Huwag Mong Ilagay ang Batas sa Kamay Mo

Dear Madma,

Hello, Madma! First time ko sumulat sayo pero silent madmacartian ako since. Sana mapansin mo ‘tong email ko sa kabila ng tambak tambak na emails mo. May time ka pa pa bang mag-toothbrush? Parang ang busy mo rin talaga eh.

Anyway, nagkaroon ako ng lakas ng loob na i-share ang kwento ko dahil sa ni-share ni Philosophical Girl. So yes, this is also about sex. Sex and friendship to be more inclusive. Sex and friendship and revenge to be MOST inclusive.

Mejo mahaba ‘to so please bear with me. 

So, may ka-FUBU ako. Ka-schoolmate ko sya. Chararat lang ‘to, kant*t lang talaga. Lamang tiyan, kumbaga. Di ko nga alam apelyedo nya eh.

Then, may friend ako. Eto friendiva ko talaga. Schoolmates din kame. Ka-wavelength level friend kame hindi lang basta acquaintance. Marami-rami na rin kameng pinagsamahan especially, kalugmukan times. Tight kame like a vagina. Speaking of which, mejo ilang weeks kameng hindi nagkita so nagchika chika kame. Update update ng sex life ganyan. Malandi rin siya eh so may mga side dishes din sya. Pero in fairness to her, wala naman din kase siyang main course. Single din siya so puro side dish lang. Diet eh. Kinwento nya saken ‘tong bago nyang ka-FUBU. Grabe, hint na ‘to. Sige na nga gist na: turns out, we are fucking the same guy!

Ganto pa namen nalaman: so kinukwento nya then nagka-hunch ako, “wait anong pangalan nito” then nagkatinginan kame. Tinanong nya ko baket, sabi ko ahm kase parang kilala ko yan. Then sabay nameng sinabi yung pangalan, eh pareho! Tangina, nangyayari pala talaga yun kahit walang script noh! Yun. Wala kameng issue ni friend kase I guess you could say we’re liberated like that. Eto ang issue: so nag one-for-the-road last hurrah ako dun sa lalaki and I told him na alam kong ginagawa rin nila ni friend, nagsinungaling ba naman si gago! I mean, wala naman akong anything eh, lampake sa kanya noh, duh. Kagigil lang yung sinungaling! Eh ano kung sabihin nya na lang, ‘di ba? E di 3some kame! Paka sinungaling ang potoh. Sinabi din ni friend na alam na nya at nag-deny din sa kanya. Kagigil talaga!

Alam kung maling humingi ako ng payo or ngumasngas bilang ako naman ang dumampot ng bato na ipupukpok sa ulo ko. I mean, what do I expect from a guy like that, right? Pero kagigil talaga yung mga sinungaling eh. Imoral na nga kame sinungaling pa? Isa-isa lang.

Eto ang idinudulog ko: baka naman pwede mo, kasama ng iyong mga avid followers, kameng payuhan ng friend ko pano turuan ng leksyon tong kumag na ‘to. Gusto lang nameng gumanti talaga. Note: wala kameng hang ups or anything, promise. Nanggigigil lang talaga kame sa harap-harapang kasinungalingan.

Aabangan namen ni friend yung mga ideas nyo. Sana yung very doable dahil excited na rin talaga kame.

Maraming salamat!

Sincerely,

Revenge Fucker

_________________________________

Dear Revenge Fucker,

Eh gago naman pala yang si Kuya eh. Irita! Mabango at malaki ba naman ang “jun-jun” n’yan?! Sana naman oo kasi otherwise wala na siyang silbi sa mundong ito. Pampakapal na lang siya ng populasyon so pwede na siyang kunin ni Lord! Ibibigay ko sa’yo yang galit mo kasi nakakagalit naman talaga ang mga taong sinungaling lalo na kung sa harapan mo pa gagawin. Para ka na ring nilagyan ng tae sa bibig habang nagsasalita. WOW. Paka-baboy!🙂 Buti naman hindi kayo naapektuhan ng friend mo sa ka-cheapang ito. Kasi kung nasira kayo because of this eh sasabunutan ko talaga kayo. Cheers for friendship, Bitches!🙂

Alam mo, generally speaking, hindi talaga advisable ang paghihiganti. Nakakapagod kasi ito, Ma’am. EFFORT. Ang daming energy na kakailanganin na pwede mo na sanang gamitin sa ibang mas makabuluhang bagay gaya ng pakikipag-sex or paglalaba ng panty na may regla. Aminin mo, mahirap labhan ‘yan. Alam ko ‘yan, Girl! Nire-regla din ako minsan. WOW. Minsan?! Pwede ba ‘yun?!🙂 Tsaka nakaka-pangit ang negativity sa katawan, Ma’am. Kaya ang daming chararat bumba sa paligid eh kasi puro sila negastar.😉

Pero on the other hand, ang sarap din kasi ng revenge lalo na kung successful. Yung tipong makikita mong lugmok sa paghihirap at pagdurusa ang kaaway mo tapos ikaw ay humahalakhak habang hawak ang isang baso na may red wine sa kanang kamay. O kaya yung eksenang kineketong na ang kalaban mo tapos ikaw ay nasa spa, relax na relax at umaaura-aura lang. Wagas din kasi yang mga winning moments na ganyan. Priceless din talaga.😉 Ang sarap din kasi talagang turuan ng leksyon ang mga gagong tao eh. Lalo na yung sobrang gago talaga ha. Gago kasi sila! Ang sarap sabihin nung word na “gago.” Nakakaalis stress. Try n’yo!🙂

Aaminin ko, fan din ako ng revenge before. Pero yung slight revenge lang ha, just enough to make a statement. Hindi naman yung papa-kidnap ko pa ang kalaban tapos dadalhin sa liblib na lugar para saktan. EFFORT! At ang gastos ha kasi kukuha ka pa ng mga tauhan namely Bogart, Bruno at Edgar.😉 Sa totoo lang, hobby ko din magpabagsak ng kalaban dati. Mataas kasi ang respeto ko sa sarili ko at ayoko ding ginaga-gago ng kung sinu-sino. Ganda ko din kasi, excuse me!🙂 Pero again, hindi ako nage-effort talaga. Which makes me more beautiful.🙂 Ipinauubaya ko na lang sa Diyos ang mga kalaban ko. Tapos after that, unti-unti ko na ding nakakalimutan. Ewan ko ba, siguro swerte lang ako kasi lahat naman ng mga naging kalaban ko so far eh hindi naman nagtagumpay at bumagsak din eventually kahit wala naman akong ginagawa. GANDA!!! ;) Mas iniisip ko na lang lagi yung lessons and learnings na natutunan ko sa mga kalaban ko. Mature!🙂

Pinaparusan  ni Lord ang mga gagong tao. Maniwala ka sa statement na ‘yan at ito ang pang-hawakan mo.🙂 God has his own creative ways and knows the proper time and venue for justice.😉 Pero minsan kasi ang sarap ding ilagay sa kamay ang batas eh, ‘di ba? Charoth.🙂 Hoy, aminan na tayo dito ha. Siguro naman lahat tayo ay tinawag din ng revenge at some point in time. UMAMIN KAYO! I’m sure minsan n’yo na ding hiniling na bumagsak at madurog nang pino ang mga kaaway n’yo. Siguro, nagkakaiba-iba lang tayo sa end result. Yung iba nakukontento na sa pagwi-wish. Yung iba naman, talagang kumikilos to make it happen. Ako, depende sa mood ko. ARTE!😉

Ayokong i-push ka sa plano mong paghihiganti, Revenge Fucker. Kaloka yung “Fucker.” Stop this, Mother Fucker.😉 Huwag ka ng bumaba sa level ng ka-cheapan. Take it from Madma, huwag mo ng i-push ang balak mo. Nakakapagod ito at hindi mo ito ikayayaman. Magtayo ka na lang ng business or maghanap ng ibang lalaki para mas maging productive ka. Hayaan mo na yang si gago. Gago na ‘yan eh tapos gagaguhin mo pa. Redundant.🙂 Marunong ang Diyos kaya hayaan mo na siyang rumesbak for you. Tandaan mo, ang pinakamasarap na feeling when it comes to revenge is yung WALA kang ginawa at all tapos bumagsak pa din ang kalaban. O, ‘di ba! ‘Yan ang panalo! Yung tipong kakatok na lang ang balita sa pintuan mo at malalaman mong bagsak na ang gago mong kalaban. Believe me, ito yung best feeling sa lahat.🙂 Kaya naman chill ka na lang, Ate. So much for negativities. Mag-abang ka lang. Makakahanap din s’ya ng katapat at babagsak din ang gagong ‘yan.😉 Tandaan mo, hindi mo man mapatay ang lamok na kumagat sa’yo, papatayin naman ‘yan ng ibang kakagatin nito.🙂

We wish you all the best.

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://en.wikipedia.org/wiki/File:Scale_of_justice_2_new.jpeg)

P.S. Abangan mamaya kung sino ang 4 finalists na matatanggal sa kinababaliwang YTM’s Next Top Model! Excited na ba kayo?! Tine-test ko din talaga yung EQ n’yo eh. ABANGAN ang revelation mamaya!🙂

Muli ko kayong inaanyayahan na manuod ng first major concert ng The Ryan Cayabyab Singers sa Music Museum, 7:30 p.m. on July 7, 2012. Manunuod si Madma so kita-kits! Bonding na din after the concert for more. See you there.😉

50 thoughts on “Huwag Mong Ilagay ang Batas sa Kamay Mo

  1. Naasar ako na pa-demure pa si Kuya. Sige, gantihan niyo nga yan!

    May naisip akong revenge, kayong dalawa ng friend niyo, mag-set-up kayo ng “threesome” pero kayong dalawa lang mag-sex, audience lang siya. Nganga to death ang peg niya habang pinapanood kayo.

    Or better yet, “foursome”! Maginvite pa kayo ng isang chararat bumba na friend tapos pilitin niyong sila yung mag-sex. Nakatulong na kayo sa friend na chararat bumba!

    • Wahaha. Grabe yung suggestion mo ha. May sex din na involved. haha Grabe yung naasar ka din kay Kuya. Kasali din talaga! Pero on the other hand, ang saya ng foursome. Sana ma-consider nila.🙂

  2. Eh baka naman kase common ang name ng ka fubu nyo like Jose, ganyan, tapos inassume nyo na na parehas kayo ng ka fubu… Yun pala magkaiba naman pala talaga. Ahahaha. Char. I go for revenge… Yung tipong magigising cya sa empty factory tapos me bubukas na TV: Hello Fubu…. I wanna play a game…..

  3. Gusto ko ang payo mo @ronronturon lakas maka-SAW at child’s play! hahahaha

    Pero Revenge Fucker, TAMA SI MADMA!

    kalimutan nyo na to. Sobrang kacheapan yung pumapatol sa CHARARAT. Ubos lakas lang, nagkasala ka pa sa Diyos. WUW. – madre? Nakakatamad magkikilos nowadays. Malamig. Maulan. Basa. Itulog nyo na lang yan. Or i-SEX! Alamoyan! Siguro iba ang mga payo kung summer narelease tong nguy-nguy mo. Pero blame it on the weather (or weatherman) kasi, nakakatamad ng todo!

    Make love not war. ~ Yun ang akin.

    Ewan ko kila @jayrestacio @therobenson @deathbymilktea @urbandud @jill masalonga Ano kaya ang payo nila re: this one?

    • Hello naman, WitchK. Grabe yung suggestion ni @ronronturon! Tawa ako nang tawa kasi alam na alam natin yung eksenang ‘yun! hahaha Pak tayo sa make love not war. Dapat happy, happy lang tayo these days. Alisin ang lahat ng mga negativities sa paligid. So much for revenge and nega thoughts. Ang bait naman natin, WitchK. haha🙂

  4. Isa kang malaking pakilig, Madma, re: announcement of eliminated YTMNTM hopefuls.

    Anyway, Revenge Fucker, hello sa’yo at sa friend mo na ginago ng gagong chararat bumba na yan. Wuw, galit na galit? Involved? Hahaha!

    I have to go with Madma re: revenge. Tama, sobrang effort ng paghihiganti. Ang dami mo rin sigurong time, ano? Kasi naiisip mo pa talaga yung pag-ganti. Siguro kahapon lang ‘to nangyari? Kasi gigil na gigil pa kayo eh. Give it time, lilipas din yang gigil niyo ni friendiva. I won’t recommend revenge which is a dish best served cold. May definition? Hahaha! Para sa akin, isa itong malaking KA-CHEAPAN! Ibinababa mo lang ang sarili mo sa level nung gagong yan kung gagantihan mo siya kasi gusto mong ibalik sa kanya yung ginawa niya sa ‘yo, ‘di ba? Nagawa na ‘yan ni Auntie Selina sa “Mula sa Puso” at ni Sally sa “Saan Ka Man Naroroon” pati ni Lavinia Arguelles sa “Bituing Walang Ningning.” Ang tanda ng references ko ples. Si Auntie Selina at Sally eh parehong naligwak while Lavinia eh medyo nasira sa fans at some point. So, ang point is, wala naman talagang nagwawagi sa pag-ganti. Masisira or masasaktan ka pa lalo. Makuha mo man ang gusto mong result, maraming mawawala sa’yo along the way. Gusto mo ba yun? Paano kung yung ganda mo ang isa sa mga mawala or yung isa sa mga boobs mo? Mahirap yan.

    Kung hindi mo man kaya ibigay ang forgiveness, then forget about what happened. Forgive and forget shouldn’t go together naman all the time. ‘Wag silang clingy ples. Magpaka-busy ka na lang or check mo yung fubu ni Salt Water sa previous post, baka bet mo at nang matigil na yung pang-gagago niya sa boyfriend niya. Nakatulong ka pa. Hahahaha!

    Maiintindihan ako ni Madma re: my take re: this, dahil alam niyang ayoko ng mga gantihan portion. Kung tutuusin eh ang pinaka-core na kasalanan naman niya is nag-sinungaling siya. Nakinabang ka rin naman sa kanya kasi gusto mo rin naman yung mga pinag-gagawa niyo. Nasarapan ka naman siguro, ano? So, dispatcha lang from your life is enough. Hindi na naman kayo nagse-sex. ‘di ba? ANO?!? Nagse-sex pa rin kayo? Itigil niyo yan! Ang kakati niyo! Hahaha!

    Let go, ‘wag nega, nakakachaka. Best pa rin yung magpatawad. Sabi nga ni Mahatma Gandhi “The weak can never forgive. Forgiveness is the attribute of the strong.” Avail niyo yung may Gandhi quote! Taas! Hahaha!

    Yun lang.

    • Hello, B. Si MAHADMA Gandhi ito. Salamat naman sa pag-quote sa akin. Wahaha. Kingina nung may alam kang quote form the very Mahatma! Alam mo, very expected ko na itong sagot mo! Alam ko namang napaka-busilak din talaga ng puso mo kaya ayaw mo ng mga revenge. haha Ikaw talaga ang example ng “kabutihan.” hahaha It’s good to know na may mababait pa ding tao sa mundo kagaya mo. Keep it up. sana mag-out ka na din sa inyo. WOW. hahaha

  5. Hi Friends….

    Wow feel na feel ko rin talaga ang friends =) Grabe Madma ha, I was anticipating result na ng YTMNTM ang makikita ko, kaso may ibang pasabog ka pa pala…you never fail to surprise us, feeling mo ba birthday namin? Char lang hehe. Ano ba, san na ba yang results na yan, gusto na naming malaman sino natanggal nang mapagtawanan na sila. Haha joke lang kasi.

    At ano ba to ha, bat uso naman ang FUBU-themed problems na pinapadala kay Madma? What’s with FUBU, uso pa ba ang clothing brand na yun? Di pa ba sya defunct? Eh bat avail pa kayo nang avail? Haha. And Revenge F*cker (wow, lakas maka-MTRCB ng F*cker haha), what’s up with you? Bat galit na na galit ka? Hehe sorry ha, di ko masyado ma-feel ang angst mo, I mean hindi ko ma-assume ang place/perspective mo. Kasi, oh sige FUBU kayo, then nag-deny siya ng activities nila ng friend mo, oh and so? Kailangan galit na galit?! Bakeeet? Ano ba dapat katangian ng isang ka-FUBU? Sorry di ko alam. Kasi kung iimagine ko, basta dapat masarap ganyan. Pero kailangan ba may criteria rin para sa kalooban? Tipong mayumi, matulungin, mapagmahal sa magulang, ma-respeto sa titser, mapagpakumbaba, at hindi nagsisinungaling? Ayy!! Kailangan pa yun kahit FUBU lang?! Sorry di ko talaga alam, I tried to research nga, at wala naman ang ‘honest’ sa list of characteristics sa site na to: http://www.motex.com/fubu.htm . Can you update it? Magdagdag ka ng bullet na HONEST after ng “Individually wrapped and gamma sterilized” . Hahaha…So baka questionable din talaga ang criterion mo na honesty ate, try mo consider kung dapat ba talaga honest. Hehe

    Grabe yung focus ko ang Honesty. Sorry section ko kasi yung nung tirdyir hiskul. Pero anyway, parang ang saya naman ng revenge revenge. Haha hindi ko pa kasi naisip talaga mag-plot ng mga ganyan masyado. Pero parang masaya mag-plan. Kung hindi ka makikinig kay Madma at gusto mo pa rin mag-plot ng revenge, gusto ko ay ma-focus ka sa isang kind of revenge. Yung sa idea na “An eye for an eye, a tooth for a tooth”. Give FUBU a dose of his own medicine. Nagsinungaling siya sa’yo di ba? Aim naten na pantay lang. So magsinungaling ka rin sa kanya. If you need ideas on how to do this exactly, try the following alternative ways:

    1. Set a date with him. Sabihin mo may sasabihin kang importante. Pag magka-date na kayo, tell him that you are preggie. Pakita mo results na may positive. Then sabihin mo hindi ka ready, tas masisira buhay mo. Then sabihin mo samahan ka niya sa abortion place, punta kayo dun. Then CR ka, paglabas mo magdala ka panty na may regla, tsaka mo sabihin na “ay false alarm”.

    2. Text mo siya. Sabihin mo na lahat ng nangyari sa inyo ay pawang panaginip lang at walang katotohanan.

    3. Ask mo siya if he feels well lately. Kung hindi ba siya inuubo, sinisipon or matamlay. Kapag ask niya kung bakit, sabihin mo kasi HIV positive ka, and most likely nahawaan mo siya. Shet mapa-praning yun.

    4. Sadyain mo na masalubong mo siya. Then Kalabitin or batukan mo. After niya magreact, sabihin mo in his face: HINDI AKO YON.

    5. Send a message to him saying: kung sa tingin mo apektado ako sa pagsisinungaling na ginawa mo sa amin ng friend ko, pwes nagkakamali ka, hindi ako galit and I am not affected at all. Hello?! … oh ayan ha, isang malaking kasinungalingan yan =)

    Try mo ha? Galingan mo!

    • *Clap, clap, clap!!! PINATAWA MO SI MADMA! king ina best nung suggestions mo lalo na yung 1 and 4. Lakas maka-gago, which is gaguhan naman talaga ang peg. haha Sana ma-consider ito ni Revenge Fucker. ito ang mga examples na doable revenge. hahaha Ang best mo, IPF. Eni-eni yet may sense pa din. hahaha PANALO!
      At grabe din yung sinagad ko ang EQ ng fans sa pag-delay ng result sa YTMNTM. haha dami na din talagang ngumawngaw na ilabas na! ang best din talagang i-push ang limit ng fans. haha

  6. Wow. Emily Thorne, ikaw ba ‘yan? Haha. Anyway, yeah effort nga ang matinding revenge. Pero siguro kaya naman ang small scale revenge para lang mafeel niyo na nakaganti kayo at may matutunan sana siya.

    What if, makipagkita ang isa sa inyo sa kanya, tapos habang nasa isang public place, susugod ang isa at aawayin kayo. Acting level ‘to kasi kunwari kabit ‘yung isa at ‘yung isa ang tunay na girlfriend. Haha. Pahiyain niyo lang ganyan, tapos saktan niyo na rin. Lol. Then sa bandang dulo, sa kanya kayo parehas magagalit. Then bruise his ego a bit na rin. Isigaw niyo, “Maliit naman t*t* mo eh!” or something like that! HAHAHA! Then after that, mag-MIA na kayo forever. Iwan niyo na siya at no contact na talaga dapat. Hanap na kayo ng ibang FUBU! Marami sa paligid. Pero syempre, ingat-ingat pa rin ha, mahirap na.🙂

    Good luck, Revenge Fucker!😀

    • Lakas maka-Face to face nmg suggestion mo! na-picture ko ang eksena ha. haha Ang saya din talaga makakita ng mga away in public. sana kapag sinunod ito ni Revenge Fucker, sabihan n’ya tayo ng details para makapanood tayo ng live. haha

  7. Dear Revenge Fucker,

    Oo, mali ang pagsisinungaling.

    Oo, masakit kapag ikaw ang tumatanggap nito.

    Hindi madali umasa muli

    mahirap. mahirap

    Iyak. Iyak. (anlalim din ng hugot PUTANGINA)

    Pero teka, mag-ano ba kayo? mag Fubu?? nag DTR ba kayo? (define the relationship) kahit anong relasyon, kelangan maestablish ang boundaries. di mo nga alam last name, so i assume hanggang kama lang talaga kayo.

    so what do you expect? ha?? ano?! ano ba ang gusto mo saken?? involved? hhahaha nagfa flashback yung nakaraan saken teka.

    i know hurt ka sa lie nya, pero you have no hold over him; neither he on you. di kayo exclusive, so wag kang maarte dyan.

    as for your fubu, wala naman sya dapat ipagsinungaling, unless may gusto sya sayo or sa friend mo. omigod. ayaw niyang may masaktan, either you or your friend., posible, pero malabo (pinapagulo ko buhay mo charaught)

    eto advice ko sayo: move on, kung ayaw mo na sakanya. di mo sya puede pagbaguhin or magsorry or whatnot kase di kayo mag-on. wala kayong emotional investment sa isa’t isa bilang fuck buddies kang kayo. parang badminton buddies or shopping buddies. kung saan kayo mag-buddy, hanggang dun lang teh. nadidiligan na nga, aangal pa?

    hanap ng bago. kangkang lang dito, kangkang lang dyan. have fun, maiksi ang buhay para sa mga re: nega-ness

    Mabuhay ka, Revenge Fucker

    Nagmamahal,
    Mad na Mama

    • Ang pasabog naman ng payo mo, Mad na Mama! Love it. Talagang direct to the point ang atake mo ha. Sana mag-reply si Revenge Fucker para masagot ang mga tanong mo. PAGING Revenge Fucker! haha
      Salamat sa pag-share ng thoughts. Panalo ang format ng comment mo ha. Lakas maka-main entry! hahaha❤

  8. aliw din tong issue ni Revenge Fucker.
    friends, fucking the same guy “AWKWARD”
    tweet ko nga to: “that awkward moment when you find out that you and your friend are fucking the same guy”
    at ang best nung “one-for-the-road” gusto ko yang attitude mo Revenge Fucker, very liberated.
    and yes, ang lalaki kahit huling huli mo na, they would still lie straight to your face (wow. ang bitter ko rin naman)

    hmm.. before i suggest any tactic for your revenge, can you give us a brief description of the guy? isama mo yung weaknesses nya ha.
    We should know his weak points and attack him there (lakas maka-Art of War).
    Unlike Madma, gusto kong i-push mo yung revenge na yan.. Don’t wait for Karma, makupad sha at madaming inaasikaso.
    Plus, exciting magplano ng ganyan, it fuels you, lakas maka-adrenaline rush. But, don’t be caught up in this too much that it destroys you or your friend.
    Although, mukha namang matalino kayo ng friend mo. So, kebs na. Gow Push! Call your evil minions Bogart, Bruno at Edgar.
    Goodluck, Revenge Fucker!

    Madam: ppunta ko dapat ng hathie tonight, kaso bagyo ma’am, talk shit din ako eh.

  9. first of all, let’s listen to what confucious would have said.

    “Before you embark on a journey of revenge, dig two graves.”

    And now, ito naman ang suggest ko. Yayain mo makipagsex. pero this time, sabihin mo, gusto mo blindfold siya at nakatali. Tapos, pachupa mo siya sa friend mong bakla. Or kahit hindi mo friend na bakla, more of baklang gutom or basta baklang bet siyang chupain. Then iwan mo na sila.

    After one week, pagawa mo rin iyun kay friend diva mo, yayain itong boylet, then blindfold and bonded, Syempre, mag-aalangan na iyan kasi nagahasa na siya ng bakla,

    Then interrogation kung bakit ayaw niya, hanggang sa umamin na may gumawa sa kanya. Kung pumayag naman siya, e di go, pakain ulit siya doon sa gutom na bakla.

    At kung pumayag ulit si kuya, dahil sa sobrang kalibugan and things are going to his advantage, e gawan na ninyo ng sex video itong second round. Wala pa naman yatang batas against sex video sa lalaki. More on pambabae pa lang yata, or hindi rin ako sure. Option ninyo, kung hanggang saan rururok ang tapang. Revenge naman ang theme mo ngayon e.

    Though ang sa tingin ko naman, e since FUBU naman kayo, e wala naman pala kayong pakialam sa ibang ka FUBU niya, so ang kasalanan lang niya sa iyo ay nagsinungaling siya. So kung gusto naman ninyo ng atake na very very light lang. Magsinungaling din kayo sa kanya.

    Una, ikaw, RF, sabihin mong nagpacheck ka at positive ka sa HIV.tingnan natin kung hindi matakot iyan. Then si Friend Diva mo naman ang magsabi, na Positive din siya. Para i-trace down lang ninyo kung sinu-sino pa ang nakasex niya.

    Ahahahaha. Then kapag nalaman na nang marami na nagkakalat siya ng HIV, e ewan ko na lang kung may makipagsex pa sa kanya.

    Iyun lang, Medyo germ of ideas lang ang mga ito. Pwede pa ninyong i-perfect.

  10. anyway, i’m so sorry ang late ko na lagi magcomment. ano ba yan.😦 sayang lang ang binabayad sa akin sa YTM. (WUW) feeling trabaho na din ha? pero sana nakatutok lagi ang letter sender.

    hi revenge fucker, ang sarap ulit ulitin ng name mo ang lalim ng karakter mo e, pang kontrabida. =)

    ang revenge kasi emotional catharsis yan kaya kailangan mairelease otherwise sasabog ka!! kailangan masatisfy mo yung sarili mo or else hindi ka na naman mapapakali. pero sometimes pag too much harm ang nabigay mo sa offender (si guy na sana nga malaki ang titi ha, tama si madma) e maguiguilty ka, thus para lang syang vicious cycle of retaliation. syempre isipin mo to, gaganti din si kuya sayo kasi gusto nyang makaget even.

    pero unlike madma, naniniwala akong may benefits ang revenge – basta right amount lang – 1) it discourages the guy na gawin ulit ang offense nya so dapat malinaw din ang message ng revenge, punishment talaga sya 2) hindi na kayo magcoconfrontation na aabot sa physical attack sa sobrang galit kasi nga you din revenge na e and 3) kapag alam ng mga tao na revengeful ka hindi ka na nila gagawan ng masama hahaha.

    pero ang suggestion ko ay pano sya hindi magiging too harmful at maiwasan ang cycle.

    1. agree ako dun sa text na may HIV ka/ kakapraning yun. sana na lang matalino sya at magpatest – kesa magpakamatay pero di mo na kargo yan ha
    2. i gow for para successful ang revenge mo – ifuck mo yung bestfriend nya (tutal e liberated ka naman)

    ikaw na lang magjudge kung nakakaguilty ba yan after — basta dapat iweigh mo din talaga.

    • hahaha. Grabe yung kuma-catch up ka talaga, DF! Love it!🙂 Gusto ko yung may benefits ang revenge. Lakas maka-HR nung “benefits.” haha Compensation & Benefits! haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s