Kumapit na kayo sa 2nd Video Blog ni Madma

Dear fans and followers,

Yours truly, Madma will be celebrating its 2nd monthsary on July 16!!! Woooh! Grabe yung magda-dalawang buwan pa lang pala ang YTM pero feeling ko eh 5 years na tayong magkakasama. Ang dami na rin kasi talagang naganap sa blog na ito in a very short span of time. Ang daming revelation, intriga at mga pasabog! Talaga namang nayanig ang blogging world sa pagpasok ni Madma sa blogging. Masasabi!🙂

Kaya naman sa ating 2nd monthsary, isang pasabog video blog na naman ang ang hatid ko sa libu-libong fans and followers ng YTM! Mas maloloka kayo sa 2nd video blog entry  ko kasi LEVEL UP NA ITO!!! Production na talaga ito. Mahihiya ang teleserye!🙂

Kita n’yo naman ang picture ko sa taas. Aminin n’yo yung naka-Jersey din ako ha. Kumo-costume na. Bakit ako naka-Jersey? Malalaman n’yo sa Lunes.🙂 Sigurado akong magugustuhan n’yo ang pasabog letter natin for our 2nd monthsary. Nakapag-shoot na si Madma with the entire YTM team 2 weeks ago at super best ang final product. Shout ouch naman sa cast and production staff ng YTM na naging bahagi ng 2nd monthsary special. Syempre, hindi ko muna ire-reveal kong sino kayo. Pakilig lang muna ito. Basta kilala n’yo na kung sino kayo. I love you, guys!❤

Masasabing tinodo na naman ni Madma ang lahat para sa video special na inyong mapapanood sa July 16, 2012 (Monday). Next week na ‘yan, mga fans!!! Siguraduhing nakatutok kayo sa Monday sa YTM kasi hindi n’yo kakayanin ang video na ito. Tinitiyak kong lalampasan namin ang unang video blog last month. Alam n’yong pataas dapat ang atake!🙂 Excited na ako!!!🙂

So, ayon lang muna. Gusto ko lang kayo pakiligin ngayon.🙂 Pinaghirapan talaga namin ang video na inyong mapapanood next week. Proud akong sabihing BEST ang pasabog na ito sa Monday! Only the best for the fans and followers.🙂

ABANGAN n’yo ‘to! Sa Monday na. Malapit na.🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Bukas na (July 10) ang last day of voting para sa YTM’s Next Top Model! Sino kaya sa ating 13 finalists ang matatanggal sa Wednesday?! Again, 3 ang maalis sa ating second Elimination Night! Itodo na ang pagboto ngayon. Ang cut-off ng voting ay 11:00 p.m. bukas.

Click this link at bomoto na! https://madmacarta.wordpress.com/2012/07/06/the-top-13-finalists-of-ytms-next-top-model/

At syempre, PASABOG ang labanan ng ating Top 10 Finalists on Friday (July 13)! Grabe yung Top 10 na tayo sa Friday! Ang bilis.😉 Siguradong exciting ang magiging labanan sa next round kasi ang theme ay STOLEN SHOT! Alam naman natin na ang kagandahan ay dapat nakikita rin kahit biglaan ang shot ng camera. Matinding labanan ‘to sa Friday! Kaabang-abang talaga.🙂

Kaya sa lahat ng mga finalists, kung feeling n’yo ay pasok kayo sa Top 10, i-ready n’yo na ang best stolen shot n’yo at i-send sa yourstrulymadma@yahoo.com. Siguraduhing pasabog ang inyong entry sa Friday dahil tumitindi na ang labanan sa YTMNTM. Parami na nang parami ang nagiging followers ng YTMNTM kaya isagad na ang laban! Hindi na dapat maging kampante. LABANAN na talaga.

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.

29 thoughts on “Kumapit na kayo sa 2nd Video Blog ni Madma

  1. Grabe ambilis na din ng panahon at naka 2 months ka na sa blogging world Madma. Congrats naman talaga. ♥

    Grabe yung andami mo talagang pasabog, nagulat ako na may issue-slash-controversy na sa YTMNTM nung weekend! Ibang level na din talaga. Haha.

    Excited na ko for the videoblog.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s