Huwag Mong Kamutin ang “Kati”

Hello Madma,

Naguguluhan ako ngayon sa nararamdaman ko. May sobrang gusto ako na guy, pero ang problema, ex siya ng bestfriend ko. At mahal pa din niya yung guy. Super like ko siya at naniniwala ako na makukuha ko siya. WOW. Pero yun nga, medyo complicated yung situation. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam kung paano kikilos. Mahirap naman lumayo kasi officemates kaming tatlo, at lagi kaming magkakasama sa mga dinner, movie, gimik, etc. Anong maipapayo niyo?

By the way, puro lalake kaming tatlo.

Salamat much,

Deep Swallower

____________________

Dear Deep Swallower,

Ang cool naman ng name mo! Napalunok naman daw ako bigla. I think shallow swallower lang si Madma. WOW.🙂 Lakas maka-Xerex Xaviera ng mga sinasabi ko! Ang saya nito. Baklaan na naman! Bakla, bakla hinog ka na ba? Oo, oo hinog na ako. CHAROTH!🙂 We love baklaan stories here in YTM. Ito na kasi ang makabagong gay hub these days eh. And I think ako na ang bagong Reyna ng mga bading. LAKAS!😉 Btw, ang hot pala nung mga guys sa picture sa taas! Likod pa lang, ulam na. Sarap. Nakakagutom. CHAR! Ano ba?! ;)

Deretsahang payo: kausapin mo si best friend re: this matter. Ipagtapat mo na sa kanya ang issue mo once and for all. Importante kasing i-consider ang feelings ni best friend sa pagkakataong ito. Friendship first before landi, Pare. ;) Ayaw naman nating masira ang pagkakaibigan n’yo dahil sa “nangati” ka. Masarap kamutin ang “kati,” yes.  Pero pwede itong maging permanenteng “sugat” kapag kinamot nang bongga. Ikaw na ang nagsabi, mahal pa ni best friend si guy so kailangan mo talaga itong i-consider bago ka makipag-landian. And isa pa, aminado ka din na hindi ka pa sure at “naguguluhan” ka pa sa feelings mo for the guy. Huwag mo namang i-risk ang friendship for this!  Tandaan mo, maraming pwedeng maging kalandian. Pero ang best friend mahirap palitan.😉 Let’s go for friendship!😉

Alam mo, gets ko naman yung nararamdaman mo. Masaya kasi talaga yung mga palihim at patakas na landian. Ito kasi yung mga delikadong sitwasyon na nakakaulol!  Taas ng thrill and excitement sa mga ganitong eksena. Parang action film ‘yan! Pero kailangan mong kontrolin ang sarili mo na huwag mahulog sa bitag ng kasalanan. Look around, ang daming bading sa Pilipinas! Gay country kasi tayo! Pakupota ka din sa trio n’yo eh. Madami pang pwedeng landiin sa paligid. Ako, for one. WOW!🙂 Pogi ka ba o chararat bumba? Kung pogi, sige bigyan natin ng chance ang love team natin. Kung chararat ka naman, busy pala ako. TAAS!😉  Charoth lang, Beybe!

Gets ko din naman na EX-jowa na si guy ng best friend mo. Tapos na sila kumbaga at libreng libre na to mingle. Kaso may residual feelings pa si best friend eh and that makes it complicated. Though kaya mong kunin si guy kasi ang ganda ganda mo din, i-raise mo muna ito kay best friend and decide from there.🙂

Take it from Madma, kausapin mo na si best friend about this. Mamaya ok lang pala sa kanya na landiin mo ang ex n’ya, umaarte-arte ka pa! Lumabas kayo ni best friend this weekend at mag-usap nang puso sa puso. In this way, at least hindi naman na-by pass si best friend at mafi-feel n’yang importante talaga s’ya sa iyo. Pwede din namang “threesome” na lang kayo. Alam mong option din ito. Shet. Ang hot nung “threesome.”🙂

So there. Usap lang ‘yan! Huwag mo masyadong i-internalize. Marami pang mas malalaking isyu sa mundo kagaya ng mabahong “jun-jun” ng jowa ng friend ni Philosophical Girl! Na-mention din talaga ulit ito ha. Ang saya kasi eh. Irita.🙂

We wish you all the best!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.homorazzi.com/tag/monogamy/)

P.S. Bukas na bukas pa din ang YTM’s Next Top Model para sa mga entries. Tommorow na ang last day of submission!  Kaya bilisan n’yo na! At syempre, sa Friday na ang announcement ng Top 10 Finalists. Exciting ‘to, pota! Nakita ko na ang mga entries so far, PASABOG! Kaya kung may talent ka sa modelling at gusto mo sumikat sa YTM, SUMALI KA NA! Send your entry to yourstrulymadma@yahoo.com.

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

55 thoughts on “Huwag Mong Kamutin ang “Kati”

  1. “Masaya kasi talaga yung mga palihim at patakas na landian. Ito kasi yung mga delikadong sitwasyon na nakakaulol! Taas ng thrill and excitement sa mga ganitong eksena. Parang action film ‘yan!”

    TOTOO YUNG NAKAKAULOL. Alam mo yan Madma. Yang mga palihim na ‘yan. Mga ikinukubling lakad together. Mga moments na ginagawa ng mga daga habang wala ang pusa. Ay nakoooo. Wag tayong magsimula re: this. Hahaha!

    Anyway, ang common ng problema mo, Deep Swallower (DS). I think mas malaking issue dapat yung paano mo mapapanatiling healthy ang ngala-ngala mo or kung paano mapapanatiling mabango ang penis (ayan ha, para medical term) ng boyfriend ng friend diumano ni Philosophical Girl courtesy of Freshman Masculine Wash. Shout ouch naman sa Freshman! https://www.facebook.com/FreshmanMasculineWash

    Ang stand ko dito, LANDIIN MO! Nyeta. Ex na nga eh. Pag umarte si best friend, pakisampal sa kanya ang fact or fuck na wala na sila. May risk na maging panakip-butas ka, yes, pero kung go kayo pareho eh di, bakit may aarte pa? Again, may risk namaging panakip-butas ha, inuulit ko lang. Refer to previous posts re:panakip butas. I think andun sa “Best Friend Ko, Jinojowa Ko.” Please be guided accordingly.

    Re: threesome, alam mo DS, three is a crowd. At ayoko ng crowded places, except for O Bar Ortigas and Juice Bar and Epic sa Boracay. Hahaha! Alam na.

    Pero, syempre, kayo pa rin naman ang masusunod at the end of the day. So siguro, bahala na nga kayo. Ang kakati niyo eh! Chart lungs.

  2. ay nako. ito nga ang pinakamalaking problemang bumabagabag sa mga kabaklaan: love versus friendship. from experience teh

    first, i assure mo muna teh kung reciprocated feelings mo. mamaya friends lang tingin nia sayo. ganun talaga kapag tigang at may chance sa isang mapusok at patagong pag-ibig, amplified ang perception mo na mahal ka.

    also, iassure mo at i assess feelings mo. magkaiba ang lust sa love. ang love, long term at puedeng makasakit ng tao; ang lust, masosolve pmo ang lust on your own eh. anjan si mariang (o pedrong)palad

    at kapag confused ka talaga, why not a threesome?? total, friends kayo, it’s important to share! the more the many-er

    good luck. mahal ka namin at mahal ka ng nagcomment na to

    p.s. madma! i absolutely love your blog! napaka insightful. mahihiya si mother teresa sa acts of selflessness and goodwill sa mga advice mo! pasabog! more power!

    p.p.s. lakas maka YTM ng comment ko, hahahaha

  3. Good evening Deep Swallower,

    May i just ask, how deep? Are you related to Deep Throat? kati. hahaha.

    Agree ako kay Madam, friendship first before landi. It’s easy to find someone to scratch your itch. (kaya nga may Grindr eh or Planet Romeo, at alam ko din naman yun. wow)
    Pero alam nating lahat na mahirap makahanap ng tunay na kaibigan. At kung kekembotin mo sha, Think. how would this reflect on you? Pag nakita kayo ng mga tao, sasabihin nila, “Eh di ba ex yan nung bestfriend nya? ang kati naman grabe” (yan kasi sasabihin if ever friend kita, tapos nakita kita sa glorietta, judgmental kasi ako.)
    Yun lang. Di ko mashadong bet yung topic kasi, mas makabuluhan yung comment ni therobenson as always.

    Guyst, nagkita kami kanina ni Red sa Rockwell (lakas maka-alta).. miss you witches, see you soon!

    • Grabe yung deretsahang tanong mo with Deep Swallower ha! Taray! sana sagutin n’ya! PAGING DEEP SWALLOWER!🙂

      At grabe yung alam mo ang Planet Romeo at Grindr! wahahaha Bakla?! Apir tayo sa friendship first before landi! Tangina ang dami kasing bading! bakit magsisiksikan sa isa!

      See you soon! Nararamdamang kong nalalapit na ang pagkikita natin. haha Miss you.❤

    • re: lust, gusto ko lang po liwanagin na hindi ito lust. sure ako. hindi ko nga naiimagine na nagsesex kami. ang gusto ko lang talaga ngayon, alagaan at mahalin siya ng bongga. WOW.

      re: how deep, hmmm, sabihin na nating mamamatay ka sa sarap. WOW.

      re: threesome, hindi ko maimagine. nakakadiri si bestfriend. hindi to mangyayari kahit kailan.

      re: sa sasabihin ng ibang tao, sanay na ako dyan so kebs na.

      re: kung cute ako, hmmm, tama lang naman. nahihiya ako magsend ng pic e. baka may makakilala. pero hindi ako pangit. sure ako.

      parang ang hirap nung kakausapin ko si bestfriend. sa sobrang pagkakakakilala ko sa kanya, i think sobrang masama din siya maging kaaway. baka umabot pa to sa patayan.

      • Hello naman, Deep Swallower! Salamat naman sa pagpapaunlak at nag-comment ka din. Thanks sa pag-share ng story mo ha.

        It seems na malaki ang takot slash respeto mo kay bestfriend ha. Maganda ‘yan. At least pinapakita nito na importante talaga siya sa’yo pati ang feelings n’ya. Since this is the case, I strongly suggest lumandi ka ng iba. Masyado ng magulo ang circle n’yo. I think kailangang ng space. Dalawa lang naman ang sagot dito. Go sa guy or hindi. And the way I see things, super risky ang magaganap kapag pinush mo. Mahalaga kasi sa akin ang friendship so alam mo na ang stand ko. haha🙂

  4. Napakalapit naman ng sitwasyon na ito sa buhay mo madma! LOLOL. Hmm.

    Normal lang ang feelings na nararamdaman mo. Sa rule kasi ng human relations dynamics, pag lagi mong nakakasama at nakikilala ang isang tao may tendency na magkagusto ka talaga sa kanya. Pwede ding nangangati ka din lang at hindi totally love ito. Parang naramdaman mo na vulnerable ang guy, ang sarap halikan at ikama.

    So what I can suggest is lumayo ka muna sa kanilang dalawa. Give them space as well as have your personal space. Kahit officemates kayo try mo makibond sa ibang officemates, I’m sure may iba pa jan. Una pa lang, magkaron ka ng Iintospective approach. Introspection ang method ng self-examination of one’s feelings. Hindi madali ang nafefeel mo. You need to know kung love ba yan or crush lang or sadyang kati. Kapag in time let’s say, a month na may nararamdaman ka pa din sa taong ito at alam mong hindi lang pala kati, dito ka na magtapat sa best friend mo.

    Ang stand ko lang naman, wag mong hayaang mapalagpas ang “love” dahil lang ex sya ng bestfriend mo. Ipaglaban mo sya. Kung desididong kang ligawan e gawin mo. Pero TAMA na naman si MADMA kung kati lang naman ito, friendship muna ang iconsider bago kati.

    Basta be open to your bestfriend, hindi lang naman sa inyo nangyari ang ganitong situation, patunay lang na magbestfriend nga kayo kasi parehas kayo ng taste. Tsaka dapat ready ka din itake ang mangyayari kapag nagkaron kayo ng relationship ng guy in the future. Dapat wala ka ng mafefeel na selos sa bestfriend mo. Mahirap mabuhay sa isang relasyon ng pagdududa.

    • Agree ako kay camilla_rosa! I-assess mo muna ang feelings mo kasi magulo ka rin talaga deep swallower. Pakiramdam ko magkakilala tayo noong past lives natin. Hahaha :p

      Tapos uulitin ko, kailangan mo ng GAMEPLAN! Ilagay sa ayos ang mga bagay-bagay bago sumugod. Timbangin mabuti!

      Laban lang! :p

    • OMG! I love your Psychological perspective ha. hahaha Lakas maka-professional yung “introspection.” haha Alam mong malapit ang puso ko sa sitwasyong ganito. Kairita kasi yung mga walang-pasabi. Hindi man lang marunong bumusina. hahaha

      Pero, agree na dapat examine muna n’ya ang feelings n’ya. Baka kasi talaga landian lang ‘to eh. Sayang talaga ang friendship sa mga ganitong ka-cheapan. hahaha Ikaw na talaga ang resident Psychologist sa YTM! Pak!❤

  5. Well, well, well..Look do we have here, Deep Swallower! In-love ka sa ex ng bf mo? Whaaat?! Ang deep ha?! At ang shallow at the same time! Wow, irony din ha?!

    Hehe nahkoh! Can I just say, I think relate-relate-an din talaga si Madma dito. Kasi tatlo kayong involved eh, tapos pwedeng mapag-iwanan yung isa lalo na if you decide to pursue the ex nang hindi sinasabi sa bestfriend mo. Nahkoh, ayaw ni Madma ng ganyan for sure…transparency naman! Wala nang lihim-lihiman! hehe Di ba Madma? Mas hindi ma-a-appreciate ng friend mo kung i-pursue mo ang ex niya without him knowing. Kasi parang pag-traydor na rin yun of some sorts. Established naman na wala na sila, pero as a friend, and a BEST friend for that matter, role mo na pahalagahan ang nararamdaman niya. Pero hindi ibig sabihin no-no ka na sa ex nya ha? Kasi di ka naman pwedeng pakupota sa feelings ng bestfriend mo. And role din nya ang maging happy for you at maging supportive sa kung anong ikaliligaya mo.

    So for me, ang key word dito ay MATURITY. Be matured about this situation. Tama si Madma, kausapin nang puso sa puso si best friend at sabihin ang nilalaman ng puso mo. Kung matured enough si best friend, dapat maintindihan niya. Pero yun nga, posibleng hindi ganon kadali yung maging set-up ninyo kapag magkamabutihan kayo ng ex nya, especially kung may feelings pa siya rito. So I guess threesome na lang talaga. WOW! Talagang dun din bumagsak ang suggestion ko? Haha hindeeee kasi!

    Pero eto ha! Ang dami mo rin kasing assumptions sa issue na to eh! Ayoko na isa-isahin pa kasi antok na ako. Just be aware na kapag maraming assumptions, mas nagiging faulty ang equation! So go talk to your best friend and deal with it from there. Kayanin mo yan, ginusto mo yan eh! Wow.

    Kung nahihirapan ka naman dumiskarte kung paano i-o-open up ang ang feelings mo kay best friend, consider the following out-of –the-box ways:

    1. FLAMES. CAMEL. HOPE. MASH. Siguro naman di ka pinanganak somewhere else to not know these. Yes, i-ganyan mo ang names mo at ni ex ni best friend. Then yung papel na pinagsulatan mo, ipakalat-kalat mo sa place na makikita ni best friend mo. At kapag nagstart na siya i-confront ka ng “Anu to?!”, dun ka na bumanat ng “OO bestfriend, I’m falling for your ex…yada yada yada”

    2. Since mahilig kayo kumain sa labas together. Magkunwari ka na madulas sa kamay mo ang ketchup/toyo/baso/plato/utensil at pagulat mong sabihing “Ay pota mahal ko si [supply name ng ex ni betfriend”..shempre Freudian slip na yun, then you can proceed with the heart-to-heart talk. Siguraduhin mo lang na walang mainit na sabaw o sizzling plate sa hapag, baka kasi magulat din si best friend at magka-third degree burn ka.

    3. What if What if-an. Play this with your best friend, yung magtatanungan kayo ng mga what ifs. Then isingit mo yung “What if magka-inlab-an kami ni [supply name ng ex ni bestfriend]? ”. Kapag positive ang response ni best friend, sabihin mo, actually hindi lang what if yun. Naks, style din ah! Pero kung nega, bahala ka na.

    4. Bukambibig method. Di ba kapag gustung-gusto mo raw ang isang bagay ay lagi mo itong bukambibig? Pwes sa lahat ng pag-uusap nyo ni best friend isingit mo ang name ng ex nya. Tipong OA na. Like pag sinabi nyang ang taas ng kureyente namin ngayon, sabihin mo ang taas din ng grade ni [supply name ng ex ni bestfriend] sa Physics. Or kapag sinabi ni bestfriend mo na ang inet ng panahon, sabihin mo na minsan hot din talaga si [supply name ng ex ni bestfriend] or yung mga porma ni [supply name ng ex ni bestfriend] ay mainit sa katawan. Then kapag nakahalata na si bestfriend at sinabi nyang “bat mo ba siya lagi sinisingit sa usapan, may gusto ka ba sa kanya?”, mag-maang-maangan ka muna sa una, tas maya-maya sabihin mo, “ganon ba ko kahalata na may gusto kay…yada yada yada”

    5. Wish-Wish-an. Kapag nagka-chance kayo ni best friend na maglaro ng wish-wish-an (like may wish bone sa kinain nyong chicken or may pilikmata kang nalaglag or nakakita kayo ng shooting star), i-wish mo sa isip mo na magkatuluyan kayo ni [supply name ng ex ni bestfriend]. Then kapag tinanong ni bestfriend kung ano wish mo, pakipot ka sa una kunwari ayaw mo sabihin. Then kapag kinulit ka sabihin mo “Baka mainis ka eh..” Then mangungulit pa yun. Sabihin mo “Promise mo muna di ka maiinis”, magppromise naman siya. Tsaka mo simulan ng “Yung wish ko kasi, ano, magakatuluyan kami ni…yada yada yada…”

    Oh ayan ha, ang detailed ng mga suggestions ko sana naman magamit mo! Pinagpuyatan ko to please so gamitin mo at least isa sa mga yan! Update mo kami ha? Galingan mo!!!!

    • WOW! Just WOW! hahaha inaantok ka pa nito ha?! Grabe parang ito na yung main blog entry tapos comment na lang yung akin! hahaha PASABOG! Tawa ako nang tawa. Ikaw na talaga ang Alternative Diva! Panalo ang mga alternative ways mo. VERY CREATIVE! *Clap, clap, clap.❤

      Alam mo din kasi talagang relate na relate ako dito eh. Yung mga punyetang "lihim-lihaman" na 'yan. Kingina. Wala man lang pasabi or busina. Buti na lang wala pang nagtagumpay sa mga naging kalaban ko re: this one. wahahaha. Ang nega. Tama na nga.🙂

      Apir tayo sa dapat mag-usap si Deep Swallower at ang bestfriend n'ya. Yun naman kasi talaga yung right way to handle this. Mahalaga kasing ipakita ni Deep Swallower ang respect and love n'ya for his bessy. Arte nung bessy.🙂 At syempre kung ayaw n'ya namang deretsahang usap, and'yan ang nakakalokang alternative ways mo na pwede n'yang gamitin.

      Ang BEST nung Wish-Wishan method. Very simple and effortless! hahaha lakas ng tawa ko sa method na 'to! Actually, best lahat ng suggestions mo. Magkakatalo na lang sa "delivery" ni Deep Swallower. haha

      Best entry mo 'to, IPF! Super sayaaa! hahaha

  6. Yahtheenk madma this is dbest? May standing O ba ako sa entry na to? haha lakas maka-Joshua Ledet!! sabi kasi ni @kaytiest the last one’s over the top eh, parang fave nya yun! haha baka di pa nya na-avail to. Thanks din Carla Jill for expressing ur delight re: this entry of mine thru text haha. at nag-acceptance speech din talaga ko…

    Still, Madma, we owe all of these to you, sabi mo nga 55% sayo eh! hahaha we’re just maximizing our 45%! hahaha At dapat magtuluy-tuloy ito! kasi marami tayong araw na “binubuo” through our ideas, at marami tayo natutulungan through your blog. Super helpful ng advices sa YTM!! at OA sa pasabog na mga ganap…grabe di na talaga mapipigilan itoooo!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s