Sugod lang Kuya!

Dear Madma,

Try ko lang baka sakaling mabigyan ng atensyon ang aking mga hinaing. Naaaaaaks! Congrats pala sa kabog mong blog!

Anyway, di na bago ang story ko and maybe may mga nabasa na din kayo na kagaya ng sa akin. Closet gay po ako.Hindi halata from head to toe. Kilos, pananalita, magdamit, lalaking lalaki. Pero kasi nagkagusto ako sa kalaro ko sa badminton who happens to have a girlfriend. Ako naman kaka-break lang sa girlfriend ko 2 days before ko s’ya ma-meet. Promise wala na talaga ako panlasa sa mga lason sabi nga nila.

Minsan nag-inuman kami nitong ka-badminton ko at nalasing s’ya. Wala naman nangyari na kakaiba aside sa nag-kiss kami. Then the next morning, deadma lang, clueless ako kung wala ba talaga s’ya natandaan sa mga nangyari sa amin o pinili na lang niya manahimik. Then a week later, nalaman ko na nag-break sila ng girlfriend n’ya. Message n’ya sa akin inom daw kami ulit ‘pag nakauwi na s’ya by the 2nd week ng June. FYI lang, siya ang nag-insist ng kiss nung nakaraan.

Grab the opportunity na ba ko dito? Kasi sa totoo lang, virgin ako sa mga kapwa ko lalaki. First time ko noon makipag-kiss. Medyo takot ako and di ko alam gagawin pa.

Pa-help naman.

The Man

___________________________________

Dear The Man,

Hello naman sa’yo, The Man! Or I think dapat, The Woman ka na.😉 Because The Man is now The Woman. Char!!!  Lakas maka-commercial ng napkin!🙂 Kaloka ang story mo! Or simply, kaloka ka. Ang dami mong pakulo.  Nahiya yung pictures ko from Palawan! Ikaw na!🙂

Una sa lahat, mabuti sigurong aregluhin mo muna ang gender preference mo. I mean, i-finalize mo muna kung lalaki ba o babae ang gusto mong partner. Haggard ka. Kawawa naman ang mga girls kung ikaw ang magiging jowa in the future. Nireregla na nga sila, sasaktan mo pa. Double whammy!  :) I think, more than anything else, ito muna ang kailangan mong i-resolve, pagmuni-munihan at harapin. Mamili  ka muna kung babae o lalaki ang bet mo. Huwag mong lituhin ang mundo. Nalilito na s’ya to begin with! Alam mo, hindi kasi ako talaga naniniwala na may bisexual. I don’t buy that idea kasi. Kapag tinanong ko ang guy kung ano ang gender n’ya at sinabi n’yang bisexual s’ya, tumawa lang ako. Walang ganoon. Bakla ‘yan! Umaarte lang ‘yan. Chura n’ya.🙂

Nauunawaan ko naman na closet gay ka pa ‘no. Marami namang ganyan eh. Sa circle ko pa lang, DIYOS KO!  Daming paminta. Durog naman. ;) Bago ka pumasok sa next serious relationship, dapat malinaw muna sa’yo ang pagkatao mo. Buuin mo muna ang sarili mo. Unfair din kasi sa magiging partner mo di ba? Like for instance yung last mo na girlfriend, how would she feel kapag nalaman n’ya na yung boyfriend n’ya eh nakapaghalikan sa guy! Di ba! Baka maulol si Ma’am. Magbigti bigla! Buti na lang break na kayo.

With regard sa guy na ka-badminton mo, I think it’s best na i-meet mo na siya. OMG! This week na pala siya babalik! I go mo na ang pakikipag-inuman sa kanya. Single ka naman eh, so walang sabit. Walang masama. Malay mo, siya pa ang magmulat sa iyo nang todo sa kabadingan. Well, bading ka naman kasi di ba?! Sinabi mo ‘yan ha. Weird lang kasi yung part na nagka-girlfriend ka pa. Ang alam ko kasing operative word sa “Closet Gay” ay GAY. Hindi closet. Hindi man mahalata ng ibang tao na bading ka, alam na alam mo naman sa sarili mo kung ano ka di ba?! You can’t fool yourself kumbaga.

Take it from Madma, i-avail mo na si Kuya pagbalik. Mabuti na nga din sigurong ma-try mo naman ang lalaki once and for all para mas makilala mo pa ang sarili mo. I highly think na makakatulong sa’yo ang exposure sa guy to guy landian. Marami ka pang mare-realize for sure. Go lang nang go! Sugod lang! I-discover mo pa ang mundo. I-discover mo pa ang pagkatao mo. Basta maging ready ka lang for anything. Maging open ka lang sa mga mangyayari.🙂

Ayon naman ang saganang akin ano. Balitaan mo na lang kame sa magaganap sa inyo ni Kuya. Btw, magaling din ako mag-badminton! Forte ko ‘to! Laro naman tayo minsan!🙂

Yours truly,

Madma

P.S. OMG! 2 days na lang, “The Big Event” na!!! Grabe ang bilis! Huwag kakalimutang tumutok sa Yours truly, Madma sa June 15, 2012. Sa Friday na ito! Woooh! Mayroon akong inihandang pasabog sa araw na ‘yan! Kaya siguraduhin n’yong maa-avail n’yo ‘to! Excited na ako, pota!

Again, patuloy lang sa pagpapadala ng mga nguynguy/ngasngas sa yourstrulymadma@yahoo.com. Nababasa ko ang mga sulat n’yo, don’t worry! Go lang nang go!

Salamat sa suporta! Mahal kayo ni Madma.🙂

(The photo above was lifted from this site: http://www.apc-plc.com/pagebuilder.asp?id=203)

106 thoughts on “Sugod lang Kuya!

  1. Hi Madma! Grabe baklaan na naman? Wuw. Hahaha! Nasaktan naman ako dun sa paminta part sa circle mo. More on Paprika na kasi ako kesa paminta hahahaha!

    Grabe yung nakaka-relate na naman ako dito, Madma. Alam mong dumaan din ako sa stage na nagka (uuurrkk) girlfriend. Pero malinaw na ang lahat at alam ko na ang gusto ko. Good for me. *pats my own back* Hahaha! Common thing pala talaga ‘to.

    Anyway, The Man, ang apelyido mo ba ay Who Can’t Be Moved or In the Mirror? Pakilinaw ‘to.

    The Man, from a sober point-of-view (kasi baka intoxicated na POV ang ginamit niyo dati), I believe na alam niya yung mga nangyayari kahit na naka-inom pa kayo, lalo na kung mga ganyang stuff, sabihin na nating, kalandian. Hindi totoo yung sa movies na magigising kayo na nakahubad sa kama pareho tapos magtatanungan kayo ng “anong nangyari kagabi?” CHE! Tigilan niyo ako! Hahaha! Tama si Madma. Gusto niyo ang isa’t-isa, so ano pa hinihintay niyo? December 21, 2012? ‘Wag nang magpa-kiyeme, i-push niyo na yan since wala na naman kayong sabit. Ikaw din, baka magkakilala pa kami niyan or sila ni Madma eh, uhmmm, ikaw pa mawalan. Wuw, threatening din ha! Hahaha!

    At syempre, dapat magkalinawan kayo kapag hindi kayo lasing para walang lusot na “lasing ako nun eh.” Pang-tatay yung ganung excuse ples.

    Yun lang, go for love.

    • OMG! Nagka-GF ka nga pala! Pota! Buti hindi tayo magkasama nang mga panahong ‘yan! Masasapok talaga kita! haha Nakakaloka ka! Eeeew!

      Pero, apir tayo sa dapat bilisan nila kumilos. Alam naman nating maraming “predators” sa paligid! Baka makuha pa ‘yan ng iba! So aura na. GO!

  2. Pasabog naman tong si The Man. Sabi na nga eh, PAG MAY ALAK, MAY BALAK! Gusto ko yang atakeng lasing lasing tapos halikan bigla. Lakas maka xerex story sa abante haha. Anyhooo, ano ba girl! Wag na magpatumpik tumpik pa. I-atake na yang si kuya. Ako eh naniniwala rin ako kay madma na walang bisexual. Bi now, gay later ang drama (ansabe?). Kasi teh, once na magkaroon ka ng onting crush or gusto sa lalaki, teh bakla na yun for me. Eto eh opinyon ko lang naman, suportahan mo naman ako rito madma. Grabe parang ayaw.

    So ayun, basta pag nasimulan mo na, wag ka na bumalik sa the ‘dark side’ aka p*kp*k. Choos! Sorry naman, dami palang kipay na nagbabasa ng blog na to! Haha. Teka matanong ko nga, nagsex ba kayo ni ex gf? Or nag petting? Tinayuan ka ba? Omg ang halay din. Haha.

    Basta The Man, once naka pagdecide ka na h ifollow mo ang heart mo.🙂 wag ka mapressure na hindi naaayon ang preference mo status quo. Ikaw lang makakapag palaya sa sarili mo🙂 yun lang.

    Nga pala, nagka gf din ako! At maraming nilandi sa side side na babae. Pero nung narealize ko kung ano gusto ko, dinispatsa ko agad mga babae at nagpaka pokpok ako. Haha. Yun lang.🙂

    • Suportado kita, 100%! Pak na pak ang comments mo! ISang BIG CHECK! Yang mga lasing lasing na ‘yan, nagawa na ‘yan! Kabisado na ‘yan. hahaha

      Gusto ko ang derechong tanong mo re: sexual experience ni The Man sa ex-gf n’ya! LOVE IT!

      HINDI ko kinaya yung nagka-GF ka din! ano ba ‘yan! Isa ka pa. hahaha KALOKA!!!😉 Sige, ako na nga din, nagka-GF na lang din! hahaha

      • Ahah! Oo naman. Nung mga una tinayuan ako ng bongga, may muntik pa nga ako mabuntis. Pero nung mga last 2gfs wala na sex. Unless magsuot sila ng football jersey at maghelmet and act like a real man… About naman sa lasing lasing, yup i don’t buy that, that’s why nag sulat ako kay madma na baka may isang makakabasa na may ganun exp. since wala naman, confirmed! Gusto nya ang halik ko hahaha!

    • Haha. Pasabog ka. Grabe yung napasok mo talaga ang masukal na kagubatan ni eba para marating ang kanyang hiyas (nyeta xerex na naman! Kasalanan to ng tengenang abante. Dapat di binebenta sa kabataan to eh hahah). Pero im glad na at least alam mo naman na gusto mo ngayon at confirmed mo na. At least binreak mo na si gf para magfulfill ang hinaing ng iyong damdamin🙂 Congratulaaaatiooons!!!

  3. Syempre no, para magkaalaman na! Baka naman GF for show lang yan! Tipong dahil sa pressure. Na hindi naman talaga nya bet.🙂

    Ako kasi nung nagka GF ako eh petting lang kami. I can say na “relationship” wise, kumbaga eh yung companionship eh tatagal ako sa babae (pwede na kami magkulutan, magmanicure, pedicure ganyan). Pero kung sa kama, parang di ko maimagine. Natanong nga ko ng kaibigan ko once, ‘what if may isang super seksi na babae tapos hubo’t hubad na nagsplit sa harap mo, ano gagawin mo?’ Sagot ko?
    MAGSSPLIT DIN AKO!😀

    Tignan lang natin kung sino mas flexible! choooos! So ayun, after that eh narealize ko na kung ano ang bet ko. So dali na, ano nagsex nga ba kayo? Kasi kung hindi, ay teh, confeeeeermed na yan!😀 Wag ka na umarte.😀
    So, aura na agad kay kuya!😀 Paka-pokpok ng comments ko ples!

    • PASABOG ang comment mo! LOVE IT! wahaha tawa ako nang tawa! Nakakaloka ka! Bwisit yung mag-split ka din! wahahaha! Well, happy na man ako for you kasi at least ngayon eh alam mo na talaga ang hanap mo sa buhay. Kumabaga eh “nalito” ka lang siguro datin.

      Sana mag-reply si The Man para mas pasabog! PAGING The Man!

      • Sorry late reply! Sa saturday pa yun. Delay daw ang pota, i mean yung biyahe niya. Linawin ko lang sa iba huh, just because nasabi ko na nagka gf ako, doesn’t mean i’m bisexual. Nasubukan ko ng makipag chat at ang kapit bahay naming parlorista na nakachat ko ay bi daw. So since then sabi ko there’s no such thing.

  4. nako Madma, wag mo na i-endeavor ang mag ka GF. masakit sa balls teh. para kang everyday nagpapanggap! Feeling mo ikaw sa superman pero deep inside gusto mo talagang maging wonderwoman! Nyeta yan. haha

  5. Yung sa petting eh wala ring epek madma! Sige fine, malambot, masarap (POETAH yung MASARAP?! haha) pero hanap ko kasi eh yung tipong hihingalin ako after ng kiss at hawak kung saan saan. Dapat naghahabulan ng hininga, eh pa-kiyeme naman si ate na naka petting ko. Mahiyain. Langkwenta. So ayun, inantok ako. Note, ginawa namin to malapit sa lagoon ng UP. WUW! adventure din. hahaha daming SSB (SipSip Butu) around. hahaha

    • DIYOS KO! Lakas maka-Xerez Xaviera ng chismis mo! Kinikilabutan ako sa fact na kumi-kiss ka ng girl! hahaha I mean, I love Girls ‘no. Pero for chikahan lang. hahaha Ang hot naman nung nagpe-petting sa Lagoon. Medyo exposed din kayo sa tinatawag na “dengue” ha. haha Pasabog ka! Wala akong masabi! hahaha

      • Ano ba madma, gabi kasi yun. Walang dengue or denGAY (akmang akma sa bakla comments and commentators ng blog na to). Ay nako, idadag dag ko na ring idicator ng kabaklaan ang pagbabasa ng blog na to. Hahha😀 once nasa browser history mo to blog ni madma, ALAM NA!

  6. Kung ang payo niyo kay The Man ay go lang, ano naman ang maipapayo niyo sa mga gusto nang magbago katulad ko? May pag-asa pa ba talaga? May alam ba kayo na success story tungkol dito? Christian kasi ako. Ang dami ko nang sinaktan na lalake, at ayoko nang madagdagan pa. Sobrang naguiguilty kasi ako every time may ginagawa akong kabaklaan. Gusto ko na talaga magbago.😦

      • Teka teka di ko rin kaya to! Haha. Sorry teh ha😦 once you pop, you can’t stop. I mean fine sige, wag ka kumiri ng mga lalaki. Perp hanggang kelan mo kakayanin yan? Alam mo, mapalalaki, babae or bakla or tomboy, punyeta pati nga mga insekto eh may partner. Ikaw pa kaya na tao na kailangan ng pagmamahal, kalinga at pagaaruga (tengena, lakas maka Bear Brand commercial)? Kasi once na nadiscover mo na yan, hahanap hanapin mo na yan eh. Hahanapin mo ung pakiramdam na kasama may kasama ka. Sabihin na nating marami kang kaibigan, iba pa rin ung company ng isang matatawag na “partner”. Bakit? Pakikiligin ka ba ng kaibigan mo? Malilibugan ka ba sa kaibigan mo? Haha pwede. Pero ayun, bottomline is mahirap yang gusto mong iachieve. Andaming gusto magbago kuno kaso pag walang nakakakita, ayun nagpapamasahe sa kamuning, sa nay timog. Hahaha. Dami ring alam, ipaglipit na ko. Pero kung yan ang desisyon mo, sana magawa mo sya.🙂

      • wahaha ang fierce mo din mag-comment ha! Love it!🙂 Well, mahirap naman nga ang gustong ma-achieve ni Jacob Lust, pero agian, he can always try.😉

    • Grabe ang taray ng story mo. Gusto kita i-feature ha, in fairness! Ang pasabog eh! Pero since andito na ito, sasagot na ako.🙂

      Alam mo, lagi’t lagi namang pwedeng magbago ang tao eh. Laging andyan ang option na magbago in all aspect ng buhay. Sa kaso kasi ng pagiging bading, pwedeng “baguhin” yung habit/lifestyle or mga activities mo bilang tao pero hindi na mababago ang fact na bading na ang puso mo. Example, pwedeng magbago ka in a sense na hindi ka na makikipag-relasyon sa mga lalaki, di ka na makikipaglandian, makikipag-sex sa mga guys ganyan. Itong mga bagay na ito pwedeng “baguhin.” Pero yung puso mo bading na ‘yan. At some point in time, aatakihin ka na naman ng lumandi sa mga lalaki etc. At some point, titingin at titingin ka pa din sa mga lalaki. Simply put, makokontrol or mababago mo lang ang mga actions mo pero hindi ang puso at nararamdaman mo. Hindi naman kasi sakit ang pagiging bading na nagagamot. Isa itong hiwalay na estado sa lalaki, babae at tomboy.

      Re: naman sa kung may alam akong success story na nagbago from pagiging bading, meron. Pero again, nabago ang mga actions and lifestyle. Pero I don’t think, nabago nila ang puso nila.🙂 But then again, you can always try naman. Malay mo, exception ka.🙂

      • Madma, ang insightful ng comment mo.😀 lovet. Feeling ko big sister (babae talaga) kita tuwing nag aadvise ka.😀

      • Teka parang ang hirap hirap ko naman sa nickname ko na boypalaboy. Hahaha. Haciendera po ako! Marami kaming lupain. Isa akong Ayala! Chos. Taena sabaw agad sa umaga. Haha

      • halata bang wala akong magawa? at binabasa ko na pati mga comments at kwentuhan dito?

        Niweis, gusto ko yung idea na pwedeng magbago. Sabi nga, isang magandang salita ang posibilidad. And the other thing that what the mind can conceive, kayang i-achieve. Though cliche ang mga ito, at alam naman nating pampalakas lang ng loob, baka naman kung gugustuhin niya, e maging tunay na lalaki siya.

        Ang tanong lang naman na sisibol dito, sa ganitong usapin, e made-define pa rin ba siya ng kanyang nakaraan?

        At ano ba ang pagkalalaki? Ito ba ang hilig sa sex sa kung anong kasarian, o ang state of mind? kasi kung naniniwala si Jacob Lust na lalaki na siya, pero may mga nagawa siya before? Ano na ang tingin sa kanya? Para na ba siyang kriminal na forever na branded na masamang tao dahil nakapatay kahit nagsisi? Or is he a new man after magsisi, at may pagkakataon ng magbago?

        Mga kaibigan, usap tayo.

  7. The Man, enjoy kayo sa pagtira sa shuttlecock (kaso dahan-dahan lang, baka makalbo agad haha). Yes, lakas maka-badminton analogy.

    Anyway, medyo Freudian ang paniniwala ko sa sexuality. I think it’s fluid naman. Sadyang marami lang tao nowadays ang ginagamit ang bisexuality to get away with their homosexuality. Pero that doesn’t mean na wala talagang totoong bisexual (o pansexual o polysexual). Kanya-kanya yan. Haha. Pero ayun, tama nga na kailangan nang mag-decide ASAP lalo na kung may ibang taong involved at pwedeng masaktan.🙂

    And besides, we don’t really have to put label on everything. Mamuhay tayo sa paraang gusto natin as long as wala tayong idadamay o sasaktan o tatapakan na iba. Natural lang malito, pero huwag sanang manglito. Ayun lang, just my two cents. Good luck sa laro ninyo, The Man!😀

  8. Madma hahah!!! Pinakabet ko ang PAPRIKA more than anything else HAHAHA!!! Samin kasi Peppermint lang eh, yung parang amoy amoy lang. Aromatherapy ang peg HAHAH! At true sa mga kloseta. Daming ganyan sa ChE HAHAHAH!!! Alam mo na yan hahhahaha!!!

  9. Oo naman teh aminado ako na beki ako, hindi lang ako komportable na pag may nagtanong if i’m gay sasabihin ko na directly “yeah i kiss guys, and i’m about to suck a cock” hahahah! Baka magtambling yun. Gaya nga ng nasabi ko, i’m gay at talagang natatabangan ako sa tahong, allergic na nga yata ako eh.

    As for the event, sa saturday pa yun. Hindi natuloy umuwi. Excited much! Salamat pala mama dear.

    • Teh ang mga seafood ngayon eh not for consumption! Panahon na ng tag ulan, Red tide! Haha. Wuw! Ikaw na ang may ineexpect! Haha. Kakaexcite naman yan. Iupdate mo naman kami!

    • Hello naman, The Man! Grabe napasagot ka din talaga sa mga controversial issues na binabato sa’yo ha. Salamat naman sa pagbabahagi ng sarili mo. Excited na kame sa magaganap sa inyo ni Badminton Buddy sa Saturday! Woooh!

  10. todo rin sa ratings kapag baklaan ang issue. Anyway, ask ko lang madma, and i wanna take it from you… sabi mo kasi, try niya yung kapwa lalaki niya. kapag ginawa ba niya iyun, as in ni-try lang, pwede pa rin ba niyang i-claim na straight siya?

    • Hello naman, Bette! Ang taas din nga talaga ng ratings ‘pag ganito ang topic. hahaha Alam na. hahaha

      Grabe ang pasabog naman ng tanong mo! Mapapalaban na naman ako sa sagutan! Ka-level ‘to ng Q & A portion sa Ms. Universe ha! hahaha Buti na lang nakapag-lunch na ako. May energy na. hahaha GAME!

      Deretsahang sagot: Oo, bading na s’ya kung ako ang tatanungin. Hindi na s’ya straight ‘no! Kumaliwa na s’ya eh, so hindi na straight! Sa akin kasing pamantayan, ang ultimate criteria ko for determining if a person is gay is kung pumatol na siya sa kapwa guy. Every time na nagdududa ako sa isang lalaki re: his gender, ang pinaka-clincher ko to arrive at my decision is kung nakipag-sex na s’ya sa kapwa guy or nagka-BF na s’ya before. Hindi sa akin masyadong nagma-matter kung ang kilos n’ya ay malamya or mahinhin etc. Ay, nagma-matter din pala. Pero slight lang. PERO, bibigyan ko pa din siya ng chance or yung tinatawag na “benefit of the daw.”🙂

      Iba iba naman ang views ng mga tao sa bagay na ito , which I respect din naman. Halimbawa, sa mga post-modern at liberal na tao, hindi dapat nile-labelan ang gender at dapat walang pakialamanan. Sa mga religious naman, rigid ang classification. Lalaki at babae lang. Lahat ng “others” impyerno na ‘yan. Sa mga kababayan naman nating taga-Bohol, maayong udto sa inyo tanan. WOW. Any-any. Kaloka.🙂

      Take it from Madma, bading na ‘yan kahit tikim lang sa kapwa lalaki. So there. Thank you very much judges.🙂

      • Hahaha! May kilala ko ganyan. Hindi daw sya bading, open minded na straight tripper lang daw sya. Gusto ko buhusan ng maalat na tubing ang mga biyas para lumabas ang pagkasirena nya.

      • I actually agree with madma. Kasi once na nag-try ang isang lalaki na tumikim ng isa ring lalaki, YUN NA YUN! A straight guy wouldn’t even think of this (im sure masusuka yan sa thought pa lang)🙂 Pero maganda ring batayan ang pagkahilig sa divas (wow isiningit din), ie the following:
        Regine Velasquez – Aminin mong bet ng mga baklang abutin ang boses ni ate Reg. Ginagaya rin ang kilos nya (ie ang wrist nya kapag bumibirit)
        Mariah Carey – Wag kayong umarteng hindi nyo tinry na gawin ang falsetto ni Mariah. Haha Im sure once in your life tinry mo, pero narealize mong di kaya, kaya kay Jaya ka na lang nagsettle! haha

        Basta kung present ang kanta ng mga divas na to sa Ipod/ Itunes or mp3 player, ay bakla na yan! Lang sense sinasabi ko! Haha

        Basta nga, kung nagtry na ung guy, thats it.🙂 Hello Madma! I miss you naman! Grabeng active ko sa blog mo!

      • OMG!!! Ang bongga ng comment mo! Dami kong tawa!!! Gusto ko ang input mo re: batayan ng pagiging bading ang pagkahilig sa Diva!!! SO TRUE!!! Sorry medyo busy ako today. Bukas monthsary na!!! WTF! Salamat sa mga pasabog mo, boypalaboy.🙂

      • ay madma, may kilala akong pasok sa dalawang vdery important categories/criteria na ito.

        nakahalikan na ng lalaki, not once but twice, being me as the one. ahahahaha! atsaka mariah fan, from the falsetto to the mp3 to the hand gesture.

        sadly, straight pa rin siya.

        paano kaya siya mapapalabas sa closet, nang labasan naman siya in a way na sa tingin ko ay gusto niya. Ahahahahaha! Ang bastos nung labasan, putang ina.

      • HAHAHA tang ina nung labasan! ang Deretso! hahaha Grabe, i go for nabubulok na yung laman n’ya bilang tao. hahaha Kilala ko ba ‘to? WOW. chismosa! hahaha

      • Haha. Oo madma! Kasi once eh nasa bus ako, syempre paminta ang peg ko from head to toe. But no, nung tumabi ako sa isang ate eh lumingon sya sakin. Aba syempre deadma lang ako pero napangiti sya. And then narealize ko, BUTTERFLY ni Mariah Carey ang tumutugtog sa ipod ko! Eh puneyta ung ipod earphones, sobrang rinig na rinig ng iba kapag nakikinig ka. Walang privacy! So aun, para kunwari eh di ko sya napansin eh tinapos ko pakinggan ung song! Pero after that eh lipat agad sa Lifehouse (at least eto eh hindi masyadong giveaway!) haha

  11. Anggaling naman nung idea na poly-sexual! haha Madma, gusto mo ba maging ganon? Like for example, quadsexual pwede sa Girl Boy Gay Tomboy? ay may ganon ba? so kung polysexual na marami pwede sa any-any na lang?! Gusto mo ba yung idea na yun Madma. Hope you can give ur opinion re: polysexuality😀

    • Grabe isa ka pa! Ang dami ding mga biglaang tanong! Para na akong nasa-pageant! hahaha Pero, GAME!

      Re: Polysexuality, I think EXCITING s’ya. Ang post-modern! Parang gusto ko nga ang ganitong idea.. hahaha

  12. Sugod lang ng Sugod The Man…..

    Pansin ko lang yung mga guys na nagbabadminton ay Gay or may tendency na nagiging One of Us………….. sana may mahanap din akong ganyan sa pamumundok ko.

    Advise ko lang The Man….. assess mo din si BADminton buddy mo kung top o bottom yan…baka kasi paggawin nyo na sa dilim yan… tapos pagbukas ng ilaw parehas kayo nakatuwad…..

  13. And since pasabog ang thread na ito, may nagpapa-announce ng isang invitation: Pink Speed Dating. June 22, 2012. Legend Villas Boni. 7pm. Reg Fee is 750Php. Text Hazel (09175822458) ATTACK!!!

  14. Gusto ba ni The Man maging bading? Meron ako kasi kilala na alam ko naman na bading pero they chose not to kasi ayaw din naman nila. They want to live the stereotypical life, so alangan namang ipilit ko na magbading sya kasi alam naman. Tama yung part na kilalanin muna ang sarili, kasi pag sinimulan na nya tong byahe na to di simple magmani-obra.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s