It’s All About Friendship

Dear fans and followers,

Kamusta na?! Bonding time naman ulit. Napakabilis talaga ng panahon. Kaka-celebrate lang natin ng monthsary special tapos ngayon malapit na tayo sa ikalawang buwan. Super bilis! Nakakaloka. Naku, abangan n’yo ang pasabog namin for our 2nd month. Kung naulol kayo sa pasabog ni Madma last June, 15, 2012, mas ikakawindang n’yo ang inihahanda naming pakulo for July. KAPIT LANG!!!😉

Anyway, let’s talk about friendship. Aaay, ang chummy! Grabe din yung biglang-liko sa friendship.😉 Wala lang. Ang saya kasi nung maraming kaibigan eh. Yung TOTOONG mga kaibigan ha. Iba ang feeling kapag kasama mo ang mga friends. Aminin n’yo ‘yan! Ito yung mga precious moments na walang katumbas at wagas. Ang mga simpleng bagay ay nagiging pasabog. Ang mga simpleng chikahan at nguynguyan ay nagiging controversial. Ang mga simpleng ganap ay nag-iiwan ng permanteng marka sa buhay. Heaven.😉

Mapalad ako at marami akong mga tunay na kaibigan. Hindi man ako pasabog sa larangan ng love, ratchada naman ang ratings ko pagdating sa friendship. Ang saya kasi nung pwede mong ipakita ang tunay mong pagkatao sa harap ng mga kaibigan mo at tanggap ka nila nang buong-buo kahit ano ka pa. Ang sarap malaman na sa lahat ng laban mo ay may kasangga ka. Ang best nung hindi ka natatakot madapa at magkamali sa buhay kasi alam mong and’yan ang mga kaibigan mong pupulot sa iyo sa putikan. Ang drama nung “putikan.”🙂 Ang sarap ding mangarap kasama ang mga kaibigan na tipong kahit hindi mo alam kung magkaka-totoo eh go lang! Masaya ako na marami akong mga kaibigan. Sila ang aking kayamanan. Ang pamilyang pinili ko para sa sarili ko. Ang pampalasa ng buhay ko.🙂

Alam kong hindi ko sing-palad ang iba pagdating sa friendship. Alam kong may mga taong hirap na hirap pagdating sa aspetong ito. Kung parang paghinga lang sa akin ang pakikipagkaibigan, alam kong effort sa iba ang bagay na ito. Nalulungkot ako sa mga taong walang permanteng kaibigan or yung mga tinatawag na “palaboy.” Generally, sila yung mga taong pakupota noong bata pa sila at walang na-establish na solid group kaya lost ngayon. Or pwede ding sila yung mga taong nawala nang matagal na panahon sa barkadahan tapos biglang bumalik then lost na. Well, pwede din kasing choice nila ‘yun. And I think it’s a bad choice. WOW. Ako na yung may alam sa tamang choices.🙂 Sadly, madami pa din kasi akong nae-encounter na mga ganitong tao. Yung pilit na fini-fit in ang sarili sa isang grupo kahit hindi naman swak. Yung nagpipilit na makapasok sa isang group kahit na hindi naman umuubra. Yung iniluluwa na ng grupo pero pinu-push pa din ang sarili sa barkadahan. Hindi mo tuloy alam kung manhid lang ba siya or tanga-tangahan. Nakakalungkot talaga. Kung kaya ko lang gumawa ng special friends for these special people, gagawin ko. Kaso hindi eh. I only have limited powers so I can’t help but feel sad for them.😦

Ang friendship ay inaalagan. Para yang halaman na kailangan diligan ng pagmamahal, effort at oras. Otherwise, mamatay. Kaya ako, kahit gaano ako ka-busy, I find and make time for my friends. Hindi madaling humanap ng time lalo na sa mga working professionals like us. Kaya super naa-appreciate ko talaga yung mga friends ko na humahanap ng pahanon para makasama din ako. Hindi ko alam kung paano mabuhay ng walang friends. Hindi ko kayang mabuhay ng walang friends. Kaya nga hindi ko naiintindihan yung ibang tao na pakupota sa trabaho, sa jowa at sa sariling buhay. I just don’t get it. Hindi ko talaga ma-gets yung mga taong sooobrang busy kuno na walang time sa friends. Kingina! Kapag gusto maraming paraan! Kapag ayaw daming nguynguy! ‘Yun lang ‘yan. Sarap sapakin ng mga ganitong tao eh. Sarap dispatsya! Kala mo Presidente ng Pilipinas kung maka-busy. Hindi naman yumayaman! Che! Tapos lalapit lang at magpapa-sense kung may kailangan sa’yo at may problema sila. Otherwise, deadma. ISANG MALAKING CHE!!!

Tandaan natin na ang value ng friendship ay nade-define kung paano mo ito inalagaan bilang tao. Kung gaano kalaking oras at panahon ang inilaan mo sa mga kaibigan mo. Kung gaano kalaking part ng buhay mo ang binuksan mo para mapasok ng mga friends mo. Kaya naman, kung hindi ka nagi-invest, huwag kang manghingi!!!Hindi ka naman magwi-withdraw sa isang bangko kung wala kang namang perang ininvest, di ba?!  Huwag kang umasa at mag-expect pagdating ng panahon. You reap what you sow. If you don’t sow then you will definitely have nothing to reap. Totoo ‘yan. At kailangan mong tanggapin ang consequences ng actions mo. Hindi kasi ako naniniwala na kapag friends eh pwede mo ng deadmahin at hindi kitain kasi “friends” mo naman ‘yan. Andy’an na ‘yan kahit anong mangyari. Bullshit ‘yan! Justification lang ‘yan ng mga taong pakupota. Napakabilis ng panahon. Madaming nagyayari sa buhay ng mga tao sa isang araw pa lang. Kung hindi ka ka-catch up, maiiwan ka sa past.

Totoo din ang FO or “Friendship Over.” Like any other relationships, may mga natatapos ding friendship lalo na yung mga relasyong wala ng patutunguhan. To be honest, hobby ko din talagang makipag-FO lalo na sa mga taong wala ng mabuting dulot sa buhay ko. Fierce ‘no?!😉 Like what I’ve said, madami akong friends kaya wala akong panahon sa mga kaibigang gago. Kung hindi na tayo nagkakaintindihan at nagkakasundo, tapusin na. Dispatsya na kasi walang point na ipilit pa. Simple lang kasi ang buhay. So much for nguynguyan.🙂 Pero, in fairness naman to me, matagal ako mag-let go ng friend. Isasagad ko din talaga until sa kahuli-hulihang pasensya at pagmamahal na kaya kong ibigay. Aminado naman ako na hindi ako madaling maging kaibigan. Madami din kasi akong arte at twists sa buhay. Hindi ako perfect at mayroon din akong mga hindi magandang traits. Pero mas marami pa din talaga yung magagandang traits. WOW.🙂 Kaya naman mahal na mahal ko yung mga taong nagi-stay as my friends. At marami sila ha, mind you.  Ang saya lang na sa kabila ng imperfections ko ay may mga tao pa ding pinipili akong maging kaibigan. Well, congratulations because you made a good choice. WOW, again!😉

Malapit na ang birthday ko. 27 years old na ako by then at nasa punto na ako na nasasala ko na ang mga kaibigan ko. Nafi-filter na din at nagkakaalaman kung sino ang mga kaibigang pang habambuhay. Very crucial din talaga ang stage na ito kasi nagkakalaglagan na. Nagkaka-bunyagan na. Mas nagiging malinaw na kung sino yung kaibigang pamilya, kaibigang fans lang, kaibigang burden, kaibigang sa saya lang kasama, kaibigang magnanakaw, etc. Grabe yung magnanakaw!😉

I’m sure naiintindihan n’yo ang mga pinagsasabi ko sa post na ito kasi may mga kaibigan din kayo at mga barkada. At one point ay hinanap n’yo din ang grupo na sasamahan n’yo. At one point eh nakipag-FO din kayo. Ang best kasi talaga ng may mga kaibigang tunay, di ba?! Life is nothing and meaningless without them.🙂

Sa lahat ng mga kaibigan ko, gusto kong sabihing MAHAL KO KAYO! Kilala n’yo na kung sinu-sino kayo. Hindi ko man laging sinasabi ito pero sana ay nararamdaman n’yo. Tumatanda na tayo at umiiksi na ang oras natin sa mundo. Sana ay patuloy pa din nating piliin ang isa’t isa sa kabila ng mga kaganapan sa sarili nating mga buhay. Uulitin ko, kayo ang aking kayamanan. Ang pamilyang pinili ko para sa sarili ko. Ang pampalasa ng buhay ko. Maraming salamat sa regalo ng pagkakaibigan. Sniff.🙂

Sa mga na-FO ko naman, ingat kayo. Kilala n’yo na din kung sinu-sino kayo. Nakakalungkot at umabot tayo sa puntong hiwalayan. Hangad ko pa din ang inyong kaligayahan kahit hindi na tayo magkakaibigan. Hindi man tayo naging matagumpay sa ating samahan, parati ko namang baon ang ating pinagsamahan.🙂

Sa mga tao namang pakupota dati at lost ngayon sa paghahanap ng solid group, go lang! Hindi ‘yan madali pero go lang! Wish ko ay makita n’yo ang grupong tatanggap sa inyo at yayakap nang buong-buo. Huwag n’yo ng ipilit ang sarili n’yo sa mga grupong ayaw kayo. Kapag ayaw sa inyo, ‘wag. Maging sensitive at bigyan n’yo din ng dangal ang sarili n’yo.🙂

Sa mga tao namang kinakain ng pagka-busy sa buhay, bullshit kayo. Alam na alam n’yo kung sinu-sino kayo, pakshet! Charoth. ;)Sige, go n’yo lang. Sana ikayaman n’yo ‘yan. At sana ay hindi mapagod ang mga kaibigan n’yo sa inyo at may balikan pa kayo sa mga oras na kailanganin n’yo sila.

Yun lang naman. Grabe ang pasabog ng post ko ngayon ‘no. Wala akong cancer ha at hindi pa ako mamamatay! Gusto ko lang talagang ibahagi ang thought ko na ito. Sayang yung moment eh. Bihira lang ako atakihin ng mga arte moment. Ang saya din kasi talagang ibahagi minsan ang deepest thought . Ang deep na nga nito eh, muntik na akong malunod!🙂 Usually, mas prefer ko kasing live pinag-uusapan ang mga ganitong bagay kaysa sa isulat. Katamad eh. Mas mabilis kasi talagang gumalaw ang bibig ko kaysa sa mga daliri ko.😉

Let’s celebrate friendship! I-declare na nating Friendship Day today!  Happy Friendship Day everyone! WOW. Ako na talaga ang nag-declare. Hiyang-hiya ang Malacanang sa akin.😉

I-share n’yo din ang thoughts n’yo re: this post. GO NA! Huwag ng mahiya. Excited ako marinig ang nguynguy ng mga members ng elite group na Tribo_Tagapayo re: this one.

Bonding time! Sundin lang ang format na ito kapag magku-comment:

“Happy Friendship Day sa inyo! Alam n’yo, tama ang mga sinabi ni Madma. Ang friends/friendship kasi ay…”

O, ayan may format na ha!  GAME!!!

(Salamat Desperate Housewives sa  8 years na ating pinagsamahan. Salamat sa mga aral na itinuro n’yo sa pag-ibig, buhay at pagkakaibigan.)

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://personaleuphoria.blogspot.com/2012/02/happiness-tip-seven-friends.html)

P.S. Sali na sa YTM’s Next Top Model! Grabe yung may mga nag-submit na ng entries over the weekend. PASABOG! Ito na ang chance n’yong bumida sa YTM! Kaya huwag ng magpahuli, humanap na ng pasabog photo n’yo at sumali na. Masaya ‘to, promise! GO!!!

Submission of entries is until June 28, 2012. The Top 10 will be announced on June 29, 2012.

Click this for the YTMNTM mechanics. “The Search is on for the FIRST YTM’s Next Top Model”

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

43 thoughts on “It’s All About Friendship

  1. Favorite ko yung ngitngit mo sa mga busy friends dahil alam mo rin talaga ang stand ko dyan. Alam na alam din yan ng mga HS friends ko. Demanding akong friend. Mahilig ako sa tinatawag na “catching up”. Yung isa ko ngang friend nainis na sa’kin dati kasi bakit ba daw dapat laging magkikita/ chat. Pero natutuwa ako na ngayong tumatanda na nga talaga tayo ay naintindihan na nya kung bakit ako ganun at napagtanto nya na tama ako na mahalaga ang bonding sa mga TUNAY na magkakaibigan🙂

    • Eh kairita naman kasi yun mga pa-busy na friends. Sila lang talaga yung busy sa mundo. Sila lang. haha Ako naman eh deadma sa mga ganyang tao sa totoo lang. Kung ayaw, huwag. Masaya sila sa ka-busyhan nila, go! Dami kasing ibang friends na willing. More bonding naman sa Hathie. Naa-appreciate ko din talaga yung oras na binibigay mo sa aming mga friends mo. And for that, i love you.🙂

      Grabe yung hindi ka sumunod sa format ng pagku-comment! hahaha

  2. wow naman,.napaka.timely naman nito madma,.ay! HI MADMA nga pala,.anyways,kaya sinabi kong timely kasi Anniversary namin ng friends ko from High School ngayon,.o di ba,.nag.aanniv kami,.hehe,.pero seriously, thank you sa post mo,.it makes me feel so blessed that i still have my friends,.THANK YOU MADMA,.! LOVE YOUR BLOG!

    • Hello, Alys.🙂 Happy anniv naman sa inyo ng mga HS barkada mo. Timely nga ha! haha We are so blessed to have true friends beside us.🙂 Ang best kasi talaga kapag may pasabog friends. Masaya ang buhay kahit madaming problema. Thanks for reading my blog. Happy naman ako at nagustuhan mo ang mga pinaglalagay ko dito.😉

  3. thank you naman sa bati,.hehe,.hindi ko lang nagugustuhan toh,naaadik pa,.haha,.nakakatuwa lang kasi na nakakarelate ako sa mga post mo,.ako na si RELATE ALL,.pero,yung totoo,masaya talaga sya,.gawa ka naman ng book,.haha!

    • Ang taray naman nung RELATE ALL! hahaha Ang universal din ng expereince mo ha. haha

      Thanks sa support.🙂 I appreacite it. Re: Book, sige. Aabot din tayo d’yan.🙂

  4. Kulang ng isang boy para tayo yan sa Hathie ^^ alamong meron akong ganyang swimsuit. Best din kasi yung kasama mo sa bahay yung mga pasabog friends. Sarap umuwi! I LOVE YOU MADMA.

    Hi Miss JC of Dolled Up By JC Cantos!!! Shout ouch sa mga active pang KEPSQUAD!

    Hi Jayson of Peers! Hi Peers! Cheers to Peers! Honorary din kasi talaga ko ng Peers eh.

    Hey there, UP Repertory Company! Frep din kasi ako.

    HAPPY FRIENDSHIP DAY GUYS!❤

  5. Hi Madma! Ang taas ng emotion ng post na ito. Parang FINALE NG DESPERATE HOUSEWIVES! ‘Di ba?😀

    I’m really glad na isa ka sa mga nasa inner circle ng friends ko. Medyo lumaki at dumami din yung circles dahil sa’yo, and I want to thank you for that. Wow, networking/pyramiding diva ka rin pala hahaha! Andyan ang Peers na talaga namang napalapit na rin sa puso ko. You know what I mean. Hahahaha! Andyan din ang Rep, ang Tribo_Tagapayo (shout ouch naman dyan!) at other groups and individuals na rin.

    Like you, at this point, meron na talaga tayong set of friends na hindi lang sa kyemehan nakakasama kasi alam mong ANDYAN sila.

    Alam mo Madma, Re: di magandang ugali, naniniwala ako sa ibinibirit ni Kelly Clarkson na, “Everybody’s got a dark side!” Kahit ako, akala niyo lang perfect ako. Pero behind these hazel eyes, marami din akong flaws. Huwaw! Taas ples! Abutin niyo! Naloka ako dun. Hahaha! Kayanin niyo yung hazel eyes.

    Ang mahalaga eh, natatanggap natin ang isa’t-isa even with all these imperfections, and that makes the world an even more interesting place to live in. Yung umaarte, lipat sa Saturn.

    Happy Friendship Day!

    • WAAHAHA! Kingina nakita mo nga pala ang mugto kong mga mata kagabi. Ang arte din ‘no?! Eh naiyak ako eh. Umakyat na nga lang ako sa taas kasi baka maloka ka! hahaha mga 30 minutes din na non-stop crying ‘yun ha. Kairita. Pa-involve sa DH ang pota. haha:)

      Happy din ako at from UPLB eh nakasama ka din sa Manila life ko.😉 Ang saya din kasi din kasing pinaghahalo ang mga friends eh. Ay, hindi din pala lagi kasi nagiging “magulo!” wahaha. Alam ko namang napalapit ka na sa mga fans ko lalo na kay Jayson Cruz. LAGLAGAN! hahaha❤

      IRITA yung hazel eyes?!! SAAN!!! Ituro mo sa akin mamaya kung saan banda! Letche! Pa-ratings!!! wahaha

  6. Sige na nga susunood ako sa format!🙂
    “Happy Friendship Day sa inyo! Alam n’yo, tama ang mga sinabi ni Madma. Ang friends/friendship kasi ay give and take and being there through the good times and bad. Hinde pwedeng ikaw ang bida lagi. Kailangan sensitive ka rin sa needs ng friend mo at dapat matutong mag-effort kahit sa simpleng chat/message sa FB/Skype/YM. Ang daming paraan please to keep in touch! I’m so happy na may mga kaibigan ako na kahit napalayo ako physically ay hinde naman nalalayo sa aking puso. Kahit sa pagtanda natin lahat ay kasama talaga ang ka-busyhan because sometimes this equates to the road to pagyaman, hinde na ‘ko magpapasaring sa mga taong busy lagi. If you can’t change your situation, you can still choose your attitude and I really admire people who knows how to keep their friends. Kahit isang batalyon pa yan o kahit nabibilang mo lang with your toes and fingers. If there’s a will, there’s a way for everything! Oo tama ka na naman Marvz! Lahat ng bagay pwedeng mapag-usapan! Grabee, I’m so looking forward to spend time with the Kepsquad! Kakaiba din yung mga bonding natin from UPLB/Botica to Hathie! Walang katulad! Pwede na ba kong umarte sa homesickness?! haha. Miss ko na kayong lahat! Kelan kaya maulit yon? Anyway, bago pa magka-dramahan, aabangan ko pa mga pasabog mo dito Madma! I’m so looooving it! Pati mga comments from your supporters, pasabog din! Virtual bonding is the way to go sa mga taong busy to catch up with friends! *hugs*

    • Ganda!!! Miss ka na namin.😦 Naiiyak naman ako sa comment mo. Ano ba?! Kakaiyak ko lang kagabi!😦

      Iba din talaga ang naging samahan ng Kepsquad. Masasabi. Pang-matagalan. Pang-malakasan. Kahit malayo ka, andito naman sila Benson, Kti, Kristy and Julie na nagpapaalala ng ating mga pasabog moments sa LB at kasama kong gumagawa ng mga pasabog new experience. Basta, miss na kita. Yun lang. Salamat at naisipan kong mag-blog at kahit papaano ay nakikita mo na din ako. Mahal kita, Van. We love you here. Regards kay Pareng David. Pagbalik mo, we will make new and epic memories together.❤

      • Anuber??? Chain reaction na ito! Nakakaiyak na ha, hindi na nakakatuwa haha. Aaaawwww bakit ka naman naiyak ng todo to the point na mugto ang mga mata mo kagabi? I like it when you’re shifting to serious mode, lumalabas soft side mo🙂 grabe din kasi talaga yung 10 years na tayong magkakaibigan (well for me, 9 years pa lang sa Kepsquad dahil late ako umarrive) i am grateful na naabutan pa kita sa LB Marvin! Kundi i missed not just half but more than half of my life! Wow. More than half din talaga ha, lakas! Wala nang lagasan ples! Si Van oh, asa UK kasi sya, pero talaga namang matindi ang kapit!!!!!! Di bumibitiw!

      • 10 years na din pala! Grabeeee na yung friendship! Lakas na! hahah Happy din naman ako at until now ay magba-barkada pa din tayo. Super laking blessing nito from God. Kaya naman alagaan natin ang samahang ito at pagyamanin. Ang arte nung “pagyamanin.” At syempre, happy din ako at nag-abot pa tayo sa LB! Dyosko! Muntik pang hindi tayo magkakilala! Pota. Wala na ‘tong iwanan. Kapit lang until the end. I love you, Julievega. Alam mo ‘yan. Cheers to Kepzsquad.😉

  7. Happy Friendship Day sa inyo! Alam n’yo, tama ang mga sinabi ni Madma. Yes, paulit-ulit na diba? :p

    Anyway, may nabasa ako na isang quotation dati, sabi dun, friends are your siblings that destiny forgot to give. Totoong totoo yun – well, REAL friends for that matter. Pwede kasing masabing friends kayo, pero yung jam-jam lang, sakto lang, parang acquaintances lang. Pero iba talaga yung REAL friend. Pano mo malalaman kung REAL friend ba siya? Madali lang yan, gamitin mo ang, (drum roll please) REAL Method! Yes, meron talagang ganito, wag ka na pumalag! :p

    R – Reliable. Ang tunay na friend eh andyan kahit anong oras. And I mean kahit anong oras. Yung isang text/tawag mo lang, takbo agad sayo. Kung malayo man kayo, mega usap agad over facebook chat, skype, facetime, ganyan. Minsan nga hindi mo na kailangang sabihin, ramdam na agad niya na may pinagdadaanan ka.

    E – Empowering. Yes. Lakas maka-talino nung empowering, aminin niyo yan! :p Ang tunay na kaibigan, dapat ini-empower ka. Supportive dapat, in a good way. Dapat sa ikabubuti mo yung pagsuporta ha, hindi yung sa ikasasama, kasi pag ganun, hindi yan friend, manggagamit yan. FO agad, daliiii! Haha.

    A – Accepts you for who you are. Mahalaga ‘to, kasi madami pa ring mga taong sarado ang pag-iisip sa mga bagay-bagay. Ang tunay na kaibigan, kahit ano ka pa, tanggap ka dapat nila. Kahit kulang ang mga daliri mo sa kamay, chararat bumba ka, o may putok ka sa kili-kili (ay ayaw ni Madma nito! :p). Pero hindi ibig sabihin na kukunsintihin ka nila lalo na kung nakakasama sayo yung trait na yun, eg: putok/baktol. Naniniwala rin kasi ako na ang tunay na kaibigan eh nagsasabi ng totoo, masakit man yun o masarap.

    L – Loving. Siyempre ito yung pinakaimportante. Mahal niyo dapat ang isa’t isa. Yung “I will catch a grenade for you” level. Haha.

    Interconnected yang apat na yan. Isang basgsak lang diyan, naku mag-isip isip ka na kung REAL friend ba siya o jamjam lang. Haha.

    Grabe yung ang lalim din ng hugot ko dito. Pero mas malalim ang hugot ng Madma, I think. May pinagdadaanan? Haha.
    Pero sa totoo lang, gusto kong mag thank you sa’yo Madma. Gaya nga ng sinabi ko sa monthsary message ko sa’yo, dahil sa YTM, nagkaron ako ng mga bagong kaibigan. Though medyo weird kasi nga virtual yung friendship, still, I consider them my friends, including you. Sana nga talaga magkita-kita na tayo para di lang virtual to, yung totoohanan na please.🙂

    Dahil friendship day naman ngayon, gusto kong batiin ang mga REAL friends kong pasado naman talaga sa REAL method. Hello naman sa Tropang Petick, sa Zooids ng UPZS, my Kaladkarin Tandem and Team, Strong Ice Peeps, and sa mga NFVF (new found virtual friends) sa Tribo_Tagapayo!😀

    • *Clap, clap, clap (with standing O) BEST! Ang heartwarming din ng comment mo ha. Hindi nagpatalo sa entry ko. Ang best nung “REAL.” Grabe ikaw na talaga ang acronym Diva! Final!

      Oo naman. Friends na tayo ‘no! Grabe din yung may nabuo ng friendship dito! Love it! Magkikita-kita din tayo. That’s for sure. Antay lang. Salamat sa suporta mo Sael. Never fails din talaga.❤ Salamat din sa suporta ng mga barkada mo sa blog ko.🙂 Alam mong sa atin ito nagsimula.😦 Ang chummy natin!🙂

      • Haha. Ok lang na chummy, nakakadagdag sa pagiging yummy. (Pinilit talaga magrhyme ampotek. :p)
        Grabe bakit ba hindi ko kayo nakilala nung nasa Diliman pa ‘ko? @____@ Ohwell. At least nagtagpo pa rin ang ating mga landas. Haha.😀
        Malay mo isang araw andyan nako sa tapat ng gate ng house niyo at nangangalampag. ALAM ko na kaya kung saan. Stalker din ako eh. :p

      • Hahaha rhyming naman! Pasok sa banga! haha Oo nga. Sayang at hindi nagtapat ang mga landas natin sa UP. Hayaan na, nagkakilala naman tayo ngayon. At pwede natin itong alagaan from here.🙂 Gusto ko yang bibiglain mo kame dito sa bahay. Parang kinikilig si @therobensons

      • Hindi pa rin talaga nawawala yung pagpush mo re: the “loveteam”. Hahaha.
        Actually, happy nga ako na meron na talaga siyang lovelife, re: Jayson Cruz. Haha. ALAM na ALAM mo yan. :p Happy for you Benson! Ipush mo na yan! Go!😀

      • Grabe, walang halong echos o “selos” yan. Hahaha. Kaloka.

        Hello naman Benson, live na live din ang pagcomment! Haha. Grabe yung may iyakan portion din. Kailangan mo ba ng tulong re: Team Sonson? Hehe. :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s