Congrats kay Jill at Carl! Waging-wagi Kayo!

Dear fans and followers,

Heto na ang mga nanalo sa huling edition ng Humula at Manalo sa Yours truly, Madma. Batiin naman natin sila!

Congrats to Ms. Carla Jill Masalonga! Ikaw ang nakahula ng tamang title para sa blog entry ko last Friday. Ang tamang title is “Kung Pogi ka, ‘Wag Kang Pakupota.” Ang galing naman! Talaga namang sinundan mo din ang mga yapak nila Renzyd at Deathbymilktea. Pasok na pasok ka sa “elite” winners ng Yours truly, Madma. Taray nung “elite.”

And of course, congrats din kay Mr. Carl Dayadante para sa most creative entry! Ang taray nung may special award ‘no?! Galing! Malayo talaga ang nararating ng mga taong creative. So parang ikaw na din talaga ang first runner-up. Kapag hindi nagampanan nila Jill, Renzyd at Deathbymilktea ang role nila, ikaw ang papalit! WOW.

Salamat sa lahat ng mga sumali at nagbigay ng entries. Huwag malungkot dahil marami pa tayong mga pasabog at pakulo soon. Hindi mauubos ang mga pasabog ni Madma kaya ‘wag kayong umarte! Salamat sa consistent na mataas na ratings. Thanks talaga!

So, game! Kilalanin na natin sila!!!

Enjoy the fame, Jill and Carl. Or pwede din palang pagsamahin ang name n’yo: Carl Jill Masalonga! PAK!

Yours truly,

Madma

______________________________________

Bio: My real name is yung username ko din here. Kasi may blog din talaga ko sa wordpress. Born on June 8 at nagiisa akong babae sa pamilya. Bibo talaga ako ng lumaki. Mahihiya si Jilliane Ward sa akin nung bata ako. Sayang at hindi talaga ako pinagshowbiz ng pamilya. Wala kasi kami makain so hindi na nila uunahin pumunta sa ABSCBN Compound.

Pinakatalent ko siguro ang umarte at dahil dun mas kumapal pa talaga yung mukha ko humarap sa maraming tao. Aliw na aliw ako magperform. Lalo na nung naghighschool at college. Pinakanagustuhan ko talaga yung mapasama ako sa grupo ng theater. Lalong kumapal yung mukha ko at nacarry ko sya up to now, worth to mention na dahil sa kapal ng mukha e nanalo akong Bactidol Idol recently at sumali pa kong Clown in A Million kahit alam ko namang hindi ako talaga super nakakatawa.. Kampidens lang! Pero wag kayo, madami akong natutunan sa UP Rep na napakahalaga. I learned what life is all about.

Ngayon isa na akong ganap na propesyunal sa larangan ng EYCHAR. 6 na taon na ko sa propesyong ito so wag nyo kong simulan Haha.

Hobbies: Umarte, magplay, umarte tsaka maglaro ng bejeweled. Manood ng romcom. Tinatawag din akong romcom queen.

Likes:  Gusto ko yung mga taong prangka at totoo. That’s why mahal na mahal ko yung mga current friends ko ngayon. Kilala nyo na kung sino kayo.  Para ko na kayong kapatid. Gusto ko din ng humble.

Masasabing inlove din ako ngayon sa isang lalaking nagngangalang Elrick at kung maaari sya na talaga yung maging partner ko habambuhay. I think wala na kong hahanapin pang iba.❤ A true friend, best bud, best partner. Totoong tao – may masama at mabuting ugali🙂

Masamang Ugali: Pikon din ako at talaga namang epal. Minsan maiinis na lang kayo sa akin kasi sobrang pabida. Hindi din ako papatalo. Malakas din boses ko.

Mabuting Ugali: Hindi man ako super sweet sa friend pero ipaglalaban kita sa kanit kanino. Susuportahan kita hanggang sa dulo. At kapag may umapi sayo, mangaaway talaga ako ng tao. Matulungin din ako sa pamilya. At mahal na mahal ko sila.

Paano ko Naisip yung Title: Simple, naisip ko lang kung ako ang may mukhang ganun, hindi talaga ako magpapakupot. Kasi dapat malakas sya. So nakakapangduda din talaga. Hahah. So patunayan mo ha, kung pogi ka, wag ka ngang pakupota.

Message to Madma: I know sometimes, nagaaway din tayo at kinukwestyon ko minsan mga decisions mo sa buhay pero iyon ay hindi para inega ka kundi para magbigay lamang ng opinyon dahil mahal kita. Ikaw ay isa sa pinakamamahahalagang tao sa buhay ko ngayon. bakit naman hindi e simula ng magapply ka sa UP REP, pinapatawa mo na ko. Ako ang iyong best alalay sa votre alam mo yan. At ngayong nasa blog ka, ako ay number 1 mong taga suporta. More power sa yo. At sana Sumikat ka na! You deserve this! Kailangan maavail ng ibang Pinoy ang komedya mo. at kung gano ka katalino.

Message to Co-Readers: Tambay lang lagi dito at ipamahagi ang blog na ito sa iba. Sana magkita kita tayo. Sana makapagperform ulit kami. Ipagpatuloy ang pagiging witty nyo din. Nakakaaliw basahin ang comments nyo. Batiin nyo naman ako sa birthday ko.🙂

______________________________________

Bio: Hello, ako si Carl! (follow me on Twitter: @drmcmuffin) I’m 21 Years old and studying BA European Languages, Major in German, Minor in Italian sa UP Diliman. Kapagod sabihin ang course ko, can I really just say. Gusto ko sanang maging interpreter sa Miss Universe paglaki ko, kaso once a year lang yun kaya gagawin ko na lang na hobby in the future. So gusto kong maging translator ng kadokumentuhan ng mga international companies o kaya maging language prof. Tapos dream ko maging UN Ambassador tulad ni Ban Ki Moon at Kofi Annan dahil I’m a peace-loving person.

Hobbies: Manood ng TV at Movies, manood ng Tennis (take note, MANOOD) at sumali sa Trivia Quiz Games. Well, akala niyo normal na hobbies lang yan pero matuturing na siyang obsession dahil ka-level ko ang presidente ng fans club ni Nora Aunor kung maka-avid fan sa aking favorite shows. I’m an avid follower of American (and some British) Comedies and Dramas. Ilan sa favorites ko ay Modern Family, Mad Men at Lost. Tapos nanonood pa ako ng mga kwarenta pang ibang show. Gusto ko na nga bawasan, kaso lagi lang nadadagdagan. Sa movies naman, favorite ko usually ang Romantic Comedies, pero gusto ko rin yung mga movies na lakas maka-talino tulad ng Inception at yung mga Academy-recognized tulad ng The Social Network. All-time favorite movie ko ang The Terminal ni Steven Spielberg at favorite actor ko naman si George Clooney. Avid follower din ako ng Tennis, at favorite player ko ang current world No. 1 na si Novak Djokovic.

Madalas din akong sumali sa Trivia Quiz Games kasama ng aking mga kaibigan. Mahilig kasi ako sa mga walang kwentang bagay tulad ng pagbibilang ng parking slots sa AS Parking Lot: 227. Sa dami ng pakulo ng mga orgs sa UPD, pinapatulan naming lahat. (Or dahil sabik lang kami sa Prize Money?) Kaadik lang kasi kapag nasimulan mo nang manalo, gugustuhin at gugustuhin mo to in the future. Nakakapagod ang hobbies ko no? Ubos na ubos na ang hobby time ko.

Pano ko naisip yung title: Not from experience, dahil di naman ako pogi. Anlakas maka-slogan ng utak ko after reading the post, kaya tinuloy-tuloy ko na hanggang sa maisip ko ang “Pogi ka, pogi ako, maglandian tayo.” Ang straight forward much lang ng approach. Nakatulong din siguro ang dalas kong makiepal sa slogan making contests nung elementary at hs. Or mahilig lang talaga ako sa rhymes.

Message to Madma: Hi Madma! Alam mo bang avid fan mo kami ng mga kaibigan ko? (avid count: 4) Bago ako maging BA EL, galing ako ng Engineering, tapos hindi kinaya. (lakas ipang-MMK nito, pero later na lang) Member din ako ng isang Eng’g org kaya madalas kaming nanonood ng Eng’g week events. Syempre, isa ka sa inaabangan namin. Follower mo na ako sa Twitter bago pa mabuo ang blog na to! (ibig sabihin, inistalk talaga kita. JOKE)

At salamat pala sa Most Creative Award. Sabi ng kaibigan kong si Melai (@karmelamariz sa Twitter), lakas maka-Kindergarten ang award ko na to. Wala ba tong pin, itatabi ko sa Best in Reading award ko noon! Kawawa naman, nag-iisa lang yun. Underachiever nung bata much?

Anyways, para mas sosyal, magiiwan ako ng P.S in German.

“Madma, ich wünsche dir viel Glück zu deinem Blog. Ich hoffe eine glänzende Zukunft für deinen.🙂 Auf geht’s!”

74 thoughts on “Congrats kay Jill at Carl! Waging-wagi Kayo!

  1. Congratulations ulit ABF Jill! Nakakatuwa naman at naisngit din ang mukha ko sa feature mo. Guys, ako yung nasa rightmost part, standing, naka-stripes na may gray bowtie sa third photo. Pa-avail din ha! Hahaha!

    I’m really happy na ang dami mo na talagang na-achieve at a very young age. Yes, very young pa naman talaga tayo. Age is just a number and young is an attitooode. Lakas maka-KC Concepcion!

    Congratulations din, Carl! Ang pasabog ng wish mo for Madma in German! Talaga namang napa-Google Translate ako hahaha!

  2. Congrats NF Jill Masalonga! Ang galing-galing mo talaga, super😀 Ikaw ang epitomy ng basta may will and confidence, maraming kayang ma-achieve sa buhay! WOhooo Happy Birthday! Attend naman kayo ng Birthday Salubong ni Jill sa Uncle Moe’s sa Thursday! Haha

    Ui Carl, Sie sind sehr kreativ und wir lieben es! Oh avail nyo yan! Haha

    Madma, hindi ka na nag-foforeign language (Arabic remember?!) using Google Translate! Hahaha

  3. Lakas maka-mention ni Carl, walang patawad!

    Wooo! Fans na kami ni Madma, kahit pa nung Madang pa lang siya! Yessss! Masugid na tagasunod? TAGASUNOD?! Relihiyon?!

  4. CONGRATS SA MGA WINNERS!

    Kahit naman problemado ako eh naaliw pa rin ako sa mga posts and entries niyo. Thank you all and lalo kay Madma! Taena sana mai-treat kita sa dinner, Madma! Haha. Lakas maka-Mr. Congeniality.

    Update lang po: Naglakas loob na ako at naging maganda ang bunga re: this confession. Masaya! Haha. Pero i still considered your comments regarding this “rebound period” and we talked things over and we decided to take some time (mga 1 month, punto. haha!) para pag-isipan kung ano ba talaga meron sa amin. So ayun, maraming salamat po! Epal lang. Syempre nagtangka akong nakawin shining moment ng winners. haha!

    Congrats, Thank You and More Power, Madma!

    • Hello naman, Katonlover. Grabe pinush mo din talaga si Kuya ha. haha LIBRE MO KO NG DINNER! Grabe!!! Nagdadalawang-isip ka pa?! MAGPADALA KA NAMAN NG PICTURE!!! Salamat naman sa update. Enjoy ka d’yan. Sana maging happy ending. Kung hindi man, andito kame sa Yours truly, Madma na handang saluhin ka. WOW.🙂

  5. Grabe sikat na sikat si Madma sa NGA, paglabas ko ng office, yung nahire ko way back 2010, sinabi na nabasa nya ko sa madmacarta. ANG TAAS MO!!🙂 Kaibigan sya btw ni Carl at taga UP Engg sya.

  6. Congrats to Jill and Carl. or Carla and Carl. Or Carlacarl. hahaha.

    Deathbymilktea, iwelcome naman natin ang newest Madma Cum Laudes. HAHAHA! Kelangan na talaga ng recognition rites para dito.

  7. Lakas maka-mention Carl! Haha! Hi Madma! Fans mo talaga kami! Sobrang benta mo sa org namin at talaga namang hinihintay namin ang pag-aura mo pag Eng’g week!

    Sana maghost ka ulit ng Ms. Eng’g at kabugin mo ang candidates sa costume! Favorite ko yung goddess costume mo. lakas maka-virgin! =)) Yung darna (or wonderwoman) laka maka-puta eh. Haha!

    • Hello naman, @ErwinSoleta! Welcome naman sa blog ko! Finally at nagkadaupang-palad na tayo! Salamat naman at inaantay mo ang pag-aura ko sa Ms. Eng’g. Grabe yung may naga-antay pala sa akin doon! PASABOG! kaka-touch naman. Hayaan mo, this year, babalik ang Reyna! Mas pinalaks, mas pasabog! Hihigitan ko yang Darna slash Wonder Woman costume ko! haha SALAMAT!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s