The Official Statement of Madma

Dear Madma,

Well, my point of view here is hindi masyadong malinaw po ang mechanics. =) I mean the criteria is 70% audience and 30% judges, but paano yung sa side ng judges, anong criteria meron sa 30%? Kumbaga creativity ilang percent, projection ilang percent, photography ilang percent, message ilang percent, ganoon lang. haha. Napapaisip lang po ako bilang isa sa mga avid followers kung anung susundin ng contestant at dapat i-focus kase may theme every week, ‘di ba, baka katulad ko ay nalilito din sila, like headshot, this week. So minsan kase sa point of view ng judges (which I understand) may kanyang kanyang hinahanap. I lead nyo po ako sa pagkalito kung anong criteria talaga ang hanap. Haha. So ayun lang. Na-raise lang to hehe pero sana maliwanagan din. =) thanks madma.

Anyway, isa lang itong tanong naman kayo naman masyado agad. Madma, ipaliwanag to.

________________________________

Dear Anonymous,

Hello naman, Anonymous. Nakakaloka yung naging sentro ng kontrobersya ang YTM’s Next Top Model last weekend dahil sa pasabog mong thought. I love it! Kaya naman, ikaw na ang featured letter for the day!😉 Talagang napalaban ang mga fans and followers ng Yours truly, Madma sa matinding diskusyunan re: sa mechanics ng YTMNTM. Salamat sa pagbi-bring up ng puntong ito. Na-appreciate ko ang comment mo kasi it goes to show na nag-iisip at matatalino ang mga fans ni Madma! Ginaganahan tuloy ako lalo! BONGGA!🙂

So ito naman ang Official Statement ni Madma sa tanong mo. Taray nung may Official Statement! Lakas maka-reality show.🙂

This contest is subjective. Ito ang una kong gustong sabihin. Tama ang sinabi ng isang fan na si Miranda Priestley, “There are no rules in modelling and that holds true for this contest. Everything can be really subjective.” Ang contest na ito ay subjective talaga. Sa modelling, kapag nag-pose ka, ipakita mo ang pepe mo at ibinigay mo yung best mo sa isang photo, iba-iba pa din ang magiging opinion ng mga tao when the final product is released. Hindi ito katulad ng mga Math competitions na kapag tinanong ka ng 1+1 ang sagot ay definitely 2. Kung ganito kalinaw and ka-objective ang gusto mong mechanics sa YTMNT, sorry, but I think you are in the wrong show.  Show talaga?!🙂

Kung nanonood ka ng America’s Next Top Model, mapapansin mong NEVER naghain si Tyra Banks ng criteria for judging. Ganoon din sa mga shows gaya ng Project Runway, American Idol, X Factor etc. The judging is basically based on the judges’ expertise, professional background and industry experience. Hindi kasi uso sa mga ganitong klase ng shows ang sinasabi mong dapat malinaw ang percentage ng bawat criteria such as creativity, projection, message etc. Sabi nga ulit ni Miranda Priestly, “that’s so Baranggay Fiesta Amateur Singing Contest level.” Paano ba kasi dini-define ang mga criteria na“creativity, projection, message?” Hindi ba’t mga subjective parameters din ang mga ito? So why put a percentage into something that is also subjective. So to answer your question as to how the judges of YTMNTM give their final score, ang sagot ko ay based ito sa kanilang individual expertise, professional background and industry experience. Kaya naman nagsisikap din ang YTMNTM na kumuha ng mga pasabog na judges para maging credible ang magiging judgment. So far naman, the present judges of YTMNTM are all highly qualified to be members of the YTMNTM’s panel of judges. Every round, mayroon silang 100 points each na idi-distribute among the finalists. And that points comprise the 30% of the total result.🙂

Tandaan natin, 70% ang bearing ng people’s vote. At the end of the day, ang fans pa din ang masusunod. The judges are just here to provide insightful, unbiased and constructive comments for the improvement of the contestants and para na din ma-guide ang mga voters. NEVER naman din nag-question ang mga judges kung ano ang criteria ng mga fans sa kanilang pagboto, ‘di ba? Ni-rerespeto ng YTMNTM team ang boto ng mga fans so let’s just respect and trust the judges’ vote as well. Tama ang sinabi ng isang fan na si Dam Loisel, “Everyone’s voting for their bets and they have their own reason for voting. So kanya kanyang opinyon po to… =) You have your bet and we have ours. =) So let’s keep it cool.”🙂

Gusto ko lang din i-point out na ang mga fans and followers are just as equally powerful as the judges. Actually, mas powerful pa nga kayo. Everyone is allowed to post their comments, their judgment, their bets, their ranking freely. Never akong nag-delete ng comments from fans, kahit negative pa ang laman nito or positive. Walang sumasaway sa inyo sa blog na ito kasi ang YTM ay blog nating lahat.😉 We are here to enjoy, to have fun and bond. Gaya nga ng sabi ng isa pang fan na si Joe-King, “Just play along guys, gets ko yung passion at competitiveness nung mga contestants and fans, pero please don’t take criticisms as personal attacks and again, don’t take the fun out of this pa-contest.”😉

Lastly, gusto kong sabihin na pinu-push ng YTMNTM team ang bawal finalist na ibigay ang kanilang best sa bawat round. Tama ang sinabi ng finalist na si Nessa “I believe Madma allows the contestants to have their own way on things. To get creative. It doesn’t matter if you’re using a dslr, went to a professional studio with lights, or just used a camera phone. I guess the individuality of each contestant and the effort behind each entry is what truly matters.” Well said, Nessa.😉 YTMNTM truly aims to bring out the best in each of the finalist. This is what this show is all about. Ang YTMNTM ang kauna-unahang modelling search sa blogging world at masaya akong part tayong lahat ng makasaysayang kaganapang ito. We are making a mark in the history, guys! Kapit lang kayo at sama-sama tayo until the end.😉

Again, I highly appreciate your comment, Anonymous.🙂 Gaya nga ng sabi ng finalist na si Coco, “It’s a good thing na na-bring up na rin ‘to, at least may avenue to discuss things, which I think healthy.” This is a healthy discussion indeed. And I love it!😉

Naniniwala akong matatalino ang mga mambabasa ng YTM. Naniniwala akong may sapat na pang-unawa ang mga mga fans ni Madma. At higit sa lahat, nagtitiwala at nire-respeto ko ang lahat ng opinions, taste, suggestions at comments ng lahat ng fans. Malayo na nga ang narating ng YTM sa almost 2 months of its existence. At ito ay dahil sa suporta ng bawat isa sa inyo.🙂

Mahal kayo ni Madma. CHILL lang guys. The keyword here is ‘ENJOY.”

Sa mga hindi aware sa naging issue last weekend, click this link. https://madmacarta.wordpress.com/2012/07/06/the-top-13-finalists-of-ytms-next-top-model/

Yours truly,

Madma

P.S. Tuluy-tuloy lang ang suporta sa iyong favorite finalist sa Yours truly, Madmas’ Next Top Model! Grabe ang naging takbo ng botohan over the weekend! Ibang-iba na naman ang standing ng mga models! KALOKA!!! Salamat sa lahat ng mga bumoto sa far. Reminder lang, 3 ang tatangalin natin sa Wednesday (July 11). Medyo madami rin, aminin n’yo! Boto lang nang boto. Pwede kayong bomoto araw-araw. 1 vote a day ang allowed. GO! The cut-off of voting for this round is on Tuesday (July 10) 11:00 p.m.

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

P.P.S. Shout ouch naman sa birthday boy na si Mr. Danico Falseteeth. Salamat naman sa treat mo sa TGIF. First time ko kumain doon ha. ANG MAHAL!😉 Lakas pala talaga maka-sosyal doon. It’s nice to see you again.🙂

Shout ouch din kay Ms. Andrea Aniban. Stay strong, girl. Matatapos din ito. Hangad ni Madma ang agarang paggaling ni Mark.😦

Ang lastly, shout ouch din sa masayang birthday celebration ni Ms. J.C. Cantos kagabi! Ang saya mag-videoke! Aminin n’yo, na-achive ko yung kanta ni Beyonce na “Love On Top.” Sorry na lang, Ms. Beyonce.🙂 Viva Forever @kaytiest @therobensons @texonchainsaw @jccantos. Pinu-push ko talaga yung twitter account ni JC kahit hindi naman sa kanya.😉

Salamat ulit, Mr. Robby Benson Torres for the pasabog photo above! BEST!❤

24 thoughts on “The Official Statement of Madma

    • hahaha. Alam mong dapat may poise pa din kapag sumasagot. Aminin mo yung may mention si Joe-King ha! wahaha Kairita yung mine-mention! haha Thanks, Joe. Ang best din nung comment mo last weekend ha.❤

      • Actually I aimed to give my best comment nung weekend para mapili as a mention sa Official statement, gahaman din naman ako sa spotlight eh, wow, haha.

  1. Uy Madma, grabe na yung taas ng ratings mo ha. Hindi ko mapigilan magcomment, dati lurker lang ako pero ibang level na yung may sariling kontrobersya yung online modelling show mo! Fan mo na ako simula pa sa yearly mong paghohost ng engg events (kahit hindi naman ako engg). Congrats ng bongga dito sa endeavor mong ito. Sana magkashow ka na for real!

    • Hello naman, Erielle! Buti naman at nagparamdam ka na.🙂 Medyo maingay na nga din talaga itong YTM sa blogging world. Pinupukol na din ng issues, which I lurve.😉 Salamat sa pagbisita sa YTM. Grabe yung nasaksihan mo din ang pagsisimula ko sa Eng’g as host ha. Kakatuwa naman. THANKS, Erielle.❤

  2. Hi Anonymous here. Yeess naman. So ito ang hinhintay ko kase I was thinking of the format kung ihahalintulad ba to sa mga alam nating reality show like ANTM or American idol. etc., kase nga online to, first in blogging history. Alam mo madma, naapreciate kita sa pag intindi at pagbutbot ng issueng to. Well hindi naman sya issue na issueng issue.. (gusto mo yung spelling?) hahaha. Nalito lang ang clit ko. So anyway. Salamat at sa lahat ng responses sa Issue. nabasa ko lahat sa thread, Nessa, Joe king, Coco, and the rest. Sila ang mga natandaan ko hahaha. Thanks…

    I love this show… So malinaw na

    • Hello, Anonymous! Salamat sa pag-comment ha.❤ Buti naman at nalinawan ka na. Ang saya nung issueng issue. Parang-Chinese character na. wahaha Chill lang and enjoy the show. Show na talaga siya. haha I appreciate na na-bring up mo ito para na din malinaw sa lahat. Mabuhay ka.❤ Madma loves you.❤

    • I’m happy I helped clarify things.

      Besides reading this blog and joining the competition, I really find joy in interacting with you guys.🙂

      Madma, you have my full time support.

  3. Anonymous-anonymous k p eh si Coco ka rn nman! Di mo kme mloloko! “graduate” dn kme bwahahahaha happy graduation nman dw syo sbe ng branggay namin, sali ka sa contests dun, malnaw ang crteria for judging bwahahaha

  4. Ay may nang-aaway na. Issuera ng taon itong si Coco Anonymous. Ayaw ng kapayapaan, hindi pa nakuntento sa China Philippines over Scarbourough shore issue. Digmaan ang nais? I love it!

  5. Guys wag pasaway, no to war tayo. =) ok lang ba yun? no harsh words at name names. It’s about time siguro na may disclaimer section at privacy policy na si madma sa blog na to =)
    Just a pointed point.

  6. Hi I like that there’s an official statement🙂 Malinaw na malinaw sa fans ang contest na ito. Pasabog talaga, pakontrobersyal, masinop, malinis. maaksyon!!

  7. Shout ouch ulit for Ms. Andrea Aniban. Please pray for the speedy recovery of her husband, Mark. Right now, the medicines are working really well. Let’s pray together that tomorrow he’ll be out of the ICU and home by Wed.
    Isantabi muna natin ang ratings and magpa-ratings tayo kay Lor…kay Go…..sa Higher Being. Totoo naman ang power ng collective prayer.
    Kung may philanthropist out there din who would like to help out in the medical expenses, kindly contact Madma, my managee.😀
    Thanks in advance.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s