YTM’s Next Top Model: 2nd Elimination Night (Part 2)

Dear fans and followers,

HUMATOL na muli ang taumbayan.

NAGKAALAMAN na naman kung sino ang malakas at mahina.

Sa ating 13 finalists, sino ang uuwi na?

Welcome sa second Elimination Night ng sikat na sikat at kinababaliwang Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito po ang nakakalokang modeling search sa blogging world na handog sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.

Alam kong sabik na sabik na kayong malaman ang matatanggal na modelo sa gabing ito. Kaya hindi ko na papatagalin pa kasi medyo matagal na din talaga.🙂

Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 13 finalists ng YTM’s Next Top Model ang magpapaalam. Nakakalungkot man subalit kailangan nating magtanggal ng 3 finalists tonight. Sigurado akong maraming malulungkot kasi minsan ding naging malalakas na models ang tatlong finalists na ito.

Kaya naman, sama-sama tayong magpasalamat at magpaalam kina:

____________________

Kayle, 22, Quezon City

“Sige cute na rin. laban pa please!!! ang hina eh, isang palaban na picture, Willing na kami sa adboKasya kunin ka sabi ng aming photographer.” – Mr. Rogelio Estacio Jr., General Manager, Adbokasya.

_____________________

Jill, 27, Pasig

“This photo (and the styling) reminds me of the Mona Lisa. If you were going for a beauty shot, better kung may reflective surface by your waist para mabawasan yung shadow sa ilalim ng mata. Pero since mysterious ata ang peg, go lang. Naayos lang sana yung hair ng konti.” – Ms. Shaira Luna, Professional Photographer.

_______________________

Kti, 27, Mandaluyong

“Pag-click ko sa picture, pinunasan ko yung screen ng monitor ko na nakatapat sa noo and left eye mo, hehe akala ko dumi sa screen ko, buhangin pala “SIMPLE PERO ROCK” ang ganda ng atake mo dito! na-establish ulit ang collar bone (kulang nga lang sa leeg) yung buhok, perfect! Yung squint ng eyes, excellent! Na-achieve yung gustong achieve-in.” – Ms. J.C. Cantos, Dolled up by J.C. Cantos.

______________________

Hindi po ginamit ng ating mga judges ang kanilang SAVE POWER kaya silang tatlo ay tuluyan nang magpapaalam.😦

MARAMING salamat sa inyong pagsali at pagiging bahagi ng makasaysayang YTMNTM. Hangad namin ang inyong tagumpay sa anumang landas na inyong tatahakin.

Mahal namin kayo. Mahal kayo ni Madma.🙂

_____________________

At ngayon, nais ko ding ipakilala ang tatlong nangungunang finalists sa head shot round. Sila ang tatlong naging pinaka-makinang among the 13 finalists! Shout ouch naman sa members ng “Powerful 3!” Ibang-iba din talaga ang Powerful 3 ngayon compared to last week! Ang pasabog talaga ng show na ito. Very unpredictable!

CONGRATULATIONS and let’s give it up for (in order):

_____________________

Coco, 24, Quezon City

_____________________

Jetti, 28, Quezon City

_____________________

Nessa, 24, Paranaque

_____________________

Sila ang ating Powerful 3 for this week! Grabe, ang lakas ni Coco ha. Two consecutive weeks ng nasa top spot. PASABOG! Congrats, Coco.🙂

Si Jetti at Nessa ay pasok na pasok din sa Powerful 3. Lumakas talaga sila this week! Grabe na itong major twist na ito. Last week, wala silang dalawa sa top 3. Pero ngayon, PAK na PAK!🙂

Palakpakan din natin ang natitirang dalawang finalists na pasok sa Top 10! Sila ang kukumpleto sa ating pasabog at nakakalokang Top 10 na maglalaban-laban muli sa Friday!

Congratulations kina (in no particular order):

______________________

Allen, 22, Valenzuela

_____________________

Rog, 27, Caloocan

____________________

And there you have it fans! Sila ang bumubuo ng ating pasabog na Top 10!!! Each of them is still in the running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model!

Sa Friday (July 13) ang formal presentation ng Top 10! Ang theme sa Friday ay STOLEN SHOT. Alam naman natin, ang tunay na kagandahan ay higit na nakikita sa panahong hindi ka handa humarap sa camera. Dito na natin malaman kung sino ba ang may tunay alindog at sino yung umaangulo lang. Masaya ‘to!🙂

Ang mga kasali sa Top 10 ay kailangan ding magpasa ng short write-up about themselves and their particular advocacy. I’m sure, gusto na ng fans na makilala ang pagkatao ng mga models sa puntong ito. Kaya naman, i-best ang write-up para makuha ang puso ng fans. Painit na nang painit ang labanan kaya dapat pasabog lagi!

Send your entry and write-up to yourstrulymadma@yahoo.com. Deadline is tomorrow (July 12).

Isang malugod na pagbati sa ating Top 10!

Yours truly,

Madma

P.S. Marami pang nakaabang na pasabog sa YTMNTM! Abangan ang pasabog nating Celebrity Judge sa Friday! Hindi n’yo na naman ito kakayanin.🙂

And since pumasok na tayo sa Top 10, magkakaroon ng MAJOR twist sa YTMNTM. Ano ang twist na ito? Malalaman n’yo sa Friday. Sinisigurado kong ang twist na ito ang mag-aangat ng level ng competition na ito. Kaya sa ating mga finalists, KUMAPIT KAYO!

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

P.P.S. Nasa Bohol pala ako bukas until Sunday with my parents! Bibisitahin ko ang mga kababayan natin sa Bohol. WOW. Politician din ang peg ha.🙂 Excited na ako makita ang bonggang bonggang Chocolate Hills! Gusto na din mahawakan ang mga cute na cute na tarsier. Promise hindi ko sila gugulatin. OR.🙂 Excited na ako for tomorrow. Humanda ka Bohol! Madma is ready to conquer you.🙂

38 thoughts on “YTM’s Next Top Model: 2nd Elimination Night (Part 2)

  1. Magsasagawa ng rally ang mga Madma Cum Laude sa pagkakatanggal ni Jill. Hindi ‘to pwede!!! WOW. Bayolente din ha.

    Jill…😥
    Ohwell. Panalo ka pa rin samin. Ang taas ng Mona Lisa aminin mo yan.🙂

    Congrats naman sa mga nakapasok, lalo na kay Jetti!!! Go go go, buong-buo na ang suporta namin sayo!!!😀

    • Sad din talaga at wala ng representative ang Madma Cum Laudes.😦 Pero aminin mo, bet na bet mo din talaga si Jetti. Itodo na ang suporta sa kanya. haha Ang fierce din kasi talaga ni Ma’am. haha

  2. sana naman magkawild card. WUW. ayaw ding iaccept ang reality hahaha!🙂 Thanks kay deathbymilktea and renzyd! Since si renzyd asa Canada, si deathbymilktea na lang yung may free voucher sa acewaterspa.🙂 Sila yung very vocal sa pagsupport sa akin e so wala ng aangal. Give me your email addy naman🙂

    Ang taas ng Monalisa aminin nyo. Mejo chararat lang talaga yung mga bumoboto tsk tsk. HAHA Joke lang!

  3. lakas maka-reality TV nitong YTMNTM ah! very shock-elimination ang pegging nung pagkatanggal kay Jill. personally, i find her picture dark (literally, and figuratively), mysterious, haunting and… uhm… dark. personally ulit, i would have chosen Jill over Allen… but then again… malaki ang porsyento ng fan-votes, so this should serve as a reminder for everyone na IBOTO NYO ANG INYONG MANOK (manok talaga. mala-pugad naman ang hair ni Jill eh).
    ayan lang.
    daming sinabi.
    lakas ni coco! partida grad pic! (last round creative shot… ano kaya ang next for him sa stolen pic round??!)
    Congrats top/tough 10!
    Congrats Keempee!🙂

    Thank you Madma, CJ, Adbokasya and Shaira.🙂

    • Hi Nessa, i’d like to take this opportunity to tell you na hanga ako sa iyo sa kumpetisyong ito. Seryoso ako. Sinusubaybayan ko ang mga comments mo and sa iyo ko lang nafi-feel na you are genuinely enjoying this entire process, and at the same time, staying humble by responding to and taking in the judges’ (and other readers’) comments. Sana yan ang tunay mong pagkatao at hindi pakitang-tao lang… feeling ko naman hindi. Hihihi.
      Sana malayo ang marating mo sa YTMNTM — tipong kayo ni Keempee sa Finals, ganyan…
      I’m rallying for Keempee as a friend/creative director (wuw), tapos kuya-kuyahan ko si Flip (uy, na-touch si flip, hihi), but you also have my support. O, ha?!
      Anyway, yan lang muna. Sana pasabog ang picture mo sa next round!

      #madmaLikesThis

      • Hello Jspot,

        Wow. First and foremost, thank you for taking time to create such a heart-felt post. Naramdaman ko yan.🙂

        Maraming salapat. This really made my night / mornight.

        Thank you for your support.

        I am really happy to be here, Jspot. I feel that I am on a mission. I have causes to shout out, and I see this as a good venue to. Madma also changed my life, for the better. I realized the bright opportunities that will be laid on my way when I had my paradigm shift.

        I hope you’d get to read my write up.🙂 I am more excited about it than on the photo that I’d submit. Yikes!

        Jill, Mars, although we aren’t together here now, know in your heart that whatever ‘win’ i accomplish, may it be until this cut off only or tumuloy tuloy, kasalo kita.🙂 I am thankful to you too, for introducing me to YTM.

        Madma, alam mo yan. Salamat sa opportunity.

        Di ko maalis ngiti ko. Mastolen shot nga! Hehe.

        <3, Nessa

  4. KASABAY NG MONTHSARY NAMIN ANG PAGKAELIMINATE KAY JILL AT KTI. Waaaaaaaa!!!!! LAKAS MAKA #Jamich. Hehehe…. CHAR.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s