Heartbroken si Ma’am

Dear Madma,

Anong advice mo sa mga bagong break-up?

Need your insights. Alam mo namang winawatch kita.

Thank you.

Waka waka

___________________________

Dear Waka Waka,

Hello, Waka waka.  Ang timely naman ng issue mo. Napakalamig kasi ng weather today! Ang sarap talagang makipag-sex. Charoth! Ano ba?!😉 What I mean is masarap pag-usapan ang mga ganitong kaartihan kapag malamig. Perfect story for this perfect weather. Ang lamig ngayon, pota! Katamad pumasok, aminin n’yo! Sarap lang makipag-yakapan. WOW! Needy din ha.😉

Anyway, deretsahang payo: Enjoy the pain! Wala namang ibang paraan ng pag-cope sa break-up kundi umarte-arte at umiyak! Iyak ka lang nang bongga, mag-reminisce ka ng mga happy moments n’yo together, makinig ka ng mga break-up songs tapos punta ka sa shower para humagulgol habang sumisigaw ng “Ang dumi-dumi ko!” Charoth. Lakas maka-eksena sa pelikula! ;)Basta enjoyin mo lang, Waka waka. Isagad mo lang ang sakit hanggang sa maging manhid ka na. Lilipas din kasi ang sakit. Lahat ng pain, for that matter. Mapapagod ka din at babalik sa katotohanan eventually. Enjoyin mo lang ang low moment na ito gaya ng pag-enjoy mo sa mga high moments n’yo ng ex-mo. Hindi nakakamatay ang break-up so huwag kang matakot. Ang nakakamatay ay ang pagiging tanga! At tsaka pagtawid sa maling tawiran. WOW.🙂

Alam mo, tama ang sinasabi sa kanta ng The Script na “Breakeven.” Di ba sabi sa kanta, “And when a heart breaks, no it don’t breakeven.”  Totoo ‘yan! Hindi talaga even ang break-up! Mayroon talagang mas masasaktan at mas mauulol. Habang ang isa ay nagkakape lang sa Starbucks at lumalandi na, ang isa naman ay nasa CR at may hawak na blade at ready na magpakamatay. Ang extreme din ha! Well, ganoon naman kasi talaga, magka-iba ang level of love na binibigay ng mag-jowa sa isa’t isa at a given period. Kahit sa friendship or any kind of relationships. Malas mo lang kung tumapat ang break-up sa moment na give na give ka.🙂

Basta tandaan mo lang, kung ikaw ang nasa ulol or “losing” side, iyak lang. Tawagan ang mga friends at kumare para  sa isang bonggang inuman at i-chika ang malagim na pangyayari. It helps din kasi talaga na i-chika siya sa iba at sa pinakamaraming taong pwedeng pagkwentuhan. Huwag mong sarilinin ang pain! Hindi mo ikayayaman ‘yan.🙂 Pagurin mo lang ang sarili mo kakachika. Mare-realize mo na lang, mukha ka ng tanga sa kakaulit.  Tapos, ok ka na.😉 On the other hand, kung ikaw naman ang nasa pak or “winning” side, hayaan mo lang yung partner mo na ngumawngaw. Basta tapusin mo lang nang maayos at malinaw ang relationship n’yo. Period! ‘Yan lang ang role mo for now. Huwag mo na siya guluhin, huwag mo kausapin, huwag mo i-check, huwag mo i-text or tawagan or whatever. Just let him/her be. Hindi ‘yan mamamatay. Makaka-move on din ‘yan.  Huwag mo siyang i-friend sa crucial moment na ito kasi WEIRD!!! Huwag mo siyang tawagan para kamustahin kasi ang sagot ay HINDI OK!!! Basta, total communication blackout! ‘Yun na!🙂

To be honest, hindi pa naman ako nakikipag-break ‘no kasi hindi pa naman ako nagkaka-jowa.😉 Feelingera lang ako.🙂 Kung maka-payo din naman eh ‘no. Pero kasi ang daming times ko na ding nasaktan so I think almost same lang ang total ng pain na pinagdaanan ko versus pain sa break-up. Or pwedeng pa-involve lang din talaga ako.😉 Che! Ako kasi masyado kong mahal ang self ko kaya mabilis ako maka-move on every time na nasasaktan. It helps din talaga kapag mataas ang self-respect mo sa self. Ang daming word na “self” doon! Nasasaktan din naman ako just so you know! Grabe yung hindi! Basta, laban lang! Matatapos din ang lahat.🙂

Take it from Madma, enjoy the pain.😉 Sa bawat bagyo at unos sa buhay, may isang maliwanag na araw na naga-abang. Sa bawat paghihirap eh may saya! So go lang nang go. Hindi natatapos ang buhay sa break-up. Natatapos lamang ito kapag tumigil ka ng lumaban para sa buhay.🙂

Mahal ka ni Madma. Mahal ka din ng fans ni Madma.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Tuloy lang sa pagpapadala ng mga nguynguy at ngasngas sa yourstrulymadma@yahoo.com. Pag-uusapan natin lahat ‘yang issues n’yo! Ngayong nasa 2nd month na tayo, I promise to give you more pasabog stories!🙂 Mas magiging palaban din ang ang mga payo ni Madma.

Salamat din sa lahat ng mga naging part ng pasabog weekend ko: Sa UP Journalism Batchmates ko na sina Alanah Torralba, Kathryn Raymundo, Jake Soriano, Sir Christian Saguin at Glenn Perez! Salamat naman sa t-shirt, Glenn at sa libreng Kimmy Dora ticket, Katray! So happy to reconnect with you! More bonding, please!

Salamat din sa pagbisita, Kristy Ann Texon sa Hathie kahit na tinulugan mo din kame! We love you.🙂

And of course, salamat sa EPIC ACE WATER SPA bonding kagabi with my The UP Repertory Company family! SAYA!!! Pang-mayaman! Kingina! Tubig paaa! I love you all.❤

Belated Happy Father’s Day!

(The photo above was lifted from this site: http://www.cherrybam.com/heartbreak-graphics.php)

114 thoughts on “Heartbroken si Ma’am

  1. Yehey! The Script! Haha. Fanboy lang.

    Ang galing lang, lahat ng sinabi ni Madma ay ang sasabihin ko if ever ako ang magbibigay ng payo. Haha. Good luck Waka Waka! Isabay mo lang sa buhos ng ulan ang iyong luha, para hindi halata. Haha.

  2. I go for total communication blackout. ‘Wag nang magngasngasan lalo na sa Facebook. Tapos na nga eh, di ba? Ganyan ginawa ko noon. (Eto na yung hugot part).

    Alam mo, Waka Waka, parang hindi ka naman sad dahil ang saya-saya ng screen name mo. So I assume, ikaw yung nasa PAK side, sabi nga ni Madma. Well, pareho tayo! Ganda natin! Hahaha! Wuw.

    Mahirap ang break-up, lalo na kung clingy si te or koya. Kaya nga, I burned the bridge when we were unable to get there. Wuw. Arsonista pala.

    Sana lang, Waka Waka, hindi siya clingy at nagsesend ng mga banta like the following:
    1. Alam ko kung saan ka nakatira.
    2. Sa Makati ka nagwowork, di ba? Ingat ka.
    3. Alam ko kung saan ka dumadaan pauwi.

    Madma, bukod sa pag-triple lock ng door, paano ang atake kung may mga ganitong stuff? May ngawngaw din pala ako after all. Hahaha!

  3. I agree with madma. Me kasabihan nga tayo ano, time heals all wounds. So go lang ang buhay… lilipas din ang mga araw. Give it time to heal. After several months (like 5 or above) that’s the perfect time to reconnect. Swear u’ll be good friends by then. =)

  4. (Yes nakikigulo ako!)

    Totoo yung total communication blackout. Pero wag mo i-expect na makiki-update pa rin ang ex mo sayo. E in-unfriend mo sya e, tapos mae-expect ka na magiging resourceful sya na makitsismis tungkol sayo? Feeling mo lang! Hahaha. (Wow may pinaghuhugutan)

    Di ko lang gets kung bakit may suicidal na eksena sa breakup. Bakit kailangan umabot sa ganun, nagkaanak na ba kayo? May prenuptial agreement na ba na ikakalugi ng negosyo mo? Wala ka na bang matitirhan pagkatapos ng breakup nyo?

    Just wondering. Wag nyo ko pansinin. Or baka kasi, nasa winning side ako. HAHA HABA NG HAIR KO, ABOT HANGGANG QUIAPO. K.

    Go Madma, we (Gens, Carl, and the rest of the gang) are yor avid fans! Tataas talaga ang hit counter mo sa amin. Charaught!

  5. Boom! Grabe karelate ako sa dito ah!….

    Yes indeed Savor the Pain….. Cry me a River kung kailangan.

    I was on the Losing side that time kaya ang kanta ko para sa sarili ko ay Nothing ng The Script (lakas din maka The Script). Uminom, nagObar, tinawagan at pinilit ang sarili na kanya…. pero later on I realized, nagpapakatanga na ako kaya stop na sa mga kabaliwan…. I moved from QC to Makati. Naglipat din ng work….. in short kinalimutan ko na sya at lahat ng mga bagay na nakakaremind sa kanya.

    Tama ang mga sinabi ni Madma (as always! kahit hindi pa daw cya nagkaJowa)

    Emote emote lang tayo, pero wag habaan ang emote stage (magtimeframe ka) then pasok ka na sa Moving On Stage…. (if ikaw ang iniwan ha!)

    If ikaw naman ang nangiwan… wag na icontact… nageemote na nga yung nganga magpaparamdam ka pa… lalong nganga ang drama nya.

    Dats all…… baw!

  6. sana naman ma-post ang comment na to, dahil profound to fo sho, mahihiya ang comments ni @therobenson na mas mahaba pa sa actual blog ni madam.

    hey waka waka,

    alam mo yung kamay ko maliit, parang kamay ni waka-waka, haha!

    break-ups are never easy. (and when a heart breaks,no it don’t break even –favorite ko din kasi ang The Script)
    mahirap, masakit, nakakapagod and yes, minsan nakakamatay. hindi totoong hindi nakakmatay ang break-ups. hindi ka man mamatay physically or clinically, but, in a way, it can kill you. it can kill a part of you and you’ll never be the same person. (arte?)

    do whatever you want to do, in order for you to forget. tama yung suggestions ni madam.
    1. uminom ka ng uminom hanggang magka-liver disease ka (kaya na ng liveraide yan)
    2. share your problems with your friends (kahit naiirita na sila makinig sayo, ittolerate ka pa din nila, kung hindi. pwede mo nmn silang i-unfriend/unfollow).
    3. pwede mo din isubsob sarili mo sa trabaho (like 8hrs shift then 10hrs OT, then 12hrs RDOT, ganyan)
    4. or makipag-date ka everyday (i suggest, speed dating para makarami, sayang din kasi yung time kailangan imaximize)

    pero hindi 100% satisfaction guaranteed yung mga suggestions namin ha. kasi, i tried everything in the book (“how to get over your ex” by Niccolo Machiavelli) pero hindi effective, nagkaulcer nko kakainom at yosi\; ako na mismo sumuko ngumuyngoy sa mga friends ko; tried dating guys, hot guys ha (hot din nmn kasi ako. WOW) but to no avail. what really helped me was TIME.
    eventually, dadating din yung panahon na mapapagod ka kakaiyak, your scars would heal, and before you know it, ok ka na pala. aura na ulit. kaya magpakatatag ka lang, wait for the storm to subside, wade against the tide.

    for now, have faith, be strong and be patient..matatapos din yan.

    ang haba ng comment. may pinaghuhugutan?!
    happy birthday jill&phillip!

    • *Clap, clap, clap (with standing O!) IKAW NA!!! Ito pala yung sinasabi mong “comment!” hahaha Eh ka-level na ‘to ng entry ko eh. haha LOVE IT, Witch! Lalim. Nalunod ako!

      Tawa ako nang tawa sa “Hot din naman ako.” WOW! Kingina, buhat bangko oh! hahaha ang taray ng mga suggestions mo! Ang “personal.” haha sayang naman at hindi namin masyadong nasaksihan itong “breakup” moment mo! Matatawa siguro ako. hahaha

      Korek yung “time” talaga ang sagot ultimately. PEro while waiting for it, kailangan din talagang may gawin. haha So landi landi, arte-arte ka muna in the meantime. haha

      Naaaliw ako sa comment mo. Welcome naman sa YTM. Buti naman at natutunan mo na yung tamang way para mag-post ng comment here. haha Love you, witch!😉

      • sorry ha, i was distracted while writing my “comment” so hindi ko nabigay yung best ko. plus, nahihiya kasi akong habaan, baka magalit si @therobenson, ayoko mangagaw ng limelight.

        buti na lang hindi nyo nasaksihan yung “breakup” moment ko. it was so ugly, mahihiya yung lovechild ni diego at mahal sa kapangitan.

        i’ll see you soon, witches!

    • Hi Ed! Welcome sa blog natin! Natin?!? Hahaha! Gusto ko yung from a clinical point-of-view na atake mo. Ang todo naman nung OT at RDOT suggestions ha. Kung ako yun, Baygon na lang siguro. Mas mabilis. Chart. Hahaha!

      Alam mo, Waka Waka (wuw, hanggang dito may payo pa rin) tama si Ed. Manalig ka na it will all get better in/with/through time. Tulad nga ng sabi ni mareng Leona Lewis. At tandaan, what doesn’t kill you makes you stronger, sabi ni ate Kelly Clarkson. ‘Wag ka namang pakamatay, grabe.

      • Wahaha. Iba din talaga ang “clinical” na atake ni Mam. And btw, gusto ko aralin ang kantang ‘yan ni Ms. Kelly Clarkson!!! I think bagay s’ya sa quality ng voice ko, which is powerful. haha Piberthday.🙂

      • hey benson, i really love your blog! i’m a total fan. sino si madam? haha.. F na F din naman naten.

        yung Baygon kasi lasang ga-as (at bakit ko alam?! well, ipis ako nung past life. chos), mix it with honey, to make it more palatable na lang. (tea?)

        well, andami na naming suggestions ni benson, sana naman nakatulong kami sayo Waka Waka. next time samen ka na sumulat, para derecho na, wala nang middle man or middle madma. hahaha. love you, Madam!

      • wahahaha TAWANG TAWA AKO SA COMMENT MO!!! Best yung middle Madma! Kingina. Grabe ito na talaga ang blog ng bayan! Lahat may entries. Mahihiya ang Filipino teacher. hahaha Best mo, Witch! Irita!

  7. Nakakatuwa ka talaga @therobensons. Iba ka!
    Ako naman ang payo ko ay “alsabal”
    Salamat kay ed sa pagbati.😀

  8. Hello Waka waka,

    Lahat naman yata tayo pinagdaanan na yan. Ako merong sariling method para diyan. Ang WAM method.

    W is weep. Yes, tama si Madma. Iiyak mo yan ng bongga. Sa pag-iyak kasi nalalabas mo hindi lang ang sakit na nararamdaman mo pero pati na toxins sa mata mo. Libreng linis ng mata, ganyan. Mas okay kung may kasama ka umiyak, para may sharing din na magaganap. Bigyan mo yung sarili mo ng timeframe ha (like 8 hours of weeping, ganyan), tapos ilabas mo na dun lahat. Manood ka ng mga super nakakaiyak na pelikula o series. I suggest yung One Liter of Tears. Naubos luha ko dun eh. Sniff.

    A is accept. Ito yung pinakamahirap (and oftentimes pinakamatagal) na part. Pag tapos mo ngumuynguy, iready mo na ang sarili mo na tanggapin na wala na talaga. Iwaksi lahat ng bagay na makakapagremind sayo sa ex mo. Alam kong memorized mo ang phone number niya, pilit mong kalimutan. Magbasa ka ng madaming numbers, punta ka sa lotto outlets, ganyan. O kaya imemorize mo yung numbers ng mga kaibigan mo maliban sa kanya, para makalimutan mo lang.
    Mas ok din kung magbabago ka ng physical appearance. From long hair eh magpakalbo ka, ganyan. O kaya magpasex change ka, para drastic change talaga. Haha. Joke.
    Pero seriously, nakakatulong ang pag-reinvent ng sarili. Kasama kasi dun yung pamamaalam mo sa dating “ikaw” at sa pagharap mo sayong bagong sarili.
    Hindi ka makakamove-forward kung walang acceptance. Wag ka na magdwell sa past. Past na nga eh.

    M is move on. Pwede ring move forward. Madali na to kung tapos ka na sa acceptance part. Ito na ang time para magdate ka ng iba, or maging happy ka muna sa pagiging single mo. Mingle mingle muna. Malalaman mo din sa sarili mo kung ready ka na ba ba makipagrelasyon uli.

    Ayan sana nakatulong ang advice ko. Mahirap talaga yang pinagdadaanan mo, pero pagtatawanan mo na lang yan in the future, promise.🙂

    At sobrang sakto naman talaga ng kantang “Breakeven” sayo ng The Script. Iavail mo din yung cover ng Boyce Avenue ng kantang yan. Kakarelease lang nila kahapon.😀

  9. naalala ko lang yung kasabihan na ang mas nagmamahal ang mas nasasaktan.. so i guess kung ikaw ang naulol, hindi naman yun siguro losing side. haha! ipagtanggol daw ba kasi nasa ganung panig ata ako :p pero dahil bawal na ang negastar, dapat kung ikaw ang mas nagmahal at mas nasaktan, dapat mas marami ka ding lessons learned. para sa mga susunod mong endeavours sa buhay eh mas handa ka na!🙂

    tama si madma, hindi yan katapusan. fight lang ng fight! hanggang mahanap mo ang iyong tunay na pag-ibig😀

  10. Super thank you, Madma, for entertaining my query. Super best ang payo mo at ang mga napaka profound na payo ng mga commenters. O ha, I learn from the best, I learn from you ang drama natin.

    Madma, di ako nakakatagal na walang lalaki. Siguro kasi natural na malambing lang ako… OR…

    But then, yes, tama ka. Enjoy the pain. Enjoy singlehood. Enjoyin muna, and I am trying to do that.

    The breakup was very, very bad – lammo yun, pinagpalit ka sa computer games! Grr. But anyway.

    Maganda ako. Pero mas maganda ka. At si Mars.

    I know my worth. And I know I have sensible, nice and utterly amazing people like you around.

    I’d be okay.

    Nagmamahal,

    Waka Waka (Eh Eh)

    • Huy Waka-waka (eh eh)! grabe pinagpalit ka sa computer games?! kawawa ka naman!!

      Ask mo sarili mo ano bang lamang ng computer games sa’yo then try to improve yourself. Like magpakabit ka ng mouse o joystick sa isang part ng katawan mo! wow! taong robot ang peg. pero consider mo ha? haha pero wag na pala kasi break na kau, pero kung gusto mo ipakita sa ex mo na you can be better than a computer, do it. Cge nga compute mo ang square root ng 9374834693470! oh nag-isip pa oh, la ka pala sa computer eh! talo ka, wag ka na..sulat ka pa dito eh talo ka lang pala ng computer! haha lakas mamikon!

      Grabe madma namiss ko ang blog natin. Sorry fans for being mejo MIA lately ha…kasi kinda busy ako sa China ironing out the Scarborough shoal issue…wow nagpaliwanag din ha, as if may naka-abang! haha pero di ko kau nakalimutan ha? grabe ang assumera nyo!

      anyway, back to waka-waka (eh eh) na talo sa computer. alam mo tama na naman si madma. grabe na talaga ang pagka-tama ni madma, para na rin syang computer, not like you waka-waka (eh eh) talo ka naman ng computer eh! haha joke lang pramis! pero natatawa ko hahahaha. sorry! enjoy the pain nga. eto seryoso ha. maswerte ka!! (wow swerte rin ha?!) lam mo kung bakit? kasi nakakaranas ka ng ganyang moment sa life mo., defining moment yan teh, yung may mga downs and pain ka..kasi yan ang bumubuo sayo bilang tao eh (take note, bilang tao, hindi bilang computer)…alam mo yun iba nga gusto mapunta sa stage na yan, yung maranasan ang umibig at least, at yung ma-heart broken. as in may naglo-long nyan, kasi yung iba wala pa sila karanasan, kaya feeling nila boring. nakikipagrelasyon nga yung iba sa computer para maranasan eh. unlike you, pinagpalit sa computer. hehe

      tapos wag mong biglain ang pagmove-on at pagakalimot. grabe gusto amnesia level? i-savor mo. kasi masarap balikan yan sa future, yung fact na naranasan mo yan at nalagpasan mo.

      then try alternative ways of moving on. well pwede rin yung conventional like sandal sa wall tas slide while crying (pag last na patugtog mo yung one last cry). pero parang masaya kasi ang new and out of the box ways in line with this changing world:

      – punitin ang love letters into pieces then ihalo mo sa soup na iluluto mo for your friends and family.

      – kuha ka scrapbook tas sulat mo dun lahat ng kapintasan sa ex mo. pwede rin drawing tas sabihin mo ay yuck pala sya

      -aralin mo mga computer games nang matigil yan ..galingan mo, bumangon ka at mangibabaw ka sa computer games tipong amor powers. hahahah grabe yung sumakay ka sa trip nya

      -padalhan mo ng unknown threats ang family and friends nya (yung nakakatakot talaga ha tas creative) tas ipa-clue mo na related kasi sila sa ex mo kaya nakakatanggap nun… ahaha gets mo ba to? basta dapat wag ka pahalata na sau yun galing. kunwari nakatanggap ka rin tas sisihin mo sya tipong sabihin mo “ano ba tong natatanggap kong banta dahil sayo, TAPOS na tayo!!!!” WUW!

      – collect articles, facts, opinions, illustrations kung bakit harmful ang computer games sa tao. then send mo sa kanya, maramihan tipong mapupundi sya (shet ang computer games-based ko..i love it!!))

      -mag-cross stitch o gantsilyo ka ng design na “I hate computer games but i love YOU”. hahahaha ayaw ko tigilan! parang hindi na to pag-move on eh

      basta yun. sana nakatulong ako. or hindi talaga?! sorry na, basta sana masaya ka na lang. wuw. dun lang din natapos ang lahat!

      再见!!

      • Hi NF, talaga namang blog mo na naman ito at namiss ka namin!!🙂 PASABOG pa rin talaga ang advice mo. Sana magkaroon na din talaga ng trio taga payo sa isang episode. Wuw, show na show!!

      • WAHAHA!!! Kingina!!! Panalo!!! wahaha. You’re sooo back!!! We miss you. Parang na-upstage nang todo is @therobensons sa aspect na ito!😉

        Love the alternative ways! Very out of the box lalo na yung mgapapadala ka ng threats sa family ng guy tapos papadalhan mo din ang sarili mo. Mukhang tanga, yes. Pero happy!🙂 Grabe parang inaasar mo si Waka waka. Magkakilala na kayo?! wahaha

        Check talaga yung dapat i-savor ang momenty na ito. Huwag mong madaliin na maka-move on. Take your time and enjoy the journey. Hindi din kasi talaga lahat eh nakakaranas n’yan. Ako nga laging nasa itaas eh. Gusto ko na talaga mapataob. WOW! wahaha Kaloka.

        Sana naman eg may li’l something ka for your fans sa blog natin. GRABE yung may pictorial ka din?! wahahaha😉

    • Hello naman, Waka waka! Grabe live na live ka din ha! Tapang!

      Nakakaloka yung pinagpalit ka sa computers!!! Waaah! Kaloka. Kabitan mo kaya ng mouse yung sarili mo para magmukha ka din computer. haha char. Gusto ko yung alam mo ang self-worth mo! Bongga.

      Hangad namin ang iyong kaligayahan. We love you, Waka waka. Hug.😉

  11. Hi, Waka-waka! Nga pala bakla ka ba? Ikaw ba talaga ang dating Wako-wako? Chos. Sinigaw ko pala yung ‘Wako-wako’ sa bundok nung pumunta kaming Sagada at talaga namang natawa yung mga tao, Kasi una, ang lakas ng pagkakasigaw tapos walang sense. Haha eni-eni na lang yung sinasabi?

    Anyway, ako naman, I’ve been with 3 break ups. And lahat yun ako ang nasa winning side. WUW. Joke lang.

    1. Yung una kong break up, (mejo bata pa ko non) pero naglast yung relationship namin ng mga 11 months and 20 days. Konti na lang 1 year na. Ayoko na talaga sa kanya kasi napapagod na ko sa pagseselos. So ang instrumentong ginawa ko dito “Galit.” Tinake advantage ko yung pagkagalit ko sa kanya. Kahit alam kong madami kaming happy memories, hindi ako nagfocus dun. Inisip ko na hindi ako sasaya with him kaya ok lang talaga matapos na kami. Ayoko sa chararat na relasyon. Oo nga gwapo nga sya, hawig sya ni Ryan Agoncillo pero parati naman akong may duda sa kanya at binibigyan nya ko ng dahilan para dun e WAG NA LANG. I remember hindi talaga ko umiyak, nagpilas ako ng maraming papel (sama din sa kalikasan) Tapos sinunog ko lahat ng binigay nya. Totally hindi na din ako nakipagcommunicate sa kanya for like 3 years.. nagkachat lang kami bigla kasi nauso na yung friendster. Haha nalalaman din yung age ha? Tapos Ok naman i think nakamove on na talaga ko.

    2. Yung 2nd break up ko naman sobrang iniyakan ko kasi sya yung taong pinanghinayangan ko kasi sayang may potential ‘to e. Kaso alam kong hindi ako masyadong mahal nito. Kasi hindi na lang nya ko tinawagan or tinext. Ako ang nasa losing end. Tama si Madma, hayaan mo lang dalhin ka ng emosyon mo basta kasama mo ang mga tamang tao sa paligid mo. Iiyak mo lang ng iiyak.

    3. At ang huling relasyon na tumagal ng 7 taon, may mga mini break ups na din talaga in between at hindi na alam ng friends ko kung maniniwala ba sila na break na talaga kami. So ang mapapayo ko sayo. Alamin mo muna talaga kung final na yan, mahirap din kasi kung babalik balikan mo lang yung tao. Parehas pa naman tayo dati, hindi nakakatagal ng walang lalaki. So magingat ka, dapat babalikan mo yung tao dahil mahal mo, hindi dahil duwag kang mabuhay magisa. Unfair yun sa kanya.

    Sa point na ito, winning at losing side ako. Wuw pwede ba yun? Haha. Kasi yung isa malapit na daw magpakamatay pero hindi rin naman nangyari. Hindi totoo kasi talaga yung papakamatay. As in. Magpapakamatay talaga ko pag totoo yan, HAHA. So going back, nakacope ako sa break up na yan kasi alam kong yun ang makakabuti para sa amin. Yes, manghihinayang ka sa mga memories, sa magandang pamilya nung lalaki, pero HELLO anong gagawin mo e hindi nagwowork ang relasyon e. Sobrang swerte nga natin dahil nakakapili tayo ng partner hindi yan default na binigay ni lord gaya ng pamilya/anak/magulang/tyahin. Mamili lang tayo ng best at maging ready mapili or mareject. Basta ipakita mo lang ang totoong ikaw at may makakaappreciate din na iba syo. Break up is part of life kasi mamimili at mamimili tayo ng makakasama habang buhay. Parang hiring process/recruitment/employment… hanggang sa magsettle tayo sa perfect na tao for us with good benefits/salary/culture/ etc. LOL.

    • OMG!!! Palaban ka din sa payo, DF! Nalilito na ako kung sino ba sa inyo nina @therobensons at @jayrestacio ang talaga namang “Reyna” sa pag-comment! hahaha Natatawa ako! Grabe, DF ang competitive mo talaga! Love it!🙂

      Ramdam ko yung lalim ng hugot mo DF! At tunay naman saksi ako huling breakup mo! wahaha. Ang tagal din talaga ng pagkapit mo sa last relationship mo ha! Mahihiya tuko. Parang wala na ding lalaki sa mundo. haha Pero happy na kame kasi happy ka na sa new lovelife mo! Yikeee.❤

      Gusto ko yung dapat mamili tayo ng best partner! Yun naman kasi dapat. Di ubra yung mag-settle sa mga chararat bumba. Kung walang makapasa, E DI WALA! basta nakakakain ng 3 times a day, ok na. hahaha. Tawa ako nang tawa sa mga benefits!!! Lakas maka-HR!!! wahaha

      Love you, DF!❤

      • kingina! ibibigay ko ang corona kay jill. kabogera din si teh! hindi ko alam yang 7 years part na yan ha. well, at least happy ka nmn ngyn.. paka-cheesy nga kung minsan. miss you witch!

        madam, wala akong cancer. or wala pa.

      • hahaha. Aminin mo, ang best nung 7 years na relationship. Tigas din kasi talaga ng sikmjura ni Ate Jill mo. haha kumbaga eh, sanay sa hirap. haha MAGPAKITA KA NA!!!

      • Hahaha. thanks witch at madma.. Iba rin naman talaga ang hugot ni witch sa comments nya so it’s a tie sa corona i think.🙂 iba talaga pag nakakarelate e.. parang chumichika na lang talaga na walang katapusan hanggang mapagod ang dila at wala na talagang nakikinig!! :)) Pero sana naman may napulot si Waka Waka or Wako wako.

    • Ibibigay ko kay ABF ang korona re: this comment thread. Ano ba naman ang laban ng isang chararat na break-up ko? Ay dalawa pala, pero ayoko nang bulatlatin yung isa kong break-up kasi babae siya. Hahahaha!

      ‘Brang lalim ng hugot mo ABF re: break-up! Pero I’m glad na super happy ka na ngayon sa lablayp mo. Kipirirap!

      I think ang mga fans ang makakapag-decide kung sino ang totoong commenting king or queen. Dinamay pa ang fans? Hahaha!

      • Thanks ABF, dapat pala namimili si Madma ng Reyna of the Day or of the Week. Lakas maka employee of the Week ha. Grabe ano tong blog na to Company na?! Hahaha. Ang saya saya dito! Pero I think ikaw pa din ang Reyna of the Month kayo ni NF.❤

      • wahaha! Tawang tawa ako re: Reyna of the Day! Parang-Jollibee ang pota! Ang saya ng mga sharing, DF! Dami ko natutunan. Sabi ko pa naman hindi ako magpapa-sense sa blog today! WOW! Hindi pala ha. haha Ang best kasi ng mga sharing! Kaloka. hahaha Lahat bida! Happy birthday to all. More power to all. Ganyan dapat. hahaha

      • na-curious naman ako sa breakup mo benson. the one with the girl. share mo naman!

        ako kasi five breakups na ko, mashadong mahaba kung ikkwento ko lahat (ang competitive ko rin eh), baka kasi magka-ubusan ng lalaki, which is true. dami na din kasing bading sa mundo. 10:2:1 na yung ratio (bading:boy:girl)

        Masasabi kong ito yung pinakamabentang blog, so far. video blogs please Madam. wag ka na magtrabaho, yun nlng atupagin mo.

      • wahaha kingina nung 5 breakups! SHARE mo na! I challenge you! wahaha Bida ka din grabe! Bagong salta, bida agad! hahaha

        Re: video blog, malapit na kame amg-shoot for my next vlog entry! Hindi mo to kakayanin! hahaha Trabaho naman! Grabe! hahaha

      • Hay, Ed. Ito yung mga relasyon na nagsimula sa “it just happened” at natapos nang wala lang, dahil “ayoko na.” Eh ako naman hindi mapilit at hindi pakupota (depende rin sa sitwasyon) so “ok, bye.”

        Basically kasi, naging panakip-butas ako dahil kakabreak lang nila nung long-time BF niya. Eh ako naman atatchina na magka-jowa so may I jump in naman ako. I think nakwento ko to sa isang post dito previously entitled “Bestfriend ko, Jinojowa ko.” pakihanap na lang ples. Haha!

        Hindi ko siya iniyakan. As eeen. Since then, alam ko na kung ano ang gusto ko. Hahaha!

    • I would like to raise the following points:

      1) Grabe yung 11 months and 20 days. Bat di nyu pinaabot ng 1 year? grabe ilang days na lang kasi 1 year na yun, sana naman pinagtiisan nyo na, at least pag nagkwento kayo about the past sasabihin nyo 1 year, hindi “11 months and 20 days. Konti na lang 1 year na. ”

      2) I theenk magandang competitive advantage mo yung Psych and HR experience mo sa reactions. kumbaga ikaw ang resident psych/HR sa trio (or TRIBO, dahil ang dami na rin naten) tagapayo. cge na madma TRIBO tagapayo na lang ang tawag sa fans na wagas kung magcomment at feeling blog haha😀 ayun, kung ang comments ko ay usually about out-of-the-box ways, ikaw yung Psych/HR implications. haha pasabog!

  12. Hi MAAM Waka-Waka. Nakarelate ako sayo. – Carla Jill / Therobenson

    Nakikiramay kaming mga ka-YTM mo sa sawi mong puso. Masasabing “Been There BEEN That!” So hayaan mong bigyan kita ng ilang payo para idagdag sa mga bagay na pwede mong pag-isipan. Bilang ilang beses na din talaga akong umibig at nabigo, BIG TIME. Minsan nga inabot ng FIVE YEARS mahigit bago ako nakamove on. (Happy birthday sakin.) CHAKA NETO, yes! Di ako mahihiyang aminin pero sana wag kang gumaya sakin. Ang lakas maka-ate or nanay neto ples.

    TAMA SI MADMA. (Dapat maging default line na to sa mga comments re: nguy-nguys ng fans and followers) Anyway, i-emote mo lang yan ng todo. Isagad mo, mapapagod ka din. Umiyak ka ng todo gabi-gabi sa kwarto mo to the tune of Someday by Nina, The Man Who Can’t Be Moved by The Script at Better in Time by Leona Lewis (Heartbreak songs ba?). Just don’t let your enemy see you bleed. (WUW!) Pwede kang umarteng talunan, ibibigay namin yan sayo kasi nga heartbroken ka right now. Pero paalala, wag mo namang feel na feel to the point na sobrang tagal mong magnguy-nguy about it.

    Siguro narinig mo na sa mga taong nag-try ng i-comfort ka ngayon itong kasabihang ito : Time heals all wounds. Sabihin ko na din (okay lang ba sayo?) at alam mo, atin-atin na lang to ha, naniniwala akong totoo yan. Minsan matagal, minsan mabilis depende na din kung anong pipiliin mong duration ng pagngal-ngal over spilled milk.

    Eto pa, baka makatulong sayo. Don’t cry that it ended, laugh that it happened. Oh ha! Take the lessons with you as you go along sa bago mong buhay as mas pinalakas na ikaw. Pag magaling na ang puso mo, I’m sure, matatawa ka na lang sa sobrang chaka mong itsura at sa mga kacheapang pinaggagawa mo nung heartbroken ka pa! Dyos ko, I’m telling you, maloloka ka. So iwasan mo rin sila as early as now.
    Bilang huling nota, or for my last note, palagay ko ang gamot sa nawasak na puso ay BAGONG PAG-IBIG. Pagkatapos mong pagbigyang magutay-gutay ang puso at pagkatao mo over the break up, pagaling ka agad maam. Then look forward to loving again (even if it takes lifetime to get over him). At pag handa ka ng umibig ulit, ibigay mo naman ulit ang best mo! Wag kang matakot na magmahal at masaktang muli’t-muli. At the end of the day, it’s better to have loved and lost than not have loved at all. Yun lang.

    Lubos na gumagalang,
    WitchK~

    • Kingina! BONGGA! wahaha Talagang hindi ka din nagpatalo, Witchk! Happy Birthday sa’yo ha. Ang wish ko eh…wahaha.

      Alam mo, parang gusto ko yung suggestion mo na dapat kasama na sa comment ang “Tama na naman si Madma!” Parang requirement na ito! wahaha. Lakas maka-ganda sa part ko eh. FINAL, required na! hahaha

      Well, alam na alam ko naman ang istorya ng buhay mo ano. In fact, talaga namang naki-epal din ako sa lovelife mo before. haha Away naman. Hindi na tayo naga-away! wahaha Ikaw talaga ang patotoo na gaano man katagal ngumuynguy, babalik pa din at lalaban! And I salute you for that!

      I love you, Witchk! Madma is here for you.🙂 Ano daw?! hahaha

      • Thanks sa salute madma. lakas makasundalo on your part. alam kong effort yon. hahaha
        Korek, di na tayo nag-aaway! hahaha

        Pero yun nga, buti andyan ka para magpayo. Sinong mag-aakalang kakaririn mo to in the near future. And that near future is NOW!

        Congrats sa sexes (success) mo at ng blog/vlog (may identity crisis? or i go for speets defect).

      • Away naman, Witchk! haha Alam mong very biglaan lang talaga tong blogging ko! Grabe ang support. Dapat talaga hindi magba-blog today eh. Pero NO! I think, kailangan ko na i-rehab! Kakaadik! Lahat bida ang mga pota. hahaha

  13. ang bonggah! naman ng advice ni madma.. madma kaw na talagah ang beda hehehehhe,,,, to waka-waka,,. ok lng yan gurl go lng ng go!… mawawala rin yang sakit na nararamdaman mo ,,, gaya ko hehehehehh,,, pak! sabog! hehehhe… anyway naranasan ko na din yan kaya di kia nag iisa hahahhahahahha,,,🙂

  14. Hi Waka-waka,

    Tama lahat ang sinabi ni Madam. Makaka move-on ka din sa tamang panahon. In the meantime kahit gaano ka ka-down at emote emote dapat wag mo din kakalimutan yung ibang bagay na mahalaga sa buhay mo tulad ng trabaho. Baka kasi sa kakaluksa mo eh hindi mo na magampanan ng mahusay ang iba pang role mo sa buhay. Ikaw din mahirap maging broken hearted at the same time pulubi. hehe Pasa mas masaya, sayaw ka ng waka-waka habang umiiyak =) Mas creative yun. gawin mo every night.

  15. Sige itatry kong sumayaw ng Waka Waka habang nagka-Cry. Tutal memorize ko pa steps.

    Ikaw Mars Jill, memorize mo pa? LOL

  16. Waka Waka, meron raw steps na required pag-daanan sa moving on.

    Ito ang DABDA (denial, anger, bargaining, depression, acceptance). Depende rin sa haba ang bawat phase pero kapag na-acknowledge mo na pinagdadaanan mo ang mga phases na ito, madali na lang malalaman kung paano mag-deal.

    Bakit ko alam? Kasi kay dalas ko rin makipaghiwalay. Chos! Kaya mo yan! Wallow in sadness lang. Mapapagod ka rin sa kakaiyak. Totoo yun.

    • WAHAHAHA! DABDA ang pota! Nauuso na dito ang acronyms! hahaha

      WELCOME back, Migssy! na-miss ka namin dito sa show. Alam mong pillar ka din ng Tribo_Tagapayo! We hope to hear more pasabog payos from you soon!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s