Si Madma bilang Stand-up Comedian

Dear fans and followers,

Kamusta na?! Sana ay nasa maayos kayong kalagayan. Happy Wednesday naman sa inyo! Ang bilis ng araw pota. Any moment weekend na naman! Love it.๐Ÿ˜‰

At grabe yung taas ng ratings natin para sa entry ko last Monday na โ€œHeartbroken si Maโ€™am.โ€ Ariba talaga until kagabi so I think I have to mention this. Ang daming pasabog sharing! Sabi ko pa naman, hindi ako magbubukas ng blog kapag Tuesday and Thursday bilang pahinga. BUT NO! Hindi ko din talaga napigilan ang sarili ko kagabi kasi ang daming nakakalokang mga breakup stories from the fans. SALAMAT naman sa lahat ng mga nag-share at nag-comment slash nag-post ng entry. BEST!!! Ang dami kong natutunan at nalaman. Ito ang isang patunay na hindi lamang kabadingan stories ang bumebenta sa blog na ito. Kasi after all, ang blog ko ay blog nating lahat! Konti na lang talaga at ipo-post ko na yung password ng blog ko para lahat may access na din. ANSABE?!

Anyway, bilang pampagana sa araw na ito, gusto kong ipapanuod sa inyo ang isang pasabog at natatanging video ko na ito. I have to say, malapit sa puso ko ang video na ito kasi dito ko napatunayan na kaya ko ding mag-pasabog sa stand-up comedy! Yes, minsan din talaga akong naging stand-up comedian way back 2010 sa ilalim ng bonggang group na Comedy Cartel. O, ha! Ang dami kong talent! Lahat kaya ni Madma. I think si Madma na ang makabagong Karylle. At take note, mga sosyal ang kasama kong comedians dito ha. International level! Hindi ito ka-level ng mga nasa Timog na puro chakahan. Mataas na klase ito ng komedya. Pang matalino. Pang Diva. WOW!

Masasabing kakaibang experience ang stand-up comedy! Iba sโ€™ya talaga from hosting. Na-lost ako at first kasi IBA TALAGA! Ang taas ng challenge! Iba ang atake, iba ang requirement na kailangan. Pero, dahil sa overwhelming support ng fans, talagang kinaya ko din ang hamon na ito. Mind you, napupuno ang Votre Bar every Wednesday dahil sa mga fans ni Madma. O, di ba ang lakas! Kahit Wednesday night ito ay ratchada ang support ng fans! Kaya naman malapit sa puso ko ang Wednesday, gaya ng araw na ito. Two years ago, iba ang ginagawa ko every Wednesday. Sa umaga, rehearsal para bongga ang performance sa gabi. Ganoon ang atake ko before. Pero ngayon, blogging na! Which is equally pasabog din! Iba talaga ang surpresa ng buhay! Nakakagulat. Nakakaloka.๐Ÿ™‚

So huwag na nating patagalin, ito na ang pasabog stand-up comedy video ko. Salamat naman Mr. Albert Cruz at may kopya ka pa talaga nito. Salamat sa pagtitiwala sa talent ko at pagsusulat ng mga pasabog materials para sa bawat performance ko! Iba din talaga ang support mo kay Madma ha. WAGAS! Noon, hanggang ngayon, never fails! I love you, Bette.๐Ÿ˜‰

So ito na ang video. Iโ€™m sure kakabahan si Vice Ganda kapag napanuod nโ€™ya โ€˜to! Ang lakas eh!๐Ÿ™‚

I-CLICK ANG LINK NA ITO PARA MAPANOOD ANG STAND-UP PERFORMANCE NI MADMA: http://www.cge.tv/watch/169ea32e-00f9-46e1-a5ef-177762cd6e2f

Salamat sa lahat ng mga fans na naging bahagi ng buhay ko noong ako ay nagpe-perform sa Votre Bar! Hindi ko talaga โ€˜yun makakalimutan. SALAMAT!๐Ÿ™‚

Yours truly,

Madma

P.S. ย At dahil sa mataas na demand, ito na ang youtube version ng pasabog monthsary special ni Madma! O, ayan na ha! Go, panuodin na ulit!๐Ÿ™‚ At naku, malapit na kami mag-shoot for my next video blog entry! KAPIT!๐Ÿ™‚

http://www.youtube.com/watch?v=Z2DmY1PYJTk&feature=relmfu

34 thoughts on “Si Madma bilang Stand-up Comedian

  1. Tama talaga namang Porwan din talaga si Madma. Katabi ko nga sya e nung 4th year e. Wuw! Madma, alam mong halos wala akong absent dito sa votre. Ako talaga ang dapat na manager mo (wuw inaaway din si flip huh) Joke lang. Pero ang tanging absent ko ay nung namatay ang lola ko. Sorry naman di ba. At alam mong nameet mo rin talaga si lola.

    Hi Lea, sobrang best ni madma kailangan nyong magtagpo dahil sobrang nakakatawa ka din. Madma, si lea ay isa sa mga natural comedianne ng Porwan, di ba Je?

    Let us support Madma, malay natin magbalik talaga sya sa Stand Up Comedy na lagi ko talagang pinupush sa kanya๐Ÿ™‚

    • Porwan naman ako! Sa Nova High nga lang. haha Pero grabe ha, ang close ko din sa Porwan ng Rizal High! Miss ko na nga sila DL, Grays, Ron, Je, Aran at Babit! Grabe miss ko na din yung mga teachers natin. Lalo na yung teacher natin sa English n ung 4th Year! Ang kupal n’ya eh. hahaha

      Ang supportive mo, DF! GRABE!โค

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s