The Top 17 Finalists of YTM’s Next Top Model

Dear fans and followers,

Maraming sumubok. Maraming nangahas. Pero sila lang ang pinalad.

Malugod ko pong ipinakikilala sa inyo ang Top 17 Finalists ng Yours Truly, Madma’s Next Top Model!!! Wooooh! Talaga namang ito ang kauna-unahang modelling search sa blogging world na hatid sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos. Shout ouch naman sa ating mga pasabog sponsors.🙂

Sila lamang ang nakapasok at nakapasa sa matinding screening process ng ating mga prestigious judges mula sa humigit 60 entries from different parts of the Philippines. Sa kanila lamang natin natagpuan ang hinahanap na kakaibang “alindog” pagdating sa modelling. Avail n’yo yung “alindog!” Lakas maka-porn star!🙂

Inaamin ko, nahirapan talaga sa pagpili ang ating mga judges ng mga finalists kaya naman umabot sa Top 17 from the original plan na Top 10. PASABOG agad, di ba?! Best din talaga ang ibang entries pero at the end of the day, 17 lang ang kaya naming ipasok para sa YTMNTM. Sagad na talaga ‘yan. Bawal na tumawad mga suki.

Ngayon pa lang ay malugod kong binabati ang ating 17 finalists. Congratulations for making it this far! WOW. Layo na din ha.🙂 Ang 17 finalists na ito ang maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Grand Winner ng YTMNTM na magiging featured model ng Adbokasya for the month of September. Syempre, may bonggang solo pictorial shoot siya kasama ang buong YTMNTM team: photography by Mr. Zabra Yu Siwa, Hair and Make-up by Ms. J.C. Cantos. Magkakaroon din siya ng free personalized t-shirt from Adbokasya, design of his/her own.Makakatanggap din siya ng free Hair and Make-up service from Ms. J.C. Cantos valid within this year. At syempre, ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM ay bibida sa video blog ni Madma sa buwan ng September! Aktingan with Madma ang peg nito kaya pasabog! Aminin n’yo, sagad-sagaran na din talaga ang mga prizes na ito.🙂

Sa puntong ito, nais ko ding pasalamatan ang lahat ng mga hindi napili para maging finalist. Magaganda din naman ang mga photo n’yo, kaya lang medyo chaka din eh. Charoth.😉 Sali ulit kayo next time. Malay n’yo magka-season 2 ang YTMNTM. Salamat talaga sa matapang n’yong pagtugon sa hamon ni Madma. Better luck next time.😉

Ipinapaalamn ko din na mayroong 3 judges ang YTMNTN. Ito ay sina Mr. Rogelio Estacio Jr., ang General Manager ng Adbokasya, Ms. J.C. Cantos ng Dolled up by J.C. Cantos at ang ating celebrity judge for this week. Yes, mayroon tayong celebrity judge every week for more twist.😉 Ang ating celebrity judge for this round ay si Mr. Albert Cruz, ang Creative Consultant ng CGETV channel ng ABS-CBN Interactive. I love CGETV!😉 Mayroon isang “SAVE” Power ang ating mga judges na pwede nilang gamitin anytime of the competition. Ansabe ng AI?!

And of course, KASALI ang lahat ng fans and followers ni Madma sa YTMNTM dahil ang boto n’yo ang mangingibabaw! Kayo pa din ang powerful sa contest na ito. KAYO ANG BATAS!🙂 Sa kamay n’yo pa din nakasalalay kung sino ang hihiranging Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. The ratio of judging is divided into: Panel Judges (30%) and Fan Votes (70%) O, di ba?! Ang fans pa din talaga ang bida!🙂

Lahat ng fans ay pwedeng bumoto ISANG BESES kada araw! Gusto n’yo ba ‘yun?! So tuluy-tuloy lang ang suporta sa favorite finalist n’yo everyday. Ang cut-off ng voting for this round ay sa July 5, 2012 (Thursday). Tapos sa July 6, 2012 (Friday) ang ating unang Results Day! Kaloka! 4 agad ang matsu-tsugi from our Top 17 Finalists. Dami rin ha!!!😉 Sa July 9, 2012 (Monday) naman ang presentation ng Top 13 Finalists. Basta every Friday ang elimination natin at every Monday naman ang presentation ng ating remaining finalists. Please be guided accordingly.🙂

So huwag na nating patagalin! Kilalanin na natin ang Top 17 Finalists ng YTM’s Next Top Model! Wooooh🙂

______________________

Allen, 22, Valenzuela

________________________________

Paris, 24, Quezon City

________________________________

Nessa, 24, Paranaque

_________________________________

Genesis, 21, Quezon City

_________________________________

Kti, 27, Mandaluyong

___________________________

Coco, 24, Quezon City

___________________________

Jill, 27, Pasig

_____________________________

Jeff,22, Malabon

________________________________

Angelica, 24, Laguna 

______________________________

Keempee, 20, Tarlac

________________________________

Jetti, 28, Quezon City

______________________________

Melvin,  21, Makati City

________________________

Kriss, 22, Quezon City

_____________________________

Flip, 27, Mandaluyong

___________________________

Rog, 27, Caloocan

______________________

Dax, 25, Paranaque

__________________________

Kayle, 22, Quezon City

________________________

At sila na nga ang ating Top 17 Finalists!!! Aminin n’yo ang pasabog nga mga entries nila ha! Mahihiya ang ANTM. May mga manok na ba kayo?! Grabe yung mayroon agad. Iboto na ang favorite finalists n’yo para makapasok sila sa Top 13!

Good luck to all the finalists. THIS IS IT!🙂

Yours truly,

Madma

P.S. YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya, (Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez. Maging member na din kayo ng FB Fan page nila! Dali!!!

By the way, ako pala ang 2nd Model ng Adbokasya which was featured last December 2011. Taray, di ba?! Ang photo ng ginamit ko sa taas ay isa sa mga pasabog photos ko with Adbokasya. Kaya naman I love Adbokasya!😉 And advocacy ko pa lang gimamit ay “Active But Safe.” Hot ‘no?! So Create your own Statement now and Wear your Advocacy!

Si Ms. J.C. Cantos naman ay ang personal make-up artist ng sikat na sikat na si Mr. Richard Gutierrez. Make-up artist din siya ng iba pang celebrity sa GMA 7! Sosyal, di ba?! Minsan na din akong pinaganda ni Ms. J.C. Cantos at TALAGANG gumanda ako. Hindi ko alam na may igaganda pa pala ako. Eh ang ganda ko na kasi nito ha, partida. So kung gusto n’yo ding gumanda kasi nga medyo chaka na kayo, tawagin n’yo lang siya.

P.P.S. Gusto ko din kayong imbitahan sa pasabog concert ng The Ryan Cayabyab Singers sa Music Museum on July 7, 2012! Suportahan natin sila. And’yan ang pasabog kong friend na si Mr. Erwin Lacsa. Ang so-sosyal ng mga freinds ko!🙂 Magagaling ang RCS, promise! Kaya naman magkikita-kita tayo sa July 7 at doon na din tayo mag-bonding at mag-kantahan. GO!!!🙂

___________________________________

214 thoughts on “The Top 17 Finalists of YTM’s Next Top Model

  1. Wala nang mahaba pang intro, ratsada na agad.

    1. Allen- “Ba ‘to”
    Unang word na pumasok sa isip ko, BAGOT. Pangalawang word,

    KINIS. Third word, PUTI, then back to BAGOT ulit. Next na.

    2. Paris- “Energy”
    Woooh! My energy is back! Thanks to you Paris! Ang best nitong

    jumpshot modeling stint mo ha. Wala akong ma-sight na struggle on

    your part. Isa to sa mga likey ko! Although overexposed yung pic.

    Better siguro generally kung nakita maigi yung white sand, blue

    water, green mountains, blue sky tapos pop out ang iyong shocking

    pink maxi dress🙂 Bigay mo ulit yung best mo sa unang theme na

    gagawin nyo ha

    3. Nessa- “Ewan ko kung bakit”
    Hmm… Tina-try kong i-convince ang sarili ko na maganda itong

    whole idea na ito (dahil bet nung 2 judges) pero aaminin ko, ang

    hirap. I would’ve appreciated this kung di ganun ka-tight yung shot,

    kung di putol yung gun tsaka yung kamay ni Nessa. Bothered din ako

    sa way nung pagkaka-gulo ng hair nya. I understand why it has to be

    messy pero there’s a better way to do it. Okay yung eye make-up

    pero yung eyebrows, ples.

    4. Genesis- “Ang dumi-dumi ko”

    I must commend the emotion on your eyes, pak yun Genesis! Alam ko may tinatago kang galing sa pagmomodelo, kaya naman pag

    nakapasok ka sa Top 13, i-showcase mo na agad ha?

    5. Kti- “Happy Birthday”
    I like the pouting red lips! I looove the hair and make-up! Hahahaha alam ko to eh. Bakit sa dami ng mga larawan nung araw na yun eh ito ang napag-desisyunang ipasa? Ah, dahil sa pose/ posing na ipinagawa ni @therobensons. Nakasira kasi ng todo yung background😦 sana inedit, sana binlur😦 Bawi sa Top 13 ha? Pero yung pigura at alindog mo ang makakapagpanatili sa’yo sa laban na to. Look at those collar bones, arms and legs! Yung paa nga lang nalimutang bigyang-gabay.

    6. Coco- “Klir Twaylayt”
    So Twilight? Ay mali, combi ng Twilight at yung lumang

    Clear shampoo commercial ni Piolo…?

    7. Jill- “Yung dress”
    Sorry pero di ko bet yung yung dress tsaka yung shoes😦
    Tsaka yung left hand mo, ang awkward😦 Gusto ko yung mouth mo

    dito, yung onting silip ng ngipin mo may sinasabi🙂

    8. Jeffrey- “Bend it, beybe”
    Aaaahhh ganito pala ito pag naka-zoom in. Zoom in

    nyo guys, ang ganda! Pag naka-thumbnail ang chaka kaya. Ayan na-

    appreciate at naintindihan ko na hehe Ganda ng katawan mo ha,

    yung chest o, naka-alsa. Litaw din yung trapezius a.k.a. “traps”. Saan

    ka nag-ggym? Okay to sa’kin. Likey!

    9. Angelica- “Natural”
    BEST!!! Haha ganda ng hair and make-up pati yung styling! Eherm!

    Pero sarili nyang pose/ posing yan. Di itinuro ng photographer and

    HMUA kaya naman “natural” ang naibigay kong titulo.

    10. Keempee- “Arte”
    Very madma-ish… kaya kinumbinsi ni Madma si Roes na isali pa ito.

    11. Jetti- “Woah!”
    Angas te Jet!!! Panalo tong entry mo! Ang sexy mo, bwiset!!!

    12. Melvin- “Ilaw”
    Cute ka, oo. Tapos? Ano mamumulsa na lang? Pano sa next round?

    13. Kriss- “Apog”
    Yung comment ko ay di para sa’yo kundi para kay Madma.
    Anto? Ha? Nakapasok to talaga? Bakit ganto? Pano? Mas okay to

    kaysa dun sa 43 na na-ligwak???

    14. Flip- “Straw”
    Eh ang pogi mo. Daya mo eh. Titingnan mo lang kami ng ganyan

    tapos syempre pasok ka na kasi nakakatunaw ka tumingin tsaka ang

    pogi mo nga. Uy pero pag in ka sa next round, level up naman ha.

    Medyo nakulangan ako dito eh, pero pogi ka talaga.

    15. Rog- “Amy Winehouse”
    Kaloka tong image na to, pag ki-nlick ang liit pa rin. Ba yan, di ma-

    scrutinize ng maayos. Anyway, ganda to. Halatang may ibubuga pa to

    so you should stay. Totoong nunal ba yan? Kung hindi, at para lang

    sa Amy Winehouse peg, alisin na yan sa next round.

    16. Dax- “Heroic”
    Brangdilim, redundant sa skin color mo. Hirap kasi makita yung

    emotions sa mukha mo, kailangan ilapit ko ng todo yung mukha ko

    sa screen

    17. Kayle- “Manananggal”
    Isa pa to, ke-liit ng picture. Okay ang porma mo, gusto ko. Tapos

    yung ano… yung top 3 ang bottom 3 ko ay sina

    Top 3
    1. Angelica
    2. Jetti
    3. Paris

    Bottom 3
    1. KRISS!
    2. Allen
    3. Keempee

    • Sorry naman sa mahaba Kong intro hehe. Mukhang tugma naman kahit papano ang top and bottom pics ng judges. Magkakaalaman kapag na_tally na ang votes🙂

    • AT talaga namang nagsalit na din ang ating pangatlong judge na si Ms. J.C. Cantos ng Dolled up by J.C. Cantos. Ayan kumpleto na ang comments from our prestigious judges! Pasabog din talaga ang comment ni Ms. J.C. Cantos ha. haha Love it!🙂

      • Sana naman makinig ang fans sa amin pagdating sa pagboto… Esep esep tayong mabuti mga fans!!!! Vote wisely!!!🙂

  2. LOL!!!! Ikaw talaga, ang tahimik mo dati, bongga ka pala magpasabog, inferness! Bumoto na po ako. Siyempre, di ako biased kaya alm mo na sino ibinoto ko, hek hek hek!!!

  3. Thank you, Madma, for choosing me out of the 60. This is truly a great experience.🙂 The comments are all for the better! Do know that it is well-taken.

    Should I be part of the finalists, I would be glad to apply all of which I have learned from this.

    Thank you.

    Nessa

  4. go Coco! the whole training department supports you!!! hahahaha…
    Congrats naman madma sa Phil Star achievement mo. Dynamite!!!

    -Mav

  5. nakakaloka ito! ikaw na madma! i’m sure pag nagtulot-tuloy ‘to wala ng manunuod ng tv, ang tindi ng aksyon dito di ko kaya!!! happiness and congrats sa PhilStar, and more power sa YTMNTM!!!

  6. =). Wow thanks naman sa suporta ng mga friends ko at nyo. Lahat ng fellow contestants ko best na best. Goodluck sa ating lahat. =) Group Hugg.. =). Salamat sa mga naniwala. Anumang mangyari, pagbubutihin ko at talagang salamat sa mga hurado na binigay ang professional comments at talagang iaaply ko ang mga natutunan. haha best neto. Masaya na din na I’ve driven this far kung di man palarin sa next round, but still hoping. Thanks madma for the opportunity at sa mga fellow models ko. Loveyah. ZZZZZZZZZ antok mode.

    • Go Coco, with your humility and perseverance, you can make it =). Everyone else has their own strengths and weaknesses, so goodluck. =). Focus more on the next round as I believe you can make it.

      P.S Madma, one of the followers mo. hahaha… Salamat sa blog na to at di ko na kelangang mag gym kase nag ka-abs na ako sa kakatawa. Hahaha.

      My top picks are:
      Angelica, Rog, Coco, Melvin and Flip

      Goodluck everyone though

      • Hello, Romrom. Salamat naman sa pagbisita sa blog ko.🙂 Todo din ang support mo kay Coco ha! ang lakas n’ya grabe! Happy naman ako at napapaganda ng YTM ang katawan mo. haha

  7. live na live from batangas city. From your highschool fans and pressmates with the force of power rangers and powerpuff girls.. Go Coco!!! masasabing.. hindi tito boy.. ikaw na!!!
    =) Go for top 13 ka… Arteh mo sa pic. yung totoo, si edward oh si bella (bella fuentes)?

    Hi madma, natisod lang ako sa blog mo mula sa word of mouth. so from now on tututok ang batangas. =)

    -Ruffa bakla. ang salutatorian ni coco nung highshool. irita!!! haha

    • Hello, Ruffa!🙂 Welcome sa YTM. Salamat naman at natisod ka sa blog ko.🙂 Ang lakas din talaga ng manok mong si Coco! haha Tuloy lang ang suporta sa kanya para masama sa Top 13.🙂

    • wow, pati pressmates! syempre hindi kami pahuhuli! support din ang mga co-scholars mo sa UPLB! coco, post mo sa group natin!!🙂 God bless and i know you’ll bring home not only the bacon but also all the hotdogs!!🙂 hahaha. miss you atche!

  8. Oh my ang hot ni ate Jet! Paris, best ang jump shot mo oh pero overexposed nga lang.. kayang kayang chuvahin yan sa photoshop eh. Grabe si Dax puma-flags of our fathers haha. Good luck sa lahat!

  9. Antaray ni paris!go paris ang buong xbox family ay susuporta sa iyong liga!!!we will always be here for u!!!

  10. Coco nu daw number mo kung andito ka man sa forum hahaha. joke lemeng… sya ba yung lettersformike madma? (shy mode) anyway,,,
    ganda ng blog mo madma.. parang ikaw…

    =)

    Renz

      • oo naman! chineck ko talaga nung nakita ko merong “YTM’s Next Top Model”. Hehehe, joke lang. Chinecheck ko naman talaga from time to time, ang mga pakulo dito. Anyway congrats to you and your blog.😉

      • Aaay. Salamat naman sa pagbisita sa blog.🙂 Nakakatuwa namang malaman na nagbabasa ka pala nito. Sa next season ng YTMNTM pwede kang sumali. I think mananalo ka kasi kahawig mo si John Lloyd. ‘Yun oh! haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s