Welcome to the NBSB Club!

Dear Madma,

Ako po ay 24 years old, sa kamalas-malasan ay single since birth pa rin. Ano po ba ang problema sa paligid ko, sa kanila, sa akin at sawi pa rin ang aking puso?

Nagmamahal,

Rogelia Bigyang-awa

_______________________________________

Dear Rogelia Bigyang-awa,

Welcome naman sa No Boyfriend Since Birth Society a.k.a. NBSB Club! Grabe na din siguro yung “need” mo sa jowa ‘no? Bakas na bakas na agad sa screen name mo! Wawa ka naman.😦 Guys maawa naman tayo kay Rogelia! Bigyan naman natin siya ng awa! Shout ouch naman!😉

Alam mo, Rogelia Bigyang –awa, may apat na factors kung bakit umaabot sa NBSB status ang isang babae. WOW. Apat talaga ha! Lakas! Una na sa lahat eh yung tinatawag na “Environmental Factor.” Paubos na din kasi talaga ang mga “tunay na lalaki.”Ayon nga sa pag-aaral ng mga eksperto, mas mabilis pa ang pagkaubos nila kaysa sa mga Iguana at Bayawak ng Palawan! Lakas maka-Kuya Kim nung part na ‘yun! Pota.🙂 Sobrang endangered na din talaga ang mga tunay at POGI na lalaki sa panahong ito. Ngayon kasi, gusto na din ng mga lalaki ang kapwa lalaki. Daming bakla, ples!  Mamaya kung may time ka, tumambay ka sa mall. Tambay ka lang ha, huwag ka magpa-pick up! Pagmasdan mo lang yung mga tao at bilangin mo ang mga lalaki versus bading. For sure, uugatin ka muna bago makakita ng  sampung “tunay” na lalaki. Samantalang ang bading, naku po, super laganap! Hiyang-hiya ang mga damo sa dami! Medyo “lugi” na din talaga ang mga girls nowadays. Yung mga babae ngayon, generally eh kumare na lang. Hingahan ng mga problema ng mga poging bading at kasama sa parlor para magpakulot. Kaya naman, napakaraming mga fabulous at magagandang babae na nauuwi na lamang at nakukuntento sa mga pangit o tinatawag na “chararat bumba.” Sad but true. Pero ok lang, external factor naman ‘to, hindi mo din kontrolado.🙂

Pangalawang factor eh tinatawag na “Internal Factor.” Pwede kasing ang problema ay nasa personality mo din mismo like super powerful, super achiever or super dominating ka as a person.  Naku mahirap talaga makahanap ng partner ang mga Alpha Women! Lakas eh! Scared ang mga boys! It goes to Alpha Divas as well gaya ko. Grabe yung gumawa talaga ako ng classification for myself! Relate na relate ako sa factor na ito! Masyado din kasi akong malakas kaya kahit na sandamakmak at pakyawan na ang mga bading ay zero pa din. Generally daw, bet ng mga lalaki ang weak at vulnerable. Yung mga ka-peg ni Mara, ganyan! Irita!!! Minsan nga gusto ko lumabas ng bahay na may grasa sa katawan, may mga pasa tapos gula-gulanit ang damit para magmukha akong weak at vulnerable. Ewan ko na lang ha! Nyeta. Ang aarte!

Pangatlo pwede kasing masyado ka ding maraming qualifications na hinahanap sa isang tao. Yung tipong talo pa ang HR pagdating sa paghahanap ng qualifications. Well, guilty din ako dito.🙂 Dati kasi, Diyos ko, wagas din ang qualifications ko sa jowa. Gusto ko matalino, mabait, talented, moreno, mabango, may abs, progresibo ganyan in short ka-level ni Lord! Tapos habang tumatagal ang panahon, dahil na din sa TAGAL eh pabawas na nang pabawas. Umabot na nga ako sa puntong basta humihinga na lang, ok na magka-jowa lang. Alam na alam ‘to ng mga friends! Naku! Major factor din ‘to, swear!

At ang panghuli, pwedeng hindi mo pa din talaga time para magka-jowa! O di ba Divine Intervention ang peg! Naniniwala din kasi ako dito eh. Si Regine Velasquez nga ilang beses na nanalo sa Singing Contest pero sumikat lang talaga nung early 90s! May shining moment din talaga ang bawat tao. Siguro, hindi pa ito ang tamang panahon. Kumbaga eh, hilaw ka pa. Intay ka lang! Hindi naman magsasara yang tinatawag na “kweba” mo. Forever naman bukas ‘yan. Pwedeng agiwin, yes. Pero di naman magsasara kasi di naman yan sugat.🙂

Basta ito lang ang akin: antay ka lang. Nakakarindi man marinig eh, darating din ‘yan. Sa ngayon, habang wala pa, enjoy lang! Darating din ang taong para sa iyo, para sa atin.🙂 Maniwala lang tayo. May tao din, somewhere out there na makikilala natin at makakasama natin for the rest of our lives. Sniff.🙂 Magbasa ka muna ng blog ko habang naghihintay. Sasamahan ka muna namin para di ka mainip.🙂

Yun lang naman. Grabe relate na relate din ako dito, pota! Good luck sa iyo. Good luck sa atin. Paunahan na lang tayo oh! Charoth.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. At talaga namang na-conquer na ni Madma ang TV!!! Woooh!!! Avail n’yo naman ang VERY FIRST APPEARANCE NI MADMA SA TV!!!  Ansabeee!!! Yes, ganyan na kalakas at kabongga ang Yours truly, Madma! Pati-TV, napasok na! Panuodin n’yo naman!!! GO!  Puro pasabog! Nakakalokaaa!!!

Salamat kina Albert Cruz at Melanie Libatique para sa pasabog na video na ito! Pak! Thanks din kina Mark Anthony Lopez at Jeffrey Maloles bilang mga background ko.🙂

I-click ang link na ito para makita ang pasabog appearance ni Madma sa TV! GAME!: http://www.cge.tv/watch/71c3e3f8-b18c-4110-aa11-33aaa47924a6

___________________________________

(The photo below was lifted from this link: http://www.facebook.com/pages/NBSB-No-Boyfriend-Since-Birth-/131011036952543)

48 thoughts on “Welcome to the NBSB Club!

  1. Naku, Madma, di ako maka-relate kasi hindi naman ako member ng NBSB or NGSB. WUW! Baka tambangan niyo ako ni Rogelia mamaya paglabas ko sa office! Hahaha!

    Siguro, Rogelia, bago mo tanungin ang mundo at pati mga inanimate objects kung bakit wala ka pang jowa, paki-assess muna ang sarili mo kung handa ka na bang magka-jowa. Lakas maka-request nung paki-assess ang sarili hahaha!

    Baka naman kasi kaya wala ka pang boyfriend (or girlfriend???) eh hindi ka pa handa para sa ka-cheapan…I mean, sa pakikipagrelasyon. 24 ka na, yes, pero wala naman kasi ‘yan sa edad. Check mo muna kung keri mo na ang mga ka-cheapan tulad nito na naranasan ko rin naman talaga. Pibertday sa akin:

    – Handa ka na bang makatanggap ng text na “kumain ka na ba?” three times a day, or pwedeng 6 times kasama mga merienda? (Ang siba din nung 6 times kumakain ha.) Kailangan may reply. Pag kumain na, say “oo” para magtanong ulit siya ng “Anong kinain mo?” Ang sarap sagutin nito ng “basura! kumain ako ng basura!” Kasi di ba, ano pa bang dapat kainin ng tao kundi, pagkain? Eeriethe! Hahaha!

    – May mag-tetext ng “Good morning bebe ko!” (Bebe? Bitch, please!) at kailangan mong mag-reply dahil kung hindi eh, away na ito. Wuw, ang petty din ha. Meron pa yang “magandang tanghali,” “good night!” Pero give it a month, tatamarin din yan, or wala nang load or di nakabayad ng bill, naputulan hahaha!

    On top of all theeeese, commitment kasi yan eh. So kung hindi ka pa handa at sa tingin mo eh baka bigla ka lang bibitaw in the middle of everything, eh di ‘wag ka munang mangati na magka-boyfriend (or girlfriend??? Tapatin mo nga kami! Hahaha!).

    Or kung tingin mo naman eh ready ka na ng todo, tulad ng dati, tama na naman si Madma. Chill lang, ‘te! Darating din siya, or sila. Wuw ganda rin ha! Hahaha! Maaaring nagkakaubusan ng mga tunay na lalaki kami kami na rin ang nagkakatikiman, pero basta, darating ‘yan. Kapit lang. Magpaka-busy ka muna, maghabi ka ng basket sa ilalim ng dagat or mag-alaga ka ng pusa (tapos dadami yung pusa at makakalimutan mo nang mag-jowa hanggang 65 ka na charaught!).

    Patience is a talent, not just a virtue. I nurture mo yan.

    Wuw. Di pala maka-relate.

    Congrats sa TV appearance, Madma!

    • tinalo ni madma ang mga 6 theoretical perspectives ng psychology. yung environmental factor umeevolutionary perspective, yung ‘internal factor’ very biological and behavioral perspective; yung pagseset ng high standard pasok naman sa cognitive. At yung last naku wala sa psychology ng divine intervention hahaha, wala kaming theory sa power ni god.

      So yung mga hindi mo naman nabanggit e ang psychoanalysis at social perspective na talaga namang dadagdagan ko. iconsider mo din pero din si madma ha.🙂

      psychoanalytic – hindi ka nagkakabf kasi you always dream of having one. nagkakaron ng conflict ang realism and surrealism. nasasatisfy mo masyado ang unconscious mo so parang kahit alam nating sabik na sabik ka talaga hindi mo ito nagagawan ng paraan sa real world. so relax lang wag masyado mangarap at wag mo isatisfy ang desires mo sa dreams or pantasya.

      social – hindi ibig sabihing may bf ay masaya na. wag kang maconform sa society. wag kang magpapressure. kung wala e di wala. ganyan ang ibig sabihin ng social – masyado tayong nadidiktahan ng mga kilos ng ibang tao. masaya ang maging single din. ianalyze mo ang sarili mo, kailangan mo ba talagang magkabf dahil gusto mo? or kailangan mo dahil feel mo right age na pero wala pa din?

  2. Clap clap clap! Congrats sa appearance mo sa TV at inaliw mo na naman ako sa pasabog blog entry mo na ‘to. Sana maliwanagan si Rogelia lalo na sa mga input din ni therobenson ha. Aminin natin may future din talaga sya as an adviser. haha.

  3. naloka naman ako sa “Yung mga babae ngayon, generally eh kumare na lang. Hingahan ng mga problema ng mga poging bading at kasama sa parlor para magpakulot.” pak na pak! relate ang beauty ko (beauty daw oh!) hahahaha! ang bongga ng advice ni Madma. entertaining na, may sense pa! idol!

  4. sabi ni madma: Kaya naman, napakaraming mga fabulous at magagandang babae na nauuwi na lamang at nakukuntento sa mga pangit o tinatawag na “chararat bumba.”

    may nabasa akong tweet. ang tawag daw sa ganyan jackilou: yung chararat bumba jackpot, yung pretty girl naman lugi. haha!

  5. Madma, parang nahiya naman akong umamin na ako si Rogelia Bigyang-awa. -ROGIE ARELLANO (paki-facebook na lang sa mga interesado) HAHA!

  6. haha, marvin, eto lagi topic natin kapag nagkikita tayo mga once a year! at malamang kapag nagkita tayo this year e ganon pa din..;p sabi mo nga, paunahan na lang? haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s