YTM’s Next Top Model: Elimination Night (Part 2)

Dear fans and followers,

HUMATOL na ang taumbayan.

NAGKASUBUKAN  na ng husay at galing sa pag-aura.

NAGKAALAMAN na kung sino ang malakas at mahina.

Welcome sa kauna-unahan at very historical na Elimination Night ng sikat na sikat na Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito po ang nakakalokang modeling search sa blogging world! O, ‘di ba, host na host ang dating ko ngayon, aminin n’yo!🙂

Alam kong sabik na sabik na kayong malaman ang matatanggal na modelo sa gabing ito. Kaya hindi ko na papatagalin pa. WOW. Eh kanina pa kasi ‘to dapat.🙂

Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 17 finalists ng YTM’s Next Top Model ang magpapaalam. Nakakalungkot man subalit kailangan nating magtanggal ng 4 finalists tonight. Yes, tama kayo. APAT (4) ang tatangalin natin tonight. Sigurado akong maraming malulungkot kasi napamahal na din ang mga finalists sa ating lahat. Arte?!🙂

Kaya naman, sama-sama tayong magpasalamat at magpaalam kina:

Dax, 25, Paranaque

“Good silhouette. I can feel the serenity in the eyes and face. Ayun din, your competition should learn a thing or two from your body movement. Parang inaaral ko rin kung papasok ito sa top 3.”– Mr. Albert Cruz, CGETV In the Loop, ABS-CBN

______________________________

Kriss, 22, Quezon City

“Mahalin mo ang katawan mo at alamin kung paano ito mau-utilize nang maganda. Nasa pag-aanggulo lang iyan. So kung malaki ang tiyan, huwag mong takpan, either huwag kang huminga for a while. Or shout to the world na malaki ang tiyan ko, and I don’t care. At least, you’re doing something big. Or nahihiya ka man, itodo mo na rin.” – Mr. Albert Cruz, Creative, CGETV In the Loop, ABS-CBN

______________________

Genesis, 21, Quezon City

“I must commend the emotion on your eyes, pak yun Genesis! Alam ko may tinatago kang galing sa pagmomodelo, kaya naman ‘pag nakapasok ka sa Top 13, i-showcase mo na agad ha?”- Ms. J.C. Cantos, Dolled up by J.C. Cantos

______________________

Melvin,  21, Makati City

“Mukha kang charming. Pero nasisilaw ako sa ilaw sa may ulo mo so di ako maka-concentrate. May laban ka sa guys, so dapat stay ito. Pasado for me.” – Mr. Rogelio Estacio Jr., Adbokasya

_______________________

Hindi po ginamit ng ating mga judges ang kanilang SAVE POWER kaya silang apat ay tuluyan nang magpapaalam.😦

MARAMING salamat sa inyong pagsali at pagiging bahagi ng makasaysayang YTMNTM. Huwag kayong malulungkot dahil hindi pa dito nagtatapos ang buhay. WOW.🙂

Hangad namin ang inyong tagumpay sa anumang landas na inyong tatahakin.

Mahal namin kayo. Mahal kayo ni Madma😉

_________________________

Sa puntong ito, nais ko ding ipakilala ang tatlong nangungunang finalists sa round na ito. Sila ang tatlong naging pinaka-makinang among the 17 finalists! Shout ouch naman sa members ng “Powerful 3!” CONGRATULATIONS!!!

Let’s give it up for (in order):

Coco, 24, Quezon City

________________________

Nessa, 24, Paranaque

______________________

Angelica, 24, Laguna 

_____________________

And of course, palakpakan din natin ang lima pang pasok sa Top 13! Sila ang kukumpleto sa ating pasabog at nakakalokang Top 13 na maglalaban-laban sa Friday!

Congratulations kina (in no particular order):

Flip, 27, Mandaluyong

___________________________

Keempee, 20, Tarlac

________________________________

Jeff,22, Malabon

_______________________________

Paris, 24, Quezon City

________________________________

Jetti, 28, Quezon City

____________________________

And there you have it fans! Sila ang bumubuo ng ating pasabog na Top 13!!! Each of them is still in the running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model!!! Woooh!😉

Sa Friday (July 6) ang formal presentation ng Top 13! Ang theme sa Friday ay HEAD SHOT. Kailangang focus sa face at its best angle! Send your entry to yourstrulymadma@yahoo.com. Deadline is tomorrow (July 5).

Isang malugod na pagbati sa ating Top 13!🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Marami pang nakaabang na pasabog sa YTMNTM! Nagsisimula pa lang tayo! Abangan ang pasabog nating Celebrity Judge sa Friday! Maloloka kayo!🙂

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

P.P.S. Malugod kong binabati si Ms. J.C. Cantos ng isang Maligayang Kaarawan! Sa July 6 ang birthday n’ya mga fans! Batiin natin si Ma’am as early as now. Aga din ha!😉 Advance Happy Birthday, JC. We love you.❤

Si Ms. J.C. Cantos ang personal make-up artist ni Mr. Richard Gutierrez. Kung gusto n’yong gumanda, kontakin n’yo na s’ya!

Get to know Dolled up by J.C.Cantos by clicking this video.

http://www.youtube.com/watch?v=RFtRldm40W8&feature=youtube_gdata_player

28 thoughts on “YTM’s Next Top Model: Elimination Night (Part 2)

  1. Nasad naman ako for Melvin, mamimiss ko siya, ahihihi.

    Congrats sa top13, sana next time hindi ganun katagal wait for the results, nagreklamo pa rin talaga, haha

  2. OMG sila ang natanggal?! wow na-surprise din ah. ang sad talaga ng tanggalan. Parang naging close na rin kasi kami sa lahat ng contestants Madma.

    Sa mga natira, grabeee galingan naman! pasabog headshot pics…exciting!!!😀

  3. Naimagine ko talaga yung parang montage pag natatanggal ang mga contestants. haha! I hope you continue your dreams and keep on pursuing your modelling career. Wuw. Career niyo na talaga ito ano.

    Pagandahan na ng bone structure at smize sa Friday! Exciting, i must say.🙂

  4. it must have been very difficult for the judges to choose which 4 aspirants need to be eliminated — ay wait, madali lang pala ang desisyon sa kaso ni Kriss.

    Nasasayangan ako kay Dax kasi parang wala ng magre-represent sa plus-sized models. :’)

    But of course, happing-happy ako (at kaming supporters nya) para kay Keempee! Mabuhay ang half-Tarlac, half-Kenya, 100% Tarlakenya! Sya lang ang katangi-tanging hindi taga-NCR sa mga nalalabing contestants so i’m sure inspirasyon sya sa lahat ng mga probinsyano out there!

    All the best, Keempee, wag ka sanang magbabago anuman ang marating mo.

    Madma, madma-ming salamat sa iyo, at sa Adbokasya at kay JC Cantos at sa CGE-TV! Keep it up.

    • Jeff! Kairita yung “half-Tarlac, half-Kenya!” Natatawa pa din ako until now. Go, Keempee. Ang lakas din ni Ma’am sa YTMNTM. Sana pasabog ang head shot entry n’ya. Sayang nga si Dax. Mahinang klase eh. wahaha Salamat sa suporta, Jeff. Todo din ang support mo kay Keempee ha. Bukas mahigpit ang labanan. Halos puro best ang head shot entries. haha

  5. This gets more and more exciting!🙂
    I really do look forward to the next set of pictures.

    Shout out to Jill! Pasabog ang parating alam ko.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s