YTM’s Next Top Model: 3rd Elimination Day (Part 1)

Dear fans and followers,

*Clap, clap, clap. Natapos na ang botohan kagabi para sa stolen shot round ng Yours Truly, Madma’s Next Top Model. Almost 1,000 votes nationwide rin ang pumasok para sa round na ito! Super thanks sa lahat ng mga bomoto at sumuporta sa kauna-unahang modelling search sa blogging world na YTMNTM hatid sa atin ng Adbokasya at ng Dolled up by J.C. Cantos.

Welcome sa ating third Elimination Day! Nagdulot din talaga ng nakakalokang result ang major twist na naganap sa YTMNTM. Sa mga hindi pa aware, nagbago na ang ratio of judging sa competition na ito sa paglalayong maiangat ang antas ng labanan ng mga models. The ratio of judging is now divided into: Panel Judges (50%) and Fan Votes (50%). Equally powerful na rin talaga ng judges at ang fans! Dito natin higit na masasala ang karapat-dapat na tanghaling first Ultimate Grand Winner ng YTMNTM. Malaking challenge ito sa mga models kasi hindi na lang sila dapat sikat, dapat din ay quality ang mga entries na ipapasa nila. This is a perfect balance between fame and quality. Kaya naman, ang lupit at ang tindi ng labanan ngayon! What the fuck!

After pagsamahin ang boto ng mga judges (50%) and the people’s vote (50%), gusto kong ipakilala sa inyo ang 4 finalists na nasa SAFE ZONE for this week. Ang apat na finalists na ito ay pasok na sa Top 9 at lalaban na naman sa panibagong round sa Friday. Again, hindi sila yung Top 4 ha. Sila lamang yung mga finalists na nasa Safe Zone at pasok na pasok na sa Top 9 sa Friday.

Kaya naman, congratulations sa 4 finalists na nasa Safe Zone (in no particular order). Shout ouch naman sa kanila!!!

____________________

Jeff,22, Malabon

________________________

Rog, 27, Caloocan

______________________

Paris, 24, Quezon City

_______________________

Nessa, 24, Paranaque

_____________________

CONGRATS ulit sa inyo. All of you are still running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model! Pasok na kayo sa Top 9!

I-send n’yo na sa akin ang iyong pasabog entry para sa next round. Again, ang theme natin sa Friday is “MY FAVORITE HUMAN EMOTION.” Kailangan i-model n’yo ang inyong favorite emotion. Dapat ma-feel namin ang emosyon na ito ha. BE CREATIVE! Itaas n’yo ang level ng mga entries n’yo! I-apply n’yo ang mga comments ng fans and judges. Kailangan din ng short write-up kung bakit ito ang favorite emotion n’yo. PLEASE, huwag kalimutan ang WRITE-UP!

Deadline of submission is tomorrow (July 19).

Yours truly,

Madma

P.S. Mamaya ay mamalaman natin kung sino ang  model na magpapaalam sa YTMNTM! Malalaman din natin mamaya kung sino ang Top 3 na pinakamalalakas sa round na ito. ABANGAN n’yo ‘to! Ang tindi ng labanan this week! Nakakaloka talaga!

Maraming salamat sa ating pasabog na Celebrity Judge for this week na si Direk Nick Olanka. ;)  Masaya ang YTMNTM team na maging part ka ng show na ito. Salamat sa pasabog at maanghang mong comments para sa ating mga finalists. ;)  Salamat din sa ating resident judges na si Mr. Rogelio Estacio Jr. at Ms. J.C. Cantos. :)

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

P.P.S. Shout ouch naman sa aking GF na si Jenny Melgarejo! Ang saya din talaga ng “girl bonding” natin ha. Yung mga topics natin ha, pasabog din talaga. I love you, GF. Nice to see you again.❤

13 thoughts on “YTM’s Next Top Model: 3rd Elimination Day (Part 1)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s