Pinapatay ang Anay

Dear Madma,

Gusto ko muna pong sabihin na natutuwa ako sa inaaning kasikatan ng ‘yong blog. You truly deserve this!

One year ago ay nag-break kami ng boyfriend ko. Masasabing I’m still reeling from the break-up dahil paminsan-minsan ay naaalala ko pa rin s’ya at nakakadama ng lungkot. Until I met this guy. Officemate ko sya at somehow, reminds me of my ex. May certain type lang po kasi ako ng lalaki (to my friends’ dismay) at dun lang ako naa-attract. Ang kaso po si officemate ay very much taken.

Hindi ko gustong mag-act out sa nararamdaman ko dahil alam na alam ko po ang pakiramdam ng naagawan. Masakit talaga. Ang kaso nakakaramdam naman ako ng sama ng loob kapag magkausap sila ng karelasyon nya. Mukhang from one heartache ay sa isang heartache na naman ako patungo.😦

Madma, ano po kaya ang dapat kong gawin?

-Velvet Drop

____________________________

Dear Velvet Drop,

Hello, Velvet Drop. Ang pasabog ng story mo! Very “No Other Woman” ang peg. Salamat naman sa pagbabasa ng YTM.😉 Na-miss ko din mag-payo ha. Thanks sa pagliham at pagbabahagi ng nguynguy mo sa amin.🙂

Deretsahang payo: STOP IT! Kakaloka ka. Itigil mo na ang pagnanasa slash pagbibigay atensyon sa nararamdaman mo sa officemate mo.  Talo ka dito, ‘te. Malinaw naman na taken si Kuya so respeto naman sa partner n’ya at sa relationship nila. I-apply lang natin ang basic rule na huwag angkinin ang mga bagay na hindi sa atin. Nakakaloka yung nagseselos ka kapag magkausap sila ng jowa n’ya ha. Possessive much?!🙂 Linawin lang natin ha, “officemate” ka lang at hindi ka jowa so dapat mong itigil ang mga ka-cheapang ito. Unnecessary baggage ito sa part mo. Mas mabuting ibuhos mo ang lakas mo sa pagpapabuti ng trabaho mo at hindi sa kalandiang ito. WOW. Judgemental din ha. :) Ikaw na din ang nagsabi, alam mo ang feeling ng maagawan. So, sana naman ay huwag mong gawin ito sa iba. Grabe naman yung “gumaganti” sa kapwa.🙂

Alam mo, naiintindihan ko din na kailangan mo ng distraction to totally forget your Ex-jowa. Ramdam kong gusto mo na talagang makalimutan at maka-move on sa Ex-boyfriend mo completely. Pero sana naman, hindi sa ganitong paraan na kakabit ka or mangaagaw ng lalaki. Huwag mo namang ikalat ang kalungkutan sa mundo. Let’s spread love not war and sadness! Nakakarindi man sabihin pero may darating ding tamang lalaki na para sa’yo.🙂 Hindi mo kailangang mangagaw! Naniniwala akong matalinong tao ka para bumaba sa ganitong level. Control your emotion, Velvet Drop. The way I see it, very fragile ka pa from your past relationship.  At tama ka again, heartache na naman ang patutunguhan nito, so better stop it as early as now.

Save yourself from this delubyo! Love yourself naman, Velvet Drop! Ang daming lalaki, Ma’am! Go out and hunt! Feeling ko mababa lang naman standards mo sa lalaki (based sa letter mo) so mas madadalian kang makahanap. Daming chararat bumba sa paligid. Sa Star Mall pa lang for one, dami doon. Aura lang nang aura. Huwag kang maging anay sa isang relasyon. Alam naman natin, pinapatay ang anay! Ayan nasabi na ang title ng blog entry na ito so dapat papalakpak kayo at this point.🙂

Take it from Madma, hindi ito ang tamang paraan para maka-move on ka completely sa Ex-jowa mo. Huwag ka nang maglitu-lituhan d’yan. Stop this in the name of love.🙂 Darating din ang taong para sa iyo. So habang wala pa, sama-sama muna tayong mag-antay! Bawal mag-give up ha!🙂

Kung nangangati ka naman at tigang na tigang, gamitin mo muna ang daliri mo. May tinatawag tayong “finger.” Lakas maka-bastos ang pota.😉 Magbasa ka lang ng YTM every time na natutukso kang agawin si Officemate from his jowa. Kame muna ang samahan mo. Hindi ka namin papabayaan dito. Basta magpakatatag ka lang! Malalampasan mo din ang ka-cheapang ito.🙂

Mahal ka ni Madma. Kapit lang.

Yours truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://kids.britannica.com/elementary/art-90391/Termites-eat-their-way-through-a-piece-of-wood)

P.S. Mamaya na natin makikilala kung sino ang matatangal sa hit na hit na Yours truly, Madma’s Next Top Model. Magpapaalam tayo sa 3 finalists tonight. Ang dami din talagang matatanggal ha. Abangan n’yo ‘to! Exciting ito mamaya!

Salamat din kay Ms. Cris Albert, The Fila Diva herself. Ang bongga ‘nung isa ako sa mga nabigyan ng Gift Certificate para sa 1 Pair of Any Fila Shoes! O, ha! Nakakayaman! Nag-follow lang ako sa kanya at ayon, may shoes na! Thank you very much, Ms. Albert. Mabuhay kayo!😉

I-follow n’yo si Ms. Cris Albert sa twitter (@mscrisalbert). Mag-abang kayo ng mga pakulo n’ya soon. Nakakaloka yung namimigay siya ng sapatos just like that! Sabagay, siya naman kasi yung owner.🙂

P.P.S. Si Madma at ang buong YTM team ay nakikiisa sa pagluluksa sa pagkamatay ni Mang Dolphy. Mahal namin kayo at hindi namin malilimutan ang inyong malaking kontribusyon sa buhay ng bawat Pilipino. Maraming salamat sa mga ngiting nilagay n’yo sa aming mga labi. Kayo po ang nag-iisang King of Comedy. #RIPDolphy

(The photo was lifted from this site: http://www.theentertainmentlifestyle.com/2012/06/philippine-cinemas-king-of-comedy.html)

25 thoughts on “Pinapatay ang Anay

  1. grabe, nauna ko magcomment kila @therobenson @camilla_rosa @deathbymilktea @urbandud? busy sila?
    ako hindi. absent kasi ako sa werk ngayon.

    anyhoo.. hi Velvet Drop, how are u related to Salt Water? magkapatid? or magkaibigan? ur so alike kasi, pareho kayong ..uhhmm.. let’s just say tanga! alam na ngang mali, tatanungin pa kung anung gagawin? charoth. wag kang sensitive ha. blunt tlg kaming mga co-writers (kisale sa blog??)

    kung magiging kayo ng officemate mo, i’m sure you won’t find comfort knowing that your happiness came from someone else’s suffering.
    pero kung dedma lang sayo manira ng relasyon, then by all means gow! pakapota ka sa officemates mo, tapos ipress release nyo na you’re destined to be together.
    destined kayong maging mag-officemates, destined kayong maglandian sa office, destined kayong magdate sa mall habang nasa OT yung gf nya…. mga ganyan!
    gamitin mo ang “Tadhana excuse” para itago yung fact na nang-agaw ka lang ng jowa.
    Gustong maging anay? ewww ha.

    • WOW! Unang-una ding nag-comment si Doc ha. Iba din talaga ang nagagawa ng “absent.” haha Ang fierce din ng payo mo ha! Love it. Masasabing makatao ka din, Witch. haha Miss you.❤

    • Hi! Wala naman pong landiang nagaganap. I myself am not convinced na landiin itong officemate. May slight interest siguro pero not enough to say na landian.

      • Let’s give it up for Velvet Drop herself! Grabe yung lumantad ka din talaga. LOVE IT!🙂 salamat sa pagbabahagi ng nguynguy mo ha. We love you here kaya medyo na-judge ka na. haha

  2. Feeling ko naman maingat si Velvet Drop at hindi lantarang lumalandi. At least maingat! Pero tama, huwag mo na i-push, VD. Hayaan mo na lang silang maging masaya. Aware ka naman kung gaano kasakit maitapon na lamang kapag nakahanap ng bago eh. (Laruan? Haha joke.)

    Hintay ka lang. Darating din ‘yan. He will come.. and come and come and cooommmeee! Hahaha! Sa ngayon, ikaw na lang muna ang mag-come. Lol shet Madma kasi eh nahawa ako sa halay! Haha! Basta huwag kang umasa please, masasaktan ka lang either way. Kapag hindi kayo nagkatuluyan, eh di bitter ka at mahe-hurt. At kung magkatuluyan man, bitter si GF at nagkaroon ka pa ng kaaway. So just let them be and just wait for your own knight in shining armor.😀

    At totoong fragile ka pa. Mahirap na kapag gumagawa ng decisions kapag fragile. Parang kapag galit or horny lang. Baka pagsisihan mo someday. It’s good though na maingat ka at nag-iisip pa rin at hindi sakmal na agad kay officemate. Good luck sa love life mo!😀

  3. Hello, doc @followlauren! Grabe nauna ka talaga re: this nguynguy of Velvet Drop.

    Alam mo Velvet Drop, screen name mo pa lang, ayaw ko na eh. Ayoko kasi ng Velvet, lakas maka-lola, lalo na kung brown or purple. Pwede jersey na lang or chiffon? Mas pleasing yun eh atchaka mas flowy, ang heavy kasi ng Velvet. Daming sinabi o. Hahaha!

    Anyway, uhm, sure ka ba sa mga pinagtatatanong mo dito? Ay, ‘te, i-uunleash mo ang inner tita ng lahat para sabunutan ka at kurutin sa singit, na may angking kati, I assume. Kapag taken, ‘wag nang aurahan. Or pwede, hintayin muna na maging malaya si kuya. So bantay bantay ka lang like a hungry dog sa paligid. Tingin-tingin, amoy-amoy. Kapag free na si palaka, eh di go. Pero ngayon na may ka-ulayaw (lalim nung ka-ulayaw, lakas maka-ahas) eh di wag ples. Alam mo naman pala ang feeling na inagawan eh, tapos mang-aagaw ka? Ang sama mo rin eh. Wuw, na-judge din agad. Hahaha!

    Pero kung gusto mo ng ratings, simulan natin sa office niyo, at mabrand na mang-aagaw-slush-anay-slush-ahas, eh di grab mo na si kuya, by the balls para alam na agad. Hahaha!

    Enjoy mo lang ang pagiging single. Tingnan mo si Madma, single siya pero ang daming ganap kasi hindi siya pakupota. Mag-blog ka rin kaya, tapos kalabanin mo si Madma, tipong Yours Truly, Velvet Drop. Payo-payo ka rin, ganyan. Hahaha! Or, gayahin mo si Revenge Fucker na may FuBu. Just be safe, OK? Paka-busy ka lang, tapos isipin mo na bakla si officemate. Tapos hanapan mo ng evidence like FB photos, posts, likes, para matigil na yang pangangati mo towards him. Grabe, bakla gusto mo? Kaloka. Hahaha!

    • Pak na pak ang payo mo na dapat enjoyin ang pagiging single! AMEN to that! Hindi naman kasi talaga nakakamatay ang pagiging single. Iwasan lang ang mag-pakupota. Gusto ko yung suggestion mo na mag-blog din siya. wahaha Labanan na lang kame. For sure, ma-stress si VD kapag hinamon n’ya ako so makakalimutan na din n’ya ang ngasngas n’ya sa officemate n’ya! wahaha

  4. Kaloka ka atiii. Hanuba? kelangan pa bang itanong talaga ano gagawin? My gosh, atii, tandaan lagi, ang karma ay computerized na. Kung ayaw mong gawin sayo, wag mo gagawin sa kapwa mo, unless malandutay ka talaga at pokpokita. And for me, ang mga gumagawa lang ng pang-aagaw ay ung mga pangit at walang sariling ganda. ung hindi confident sa sarili nila na makakahanap sila ng para sa kanila ng walang sabit.

    PS. Hi Madma. am an avid reader of your blog at first time ko mag komento ah. Kaka high blood kasi ang mga malalandi. hahaha

    • Welcome naman, Abrilata.🙂 Masaya akong nag-comment ka na din dito finally. Hindi mo din siguro talaga kinaya ang nguynguy ni Velvet Drop. hahaha Salamat sa pag-comment.🙂

  5. Pasintabi…langkwenta ang laman ng comment ko….

    Dear Velvet Drop,

    1. Masama ka. Wow chart lang! hahaha

    Ano ibig sabihin ng ng very much taken? May taken ba na slight lang? or super taken sya na tipong kasal na o engaged? Pakilinaw ito.

    Unlike @therobenson I like velvet, lalo na ang texture nito. Ayaw ko ito suutin pero masarap himasin. Maganda rin ang bagsak ng velvet. So yung name na velvet drop is okay with me  wow may insight din talaga dito ha? =)

    Hindi ko alam ang ipapayo ko kasi obvious naman. Ina-ask mo kung aagawin mo? Then sasabhin namin huwag, pero in the end aagawin mo rin. Ganyan kayo eh! Langkwenta!!! Wow nega rin ha?

    So yun highlight ko na lang ang mga dahilan kung bakit hindi ka dapat mang-agaw. Here are out-of-the-box reasons why you should not agaw. You just need pen and paper for this.

    1. Isulat mo ang salitang mang-aagaw. Isulat mo sa tabi nun ang pangalan mo, i-underline mo para ma-emphasize. Best ba kapag binasa? Kung nasasaktan ka, wag kang mang-agaw!
    2. Alisin mo ang A sa start ng word na agaw. Pagpalitin mo ang place ng letters G and W. What do you have? WAG! So wag kang mang-agaw!
    3. Alisin mo ang A sa gitna ng G and W sa word na agaw. Ilipat ang W sa unahan ng salita. What do you have? WAG! So wag kang mang-agaw!
    4. Burahin mo ang word na AGAW. Palitan mo ng word na WAG. What do you have? WAG! So wag kang mang-agaw!
    5. Tulad mo, naiirita na ako sa mga reasons na pinagsasabi ko, sobrang sabaw ples. Kaya naman tigilan mo ang pang-aagaw leche ka.

    Yun lang. thanks!

  6. hay, minsan naman makapagadvise lang din talaga no @jayrestacio? Wuw. nangaaway?! Hahaha. Anyway natatawa naman ako so ok na din.

    Hi Velvet, kapag itong advice ko nagustuhan mo, makakaasa ba sa isang red velvet cake? Chos. Lakas makabribery.

    Doc, tama ka magkaparehas sila ni saltwater kasi may tendency gumawa ng masama. Pero again ang question dito, naniniwala ka bang masama ang gagawin mo? I think unlike saltwater, sayo malinaw na malinaw na masama na ito e. So bakit mo pa gagawin?

    Alam mo pag ito ginagawa mo na talaga at chinacharoth mo lang kami, i will diagnose you of impulse control disorder. alam mo yung kleptomania, yun ICD yun! naniniwala ka ng mali, established ng mali sa lipunan. Naging biktima ka na nga, hindi mo pa din macontrol na hindi gawin.

    Hindi si madma ang kailangan mo kapag ginawa mo ito. you badly need psychiatric help.

  7. Hello naman sayo Velvet Drop.

    Infairness namiss kong magpayo sa mga ganitong nguynguy/ngasngas. Pero iiklian ko lang bilang excited na ko sa Elimination Day ng YTMNTM (Go FTW Jill and Jetti! :D). Alam mo naman kasi yung sagot sa tanong mo eh. Tapos kahit sabihin ng lahat ng tao dito na wag ka mang-agaw, feeling ko gagawin mo pa rin. Tanga lang? Gusto mo din bang makurot sa singit tulad ni Revenge Fucker? Landi-landi. Kati-kati. Ikaw-ikaw.

    Applicable din sa’yo yung SLUT method. Panget pakinggan nung SLUT diba?
    SLUT! SLUT! SLUT!

    So gagawin mo pa? Sabi nga ni @abrilata, computerized na ang karma. Or digital. Virtual. Cloud-based. Hi-speed. WOW. Eni-eni na lang din. :p

    Drop it, Velvet Drop. Seriously.

    Eto may nahanap akong post sa thought catalog. Baka makatulong. Ktnxbye.
    http://thoughtcatalog.com/2012/what-you-can-do-instead-of-loving-someone-you-cant-be-with/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s