Madma Sings “Love On Top”

Dear fans and followers,

Avail n’yo naman itong “pambawi” ko sa inyo sa pagkawala ko sa mga nakalipas na araw. I think ito na ang tamang panahon para ipa-avail ko sa inyo ang isa ko pang pasabog talent: SINGING!🙂 Yes, Madma can sing too. And can birit as well. Alam n’yong required sa Diva ang magaling bumirit! Ang perfect ko na ‘no? Ang dami ko ring kaya so matatanggap ko kung gusto n’yo na akong ipaligpit. Napakarami talagang talent ni Madma. Zero man sa love life, super talented naman. Grabe yung “super!” Ang fair din ni Lord! Masasabi.😉

Ito nga pala ang version ko ng nakamamatay na song ni Beyonce na “Love On Top!” Kingina rin ni Beyonce! Hayop sa galing! Gawa sa marmol ang lalamunan at lungs! Pero no offense ha, mas idol ko pa rin si Regine Velasquez. :) Talaga namang naulol ako sa pagkanta ng “Love On Top.” OA sa taas ang song! Pwedeng ikamatay kapag nagkamali! First time ko kantahin ito ng buo at parang ito na rin yung last time! Muntik na mapatid ang ugat ko sa lalamunan. Salamat naman Lord at hindi n’yo ako pinabayaan.🙂

Super hilig ko talaga ang singing lalo na pagkanta sa videoke! Naging tambay rin talaga ako ng mga KTV houses noong kabataan ko pa. Ngayon, bihira na ko makanta sa mga KTV houses kasi dami na ring ibang ginagawa. Kaya naman, kapag may nagyaya, GO AGAD!🙂 Ang video na ito ay kuha sa birthday celebration ng ating resident judge sa YTM’s Next Top Model na si Ms. J.C. Cantos. Kasama ko rito ang mga pasabog barkada ko from UPLB.  Ang name pala ng group namin ay Kepzquad. Lakas maka-bastos, ‘di ba?! Shout ouch naman kina Ms. Kti Alibanban, Ms. Kristy Ann Texon and kay Mr. Robby Benson Torres na kumuha ng video na ito. I love you, guys! 🙂 In fairness to me, hindi ko alam na na-video pala ang winning moment na ito. Super thanks, B!

Uunahan ko na kayo, hindi ito masyadong best kasi nga di ko alam masyado yung song! Babawi na lang ako next time. Grabe yung babawi pa ulit!🙂 Makikita n’yo naman sa video na nangangapa ako. Gusto lang talaga ipa-avail sa inyo yung “birit” ala Madma. Huwag kayong masyadong umarte ha. Enjoyin n’yo lang. Bawal nega! Sana naman ma-appreciate n’yo ang special number ko na ito. Partida ha, nakaupo lang ako while singing this deadly song! Paano na lang kung tumayo pa ako! Yabang din ha.

Ito na ang world premiere ng version ni Madma ng “Love On Top!”

CLICK THIS LINK to watch the pasabog video of Madma as a DIVA: http://www.youtube.com/watch?v=e5c3-ryvs_U

Enjoy!!!😉

Yours truly,

Madma

P.S. ABANGAN mamaya ang nakakaloka nating Elimination Special sa YTM’s Next Top Model! MALOLOKA KAYO! Magpapaalam na tayo sam isa sa mga models natin later.😦 Excited na rin akong i-reveal ang members ng Powerful 3 for this round! SUPER PASABOG! Avail n’yo ‘to mamaya!

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya, (Create A Statement, Wear Your Advocacy) and Dolled up by J.C. Cantos, the personal make-up artist of Mr. Richard Gutierrez.

17 thoughts on “Madma Sings “Love On Top”

  1. out of tune sa first minute pero nabawi ng very light after that! kaya mo pa yang iimprove, Madma! goodluck!

    • wahaha. Nakakatawa yung “LoveOnBottom!” wahahaha Sorry naman sa pagiging out of tune sa unang bahagi. Hindi ko kasi talaga alam itong kanta. Pero aminin mo, yung birit ha! hahaha Hayaan mo, gagawa ako ng bagong version. haha

  2. Hi Df! ❤ sorry sobrang busy ko these past few days. At alam mo bang magkatabi tayo matulog nung Tuesday wahahaha. Grabe tulog na tulog ka ng dumating ako at tulog na tulog naman ako nung umalis ka malamang. Ang galing ng video! Bravo!!😀 I miss you Df! wow ginawang facebook

    • Salamat naman at nagustuhan mo ang video.❤ Medyo paos pa ako d'yan eh. WOW. haha Salamat din sa pag-catch up! Ang sweet mo talaga at lagi kang may time sa YTM. Bonding tayo soon! Miss na kita, pota ka!

  3. Di ka fair, Madma. Nung magkatabi tayo, konting chika lang over Fita ang exchange. Heto at star ka na, di ka naman nagpasabi. Oh well, we have the Darna Madma to keep naman…Ha! may access din ako bwehehe…Post mo nga, Madz!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s