The Search is on for the First YTM’s Next Top Model

Dear fans and followers,

Gaya nga ng pangako ni Madma, puro pasabog lang ang magaganap sa blog na ito. Kaya naman, as we enter our second month, panibagong pakulo na naman ang handog ni Madma para inyo.🙂

Inihahandog ng Yours truly, Madma, kasama ang Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos, ang Yours Truly, Madma’s Next Top Model (YTMNTM)! Ito ang pinaka-bongga at kauna-unahang modelling search sa blogging world. Aminin n’yo yung may sponsors na tayo. ANSABE?!🙂

Kung feeling mo ay may kakaiba kang talent sa modelling at tingin mo ay kaya mong ilampaso si Madma pagdating sa mga posing, SUMALI KA NA! Hinahamon ka ni Madma. Ito na ang pagkakataon mo para sumikat sa YTM at manalo ng mga pasabog prizes.🙂

Napakadali lang sumali. Huwag kayong umarte-arte d’yan! Basahin lang ang mga simpleng mechanics na ito. GAME!

  1. Ipadala ang pinakapasabog at nakakalokang picture sa yourstrulymadma@yahoo.com. Dapat pang America’s Next Top Model ang peg ha. Siguraduhing pasabog ang picture na ipapadala kasi mamimili kame ng Top 10 among all submissions. Ayaw n’yo naman sigurong ma-tsugi agad di ba?! One entry lang per person ha. Grabe naman yung photo album ang ipapadala. Pili lang kayo ng best picture n’yo bilang entry.  Pwede na kayong mag-submit ng picture starting tonight until June 28, 2012. The Top 10 will be chosen by our prestigious judges and will be announced on June 29, 2012! Next week na ‘yan, so galaw galaw na!
  2. Tuloy ang laban kung makapasok kayo sa Top 10! Magkakaroon ng theme every week at dapat patuloy pa ding mag-submit ng photo ang mga Top 10 finalists in line with the theme. So kung makapasok kayo sa Top 10, karirin n’yo na ang pictorial para tuloy-tuloy na sa finals. Kayang kaya n’yo ‘to! One photo per week lang ang kailangan kaya i-best n’yo dapat! Ang hindi makakapag-submit ng photo on the given deadline ay tatanggalin automatically.
  3. At syempre, involved ang lahat ng fans ni Madma sa YTMNTM  kasi botohan ito! 70% ay manggagaling sa votes ng fans at 30% ay manggagaling sa votes ng ating prestigious judges. Two (2) contestants ang matatanggal every week. O di ba, may elimination. Lakas maka-AI!
  4. Ang makakasama sa Top 3 ay magkakaroon ng pasabog pictorial kasama ang buong YTMNTM team with make-up artists, photographer and stylists. Pasabog ‘to kasi sama-sama tayong magpi-pictorial para sa magiging entry n’yo sa final round. Bonding ‘to nang todo! After the pictorial, tuloy-tuloy ang botohan hanggang mahirang natin ang kauna-unahang YTM’s Next Top Model Grand Winner! Pak!
  5. Ang ating mga judges ay sina: Mr. Rogelio Estacio Jr., ang General Manager ng Adbokasya. Ms. J.C. Cantos, ang personal make-up artists ni Richard Gutierrez at iba pang bonggang artist sa GMA 7. At isang surprise judge na makikilala natin next week. Mayroon silang isang “SAVE” power throughout the competition! Bongga di ba?!
  6. Ang contest na ito ay bukas para sa lahat ng mga fans ni Madma na nasa NCR at mga karatig probinsya. Hindi muna pwedeng sumali ang ating mga TFC subscribers kasi malayo. Aminin n’yo. Pero of course, pwedeng pwede silang bumoto.

Ang tatanghaling YTMNTM winner ay magiging featured model ng Adbokasya for the month of September. Syempre, may bonggang solo pictorial shoot ito kasama ang buong YTMNTM team: photography by Mr. Zabra Yu Siwa, Hair and Make-up by Ms. J.C. Cantos.

Magkakaroon din siya ng free personalized t-shirt from Adbokasya. Design of his/her own.

Makakatanggap din ang winner ng free Hair and Make-up service from Ms. J.C. Cantos valid within this year.

At syempre, ang YTMNTM winner ay bibida sa video blog ni Madma sa buwan ng September! Aktingan with Madma ang peg nito kaya pasabog!

O, grabe ng fame ito ha. Sagad-sagaran na! Mamili na kayo na picture n’yo at i-submit na kay Madma. Grab this very rare opportunity para magpasikat! Iintayin ko ang mga entries n’yo. GAME! SALI NA!

Yours truly,

Madma

P.S. Maraming salamat sa Adbokasya at kay Ms. J.C. Cantos sa pakikipagtulungan kay Madma para sa pasabog event na ito. Salamat din kay Mr. Jayson Cruz sa paggawa ng poster! Ang bilis mo din talaga umaksyon.🙂

And of course, ang mga members ng Tribo_Tagapayo and other fans ay welcome mag-comment sa mga mga photos. Lahat kasali sa pasabog na ito!

Click the images below para makilala ang Adbokasya at si Ms. J.C. Cantos!🙂

59 thoughts on “The Search is on for the First YTM’s Next Top Model

  1. OMG andaming mapapalanunan ng mananalo!! At pasabog talaga ha?!magiging sikat na rin talaga siya so hindi na rin talaga ‘to dapat palagpasin!!! Wohooo!!!!

  2. OMG andaming mapapanalunan ng mananalo!! At pasabog talaga ha?!magiging sikat na rin talaga siya so hindi na rin talaga ‘to dapat palagpasin!!! Wohooo!!!!

  3. Kung kelan ako nagka bulutong, chaka mo ni launch to! heychu Madma. Chatott!!!! Kahit nandito ko, madali akong kausap. pag napasali ako sa finalists, BOOM: flight pauwing pinas agad! haha.

    Pero sobrang cool nito Madma! Galing ng Concept! At ang sosyal bilang me mga sponsors ito!!! Taray!!!

    asan yung poster na nabanggit?! na curious ako.

    • OMG yung binulutong ka?! Sana naman magaling ka na. Ang hassle naman ng binulutong at this age. Lakas maka-pangit ng skin! Pota. haha at grabe yung taas ng interest mo na sumali ha. hahah PASABOG! Abangan ang pasabog poster soon. Ginagawa pa ang official poster. hahaha Grabe ang support mo! All the way from Norway!❤

  4. Kung gwapo at photogenic lang sana ako no? Kaso fair si God kasi slogan-making skills ang binigay sakin at zero sa larangang pagmomodel.

    Magiging avid supporter na lang ako nito, lalo na kung sasali ang aking kaibigang si Geneshizz. HAHAHAHA.

    • Ay meron pala. Minimal editing lang ang pwede. Hindi pwede yung maitim tapos biglang magiging sing-puti ni Kristine Hermosa! Malalaman naman namin ‘to. hahaha Trust us.🙂

  5. PAALALA SA MGA SASALI SA YTMNTM: Minimal editing lang ang pwedeng gawin sa photo ha. Hindi pwedeng puro edit na tipong chaka tapos biglang super ganda o kaya eh kulot tapos biglang straight hair pag labas sa photo. Malalaman naman ‘to kasi may mga photographers sa YTMNTM Team.🙂 GO! Sali na! Fun funa lang ‘to. Huwag ma-pressure!

    Salamat naman, wansapanatym for pointing this out.🙂

    • Go! sali ka na. Fun fun lang ‘to, ano ba?! Grabe nanghihina agad?

      Top 10 lang ang ipo-post. So dapat best ang photo ko para pasok na pasok sa Top 10.🙂 Intayin ko entry mo ha!

  6. SA LAHAT NG MGA SASALI: Ang photo na ipapadala para mag-qualify sa Top 10 ay di naman kailangang recent. Basta dapat, BEST!!!😉

    Pero kapag nakasama na kayo sa Top 10, madami ng mga twists na magaganap so dapat handa ang mga finalists sa lahat ng magiging requirement.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s