Long Distance Relationship, Kaya ba?!

Hi Madma,

I’ve been with this guy for quite a long time now and nagwo-worry lang ako kasi maglo-long distance relationship kami in just a few months. Though oriented na kaming pareho about this at may mga kasunduan na kami – let’s say kung how many times kami mag-uusap in a week para hindi naman masyadong pressured si Kuya. Tapos hinihintay lang namin na makapunta s’ya dun sa place in 3-4 years time.

Please give us some tips kung pano magwo-work yung LDR in your own opinion. Syempre basic na sa amin yung pag meynteyn ng love and trust. We want each other so much at gagawin namin lahat para mag-work kaya lang maraming “negative” about it.

Thanks and

Regards,

Saskatgirl

________________________________

Dear Saskatgirl,

O.M.G. Nalulungkot naman ako sa nalalapit ninyong paghihiwalay. Scary! Ayokong maging nega about Long Distance Relationship, pero ang masasabi ko ay isang MALAKING GOOD LUCK. Mahirap ito, Ma’am! Alam kong alam mo ‘yan. Magkakasubukan talaga kayo to the fullest bilang mag-partner.  You better be ready, girl. 🙂

Gaya ng nararamdaman mo, kinakabahan din ako. WOW. Pa-involve rin ako ha. 🙂 Eh kasi naman, 3-4 years din kayong maghihiwalay. ANG TAGAAAL! Ibang tao na kayo by then! Ang bagong panganak na baby ay isa ng makulit na sipuning bata after 4 years. Ang tinanim mong buto ng avocado, which is my favorite fruit, ay namumunga na after 4 years.  Ang isang 1st year high school student ay college student na after 4 years.  Ang isang alagaing biik ay tiyak na letchon na after 4 years.  Ang isang cancer patient ay pwedeng patay na after 4 years. Kita mo ‘yun? Napakaraming pagbabago sa apat na taon.  Mga mahahalagang pagbabago na kapag na-miss mo ay forever mo na na-miss! Wala ng balikan. Ang nega ko lang sa isyung ito. 🙂

Mahirap ang LDR. Huwag na tayong mag-artihan! Hindi ko pa naman ito naranasan pero alam kong mahirap. Hello, yung mga mag-jowa ngang araw-araw at oras-oras magkasama ay naghihiwalay, kayo pa kaya?! Ang taas ng challenge ng LDRkaya mahirap panghawakan ang inyong “kasunduan.” Ito ha,  paano na lang kung pagpunta mo sa ibang bansa ay bigla kang may ma-meet na super pogi at hunky guy na kamukha ni Andrew Garfield or Chris Hemsworth tapos inaya kang makipag-sex? AARTE KA PA?! Papalag pa?! Paano naman kung “mangati” si Kuya dito sa ‘Pinas tapos may biglang haliparot na babae or bading sa paligid, AARTE PA BA SIYA?!  Mahirap tanggihan ang tawag ng laman lalo na sa mga panahong ng kalungkutan. Ako nga sumama na lang bigla sa isang stranger tapos nag-sex kame kasi super lungkot ko eh. WOW!!! Pa-reveal ang pota. Charoth lang ha. OR. :)Marami talagang issues sa LDR. Hindi lang trust and love. Kasama pa rin dito ang time, commitment, money and of course, issue on sex. Good luck talaga, Sakatgirl. Good luck. 😉

On the other hand, may mga successful naman na LDR relationship. Pero konti lang sila. So, kabahan ka. Nega na naman, ples! :)Well, nakapa-high tech na naman na ating panahon ngayon kaya madali na ang long distance communication. May skype, FB, twitter, YM etc. na tayo na maaari n’yong magamit para maka-survive ang inyong challenging love affair. Ang magiging issue na lang ay ang commitment n’yo sa paggamit ng mga technologies na ito. Sa mga unang buwan siguro, araw-araw ang chikahan n’yo for sure.  Update-update ganyan. Sweet-sweetan sa skype. Tapos magiging 3 times a week na lang after 1 year. Then 2 times a week na lang kasi dami ng ginagawa. Tapos biglang hindi na mag-uusap kasi super busy na, may sakit, choppy ang connection, naputulan ng net. WOW.  Ayaw pa rin talagang tumigil sa pagiging-nega ni Madma. Eh kasi, ang hirap talaga nito eh. Bahala na nga kayo! Kaya n’yo ‘yan! 😉

Take it from Madma, maging realistic kayo sa mga expectations n’yo bilang mag-partner. Ang sa akin lang is “reality check.” Maging lapat lang kayo sa totoong realidad ng mundo. As much as ready kayong lumaban para sa love n’yo, dapat ready din kayo sa fact na pwede kayong maghiwalay. For me kasi, walang masyadong sense kung ang jowa ay nasa ibang bansa at magkahiwalay kayo nang nakapatagal na panahon. Pwedeng imaginary jowa na lang siya for that matter. Ang dami kasing mga day-to-day experience na nagaganap sa buhay ng isang tao. Mga bagay na dapat ay nae-experience talaga ng tao o mag-partner in real life at hindi “iku-kwento” lang.  Paano kung super lungkot mo? O di kaya super saya? May mga salita bang makakapagpaliwanag sa mga emosyong ito? Profound! 😉

Ultimately, naniniwala akong kung kayo ang para sa isa’t isa, kayo talaga! So, mabuting ito na lang ang panghawakan n’yo siguro. Gaya nga ng sabi ni Daria Ramirez sa The Healing, “mangyayari ang dapat mangyari.” Naisingit ko na naman ang The Healing ha! Btw, pinanood ko naman siya kagabi! Gastos din ha. 🙂

Laban lang, Saskatgirl. Isagad n’yo lang sa best na kaya n’yo. 🙂 After all, wala namang makakapagsabi kung ano ang ending n’yo. Laban lang nang laban. 🙂

Good luck sa inyo. We wish you all the best!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.gq.com/news-politics/mens-lives/201204/how-to-have-long-distance-relationship-men-video-chatting)

P.S. ITODO na ang pagboto sa YTM’s Next Top Model!!! Until bukas na lang (July 31, 11pm) ang botohan para sa round na ito. Nakakaloka ang standing ng mga models sa pambahay shot round! Check n’yo! Naku, huwag n’yong pabayaan ang favorite models n’yo para ti ma-tsugi. May isang model na magpapaalamn sa atin sa Wednesday (August 1). OMG! Grabe tanggalan na naman sa Wednesday! 🙂

YTM’s Next Top Model goes HIGH FASHION

Ito na ang pinakahihintay n’yong theme!!! YTMNTM goes HIGH FASHION sa next round!!! Ang theme natin sa Friday (August 3) ay high fashion! MATINDI ‘TO!!! So sa ating mga models, kung feeling n’yo ay pasok kayo sa Top 7, ihanda na ang pinakapasabog entry nyo for our high-fashion round! Ito na talaga ang ultimate labanan ng mga models. Excited na kame sa entries n’yo!

At syempre, may WRITE-UP ulit! Q & A portion ang peg sa mga models. Ang tanong para sa Top 7 finalists: “Kung ikaw ang magiging presidente ng Pilipinas, ano sa sandamakmak na problema ng bansa ang una mong lulutasin at bakit?” Lakas maka-beauty pageant!  Ayan ha, aasahan namin ang pasabog n’yong sagot sa tanong na ito. 🙂

Todo na talaga ang laban sa YTMNTM! Wala nang makakapigil!

Ingat din kayo, mga fans. Maulan today. ❤

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya, (Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez.

P.P.S. Condolence naman sa love na love kong friend na si Mark Ubalde. Nalulungkot ako sa pagkawala ng Mama mo. 😦 Mama kasi ‘yun! GRABE! Haaay… 😦 Magkikita tayo sa Wednesday. Be strong, Mark. I love you. Hug 😦

Advertisements

The Top 8 Finalists of YTM’s Next Top Model

Dear fans and followers,

9 na ang natanggal…

8 na lang ang natira…

Sa labanan ng PAMBAHAY SHOT, sino kaya ang bibida?

Welcome sa Yours truly, Madma’s Next Top Model!!! Ito ang kauna-unahan at nakakalokang modelling search sa blogging world hatid sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.

8 models na lang ang natitira! Sila ang maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. Last Wednesday, nagpaalam na tayo Rog. Siya ang pang-siyam na natanggal sa YTMNTM. Salamat sa pagiging bahagi ng show na ito, Rog. Salamat sa pinakita mong husay, galing at tapang sa bawat round. Ipagpatuloy mo ang napakagandang adbokasya mo para sa Kalikasan.We wish you all the best!

Panibagong challenge na naman ang kakaharapin ng ating Top 8 finalists today. Susubukan natin ang kanilang galing sa pagmo-model ng kanilang Best Pambahay Shot. Kailangan i-model nila ang kanilang pambahay outfit sa mismong bahay nila! O, di ba. Matindi ‘to. Dito natin makikita kung sino ba talaga yung fierce pa rin kahit naka-pambahay lang.

Tatlo ulit ang magiging hurado para sa round na ito. Ito ay sina Mr. Rogelio Estacio Jr., ang General Manager ng Adbokasya, Ms. J.C. Cantos ng Dolled up by J.C. Cantos at ang ating celebrity judge for this week na si Ms. Sonia Pascual Shout ouch naman sa napakaganda nating Celebrity Judge for this round!

Sonia Pascual was a one-time surfer, previously a scriptwriter at ABS-CBN, now a senior copywriter at LOWE Philippines, and always a lover of life. She collects books, journals, fountain pens, inks, and experiences. She wanted to be a model but have to install additonal knee caps to make it to the runway, so she’s settled for sewing fashion pieces in her head. Check her stuff at www.soniahime.tumblr.com. and www.29sqm.com. If you’re interesting enough she’ll make you a star – in a film she’ll write, when she finds the time.

________________________

The ratio of judging is divided into: Panel Judges (50%) and Fan Votes (50%). Lahat ng fans ay pwedeng bumoto ISANG BESES kada araw! Tuluy-tuloy lang ang suporta sa favorite finalist n’yo everyday. Ang cut-off ng voting for this round ay sa July 31 (Tuesday) at 11:00 p.m. Tapos sa August 1(Wednesday) ang ating ikalimang na Elimination Day! Isang model na naman ang ating tatangalin sa Wednesday.

Waging-wagi sa prizes ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM dahil siya ang magiging featured model ng Adbokasya for the month of September. Syempre, may bonggang solo pictorial shoot siya kasama ang buong YTMNTM team: photography by Mr. Zabra Yu Siwa, Hair and Make-up by Ms. J.C. Cantos. Magkakaroon din siya ng free personalized t-shirt from Adbokasya, design of his/her own.Makakatanggap din siya ng free Hair and Make-up service from Ms. J.C. Cantos valid within this year. At syempre, ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM ay bibida sa video blog ni Madma sa buwan ng September! Aktingan with Madma ang peg nito kaya pasabog!

So huwag na nating patagalin! Kilalanin na natin ang Top 8 Finalists ng YTM’s Next Top Model!

__________________________

Jeff,22, Malabon

“Books, video games, working out, and an assortment of teas are my addiction. Getting lost in a world of romance, fantasy, and adventure has always been my own dose of heroin. My own brand of cocaine is indulging in my own weirdness. And I always crave for that pump of adrenaline.

These are the things that I love getting high to when I’m “home.”

____________________

Keempee, 20, Tarlac

“As human beings, our greatness lies not so much in being able to remake the world … as in being able to remake ourselves.”- Mahatma Gandhi

“As an individual who spends a lot of hours with academics, organization roles, friends and family, I really make sure I also spend quality time with myself. Having moments alone in a place where I find inner peace and calm allows me to pause for a while and reflect- assess myself for the past hours I have lived and plan for the the next hours I wish to own. Such loner moments in the “banyo” give me the time to be myself, learn more about myself, relate more with myself and even play with myself (TSARLOT! Mahilig lang din talaga akong maglaro ng iPad at PSP sa banyo. Hahaha. Ang gamer ko din talaga)! This, I know, highlights the importance I see in improving one’s intrarelationship which I think is the foundation of all the relationships in the world, for I believe that seeking for a bigger betterment starts with the improvement of one’s self!

I, Keempee Gacula from Tarlock, thank you!”

_______________________

Jetti, 28, Quezon City

We call our old apartment/casa “the drugden” because it is so bare. So apart from the usual domestic chores we do, my housemate and myself take extra time to add color and life to our home by adding ornaments of own making.

_______________________

Angelica, 24, Laguna

“Paborito kong alagaan ang mga pamangkin ko tuwing asa bahay ako 🙂 Nakaka-tanggal ng pagod at stress ang mga ngiti nila. Tuwing darating ako galing sa opisina, magkukwentuhan at maglalaro na kami. Wala kaming kasambahay/ yaya kaya nagsisilbing tulong na rin yun sa amin sa bahay dahil alam naman nating kasama na rin sa “household chores” ang pag-aaruga at pagbabantay sa mga bata.”

_________________________

Flip, 27, Mandaluyong

“Mahilig akong maglaba at magpaputi ng kubeta.”

_____________________

Nessa, 24, Paranaque

“I usually go home around 2 – 3 AM, alone, in my new place which I have customized to my liking. It isn’t complete yet, but I enjoy pretending that it is. I like reading. It takes me to places and flights where I’ve never been – and when I read, I make sure I am part of the story, I am there, I see it, I feel it. So when I read, I set up everything – the lights, the sounds, the ambiance – to fully complement what I absorb. I like imagining – it brings me to greater heights.”

______________________________

Coco, 24, Quezon City

“Reading is exploring the world and a writer’s mind. Reading novels, at least two titles every month, has been a habit if I’m not at work or during my spare times. Thanks to amazon.com. I always have my AMZ Kindle 4 in my pocket anywhere I go where I can checkout new releases and download them afterwards. If I’m not contented, I would sometimes still grab the hardcopy version on bookstores. James Patterson and Nicholas Sparks are my favorite authors. I have a collection of novels stacked in my room and I feel good by just looking at them before I sleep; it’s like a feeling that home will never be complete without a bookshelf. Currently, I’m onchapter 14 of Cecilia Ahern’s “Love Rosie”

_______________________

Paris, 24, Quezon City

“Having no relatives and no family in Manila, plus hopping from boarding house to a dorm then to another boarding house then to another dorm, my concept of “bahay” has been a little blurry for the past 9 years since arriving in the city from Leyte. However, the people who I stay with makes the living more warmth and enjoyable making me feeling at home again.
 
Currently, I stay in the 5th floor of an all-male dormitory in UP Diliman. My 6 roommates are the best! The taught me how to play DOTA and Counter-strike (dafak, bakla kaya ako). One of my rummie is a film major. So kapag di naglalaro, nagshoshoot kame ng mga music videos and fashion shoots of course”

_________________________

At sila na nga ang ating Top 8 Finalists!!! Ang bongga!!! Iboto na ang favorite finalists n’yo para makapasok sila sa Top 7!

Good luck to all the finalists.

Yours truly,

Madma

P.S. YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya, (Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez. Maging member na din kayo ng FB Fan page nila! Dali!!!

P.P.S. Shout ouch naman sa pasabog divas na sina Ms. Hazel Jayag (PF), Ms. Kaye Giron (KF) and Ms. Jenny Malagarejo (GF). Sila ang kasama ko kagabi sa isang bonggang bonding session! I love you, girls. We are so back. More bonding soon. Very spontaneous din talaga tayo kagabi from Kelly Rogers, DQ to The Healing watching! Pasabog yung na-push natin ang The Healing experience! Like ko rin ang topics natin ha. From heartache to regla. Oh, I so love regla. WOW. I love you, girls. ❤

At gusto kong sabihin na soooobrang best ng The Healing ni Vilma Santos!!! GRABE!!! Sigaw ako nang sigaw sa sinehan. Parang tanga lang! Pero lampake.  Eh, horror eh. Anong expect? Tumawa? Mag-wet? 🙂 PANOORIN n’yo! Puputukin kayo sa takot at kaba. Ang galing umarte ni Ate Vi. Walang kupas. Nag-iisa lang talaga ang Star for All-Season. Napakahusay din ni Kim Chiu! First time ko siyang na-appreciate bilang isang ganap na artista! Hindi nagpahuli sa aktingan si Ms. Kim! Grabe yung binalibag ni Kim si Ate Vilma. LAKAS ni Ma’am. I go for magsuntukan sila ni Ms. Claudine Barreto. Malalakas sila eh. Mahal ko na si Kim. Gaya nga ng sabi mo, more powers to you. 🙂

Nakakatuwang makapanood ng isang matino at pinag-isipang pelikula! Worth it sa sigaw at pera. Talagang napapalakpak kameng lahat sa dulo. Ibang level ng katatakutan ang binigay ng The Healing. Nakakaulol level. Maganda ang build-up ng story, scoring, aktingan, maayos ang mga eksena. And the gore! I love it! Powerful cast. Superb acting. Gripping story. MASTERPIECE! Congratulations sa lahat ng mga bumubuo ng The Healing lalo na sa horror dream team na sina Chito Rono, Jerrold Tarog and Richard Somes. PASABOG KAYO! Ito na ata ang favorite Pinoy horror film ko to date. Masasabing nalampasan nito ang Feng Shui and Sukob. Ibang Level ang The Healing eh! KAKABALIW! 🙂

At hahatulan ko na ang The Healing! 4/5 on my Divanometer. May mga element pa rin akong hindi nagustuhan lalo na yung pag-blur sa mukha ni Ate Vi sa napakaraming scenes. Grabe yung binu-blur ang face ni Vilma Santos! Private part ba ang face nya?! Pepe? KALOKA. At tsaka sana si Ms. Jaime Rivera talaga ang kumanta ng theme song ng The Healing kasi Insipirational Diva siya, ‘di ba? Pinu-push ko talaga ito. 🙂

Overall, masayang experience ang pagnood ng The Healing. Magugustuhan n’yo ito lalo na ang mga horror adik like me. Panonoorin ko ulit siya definitely. Ganda eh! Tsaka may pera ako. Bakit ba! 🙂 WATCH na! Panoorin n’yo yung R18 na version para pasabog! May R13 na version din kasi at malalaman n’yo kung bakit. Huwag ‘yun ang panoorin n’yo. Mga bata?! GO NA!!! Takbo na sa sinehan. Suportahan naman natin ang pelikulang Pilipino.  🙂

(The photo was lifted from this site: http://startriga.blogspot.com/2012/07/healing-starring-vilma-santos-kim-chiu.html)

YTM’s Next Top Model: 4th Elimination Night

Dear fans and followers,

The fans have voted.

The judges have spoken.

Sa ating 9 na finalists, sino ang uuwi na?

Welcome sa fourth Elimination Night ng sikat na sikat at kinababaliwang Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito po ang nakakalokang modeling search sa blogging world na handog sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos. Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 9 finalists ang tuluyang magpapaalam. Almost 1,000 votes nationwide ang pumasok para sa round na ito! BEST! Super thanks sa lahat ng mga bomoto at sumuporta sa YTMNTM. Hindi rin talaga kayo bumibitaw ha! Love it!

Alam kong sabik na sabik na kayong malaman ang matatanggal na modelo sa gabing ito. Ako din, excited na mag-announce. Pero bago ang announcement, gusto kong sabihing naging napakainit at napakatindi ng laban sa round na ito. Ang daming mga bagong kaganapan na ngayon lang natin nasaksihan. YTMNTM firsts kumbaga. May mga models na biglang hataw! From the bottom ay talaga namang biglang rumatsada pataas. Sadly, may mga models din na biglang lagpak from consistently being in the top spot  sa mga nakaraang weeks. May mga bagong crowd and judges’ favorites for this round. May mga bago ring mga members ng chararat team. Iba talaga ang show na ito. UNPREDICTABLE! Nakakaloka.

Nakakalungkot man subalit kailangan nating magtanggal ng 1 model tonight. Sigurado akong maraming malulungkot kasi napamahal na rin ang lahat ng mga finalists sa ating lahat. Aamin ko, napakahirap ng mag-eliminate ngayon. Ang best na rin talaga nila. Ramdam na ramdam ko yung passion at dedication nila para sa online show na ito. Lahat sila magagaling! Lahat sila may kanya-kanyang unique character and strength. Iba-ibang flavor ang ino-offer nila and yet best! Haaay… ang arte nung “haaay…”

Enough of the arte. Ito na! Tanggalan na. Mga fans, sama-sama tayong magpasalamat at magpaalam kay:

_________________________

Rog, 27, Caloocan

“Dear, you have to learn a thing or two about photo cropping from Jeff. While I totally accept advocacies and activism in any form, I think it’s about time you take the competition a bit more seriously and really step it up. While I admire the passion you have for the things you stand up for, I just wish you have the same fire to win this thing. I just don’t feel it yet. The picture has too much elements – and too little of you. You aren’t even the focus of the picture – you just happened to look at the camera at the right Kodak moment. One-fifth of you got cropped out na nga eh. It just pains me cos it would totally turn the other way if you are alone in the picture wearing the exact same everything.”Mr. Sanriel Chris Ajero, Film and TV Critic.

“I like the advocacy and the group picture.”Ms. J.C. Cantos, Dolled up by J.C. Cantos.

“Gustung-gusto ko ang mga ipinaglalaban mo! And I love the emotion that you convey. Pero I miss you in a solo shot. Please pass a solo picture sa susunod, para maka-focus kami sa iyo.”Mr. Rogelio Estacio Jr., General Manager, Adbokasya.

________________________

Hindi po ginamit ng ating mga judges ang kanilang SAVE POWER kaya si Rog ay tuluyan nang magpapaalam. 😦

MARAMING salamat sa iyong pagsali at pagiging bahagi ng makasaysayang YTMNTM. Salamat sa pinakita mong tapang, husay at galing. Hangad namin ang inyong tagumpay sa anumang landas na inyong tatahakin. Ipagpatuloy mo mo ang napakagandang adbokasya mo para sa Kalikasan. Mabuhay ka, Rog!

Mahal ka namin. Mahal ka ni Madma. 🙂

________________________

At ngayon, nais kong ipakilala ang tatlong nangungunang finalists sa round na ito. Sila ang tatlong naging pinaka-makinang among the 9 finalists! Shout ouch naman sa members ng “Powerful 3!” Ibang-iba na naman members ng Powerful 3 ngayon compared to last week!  Ang pasabog talaga!!! KALOKA!!!

CONGRATULATIONS and let’s give it up for (in order):

_________________________

Jetti, 28, Quezon City

______________________________

Keempee, 20, Tarlac

_________________________

Nessa, 24, Paranaque

__________________________

Sila ang ating Powerful 3 for this week! Grabe, ayaw paawat ni Jetti! Two consecutive weeks na siyang nasa No. 1 spot!!! LAKAS!!! I would like to personally commend your entry, Jetti. BEST! This is what the show is all about!  🙂

Nakabalik din si Nessa sa Powerful 3! Last week medyo nalaglag si Ma’am. Welcome back, Nessa. Napakaganda ng entry mo sa round na ito. Wala akong masabi.

And of course, congrats kay Keempee! First time n’yang makapasok sa Powerful 3! Grabe yung powerful na si Ma’am! Ang saya saya ng entry mo this week. Natatawa ako everytime na tinitingnan ko. Happiness indeed. 😉

Palakpakan din natin ang iba pang models na pasok sa Top 8! Sila ang kukumpleto sa ating pasabog at nakakalokang Top 8 na maglalaban-laban muli sa Friday!

Congratulations kina (in no particular order):

_________________________

Paris, 24, Quezon City

___________________________

Coco, 24, Quezon City

_________________________

Jeff,22, Malabon

______________________________

At gusto ko ring ipakilala ang ating BOTTOM 2 for this round. Sila yung naghingalo at medyo muntik muntik na. Naging crucial ang kanilang standing para sa round na ito both sa fans and sa judges pero lusot pa rin. Pasok na pasok pa rin naman sila sa Top 8 natin at lalaban sa Friday. Laban lang! 🙂

Congratulations kina (in order):

_____________________________

Angelica, 24, Laguna

____________________________

Flip, 27, Mandaluyong

____________________________

And there you have it fans! Sila ang bumubuo ng ating pasabog na Top 8!!! Each of them is still in the running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model!

Sa Friday (July 27) ang formal presentation ng Top 8! Ang theme sa Friday ay PAMBAHAY SHOT! Kailangan i-model nila ang kanilang pasabog pambahay outfit sa mismong bahay nila! O, di ba. Matindi ‘to. Dito natin makikita kung sino ba talaga yung fierce pa rin kahit naka-pambahay lang. So, sa ating Top 8 finalists, simulan n’yo na mag-shoot or maghanap ng best photo n’yo wearing your best pambahay outfit! Go!!!

Kailangan ulit ng WRITE-UP para sa next round. Very simple lang naman ang topic. Sabihin n’yo lang ang favorite activity n’yo kapag nasa bahay kayo and why! ‘Yan lang naman. Gusto pa namin kasi kayong makilala kaya pinasok na rin namin ang mga bahay n’yo! Galingan sa write-up. Alam n’yong may hatak din ito kahit papaano. 🙂

Send your entry and write-up to yourstrulymadma@yahoo.com. Deadline is tomorrow (July 26).

Isang malugod na pagbati sa ating Top 8!

Yours truly,

Madma

P.S. Marami pang nakaabang na pasabog sa YTMNTM! Abangan ang pasabog nating Celebrity Judge sa Friday! Hindi n’yo na naman ito kakayanin.

Maraming salamat sa ating pasabog at napakapoging Celebrity Judge for this week na si Mr. Sanriel Chris Ajero.  Ang best ng comment mo! May mga petition ng gawin kang resident judge sa YTMNTM! Gusto mo ba yun?! Iba rin talaga ang alindog mo ha! Masaya ang YTMNTM team na maging part ka ng show na ito. Salamat sa pasabog at maanghang mong comments para sa ating mga finalists.  sa uulitin. 😉

Salamat din sa ating resident judges na si Mr. Rogelio Estacio Jr. at Ms. J.C. Cantos.

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

P.P.S. Shout ouch naman kay Mr. Rich Kayle Villanueva at sa lahat ng mga officemates n’ya sa SEAOIL. Balita ko marami raw readers ng YTM d’yan ha. SALAMAT sa pagtangkilik! 🙂 Sana hindi i-block ng IT n’yo ang blog ko. 🙂 Padala naman kayo ng gas! Grabe! Ubos na yung gasul namin. 😉

Madma Sings “Love On Top”

Dear fans and followers,

Avail n’yo naman itong “pambawi” ko sa inyo sa pagkawala ko sa mga nakalipas na araw. I think ito na ang tamang panahon para ipa-avail ko sa inyo ang isa ko pang pasabog talent: SINGING! 🙂 Yes, Madma can sing too. And can birit as well. Alam n’yong required sa Diva ang magaling bumirit! Ang perfect ko na ‘no? Ang dami ko ring kaya so matatanggap ko kung gusto n’yo na akong ipaligpit. Napakarami talagang talent ni Madma. Zero man sa love life, super talented naman. Grabe yung “super!” Ang fair din ni Lord! Masasabi. 😉

Ito nga pala ang version ko ng nakamamatay na song ni Beyonce na “Love On Top!” Kingina rin ni Beyonce! Hayop sa galing! Gawa sa marmol ang lalamunan at lungs! Pero no offense ha, mas idol ko pa rin si Regine Velasquez. 🙂 Talaga namang naulol ako sa pagkanta ng “Love On Top.” OA sa taas ang song! Pwedeng ikamatay kapag nagkamali! First time ko kantahin ito ng buo at parang ito na rin yung last time! Muntik na mapatid ang ugat ko sa lalamunan. Salamat naman Lord at hindi n’yo ako pinabayaan. 🙂

Super hilig ko talaga ang singing lalo na pagkanta sa videoke! Naging tambay rin talaga ako ng mga KTV houses noong kabataan ko pa. Ngayon, bihira na ko makanta sa mga KTV houses kasi dami na ring ibang ginagawa. Kaya naman, kapag may nagyaya, GO AGAD! 🙂 Ang video na ito ay kuha sa birthday celebration ng ating resident judge sa YTM’s Next Top Model na si Ms. J.C. Cantos. Kasama ko rito ang mga pasabog barkada ko from UPLB.  Ang name pala ng group namin ay Kepzquad. Lakas maka-bastos, ‘di ba?! Shout ouch naman kina Ms. Kti Alibanban, Ms. Kristy Ann Texon and kay Mr. Robby Benson Torres na kumuha ng video na ito. I love you, guys!  🙂 In fairness to me, hindi ko alam na na-video pala ang winning moment na ito. Super thanks, B!

Uunahan ko na kayo, hindi ito masyadong best kasi nga di ko alam masyado yung song! Babawi na lang ako next time. Grabe yung babawi pa ulit! 🙂 Makikita n’yo naman sa video na nangangapa ako. Gusto lang talaga ipa-avail sa inyo yung “birit” ala Madma. Huwag kayong masyadong umarte ha. Enjoyin n’yo lang. Bawal nega! Sana naman ma-appreciate n’yo ang special number ko na ito. Partida ha, nakaupo lang ako while singing this deadly song! Paano na lang kung tumayo pa ako! Yabang din ha.

Ito na ang world premiere ng version ni Madma ng “Love On Top!”

CLICK THIS LINK to watch the pasabog video of Madma as a DIVA: http://www.youtube.com/watch?v=e5c3-ryvs_U

Enjoy!!! 😉

Yours truly,

Madma

P.S. ABANGAN mamaya ang nakakaloka nating Elimination Special sa YTM’s Next Top Model! MALOLOKA KAYO! Magpapaalam na tayo sam isa sa mga models natin later. 😦 Excited na rin akong i-reveal ang members ng Powerful 3 for this round! SUPER PASABOG! Avail n’yo ‘to mamaya!

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya, (Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez.

The Top 9 Finalists of YTM’s Next Top Model

Dear fans and followers,

8 na ang natanggal…

9 na lang ang natira…

Sa labanan ng HUMAN EMOTION SHOT, sino kaya ang bibida?

Welcome sa Yours truly, Madma’s Next Top Model!!! Ito ang kauna-unahan at nakakalokang modelling search sa blogging world hatid sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.

9 models na lang ang natitira! Sila ang maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. Last Wednesday, nagpaalam na tayo Allen. Siya ang pang-walong natanggal sa YTMNTM. Salamat sa pagiging bahagi ng show na ito, Allen. Salamat sa pinakita mong husay, galing at tapang sa bawat round. We wish you all the best!

Panibagong challenge na naman ang kakaharapin ng ating Top 9 finalists today. Susubukan natin ang kanilang galing sa pagmo-model ng kanilang Favorite Human Emotion. Syempre, dapat ma-feel natin ang emosyon na kanilang mino-model. Aurahan talaga ito at its finest!

Tatlo ulit ang magiging hurado para sa round na ito. Ito ay sina Mr. Rogelio Estacio Jr., ang General Manager ng Adbokasya, Ms. J.C. Cantos ng Dolled up by J.C. Cantos at ang ating celebrity judge for this week na si Mr. Sanriel Chris Ajero. Shout ouch naman sa ating sobrang pogi at nakakalaglag pantry/brief celebrity judge! AMPOGEE!!!

Si Mr. Sanriel Chris Ajero ay isang batikang Film and TV critic. Lupet ng mga reviews n’ya! Malalim, palaban, matapang at talagang nakakaloka ang mga sinasabi n’ya. Nagre-review din siya ng music, photos, performances, anything related sa culture and arts. He is an alumnus of UP Cineaste, ang organization na pinagmulan ng mga famous local media personalities nila Bb. Joyce Bernal, Cathy Garcia-Molina, Ely Buendia, Kuya Kim Atienza. Si Sanriel ay minsan na ring nagbida sa isang Indie film titled “Trabaho” kasama si Ping Medina. Critic and actor ang peg. Taray! 🙂

And lastly, si Sanriel ay rin siyang Certified Public Accountant. Grabe! Ang active rin ng left and right brain niya! Ampoge pa, ples! Sana maging kame na lang. WOW. 🙂 Abangan natin ang mga maaanghang ng comments ni Sanriel soon. Mag-ready na kayo, mga models!

Click this link to read his reviews: http://sanriel.wordpress.com/

At dahil sa pogi si Sanriel, ilalagay ko pa ang isa n’yang photo! GRABE!!! Kapag siya ang naging jowa ko, hindi na talaga ako magbo-blog! Papamigay ko na itong YTM, promise! 🙂 Guys, hindi kasali sa botohan ang picture ni Sanriel ha. Huwag kayong malito! Focus! 🙂

__________________

The ratio of judging is divided into: Panel Judges (50%) and Fan Votes (50%). Lahat ng fans ay pwedeng bumoto ISANG BESES kada araw! Tuluy-tuloy lang ang suporta sa favorite finalist n’yo everyday. Ang cut-off ng voting for this round ay sa July 24 (Tuesday) at 11:00 p.m. Tapos sa July 25 (Wednesday) ang ating ikaapat na Elimination Day! Isang model na naman ang ating tatangalin sa Wednesday.

Waging-wagi sa prizes ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM dahil siya ang magiging featured model ng Adbokasya for the month of September. Syempre, may bonggang solo pictorial shoot siya kasama ang buong YTMNTM team: photography by Mr. Zabra Yu Siwa, Hair and Make-up by Ms. J.C. Cantos. Magkakaroon din siya ng free personalized t-shirt from Adbokasya, design of his/her own.Makakatanggap din siya ng free Hair and Make-up service from Ms. J.C. Cantos valid within this year. At syempre, ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM ay bibida sa video blog ni Madma sa buwan ng September! Aktingan with Madma ang peg nito kaya pasabog!

So huwag na nating patagalin! Kilalanin na natin ang Top 9 Finalists ng YTM’s Next Top Model!

_______________________

Angelica, 24, Laguna (KILIG)

_______________________

“Ito ang aking favorite human emotion kasi ang sarap at ang saya ng kinikilig 🙂 ang saya kapag inlove! 🙂 lalo na pag classmate/ officemate mo yung kinakikiligan mo 🙂 nakaka-inspire pumasok everyday kasi may ni-loo-look forward ka. Nakaka-bata rin ng pakiramdam yung kilig kasi very high school 🙂 who would forget the first time na kinilig ka sa buong buhay mo? 🙂 it puts a smile on my face at kapag lagi kang nakangiti, it creates and attracts positive aura :)”

Paris, 24, Quezon City (Serenity)

“SERENITY is my favorite among human emotions. It’s that feeling when you are tranquil and calm. Growing up in the province made me realize how chaotic life in the city is. Sometimes, you just want to go to places, meditate, enroll in yoga classes just to achieve that “moment of zen”. But for me, its just being one with nature, feeling the peacefulness it can offer you. The warmth of the sun, the coolness of the sea breeze. Crystal clear waters. Pristine white beach. Lush vegetation. And yourself secluded from the rest. It’s just perfect.”

________________________

Rog, 27, Caloocan (Mourning with a vengeance)

“July 2, 2012, Willem Geertman was shot dead in front of his office in San Fernando, Pampangaa. He was a Dutch missionary and NGO worker,and an advocate against large-scale mining in Pampanga and Zambales. Geertman’s demise was no isolated case; from 2001 up to 2012, KALIKASAN monitored a total of 58 environmental advocates who have fallen victim to various human rights violations.

I, along with millions of Filipinos, mourn the loss of lives of environmentalists and challenge the Aquino government to resolve cases of HRVs towards ecologists, to stop the vilification of activists, and to dismantle paramilitary forces in environmentally- destuctive projects.

___________________

Coco, 24, Quezon City (Cautious)

“Being cautious is categorized as secondary emotion that is a result or rootcause of fear and is an opposite of being impulsive. Having been through all the odds and evens of my 24-year-old life, being cautious has taught me to face problems squarely, make right decisions and stand by that decision, plan ahead of time and convert plans to actions. It has also prepared me that for every decisions I made, consequences follow, be it good or bad.

By being cautious at times, I have learned to embrace the goodness and take charge the badness of life. The emotion has let me Christmas shop on August, (thinking I might lose my job by December), put 10-peso coin in my shoe when going out at night (thinking someone might steal my pouch or snatch my wallet out of my bag) and bring umbrella most of the time everywhere I go. You know, little details mostly we don’t care that much.

I’m not saying I am super cautious all the time, it’s just that I tend to feel it at something I know in the end I would be disappointed at. It might be classified by psychologist under negative emotions, but sometimes, good things come out of cautions. And that’s my favorite part.”

______________________

Nessa, 24, Paranaque (Pagkasawi)

“Naramdaman mo na ba ang purong pagkadismaya, ang sakit na madarama sa ‘twing pag bangon sa bukang liwayway ay wala na siya? Matapos ang gabing kay timyas, madaling araw na kay wagas, pag mulat, ikaw muli ay magisa. Nagkalat pa ang mga damit sa sahig na kay lamig, mga unang hubad at kubre-kamang gusot, tanging ang mga pader lamang ang nakaalam at nakanood. Mga salitang binigkas, ungol, sigaw, hingal, hiling, Oh diyos ko sige pa! – naglahong parang bula. Sa umaga, wala ni isang tunog kundi ang hikbi, kasunod ng pagluha. At matapos ang pagmuni, tatayo ka na at makikipagmurahan sa kay tirik na araw. Pilit lilimutin ang gabing kay sarap, ibabaon sa alaala ang paraisong naganap. Puso at katawan ay naiwang naghahanap, nangangarap kung kelan siya muling matitikman, malalasap.

Ito ang paborito kong emosyon pagkat ito ang siyang nadarama sa ‘twina. Walang pag-ibig, walang pangako, walang pag-asa. Ngunit sa pagkaalam nito, ako ay napapakilos na maging mas maganda. Maging mas matalino. Maging ang babae para lang sa kanya. Ngayon ay magpapakatanga, magpapakaalila, ngunit pag akin na siya, siguro, balang araw, baka, sa ‘twing pagmulat, ako ay sasaya.”

__________________

Keempee, 20, Tarlac (Happiness)

“We can look at life in two different ways– an endless struggle or a meaningful journey. I choose to see life as the latter. I wake up everyday with a smile on my face and enthusiastic on what lies ahead for me. But my life hasn’t always been that great. Since I was young, I knew I was different from the others. I knew that I was different from society’s definition of normal. To put it bluntly, I was a girl trapped in a body of a boy. And with this, I live a life encountering endless injustice and unfairness because of my differences.

Some people may look down on me, some may even pity me, but rather than sulking in the abscess of my imperfections, I choose to see past that. Whenever I feel slighted or hurt by other people, I spend a small amount of time being angry and remember that the best that I can do is just BE AMAZING! FABULOUS! FIERCE! RAWR!

At the end of the day, ladies and gentlemen, I CHOOSE HAPPINESS (and I choose Nestle, CHARLOT!)! I choose to appreciate my individuality. I choose to appreciate my friends and family who are beside me right from the start! I choose to appreciate and hone my God-given talents, in all my bookings and frequent guest appearances (GANDARA! HAHAHA).

Gone are the days that I walk in the shadows of frustration, guilt, and low self-esteem. I am a new me, all because I choose to be.

I am Keempee Gacula, 20, from the peaceful barrio of Victoria, Tarlock!”

_____________________

Flip, 27, Mandaluyong (Worried)

This is not surprising for teachers:

Each day is not enough for the tons of work to do.

Actually we always pray that a day lasts more than 24 hours. 

Challenges and  hardships are part of our job description.

However we want to spend our day, we have to go back to finishing our tasks.

Ever worried, we stress too much about our work.

Realizing that this is all for our students’ sake, our spirit is renewed, and we push on.”

_______________________

Jeff,22, Malabon (Guilt)

“A state of knowing your actions. A confinement and definition of responsibility. A definition of limit. It’s a realization, an epiphany, a stand for belief. An emotion that has to be just right. An emotion needed.”

______________________

Jetti, 28, Quezon City (Forlorn)

“Forlorn.

It’s that debilitated, purposeless and isolated feeling. It’s the futile waiting game of who gets to call first after calling it quits. It’s that heavy yet shallow space in the chest. It’s a feeling of loss that you wish you can just easily dismiss. It’s crying for days, even without having to shed tears. It’s denial. It’s depression. It’s a mix of all sad emotions. Hello, Adele and Coldplay. No one can get used to or get too familiar with this feeling of sadness.

Why is it my favorite emotion?

Because what doesn’t kill you will make a good story…

And as they say, will make you stronger.

Been there, been that.”

________________________

At sila na nga ang ating Top 9 Finalists!!! Ang bongga!!! Iboto na ang favorite finalists n’yo para makapasok sila sa Top 8!

Good luck to all the finalists.

Yours truly,

Madma

P.S. YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya, (Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez. Maging member na din kayo ng FB Fan page nila! Dali!!!

Again, ako ang 2nd Model ng Adbokasya which was featured last December 2011. Check n’yo yung FB page nila para makita ang aking pasabog photos! I love Adbokasya! So Create your own Statement now and Wear your Advocacy! Pa-print na kayo ng t-shirt sa kanila.

Si Ms. J.C. Cantos naman ay ang personal make-up artist ng sikat na sikat na si Mr. Richard Gutierrez. Make-up artist din siya ng iba pang celebrity sa GMA 7!  So kung gusto n’yo ding gumanda kasi nga medyo chaka na kayo, tawagin n’yo lang siya.

P.P.S. Panoorin ang pasabog 2nd Video Blog ni Madma! Live na live pa rin! Salamat sa lahat ng mga nakapanood lalo na sa mga nag-comment at nagbigay ng mga nakakatuwang reviews. 🙂 Tunay namang nakakataba ng puso. 🙂

Sa mga hindi pa nakaka-avail, PANOORIN NA!!! Masaya ito, promise! MAS maganda pa ito sa Kimmy Dora! WOW. 🙂

I-click ang link na ito para mapanood ang PASABOG video blog ni Madma para sa 2nd monthsary ng YTM:http://www.cge.tv/watch/ae23594a-581b-4f10-aef2-491bde28eb43

MARAMING salamat din kay Mr. Ron Reyes! SUPER touch ako sa pag-feature mo sa akin sa blog mo! Sniff… Salamat sa napakagandang feedback sa YTM. Salamat sa pagiging avid fan ni Madma ever since. Ang lakas din talaga ng views ng YTM sa Norway! Alam na. 😉  Excited na ako sa pagbabalik mo sa December! Salamat, Ron. Ang wagas ng suporta mo. 🙂 Btw, medyo nandiri ako sa picture mo na may bulutong. Argggh! Arte?! I love you, Ron. See you soon. Regards daw sabi ni Jenjen. ‘Yun oh. Yikee. ❤

BASAHIN n’yo naman ang pasabog na review ni Ron para sa YTM. Ang best! CLICK THIS LINK: http://ronronturon.blogspot.no/2012/07/status-updates.html

Shout ouch din kay Mr. Robby Benson Torres para sa photo na ginamit ko sa taas. Pictorial ulit next time. Adik na?! 😉 Thanks din to my Manager, Mr. Silvino Phillip Guangco for editing the photo. Love you both. ❤

Tinatawag ko rin ang lahat ng may ginintuang puso. Kailangan ng tulong ng aming kaibigan na Ms. Hiezel Prado. She was first diagnosed with polymyositis, but the doctors say it’s actually LUPUS. Grabe! Ka-edad lang namin si Hiezel at kakalase sa UP Diliman.  Super bait ni Hiezel! Nakakalungkot. 😦 Ipagdasal natin si Ma’am. You may check out this website, http://parakayhiezle.weebly.com/index.html , to know more about her condition. Please RT and share. Thank you very much.

YTM’s Next Top Model: 3rd Elimination Night (Part 2)

Dear fans and followers,

HUMATOL na muli ang taumbayan.

NAGSALITA na ang ating mga hurado.

Sa ating 10 finalists, sino ang uuwi na?

Welcome sa third Elimination Night ng sikat na sikat at kinababaliwang Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito po ang nakakalokang modeling search sa blogging world na handog sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.

Alam kong sabik na sabik na kayong malaman ang matatanggal na modelo sa gabing ito. Ako din, excited na mag-announce. Talaga namang nakakaloka ang naging resulta for this round dahil na rin sa major twist na naganap sa YTMNTM. Sa mga clueless pa rin kung ano ba ang major twist na ito, gusto kong iapaalam na nagbago na ang ratio of judging sa YTMNTM sa paglalayong maiangat ang antas ng labanan ng mga models. The ratio of judging is now divided into: Panel Judges (50%) and Fan Votes (50%). Equally powerful na rin talaga ng judges at ang fans! Dito natin higit na masasala ang karapat-dapat na tanghaling first Ultimate Grand Winner ng YTMNTM.

Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 10 finalists ng YTM’s Next Top Model ang magpapaalam. Nakakalungkot man subalit kailangan nating magtanggal ng 1 model tonight. Sigurado akong maraming malulungkot kasi napamahal na rin ang lahat ng mga finalists sa ating lahat.

Kaya naman, sama-sama tayong magpasalamat at magpaalam kay:

___________________

Allen, 22, Valenzuela

“Wuw! ganda rin talaga ha? la ako masabe, amboring nung picture eh. parang makapag-pasa lang. reminds me of “Loving Yours Helen” ,,, kasi parang anluma tapos blur blur. nubayan, mas appreciate ko yung last week, mas pasabog yun! at yung write-up. nagsimula sa “About me? “..hahahah tawang-tawa ako. kasi parang live, parang tanga. I salute you for being a cool teacher. kailangan pa natin ng mga ganyan sa lipunan. and sana yung kagustuhan mo sa streetchildren ay may askyon din.”Mr. Rogelio Estacio Jr., General Manager, Adbokasya.

“Round1 (profile) + round2 (headshot) + round3 (stolen shot) = fail.” – Ms. J.C. Cantos, Dolled up by J.C. Cantos.

“Lakas makadalaga ng make-up mo ah. Gusto ko yung softness. Ang problema ko lang ay walang dating ang photo na ito.” –Direk Nick Olanka, ABS-CBN and Star Cinema.

_______________________

Hindi po ginamit ng ating mga judges ang kanilang SAVE POWER kaya si Allen ay tuluyan nang magpapaalam. Sa totoo lang, naging hati ang mga judges sa paggamit ng save power para kay Allen. Since hindi naging unanimous ang decision, si Allen ay eliminated na sa YTMNTM. 😦

MARAMING salamat sa iyong pagsali at pagiging bahagi ng makasaysayang YTMNTM. salamat sa pinakita mong tapanag, husay at galing. Hangad namin ang inyong tagumpay sa anumang landas na inyong tatahakin.

Mahal ka namin. Mahal ka ni Madma. 🙂

_______________________

At ngayon, nais ko ding ipakilala ang tatlong nangungunang finalists sa stolen shot round. Sila ang tatlong naging pinaka-makinang among the 10 finalists! Shout ouch naman sa members ng “Powerful 3!” Ibang-iba din talaga ang Powerful 3 ngayon compared to last week dahil na rin sa major twist sa YTMNTM! Ang pasabog talaga ng show na ito. Very unpredictable! KALOKA!!!

CONGRATULATIONS and let’s give it up for (in order):

__________________________

Jetti, 28, Quezon City

______________________

Flip, 27, Mandaluyong

_________________________

Coco, 24, Quezon City

_______________________

Sila ang ating Powerful 3 for this week! Grabe, naagaw na ni Jetti ang korona kay Coco bilang number 1 model! Super lakas ni Jetti sa round na ito, both sa fans and sa judges. Binabati ka namin, Jetti. 🙂

Si Flip din ay naagaw ang korona kay Nessa sa 2nd spot! KALOKA! Welcome sa Powerful 3, Flip! First time mo mapunta rito, aminin mo! Galing! 🙂

Congrats din Coco for securing the 3rd spot! Lakas mo pa rin talaga, Ma’am! PASABOG KA! 🙂

Palakpakan din natin ang natitirang dalawang finalists na pasok sa Top 9! Sila ang kukumpleto sa ating pasabog at nakakalokang Top 9 na maglalaban-laban muli sa Friday!

Congratulations kina (in no particular order):

______________________

Keempee, 20, Tarlac

_____________________

Angelica, 24, Laguna

________________________

And there you have it fans! Sila ang bumubuo ng ating pasabog na Top 9!!! Each of them is still in the running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model!

Sa Friday (July 20) ang formal presentation ng Top 9! Ang theme sa Friday ay  “MY FAVORITE HUMAN EMOTION.” Kailangan i-model nila ang kanilang favorite emotion. Dapat ma-feel namin ang emosyon na ito ha. BE CREATIVE! 🙂

Kailangan din ng short write-up kung bakit ito ang favorite emotion. PLEASE, huwag kalimutan ang WRITE-UP! 🙂 I’m sure, gusto pa ng fans na mas makilala ang pagkatao ng mga models. Kaya naman, i-best ang write-up para makuha ang puso ng fans. Painit na nang painit ang labanan kaya dapat pasabog lagi!

Send your entry and write-up to yourstrulymadma@yahoo.com. Deadline is tomorrow (July 19).

Isang malugod na pagbati sa ating Top 9!

Yours truly,

Madma

P.S. Marami pang nakaabang na pasabog sa YTMNTM! Abangan ang pasabog nating Celebrity Judge sa Friday! Hindi n’yo na naman ito kakayanin.

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

P.P.S. Live na Live pa rin ang 2nd Video Blog ni Madma! Salamat sa lahat ng mga nakapanood. Sana ay natuwa kayo. 🙂

Sa mga hindi pa nakaka-avail, PANOORIN NA!

I-click ang link na ito para mapanuod ang PASABOG video blog ni Madma:http://www.cge.tv/watch/ae23594a-581b-4f10-aef2-491bde28eb43

Ayaw Tigasan ni Kuya

Hi Madma,

I’m gay, and I need your help. Hindi ko alam kung normal lang ‘tong nangyayari sa akin. May ex ako, at mag-1year na kaming break. Mahal ko pa siya at siya pa din ang iniisip ko kapag nag-mamasturbate ako. Sobrang galing niya kasi. At feeling ko siya na ang pinakamagaling sa lahat!

Last week lang, may naka-“sex” ako. At first, hindi ako tinigasan. Pero nung sinimulan ko nang isipin na si ex yung ka-sex ko, tumayo na si “jun-jun”. Feeling ko sobrang unfair yun sa ka-sex ko. Iniisip ko din na baka forever na tong mangyari sakin, na baka lagi na lang si ex ang isipin ko dahil sobrang galing niya? Normal ba to? Baka may naka-experience na sa mga readers mo, share naman. Nabobother kasi talaga ako.

Salamat, Madma!

Gay Sebastian

____________________________

Dear Gay Sebastian,

Naloka ako sa story mo, Gay Sebastian! Tunay namang pasabog! Pinainit mo ang araw ko at siguradong mag-iinit din ang araw ng mga fans sa chika mo. Salamat sa matapang na paglalahad at pagbabahagi ng kwento mo sa YTM. 🙂 Ang taray mo rin ha! Kaka-break lang pero ratchada agad ang sex life. Ikaw na!!! Na-curious lang ako. Super galing ba talaga ni ex sa kama?! Anong name n’ya!? Pakilala mo nga sa akin para mapatunayan ko talaga. Pwede kasing OA ka lang na magaling siya. Baka naman after all, mas magaling pa pala ako. Huwag ka munang magsalita ng tapos kung ako sa’yo. WOW. Landian naman pala ang peg. 🙂

Sa totoo lang, hindi ko pa na-experience itong nagaganap sa’yo. Nevertheless, I don’t see it as an abnormal thing. Natural lang naman na maisip mo and ex mo lalo na’t mahal mo pa rin siya gaya ng sabi mo. Ano ba kasing purpose mo sa pakikipag-sex these days? Dapat kasi malinaw sa’yo ang bagay na ito. Kung nakikipag-sex ka for landian and for fun lang, hindi ka dapat ma-guilty na naiisip mo pa din si ex while having sex with your kalandian. Wala namang established expectations between the two of you so tuloy mo lang ang pagbayo. 🙂 Huwag kang masyadong praning para tumayo ang “jun-jun” mo. Connected kasi talaga sa brain ang lahat ng bagay pati ang sexual performance. Ang nega thoughts and emotions ay nakakahadlang sa pagtayo ng tite mo, I mean ng “jun-jun” mo, at sa pagabot mo sa tinatawag na “climax” or “sukdulan.” Lakas maka-Xerex Xaviera ng mga wordings ko. 🙂 Chill ka lang kasi, Pare! 🙂

Kung nakikipag-sex ka naman sa someone na medyo special na sa’yo at medyo potential na for a next serious relatipnship, I suggest itigil mo muna ito. Baka magka-letche letche pa, sayang naman. Mag-focus ka muna sa pag-resolve ng mga issues and baggage mo sa buhay. Ito naman kasi yung main thing na dapat mong harapin above all. Nakikita kong marami ka pang dinadala sa puso at isip mo sa ngayon from your past relationship. Ang dami mo ring kasing ngawngaw at nguynguy sa ex mo! Mas makakabuting buuin mo muna ang sarili mo para mas lubos na maging masaya ang succeeding sexual activities mo. Ang sarap kasi ng sex, ples! Sagabal yang emotional baggage mo kaya paki-resolve na agad agad!

Huwag kang matakot na hindi ka na tigasan at maging forever na itong ka-cheapang ito. Believe me, HINDI!!! Ngayon lang ‘yan kasi umaarte-arte ka pa. Chura mo! Kita mo, pati “jun-jun” mo tinatamad kumilos kasi nguynguy ka nang nguynguy sa past relationship mo. Ultimately, makaka-move on ka rin, makakalimutan mo rin si ex at tatayo ng kusa ang “jun-jun” mo like crazy. :)Tulungan mo din kasi ang sarili mo, Ma’am. Tapos na kayo ng ex mo!!! Gising naman! Huwag ka ng clingy sa mga memories! One year na kayong hiwalay. ANO BA!!! Huwag mong hayaang maabala ka ng multo ng kahapon. Masyadong maiksi ang buhay para i-spend pa sa mga bagay na TAPOS NA. 🙂

Take it from Madma, MOVE ON na kay ex at siguradong magiging pasabog ulit yang sex life mo na parang kuneho. Marami pang ibang mas magaling sa sex than your ex. Try me. I mean, believe me! Ano ba ‘to, nagkaka-typo. TYPO?! 🙂 Kung gusto mo naman, papadalhan kita ng mga sexy and hot photos ko sa email mo. Sa alindog kong ito, siguradong magka-climax ka na before ka pa makapag-log in sa email account mo. WOW. Ganda! Parang natakot ako nang slight sa statement ko na ‘yun. 🙂 Or pwede naman magkita tayo sa weekend. Baka magawan ko ng “ibang” paraan ang problema mo sa “jun-jun” mo. Char. ANO BA?! Ang landi ko today. Masasabi. 🙂

Relax ka lang, Gay Sebastian. Ibang mic muna ang gamitin mo sa pagkanta. Hangad ko na malampasan mo ang ka-cheapang ito.

We wish you all the best! 🙂

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.swallowfood.com/that-thing-in-the-drawer/sad-man/)

P.S. Mamaya na natin makikilala kung sino ang matatangal sa hit na hit na Yours truly, Madma’s Next Top Model. Abangan n’yo ‘to! Exciting ito mamaya. Very shocking ang Elimination Night lalo na ang mga members ng Powerful 3!!!

Inaanyayahan ko din kayo na bumisita at kumain sa bagong kinababaliwang kainan sa UP Diliman! Super best ng mga pagkain sa Sandwich Station! Punta na kayo sa 135 Valenzuela Street, Area 2, UP Campus! Hindi n’yo kakayanin ang mga pasabog food dito. Attack na, mga UP Peeps!  Shout ouch naman kay Ms. Christine Marie Sumera. We miss you, Ate Summer! ❤

Samahan din natin si Ms. Rog Amon sa kanyang laban sa pangangalaga sa Kalikasan! Visit these pages and help Save our Coasts and Seas https://www.facebook.com/SaveOurCoastsAndSeas and promote SLAPP us Not! No to Censorship Suits http://www.facebook.com/pages/Slapp-Us-Not-No-to-censorship-suits/246862105431558