Yours Truly, Madma conquers The Philippine Star

Dear fans and followers,

Grabe yung nasa Lifestyle Section ng The Philippine Star ang Yours truly, Madma last Saturday (June 30, 2012)!!! Potaaa! Ang sosyal na natin!  The Philippine Star kasi ‘to oh! Kingina. Aarte pa ba tayo?! Sagad-sagaran agad ang kasikatan ng YTM in less than  2 months of existence! Ratchada at its finest! Maghi-hire na nga ako ng security team kasi baka bigla na lang akong kidnapin sa labas at i-gang rape. WOW. Ganda.😉

MARAMING salamat sa writer na si Don Jaucian.🙂 Salamat sa paglathala sa akin at sa blog ko sa iyong columm. Salamat sa napakagandang reviews mo sa YTM. Nakakataba talaga ng puso ang mga sinabi mo.🙂 Ang lakas maka-sosyal nung mga English terms mo na ginamit ha. Nakakangilo. Super thanks talaga sa pagtupad ng pangarap kong mailathala ang pangalan ko sa isang sikat na pahayagan. Dream come true ito lalo na sa isang journalist na kagaya ko.😉  Grabe naiiyak na ako. Excuse me nga muna punta nga lang akong CR. ARTE?!🙂

Muli, maraming salamat, Don! Isa kang tunay na alagad ng sining. WOW.🙂 Seriously, salamat talaga. This means a lot to Madma. Mabuhay ka.😉

At para sa mga hindi nakabasa nung write-up ni Don sa The Philippine Star kasi hindi nakakuha ng copy kasi walang pera, ito ang online version ng pasabog article n’ya about YTM: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=822418&publicationSubCategoryId=448

Yours truly, Madma: Top 50 Most Read and Visited Blogs in The Philippines

Isa pang nakakalokang pasabog: nakuha na po ng Yours truly, Madma ang 50th spot bilang Most Read and Visited Blog in the Philippines sa Entertainment Category ng topblogs.com.ph! Grabe!!! Last week Top 92 lang tayo, tapos last Sunday Top 50 na agad! Naka-taxi din tayo sa pagmamadali ha. GRABE!!! Wala akong masabi kundi, pota! Grabe din si Lord kung magpasabog ‘no. Wagas. Sabi ko kahit Top 70, ok na. BUT NO!!!🙂

Ka-level na ng YTM ngayon ang mga sikat na sikat ng sites gaya ng Vice Ganda Website, Wil Time Bigtime TV5 Website, Kapuso Central, TV5 Kapatid etc. SOSYAL!!! Nalampasan na din natin ang Philippine TV Ratings site na dati-dati ay binabasa ko lang as a person. GRABE!!!🙂

Bonggang mga achievements ito in less than 2 months ng pag-ere natin sa blogging world. Kaya naman, makakaasa kayo ng mga MAS matitinding pasabog sa susunod na mga araw. Itotodo ko na talaga ang lahat dito kahit hindi na ako magka-boyfriend. Charoth.😉

Salamat sa lahat ng mga readers ng YTM. Kayo ang dahilan ng lahat ng ito. Kayo ang inspirasyon ko.

Madma loves you all. Together, let’s conquer the world! Lakas maka-colonizer nung “conquer.” Baka magalit ang China!

YTM’s Next Top Model BIG Announcement

Gusto po naming ipaalam na until bukas na lang (July 3) ang botohan natin for this round. Dahil na din sa request ng maraming fans, mas pinabilis na namin ang voting period. Elimination Day natin ay every Wedenesday na. Tanggalan tayo kapag Wednesday, mga fans! Ang presentation of Remaining Models naman ay every Friday lagi. So, ang voting period na lang natin is from Friday until Tuesday, 11:00 p.m. of the week. Iyan na ang final format natin sa YTMNTM. Please be advised.😉

Basta tandaan, Wednesday ang Elimination Day at Friday ang Presentation Day. ‘Yun na! Huwag kayong malito ha. Sa July 4 na ang una nating Elimination Day! Kapit!🙂

Kaya naman, itodo n’yo na ang pagboto ngayon until bukas! Huwag n’yong hayaang malaglag ang manok n’yo. Vote for your favorite model! Aminin nyo, ang pasabog nga mga comments ng ating mga prestigious judges! Sana kinaya n’yo.🙂 Maraming salamat sa very constructive yet maanghang na kumento n’yo Mr. Albert Cruz, Mr. Rogelio Estacio Jr., and Ms. J.C. Cantos. Wagas din kayo mag-judge ha! Karir.😉

4 po ang tatanggalin natin sa Wednesday from our present 17 finalists! Lagasan agad!😉 Wooooh! Exciting!

And since pinaaga na namin ang Elimination Day, sasabihin na din namin agad ang Theme for the next challenge sa YTMNTM para makapaghanda na ang mga finalists! Ang theme natin for our next round ay… HEAD SHOT! So ang focus dapat ay ang mukha at its best angle! Dito na magkakaalaman kung sino talaga ang maganda at chararat.😉 Bawal mag-shades or eyeglasses sa round na ito ha. Dapat kitang-kita ang mukha. ‘Yan ang basic requirement. Kaya kung feeling n’yo ay hindi pa kayo matatanggal sa Wednesday at pasok kayo sa Top 13, hanap na kayo ng best head shot photo n’yo! Kalkalin n’yo na ang FB profile photos n’yo o kaya ay mag-photo shoot na kayo para best! Pasabog ang Celebrity Judge natin sa Friday kaya umaayos kayo!🙂

Itodo na ang pagboto today at bukas! LABAN na! Pwedeng bumoto araw-araw! 1 Vote per day ang allowed. Ang bilis ng pagbabago-bago ng standing ng mga finalists ha! Nakakaloka! May mga biglang lumalakas at may iba namang biglang humihina! Unpredictable talaga!😉

Check the latest standing and vote now: “The Top 17 Finalists of YTM’s Next Top Model.”

YTM’s Next Top Model is sponosred by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

Yours truly,

Madma

P.S. Abangan mamaya ang pasabog nating letter sender! Payuhan day na naman today. Na-miss ko ito! Mag-ready na kayo mga members ng Tribo_Tagapayo.🙂

Salamat din sa Manager ko na si Mr. Silvino Phillip Guangco para sa masarap na avocado!!! Woooh! Grabe naulol ako. Avocado is lurve! Thanks, Manager.❤

P.P.S. Condolence naman kay Mr. Raymond Castro at sa iyong buong pamilya. We love you. Salamat sa pagbabasa ng blog. Hug.❤

43 thoughts on “Yours Truly, Madma conquers The Philippine Star

    • Weeeh. Thanks, DF! Ang dami na din talaga nating plans for YTM ha. SALAMAT for your non-stop support.❤ Kailangan na nating makuha ang Top 30 next time! haha Taas agad. haha

  1. Marvs, ako po si Joseph Ubalde. Dati po tayo magkaklase sa CMC. Nagsama rin po tayo sa internship at pagfhahanap ng part-time work at pagbirit sa videoke after…kilala nyo pa po ba ako?

    • CHE!!! Ikaw nga yung sikat ‘dyna, Mark Ubalde! hahaha Kakaloka. Natatawa ako sa comment mo!

      Guys, let’s give it up for Seph Ubalde ng TV5! Sikat na sikat na Weather Reporter ng Aksyon TV5! Napaka-gwapo nito grabe. ‘Wag na kayong mag-lunch. Search n’yo lang sa net photo n’ya. Mabubusog na kayo sa muscle n’ya. haha❤ GAME!

      Grabe tambayan na din ang YTM ng mga sikat ha. haha Miss you, Mark!

    • Hello, Val! welcome naman sa YTM! Grabe ngayon ka lang napadpad dito. haha Aminin mo yung very Multimedia din talaga ako. Kahit blogging di din pinalusot. haha Miss you, Val!❤

  2. Wohoo! galing din talaga naten ha? haha jusme, sino naman ang celebrity judge! excited na malaman! for sure pasabog yan!🙂

  3. Madma! Thank you naman sa shout ouch! Grabe. iba talaga kapag galing sa sikat na tao ang pakikisimpatya, parang ang bilis ko na lang natanggap na wala na mommy ko. Haha. Salamat din sa pagdalaw. Talagang hands on ka din sa mga fans mo.

    Thank you naman sa blog mo Madma. Lakas nito makagaan ng loob para sa mga nagdudurusang tao. Ginamit ko din talaga tong blog mo para sumaya naman ako kahit papano. Again, Thank you.

    Congratulations on all your success Madma! From the start pa lang, alam ko namang sobrang magiging successful nitong blog mo. Patuloy lanf sa pagsulat ah.

    All the best!🙂

    • Hello, Raymond! Welcome sa YTM. Alam mo namang love ka namin dito. Hayaan mong makatulong si Madma sa pinagdadaanan mo. Tambay ka lang dito. We will keep you company.🙂 See you soon and sama ka na sa badminton namin!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s