YTM’s Next Top Model: 4th Elimination Night

Dear fans and followers,

The fans have voted.

The judges have spoken.

Sa ating 9 na finalists, sino ang uuwi na?

Welcome sa fourth Elimination Night ng sikat na sikat at kinababaliwang Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito po ang nakakalokang modeling search sa blogging world na handog sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos. Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 9 finalists ang tuluyang magpapaalam. Almost 1,000 votes nationwide ang pumasok para sa round na ito! BEST! Super thanks sa lahat ng mga bomoto at sumuporta sa YTMNTM. Hindi rin talaga kayo bumibitaw ha! Love it!

Alam kong sabik na sabik na kayong malaman ang matatanggal na modelo sa gabing ito. Ako din, excited na mag-announce. Pero bago ang announcement, gusto kong sabihing naging napakainit at napakatindi ng laban sa round na ito. Ang daming mga bagong kaganapan na ngayon lang natin nasaksihan. YTMNTM firsts kumbaga. May mga models na biglang hataw! From the bottom ay talaga namang biglang rumatsada pataas. Sadly, may mga models din na biglang lagpak from consistently being in the top spot  sa mga nakaraang weeks. May mga bagong crowd and judges’ favorites for this round. May mga bago ring mga members ng chararat team. Iba talaga ang show na ito. UNPREDICTABLE! Nakakaloka.

Nakakalungkot man subalit kailangan nating magtanggal ng 1 model tonight. Sigurado akong maraming malulungkot kasi napamahal na rin ang lahat ng mga finalists sa ating lahat. Aamin ko, napakahirap ng mag-eliminate ngayon. Ang best na rin talaga nila. Ramdam na ramdam ko yung passion at dedication nila para sa online show na ito. Lahat sila magagaling! Lahat sila may kanya-kanyang unique character and strength. Iba-ibang flavor ang ino-offer nila and yet best! Haaay… ang arte nung “haaay…”

Enough of the arte. Ito na! Tanggalan na. Mga fans, sama-sama tayong magpasalamat at magpaalam kay:

_________________________

Rog, 27, Caloocan

“Dear, you have to learn a thing or two about photo cropping from Jeff. While I totally accept advocacies and activism in any form, I think it’s about time you take the competition a bit more seriously and really step it up. While I admire the passion you have for the things you stand up for, I just wish you have the same fire to win this thing. I just don’t feel it yet. The picture has too much elements – and too little of you. You aren’t even the focus of the picture – you just happened to look at the camera at the right Kodak moment. One-fifth of you got cropped out na nga eh. It just pains me cos it would totally turn the other way if you are alone in the picture wearing the exact same everything.”Mr. Sanriel Chris Ajero, Film and TV Critic.

“I like the advocacy and the group picture.”Ms. J.C. Cantos, Dolled up by J.C. Cantos.

“Gustung-gusto ko ang mga ipinaglalaban mo! And I love the emotion that you convey. Pero I miss you in a solo shot. Please pass a solo picture sa susunod, para maka-focus kami sa iyo.”Mr. Rogelio Estacio Jr., General Manager, Adbokasya.

________________________

Hindi po ginamit ng ating mga judges ang kanilang SAVE POWER kaya si Rog ay tuluyan nang magpapaalam.😦

MARAMING salamat sa iyong pagsali at pagiging bahagi ng makasaysayang YTMNTM. Salamat sa pinakita mong tapang, husay at galing. Hangad namin ang inyong tagumpay sa anumang landas na inyong tatahakin. Ipagpatuloy mo mo ang napakagandang adbokasya mo para sa Kalikasan. Mabuhay ka, Rog!

Mahal ka namin. Mahal ka ni Madma.🙂

________________________

At ngayon, nais kong ipakilala ang tatlong nangungunang finalists sa round na ito. Sila ang tatlong naging pinaka-makinang among the 9 finalists! Shout ouch naman sa members ng “Powerful 3!” Ibang-iba na naman members ng Powerful 3 ngayon compared to last week!  Ang pasabog talaga!!! KALOKA!!!

CONGRATULATIONS and let’s give it up for (in order):

_________________________

Jetti, 28, Quezon City

______________________________

Keempee, 20, Tarlac

_________________________

Nessa, 24, Paranaque

__________________________

Sila ang ating Powerful 3 for this week! Grabe, ayaw paawat ni Jetti! Two consecutive weeks na siyang nasa No. 1 spot!!! LAKAS!!! I would like to personally commend your entry, Jetti. BEST! This is what the show is all about!  :)

Nakabalik din si Nessa sa Powerful 3! Last week medyo nalaglag si Ma’am. Welcome back, Nessa. Napakaganda ng entry mo sa round na ito. Wala akong masabi.

And of course, congrats kay Keempee! First time n’yang makapasok sa Powerful 3! Grabe yung powerful na si Ma’am! Ang saya saya ng entry mo this week. Natatawa ako everytime na tinitingnan ko. Happiness indeed.😉

Palakpakan din natin ang iba pang models na pasok sa Top 8! Sila ang kukumpleto sa ating pasabog at nakakalokang Top 8 na maglalaban-laban muli sa Friday!

Congratulations kina (in no particular order):

_________________________

Paris, 24, Quezon City

___________________________

Coco, 24, Quezon City

_________________________

Jeff,22, Malabon

______________________________

At gusto ko ring ipakilala ang ating BOTTOM 2 for this round. Sila yung naghingalo at medyo muntik muntik na. Naging crucial ang kanilang standing para sa round na ito both sa fans and sa judges pero lusot pa rin. Pasok na pasok pa rin naman sila sa Top 8 natin at lalaban sa Friday. Laban lang!🙂

Congratulations kina (in order):

_____________________________

Angelica, 24, Laguna

____________________________

Flip, 27, Mandaluyong

____________________________

And there you have it fans! Sila ang bumubuo ng ating pasabog na Top 8!!! Each of them is still in the running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model!

Sa Friday (July 27) ang formal presentation ng Top 8! Ang theme sa Friday ay PAMBAHAY SHOT! Kailangan i-model nila ang kanilang pasabog pambahay outfit sa mismong bahay nila! O, di ba. Matindi ‘to. Dito natin makikita kung sino ba talaga yung fierce pa rin kahit naka-pambahay lang. So, sa ating Top 8 finalists, simulan n’yo na mag-shoot or maghanap ng best photo n’yo wearing your best pambahay outfit! Go!!!

Kailangan ulit ng WRITE-UP para sa next round. Very simple lang naman ang topic. Sabihin n’yo lang ang favorite activity n’yo kapag nasa bahay kayo and why! ‘Yan lang naman. Gusto pa namin kasi kayong makilala kaya pinasok na rin namin ang mga bahay n’yo! Galingan sa write-up. Alam n’yong may hatak din ito kahit papaano.🙂

Send your entry and write-up to yourstrulymadma@yahoo.com. Deadline is tomorrow (July 26).

Isang malugod na pagbati sa ating Top 8!

Yours truly,

Madma

P.S. Marami pang nakaabang na pasabog sa YTMNTM! Abangan ang pasabog nating Celebrity Judge sa Friday! Hindi n’yo na naman ito kakayanin.

Maraming salamat sa ating pasabog at napakapoging Celebrity Judge for this week na si Mr. Sanriel Chris Ajero.  Ang best ng comment mo! May mga petition ng gawin kang resident judge sa YTMNTM! Gusto mo ba yun?! Iba rin talaga ang alindog mo ha! Masaya ang YTMNTM team na maging part ka ng show na ito. Salamat sa pasabog at maanghang mong comments para sa ating mga finalists.  sa uulitin.😉

Salamat din sa ating resident judges na si Mr. Rogelio Estacio Jr. at Ms. J.C. Cantos.

YTM’s Next Top Model is sponsored by Adbokasya and Dolled up by J.C. Cantos.

P.P.S. Shout ouch naman kay Mr. Rich Kayle Villanueva at sa lahat ng mga officemates n’ya sa SEAOIL. Balita ko marami raw readers ng YTM d’yan ha. SALAMAT sa pagtangkilik!🙂 Sana hindi i-block ng IT n’yo ang blog ko.🙂 Padala naman kayo ng gas! Grabe! Ubos na yung gasul namin.😉

54 thoughts on “YTM’s Next Top Model: 4th Elimination Night

  1. Nakakalungkot naman yung pagkatanggal ni Rog.😦
    Pero ipagpatuloy mo lang ang iyong mga advocacies. Kailangan ng Pilipinas ng mga taong gaya mo.🙂

    Congrats Jetti! Deserve na deserve mo naman talaga ang TOP SPOT! Sabi nga ni Ms JC Cantos, I’m sure babastusin mo na naman ang mga contestants sa next round!😀 #BastusanNa :p

  2. Hahaha. Boss! Wow. First of all congratulations to the top 8 finalists.

    Haha. Medyo ecstatic kami dito ng batchmates ko after reading your greeting. Haha. Lakas niyo dito eh. Parang bagyo lang.

    And ma’am, ibang oil company ang Gasul. Define ‘ouch’ in ‘shout-ouch’. Hahaha! Kidding. Thank you, still. More power!

    P.S.

    Ma’am, Rich Kayle po. Hahaha!

  3. Maraming salamat po sa mga judges and judgers! Salamat rin po sa aking mga friends and family na bumoto!🙂 Shout ouch sa nanay ko na nag-birthday last Sunday. I love you, Mamsy!

    Magandang morning!🙂

  4. Grabe yung PAMBAHAY SHOT! Shout ouch kay JETTI… Jetti, so far, lahat ng entries mo are either glam or editorial. If you nail this next round, ewan ko na lang!
    MADMA, kung pasabog nanaman ang entry ni Jetti for the pambahay shot, palitan mo na ang pangalan ng pa-contest na’to: YTM’s Search for the Second-Top Model! Labanan na lang lahat sa second spot kasi si Jetti na ang karapatdapat manalo.

    Keempee, laban tayo dito – pambahay daw! itsura mo pa lang, forteng-forte na! naghihintay na ang fans sa entry mo.

    • wahaha. Excited na ako sa mgas entries for tomorrow! Balita ko ay may “bomba” na papasabugin si Jetti. haha Sana naman pasabog yung entry ng manok mo na si Keempee. Hindi naman sa pagju-judge na physique n’ya, I think forte n’ya talaga ang next round. Matindi ang labanan bukas!!! woooh!

  5. ang husay mo ROG! mas pinili mong hindi mag-shine sa photo para maipahayag ang iyong pinapaniwalaan at ma-sentro ang mga tao sa usapin ng kawalan ng hustisya sa bansa… salamat na rin kay Madma sa pagbibigay nya ng espasyo sa mga adbokasiyang katulad ng pinaglalaban mo…

    #dumadami na pala ang fans ni madma sa boarding house. may boardmate na nga ako ditong gusto syang pakasalan. babae nga lang ito Madma. gusto mo?

    • Rog is lurve! Mahal natin si Rog sa YTM. Napakaganda ng adbokasya n’ya at napakaganda n’ya.❤ Shout ouch naman sa mga readers ng YTM sa boarding house n'yo! wahaha Grabe yung pakasalan. Sayang naman babae. Busy ako usually kapag ganyan ang case eh. WOW. TAAS! wahaha Salamat, Boykamot.❤

  6. Bye Botch. I love you! Ikaw ang tunay na mukha ng advocacy!! Mahihiya ang iba sayo. Yung iba chararat lang talaga pagdating sayo. Anyway congrats Miga!! UP REP rules pa din! I love you guys. Sorry very busy talaga!

  7. Btw, natanggal na talaga ang Batch 03-A (Jill Dax and Rog) sa pacontest na ito.😦😦😦 Pero alam mong sinuportahan ka namin ng todo DF!

    Hay, sana may wildcard. WUW. Sobrang pushyness.

    Anyway, bye now. Wala bang advice session? Wala bang may problema ngayon? Ba yan… puro YTMNTM. Wuw bitter. LOL.

    • wahaha. May mga pasabog payuhan next week. Abangan mo ito. Salamat sa Batch 03-A sa pagiging bahagi ng YTMNTM. Tib ay din ni Rog ha. Lumaban talaga. haha Abang ka lang sa wildcard. MALAY mo. hahaha Love you, DF.🙂

  8. Last na pala. Congrats din kay Keempee. Sana magkita na tayo, Hindi ko pa napipirmahan sig sheet mo. Chos! Ano bang event nyo ngayon? OMG. Alumni Homecoming. Sabog! Anyway, congrats keep it up!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s