The Top 13 Finalists of YTM’s Next Top Model

Dear fans and followers,

4 na ang natanggal…

13 na lang ang natira…

Sa labanan ng HEAD SHOT, sino kaya ang bibida?

Welcome muli sa Yours truly, Madma’s Next Top Model!!! Ito ang kauna-unahan at nakakalokang modelling search sa blogging world hatid sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos. 13 models na lang ang natitira na maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. Last Wednesday, nagpaalam na tayo kina Dax, Genesis, Kriss and Melvin. Sila ang unang apat na natanggal sa ating mga models. Sana naman ay nasa maayos silang kalagayan sa mga panahong ito. Salamat muli sa inyong paglahok.😉

Panibagong challenge na naman ang kakaharapin ng ating Top 13 finalists today. Susubukan natin ang kanilang galing sa pagmo-model with their best head shot photo. Ang focus dapat ay face at its best angle. Dito na na magkakaalaman kung sino ba sa ating mga remaining finalists ang pasabog when it comes to face projection. Exciting talaga today kasi makikita natin ang mga finalists nang malapitan!😉

Tatlo ulit ang magiging hurado para sa round na ito. Ito ay sina Mr. Rogelio Estacio Jr., ang General Manager ng Adbokasya, Ms. J.C. Cantos ng Dolled up by J.C. Cantos at ang ating celebrity judge for this week na si Ms. Shaira Luna. Shout ouch naman sa ating bonggang celebrity judge!

Ms. Luna is one of the most sought after photographers in the Philippines. She has shot covers and editorial for different magazines, events and concerts. Specialty niya ang portraits, beauty shots and fashion editorials. She has also shot some of the country’s top models including Supermodel Ria Bolivar.

Click this link to see some of her works: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.414654520919.190473.573935919&type=3

OK LANG BA na judge si Ms. Shaira Luna?! Aminin n’yo, ang taas na ng YTMNTM!!! Kaloka!!! Maraming salamat, Shaira. Grabe din talaga yung pumayag ka na mag-judge dito. Madma loves you!🙂 Excited na kame sa magiging comments mo for our contestants.🙂

And of course, KASALI ang lahat ng fans and followers ni Madma sa YTMNTM dahil ang boto n’yo ang mangingibabaw! Kayo pa din ang powerful sa contest na ito. KAYO ANG BATAS! Sa kamay n’yo pa din nakasalalay kung sino ang hihiranging Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. The ratio of judging is divided into: Panel Judges (30%) and Fan Votes (70%) O, ‘di ba?! Ang fans pa din talaga ang bida!

Lahat ng fans ay pwedeng bumoto ISANG BESES kada araw! Tuluy-tuloy lang ang suporta sa favorite finalist n’yo everyday. Ang cut-off ng voting for this round ay sa July 10 (Tuesday) at 11:00 p.m.. Tapos sa July 11 (Wednesday) ang ating ikalawang Elimination Day! Tatlo (3) ang ating tatangalin sa Wednesday! Medyo madami din kaya itodo ang pagboto!

Waging-wagi din sa prizes ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM dahil siya ang magiging featured model ng Adbokasya for the month of September. Syempre, may bonggang solo pictorial shoot siya kasama ang buong YTMNTM team: photography by Mr. Zabra Yu Siwa, Hair and Make-up by Ms. J.C. Cantos. Magkakaroon din siya ng free personalized t-shirt from Adbokasya, design of his/her own.Makakatanggap din siya ng free Hair and Make-up service from Ms. J.C. Cantos valid within this year. At syempre, ang Ultimate Grand Winner ng YTMNTM ay bibida sa video blog ni Madma sa buwan ng September! Aktingan with Madma ang peg nito kaya pasabog!

So huwag na nating patagalin! Kilalanin na natin ang Top 13 Finalists ng YTM’s Next Top Model!

____________________________

Jeff,22, Malabon

_______________________________

Jill, 27, Pasig

_________________________

Kayle, 22, Quezon City

__________________________

Jetti, 28, Quezon City

__________________________

Coco, 24, Quezon City

_______________________

Kti, 27, Mandaluyong

________________________

Keempee, 20, Tarlac

___________________________

Rog, 27, Caloocan

__________________________

Flip, 27, Mandaluyong

____________________________

Nessa, 24, Paranaque

_____________________________

Paris, 24, Quezon City

_________________________

Angelica, 24, Laguna

_______________________________

Allen, 22, Valenzuela

______________________________

At sila na nga ang ating Top 13 Finalists!!! Ang bongga!!! Iboto na ang favorite finalists n’yo para makapasok sila sa Top 10!

Good luck to all the finalists.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya, (Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez. Maging member na din kayo ng FB Fan page nila! Dali!!!

Again, ako ang 2nd Model ng Adbokasya which was featured last December 2011. Check n’yo yung FB page nila para makita ang aking pasabog photos! I love Adbokasya! ;) So Create your own Statement now and Wear your Advocacy! Pa-print na kayo ng t-shirt sa kanila.

Si Ms. J.C. Cantos naman ay ang personal make-up artist ng sikat na sikat na si Mr. Richard Gutierrez. Make-up artist din siya ng iba pang celebrity sa GMA 7!  So kung gusto n’yo ding gumanda kasi nga medyo chaka na kayo, tawagin n’yo lang siya.😉 HAPPY BIRHTDAY, Ms. J.C. Cantos. Batiin natin siya, guys. Birthday n’ya today. DALI!😉

P.P.S. Calling all UP Students!!! Inaanyayahan ko kayong sumali sa The UP Repertory Company. Ito lang ang tanging org ko sa UP kaya mahal na mahal ko ang UP Rep. Maging pasabog kagaya ni Madma! Sumali na kayo at umattend ng Applicant’s Orientation bukas (July 7) sa Bahay ng Alumni. Kung gusto n’yo matuto sa larangan ng teatro at sumikat eventually, magpa-Rep na kayo! Sali na para maging mag-orgmate tayo!😉

Bukas na din ang pasabog concert ng Ryan Cayabyab Singers, 7:00 p.m. sa Music Museum. Manood tayo kasi magagaling ang RCS! Suportahan natin ang kauna-unahan nilang major concert! TARA, atak na! Good luck sa perfromance mo, Mr. Erwin Lacsa! This is it!😉

Special thanks to Mr. Robby Benson Torres, ang aking photographer for my head shot photo sa taas. Ang best mo, B! Aminin n’yo, ang pasabog ni Madma sa photo na ‘yan. For sure mananalo ako sa round na ito kung kasali lang ako sa YTMNTM. WOW. Grabe yung sasali sa sariling pa-contest! Thanks, B!❤

Salamat din kay Mr. Efren Domingo sa pagre-require ng students mo na magbasa at bumisita sa YTM. Grabe yung “ni-require” mo talaga sila. LOVE IT! Parang cultural spot na ‘tong blog ko ha. Dinadayo na. Thanks, Jenjen.❤

(Si Madma ay nakikiisa din sa panawagan na magkaroon ng hustisya para kay Willem Geertman, executive director of Alay Bayan Inc. (ABI). He was shot and killed  by unknown men in front of his office in Sto. Domingo, Angeles City Pampanga last July 3. Nawa’y mahuli na ang mga salarin sa krimeng ito! Nakakaloka!)

214 thoughts on “The Top 13 Finalists of YTM’s Next Top Model

  1. ui ako rin tiningnan ko yung hugis ng mukha, laban ng mukha, mukha at its best, symmetry, nose na may tangos, hair na properly styled, di ko makita masyado mukha ni Allen eh because of make up, saka si paris, nakatingala kase,, di ko makita yung best asset nila though when it comes to photo, bomba silang dalawa pero yun nga, AURA to, pakita mo ganda mong natural.

    Kuracha

  2. Let’s just enjoy this guys.🙂

    If we are going to quantify each facet specifically, IMHO, it just makes this a typical objective competition. Every aspect will be numbered and contained.

    I believe Madma allows the contestants to have their own way on things. To get creative. It doesn’t matter if you’re using a dslr, went to a professional studio with lights, or just used a camera phone. I guess the individuality of each contestant and the effort behind each entry is what truly matters.

    If we are going to be too rigid, yes, it makes things more professional and competitive, but I guess in an artist’s perspective, a bit of his or her freedom of expression dies.

    Headshots are headshots. We did our poses, our best angles, wore make up, did retouched, took a shot and uploaded it. And that’s it. I believe the other contestants enjoyed what they did.

    And I suppose that’s the intention of this site. Just for fun with a little prize in the end.

    Just my 2 cents worth of thoughts. Cheers!

    • I agree with you Nessa at some point ha. =) may puntos ka saken. haha. Yung pinopoint out lang siguro ni anonymous is kase pinaglalabanan din dito is serious advocacy. So parang nagets ko yung tanong nya na, nalilito sya na kung anung susundin, kase nga may tema, at kung anung parameters ng tema. Di ko sure kung tama yung pagkagets ko after reading anonymous. Kase nga naman online to eh, di naman to yung reality show na magkakasama tayo as contestant. so walang solusyon na magkita kita for a certain photoshoot. Basta ang tingin ko dito is kung anung pagkaintindi ko sa headshot, yun ang ipapasa ko haha.. sorry sa grad pic ko, eh anu kase pagkaintindi ko din is titingnan naman yung mukha at its best angle. Hahaha basta…

      But you have a point there Nessa, medyo ganun din pagkaintindi ko rito.. =)

      Nice pic of you. Goodluck sayo sa career mo at maganda pala tong my gantong interaksyon ano…. nakakagana ng neurons dis oras ng gabi haha

      Smile everyone. We are still on track

      Chill and wait for Madma na lang

      Yun naman ang akin

      -coco

    • Word!!!
      A big Amen to just enjoy the competition.
      Too much scrutiny on whatever criteria takes the fun out of it.

      Just play along guys, gets ko yung passion at competitiveness hung mga contestants and fans, pero please don’t take criticisms as personal attacks and again, don’t take the fun out of this pacontest.

      Kthanksbye, ahí

  3. Hello there!

    Adbokasya is a clothing brand with multiple advocacies. If one of us gets chosen, we aren’t oblige to have the same advocacy as the one’s we are endorsing- though it will be better if it coincides.

    Perhaps our learning point here is, for the next competition, we should set more specific parameters without caging the model’s artistic nature.

    Anyway, personally, I am here to have fun. It’s a huge plus if I get to win. I’d be asking for an advocacy related to my current interests ie, passing of RH bill, non- religions government, LGBT rights, prevention of violence for women, anti-bullying act, etc.

    Mas may dating if you have the same stand as your shirt’s statement. but that is not our concern for now. Saka na yun.

    NgAyon ang goal ay magsaya, manatili sa roster, at patuloy na paunlakan ang YTM. O ha.

    Wala Lang.🙂

  4. =)

    Etong Conclusion ko after reading all the comments made in this thread. (Binasa at inanalyze ko talaga) Well its a good thing na nabrought up na rin to, at least may avenue to discuss things which I think healthy.

    For the contestants, kung anung pagkaintindi nyo sa HEADSHOT, go lang, yun ang isubmit nyo. bahala na kayong dumefine. basta headshot na literal ha. Anuman yan, basta tingin mo headshot at your best yun ipasa mo.

    For the followers, kung anung pagkaintindi mo sa headshot, eh di yun ang iboto nyo. Anumang definition mo ng headshot, kung sinong sa tingin mong ang humeadshot, e di go ka.

    For the judges, kung anung pagkaintindi mo rin sa binigay ng models, at kung anung pamantayan at hinahanap mo sa headshot, eh di yun ang bigyang diin,

    For Madma, ang legend ng blog mo.

    In short, anumang role mo sa pacontest na to, ikaw na ang dumefine ng parameters mo basta headshot ito.

    -Coco

  5. Have you guys seen ANTM? Every shoot, simasabi kung anong theme, tapos bahala na yung models kung paano nila papaganahin yung theme to their advantage. Naghain ba si Tyra ng criteria for judging? Never, because that’s so Baranggay Fiesta Amateur Singing Contest level. There are no rules in modelling and that holds true for this contest. Everything can be really subjective. That is why may mga judges who i think are very credible naman in their respective fields at hindi kung sinu-sinong chararat bumba lang. Ang sa akin lang, hope you can respect the judges’ comments and take each as a way to improve for the next challenge. The judges are here to provide unbiased insights for each photo. Kung wala sila, eh di popularity contest na lang pala ‘to na parang American Idol. Di pa rin over kay Jessica??? Hahaha!

    Chill lang guys. Based sa mga posts, comments at feel ng blog na ito ni Madma, ginawa  ang contest na ito FOR FUN. Yun yung core idea, let’s not swerve from thatyyyy. If you can’t take the heat, get out of the kitchen.

    “That’s all.” -Miranda Priestly

  6. Hmmmm. Yeah probably right pero nga po kase, hindi naman nabanggit at nalinaw na ANTM nga ang susunding format. Kase nga may differences din sila. Online kase to sila actual. So ang punto siguro ni anonymous is linawin ang format.

    Kung ANTM ang susundin eh di yun. sabihin lang. kung may criteria namang hinahanap eh di yun. Ipaliwanag lang kase bawat isa ay iba’t iba ang pagkakaintindi.

    =)

    Puro kase assumption so mas mabuting marinig mula kay madma ang tamang format neto.

    I’ve nothing to say against the comments ng judges,. kase kahit ako bilib. hindi po un ang issue.ang issue po is yung format.

  7. Grabe ang pasabog ng contest na to ples! Di ko kinekeri! haha! Ano kaya ang take ni madma here?? hayst.. hahaha.. napa-comment na rin talaga ko.. hahahahaha..

    Hi kay tf judge @jayrestacio! I agree with your comments! Enjoy na lang natin to guys ples! no to negativities! love love love!

  8. Jeff,22, Malabon the background makes the picture look amateur, but your eyes are saying otherwise. However, you kinda relied on your eyes. Remember, your fae have other muscles that you have to utilize. And that would intensify this picture further. Very indie actor na nag-uumpisa ang level nito.

    Jill, 27, Pasig hindi interesting ang noo mo at balikat para tumigil ako ditto at butbutin ang mga bagay na nasa ilalim ng ilaw if ever I see this in the pages of a magazine. Pero once I made butbot na, I can see the smize. And that is good.I can also see your signature teeth, which you should learn to emphasize and use (and not use kapag humahada. Ahahaha! Ibalik lang ang bastos)

    Kayle, 22, Quezon City Sige na, pwede ka nang gwapo. Nung sinabing Headhot, parang naisip mo agad ang profile pic mo sa friendster. Na alam kong laos na, and that’s the point. Medyo laos ito for me. Papasa ka nang kamukha ni Alfred Reyes na may pakulo ng Rexona Confidence Project. Makaplug lang din ako no. Pero iyun, ang eyebags. Kung may pa-amateur-an, natalo mo si Jeff.

    Jetti, 28, Quezon City, Magiging mabait ba ako sa iyo ngayon? Well, ill buy the kwintas. You can sell. And I would like the wall as well. And the lipstick. And the make up. Pero may kulang e. Medyo kulang sa energy. Parang fifty-fifty lang yung buhay ng mata. Parang iniisip mo kung paanong atake ang gagawin mo sa headshot, and it showed. Next time, just do it. Sa production design ng shoot mo, siguro naman ay makakaloko ka at papasok sa top ten.

    Coco, 24, Quezon City. You need a lot of friends para makapasok with this shot. Saan ka graduate? Grad pic ba ito? Though kun gyung kanina ay para sa Friendster, ito, very pang linked in. May profile pic bas a linked in? I don’t know, pero very much sa pang naghahanap ng trabaho. But I think I will hire you. Mukha kang matalino sa picture. Kaunting gwapo pa, pwede ka nang ad ng eskinol masters.

    Kti, 27, Mandaluyong I would say that this is the ultimate smize. Magkaiba itsura ng mga mata niya, pero parehong nakangiti, in each’s own specific, particular unique way. Pero sa mata lang iyun. Hindi ito ang perfect smize dahil nakangiti ang iyong mga lips. Practice mo na mata lang ang ginagamit, at iwan mo ang mga lips mo into fierceness. Niweis, I love your skin and how it blends with the light. Anlakas makayaman at makalinis ng pagkatao. And finally, leeg. Lengthen your leeg.

    Keempee, 20, Tarlac. Ang laki ng improvement. Remember na sinabi kong bakla and that’s it noong first kasi yun lang ang binigay mo but I know that you can give more. And I am very much correct. This is androgeny. Lalaki ba ito? Babae? Bakla? Tomboy? Nakakalito pero mahalaga ang ganitong kakayanan sa modeling. Next time, sama ka kay Jetti para mas maayos naman ang photo mo. Very pang Multiply lang kasi prod design nito.

    Rog, 27, Caloocan. Relying on suso? Sige na, malaki na ang bubelyas mo. Pero this is just a happy shot. Sana ma-save ka ng photo mo last week. Sana enough ang fan base mo for you to stay in the competition.

    Flip, 27, Mandaluyong. Gwapo pa rin. Hindi ito naka smize, but this works in a different way. Parang malungkot kasi ang mata, pero ang mga lips niya are showing ngiti. Maganda yung may ganitong kwento. It’s as if you have something that you want to tell us, but pero may pumipigil sa iyo. Or gusto mo kaming awayin. Though malapit na itong bumorder sa naghahanap ng CR. This is good.

    Nessa, 24, Paranaque. Naa-apprciate kong gusting-gusto mo ang event na ito. Parang wala kang ibang ginagawa but this contest. And that is good. Passion.

    Paris, 24, Quezon City. This is so Whitney. Niweis. First thing in mind when I saw this. It reminds me of a kotseng nataihan ng bird. And of Flor Contemplacion Movie. But other than that. Unlike Nessa whos passion is showing in her every photo, or both entries for that matter, Paris seems to be a natural. Effortless. And that is good.

    Angelica, 24, Laguna. Androgenous as well. Pero hindi ka dapat ngumiti. The smile made this photo weak. Diana Zubiri.

    Allen, 22, Valenzuela. Hindi nakatulong yung eyeliner. Yung mata mo dapat ang madshine at hindi yung pumapalibot ditto. And you can achieve that by taking your intension from within. Your beauty should be from the inside radiating papalabas, hindi yung maglalagay ka ng kung anu-ano na akala mo naman e maganda.

    Iyun naman. My top would be
    Jill
    Keempee
    Kti
    Jeff

    And on the bottom are
    Allen
    Rog
    Kayle
    Angelica

    Those are not in particular order. Hindi ko naman trabaho ngayon na i-rate sila dahil wala akong voting power as a judges. Normal voter lang ako sa poll.

    And again congratulations Madma sa iyong pasabog na lingo. Talaga naming level up ang mga photos na dumating. May bulag factor, na parang ang best talaga ng batch sa unang tingin, pero iyun, kailngang butbutin.

    Enjoy lang natin ang competition na ito. Huwag nating dalhin sa barangay level ka-cheap-an. Magtiwala lang tayo kay Madman a magiging masaya ang lahat in the end.

      • ay nagulat naman ako sa consultation.

        Pero sige. Masyadong effort kasi ang nararamdaman ko sa iyo. Kaya ang lumalabas e ang hard ng atake ng mga photos. try mo maging soft. Explore your femininity para magkaroon ka ng variety.

        Kung baga sa dance step ay nauuna ka sa beat sa sobrang energy. Kailangan mong i-manage iyan. Kumbaga sa singing, e hindi porke mataas ang boses mo e aabutin mo na ang lahat. Ito yung tinatawag na control.

        Yun ang jeyword sa iyo. You have it, but you have to control it.

        Iyun, sana nakatulong ito. Haha. Smile smile.

    • Urbandud & Madma,

      Thank you for your inputs. I’ve always been in control but I guess I’m controlling it far too much. Should I be part of the next batch of finalists, I will definitely show my feminine side – similar to what Rogelio Estacio of Adbokasya commented.

      Thank you for the feedback. I’d work on this.🙂

  9. Indeed, a very nice comment from u. =)
    Yup guys chill lang tayo.
    =) and p. s to answer your question sir, coco’s graduate of UP 2009. =)
    (ako talaga nagreveal)

    _Ruffa_

    • ruffa umayos ka. hahaha. ui thanks dito kung sino man gumawa nung fans club… or ikaw to ruff. =) salamat po… pasensya naman sa grad pic… opo.. totoo po to.. grad pic to.. =) and I am happy and confident with this.. =) Salamat po sa constructive comments be it nice, bad or good. Appreciate you stopping by

  10. Vote for Kayle, Flip, and Jeff.
    They deserve so very much to stay, please?

    I like Rog very much too.

    Let’s vote wisely naman. Pano na lang sa eleksyon talaga?

    • I think everyone’s voting for their bets and they have their own reason for voting. So kanya kanyang opinyon po to… =) You have your bet and we have ours. =) so let’s keep it cool. we are voting wisely the last time I checked. peaceout =) japan japan.

  11. well respected opinion AnonyMOUSE… gogogo pa rin coco. =).
    Let’s just support each model and bring out the best in them.
    You are unique Coco, everyone on the poll is unique and they have their own ways and angles to deliver.
    goodluck to everyone
    =)

    -GOD

  12. Hello, Madmacartans! THANK YOU naman kay Marvin and Robby Benson Torres sa pag-invite sakin bilang judge this week. I’m super honored na makabilang sa historic contest na ito! I hope all the contestants had fun preparing their entries. Sana na-entertain din ng husto ang new and old readers alike. Para more energy, mas happy!

    Gaya nga ng sinabi ni Madma, i-enjoy lang natin ‘to. Ang FUN kaya! Ilan na din ang na-judge kong contest at nakabilang sa mga thesis/portfolio panel, pero I think ito ang pinaka-exciting at unique sa lahat! I’m not a tough judge, so di naman kelangan kumapit ng todo. Hahaha.

    Here are my comments:

    Jeff – Jeff, pwede kang member ng Taiwanese boy band! I would crop this photo differently (just so it won’t look like a profile pic thumbnail), but the light, contrast, and colors are nice. Madalas ako mag-shoot ng portraits na pang oil painting, at ito yung lighting na gustong-gusto ng mga client kong artist. Pa-paint ka!

    Jill – This photo (and the styling) reminds me of the Mona Lisa. If you were going for a beauty shot, better kung may reflective surface by your waist para mabawasan yung shadow sa ilalim ng mata. Pero since mysterious ata ang peg, go lang. Naayos lang sana yung hair ng konti ☺

    Kayle – Ok naman yung cross-processed film effect and pouty lips (you have really nice lips, no joke!), pero medyo nadidistract lang ako sa upper left side ng photo. Part ba ng ponytail yun? And if so, whose? Pakilala mo naman kami ☺

    Jetti – Exotic! Long neck! Points for the expression, clean makeup, and the attempt na gumawa ng beauty shot. Kung tutuusin, ganito din naman ang itsura at basic setup ng standard beauty photo kapag hindi pa fina-flash ang mga studio lights.

    Coco – Is this from or for your yearbook? Malinis ang pagkaka-airbrush ni kuya studio artist! (Unless you’re wearing Studio Fix? LOL) Nevertheless, I like your peaceful and pleasant expression. Yung tipong hindi kakayanin ng kunsiyensya namin kung ma-eliminate ka! Good strategy.

    Kti – Sports Illustrated meets Sunset Tan! Nakakalokang litaw pa din ang rosy cheeks despite the bronzing. I really like the hair and the angle, too. If you promise to use sunscreen, pwede mong i-karir ang pag-momodel sa beach! Mandaluyong represent!

    Keempee, 20, Tarlac I’m stopping myself from saving this photo and opening it in Photoshop. As in gusto kong tanggalin yung framed fire escape plan na nakasabit sa pintuan. Sayang kasi, maganda na yung angle and cropping!

    Rog – Miss Hawaiian Tropics 1970! Pacific Islander ang beauty nito. Girl next door (hut). Kulang na lang ukelele and a coconut. Bet ko yung vintage look and the relaxed feel. And that smile!

    Flip – OK LANG BA na kamukha mo si Victor Basa?! Pang King of Becky Nights ang dating! Fi-flip si D pag nakita nya ‘to! Take a look at my photo of V from a few years ago: http://www.flickr.com/photos/shairaluna/2547733028/ Di nga, ok lang??? Hahaha

    Nessa – Aba, pwede! I would lessen the skin smoothing, or whatever effect was used, pero I can see what you’re trying to do. Achieve naman, with hair action pa! Next time, perhaps, try leaving the eyes sharp? Para mas may impact yung photo ☺

    Paris – Sis, kinabahan ako for your eye! Anong white liquid ‘to? Kung ano man yun, I commend you for embodying a professional model, ika nga! I like the light, the composition, and the mood. The hand just appears a bit distorted, so be conscious nalang sa susunod about how the rest of your body will look in front of the camera. Other than that, perfect!

    Angelica – Hmm. Slightly distracting yung vignette; buti nalang maganda yung center of attention! Very Eskinol/Clean & Clear (I’m giving away my age – meron pa ba nun? ;p). Clean, simple, pretty, and safe.

    Allen – First thought, Lady Gaga. Second, Elvis. I love!! Lalo na yung lip stain – hindi malaman kung kumain ng cherry or may lahing Edward Cullen. And ilang metro lang ang layo ko kay Mother Monster nung BTW Ball (di pa din maka-get over), so your eyes really remind me of her makeup then. One paw up for you!

    – – –

    So… best of luck to all the contestants! And thanks again to Madma na sana ma-meet ko in person soon. Close na kami, kahit sa FB messages lang. Iba talaga ang gayuma ni Madma!😉

    Anyway, keep voting, friends! YTM FTW!😀

    • Thanks, Shaira! Ang best ng comments mo, ples! I miss working with you!

      Sa mga finalists, enjoy the competition, pluz. Alam niyo na what to work on sa next round.

    • Let’s give it up for THE VERY SHAIRA LUNA! Grabeeee!!! Ang sosyal na din talaga ng YTM.🙂 Super thanks, Shaira.❤ Nakakaloka yung parang barkada ko lang ang nag-comment kasi pasok na pasok ang language mo. Ang saya! Salamat sa pagpapaunlak kay Madma at sa libu-libong followers ng YTM. Meet up na 'to soon. Feeling ko talaga magka-wavelenght tayo. WOW. Taas ko din ha. SALAMAT.❤
      Thanks, B for bringing Shaira sa YTMNTM. Nakaka-sosyal talaga itong apperance n'ya dito.❤

      • I’m glad bumagay yung language! Proud ako na maging barkada level na ‘to. Lagi kasi akong loner! Pero nakakatawa kasi medyo mabilis ako magpick up ng style. Imagine, may two-week Bekinese hangover ako after watching Zombadings? In fact, I don’t speak German, but I can, if you like. Ow! (Yun naman yung very Gaga hangover speaking, hahaha) Kamusta naman na nag-kukwento ako, but I know Madma understands😉

      • Hindi ka na magiging loner kasi kasama mo na kame! O, ha. Lakas maka-friendship nito. Alam mong dapat nagsasama-sama ang mga bongga sa lipunan. WOW.🙂

    • ang best ng comments ng the Shaira Luna. Hindi lang pang genius, pang funny rin. gusto ko rin makisawsaw pero pag malamig na ang mga utaw at konte na lang sila para mas siksikliglig. Or mas less pagod. So much din sa time. haha.

      inaabangan ko rin lagi ang comments ni urbabdud. meaty and naughty.

      ang best ng mga contestants. i love the competitiveness, the effort, the passion and the coolness – like cool lang sila kahit yung iba coolang coolang pa ang x factor. pero may revenge factor naman which makes the show so kaabang abang.

      Kelangan may bonggang pakulo sa finale madma. hanap tayong magssponsor na bar na pwedeng venue for the live via satellite na finale. live na live ang face-offan a la face to face. nakakahiya naman sa hosting talent mo kung di rin masho-showcase. at shempre imbitado lahat ng fans. may live na judges din. gahhd! the possibilities! endless! i’m so happy for your success Madma! Keep it up! Mwaaahh.

  13. wow. thanks shaira sa napakagandang review ng mga contestants despite your kabusyhan🙂 I would take your advice and padala ka naman kay madma ng mga best photo shoot mo🙂 Thanks thanks!!

    ang pasabog na talaga ng YTM.

  14. Shaira on Keempee: “Keempee, 20, Tarlac I’m stopping myself from saving this photo and opening it in Photoshop. As in gusto kong tanggalin yung framed fire escape plan na nakasabit sa pintuan. Sayang kasi, maganda na yung angle and cropping!”

    — Attention Keempee – *AHEM*! i provided you with a version of this pic w/o the door/fire escape plan! Sayang naman. Level kami ni Shaira Luna sa aspetong ito. I feel like, i’m the center of the Solar System! Makapag-Promil nga…

    But anyway, salamat SHAIRA for your comments! Hello daw sabi ni Kiko, na ibinabaling pa rin ang paningin kung saan-saan (batchmate ko sya sa HS). haha! K. Yun lang.🙂

    • Heehee funny! “Bathala” was the title of that poem, if I remember correctly! Hi din, Kiko!🙂 Then James Flores was the one who said, “the sun is in the center of the solar system…” Yung akin, papa-contest na lang ako via Madma who can guess correctly ;p It’s not on YouTube, so good luck. Hahaha!

  15. Jeff- Consistent ka sa pagiging pogi mo🙂 I therefore conclude na hindi ka hipon🙂 Gusto ko yung effect ng picture na ito, yung timpla brightness and contrast eh bumagay sa itsura mo🙂

    Jill- ang laki ng improvement compared sa unang larawang iyong ipinasa! Medyo na-sobrahan nga lang yata sa dilim/ shadow. Bale forehead, cheek plane, nose and shoulders ang pambato mo dito. Sila ba ang iyong mga assets? Lakas maka-pugad ng buhok but I understand why🙂

    Kayle- Pano ba to😦 hindi ko gusto yung pagka-crop kasi hindi naipamalas maigi yung angkin mong alindog. Ang dating sakin eh hindi mo ito kinareer😦 Kumbaga hindi ito yung maituturing na “best” angle mo. Na-distract ako sa eyebags at dun sa hair sa upper left part ng picture

    Jetti- Inggit ako sayo kasi ang haba ng leeg mo tsaka bagay sa’yo yung “naka-tangang” look. Tinry ko yan dati, mukha akong constipated, mukhang tanga. Maituturing kang isang tunay na modelo. Maganda ang make-up mo! I love the dewy effect! Sino nag-make up sa’yo? o ikaw mismo? Some points lang (pasensya na at make-up artist kasi ako) yung eyebrows almost there, maganda pero hindi pa sya pantay na pantay, thicker yung right eye mo. Waley ka eyelashes😦 sana gumamit ng eyelash curler and mascara or falsies🙂 Nakikita ko nga pala yung parang gusot dun sa white background mo. A little distracting.

    Coco- Naiintindihan ko kung bakit ito ang ipinasa mo. Dahil ang sabi eh dapat “best” angle at malamang yan yung best angle mo so go, pasa. Malinis at respetado kang tingnan dito pero hindi kasi “model” yung dating para sakin

    Kti- Pag-click ko sa picture, pinunasan ko yung screen ng monitor ko na nakatapat sa noo and left eye mo, hehe akala ko dumi sa screen ko, buhangin pala🙂 “SIMPLE PERO ROCK” ang ganda ng atake mo dito! na-establish ulit ang collar bone (kulang nga lang sa leeg) yung buhok, perfect! Yung squint ng eyes, excellent! Na-achieve yung gustong achieve-in🙂

    Keempee- Eh…. tsk, kainis ka naman eh…. wala ka bang friend na marunong mag-photoshop? kahit naman sabihin nating, oo, dapat sa modelo mag-focus pero kasi yung iba’t ibang elemento din pacrticularly yung background eh nakaka-sira ng concentration ng viewer.

    Rog- Gusto ko yung transition na inoffer mo ha, from the Amy Winehouse to Jasmine Trias🙂 You’re able to let us know na versatile model ka. Ang light ng atmosphere ng buong imahe na to. Feel-good.

    Flip- Kilala kita, you could do better than this. Nagulat ako na ito ang entry mo. Nakulangan ako dahil alam ko capacity mo. Pareho kayo ni Jeff pagdating sa consistency ng pagiging pogi.

    Nessa- Hala nalito ako. Ano ba talaga itsura mo? Hehe parang ang layo ng itsura mo dito sa itsura mo sa 1st round. Mas gusto ko ito, can I just make that clear🙂 pulidong pulido ang editing sa eyebags ha, bawas editing para mas mukhang natural. Ang ganda nito! Ibibigay ko to sayo Nessa🙂 Mas malakas to kaysa dun sa 1st round. I like it!🙂

    Paris- gusto ko naman to eh minus the tunaw na ice cream (nabasa ko yung explanation kung ano itong puting likido ito) iniimagine ko sya na walang tunaw na ice cream, papalo naman eh kahit wala un. For me hindi nakatulong yun. Pero pose and projection wise, palaban to

    Angelica- ang dami mong nunal ah, enge naman. Ang busilak ng larawan mo. Pwedeng pang-facial wash or feminine wash din haha para ka din kasing nagyayaya dito haha ang ganda mo🙂

    Allen- palit tayo ng lips!!! ganda ng lips mo! kailangan kong i-commend ang iyong effort! ito yung kitang-kitang pinaghandaan at nagbigay ng pagpapahalaga at respeto sa prestihiyosong patimapalak na ito! gusto ko yung projection mo🙂 lakas maka-model! Go Allen! Oh shit! Allen??? ikaw pala to! GRABE ang galing ng improvement from bagot to this!!! salamat at bumawi ka ng todo todo! isang punto lamang, bawas langis ples.

    • Salamat po nang marami! Ako lang ang gumawa ng fez ko. After the finish, nag -spritz lang ng Andalou Refreshing Toner (product placement, oha). I think that created the dewy effect. Thank you sa notes sa eyebrows and lashes. Best efforts na ako sa mascara nyan pero na-overpower ata ng eyeliner yung dapat curled lashes.🙂 Magfo-falsies sana ako pero wala akong pandikit. Tough times. Dami ko rin napaliwanag, diretso na kaya ako sa barangay? :p

      Shout ouch rin pala sa mga kamag-anak, mahal sa buhay at friends ko na bumoto from Brunei and from all parts of the country.

      Sending my appreciation rin sa judges and judgers for the comments. Noted po lahat yan.

      I, thank you.*waves*

      • wahaha. Gusto ko ‘tong interaction ng finalist sa judges! haha Ang best! Ang lakas mo talaga sa Brunei, Migssy. Kaya naman SHOUT OUCH sa mga taga-Brunei!❤

    • Maraming salamat sa iyong pasabog comments, Ms. J.C. Cantos! Nabutbot mo din talaga ang mga finalists nang mabuti kahit busy ka ha. LOVE IT! Top 10 na tayo sa Friday! Bring it on!❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s