasi yung bday ko. Iba yung may bday ngayon so I think hindi talaga ‘to luto. OR.

    anyway, thanks madma at magkaparehas tayo ng naisip sa title. sa title pa lang kasi may sense na yung sa akin acdng pa sa payo ni madma. para namang hindi kayo nagcomprehension. choose the correct title of the story.🙂

    masasabing maganda naman talaga ang ANG POPOGI PLES. Pero Ples. Ples. lakas makashowtime, eni-eni.

    Btw, nakakarelate ako kay Angry Bird. At nangyari naman talaga to sa akin sa 2/3 jobs ko. At isa lang talaga ang naging atake ko na mejo iba sa payo nila. Ako kasi, hindi ako papaapi. Lalaban ako. Pero ito ay pagnareach na nya ang threshold ng pasensya ko. Dapat kasi may limitasyon din ang pasensya mo may hangganan. Iqualify mo yung offenses nya as mild or severe. Yung mild, bigyan mo pa sya ng chance makabawi baka human nature lang din talaga ang mangasar at baka yun ang sense of humor nya. Meron din namang severe, na unang offense pa lang terminable na. Like nakatapak na talaga sya ng pagkatao at kailangan mo ng patulan. Kailangan nyang malaman kung SINO ang kinakabangga nya. Hinay hinay. Kumbaga, e magingat sya sa pagiging pabida nya dahil hindi sayo uubra ang ganitong karakas.

    Pero syempre don’t stoop down to her level na mapangasar at mapanggago. Wag magpaparinig. Wag magpapahaging. Diretsyahin mo. Mag send ka ng calendar invite, mag usap kayo sa isang room. Sabihin mo lahat ng offenses na nagawa nya. Sabihin mong mali yun, pero pakinggan mo ang side nya. After that, mas magkakaron ka ng dahilan para maintindhan sya. Ah ganito pala ang pinanggalingan nya kaya nya yun nagawa. Basta do this nicely. Hindi sumisigaw. Tao sa tao lang. Bonus na lang naman kasi ang magkaron ng tunay na kaibigan sa opisina – nandyan lang tayo para magwork ng maayos. Ang hirap din naman ng nagpapaplastikan hindi ba?

    anyway, sa trio taga payo – hindi naman ito face to face e. pero parang mas gusto kong si ABF lang ang partner mo at hindi si NF. kasi kinukwestyon nya yung pagkapanalo ko. JOKE. Hahaha. Best ng 3 taga payo ples.🙂 Siguro ok din na may ganung segment pero dapat pasabog na isyu talaga at interactive.

    • Hahaha congrats naman, Jill sa inyong pagkapanalo! In fairness ang supprotive sa’yo ng ABF mo ha. At ang taray nung classification of offenses ha! Mild and severe ang pota. Ka-level ‘to ng film style na diniscuss ko: Dark, Light-dark and Light! haha Pero agree ako sa payong ito!

      Re: Trio-tagapayo, sige brainstorm ko pa ito some more. Isipan ko ng magandang peg ang atakeng ito. Dapat laging may pasabog sa blog na ito. Love it! Congrats ulit, DF!

  4. Shempre may word from the wise din mula sa Manager.
    Napansin ko lang kasi na medyo pahabaan na ang labanan sa commentaries. So makikiride ako dyan.
    .
    .
    .
    .
    ay tinatamad na pala ako. Ako pala yung nega star. Hi Dungst! Shout ouch fomi!

    • Wahaha nakuha mo yung theme na nega! Love it! Grabe ang kimi mo nga sa blog ko for a MANAGER ha. Medyo hindi mo ino-own ‘tong show ko as opposed to @jayrestacio and @therobenson. ENERGY naman! haha

      Pinapakilala ko nga pala ang future Manager ko sa showbiz! Shout ouch naman sa Manager ko. Love you.🙂

  5. hi…im a new follower…at infairness, nakakrelate din ako kay angry bird, kasi ganito din ngaun ang nangyayari sakin…parang ang sarap hampasin ng computer ang mukha at tanggalan ng brace kaya lang kakadiri…hahahah!(i hope its not too offensive)…nako…sobrang mapapel talaga,pabida effect, kunwari perfect…nagmamaganda…nagpaparinig…akalain ba naman pati bf ko isama s pagkasayad nya….napaka mapanghimasok pa sa buhay ng iba…grabe…sobrang plastic pa…sakang naman…haay…well, nung nabasa ko yung mga comments and advices nyo kay angry birds naliwanagan ako,i realized na dapat na ko lumaban, below the belt na siya…isa pa siyang palengkera,walang delikadesa…

    • Hello naman, Jojoampao. Welcome sa YTM! Buti naman at napadpad ka dito. haha. Grabe relate na relate ka din ha! Ramdam ko yung galit mo sa officemate mo. Tumba mo na kaya! Charoth. sana naman ay may napulot kang mga aral sa blog na ito kung paano iha-handle ang situation mo ngayon. Chill ka lang. Mamamatay din yang epal mong officemate. haha Thanks for your comment. Huwag kang mahihiyang i-share ang thoughts mo sa mga issue na tinatalakay natin.🙂

  6. kelan kaya ang karma sa mga taong kagaya ng mga palengkerang mapapel sa buhay….may idadagdag p pala ako,…masaydo din siya pakialamera ng gamit ng may gamit…lahat ng tao pinakikialaman nya…maninira pa ng kapwa..

    @angry bird: (kung magaling ang officemate mo) aanhin nya ang kagalingan kung sa ugali naman sira siya….ewww kaya un…

  7. ngayon ko lang nalaman to and i like it…sobra…and even i am not an alumnus of UP, I love UP students, may paninindigan talaga sila…and i think i would r ecommend ko ito to my other friends na di katulad ng officemate ko dito….

  8. Hello! Ngayon ko lang nadiscover ang blog nyo and I really love it!❤ @Angry Bird: True na madami ngang kontrabida sa office. Meron dyan nananadya na asarin ka. Ewan ko ba! Basta ako ini-ignore ko na lang sila. Masisira pa beauty at araw mo dahil lang sa mga taong ganun.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s