Chararat Bumba Ako

Dear Madma,

Payo naman po. Nahihirapan po ako humanap ng lovelife kasi medyo pangit po ako. Kabilang po ako sa mga tinatawag n’yong “chararat bumba.” Nakakatawa pero totoo.

Salamat po. Ang ganda po pala ng blog n’yo. Perfect example ng wit and substance.

Mabuhay po kayo.

Sumasainyo,

Ugly Duckling

____________________________

Dear Ugly Duckling,

Aaay…hug naman.😦 Hug natin s’ya , guys! Parang ang sad ni Ugly Duckling eh.😦 At grabe ha, na-take note mo din talaga yung term ko na “chararat bumba.” Avid reader ka talaga! Love it.  :) Uy, sorry naman kung kabilang ka sa lupon ng mga chararat bumba. I feel for you. Ako kasi maganda eh. Alam mo ‘yun. Banayad ganda ika nga nila. Can’t help it. WOW! Lakas ng confidence ni Madma. Kaloka.🙂

Alam mo, hindi na kita eetchosin. Harsh talaga ang mundo! Ang daming magaganda or feeling maganda sa paligid. Ang daming perfect or feeling perfect sa tabi-tabi. Ang daming judgemental! ‘Yan ang nakakalungkot pero masayang katotohanan. Wala eh, ito ang mundo eh. MASAMA. At marami tayong mga biktima. Kaya nga gugunawin na ni Lord ang earth sa December, di ba? Konting tiis na lang!

Hindi naman natin kasalanan kung bakit naging ganito ang mundo ‘no. At least hindi ito kasalanan ng generation natin. Basta ang natatandaan ko, simula nang magka-malay ako sa mundong ito, ang dami na agad stereotypes at kung anu-ano pang branding. May mayaman at mahirap, mabaho at mabango, mabait at tarantado, maganda at chararat etc. ANG DAMI na talaga! Naalala ko nga noong bata pa ako, ang tawag namin dati sa kapit-bahay namin eh “mahirap.” ANSABE?!😉 Sino ba kasi nagpa-uso n’yan?! Nyeta! I don’t think pinauso ito ng mga ninuno natin sa Tabon Cave! Eh di ba chill lang sila dati? Nangangaso lang sila, nagdo-drawing sa pader tsaka nagpapa-dingas ng apoy?! Natawa ako sa “dingas!” Pota.  ;) Pwede natin siguro i-blame sa kanila ang origin ng vandalism, pero I don’t think sila ang culprit sa pagpapalaganap ng mga letcheng streotypes. SINO BA KASI?! For sure kapag nabasa ng China ‘tong blog ko, iki-claim nila na sa kanila nagsimula ang sterotypes at branding. Kanila lahat eh. Chinese tayong lahat! Go, China! Ni hao ma naman sa mga kababayan natin sa China.🙂

Pero on a positive note naman, huwag kang malungkot kung chararat bumba ka. Be happy kasi ito ang bet na bet ng mga foreigners! Aaay, pera ‘to, Day!  Mataas ang value mo pagdating sa mga foreigners lalo na sa mga taga-Europe! Katumbas mo ang ginto sa kanila. TAAS! Kung flochina ka dito sa Pilipinas, sigurado akong ratchada ang ratings mo sa ibang bansa. Gustung-gusto kasi ng mga foreigners ang tinatawag na “Exotic Beauty.” Ka-level ng mga Iguana at Baboon. Nauulol at naa-amaze sila sa mga ganyang tipo ng ganda. Kapag pumunta ka sa Europe or Amerika, naku, pagkaka-guluhan ka doon. Baka sa airport pa lang eh may mag-propose na agad sa iyo or may mag-offer ng modelling contract. Kaya mag-ipon ka na ‘Te at go na! Or kung wala ka pang pera pang-travel ngayon kasi mahirap ka lang, ilagay mo lang sa bag ang passport mo at tambay ka muna sa mga lugar na sosyal at ma-foreigner gaya ng Greenbelt, Serendra at Shangri-la. Importanteng dala mo ang passport kapag a-aura sa mga lugar na ito para kapag inaya ka, go na agad sabay pakita ng passport! Kung medyo nahihiya ka naman tumbay sa mga lugar na nabanggit ko, kasi baka may makita kang kakilala, tambay ka sa Olongapo! Andoon ang mga sundalong Kano. Aura!🙂

At the end of day, kanya-kayang market lang ‘yan. Nasa maling market ka siguro nakatira or naglalagi ka sa maling mga lugar. Saan ka ba kasi tumatambay? Sa Starmall? ALAM NA! Charoth.🙂 Basta know your target market. Basic ‘yan sa buhay. At kapag alam mo na ang market mo, doon mo itodo ang pag-aura.Huwag kang malungkot kasi kahit kameng magaganda at fabulous ay hirap din sa love. Hindi din talaga assurance ang ganda. Ako nga eh, ang ganda ko na nito ha. Partida. Pero NBSB pa din.  Basta kanya-kanyang market at kanya-kanyang nguyngoy lang ‘yan.🙂

Take it from Madma, know your market and mingle with your market. Hindi masyadong issue kung maganda ka or chararat bumba. Nasa tamang diskarte ‘yan! So huwag ka ng magmukmok d’yan at simulan mo ng umaura! Nakakapangit ang pagmu-mukmok. Hindi na dapat ito ginagawa ng mga chararat bumba. Redundant! 🙂

We wish you all the best! We love you.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Abangan mamaya ang formal launching ng YTM’s Next Top Model!!! Woooh! Energy!!! Mamaya ko na papasabugin ang pakulong ito lalo na ang mechanics. Ang dami na din talagang interested! Stay tuned!😉

SALAMAT din pala sa lumalakas na pwersa ng ating mga Tribo_Tagapayo! BEST ang mga comments n’yo!!!🙂

(The photo above was lifted from this link: http://www.blogcatalog.com/blogs/the-untrendy-girl/)

57 thoughts on “Chararat Bumba Ako

  1. wow, parang makaka opportune akong maka first comment. NIweis, let me quote my favorite quotation from Jean Kerr. O Madma, aminin mo, antalino nung nagkokot.

    “I’m tired of all this nonsense about beauty being only skin-deep. That’s deep enough. What do you want, an adorable pancreas?”

    So there, to you ugly duckling, Kaya huwag mo nang i-attempt maging mabait just to have a magandang kalooban. pramis ang mga nagmomotor sa EDSA at sa Commonwealth, pag nabangga, labas laman, pangit pa rin, mabait man sila o masama or tanga dahil sa pagmomotor nang mabilis at lasing at times. pangit ang itsura nila labas man ang kalooban. so huwag na tayo sa busilak na puso.

    kung pangit ka, pangit ka. final na yun. kayat huwag ka nang umasa na gaganda ka pagdating nang matagal na panahon, which i assume your hoping kasi ganyan ang kwento ng ugly duckling.as far as the majority of people accepts it.

    But i don’t. The story of the ugly duckling is a tale of ampon. Tangina, Swan kasi siya, trying to blend in with the ducks. Sa tingin ko, hindi siya naging maganda sa mata ng mga bibe kase gansa siya. yuck, ang haba ng leeg.

    Pwede na tayong gumawa ng sarili nating concept ng ganda. At kung hindi tayo magkasundo. Okay lang iyun. Kaya kung sa tingin nila ay pangit ka at sila ang maganda, hindi mo mababago iyun. Ang mababago mo ay tingin mo sa sarili mo. Internalize mong maganda ka at sila ang pangit dahil hindi mo sila kamukha. ang kasinungalingan, kapag paulit-ulit na tinatnggap ay nagiging katotohanan. At pag totoo na yan. Pak, maganda ka na.

    Very much tama si Madma, stereotype lang iyan. You just have to breakaway from that stereotype and create your own definiton of the world. Maki post-post modern ka na. Kanya-kanya na tayong genre. Like genre…Gala. Genre Gala, the action star…ahahahaha, makikiwitty lang. Stop fitting in ay para lang sa fitting room at masikip sa loob nun kaya huwag na makifit in. Kung hindi katulad ng ganda ng marami ang ganda mo, hanapin mo ang mga taong maganda ang tingin sa iyo and that way, magiging masaya ka, hence, Olongapo.

    • PASABOG yung una kang nag-comment! Pota. Competitive!!! Ang dami kong tawa sa comment mo!!! Lalo na sa statement na “kung pangit ka, pangit ka. final na yun. kayat huwag ka nang umasa na gaganda ka pagdating nang matagal na panahon.” Sapul! At nakakairita yung Genre Gala!!!! Kingina nag-isip pa ako dito! Alam mo namang slow ako sa mga aspect na ganito! Very Rep ang peg! Ka-level ng Bakuna. wahaha

      Love your comment, I must say. Ang I just said it! hahaha❤

  2. Hi Ugly Duckling! Unang-una, please don’t refer to yourself as ugly or anything synonymous to that, kasi pag may nag-agree, masasaktan ka, right? Refer to yourself as Ms. Universe! Or Ang Pinakamakinis na Hayop sa Balat ng Earth. Ganyan! Level! Kampeedence! Hahaha!

    Totoo, at talaga namang tama si Madma; napaka-judgmental ng mundo. Nyeta. I think Madma, nagsimula ito sa era ng “The Help” or Theeese Helps. Siguro depende din ito sa pagpapalaki ng mga parents. Halimbawa yung mga magulang na nananakot sa mga bata na “hala, sige, kukunin ka ng bumbay!” para lang manahimik sila. In a way, nakakaapekto yun sa perception nung bata towards our Indian friends at talaga namang nadadala hanggang paglaki.

    Madaming stereotypes and sadly, sa mata ng society, we all belong to one of those. Kahit sabihin mo na non-conformist ka, eh di yun na yung group mo, you automatically belong to the non-conformist group. Ang gulo ‘di ba? Non-conformist pero may group pa rin.

    So dahil medyo phenomenal change ang kailangan para mabago ang view ng society on beauty, I think what you can do is enhance what you have. I’m not referring to cosmetic surgery ha. Mahal yun ples. Fraxel pa lang ma’am P16,500 na sa Belo per session, minimum 3 sessions dapat. O ayan may idea ka na ha. Hahaha!

    Simulan mo sa damit. Baka naman kaya ka nagmumukhang mas chararat bumba eh dahil nagsusuot ka pa rin ng white Burlington socks at Birkenstock? Ay, ‘te, sasampalin kita left and right, up and down, horizontally and vertically ‘pag nakita kita ng ganun. Hahaha! Charaught lang. Pero ‘wag mong gagawin yun, ples. Chararat outfit + Chararat face + Chararat outlook in life = Sipping Baygon tapos talon from PBCom rooftop.

    Assess your body type, malaman ka ba or slender like me. Like me??? Hahaha! Hoy slender talaga ako! Alamniyoyan. So ayun, dress according to your body type. Emphasize your assets and try to hide your flaws, keri yan ng clothes and accessories. At hindi kailangang mahal para magmukhang fashionable. Check your nearest thrift shops aka ukay-ukay for good finds. Atchaka, marami na naman local brands na hindi sobrang mahal. Bili ka ng isa or dalawa every sweldo. Grabe wala kang trabaho??? Palamunin? Char lang. Hahaha! Kung medyo wala kang idea kung ano bagay sa’yo, shop with a friend. Best kung balahura yung friend mo kasi sasabihin niya sa’yo kung chaka or panalo ang napili mo nang walang kyeme. Grabe wala kang friend? Hahaha! Chart. For sure meron yan. You can also read fashion magazines, preferably local ones, para mas pasok sa’yo. You don’t need to follow trends, more on ano ba yung bagay sa’yo. Grabe ‘wag naman sako ng bigas.

    On top of it all, cliché man, true beauty comes from within. Kaya mag-Myra 400 E ka. Love yourself and be happy with what you have. Be kind to others and stand for what you believe in. Kasama na dyan ang paniniwala na maganda ka. Yes, maganda ka! Repeat this to yourself hanggang mag-sink in. O lakas maka-empower hahaha! Tulad nga ng sabi ng Sugababes, “People are all the same, and we only get judged by what we do. Personality reflects name, and if I’m ugly then so are you, so are you.”

    Be the best person that you can be, now. Or at least, try mo lang. Try and be pleasantly surprised.

    • WAHAHA! Oo nga! I think nagsimula ang stereotypes sa pelikulang “The Help or These Helps!” haha Bakit ang init ng ulo mo sa mga nagsusuot ng white Burlington socks at Birkenstock?! Brang chaka ba ng mga ito?! haha Alam mong late bloomer din ako sa fashion. haha At least nakaabot. Alam mong naging “biktima” din ako ng chaka fashion before. Hello body bag, shorts at sandals. hahaha

      Grabe kanina nagku-quote ka. Ngayon naman kumakanta ka na sa comment mo! Ibang klase. Umaangat! Love it.❤

  3. I think critical lang ang looks kung attraction ang usapan. Essential din naman ang attraction sa love. Pero meron ding love na nadedevelop – and most likely, ito yung totoo kasi merong sort-of process involved.=)

    Bukod sa target market, I guess kelangan mo ring mapinpoint ang iyong unique selling proposition. Very market research lol. Sabi nga ni Red, jargonera din talaga ako. Hehehehe. Kung hindi looks, meron pa rin namang ibang facet ng iyong pagkatao ang pwede mong ibenta. Charming ka ba? Witty? Philantrophic? Multimedia talented ala Madma S, Sarah G, and Toni G, Anne C, and Karylle T.? Naihabol ko rin talaga ang Tatlonghari ni K. Naniniwala ako na lahat tayo ay may sari-sariling ganda. Meron at meron yan gurl. =)

    I agree with Madma na hindi lahat ng maganda ay may lovelife. Look around. They may not look good together but they are happy together. =) Kaya dapat i-aim mo rin ito, gurl.

    On a lighter note…
    Madma, ano bang maipapayo mo sa merong gandang pang-attraction pero nadedevelop lang? Ayun. Ahahahaha. =)

    Kahit sobrang busy ko, I always take the time to read your blog, Madma. Grabe, parang kinakausap lang kita pag binabasa ko siya. It makes me closer to home. Chariz. Lol.

    Alam mo namang super fan ako. Ahahahaha. Anything you need, just let your fans know. All out ang support namin sa’yo. =)

    Lotsa love.❤

    • Hello naman, Je! Live na live ang supoort mo mula SG! Grabe ang lakas ko ta;aga sa iyo. Kahit alam kong busy ka eh may time ka pa din for Madma. Love you!

      Re: gandang pang-attraction pero nade-develop, I think bongga to! Ang saya din kasi talaga nung “process” eh. Yung tipong magugulat ka na lang na nagagandahan ka na nafa-fall slowly. WOW! Ito yung scenario na kung saan ninanamnam mo yung pag-unfold ng mga bagay-bagay hanggang sa maging hinog na hinog na. Shet, I wanna be in this kind of situation! hahaha

      Love you, je. Bonding lang tayo dito. Super welcome ka dito bilang miyembro ng Tribo_Tagapayo!❤

  4. another thing, alam mo ugly duckling, nahihirapan din ang lovelife hanapin ka, kasi parang hindi mo love ang sarili mo. kaya naman, love yourself first and lovelife will follow.

  5. Naku nung asa college ako, tanong nung prof, “What are the qualities that a teacher should possess?” Ako lang nagsabing GOOD LOOKS. Pero kasi aminin nyo, pag good looking yung teacher sabik na sabik tayong pumasok sa school.

    Teka, bat ko ba to shinishare?

    Ah kasi gusto ko i-point out na very stereotypical ng mundo…or KO.
    HA HA HA.

    P.S.
    Nakapagturo na rin ako, at nalaman kong
    ang good looks ay importante sa propesyong…teaching. BOW.

  6. Ay kelangan bang payuhan si Ugly Duckling? Hmmmmm..dagdag dun sa sinabi ni @therobensons (kasi tama sya, asa pananamit yan) ay yung self-image. Personality ang labanan…confidence lang (pero let’s not misconstrue this with arrogance) Arrogance is confidence gone really wrong.
    La akong sense. #mema

  7. Hi Madma,

    Musta na teh.. haha.. kakacomment ko pa lang sa isa mong post, eto na naman ako.. haha.

    Puwede magpayo? Ang dami kong alam eh, isilid na ako sa van.. haha

    Ang masasabi ko lang kay Ugly Duckling ay, invest more on your strengths. Kung mabait ka, maging mas mabait ka pa, Mother Teresa level. Kung talented ka, kahit ano pang talent yan, i-nurture mo yan. Pagyamanin mo lang ang mga positive traits mo. Substance over form ang strategy. GO GO GO!!!

    • Hello naman, Carl! Miss you!!! Kailangan na nating magkita. Malapit na mag-expire ang friendship! Kailangan ng i-renew! hahaha Ang sweet naman ng payo mo.🙂 Parang hirap na hirap ka maka-relate. GANDA! hahaha

  8. sorry.. hindi ako makapag-payo kasi hindi ako maka-relate. bilang maganda din ako cheka hot. (wow. ang shallow)

    cge, ill try na nga.
    hmmm.. daanin mo na lang sa confidence and pleasing personality. si ate Uge nga nakahalikan na si DingDong, Diether at Zanjo. or magpayaman ka ng fatale, nakakaganda ang pera. lamuyan. pag maraming marami ka nang pera, DM mo ko, ill refer you to the best dermatologist and plastic surgeons.. para may kickback ako. chos!

  9. Wow! Timing na timing…. kakarinig ko lang ng “Unpretty” ng TLC ng mabasa ko to.

    ang kantang yan… swak na swak sa bangga para sa case ni Ugly Duckling….

    Aminin naman natin na talagang Mukha ang unang nakikita natin…unless may powers kang magbasa na ang isang tao ay may busilak na kalooban…

    Ang mapapayo ko lang kay Ugly Duckling (makikipayo talaga din ako). Kahit medyo hindi tayo biniyayaan ng kagandahan wag naman nating itodo ang panglabas na kapangitan…. try to kunting enhance lang…. magsuot ng mga damit na naayon sa structure ng katawan, mga kulay na nababagay sa skin tone…. yung magmukha kang malinis tignan o appealing…… kasi marami iba jan pangit na nga dugyot pa magdamit… combo yun ika nga… so wag na magexpect na magkajowa kung ganun…

    in the end….. Ugali parin ang may pinakamalaking factor sa isang tao.. Maganda ka nga wala ka namang friends kasi palengkera ka… yun lang naman ang masasabi ko sa case na to….

    —————————————————————-
    ♫♪♫ You can buy your hair if it won’t grow
    You can fix your nose if he says so
    You can buy all the make-up that mac can make
    But if you can’t look inside you
    Find out who am I, too
    Be in a position to make me feel so damn unpretty ♫♪♫♪

    • Naks naman agree ako dyan te, attitude pa din ng tao ang tinitingnan sa huli. Possible na pag maganda ka e maraming gumugusto sayo pero kung waley naman ang attitude mo te for sure kahit anung ganda ang meron ka magsasawa yan sa ugali mo. Tanggapin mo muna te ang iyong sarili dapat tanggap mo muna para matanggap ka ng iba. Diba Nil? :p

      • Hello naman, ItsreallyJhane. Welcome sa Yours truly, Madma! Grabe nakipayo ka din ha. Love it. Agree ako na sa huli, attitude pa din ang best factor among all factors! Grabe sino si Nil?! haha Pakialamera din si Madma ha. haha

    • Ang ganda ng song na “Unpretty.” I mean, hindi man ako talaga nakaka-relate sa song, kasi nga ang ganda ko, bet na bet ko pa din ito. haha. Grabe nakipayo ka na din ha. LOVE IT! Tribo_Tagapayo ka na din dito. hahaha

      Check sa akin ang last sentence mo na ugali pa din ang pinakamalaking factor sa lahat. Aanhin ang pogi kung bakla. aanhin ang maganda kung magnanakaw. hahaha Ang extreme! hahaha

  10. Hi Ugly Duckling,

    Ay! Ang ugly mo naman! Haha char lang! Maganda ka kasi! Hindi mo lang inaamin or ineexplore paano palabasin. You’re so innocent like that. Sa totoo lang, marami jan sa paligid na kung pagmasmasdan mo, hindi talaga ubod ng ganda naturally, pero nakakasungkit ng talagang good-looking partners. Kung tatanungin ang anong meron sa kanila, malamang lalabas ang mga points na: (1) Confidence (2) Ugali (3) Diksarte (4) Taste ng partner [na hindi lang lagi pisikal ples! Minsan basta sexy inside/outside super pasado na!] at (5) pera [hehe!]

    Kung hindi pasok sa typical na ganda ang histura mo at patuloy mong ingungudngod sa sarili mo ang fact na ito, ay talo ka. Panget na nga, talunan pa. That should not be the case. You should be beautiful and fabulous. And be a WINNER!

    So kung tanong mo ay pano gaganda at eventually magkaroon ng lovelife, why don’t you try the following alternative ways of transforming yourself to a beautiful you:

    • Try to listen to songs na about Beautiful. Sabi ni Toni Gonzaga sa The Buzz, the songs you listen to eventually become you or something like that. So go, LISTEN!!! Favorite ko ang “Beautiful” ni Christina Aguilera pati yung kay Patrick Nuo. Favorite naman ng mga pamangkin ko ang One Direction’s What Makes You Beautiful.

    • Organize ka ng party tas ang theme parati ay masquerade. Kapag naka-mask lagi may chance na matakpan ang not-so-likey spots sa face. Pero galingan mo umaura para masaya!

    • Sa bawat taong makakasalubong mo, hanapin mo ang panget nilang aspect. Hanapin mo kung saang parte ka lamang sa kanila. Para ma-aapreciate mo sarili mo at marealize mo na may angkin kang kagandahan na wala sa iba. Sabi naman nila beauty is relative eh.

    • Maging MASAYA ka. Lakas maka-ganda sa tao ang laging Masaya at maligaya.

    • Try to change your nickname to “Ganda” or “Beauty”. Baka kapag lagi kang tinatawag na ganun ay sumunod ang histura mo.

    • Paligiran mo ng salamin ang kwarto, bahay mo at lahat ng place kung saan ka lagi nakatambay. Para kapag kitang-kita mo ang sarili mo ay at mapikon ka ay maisipan mong magpaganda parati!

    • Be Dolled up by JC Cantos. Jusko ito sure ball ito! Super tested na, kahit gaano ka ka-nega at ka-chararat, gaganda ka kapag dolled up by JC Cantos. Sali ka sa YTM’s Next Top Model! I believe my chance ka na ma-doll up ni JC Cantos kapag nanalo🙂

    • Gusto ko yung makinig sa mga songs about beauty! Kaya naman eto, nakagawa din talaga ako ng playlist for you, Ugly Duckling! Nasingit ko rin ‘to ha, kahit dami kong ginagawa. Hahaha!

      1. Affirmation – Savage Garden
      2. Beautiful – Christina Aguilera
      3. Beauty In The Ugly – Jason Mraz
      4. Perfect – Pink
      5. True Colors – Cyndi Lauper
      6. Ugly – Sugababes
      7. Unpretty – TLC
      8. What Makes You Different – Backstreet Boys

      Sorry, ka-Tribo Tagapayong Roes, di ko kasi bet ang One Direction kaya hindi ko isinama sa list. Hahaha!

      Guys dagdagan niyo pa dali! Tapos Ugly Duckling, download mo ha at ilagay mo sa iPod mo. Grabe kami pa mag-dodownload for you? Abala din ha. Hahaha! Char lang.

      • Gusto ko yung may play list! Grabe avail nyo ang Beautiful by Patrick Nuo! haha yung sa One Direction do ko rin yun gusto pero yung pamangkin kong grade school lahat ng songs paulit-ulit yun! haha

        GO Tribo_Tagapayo!🙂

      • WAHAHAHA! Grabe may playlist ka pa na binigay! I think, ibibigay ko sa’yo ang korona sa round na ito! Bagsik mo, B! hahaha ang taas na ng level mo. Nasu-surpise ako! Btw, favorite ko ang Affirmation. hahaha La lang. Makagawa nga ng version. haha

    • OMG BINANGGIT MO SI JC SA POST MO! BEST MO!!! NAHIYA NAMAN AKO. HAHAHAHAHA

      ANOTHER BLOG WELL DONE @jayrestacio!!!

    • At rumatchada na naman si @jayrestacio! LOVE IT! Talagang masasabing malakas kang pillar ng mga Tribo_Tagapayo! Ang pasabog na naman ng mga alternative ways mo! Kaloka. Ikaw din talaga nagpa-uso ng mga alternative shit sa blog na ito. haha At in fairness, na-promote din si JC Cantos ha! wahahaha Lakas maka-promote sa YTMNTM! wahaha

      Best mo, IPF! IKAW NA! hahaha

  11. Wag mong sayangin ang oras mo sa pagnguynguy. Pinanganak na panget, mabubuhay sa dilim? Wag ganon Ugly Duckling. Energy lang yan. Umaura ka ng umaura. Madaming tao sa mundo at sobrang iba-iba sila ng gusto. At meron talagang hindi panlabas lang na anyo ang hanap. Minsan, pera din. So kung mayaman ka, yun ang gamitin mong pang-akit sa mga lalaki! I’m sure sa hirap ng buhay ngayon, kumahog yang mga yan sayo! Kung hindi ka naman ka-yamanan, mabuting puso? Sana naman mabait ka kasi di ba nga sabi nga ni Madma “Yun na lang ang meron sila.” (Madma on pangets such as Wako-Wako of Basta Shokoy, Sweet Lover)

    Kung hindi naman gumana ang mga naturang suhestiyon, RETOKE! Mamuhunan ka na. Konting halaga lang yan kung kapalit naman ang ang pagtaas ng kampeedens mo. Why not diba? Wag ka ng choosy.

    Basta! Wag kang mawalan ng pag-asa. Hindi ka pangit… ANAK! – wahaha nanay? Basta ang ultimate point ko lang is wag mong pabayaan ang sarili mo. Kung maitim ka, mag-kojic san ka. Kung mapimple ka, magEskinol + dallicin C ka. Kung kinki ang buhok mo, parebond mo. Kung chaka ang ngipin mo, magpa-breyshes ka. Kung baduy ka, consult mo si Aaron Castro ng Aaron Did Fashion! ANO BA? Kapangitan lang yan. May solusyon yan.

    Ako na ang beauty and fashion expert. Sakin ka lang humingi ng payo tungkol sa pagpapaganda. Maganda ako eh. Sobra. Totoo.

    Love is blind.

    Aminin mo, naniniwala ka sa quotable quote na yan. So keep the faith. Someday, mamimeet mo din ang prinsipe mo na hahalik sayo at mag-aalis ng sumpa. Not in a literal way ha. When I say, mag-aalis ng sumpa, I only meant yung tao na magpapaunawa sayo na maganda ka… in your own rights.😉

    Makinig ka sa mensahe ng kanta ni @therealXtina “You are beasutiful no matter what they say words can’t bring you down.”

    PS
    SANA NAMAN, SA EFFORT KONG TO, MAPANSIN NA NI MADMA AT GAWIN NA NYA AKONG OPISYAL NA MIYEMBRO NG TRIBO_TAGAPAYO. ITO LANG NAMAN ANG PANGARAP KO SA BUHAY EH.

    • WAHAHA. Lakas ng tawa ko sa “mabubuhay sa dilim!” wahaha Ang miserable! pota! At talaga namang na-earn mo na ang full membership ng Tribo_Tagapayo dahil sa pasabog na comment na ito. You are no longer an ordinary commentator. You are now a member of Tribo_Tagapayo! O, ha! Formal announcement ba kamo?!

      Bakit ramdam na ramdam ko na ang lalim ng hugot mo sa topic na ito. CHAROTH. Away naman. hahaha Love you, WitchK! May prince charming para sa lahat. Kailangan lang mag-intay!🙂

  12. Hello naman sa’yo sa Ugly Duckling.

    Ang hirap naman ng problema mo. Pano ba maging chararat bumba? Pa-experience naman. WOW. Perfect din ako eh. :p

    Okay seryoso na. Alam mo, Tama na naman si Madma!
    Yes. Cruel talaga ang mundo. Ganyan talaga. Nabubuhay tayo sa pagkakahon ng mga bagay-bagay.
    Ang malungkot pa dun, pati ikaw kinahon mo na rin ang sarili mo. Mali yan, tsk tsk. Dapat isipin mong maganda ka. Wag kang magpapadala sa sinasabi ng iba. Sabi nga sa isang commercial ng Enervon, “What the mind perceives, the body achieves.” Totoo yan. Mind over matter ang peg.🙂

    Stop comparing yourself to others. Naku, madidisappoint ka lang talaga. Sabi nga ni Max Ehrmann sa Desiderata, “For always there will be greater and lesser persons than yourself.”

    Ang gawin mo eh i-enhance mo pa ang kung ano mang kaakit-akit sayo. Kung di ka man pinagpala sa mukha, eh di sa katawan mo idaan! Hipon mode lang!😀

    Kung chararat ka man sa paningin ng iba ngayon, wag kang mag-alala, di pa kasi uso ang ganyang mukha. Intay-intay lang. Patience naman please. :p

    Yang lovelife, darating din yan. Baka naman kasi ang ginugusto mo eh yung mga gods and goddesses sa hotness? Wag ambisyosa. Dapat lumevel ka lang sa nararapat sayo. Darating din ang counterpart mo bilang hipon, ang iyong lollipop. :p

    Ayan, sana naman nakatulong ako kahit papano. Avail mo din ang advice ng iba pang miyembro ng Tribo_Tagapayo ni Madma. #TriboTagapayoRules >:)

  13. Dagdag lang sa payo ni Madma. Technical/Legal/Practical Advice. Kung gusto mo ng mapapangasawang european, kelangan mo mag-aral ng foreign language to a certain level para mapangasawa sila. Define haggard no? HAHAHAHA. Wala lang, dami ko rin kasing nakikitang mga nag-aaral ng foreign language na mga middle-aged women. Alam na ang balak nila!

    Anyways, fan na rin ako ng #TriboTagapayo. More power to them!

  14. last pa pala, bago matulog madma, para kay Ugly Duckling, para may representative naman dito ang JISAS IS GAD, SAVIOUR AS WELL,/ JIGSAW

    ‎”Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind.” -Romans 12:2

  15. Hello, ang huli na ng message ko! Minsan ang society gago rin, ang bilis magbrand ng panget at maganda, at lahat tayo victim nito. Kahit gaano ka-gasgas, naniniwala pa rin ako na ang beauty from within ang nae-exude lagi natin sa ibang tao o sa environment natin. Basta’t lagi kang positibo, may puwang sa love life! Sabi nga nga HE teacher ko nung highschool, bawat kaldero at may swak na takip.🙂

  16. Nakakapangit ang pagmu-mukmok. Hindi na dapat ito ginagawa ng mga chararat bumba. Redundant! <- ang panalo nito! sakit sa panga at tyan kakatawa. haha. dami kong nakuhang pointers sa mga comments ng tribong tagapayo, nakarelate much?!;p

    • WAHAHA. Ang perfect ko din talaga ‘no? haha AKO NA!

      Salamat naman sa paqtuloy na pagbabasa, Mare!🙂 PAsabog talaga ang mga Tribo_Tagapayo! Nakaka-pressure na nga sila ha. haha Magpayo ka din! Welcome ang payo and comments mo dito.🙂

  17. Hi Ugly Duckling,

    Nako. As a guy aminado ako factor ang beauty. As in. Pero kahit sing ganda pa yan ni Aphrodite pero ugali naman pang kalye wala paren. Be confident. Kung kulang ka beauty compensate mo. If super baet ka, me sense kausap, confident at funny malaking plus samen un!

    Seryoso. Good luck ah!😉

    • Hello naman, Eds! Grabe nakipayo ka din talaga ha. BEST! Thanks naman. True talaga na ang ugali ang mahalaga. Pero factor din talaga ang itsura. haha

      Girls, listen to Eds! haha

  18. Madma nafifeel ko na in the near future masasama na ‘tong pasabog mong blog sa mga blog awards #fearlessforecast

  19. Hi Ugly Duckling and can I just say, “IMBA ka Madma!”

    Naging fanatic na rin ako ng blog mo Madma.

    Anyways, di ko mapigili mag-share ng payo kay Ugly Duckling kasi naka-relate ako ng very light. Aminado naman ako na dumaan ako ng kapangitan dati at salamat sa diyos ay napagtagumpayan ko ang suliranin na ito.

    To you Ugly Duckling, DEDICATION at DISIPILINA ang sikreto! Gusto mong maging maganda pwes, do everything you must in order to achieve it. Once you dedicate yourself, there is NO GOING BACK. Don’t look back and don’t hesitate. Panoorin mo ang 200 Pounds of Beauty (Korean film) para ma-inspire ka.

    If ready ka at wala nang pagdududa ito ang gawin mo (I suggest you do this na malayo ka sa friends mo, or maging loner ka for a month or two):

    1. BUDGET – Mas malaking budget mas ok. Mag diet ka. Imbes i-kain mo ang pera, ipunin mo nalang. Kailangan pumayat ka muna ng todo para malabas lahat ng toxins at magsilabasan ang mga pimples at dumi sa ilalim ng pores mo sa mukha at katawan. Try mo to for 1-2 weeks (depednds how fat you are) 1 glass of milk for breakfast, 3 pieces ng Choco Tops or any choco candy and Coke Diet for lunch, for dinner normal meal pero 1 rice lang and no pork. In between meals tubig lang snacks mo. BELIEVE ME, it works. I know it’s intense, so kapag hinimatay ka, itigil mo na. Tinigil ko to nung hinimatay ako ng very light sa tapat ng AS.

    Pag nagawa mo na number one, mas papangit ka pa and yes, maglalabasan lahat ng dumi mo sa katawan. Haggard looking ang peg mo dito. Ito na ang rurok ng kapangitan mo. Very motional ka rin at this point, BREAKDOWN LEVEL kaya patutugin mo na ang playlist sa taas at harap ka sa salamin at umiyak ng bonggang bongga kasi PANGIT KA. Makakatulong ang pag-iyak sa release ng toxins, emotional baggage and lilinaw ang mata mo in the process. Ready ka na sa Step 2

    2. DOCTOR- Since marami kang pera, diretso ka na sa magpa facial. Di kailangan Belo or Obagi kung masyadong mahal for your budget. Keri na sa Bioessence Gold sa tapat ng SM North, refer kita kay ate para bigyan ka ng free diamond peel (subject to availability to), or pwede na rin sa Dermstrata. Imporatante na tanungin mo sina ate kung anong nababagay sayong treatment. ALAMIN MO SKIN TYPE MO. Dito ka ulit iiyak ng bonggang bongga dahil masakit na masakit talaga. Maintain mo to strictly for 4-5 months twice a month session. After nun, once a month nalang… habang buhay -dedication

    Don’t forget to WASH-TONE-MOISTURIZE twice a day. I-ayon mo sa skin type mo. I recommend Godiva, Neutrogena, Human Nature (lahat to within budget so wag mag-alala, according to skin type ha!)

    Para pumantay ang kulay ng katawan mo, bumili ka ng Gluta, I recommend Ishigaki 2 capsules a day tapos 500-1000 mg of Vit. C. Ang goal mo dito ay para pumantay ang skin tone, bonus na lang pag pumuti ka. Again, hindi porke’t maputi maganda na, i-ayon mo sa temperature ng balat mo – simplest way to know is wear a piece of gold shirt and silver shirt, pag mas gumanda ka sa gold, warm ang temp mo, pag silver naman, cool ka. For warm, mas bagay sayo maging morena or light tan, fashion choices mo are warm colors, go for yellow, orange, gold, red. For cool, itodo mo na magpaputi, wear colors na blue, lilac etc. Kung play safe ka sa fashion sense mo, go for neutrals. Always take note sa sinabi ni Tim Gunn “SPF -Silhouette, Proportion and Fit.” So kahit ano pa style mo i.e. minimalist, goth, avant garde – always keep in mind SPF ok?🙂

    3. MEYNTEYN – sabi nga ni Superstarmarian. You are what you eat. Kung mahilig ka sa baboy…sorry pero baboy ka, lalabas din yan sa skin texture mo, magigiing kabalat mo ang baboy -this is actually true. Less red meat, saktong white meat meat, love your vegetables and more on fruits, I highly recommend avocado (the healthiest fruit in the world,) Sa avocado gaganda ng bonggang bongga ang kutis mo PROMISE sabi ni Anna Kournikova! Plenty of water girl, siguro at this point snacks mo na rin ang tubig di ba? Kaya baonin mo ng bonggz! Mas mainam din to maintain 8 hours of sleep everyday. Wag magpaka-haggard masyado, mahalin ang katawan.

    4. EXERCISE – ang kagandahan ay pinagpapaguran. It helps blood circulation and renewal of body cells. It also produces endorphins which makes you happy. Pag happy ka, maganda ka. Goal mo dito is to tone your muscles para lumabas ang mga natatago mong yaman.

    5. ATTITUDE – It’s easy – SMILE. Smile pag umulan, smile pag uminit, smile pag natutulog, basta SMILE and make it sincere.

    6. Pag nagawa mo to lahat in a mattr of 6 months na rigid dedication talaga – You are entering the door of SELF-LOVE. Yung totoo at hindi jam-jam lang ika nga ni Madma. By then you will realize that you actually don’t need na humanap ng lovelife… kasi mahal mo ang sarili mo kaya mo to lahat ginagawa. Do it and you will be it (tama ba?). Basta according to psychology ang treatment na ito is called Behavior before Attitude. Pa-research nalang baka mali ako.

    At pag may Php30,000 ka at bet mo magpa retoke ng ilong attack ka sa Tricosmed Trinoma 1st floor. It helps. Yun lang. Pero siyempre gagawin mo to dahil mahal mo sarili mo, at di para sa iba. ok? choz.

    P.S.
    Madma, pasensya na kung medyo mahaba, touchy ako sa subject na to.🙂 Mabuhay ka Madma!

    • OMG! Ang best nung comment mo, Eugene!!! Tawa ako nang tawa!!! Wahahaha ang specific din talaga at precise! Love it! Gustong-gusto ko yung napagtagumpayan mo ang suliraning ito! CONGRATS nama sa’yo for that.

      Welcome na welcome ang mga thoughts and comments mo! Go lang at maging miyembro ka na din ng Tribo_Tagapayo! hahaha Thanks for reading my blog.🙂

  20. ang specific nun ah. pero me point. minsan kelangan trabahuin eh.

    if ginawa mo yun, tataas confidence level mo. and confidence is sexy.

  21. op kors hehe. me sense eh. sarap magbasa pag ang nagsusulat me sense at ang mga nagcocomment me sense haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s