Ikaw na kaya ang maging YTM’s Top Model?

Dear fans and followers,

Pasabog ka ba pagdating sa modelling? Kaya mo bang tapatan or higitan ang mga nakakalokang pose ni Madma?! Gusto mo bang magkaroon ng kakaibang modelling experience?! Kung oo ang sagot mo sa lahat ng ito, ikaw na ang hinahanap ko!🙂

Sa pagpasok natin sa second month, panibagong pasabog na naman ang handog ni Madma para sa mga fans! Alam n’yo naman sa blog na ito, nothing but pasabog lamang.🙂

Kaya naman, gusto kong ipaalam na malapit na magsimula ang Yours Truly, Madma’s Next Top Model!!! Ansabe ni Tyra Banks at ng ANTM?! Woooh! Energy naman!!!🙂 Kung feeling mo ay may kakaibang alindog ka at kaya mong ilampaso si Madma pagdating modelling, aba eh, SUMALI ka na!!! Ang contest na ito ay open sa lahat ng mga fans na malalakas ang loob at may angking alindog sa modelling. Ito na ang chance n’yo para sumikat at bumida sa in na in na blog ng taon! Alam ko namang kating-kati na din kayo bumida sa blog na ito!😉

At syempre, ang tatanghaling Ultimate YTM’s Next Top Model ay mananalo ng PASABOG prize!!! Hindi n’yo kakayanin! Kapit!🙂 Btw, YTM stands for Yours Truly, Madma ha! Huwag kayong malito d’yan! (Thanks to JC Cantos for coining this shit.)🙂

So, maghanda na kayo at abangan ang kumpletong contest details this week. Exciting ‘to, pota! Dito na magkakaalaman kung sino ba talaga ang malakas ang aura or aurum kapag singular!🙂 Dito natin makikita ko sino ba ang iluluklok ng mga fans sa pedestal! Tingnan natin!

Malapit na malapit na ang pakulong ito! OMG!!! ABANGAN!🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Of course, abangan mamaya ang featured story natin! I’m sure madaming makaka-relate dito!🙂 Salamat sa pasabog ratings sa monthsary special ng YTM! Very happy kame sa feedback n’yo re: first video blog entry ko. Kaya naman, malapit na din kame mag-shoot for the second video! O di ba?!

Sa mga hindi pa nakakapanuod ng monthsary special ni Madma, I-CLICK LANG ANG LINK NA ITO: http://www.cge.tv/watch/96adaa5b-1467-47bd-844e-862060e3bbb3

53 thoughts on “Ikaw na kaya ang maging YTM’s Top Model?

  1. “At syempre, ang tatanghaling Ultimate YTM’s Next Top Model ay mananalo ng PASABOG price!!!”

    Magkakaroon ng price ang mananalo, Madma? Lol. Lakas maka-human trafficking nito ah! Hahaha, joke lang.😀

  2. Managee, nacheck ko na yung mga pics. Pasado! Aprubado. Yung Barbie toes na lang next time workshop natin. Tension tension ganyan. Pero I must say, likey! Salamat sa shout ouch. Pwede ba ihabol na lang yung pic natin ha ha ha (pa-ratings)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s