YTM’s Next Top Model: 3rd Elimination Night (Part 2)

Dear fans and followers,

HUMATOL na muli ang taumbayan.

NAGSALITA na ang ating mga hurado.

Sa ating 10 finalists, sino ang uuwi na?

Welcome sa third Elimination Night ng sikat na sikat at kinababaliwang Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito po ang nakakalokang modeling search sa blogging world na handog sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.

Alam kong sabik na sabik na kayong malaman ang matatanggal na modelo sa gabing ito. Ako din, excited na mag-announce. Talaga namang nakakaloka ang naging resulta for this round dahil na rin sa major twist na naganap sa YTMNTM. Sa mga clueless pa rin kung ano ba ang major twist na ito, gusto kong iapaalam na nagbago na ang ratio of judging sa YTMNTM sa paglalayong maiangat ang antas ng labanan ng mga models. The ratio of judging is now divided into: Panel Judges (50%) and Fan Votes (50%). Equally powerful na rin talaga ng judges at ang fans! Dito natin higit na masasala ang karapat-dapat na tanghaling first Ultimate Grand Winner ng YTMNTM.

Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 10 finalists ng YTM’s Next Top Model ang magpapaalam. Nakakalungkot man subalit kailangan nating magtanggal ng 1 model tonight. Sigurado akong maraming malulungkot kasi napamahal na rin ang lahat ng mga finalists sa ating lahat.

Kaya naman, sama-sama tayong magpasalamat at magpaalam kay:

___________________

Allen, 22, Valenzuela

“Wuw! ganda rin talaga ha? la ako masabe, amboring nung picture eh. parang makapag-pasa lang. reminds me of “Loving Yours Helen” ,,, kasi parang anluma tapos blur blur. nubayan, mas appreciate ko yung last week, mas pasabog yun! at yung write-up. nagsimula sa “About me? “..hahahah tawang-tawa ako. kasi parang live, parang tanga. I salute you for being a cool teacher. kailangan pa natin ng mga ganyan sa lipunan. and sana yung kagustuhan mo sa streetchildren ay may askyon din.”Mr. Rogelio Estacio Jr., General Manager, Adbokasya.

“Round1 (profile) + round2 (headshot) + round3 (stolen shot) = fail.” – Ms. J.C. Cantos, Dolled up by J.C. Cantos.

“Lakas makadalaga ng make-up mo ah. Gusto ko yung softness. Ang problema ko lang ay walang dating ang photo na ito.” –Direk Nick Olanka, ABS-CBN and Star Cinema.

_______________________

Hindi po ginamit ng ating mga judges ang kanilang SAVE POWER kaya si Allen ay tuluyan nang magpapaalam. Sa totoo lang, naging hati ang mga judges sa paggamit ng save power para kay Allen. Since hindi naging unanimous ang decision, si Allen ay eliminated na sa YTMNTM.😦

MARAMING salamat sa iyong pagsali at pagiging bahagi ng makasaysayang YTMNTM. salamat sa pinakita mong tapanag, husay at galing. Hangad namin ang inyong tagumpay sa anumang landas na inyong tatahakin.

Mahal ka namin. Mahal ka ni Madma.🙂

_______________________

At ngayon, nais ko ding ipakilala ang tatlong nangungunang finalists sa stolen shot round. Sila ang tatlong naging pinaka-makinang among the 10 finalists! Shout ouch naman sa members ng “Powerful 3!” Ibang-iba din talaga ang Powerful 3 ngayon compared to last week dahil na rin sa major twist sa YTMNTM! Ang pasabog talaga ng show na ito. Very unpredictable! KALOKA!!!

CONGRATULATIONS and let’s give it up for (in order):

__________________________

Jetti, 28, Quezon City

______________________

Flip, 27, Mandaluyong

_________________________

Coco, 24, Quezon City

_______________________

Sila ang ating Powerful 3 for this week! Grabe, naagaw na ni Jetti ang korona kay Coco bilang number 1 model! Super lakas ni Jetti sa round na ito, both sa fans and sa judges. Binabati ka namin, Jetti.🙂

Si Flip din ay naagaw ang korona kay Nessa sa 2nd spot! KALOKA! Welcome sa Powerful 3, Flip! First time mo mapunta rito, aminin mo! Galing!🙂

Congrats din Coco for securing the 3rd spot! Lakas mo pa rin talaga, Ma’am! PASABOG KA!🙂

Palakpakan din natin ang natitirang dalawang finalists na pasok sa Top 9! Sila ang kukumpleto sa ating pasabog at nakakalokang Top 9 na maglalaban-laban muli sa Friday!

Congratulations kina (in no particular order):

______________________

Keempee, 20, Tarlac

_____________________

Angelica, 24, Laguna

________________________

And there you have it fans! Sila ang bumubuo ng ating pasabog na Top 9!!! Each of them is still in the running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model!

Sa Friday (July 20) ang formal presentation ng Top 9! Ang theme sa Friday ay  “MY FAVORITE HUMAN EMOTION.” Kailangan i-model nila ang kanilang favorite emotion. Dapat ma-feel namin ang emosyon na ito ha. BE CREATIVE!🙂

Kailangan din ng short write-up kung bakit ito ang favorite emotion. PLEASE, huwag kalimutan ang WRITE-UP! :) I’m sure, gusto pa ng fans na mas makilala ang pagkatao ng mga models. Kaya naman, i-best ang write-up para makuha ang puso ng fans. Painit na nang painit ang labanan kaya dapat pasabog lagi!

Send your entry and write-up to yourstrulymadma@yahoo.com. Deadline is tomorrow (July 19).

Isang malugod na pagbati sa ating Top 9!

Yours truly,

Madma

P.S. Marami pang nakaabang na pasabog sa YTMNTM! Abangan ang pasabog nating Celebrity Judge sa Friday! Hindi n’yo na naman ito kakayanin.

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

P.P.S. Live na Live pa rin ang 2nd Video Blog ni Madma! Salamat sa lahat ng mga nakapanood. Sana ay natuwa kayo.🙂

Sa mga hindi pa nakaka-avail, PANOORIN NA!

I-click ang link na ito para mapanuod ang PASABOG video blog ni Madma:http://www.cge.tv/watch/ae23594a-581b-4f10-aef2-491bde28eb43

52 thoughts on “YTM’s Next Top Model: 3rd Elimination Night (Part 2)

    • hi urbandud.. haha grabe naman yung nanghina. hahaha… kaloka… walang panghihinang nangyari, physically ha. O sa ranking ba? haha… keri lang sa result, =) happy pa rin no matter what… making it this far is pasabog na.. ngayon lang ulet ako nakacheck neto.. haha. Hi guys, thanks sa support at congrats sa top 9.. =) group huuggsss.. loveyah.. =) besst

      • Coco!!! Congrats sa pagkuha sa 3rd spot! Grabe, first time na nawala sa iyo ang korona! Anong masasabi mo rito?! haha LABAN next round! Mabawi mo pa kaya ang korona? Alamin natin ang susunod na kabanata. Go, Coco! Excited na kame sa next entry mo!❤

      • hahaha… happyng happy ako madma. Jusko wala akong issue, dedma na sa mga text threats.. o ha.. hahaha… (yes may text threats na rin tayo lately) hahaha… I would agree naman sa result. Congrats jetti (oi di to showbiz ha, totoo to.) at flip. and the rest. Loveyah madma, lovyeah fans and everyone. =)

      • Congratulations, Coco. Your votes definitely saved you. Kudos to you and/or to your voters.

        P.S. What’s with the ellipses? Omitted words from a quote in your reply? Leapt from one topic to another?

  1. Hey Madma! Holla! I’m so glad with the results ha! Iba din talaga ang nagawa ng twist. Pero alam mo may nasagap akong chika from a very reliable source re: YTMNTM. Gusto ko yung nagagamit ko yung re: haha!

    Ang sabi ng isang very reliable source eh may isa daw contender na naisip na mag quit before? OMG! Ganun kataas ang pressure! Buti naman at di siya nag-quit nang tuluyan. Friend ko pa naman siya.

    • OMG!!! Paano mo nalamang ang chikang ito?! NAKAKALOKA ka! Well, mayroon talagang isang contender na gusto na mag-quit dati. Pero huwag na nating pangalanan. haha Lakas maka-blind item nito oh! wahaha

      • Omg! Malakas ang kutob ko sa kung sino ang nagquit!!! Pero I theeenk marami rin ang gustong malaman kung sino to! Clue naman kanisha at madma!!! Siya ba kasama pa sa Top 9 or tanggal na..feeling ko kasi ano… Hehe

      • @jayrestacio naku masyadong obvious kapag simabi ko kng nasa top 9 pa po eh. Sabihin na nating may kapangalan siyang artista. Hahaha! Ang vague pa rin yata.

      • COCO Martin, ANGELICA Panganiban, ALLEN Dizon, JEFF Santos, PARIS Hilton, KEMPEE deleon, VANESSA del moral, So pito lang ang choices natin. (dinibdib)

  2. Hi Madma, comment lang, very limiting po yung “HUMAN Emotion”. Pwede po bang idamay na pati feline, canine, bovine, equine emotions, ganyan? Kasi, di nyo na po maitatanong, ang pambato ng mga TarlaKenya, Keempee, ay may lahing hayop. domesticated naman po sya. for consideration lang.
    Char!
    Congrats Keempee! Nagbunga naman ang vigil ng mga kababayan mo!🙂
    Salamat Adbokasya, JC Cantos, Direk Nick Olanka and Madma!

    • WAHAHAHA! Tawa ako nang tawa sa comment mo, Jeff! Grabe ginigising mo ang dugo ko! ahaha Nakakatuwa namang maraming kayang emotion si Keempee. Pero, stick muna tayo sa HUMAN. haha Masasabing malakas ang naging vigil n’yo ha. Positive result din! Congrats at buhay na buhay pa rin ang manok mo, Jeff! Sana naman, MAS PASABOG yung next entry ni Keempee. SANA LANG. haha

    • Wahahaha. Sabihin na nating “naka-sched” na rin talaga ang group photoshoot. hahaha Bonding naman! Grabe! Sali ka next season. Yung gravatar mo ay bongga ha. Pasok na pasok sa theme for next round which is human emotion. haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s