Sana Dalawa ang “Pokersya” Ko

Dear Madma,

Help naman, Madma. May jowa ako ngayon. 3 years na kame and happy. Kaya lang po 2 months ago, may na-meet akong new guy. Cute siya and mabait at gusto n’ya ako. Hindi naman pwede maging kame kasi may boyfriend na ako and happy ako sa relationship ko sa totoo lang. Pero ewan ko ba, pumayag akong maging mag-“fubu” kame. Mga 3 times na naming ito ginagawa. I’m kind of guilty sa mga ginagawa ko. Haaay… Inaaya n’ya na naman ako sa weekend.😦

Anyway, sana mapansin n’yo ‘tong letter ko. Regular reader po ako ng blog n’yo. Ang galing n’yo po mag-payo. Masaya pero may puso. Keep it up.

Regards,

Salt Water

___________________________

Dear Salt Water,

Hello, Salt Water! Ang pasabog ng story mo ha. Sumasabay ka din talaga sa tag-ulan. Ang dami namang “dumidilig” sa iyo. E di IKAW NA!🙂 Habang ang iba ay tuyot na tuyot at halos magpakamatay na dahil sa kawalan ng boyfriend, ikaw naman ay “binabaha” ng biyaya. Habang ang ibang babae ay nasa verge na ng pagpatol sa kapwa babae dahil sa katigangan, ikaw naman ay saganang sagana. Habang ang ibang babae ay nauupod na ang daliri sa kaka-dukit or tinatawag na “finger”, ikaw naman ay hindi magkandamayaw sa lalaki. Ang taray mo naman, Salt Water! Buhay na buhay din ang sex life mo, ‘Te. Winner! Panay panay ha.🙂

Deretsahang payo: tigil na tayo, Ma’am! Grabe yung may jowa ka na at may ka-fubu ka pa. May cancer ka ba at nagmamadali ka sa pag-avail ng mga lalaki?! Saan ang lakad, ‘Te? Charoth.😉 Uy, konting “konsensya” naman, Salt Water. Konting “respect” naman sa boyfriend mo. Naaawa tuloy ako sa jowa mo. Akin na nga lang s’ya at ako na mag-aalaga. Wawa naman siya eh. WOW. Instant boyfriend din ha.🙂

Tapusin mo na ang pangangaliwang ito sa lalong madaling panahon. Nega ang nangangaliwa! Isa-isa lang naman parang awa mo na. Kawawa naman kasi si jowa na walang kaalam-alam na siya ay niloloko na pala. Huwag mong ikulong ang mga tao sa iyong mga bisig kung hindi mo naman sila kayang respetuhin. Kung hindi mo kayang panindigan ang isang tao, iwanan mo. Pakawalan mo. Huwag mo silang paikutin sa mga kamay mo. Ang taray nung statement ko na ‘yun ha. Lakas maka-dialogue sa isang teleserye.😉

I really feel for your boyfriend re: this issue. Siya kasi yung losing end dito eh. Mabuti naman at nakakaramdam ka ng guilt. Good to hear that. It is a positive sign na mahal mo talaga si jowa kaya dapat ka ng tumigil sa pangangaliwa. Iwan mo na ‘yang ka-fubu mo at stick na sa boyfriend mo. Or pwede din namang iwan mo na si jowa at stick ka sa ka-fubu mo. Basta ang point, mamili ka. Mahirap maglaro ng apoy, Ma’am.  Marami ng naupos d’yan!  Tigil na habang may oras pa at hindi pa nagkakabukingan. Huwag mong intaying bisitahin ka ng karma. Hindi kita jinu-judge na malandi ka ha. Pero kasi ang landi mo talaga eh. Charoth.😉 Judgemental  naman pala.🙂

Take it from Madma, hindi nagsasara ang pepe kahit isang lalaki lang ang gumagamit dito so huwag kang matakot.  Stick ka lang sa boyfriend mo. Ikaw na nagsabi na happy ka naman sa kanya so stick ka lang with him. Iligtas mo ang relationship mo habang maaga pa. Deadmahin mo na ‘yang ka-fubu mo, please. Since nakikipag-meet siya sa iyo sa weekend, i-meet mo na then tapusin mo na ang affair mo sa kanya once and for all. Pwede ding sex muna kayo for the last time tapos tama na. CHAROTH! Ano ba?!🙂 Ipamigay mo na ‘yan sa iba. Hayaan mo namang “madiligan” din ni Kuya ang iba pang girls out there. Or gays perhaps. :) Huwag kang magpatalo sa tukso, Salt Water. Pang-hawakan mo lang ang pagmamahalan n’yo ng boyfriend mo. Iyan ang maglalayo sa iyo sa delubyong ito.😉

We wish you all the best!

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.datingish.com/753217647/could-you-trust-someone-who-has-been-the-third-party/)

P.S. Open na open si Madma para sa inyong mga stories! I-send lang ang inyong mga nguyngoy, ngasngas, arte-arte sa yourstrulymadma@yahoo.com. Kapag bongga ang storya mo, ikaw ang ife-feature ko. Padala lang kayo! Hindi ko man ma-feature ang story n’yo, sasagutin ko naman kayo kahit offline. Ang dami na din talagang mga letters kaya pasensya na kung medyo matagal ako mag-reply nang very light. Padala lang kayo, sasagot ako.🙂

AT SYEMPRE, tuluy-tuloy lang ang pagboto sa favorite n’yong manok sa YTM’s Next Top Model! Boto lang nang boto or bottom lang nang bottoom para di matsugi ang favorite finalist n’yo. SUPER dikitan ang labanan! Taray! )

TANDAAN: Until tomorrow na lang (July 3) ang botohan para sa round na ito! Cut-off is 11:00 p.m. bukas. Sagarin n’yo na ang suporta simula today until bukas. Sa Wednesday (July 4), Elimination Day natin at 4 na models agad ang magpapaalam! Exciting ‘to sa Wednesday! Sino kaya sa 17 finalists ang mapapasama sa Top 13?! ABANGAN!!!

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

74 thoughts on “Sana Dalawa ang “Pokersya” Ko

  1. Dear Salt Water,

    Lakas makaAngelina Jolie nung name ha. Well, for me naging plastic ka sa pagsasabing masaya ka sa relationship nyo ng BF mo pero naghahanap ka ng iba para sa sexual pleasure mo. Una, niloko mo na yung BF mo nung 1st time mo pa lang nakipagchurva sa “FUBU” mo. Pangalawa, ikaw ang talo sa sitwasyon na ‘toh(although enjoy ka sa masasayang sandali nyo ni FUBU, mahihiya ang gabi sa kati. =) ) kase si FUBU ang nagbenefit nang malaki sa pagpayag mo na makipagchurvahan sa kanya. Tama si Madma(default sa comments :)), tigilan na ang FUBU at i-save ang relationship kay BF (kung love mo talaga sya ha kase feeling ko hindi naman kc nga niloko mo sya. hugot part. :))

    P.S.

    Congratz Madma sa pag-arangkada ng YTM! abot tanaw na ang Top 10 sa most read blogs. Keep it up.🙂

    • Hello again, Sam_Boy! Gustong-gusto ko yung default mo na “Tama si Madma.” Nakakaganda talaga siya sa part ko eh! hahaha Love your advise ha. Grabe ang active mo na din dito. Happy to hear your thoughts re: this issue.

      Salamat sa suporta, Sam_Boy! Next stop: Top 30! hahaha

  2. Kay Salt Water: tama si madma… itigil na yan. Kasi naman, hongganda mo rin eh?! haha. pero matakot ka sa karma. And one piece of advice, pag tinapos mo na ang relasyon mo kay fubu, be sure to tell your bf. He ought to know it. Nasa sa kanya na lang kung papatawarin ka nya, pero really, he ought to know. dahil kahit na itinigil mo na, pero di mo pa rin inaamin sa kanya, niloloko mo pa rin siya ng tuluyan sa pamamagitan ng pagtatago sa kanya ng katotohanan… Take it from me… maraming beses na rin akong niloko (wow, maisingit din ang sarili eh), and sooner or later, malalaman din nya ang katotohanan. wag mong intayin na sa iba pa manggaling. coz when it does, its gonna get ugly.

    • WAHAHAHA. Grabe yung personal experience ang hugot mo! LAKAS!

      “pag tinapos mo na ang relasyon mo kay fubu, be sure to tell your bf. He ought to know it.”- PANALO ‘to! Quotable!

      Love your comment ha. All the way from Norway!🙂

  3. Dear Madma,

    Magbibigay din ako ng payo. Mana ako sayo eh, dami nating alam.. haha

    Baka naman nabobore na si ate sa sex life nila ng bf niya. Take it from the Spice Girls, Spice Up Your Life (or sex life.. haha). Wag mahiyang mag-role play, ilabas na ang mga latigo at French maid costume. O kaya naman magbrowse through sa Kamasutra.

    Mas masayang mag-explore ng mga ganitong bagay with the person you love, kasi after the sex mayroon pa ring respect, trust and most of all love.

    Wag masyadong malandi teh, give chance to others! haha

  4. Alamin mo salt water kung bakit mo ginawa ang bagay na iyan, para sa susunod na panahon ay hindi mo uulitin.

    Or alamin mo rin kung gusto mo pang ulitin next time, para at least alam mo na kung ano ang gagawin next time. I mean, kung alam mo ang dahilan, you can accept that what you are doing is okay. Or kung mabuking ka naman, at maipamukha sa iyo na it’s not okay, which is true to most of the population, you’ll know how to be more maingat.

    Hindi iyan kasalanan hangga’t walang nakakaalam. At kung magkaalaman na, dapat maging handa ka sa mga consequences. Hindi mo naman yan ginawa na hindi pinaghahandaan ang mga kapalit. So there.

    Life is unfair, but we don’t have to be in the losing end always.

    Anyway, can i have your number?

  5. “Kung hindi mo kayang panindigan ang isang tao, iwanan mo. Pakawalan mo. Huwag mo silang paikutin sa mga kamay mo.”
    BAM! Bullseye!

    • WAHAHA. Grabe gumagawa din ng paraan para mag-reply ha. Madiskarte din ha. haha sana sumagot si Salt Water! Gusto ko yung kakaibang diskarte mo, DF! hahaha Maparaan. Masinop. Malinis. WOW. hahaha

  6. Hello Madmuh! Congrats sa recent achievements mo re: this endeavour! Sobrang pasabog, and mind you, don’t mind me ha, mind you, kakasimula pa lang at marami pang nakapilang pasabog.

    Hello, Salt Water, or mas bagay yata ang Dikya bilang…ang kati! Hahaha! Buhusan nga ng suka ‘to! Or ihian! Hahaha! Charaught lang, Salt Water. Hindi naman talaga ako makarelate dito kasi hindi naman ako nanloko or naloko. Or…

    Re: panloloko sa boyfriend, sabi nga ng mga tita at nosy librarians, “itigil mo yan!” How would you feel kung lokohin ka ng boyfriend mo at ako yung gawin niyang fubu? Ako talaga??? Hahaha! Ganun lang yan, put yourself in others’shoes kapag may gagawin kang desisyon na may involved na ibang tao, lalo na kung boyfriend mo ito kasi di ba may commitment kayo sa isa’t-isa. Just to remind you, ano? I have to agree with Ronronturon re: pag-amin sa boyfriend mo. Kung tatapusin mo man yan or itutuloy niyo ni fubu, your boyfriend needs to know everything. Kung tapos na kayo ni fubu, at ipinagtapat mo kay boyfriend (ano nga bang name niya? number na rin or BB pin), at tinanggap ka pa rin niya, eh mahal ka niya talaga. (Pwede rin naman na tanga siya given the situation. Kasi kung ako yan. DISPATCHA! Wuw, ganda.) Pero kung ang outcome after all has been said and done eh iwan ka ni boyfriend, sorry, yan na yung tinatawag natin na karma.

    So ang bottomline, nasa sa pukersya, I mean sarili mo ang desisyon. Pili ka lang ma’am, tapos paubaya mo sa amin yung isa. Sana hindi siya chararat bumba ha.

    Yun lang.

    Ang dami na rin talagang nagpapayo ha. Dami mong choices sa next steps, Salt Water! Lutasin mo yan ASAP.

    • haha. Korek ‘yan, B! We are just starting!!! Alam na alam mo na din talaga yung mga nakapilang “pasabog” sa YTM! hahaha

      Agree talaga sa dapat mamili lang s’ya ng isa. Kati din talaga ni Ma’am. haha Charoth. Pero kai baka super gwapo naman ni ka-FUBU yung tipong mauulol ka din. haha PEro kahit na! deadma dapat! WOW. Baliw-baliwan ang peg ko sa part na ‘yun. haha

      Pamigay na si ka-FUBU! Grabeee ang daming sasalo oh. haha Pa-raffle na kaya natin ‘yan dito sa YTM!

  7. pakalandi din ni ate ha. Tandaan mo, Salt Water, kung ang penguin may konsepto ng “lifetime mate”, tayo pa kaya? WOW. Mahihiya naman ang cast ng Happy Feet sa yo, mam.

  8. May naisip lang akong 3 explanations dito:

    1. Mahal naman talaga niya si BF, pero itlog na talaga sa sex life. So hinahanap niya sa iba ang aspetong ito. Malaki talaga ang role ng intimacy sa isang relationship, hindi sapat na kinikilig lang kayo sa isa’t isa, dapat pakiligin niyo rin ang inyong mga alaga sa ibaba. Hahaha. Ako, naniniwala na lahat ay may bright side, hindi man agad makita, ay maaaring sa future ay maging maganda ang epekto. Hindi man maganda na nangangaliwa ka, baka makatulong din ito para malaman mo kung gusto mo pa ba talaga sa BF mo o sa FB ka na lang.

    2. Wala nang love kay BF, so tuka na agad sa sunod na lalapit na palay! Pero ingat sa pagbayo ha, baka sumobra dami ng bigas at hindi magkasya sa sako. LOL. Maaari kasing Salt Water fell out of love na. Actually, kung babalikan ang lihim, never niyang na-mention ang feelings niya sa bagong guy. Maaaring wala at pure primal lust lang. Pero pwede ring meron, hindi natin masasabi. Totoong you have to decide na kung saan ka magpapadilig, Salt Water. Baka kung anu-ano na kasing maalat na stuff ang humalo pa sa’yo.😄

    3. Sana hindi, pero baka rin hindi ka talaga kontento sa iisang hotdog lamang! May Tender Juicy ka na, gusto mo pa ng Hotdog ni Aljur. Haha. Kumbaga habang may mapaglalagyan pa, ilagay lang. LOL. Pero sa mga relationships kasi, hindi lang naman ari ang nagdi-dick-ta ng mga bagay, may involved na emotions, at maaari kang makasakit. Kaya ingat-ingat lang sa pagsagot ng tawag ng laman. Or kung hindi talaga kayang mamili, threesome na lang kayo tapos paki-video-han na rin. Haha joke lang. Try to spice up your relationship with your BF bilang huling hirit, malay mo naghihintay lang din siya ng signal to get kinky!

    Nasabi na ng iba pero sasabihin ko ulit. Pili na! BF or FB lang ‘yan! Dapat ang boyfriend mo at fuck buddy mo iisa lang!🙂

  9. when a girl cheats, we call her malandi. but when a man cheats, we don’t care. it’s normal. a bit unfair, don’t you think?
    sana bakla nlng ako. chos! pero, galit din ako sa mga malandi.. mamatay na lahat ng malandi! mamatay! mama.. ma… (flatline) hahaha

    hi Salt Water,

    kung ganun kakati and since nakagawa ka na ng kasalanan, i-todo mo na, ask ur bf & fubu to have a threesome with you. para mas fun!
    re: your problem, nagtatanong ka pa? hindi mo alam na mali yang ginagawa mo? tanga-tangahan ang peg? you cheated on your bf thrice, and your “kind of guilty” and asking for help. wow te. wow.
    lumandi na din ako dati, pumatol sa may bf, nakipaglandian sa ibang guys kahit may bf, pero sleeping with two men. wow. pokpok?
    So tell me Salt Water, do you make your living on your back?

    sabi nga ni Madam:
    “May cancer ka ba at nagmamadali ka sa pag-avail ng mga lalaki?!”

    Please keep in mind:
    Having multiple sex partners significantly increases your risk for Cervical Cancer.

    Ingat ka, nakakamatay maging malandi.

    DM me if you want to avail Cervarix or Gardasil. (hanap-buhay??)

  10. Hello naman sa’yo Saltwater. Pakurot nga. Yung pinong kurot sa singit ha.

    Huhulaan ko ang paborito mong ulam – LAING! Ang kati mo eh. Pinaglihi ka din sa gabi nung pinagbubuntis ka pa lang. Aminin mo yan.

    Didiretsuhin kita ha – KAPALMO! KAPatid, Ang Landi Mo! Ang Landi-landi Mo!
    Ang masasabi ko lang sayo ay TAP – Tigilan Ako Please! Wow. :p

    Feeling ko kailangan mo lang mahimasmasan. Alam mo namang mali yang ginagawa mo eh. Wag na tayo painosente. Dapat ka nang maliwanagan. At diyan pumapasok ang method of the day naten. Ang SLUT method. Wow. Oh diba, parang ikaw lang?

    S – Sampal-sampalin mo ang yong sarili. Harap ka sa salamin. Dali, wag na pakupota. Nakaharap ka na? Ayan, sampalin ang kanang pisngi gamit ang kanang kamay. Okay na? Lakasan mo pa. Tapos yung left side naman. Lakasan mo din. Ulit-ulitin ng tatlong beses hanggang magka-beke. Ayan, siguro naman gising ka na sa katotohanan.

    L – Lublubin ang sarili sa loob ng drum. Take note, DRUM dapat. Lagyan ang drum ng tap water. Bago mapuno, buhusan mo ng tatlong pack ng tube ice from 7-11. Okay na? Maghubad na. Unti-unting ilubog ang sarili sa drum. Tapos umahon uli. Tapos lublob uli. Gawin ng ten times. Kapag hindi pa nawala ang “init” sa katawan mo niyan, itext mo ko. Bigyan kitang ticket papuntang Antarctica. Dun ka magswimming. Alright? Next please.

    U- Untugin ang sarili sa unan. Yung unan, lagyan mo ng pangalan ng jowa mo. Tapos kada untog, tingnan mo yung unan. Ulitin hanggang maisaksak mo sa kukote mo ang pangalan ng jowa mo. Okay na? Natandaan mo na may jowa ka pala? Good.😀
    Disclaimer: Wag sa pader ha, baka lalo ka magka-“amnesia”. TAP!

    T – Think it over. Yes biglang naging seryoso. Anticlimactic din. :p
    Pagkatapos mong gawin ang unang tatlong hakbang, mag-isip isip ka na. Magmuni-muni. Magnilay-nilay. Gusto mo bang lumandi muna talaga? Eh di i-break si jowa. Wag nang patagalin. Kawawa naman yung pobre. Redundant din diba? Kawawa na, pobre pa. I-hug naman natin si jowa. *hugs* K.
    Eh kung gusto mong balikan si jowa? Ipagtapat lahat ng mga naganap. Nasa sa kanya na yan kung bibigyan ka pa niya ng isa pang pagkakataon o hindi. Pag nag-break kayo, refer to my WAM method.

    Alam mong may mali ka. Aminin mo yan. Lunes na lunes nakakapang-init ka ng ulo. Haha. Joke. Or not.

    • WAHAHAHAHA SLUT FTW!!! Grabeeee ang taray mo din tonight. Pareho kayo ni Doc. haha What’s with this night at ang tataray ng mga members ng Tribo_Tagapayo! haha Bilog ata ang buwan kaya nagkaka-ululan. haha
      Ang best nung SLUT! Very physical! Saktan mo ang sarili mo method. hahaha Panalo yung LAING! wahahaha Diyos ko, favorite ko pa naman ‘yun. Parang sitaw na lang pala. wahahaha Napasaya mo naman ako sa acronym mo! Ang taas ng recall nung SLUT!❤

      • Napansin ko kasi na parang lagi na lang “mapuso” ang mga comments ko. Maiba naman.
        Haha.
        Favorite ko din ang laing! Lalo na pag taga-Bicol ang gumawa! Yung purung-puro ang gata at mega sa anghang, ganyan. Ayan, naglalaway na ‘ko. :p Yung kay Saltwater kasi laing yun galing sa Makati. Jamjam lang, kaya kinati.

  11. Hi Readers, Hi Salt Water!

    Glob-glob-glob-glob. Pweh! Ano ba to nakainom ako, ang alat! (Wow, animated din ah) “Pweh” Ganyan ang mga initial and normal reaction na pwede mong makuha dahil sa pagdulog mo sa issue mo na ‘to. Kasi makati ka, gahaman sa lalaki, etc etc. Well, in some ways tama naman ‘di ba, or nare-realize mo ba na ganon ang implication ng actions mo? Baka akala mo cool-cool lang na tipong “ay may ka-fubu pala ako, ohwell”. Yung ganon, gets mo? Haha. Pero okay na rin at idinulog mo ito, at least may mapag-uusapan kami at makikita mo ang iba’t ibang persperctives tungkol dito, at possibly matauhan ka.

    Hmmm… I think alam mo naman na mali ang ginagawa mo. Intrinsic kasi ang konsensya sa tao. Sabi mo nga “you’re kinda guilty” eh. Depende na lang kung paano mo gagamitin at ipa-practice ang konsenysa mo. Sabi nila, kapag paulit-ulit mong ginagawa ang isang kasalanan, nagiging normal na lang ito, na parang wala nang guilt effect sa’yo, na tipong deadma na lang. Ang challenge for you ngayon is to realize the implications and gravity ng activity mo.

    Paano? Sorry pero hindi ako mag-enumerate ng witty and funny ways para mapagtanto mo ito. The least thing that I want to do right now is to entertain you and take your attention away from the fact na may dapat kang ma-realize. So simple lang ang suggestion ko (pero rock ha?). Para sa akin, kailangan mo lang aminin ang mga ito sa sarili mo:

    1. Mahina ka. Yes, you are W-E-A-K. May temptasyon na dumating, ikaw naman itong bumigay. Normal naman daw talaga ang temptations especially kapag tumatagal ang relasyon. And yes tao tayo, may kalakasan may kahinaan. The thing is, nagpatalo ka sa temptasyon at kahinaan mo. Kailangan mong aminin na mahina ka para makapag-devise ka ng way para matutukan at mabaligtad ang kahinaang ito. Kung mahal mo ang boyfriend mo, you should be willing to work on this weakness.

    2. Makasarili ka. Sa actions na nagawa mo, you’ve been really inconsiderate. Sarili mo lang ang inisip mo. Sarap at pleasure na tanging ikaw (between you and your BF) ang nikanabang. Worse, pinagmukha mong tanga ang boyfriend mo. Niloko mo siya, ginago mo siya, tinapak-tapakan mo ang pagkatao niya (yes, you’re actions are comparable to that). Kailngan mong aminin na makasarili ka para makaguhit ka ng mas kumpletong picture. Picture na hindi lang ikaw ang focus, yung andun ang mga taong naapektuhan ng actions mo. Hindi lang kasi ikaw ‘te ang deserved ng pleasure, hindi lang ikaw ang tao sa picture.

    3. Masama ka. Simple. Meron kang hindi ginawang mabuti therefore masama ka. Gusto mo ba yun? Kung pagiging masama ang goal mo sa mundo, palakpakan mo ang sarili mo, you’re on the right track eh. Kailangan mong aminin na masama ka kasi hello, baka akala mo ok lang at tolerable ang ginagawa mo. Hindi kasi! True enough normal ang kasalanan, pero hindi natin ito ina-achieve. Kung fan ka ng Hedonism at pleasure equals good para sa’yo, panindigan mo yan. Pero please para sa maraming tao and most likely para sa boyfriend mo, masama ka.

    After mong umamin, tsaka ka pa mag-isip pa, at mag-strategize paano mo i-deal ito maturely with the people involved. Isipin mo ang boyfriend mo please. Mahal namin siya, gaya ng pagmamahal namin sa iyo. Wuw.

    P.S. Baka naman okay lang pala sa BF mo yung ginawa mo. Baka pla fan pala siya ng mga ganitong actions after all. If that’s the case, please disregard my comments. Thanks!

    • Wahahaha. Grabe yung parang ang napaka-samang tao ni Salt Water sa message mo! hahaha Para akong nagbabasa ng 10 Commandments! wahaha Sana naman hindi magpakamatay si Salt Water. ‘Mahina ka. Makasarili ka. Masama ka.’ LAKAS!!! hahaha
      Naku sana hindi ok sa boyfriend n’ya na may ka-fubu siya kasi SAYANG naman ‘tong pasabog comment mo kung madi-disregard lang! hahaha❤

      • I think nasa labas na ng bahay si Salt Water at naliligo sa ulan habang sinasabi na “ang dumi-dumi ko!” after niya mabasa ito. Tapos papasok siya sa bahay for afternoon tea ng Baygon and Dora Rat Crunchies.

        Siguro kailangan na rin mag-sponsor ng Baygon bilang ang dami na ng mentions dito.

      • Hahaha. lakas noh? Gusto ko yung pa-sponsors din talaga ang mga atake ni @therobenson🙂

  12. since hindi na nagreply si Salt water, eto ang advice ko based from a psychological perspective:

    i was asking those things kasi maiintindihan ko kung bata ka at nageexplore pa sa life. part ito ng pagiging tao- ang magkamali. people are prone to temptations because we have desires and wants. Ang nangyayari sayo ngayon ay maeexplain ng psychosexual development ni Freud. We are all born with our Id and ito ang sinusunod mo ngayon. The id doesn’t care about reality, about the needs of anyone else, only its own satisfaction. Pero ang naging gap dito Salt water ay madalas tong nangyayari sa Genital Stage which is during puberty lamang. Kasi dapat by now, naguide ka na ng ego mo which is the reality principle at ang iyong superego na morality principle. sa iyong mundong ginagalawan, ang realidad ay may bf kang tao at sa moral naman- pwedeng ‘mali’ ito dahil sa ethical restraints na kinalakihan mo.

    Ang ibig ko lang sabihin Saltwater – ikaw lang din ang makakapagsabi kung mali o hindi ang ginagawa mo. Lahat tayo may id at ego pero ang superego ay nagkakaiba iba depende sa kultura at naging aral na naituro sa atin. Mamimili ka lang sa dalawang option.

    1. TAMA ITO. Kung may purpose ka naman kung bakit mo ginagawa ang isang bagay, maaring tama ito. Ngayon pa lang kailangan mong isatisfy ang sexual desires mo at maaring hindi iyon naiibigay sa yo ng bf mo then fine. Pero siguraduhin mong hindi bf ang tawag mo sa kanya. What i mean is wag mo syang mamahalin. At kung ganito ang naging paniniwala mo, ang pagsatisfy sa desires mo ay may katapusan dahil may goal ka ngang nirereach.. kaya naman kailangan mo din talaga itong tapusin sometime. Unlike sa pagmamahal na i think is more long term. Iadd ko na din na dapat handa ka sa consequence na ginagawa din ito ng partner mo. Kailangan lahat ng theories applicable sa kahit sino hindi lamang sa iyo. Bakit mo ito papaniwalaan? Kasi hindi ka mabubuhay ng maayos, kung acceptable naman ito ng superego mo, kailangan mong ipagpatuloy ito kung hindi ay hindi ka mabubuhay ng maayos. Hindi ka makukuntento sa bf mo at eventually maghihiwalay kayo. At and isa ko namang advice kung gagawin mo ito, learn to be safe. Sa panahon ngayon hindi lang naman pagkabuntis ang iniiwasan. Kung may multiple partner ka, kailangan mong magingat sa STI (tama doc?) at sa cervical cancer so please be sure na may anti HPV vaccine ka ngayon pa lang. Gawin mo ito para sa sarili mo.

    2. MALI ITO. Dahil kung ang papairalin mo ay ang superego na typical Filipino values at Christian faith, nanloloko ka ng tao. Itigil mo na agad ito at ipagtapat ang nangyari sa bf mo. Pwede ring hiwalayan mo ang bf mo kasi masama ka, hindi ka karapat dapat sa kanya unless mapatawad ka nya at matanggap ng buong buo. Pagkatapos nito magbubuhay single ka at pwede ka na ulit makipagkita sa kanya. Pwede mo ng gawin ang gusto mo ng walang bumabagabag sa yo na kahit ano. Hindi ba napakagandang mabuhay ng walang worries? Again, gagawin mo ito para sa sarili mo, dahil habambuhay kang makokonsensya dahil hindi ka titigilan ng superego mo. Lahat ng aspects ng buhay mo maaapektuhan. Hindi ka makakapagtrabaho ng mabuti. Feeling mo madumi ka etc.Hindi ka mabubuhay ng maayos.

    Ayun naman so mamili ka at iassess mo ang values na meron ka. At the end of the day, all would boil down to what kind of personality you have all the while. Maging matapang. Para sa yo to. Kailangan mong mabuhay ng masaya at ikaw lang ang makakaalam kung ano yun basta wellness ng sarili dahil sa sarili nagmumula ang ikakaayos ng buong paligid- bansa, etc. (WUW!!!!) Hahaha. baliw na si mam.

    • *Clap, clap, clap!!! With Standing O! GRABE! Para akong nagbasa ng Psychology textbook! wahaha. Naalala ko tuloy bigla ang Psych 101 class ko under Ms. Billedo. hahaha Ang best nung explanation mo sa Id, Ego at Superego!!! Alam mo, DF magturo ka na! Ang taray eh. Bet na bet ko ang Psychological explanation mo. Grabe napaka-sosyal ng blog na ito. Iba’t ibang perspective talaga ang binibigay sa fans. Hiyang-hiya ang show ni Kris Aquino! Ang best, DF! WAGAS!🙂

      Hindi talaga ako maka-relate sa anti HPV vaccine. hahaha Napaka-girl thing naman nito. haha

      Love you, DF. Ikaw na talaga ang resident Pschologist sa YTM.❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s