Bonding Time with Madma Part III

Dear fans and followers,

Bonding time naman! Grabe! Wala kasi ako starting tomorrow. Sniff. Pupunta ako sa Puerto Princesa, Palawan para mag-bakasyon muna and mag-relax with my High School barkada. Ok lang? Alam n’yo na, medyo may kaya sa buhay. Kayo ba may kaya? OMG! Wala?! K. Lakas makahamak eh ‘no. Uy charoth lang ha.🙂

So since mawawala ako ng konti, magbonding muna tayo now! Grabe di na tayo nagbo-bonding! Nakukulangan ako sa inyo! Clingy ang pota. Sharing time naman ulit. Ang sarap kasi ng sharing eh. Parang kausap ko lang talaga kayo. In fairness ha, may community na sa blog na ito ha. Ang close na ng mga tao. Konti na lang at matataob na natin ang Peyups forum at YM! WOW. Basta, huwag kayong matakot mag-share. Go lang nang go. Kasi ang blog na ito ay blog nating LAHAT! Lakas!🙂

At bago pala ako chumika sa inyo, remind ko lang kayo sa June 15, 2012. Irita yung “remind.” Parang utang lang. Alam n’yo na ‘to ha. Mothsary natin sa June 15, 2012! Isang buwan na tayo by then! Woooh! Abangan n’yo talaga ang PASABOG ko sa araw na ‘yan. Hindi ako mapapahiya sa inyo. When I say pasabog, I mean it!!! Boom! Titigil ang mundo n’yo sa June 15 for sure! 10 days na lang ‘yan. Mag-ready na kayo sa MALAKING pagbabago sa Yours truly, Madma.

Anyway, para sa bonding session na ito, I just want to share with you my Ultimate Idol. Lakas maka-slam book ang pota!!! I’m sure may mga idol din kayo ‘no! Grabe yung wala! Ang perfect n’yo naman! Ako nga sikat na sikat na, may idol pa din, kayo pa kaya?! WOW. Ang bangis nung statement na ‘yun.🙂 I’m sure, nagwo-wonder kayo kung sino ba ang iniidolo ng nag-iisang Madma. Ang dami din kasi talagang nagtatanong nito eh. So once and for all, sasagutin ko na. TARAY!🙂

______________________________________________

O di ba?! Nakakalito ang picture na ito. Hindi mo alam kung sino yung fan at yung idol. Ano ba sa tingin n’yo? CHAROTH!🙂

Say hello to my idol, the Asia’s Songbird Ms. Regine Velasquez!!!! Waaaah! Ang payat n’ya pa dito ‘no?! Kaka-miss. Ang sarap n’ya pa tingnan.  Ngayon kasi medyo TUMABA na din si ‘Te. LAKI ng pinagbago ng katawan n’ya. Yung braso nya, please! Parang paa na din ng bata. Naalala ko bigla yung Papa ko habang pinapapanood namin si Regine kumanta sa TV one time, sabi ba naman, “Si Regine ba ‘yan? Akala ko BAKA?!” Ouch😦 GRABE ang prangka ng Papa ko ‘no. Naloka ako. Well, tumaba din kasi talaga siya, huwag na tayong umarte. (Paging Ms. Sharon Cuneta and Ms. Claudine Baretto) ANO BA PURO NEGA?! Idol ko kasi ‘to!

Aminin naman natin na magaling si Ate Regine! Disregard na muna natin yung present size n’ya ha. Napatunayan na n’ya yan sa mahabang taon n’ya sa showbiz. Siya ang Nag-iisang Reyna! Tigilan ako ni Pops Fernandez!!! Sa kanya pa lang ako talaga humanga among local Pinoy singers. IBA eh! LAKAS! Madaming times ko na siya napanuod kumanta ng live at talaga namang swabe! Naalala ko nga nung una ko siyang makita sa SOP. Nanlambot talaga ako. Nakaka-star struck siya, promise! And nung bumirit na s’ya sa harap ko, RUROK! Waaah.

Ang dami na din talagang mga bagong singers ngayon, pero wala pa akong nakikitang papalit sa kanya. Si Angeline Quinto? CHE!!! Wala pa siya sa kalingkingan ni Ate Reg ‘no. Ano ba?! Makalat pa siya kumanta at madaming times ko na siya nahuhuling sumasablay. And yes, critcal din ako sa mga singers kasi singer or shinger din ako! Ansabeee?!

Basta, Regine is Regine! Hindi man s’ya kasing galing ng dati eh na-earn na n’ya at napatunayan ang sarili n’ya bilang isang magaling na singer. Sayang nga at lalaki ang anak niya eh. Hindi Diva! Or malay din natin di ba.🙂 GoodNate naman tayo s’ya anak n’ya na si Nate. Ang arte nung “GoodNate!”🙂

Sana talaga bumalik na ang dating Regine in terms of katawan and galing. Lord gawan n’yo po sana ito ng paraan. Hindi pa kame handa na mawala ang galing n’ya. Ngayon kasi hirap pa din si Ate kumanta eh. Aminado naman ako sa part na ‘yan. Sana na lang hindi s’ya maging kagaya ni Britney Spears na totally nawala ang galing at husay sa craft n’ya. Grabe din kasi si Britney ‘no? Ibang tao na din. Parang pinsan na lang s’ya nung totoong Britney. Kaloka.

Oh, dapat idol n’yo din si Ms. Regine ha! Grabe yung pinipilit ko kayo. Charoth.🙂

O kayo naman mag-share ng idol n’yo! GAME! Papayuhan ko kayo kung tama ba ‘yang mga ina-idol n’yo. WOW. Share lang kayo! Sundan n’yo lang ang format na ito:

“Ang taray naman ng idol n’yo, Madma. Regine is love! Ako naman, super idol at baliw na baliw talaga ako kay…”

AYAN ha! GAME!!!

Yours truly,

Madma

P.S. Gusto ko din ipapanuod sa inyo ang pasabog video na gawa ng mga kapamilya ko mula sa UP Repertory Company! SUPER saya, swear! Makikita sa video na ito ang mga kaibigang dapat iwasan! O TARAY!

Congrats naman Albert Cruz, Dax Carnay at kagandahang Jorgette Ann Aguirre! Pasabog kayo! Congrats din sa BBF ko na si Melanie Libatique. Galing mo na mag-edit ha!

So, here is another educational Rep video from “Friends 101.” GO!

I-click ang link na ito para mapanuod ang PASABOG video: http://www.cge.tv/watch/08eb6dc8-5d29-4aef-976e-9aa3999a5e82

53 thoughts on “Bonding Time with Madma Part III

  1. I Love ate Reg! Siya talaga ang pamantayan ng boses sa industriya.🙂 at naloka ako sa Papa mo sa pagsabi nya na mukha ng cow si ate reg! buti hindi ka naglumpasay ay ngumuynguy!🙂 hahaha! Happy Birthday Mare! Kahit di ko talaga alam ang petsa ng kaarawan mo. Sana naman sumama ka din sa amin minsan. hehe! Hangad ko ang iyong kaligayahan.🙂

    • Mare!!! Welcome naman! Grabe parang ngayon ka lang nag-comment! Magyaya naman kasi kayo! Ano ba naman yung i-text ako! Miss ko na kayo nila Christian. Grabe si Ron di nagbabasa ng blog ko. Sabihin mo naman magbasa!

      Apir tayo na si Regine ang pamantayan! Nami-miss ko tuloy bumirit. haha Miss you.🙂

  2. Hi Madame,

    Ang taray naman ng idol n’yo, Madma. Regine is love! Ako naman, super idol at baliw na baliw talaga ako kay…

    Actor (local): John Lloyd Cruz (galing kasi umarte)
    Actress: Toni Gonzaga (total package)
    Actor (foreign): Darren Cris (ang cuthe kasi.. haha.. ang landi din)
    Singer/Band: Jason Wade/Lifehouse

    Birthday mo daw.. Pibertday Ma’am!!

    • Hello naman, Carl! Hindi ko Birthday! Ano ba! August pa ako. Sabay kame ni Mix!

      Apir tayo kay Toni Gonzaga! haha Favorite ko ang film n’ya na “You Are The One!” Grabe! Naka-paskil pa sa room ko sa dorm ang poster ng film na ‘yan! haha

      At OMG si Darren Cris! ANG POGI!!! Climax agad! hahaha

      • Gustong gusto ko din ang You Are The One, may DVD pa ako nun at ilang beses kong pinanood. Ang hot ni Sam Milby ples.

      • Madame, salamat sa bf ko, napanood ko recently ang To Reach You ni Regine. Masasabing naging Regine fan ako for a day.. haha

  3. Nahirapan talaga ako Madma rito, bilang wala akong tinuturing na Ultimate Idol (lalo na kung singer). Haha. Kung meron man, engineer-physicist siya, si Nikola Tesla. Haha.

    Pero sige, sasagot na lang ako ng buhay ngayon. Si Anderson Cooper! Kahit super yaman na nila at powerful, pinursue pa rin niya ang gusto niyang profession – journalism. Haha. Ako kasi campus journalist mula elem hanggang high school, pero nung gusto ko nang ituloy yun sa UP, di ako pinayagan ng family. Kaya napunta ako sa Computer Eng’g. Haha. /wrist

    Pero kung singer, baka sina Jessie J at The Script! Ang meaningful lang ng songs ni Jessie. Alarm tone ko nga ang Who’s Laughing Now eh. Hahaha effective panggising!🙂

    • Nakakaloka yung idol mo si Nikola Resla! WOW! Anyare?! Ang taas!!! hahaha

      Naku likey ko din si Anderson Cooper! And btw ha, Journalism ang course ko sa UP. Bida-bida ang pota. Grabe yung Com Eng’g ka ha from Journ. Gusto ko ng mga writer. Push mo lang ang pagsusulat!

      Apir tayo kay Jessie J at The Script. Ang pasabog din talaga ni Jessie J ha. Acting na acting. Favorite ko yung song n’ya para sa mga moneky. Yung “it’s not about the monkey, monkey, monkey!” WAHAHA Nuod ka ng The Voice UK para maavail mo si Ma’am!

      SALAMAT sa sharing! Grabe na-push ka din ha. Love it!🙂

      • Malungkot kasi life story ni Nikola. (Close? Haha!)

        Yeah, gusto ko pa rin talagang magsulat. Kaya nagblog na ako. Haha. Long time no practice eh since nag-2nd sa nationals nung HS sa feature writing! HAHA sorry Madma bida-bida rin ako. Lol. Minsan lang to pagbigyan. Pa-EIC-EIC minsan sa random UP pubs, pero yung regular talagang pagsusulat wala. Kaya sana tuloy-tuloy na ang blog ko! Hehe.

        Yep! Nanonood ako ng The Voice UK! Ako 2nd kay Carl pagdating sa TV Series. Name it, we’re watching it! Hahaha!

      • Sige nga avail ko din ang buhay ni Ms. Nikola soon. siguro pagbalik ko from Palawan. WOW. Yabang din. hahaha

        Re: writing, PUSH mo ha! Mag-practice ka din dito sa blog ko! Grabe ang pasabog nung lumalaban sa nationals!!! IKAW NA!!!

        Ang bongga mo din pala ha.🙂

      • BTW, lalaki si Nikola, Madma! Haha. (Or sadya ba yan? Lol.)

        Sige, pupush ko lang nang pupush, hanggang maabot ko ang climax ng aking writing career! Hahaha.

        Enjoy sa Palawan! (Yes bumabati na. Haha. Kinakarir ang bonding time.)

      • LALAKI si NIKOLA?! OMG! I thought babae! KALOKA! Alam na. Hindi science-based si Madma! Grabe.

        Salamat sa bati. I-enjoy ko talaga ‘to.😉

    • Hi geneshizz, sa lahat ng idols na nabanggit mo, fave ko si nikola tesla! Lakas maka-talino eh! And I love science! Kaya ayun…sana love din ni madma si nikola tesla🙂 madma pwede bang sya na rin ang fave mong physicist?🙂

      • Sige, sige! Si Nikola na idol ko sa physics! Papalitan ko na si Agapito Flores bilang inventor ng Florescent Lamp! wahahah Siya na lang ata naalala ko! Grabe yung kilala n’yo si Nikola! Hindi ba ‘to kapatid ni Piccolo ng Dragon Ball?

      • Oo! FINAL na ‘to! Kapag sumagot ako sa slam-book re: favorite physicist, sagot ko Nikola! Dati kasi ang sagot ko lagi eh Barbara Streisand. Physicist siya ha FYI! Sinabi n’ya ‘to sa kantang “I Finally Found Someone.” Particularly sa chorus: “Physicist, Ooooh, I finally found someone. Someone to share my life.” Maliwanag ‘yan ha!

  4. Ang taray naman ng idol n’yo(plural din ha, or lakas maka-elderly?), Madma. Regine is love! Ako naman, super idol at baliw na baliw talaga ako kay…

    Mikey Cojuangco sa equestrian, kasi ang cute ng dimples nya eh.

    Michelle Kwan in figure skating, super galing nito at talaga namang malupet ang moves and balance nya!

    Lisa Macuja sa ballet, sya kasi ang tunay na Reyna ng ballet sa pilipinas! Flawless sya at talaga namang graceful!

    Kinaya mo ba ang pagiging elite ng idols ko? Haha idol ko rin kasi si bday girl Jill sa pagiging poser.

    Pero ang idol ko tlg ay si Ryan seacrest pagdating sa hosting! Best ang wits and timing eh! Sa philippines, okay si Ryan agoncillo. Hindi siya trying hard pero carry nya talaga maging formal and at the same relatable/masa host🙂

    • OMG! Hindi ko kinaya ang mga Idols mo!!! Suprising! Lalo na si Mikey at Lisa Macuja! WOW ha! Ang high-art!!! May sakit ka ba?! haha Hindi ko kilala si Michelle Kwan. Pero parang interesting siya ha. Search ko nga siya.

      Agree ako sa magaling si Ryan Seacrest at Ryan Agoncillo. Hindi mo ba ako idol din sa hosting? WOW. haha

      Share mo naman yung favorite singers mo! Parang kulang. hahaha

      • High-art tlg! Lamonaman kapag nakaka-angat angat sa buhay, mejo napapanood din natin mga pang-elite na stuff! wow chewra!

        Grabe kilalanin mo nman c Michelle kwan madma! Sikat kasi yun! Lalo na sa visayas! They use kwan like infinity! “paabot nga yung kwan…ano nga yung tawag sa kwan” ganyan. Grabe di na natin ginagamit yung kwan!

        Ay! Required ba singers?! Depende kasi sa panahon to. I relate more on the songs than the singers talaga. Pero Cge for singers naman, gusto ko talaga si Sarah G. Grabe wag mo naman i-nega c Sarah, sa show sya ni ate reg unang sumikat alamoyan! at pinanood ko yun ng live! Shempre gusto ko rin si Jessica Sanchez! Lagi ko sya number one sa American idol ranking kahit may nagsasabi di raw ako objective. Gusto ko rin ang timbre Nina matt nathanson at Patrick nuo. Aminin mo di sila sikat dito pero gusto ko kasi ang alternative artists talaga, hence my love for Kris Allen din🙂 and lastly, gusto ko rin ang works Nina Chopin at schubert. Ansabeeeehhh???!!

      • wahaha!!! Irita yung infinite use ng kwan sa visayas!!!!Bwisit!

        Alam ko namang maka-Sarah G ka eh. Pero di ba likey mo na din si Ate Regine?! Grabe paki-confirm natin re: this issue.

        WAHAHA ako ba yung pinaparinggan mo na nagsasabing hindi ka objective?! Eh kasi minsan HINDI TALAGA eh! haha Ang taas ng mga likey mo! High-art! May ganito ka palang side ha! Kaloka.

      • Re: this issue, grabe kailangan ko pa ba i-explicitly state na likey ko si regine? Oo kasi and I theenk dapat required na likey natin syang lahat! Ang galing kasi talaga ni mam, kahit na nasabihan syang brown monkey. pero alam nyong that brown monkey can sing, as in REALLY SING! Ate reg is love! At grabe ha, ang butchok butchok na ni Nate! Goodnate guys!🙂

      • Aaay…I so love you, IPF! haha Grabe din kasi yung “na-sampolan” ka ni Ate Reg sa Araneta eh. haha Susuportahan din kita kay Sarah. Grabe suportahan lang oh. haha Love din natin si Nate! GRABE! haha GoodNate naman!!! haha

  5. Ang taray naman ng idol n’yo, Madma. Regine is love! Ako naman, super idol at baliw na baliw talaga ako kay…Adele. Pareho kasi kaming mataba at magaling. Wow. Lakas makabuhat ng bangko. Ang best nung 21, commercially successful and critically acclaimed! Yung album niya na yun ay ang pangalawang album na nagustuhan ko LAHAT ng kanta. Yung first ay yung Hybrid Theory ng Linkin Park. Idol ko din pala sila pero for now, si Adele ang nagrereyna.

    Tsaka diba, kapag nagpeperform siya, hindi na niya kelangan ng magarbong production number di katulad ng iba. Tatayo lang siya dun at kakanta. Simple. Mapapahanga ka na. Parang si Regine. haha. At wala siyang pakialam sa weight niya, basta kakanta lang siya. Parang si Regine din.🙂

    At siyempre ang boses. Grabe. Swabe. Kakaiba. Sa sobrang kaadikan ko sa kanya, binili ko yung Adele Live at the Royal Albert Hall in Blu-Ray. Karaniwan ay nagdodownload lang ako sa torrent ng mga ganyan pero binili ko talaga siya kahit mahal. Fan eh. At magiging fan ako hanggang ang title ng album niya ay umabot ng 79. :))

    • wahaha. Alam mo, to be honest, hindi ko likey si Adele nung una. Pero now, LIKEY ko na siya. Ang galing n’ya eh. Artist talaga siya like Regine. Wow. Nasingit din yung idol ha. hahaha Magaling si Adele at hindi kailangan ng mga pakulo. Boses lang pasabog na at sulit na din talaga! Good choice si Adele. Kala ko kasi si Pops Fernandez yung idol mo eh. Ewan ko. Narinig ko lang ha. haha

      • Yuck! hahaha! Wala nga akong alam na kanta ni Pops. Di ko nga alam kung bakit siya naging concert queen. Dahil asawa siya ni concert king?

        Onga pala, kasubdivision namin si Regine sa Bulacan! As in 3 blocks away lang yung mansion nila sa bungalow namin. Pero hindi sila masyado palalabas. Baka busy si ate. Tapos nakita namin sila ni Ariel Rivera nung nagdadate pa sila.🙂 HAHAHA

    • Adele = ♥♥♥. Shet favorite ko yung Set Fire to the Rain at One and Only. Kelan ba siya pupunta sa Pilipinas? Totoo ba yung chismis na ayaw niya ng malaking venues? Kasi kung maliit lang yung pagdadausan ng concert niya for sure mahal ang tickets. T____T

      • Apir! Nahihirapan ako mamili ng fave kasi lahat gusto ko. LOL. Chasing Pavements at One and Only na lang bilang theme song sila ng buhay ko. wow. Oo, gusto niya ng intimate venues. Grabe inaabangan ko nga kung kelan ulit siya magcoconcert. Manonood ako for sure. Hindi ko kasi siya naabutan dito sa Canada. Tapos na concert niya nung dumating kami. huhu😦

  6. Pa share din bilang dapat daw daw nagsheshare and mga Madma Cum Laudes. :p

    Sa mga artista, hands down ako kay Johnny Depp. Grabe galing galing ni kuya sa lahat ng role niya. Wala ng tatalo sa versatility niya sa pag-arte. Favorite ko siya sa Finding Neverland. Lakas-maka Jaclyn Jose ng role niya dun, aminin niyo.
    Dito sa Pinas, idol ko sina Eugene Domingo at Mylene Diizon sa pag-acting. Napanood niyo ba yung pelikula nilang 100? Hindi pa? Shet panoorin niyo na daliii!!!

    Sa literature naman, nasabi ko na sa feature story saken na gusto ko si JK Rowling. Understatement yang gusto. Kasama ko na kasi siya sa pang araw-araw kong pamumuhay. Haha. Instant like kita pag gusto mo siya. Instant kaaway din pang sinasabing pangdemonyo daw siya. Sarap sabihan ng Avada Kedavra!

    Bilang di naman ako magaling kumanta, di naman ako masyado mapili sa mga gusto ko sa music industry. Pero choosy ako depende sa tunog at genre nung singer/banda. Eto ang ilan sa kanila..

    ♫♪ I dare you to let me be, your one and only..♫♪♫.

    Tulad ng kapwa ko Madma Cum Laude na si Renzyd, like na like ko din si Adele. Kebs kung mataba siya. Favorite ko yang One and Only at Set fire to the rain SHET. Sarap i-birit nito sa banyo habang nagshashower pramis. :p

    ♪♫ Cause when a heart breaks no it don’t break even. ♪♫
    Grabe yung LSS ko diyan sa kantang yan. Lakas makarelate shet. Lahat ng kanta ng The Script wagas sa ganda. Favorite ko din yung Talk You Down, The Man Who Can’t Be Moved, If You Ever Come Back at yung For The First Time. *drool*
    Like ko din yung The Fray, Snow Patrol at Augustana. Basta yung mga lakas maka-laslas pulso na genre, ganyan.

    ♪♫ Lights will guide you home..And ignite your bones ♫♪
    COLDPLAY. Tang ina mag-concert naman kayo sa Pilipinas please!!! Grabe ha. Pwede bang ikaw na lang ang mag produce ng concert nila Madma?

    Madami pa kong gustong singers/band kaya lang mukha nang videoke-slash-blog-slash-rant yung comment ko. Nakakahiya naman kay Madma. WOW. :p

    • WOW! hahah parang ayaw mo mag-share! hahaha Ang pasabog ng shring mo ha! Sorry ngayon ko lang nabasa. Lam mo na, just got back from Palawan!!! haha Ang dami mong favorite!!! Parang madali ka i-please. haha And I’m sure, magugustuhan mo din si @therobenson. WOW. hahaha

  7. “Ang taray naman ng idol n’yo, Madma. Regine is love! Ako naman, super idol at baliw na baliw talaga ako kay…”

    Singing: Jesse McCartney. I like his album ‘Departure’ best nya. hindi na sya masyadong sikat sa industry kase he plunged to Indie in Scotland. But he’s hot. I have this friend in London who sends me video clips and pictures and films of Jesse. trivia din, hahaha. My phone is Jesse Mcacrtney limited edition, it’s called motorola flip out which was used in one of his music videos ‘SHAKE’ sana chekirawt mo yun madma. Haha. and I named my phone after him. =)

    Acting: Keannu reeves, alam kong makaluma yes, pero magaling ang naturang actor. medyo classic movies kase ang peg ko mga 90’s.. And the guy is a total package. Once termed as the perfect symettric face in holywood. And the bulge! pleeesss..

    P.S westife: given.. hahaha =) Un lang

    • Grabe yung idol mo si Jesse! In fairness, pogi siya ng fatale. Obsessed ka na kay Jesse. Sana magustuhan mo din si Jessie J. wahaha Si Keannu Reeves ay BONGGA! Sana magustuhan mo din si Keana Reeves. hahaha Grabe yung nagsu-suggest akosa ‘yo. haha Thank sa sharing!

  8. Ang taray naman ng idol n’yo, Madma. Regine is love! Ako naman, super idol at baliw na baliw talaga ako kay Whitney Houston. Pag local naman La Diva! Haha! kaso teggybear na si idol Whitney hay. Sana nagduet sila ni Regine! bet na bet ko rin c Regine! At sa local, supet bet ko ang La Diva, kasi ang galing nila, pag live sobrang WOW! Sharing lang haha!

    • Hello naman, Patchoulipoison. Welcome naman sa Yours truly, Madma. Grabe ang hirap ng spelling ng name mo! hahaha Whitney is love!!! And La Diva as well. Napanuod ko na ang La Diva ng live at magaling sila, in all fairness! Sana sumikat pa sila nang bongga! Lipat kaya sila sa ASAP. haha Lakas maka-cheap kasi sa Party P eh. haha Salamat sa sharing!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s