Spider Man + Madma = Spider Madma

Dear fans and followers,

Kamusta na kayo? Ang ulan din talaga lately.  Nakakatamad pumasok at ang sarap tumengga habang may kayakap. ARTE?! Mag-ingat kayo kung nasaan man kayo. Nawa’y datnan kayo ng blog entry kong ito sa maayos na kalagayan. Ang taray nung “datnan.” parang regla lang.🙂

Anyway, gusto ko lang mag-share sa inyo as a person. Kakapanood ko lang kasi ng “The Amazing Spider Man.” And I must say, SUPER GANDAAAA n’ya!!! Pota! Naloka ako sa dami ng mga pasabog! Ito ang superhero film na punung-puno ng puso. As in! Ang dami kong beses na muntik na maluha. Hiyang-hiya ang “Maalaala Mo Kaya” sa dami ng mga drama moments na super effective talaga! Bilang Queen of Horror, bihira lang ako manood ng mga films na hindi horror/suspense/thriller sa big screen. kaya natuwa talaga ako kasi ang ganda ng Spider Man! Psst…psst…psst.. ayan sinaputan ko na kayo, guys! Huwag na kayong gumalaw!🙂

Masasabing sulit na sulit ang P200 na binayad ko sa sinehan kasi ang dami kong naramdamang emotions while watching the film. Pinaiyak n’ya ako, pinatawa, tinakot, pinakaba at higit sa lahat pinakilig! OMG!!! This is crazy! Give me that mic!!! Lakas maka-J.Lo  ang pota.😉 Ngayon na lang ata ako kinilig ulit after so long, which is good kasi at least alam kong capable pa din akong kiligin. Kala ko kasi halaman na ako.🙂 Super sulit talaga ang panonood ko kasi biruin n’yo, naramdam ko ang napakaraming emotions kahit hindi naman kailangan at hindi hinihingi ng pagkakataon?! Umupo lang ako tapos binaliw n’ya na ako! Best talaga. Eh kung pinang-kain ko lang yung P200, for sure isa lang ang mararamdaman ko which is busog.

Ang pogi ni Andrew Garfield! Siya ang Garfield na hindi nakakaantok. Ang hot ni Kuya. Gising na gising ang diwa ko sa kanya the entire film. Sayang nga lang at hindi siya nagpakita ng tite. WOW!!!😉 Kung siya ang magiging boyfriend ko, hindi na ako magbo-blog at hindi na ako lalabas ng bahay ever! Iintayin ko na lang siya lagi sa kwarto namin. Wow. Ang landi din ha.😉 Ang effective ng chemistry nila ng real-life girlfriend n’ya na si Emma Stone na kamukha ni K Brosas. Aminin n’yo, papasa si K Brosas as Emma Stone. Ang swerte ni Ate Emma at nakuha n’ya si Andrew. Very effective ang love team nila. Kinabog ang Jolina-Marvin at Judy Ann-Wowie love team.🙂

Sa sobrang ganda ng Spider Man, nalilito na tuloy ako ngayon kung sino ba ang favorite superhero ko. Dati kasi, kapag tinanong ako ng favorite superhero ko, si Darna agad ang sagot. Or minsan, si Storm ng X-Men. Depende sa panahon kung kailan ako tinatanong. Pero ngayon, parang lumalaban na din si Spider Man sa puso ko ha. Masasabi!😉

Sana magkaroon ng local version ang Spider Man! At syempre, ang gusto kong gumanap ay si Ms. Vina Morales para ang title is “GagamVina!” Ay, pasabog ‘to for sure! Box-office hit ito! O kaya naman, kung busy si Ms. Vina sa kakainom ng Enerva, pwede ding isang ordinaryong Nanay na lang ang gumanap para ang title ay “Spider Mom.” Or pwede ding isang normal teacher bilang “Spider Ma’am.” Pero parang mas bet ko kung isang monghe sa monastery ang gaganap na bida para ang title ay “Spider Monk.” Ang dami din palang pwedeng gumanap na bida sa role ha. Kabahan ka na, Andrew! Pero, I suggest mag-declare na lang si PNoy ng isang particular month to celebrate the spiders na tatawaging “Spider Month.” Ang saya paglaruan ng title! Naenjoy ko, ‘nyeta.🙂

Gustong-gusto ko yung overall message ng film na ang isang superhero ay tao din. May kahinaan, may kakayahang magmahal, nadadapa, nasasaktan at lumaban na parang isang ordinaryong tao din gaya natin. And that makes the film AMAZING! Kaya huwag n’yong isipin na iba si Madma sa inyo. Tao din s’ya. Nasasaktan, nagkakamali at lumalaban. WOW. Nai-connect din ha!🙂

And lastly, gustong-gusto ko yung sinabi ni Aunt May kay Spider Man sa last part ng film: “You owe the world your gifts. You just need to know how to use them.” Napakagandang quote! Kaya naman, heto ako ngayon, nagbo-blog at shine-share sa buong mundo ang aking talento. Arte!🙂

Overall, ang grade ko sa “The Amazing Spider Man” using my very own Divanometer ay 5/5. Kung may thermometer na panukat ng lagnat at may sphygmomanometer na panukat ng blood pressure, si Madma ay may Divanometer na sukatan ng pagkatao. WOW! TAAS!🙂 Ang saya din pala magbigay ng reviews paminsan-minsan. Nakaka-talino! Next time, magpo-post ulit ako ng mga reviews ko sa YTM for more lang. Grabe ang dami kong gustong gawin sa blog na ito. Nakakaloka.😉

Treat yourself. Panoorin n’yo na ang Spider Man with your friends and family just in case hindi n’yo pa napapanood.😉

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.celebuzz.com/2012-06-28/the-amazing-spider-man-superfan-creates-25-minute-movie-trailer-video/)

P.S. Shout ouch naman sa The UP Repertory Company na kasama kong nanood ng “The Amazing Spider Man” last weekend. Grabe, last weekend ko pa pala napanood! Kung maka-review naman akala mo kanina lang. One week na kasi akong binabagabag ng konsensya kong magbigay ng review sa Spider Man. Ni-release ko lang once and for all. Emotional masturbation lang.🙂

Bukas na ang HEAD SHOT round ng Top 13 Finalists sa YTM’s Next Top Model! ABANGAN n’yo ‘to! Maloloka kayo sa mga entries!🙂

18 thoughts on “Spider Man + Madma = Spider Madma

  1. Bilang fan din ni Spiderman, nagdoubt pa ako dati sa kakayahan ni Andrew Garfield as the new Spidey. Kinalakihan ko rin kasi ang Spiderman ni Tobey Maguire. Pero alam ko namang isang magaling na aktor si Andrew Garfield bilang ang galing galing niya sa The Social Network. Hindi niya ako dinissappoint.

    Mas gusto ko tong bagong Spiderman kesa dati. Keber sa ibang reviews. I love this. Hahahaha. Mas naging “real” si Spiderman kahit papano. Bet ko yung paggawa niya ng Web Spewer kasi dun sa dating Spiderman, butas lang yung wrist. HAHAHA.

    • Magaling si Andrew as an actor. Final na ito. Iba din ang atake n’ya sa role! Malalim din. Hindi ko nabasa ang ibang reviews about the film eh. May mga nega ba?! Grabe yung may nega pa din? Ang ganda kasi ng version na ito ng Spider Man.🙂

  2. ang hot nga nya madma!!! sya lang yung reason kung baket ko sya papanoorin!! teh, busog na busog din pag nakita ko sya sa screen.

    magaling kaya sya mag “spew ng web”?

    haha

    charaught.

    landi din

    tigang.

  3. Tengene, tawa ako ng tawa sa GagamVina. Nyahaha.😀
    Sharing lang no, di kasi ako sobrang fan ng mga superhero movies, kaya naman hindi talaga ako pumipila sa mga sinehan pag mga ganyan.
    Pero dahil maraming ngasngas na maganda nga, at dahil highly recommended mo Madma, panonoorin ko siya sa weekend.🙂

  4. Anlakas nga at ang Wagas ng Kilig sa movie na ito. At ang ganda ng hubog ng pwet ni Andrew Garfield, ambest!!!

    Napansin ko lang na everytime magsasalita si Andrew Garfield may hesitation sya na parang finofocus nya na dapat American accent at hindi British accent lumabas sa bibig nya, observation ko lang, haha, pero galing nya talaga as an actor, pati si Emma, best yung smirk sa dulo ng movie

  5. Amazing talaga itong Spiderman na ito. Si Batman talaga ang favorite superhero ko pero this one made Spiderman so human, so relatable. Napaluha ako sa part na nag-uwi sya ng eggs sa aunt nya. Awww.

    Nawindang ako sa GagamVina! Bwahaha!

    By the way, I found out about this blog via Cayin. Kakaaliw! I’ll be following you on Twitter na rin.😀

    • Hello, Lornadahl. Welcome naman sa YTM. Talagang may referral si Cayin ha. Love it!❤ Maganda talaga ang Spider Man. Pasabog! Gusto ko nga ulit panoorin eh. Ang pogi ni Andrew, pota! hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s